Home / Romance / Mapanganib na Pagbabago / Chapter 241 - Chapter 250

All Chapters of Mapanganib na Pagbabago: Chapter 241 - Chapter 250

331 Chapters

Kabanata 241 Huli Ng Dumating Ang Pagmamahal Ng Pamilyang Ito

Sobrang nagulat si Madam Dunn na tinignan niya ang tao sa kanyang harapan na para bang nakakita siya ng multo. "Anong sinasabi mo?" Nahirapan siyang sabihin ang bawat isa niyang salita. Sinabi ni Jane ang lahat ng kanyang nalalaman sa simple at matipid na paraan. "Ganoon na nga. Kahit na maniwala kayo o hindi, hindi ako ang anak mo, kaya hindi ko maililigtas ang anak mo. Hindi kulang sa pera ang mga Dunn at lalong hindi kayo kulang sa koneksyon. Sa mga koneksyon niya, naniniwala ako na makakahanap siya ng match para sa anak mo kung talagang gusto niya siyang iligtas. Kung maski ang mga Dunn ay walang mahanap na match para sa kanya, ibig sabihin kahit ako na isang tiga-labas ay hindi kayang iligtas ang anak mo." Kalmadong tinapos ng babae ang kanyang pangungusap. Kung hindi masyadong gulat si Madam Dunn sa sandaling ito, kung papansinin niya ang mukha ni Jane, mapapansin niya ang kalungkutan na nasa likod ng kalmado at walang pakialam na panlabas ni Jane. Kung… Iyon nga lang, wala
Read more

Kabanata 242 Pinipilit Siya Ng Lahat

Nagkaroon ng anak sa labas ang tatay mo. Nagulat si Jane. Nagulat siya talaga sa pagkakataong ito. Tumingin siya kay Madam Dunn… Ang miyembro ng pamilyang ito… Ang miyembro ng pamilyang ito ay talagang…! Hindi niya siya itinuturing na kabilang sa mga Dunns at hindi na niya dala ang apelyidong Dunn, di ba? "Nagmamakaawa ako sayi, Jane. Please!" Naluluhang nagmakaawa si Madam Dunn. Nakakatawa ito para kay Jane. Nakangiti pa nga siya. Habang nakangiti siya, nagsimula ring tumulo ang mga luha niya. "Jane?" Kumurap ang mga mata ni Madam Dunn. Hindi niya maintindihan kung anong ibig sabihin ng pagtawa at pag-iyak ng kanyang anak. "Ikaw…" Palakas ng palakas ang paghalakhak ni Jane sa harap ni Madam Dunn. Sa dulo ng pagtawa niya, tumutulo rin ang kanyang mga luha. Umupo siya sa lupa, hinawakan niya ang kanyang tiyan, at kinaway niya ang kanyang kamay kay Madam Dunn. "Pinapatawa mo talaga ako ngayon, Madam Dunn. Dapat kang parangalan." Biglang nanlaki ang mga mata ni Madam Dunn.
Read more

Kabanata 243 Krisis Sa Stewart Industries

Pagbukas ng kanyang mga mata, isang maputla at puting silid ang lumitaw sa kanyang paningin. "Gising ka na?" "Ray Sierra?" Lumingon siya sa paligid para masanay ang kanyang mga mata sa maliwanag na sikat ng araw sa labas ng bintana. Hindi siya nagtanong kung bakit siya nasa ospital. Naputol ang kanyang mga alaala. Ngayon na gising na siya, unti-unti nang bumabalik sa kanya ang mga pira-pirasong alaala na iyon. Naaalala niya na. Si Madam Dunn. Mabagal niyang tinanong ang tao sa kanyang tabi. "Nasaan siya?" "Wala dito si Sean." "Si Madam Dunn ang tinutukoy ko." Narinig ni Ray ang sinabi niya at kaagad siyang nagalit. "Hindi ba ganoon kaimportante si Sean sa puso mo na hindi siya maikumpara kay Madam Dunn?" Ngumisi siya. "Jane Dunn, minahal mo ba talaga si Sean Stewart?!" Kung minahal niya siya, paano niya nagagawang umasta na para bang wala siyang pakialam? Nang marinig ni Jane ang mga salitang iyon, parang gusto niyang matawa sa loob-loob niya. Tinignan niya na
Read more

Kabanata 244 Malayo Sa Magandang Sitwasyon

Tahimik ang gabi. Ang isa sa mga palapag ng Stewart Tower ay maliwanag na naiilawan. Ito ang lugar na sumisimbolo sa lakas ng mga Stewart. Sa harapan ng mesa, isang lalaki ang mabilis at galit na nagtytype sa keyboard. Ang bawat isang Klik ay parang isang malakas na hukbo ng sundalo na nagmamartsa sa lapag. Sinalamin nitong maigi ang sitwasyon. Parang mga kutsilyo ang madidilim na mga mata ng lalaki. Matalas ang mga ito habang nagpapalipat-lipat ito sa bawat kanto ng screen ng kompyuter. Tatlong taon ang nakakaraan, pinalayas niya si Old Master Stewart mula sa Stewart Industries. Sa tatlong taon na iyon, nagpatuloy siya sa pagpapalawak, pero ngayon, nagawang makapuslit ng ilang mga tao na may masamang intensyon. Naglagay sila ng mga espiya sa iba't-ibang bahagi ng malaking Stewart Industries. Noong nagpunta siya sa Erhai, nagkaroon ng pagkakataon na magprotesta ng old master sa pamamagitan ng pakikigsanib-pwersa sa mga taga-loob at tiga-labas. Magaling! Sobra! Kasabwat
Read more

Kabanata 245 Walang Malay Sa Sarili Kahit Bago Mamatay

Malaking bagay ang shareholder meeting ng Stewart Industries. Hindi lang sa konektado ito sa mga shareholder at senior executive, pati mga taga-labas ay kinakabahan na naghihintay para rito. Kung ang Stewart Industries ay isang malaking nilalang, si Sean naman ang emperador na nasa taas ng lahat sa tuktok ng malaking nilalang na ito. Ano pa ba ang mas nakakaawa para sa mga tao maliban sa panoorin ang isang nag-iisang emperador na itinapon sa mundo ng mga mortal kung saan mabubuhay lang siya na mas mababa pa sa dumi? Stewart Industries. Sa loob ng meeting room. Sa bilog na meeting table, maagang dumating ang karamihan sa mga shareholder at matiyagang naghihintay sa may mesa. Pagkatapos ng ilang bulong-bulungan, kinatawan ni Don Jenkins ang lahat ng mga shareholder at tumayo. "Old Master Stewart, nakarating ka na." May mga koneksyon si Don sa parehong tiga-loob at tiga-labas. Alam niya kung paano kumilos ng mabilis. Nilapitan niya ang old master nang may ngiti sa kanyang mga
Read more

Kabanata 246 Siya Ay Sobrang Pagod

Sa bilog na lamesa, lahat ay may kakaibang ekspresyon sa kanilang mukha.Hindi nagbago ang mukha ni Sean.Pero kahit na magaling siyang magtago, kita pa rin ng mga tao ang maputla niyang mukha.Ang iba ay mukhang nakakaintindi. Mukhang hindi naging madali ang huling sampung araw ni Sean.Tulad ng dapat niyang gawin dahil maraming nangyari sa sampung araw lang.Sa loob, ang Stewart Industries ay humaharap sa krisis ngayon.Sa mga taga labas, iniwan niya ang asawa niya at kinulong ang inosenteng anak ng mga Dunn.Noong unang panahon, si Sean Stewart ay parang Diyos, pero ngayon siya ay pinapaalis ng altar.Binuksan ng Old Master Stewart ang kanyang bibig. “Sa huling pagkakataon, tatanungin kita.”Bago pa makapagsalita ang old master ng kahit ano, nagsalita si Sean Stewart.“‘Wag ka magtanong,” ang lalaki sa tabi niya ay matigas na nagsalita ng may malinaw na boses.“Alam ko ang gusto mong itanong sa akin.” May pares ng itim na mata ang timingin sa galit na titig ng old maste
Read more

Kabanata 247 Iyang Isang Pangungusap Na Iyan Ay Sobra Ang Ibig Sabihin

Natulog si Sean buong gabi at buong araw.Tinawagan ni Elior ang manor sa pangatlong beses. Ang butler na sumagot sa tawag ay ginamit ang kalmado at robotic niyang boses para sabihin paulit-ulit na hindi pa gising ang kanyang Sir.Himala ito.Hindi makapaniwala si Elior.Ngunit ang ganitong bagay ay hindi kailan man nangyari kay Sean ay nangyayari na ngayon.Madyo naiirita si Elior.Wala siyang oras para asikasuhin ang mga bagay-bagay, kaya iniwan at hinayaan niya ang lahat. Ang bago niyang Mustang ay nasa underground na garahe. Pagkatapos humarurot ng makina, umalis na ang sasakyan.Hindi ganun kamahal ang Mustang. Nasa tatlo hanggang limang daang libo lang. HIndi ito tinuturing na luxury car ni Elior. Ngunit ang mga taong alam ang mga kotse ay alam kung gaano kasaya magmaneho ng ganung klaseng sasakyan lalo na kung humaharurot ito sa kalsada.Ngunit, sa puntong ‘to, ang bagong sasakyan ni Elior ay hindi nakuha ang atensyon niya.Trinato niya itong Passat at nagmaneho na papu
Read more

Kabanata 248 Jane Humingi Ka Ng Tulong Ka Mr. Stewart

Erhai, YunnanMemory Homestay.Sa araw kung kailan na discharge si Jane, sinundan siya ni Ray pabalik sa Memory Homestay nang hindi nahihiya. Ginamit niya ang kaakit-akit niyang mukha para sulsulan si Jojo na i-check in siya.Gustong ilayo ni Jane ang batang babaeng ‘to dito.Ngunit, nalaman niya lang ‘to nang tapos nang mag check in si Ray.Inosente si Jojo pero ayaw siyang kausapin o bigyang pansin ng boss niya.Nang makita ni Jojo ang gwapong mukha ni Ray, nabigo siya.“Boss nandito nanaman ang matandang babae.”Nasa bar si Jojo nang makita niya ang nakakairitang tao.Sinilip ni Jane ang tao sa dulo ng mata niya at pinikit niya ito. Napagdesisunan niyang ang hindi pagpansin dito ay kaligayahan.Hindi gusto ni Jojo si Madam Dunn. Hindi ganun katanda si Madam Dunn pero tinatawag pa rin siya ni Jojo na ‘matandang babae’.Kinamumuhian din ni Madam Dunn si Jojo hanggang sa mangati ang ipin niya dahil sa pagmumukha nito pero titigan lag ng masama ang kaya niyang gawin sa loko-l
Read more

Kabanata 249 Siya Ang May Pinaka Malabot Na Puso

Bang!Namuti ang mukha ni Madam Dunn.Pakiramdam niya naglalakad siya pabaliktad sa hangin. Gulat ang kanyang mata at nagpapanik siya.“Wala akong choice! Kung hindi pagbibigyan ni Sean ang Dunn Group at si Joseph. Magiging kaawa-awa ako sa hinaharap.“Sa tingin mo ba gusto kong tulungan ang matandang bastardo na Joseph na y’un?”“Ang kapatid mong si Jason ay nakaratay pa rin sa ospital!”“Kung malugi ang Dunn Group, at katapusan na ng matandang bastard na y’un, paano na lang ang gastusin sa ospital ng kapatid mo?”“Kahit na gumaling ang kapatid mo, walang matitira sa’tin!”“Siya ang young master ng mga Dunn. Hindi siya kailan man nakaranas ng kahirapan simula pagkabata. Ang paligid ay malawak, anak siya ng mayamang magulang niya na hindi kailan man nag-alala tungkol sa pagkaubos ng pera. Tapos biglang mawawala lang lahat.”“Sino na lang ang rerespeto sa kanya sa paligid? Paano niya titiisin ‘yun?”“Si Joseph ay talagang walang kwentang g*go pero kung matapos siya, paano kaya
Read more

Kabanata 250 Nagmamakaawa Ka Ba O

Beep.Nang tumunog ang malamig at mababang tono sa malamig na opisina, ang tunog ay hindi lang binasag ang katahimikan ng opisina, binasag din nito ang kakaibang atmospera doon.Ang payat na lalaki ay tumiti sa screen ng phone sa lamesa. “Okay lang ba?”Umangat ang tingin niya at tinignan niya ang kahanga-hangang lalaki sa kabilang gilid ng lamesa na nakaupo sa upuan.Kahit na tanong it, halata namang wala itong pakialam kung okay lang o hindi ba ito para sa tao sa tapat niya.Bago pa may sabihin ang lalaki, ang mahaba at malamang daliri ay sinagot ang tawag sa phone na nasa lamesa.Pagkatapos pindutin ni Ray ay dia button, makikita sa screen na ang tawag ay tumuloy. Tahimik niyang inabot ang phone sa nagiintay na mahinang kamay.Nanginginig ang kamay ni Jane. Wala siyang sinabing kahit ano. Ang mata niya ay namumula dahil pinipigilan niya ang nagbabadya niyang emosyon.Sa loob ng opisina ng CEO ng Stewart Industries, ang lalaki sa likod ng lamesa ay walang marinig na boses sa
Read more
PREV
1
...
2324252627
...
34
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status