"How's your work, anak?" kaswal na tanong ng ina niya habang kumakain sila ng hapunan.Saglit siyang natigilan at nag-angat ng tingin dito."Ahm... hrmp... I resigned, Ma." aniyang muling nagbaba ng tingin at umiwas sa mga mata nito."What?! Again?! Ano ba talaga ang gusto mo, Leighana? Kaha-hire mo lang two weeks ago, then now, nag-resign ka na naman? Ano, balak mo bang pasukan lahat ng ospital dito sa Metro Manila?"Lihim na pina-ikot niya ang mga mata niya sa sinabi ng ina, at walang buhay na bumuntong-hininga.Alam naman na nito kung ano ang gusto niya. Subalit mistula itong bingi na pilit na ipinipilit kung ano ang gusto nito.Sabagay, hindi naman niya ito masisisi. Mag-isa sila nitong itinaguyod na magkapatid. Pinagtapos siya nito sa kursong medisina, at ngayon, malalaman at mararamdaman niya na hindi naman iyon ang gusto niyang gawin?"Ma, you know what I really want,""And I think, that's
Last Updated : 2021-04-08 Read more