"LEIGHANA..." muli ay mga katok na naman ng ina ang nagpagising sa kanya.
"Urgh! Ano'ng oras na ba?" disoriented pang tanong niya sa sarili, iniangat niya ang ulo mula sa padapang pagkakahiga at halos hindi pa maidilat ang mga matang luminga-linga. "Shit! Madilim pa sa labas, ah.""Leighana.." muli ay tawag ng ina sa labas ng pinto ng kwarto niya at sinundan ng mas malalakas na katok."Ma.." paos pang balik sigaw niya."Open the door."Kahit nahihilo pa sa antok ay pinilit niyang bumangon at tinungo ang pintuan. Nang mapatingin siya sa orasang nakasabit sa dingding ng silid ay lalong tila gusto niyang manlata."Seriously? Alas singko pa lang ng madaling araw! No wonder, madilim pa sa labas." iiling-iling na ipinagpatuloy niya ang paglapit sa pintuan.Nang mabuksan niya ang pintuan ay tumambad sa kanya ang tila iritado nang hitsura ng ina."Morning, Ma. Bakit po?" pupungas-pungas pang bati niya rito."Bakit po? Really, Leighana, you're asking me that?" nag-angatan ang mga kilay nitong sabi.Nagtatanong pa rin ang mga matang nakatingin lamang siya rito. Masyado pang maaga, at hindi pa yata gumagana ang brain cells niya."Ngayon ang interview mo sa Dela Vega Doctors, don't tell me nakalimutan mo na?" lalong tila magbuhol na ang mga kilay nito."Ma, hindi ko po nakakalimutan." aniyang padaskol na nagkamot ng ulo. "Pero naman po, Ma, alas ocho po ang interview ko, alas singko pa lang po." reklamo niyang lumakad nang pabalik sa loob ng silid at naupo sa kama, kakamot-kamot pa rin ang ulo.Pahalang siyang muling nahiga sa kama at namaluktot. Hindi na siya nagtaka nang muli niyang marinig ang boses ng ina'ng alam niyang kasunod niya."Leighana Alexandra, bumangon ka na riyan! Baka tanghaliin ka, nakakahiya kay Atticus." kulit pa rin nito.Nakuha ng pangalang binanggit nito ang atensyon niya. "Atticus? Akala ko po ba si Tita Gigi ang mag-i-interview sa akin?" kunot-noong iniangat niya ang ulo at nilinga ang ina."Oh, I'm sorry, I forgot to tell you, anak. Tumawag ang tita Gigi mo kagabi, ang sabi niya may biglaan siyang meeting in Davao. Sabi ko nga, okay lang naman kung ire-schedule ang interview mo today, but she insisted na ituloy na raw, but instead of her, her son Atticus will do the interview." mahabang paliwanag ng kanyang ina. "Nakilala mo na siya noon, anak. Naisama na siya rito ng titi Gigi mo. I think you were barely five years old, then. And he was around.. eight? or nine.." dagdag pa nito ngunit hindi niya maalala."Hindi ko na po maalala, Ma." umiiling pang sabi niya at muling ibinaon sa malambot na kama ang mukha."Oh, don't worry, makikilala mo rin siya mamaya. Kaya bumangon ka na riyan at maligo ka na, bababa na ako at ihahanda ko ang almusal mo." anitong tinapik pa ang pigi niya.Ungol lang ang tanging naisagot niya rito at hindi pa rin tumitinag sa pamamaluktot sa kama."Leighana...""Opo... babangon na po." halos paungol niya pa ring sabi."Bumangon ka na riyan, ha." ani pa nito bago tuluyang lumabas ng silid niya."Opo."Sa totoo lang ay masakit pa rin ang katawan niya hanggang ngayon. Pero siyempre, hindi niya masasabi sa ina iyon. Wala nga siyang ibang ginagawa sa bahay bukod sa maghugas ng pinggan, sasakitan pa siya ng katawan? Paano niya naman ipaliliwanag iyon sa ina nang hindi ito magtataka?Nagpalipas pa siya ng ilang minuto bago iinot-inot na bumangon at pumasok sa banyo upang maligo."URGH! Sabi ko na nga ba, ang aga ko, eh." inis na sa loob-loob niya.Nasa lobby siya ngayon ng ospital na sinabi ng ina na pag-aari raw ng asawa ng tita Gigi niya. Alas siyete y media pa lang. Maaga pa rin siya ng treinta minutos."Mas maganda na iyong maaga, kaysa late ka. Nakakahiya naman kung mauna pa sa iyo 'yong mag-i-interview sa iyo." tila naririnig niya pa'ng sabi ng ina bago siya umalis ng bahay kanina."Hays. Kesa naman hulas na ako pagdating ng interviewer ko." inis na sa isip niya. Inilabas niya ang cellphone niya at naisipang libangin niya na lamang ang sarili.Nagtanong na siya sa guard kanina kung saan ang opisina ng hospital Director. Ang sabi ng ina ay doon daw siya pinadederetso. Mabait naman iyong itinuro sa kanya.Pagdating niya roon ay naroon ang sekretarya ng Director at sinabing hindi pa raw dumarating ang hinahanap niya. Ipinaiwan na rin nito sa kanya ang mga dokumentong dala niya.Naisipan niyang maglakad-lakad na muna upang makita na rin ang mga facilities sa ospital na iyon.At nang mapagod siya ay naisipan niya nga munang maupo sa lobby ng ospital. Babalik na lamang siya roon sa opisina mamaya, menos diyes bago mag-alas ocho.Tutok na tutok siya sa cellphone niya nang wala sa loob ay nag-angat siya ng tingin papunta sa pintuan.Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang lalaking kapapasok lang sa entrance ng ospital. Nakangiti pa nitong mahinang tinapik ang guwardiya na bumati rito at tuloy-tuloy nang pumasok sa loob. Mabuti na lamang ay sa pinakasulok niya napiling maupo.Siya yun!Hindi siya maaaring magkamali.Hindi man malinaw niyang nakita ang mukha nito noong gabi sa bar, dala ng nainom niya, ay nakita niya naman kahit kalahati ng mukha nito kinabukasan mula sa pagkakadapa nito sa higaan.At base sa pagkabog ng dibdib niya, sigurado siya.. siya yun!Ang lalaking ipinagdasal niyang hindi na sana makatagpo ng landas kahit kailan."Oh, my God! Ano'ng ginagawa niya rito? May pasyente kaya siyang dinadalaw sa ospital na ito?"Nang mawala ito sa paningin niya ay nagmamadali siyang tumayo ay tinungo na ang daan papunta sa opisina ng Director. Mabuti pang doon na lamang siya maghintay. Mahirap nang magpakalat-kalat, baka bumalik ito at makita pa siya.Pagdating niya ay matamis niyang nginitian ang sekretarya ng Director at naupo hindi kalayuan dito. Ayon dito ay kadarating lamang daw ni Dr. Atticus dela Vega. Naipasa na raw nito ang mga documents niya. Maghintay lamang daw siya at maya-maya ay ipatatawag na siya nito.Hind niya alam kung ang malakas ba'ng lagabog ng dibdib niya ay dahil sa magaganap na interview, o dahil pa rin sa pagkakakita niya kay Ziv kanina."Focus, Leighana! Focus!" sigaw ng utak niya. Huminga siya ng malalim at pilit na kinalma ang sarili. Hindi makakatulong sa kanya ang nararamdaman niya.Nang tumingin siya sa relong pambisig ay alas ocho na. Ilang sandali na lamang ay papapasukin na siya ng mag-i-interview sa kanya.Hindi nga naglipat-saglit ay tumunog ang intercom ng sekretarya. Magalang ngunit malambing itong sumagot sa nasa kabilang linya bago ibinaba iyon at tumingin sa kanya."Dra. Maniego, puwede na raw po kayo'ng pumasok sa loob." nakangiti nitong sabi sa kanya."Thank you." aniyang nakangiti rin.Kahit ang totoo ay parang gusto na niyang masuka sa kaba."Shit! Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit hindi maalis-alis ang kaba ko? Biset na lalaking 'yon, bakit ngayon pa napiling magpakita sa akin." inis na kausap niya sa sarili.Hinagod-hagod muna niya ang dibdib bago huminga ng malalim at saka pa lamang kumatok sa pintuan."Puwede ka na po'ng pumasok Doktora." singit ng sekretarya.Nilingon niya ito at muling nginitian bago dahan-dahang pinihit ang seradura at unti-unting binuksan ang pinto.Pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa kanya ang ubod ng laki at lamig na opisina. Nakatalikod ang swivel chair ngunit alam niyang may taong naka-upo roon at hawak ang folder na agad niyang nakilala na sa kanya. Mukhang binabasa nito ang credentials niya."Close the door, and come in." ani'ng baritonong tinig nito.That voice!Pamilyar sa kanya ang boses nito. Lalong tila minamaso sa kaba ang dibdib niya."Oh, please God, do not let it be." piping panalangin niya.Wala sa loob na halos mangatog ang mga tuhod niyang lumapit dito. Huminto siya nang nasa tapat na siya ng mesa nito.Tumikhim muna siya upang alisin ang tila sapot sa lalamunan niya bago binati ito. "Good morning, Sir."Kahit may kutob na siya ay kulang ang pagsabing nalaglag ang panga niya nang umikot ang swivel chair at tumambad sa kanya ang taong nakaupo sa likod niyon. Parang gusto niyang bumuka ang lupa at kainin na lamang siya nang oras ding iyon."Good morning, Dra. Maniego. Or do you prefer me calling you, My Lexie?" hindi niya alam kung ngiti o pang-uuyam ang nakapagkit sa labi nito na tumayo at iniabot ang kamay sa kanya.Sumara, bumuka ang mga labi niya sa kawalan ng masasabi. Wala sa loob na tinanggap niya ang kamay nito.Ramdam na ramdam niya ang init na hatid ng kamay nito lalo na nang mariin pa nitong pisilin ang kamay niya."Y-you are Atticus dela Vega?" sabi niya nang maapuhap ang boses."The one and only!" sarkastiko pa ring sabi nito."Bu-but...I t-thought... your name's--""Ziv Atticus dela Vega, at your service, baby." nakangising sabi nito. Hawak pa rin ang kamay niya."Leche kang tadhana ka! Hindi magandang biro ito, ha!" aniya sa isip niya sabay lunok."Well," angat ang kilay na untag nito. "Have a sit, Lexie.""Y-yung kamay ko po, Sir." aniya at tiningnan ang kamay niyang tila ayaw na nitong bitiwan."Oh, I would not mind doing the interview, while holding your hand, Lexie." anito na bibigyan pa siya ng pang-toothpaste commercial na ngiti.Mas bagay ditong maging modelo kaysa doktor."Hrmp... I prefer, Dra. Maniego, sir." aniyang hindi tumitingin dito. "And please, iyong kamay ko po."Nagkibit ito ng balikat at binitiwan ang kamay niya bago muling bumalik sa pagkaka-upo. "Yeah? Why so formal, my Lexie? I don't think we have to be formal with each other. You see, we already had--""Dr. dela Vega!" nanlaki yata pati butas ng ilong niya dahil sa palagay niya ay kasunod na sasabihin nito. "I-i... ahm... c-can't we just forget what happened that night?" nauutal na sabi niyang hindi pa rin tumitingin dito.Kunot ang noo'ng mataman siya nitong tinitigan. "Do you think it was that easy, my Lexie? Gayong pagpasok mo pa lang sa pintuang iyan, wala na ako'ng ibang gustong gawin kundi ulitin ang mga nangyari noong isang gabi. Damn woman, alam mo ba'ng hindi ako sa kwarto ng condo ko natulog kagabi dahil ayaw ako'ng patulugin ng ala-ala mo roon?"Mariin ang pagkakasabi nito ngunit bakit parang tumitindig ang mga balahibo niya sa bawat katagang binibigkas nito?"Oh, please... Dra. Maniego or Dra. Leighana! Just please, stop calling me Lexie. I am not Lexie, and definitely, I am not your Lexie. At nakiki-usap ako, kalimutan na natin ang nangyari. Lasing ka, lasing ako, so, it happened. Siguro naman, sa dami ng babaeng naka-one night stand mo, hindi na mahirap para sa iyo na kalimutan na lang ang nangyari sa atin." parang maiiyak na niyang sabi."Really, huh? Let us see." pormal na sabi nito. "Now, Dra. Maniego, let us proceed." masungit na ang aura nitong sabi.Aaminin niyang kahit papaano ay gusto niya iyon. Mas gugustuhin niya ang magsungit ito kaysa ipilit na ipa-alala ang nangyari sa kanila.Ang mga sumunod na sandali ay tila normal na interview na lamang ang namagitan sa kanila. Nakakapaso pa rin ang init ng mga tingin nito ngunit laking pasasalamat niya na hindi na ito bumabanggit ng kahit na ano tungkol sa nangyari.Nang matapos ay pormal pa rin ang ekspresyon nito na isinara ang folder niya na nasa harapan nito at mataman siyang tinitigan."Thank you, sir. Kung tapos na po tayo, I think, I have to--""Do you really think I will let you go, that easy, Lexie?" matiim ang mga matang nakatingin ito ngayon sa kanya. "Bakit ka umalis nang walang paalam nang umagang iyon?""Oh, please... Dr. dela Vega--""I am asking you, Lexie."Tila nanghihinang bumuntong-hininga siya at tumingin dito. "Please, let us not talk about it." himig paki-usap na sabi niya rito.Bumuntong-hininga naman ito at tumango. "Yeah." tila sumusuko nang sagot naman nito. "What is important now, is you are here." bahagya nang nagliwanag ang kanina ay madilim na aura nito.Frustrated na napapailing na lamang siya.Tama ba na nag-apply siya sa ospital na ito? Kapag nagtrabaho na siya rito ay lalo niya itong hindi maiiwasan.Parang ayaw niya na tuloy ituloy ang application niya. Initial interview pa lang naman. Huwag na kaya siyang tumuloy sa final interview.Ngunit paano naman ang Mama niya? Paano niya ipaliliwanag iyon sa ina? Tiyak na hindi ito titigil hanggat hindi nalalaman ang totoong dahilan."Urgh! Leighana, kasi naman, eh. Bahala na nga." aniya sa sarili at bumuntong-hininga."Ahm... kung tapos na tayo, a-alis na ako." alanganing paalam niya sabay tayo.Nagtaka pa siya nang tumayo ito at lumigid sa kinaroroonan niya."Okay. Let's go." tila kaswal na sabi nito sabay hawak sa kamay niya at akmang aakayin na siya papunta sa pintuan nang hawakan niya ng mahigpit ang kamay nito sabay hila pabalik, upang makuha niya ang atensyon nito.Nagtatanong ang mga matang nilingon siya nito."Ano'ng let's go? S-saan tayo pupunta?" naguguluhang tanong niya."Ihahatid kita." tila walang anumang sagot naman nito."Bakit mo ako ihahatid?"Bumalik ang kunot sa noo nito na para ba'ng hindi na siya dapat nagtatanong at normal lang na ihatid siya nito."I mean.. hindi mo naman ako kailangang ihatid." ewan niya kung bakit nagpaliwanag naman siya.Tumiim ang tingin nito sa kanya at sa isang iglap, sa panlalaki ng mga mata niya ay nasa baywang na niya ang mga kamay nito at sakop na nito ang labi niya.Tinangka niya itong itulak ngunit tila siya nagtutulak ng pader sa tigas ng dibdib nito.Nang kapwa na sila tila pangangapusan ng hininga ay saka lamang nito binitiwan ang labi niya. Ngunit hindi pa rin ito lumalayo sa kanya. Ipinagdikit nito ang noo nila at tila habol pa rin ang hiningang pumikit.Amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito na pumapaypay sa balat ng mukha niya.Maya-maya ay dumilat ito at tumitig sa mga mata niya. "You're hired." anas nito at muling inangkin ang labi niya."OH..." ungol niya nang maramdaman ang labi nito na tila bampirang sumisipsip sa leeg niya habang ang mga kamay nito ay mariing nakakapit sa magkabilang balakang niya, hinahatak siyang papalapit. Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman pagsalubong ng ibabang katawan nito sa kanya bago marahan siyang muling inilayo at muling kinabig papalapit. Bawat paglayo at paglapit ng katawan niya ay sinababayan naman nito ng kasalungat na mosyon habang patuloy lamang ito sa paghalik sa parteng leeg niya.They are actually making love with their clothes fully on!Kahit unti-unti nang nadadarang ay inipon niya ang lahat ng natitirang katinuan sa isip niya at mabuway itong itinulak. "Z-ziv..."Naramdaman niya ang pagngiti nito sa leeg niya."Kailangan lang pala kitang halikan para tawagin mo ako sa pangalan ko, pinatagal ko pa." tukso nito sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang pagngisi nito sa balat niya."D-dr. dela Vega... please," mas
"LET'S talk, Leighana." ani Ziv sa malamig na tinig."W-wala tayong dapat na pag-usapan." malamig din niyang sagot na pilit na binabawi ang kamay niyang mahigpit pa rin nitong hawak.Halos marinig niya ang pagtatagis ng mga bagang nito. "Alam mong meron, Lexie." idiniin nito ang pagbanggit ng pangalan niya sabay lingon sa kapatid niyang naroon pa rin at tila nagtataka sa pinag-uusapan nila."Wait, Lexie? Wow, ate, kailan ka pa naging Lexie?" nakangiti nang singit ng kapatid niya.Inirapan niya lang ang kapatid at muling binalingan si Ziv ng matatalim na tingin. Tila hindi naman ito natigatig na tumayo na'ng hawak pa rin ang kamay niya.Narinig niya ang mahinang pagsipol ng kapatid niya. Nang lingunin niya ito ay sa magkahawak na mga kamay nila ni Ziv nakatuon ang mga mata nito.Naiiling na tumayo na rin siya at nagpa-akay sa binata palabas ng dining area. Hindi niya na pinansin ang nanunuksong mga ngiti ng kapatid."
"HEY..."Wala sa loob na nag-angat ng tingin si Leighana kay Ziv. "Relax, will you?" huminto ito sa paglalakad at hinawakan siya sa braso. Lumipat ang mga kamay nito sa magkabilang balikat niya at pilit siyang iniharap dito. "It's not, as if, dadalhin kita sa opisina ni Mommy at ipakikilala kita bilang girlfriend ko." anitong may pinipigil na ngiti sa mga labi.Sukat sa narinig ay pinalis niya ang mga kamay nito at inirapan ito.Totoong kinakabahan siya. Sa hindi niya mawaring kadahilanan ay hindi niya mapigilan ang pagkabog ng dibdib niya. Alam niyang mabait ang Tita Gigi niya, at hindi nito kokondenahin ang walang abog na pagtanggap agad sa kanya ng anak nito sa ospital na iyon.Aba, eh, ni hindi siya dumaan sa second and final interview, ah. Oh, she did and pass the exams, for filing purposes, according to Ziv. Para daw hindi siya mahanapan ng butas ng mga kasamahan niya sa trabaho.Pero, ewan ba niya. Talagang kinakabahan siya sa pagharap sa Mo
"DAVAO?! Leighana, ang layo n'on! Oh my God, i'll call your Tita Gigi, baka sakaling mapakiusapan ko pa siyang huwag kangi-assign doon." ani ng Mama niya nang sabihin niya rito ang tungkol sa pagkaka-assign niya sa Davao."Ma, 'wag na po, nakakahiya.""Pero anak, ang layo ng Davao. Mag-isa ka lang d'on, hindi ko yata kakayaning mawalay ka sa paningin ko ng ganoon katagal.""Ma, malaki na po ako. Hindi na ako bata. Kaya ko na po. And besides, trabaho naman po ang ipupunta ko r'on. Pipilitin kong maka-uwi t'wing may pagkakataon ako. And, puwede n'yo rin naman po akong dalawin d'on anytime you want." pagpapalubag niya sa kalooban ng ina.Kung sakali ay ito ang unang pagkakataon na mawawalay siya rito. At inaasahan niya nang hindi magiging madali ang pagpayag nito."Pero iba pa rin yung nandito ka. Iyong nasusubaybayan kita. Paano kung pagod ka na sa trabaho? Sino ang magluluto ng kakainin mo? Sino ang mag-aasikaso ng mga damit mo? Paano ku
"GOOD morning, Doctors." nakangiting sabi ni Dra. dela Vega nang pare-pareho na silang naka-upo sa harap nito.Nilinga nito ang tatlong brown envelopes na nakapatong sa lamesa nito at dinampot. Nakasulat sa likod noon ang pangalan nilang tatlo."Your flight will be this coming Saturday. You can have Thursday and Friday off, to preapre your things and also to be with your families." nakangiti pa rin nitong sabi. "Inside, are your tickets, and some papers na kakailanganin n'yo para sa pag-transfer sa inyo sa Dela Vega Doctors, Davao." anito at isa-isang ibinigay sa kanila ang envelope na nakapangalan sa kanila, na tahimik naman nilang tinanggap.Nang maibigay na ng Doktora ang lahat ng mga kakailanganin, pati na rin mga instructions sa paglipat nila sa Davao branch at masigurong na-i-indorse na ng maayos ang kanilang mga pasyente ay pinayagan na sila nitong umuwi."Goodluck, Doctors."malapad ang ngiting huling sinabi nito bago sila lumabas ng opisina nito.
SA MISMONG bar kung saan sila unang nagkita ni Ziv, sila nagpunta. Napalunok siya nang mag-salimbayan sa isip niya ang mga nang huling beses na hindi sinasadyang mapadpad siya sa bar na iyon. Ang lugar kung saan ipinangako niyang hinding-hindi na siya tatapak.Tila plakadong bumabalik sa ala-ala niya ang mga pangyayari... na nagpabago ng tahimik na buhay niya.Clide's DenIlang sandaling nakatitig lamang siya sa malaking signage sa harapan ng bar. Pakiramdam niya ay nanunuyo ang lalamunan niya.Nagulat pa siya nang bumukas ang pintuan sa tabi niya. Nang luminga siya ay nakita niya ang nakalahad na kamay ni Ziv."Hey.. are you okay?""Y-yeah.. sorry."Alanganin niyang inabot ang kamay nito at lumabas ng sasakyan."You're cold." nang mapatingin siya rito ay hindi niya mawari kung pag-aalala nga ba ang nababasa niya sa mga mata nito.Tumikhim muna siya bago makuhang sumagot. "I'm... i'm fine."Alang
"YOU see... Atticus and his friends has this crazy game," tila amuse pa nitong ipinaikot ang mga mata. "When attractive women caught their attention, they'll rate her. Whoever has the highest rate, will win." walang anumang pagkukwento nito.Maang siyang napatanga rito. "A-and the p-prize?" aniya nang makabawi. Kahit tila nahuhulaan na niya ang sagot sa tanong niya.She paused, then smiled at her. Smiling as if, she's some kind of stupid, not to know the obvious. "The winner, of course, will be the one who'll pursue her." umiling-iling pa itong parang sinasabing ang slow niya.That explains what happened earlier. Pinag-kasunduan ng mga ito kung sino ang lalapit sa babae.Nang may biglang pumasok sa isip niya ay mariin siyang napalunok. May pilit na gumigiit sa utak niya, ngunit pilit niya rin namang pinapalis.No.They can't do that to her.He can't do that to her.Ayaw niyang isipin na isa siya sa mga babaeng tila isd
NAGISING si Leighana na mabigat na mabigat na naman ang pakiramdam. Pakiwari niya ay kulang na kulang na naman ang itinulog niya. Halos ay lagpas hating-gabi na nang makatulog siya ng nagdaang gabi.Isang buwan na mula nang mailipat siya ng destino sa Davao branch ng Dela Vega Doctors.Noong mga unang araw niya ay medyo excited pa siya, na sa wakas ay tila nakawala siya sa renda ng ina. Nagagawa niya ang lahat ng naisin niya ng wala ang Mama niya upang manaway at manermon sa kanya. Pakiramdam niya ay nakalaya siya. Pakiramdam niya ay nakatayo na siya sa sarili niyang mga paa.Ngunit panandalian lamang pala iyon. Panandalian lamang ang saya. Habang lumalakad ang mga araw ay nami-miss niya ang ina, pati na rin ang kapatid niya.Nami-miss niya ang panggigising sa kanya ng ina tuwing umaga. Ang paghahanda nito ng almusal niya. Ang mga sermon nito na noon ay nakakakulili sa tainga niya, ay himalang hinahanap-hanap niya. Ang pag-aasikaso nito sa lahat ng mga ka
"Z-ZIV... t-this is... w-wrong?! Oh..." halos ay daing niya. Hindi niya napigilan ang pagkawala ng isang ungol nang maramdaman niya ang kamay nito na bahagyang pinisil ang nipple niya, kasabay nang pagpasok ng dila nito sa loob ng tainga niya at bahagyang sipsipin iyon."There's nothing wrong with this, baby." anas nito sa tainga niya."Oh."Nanginig ang buong katawan niya nang maramdaman niya ang kamay nito na humahagod sa kaselanan niya. Gently poking her entrance. Kahit may telang nakapagitan doon ay ramdam niya pa rin ang kilabot na nanunulay sa buong katawan niya."Oh. Z-ziv... baby..." ungol niya at tumaas ang dalawang kamay pakapit sa balikat nito. Ramdam na ramdam niya ang matitigas na laman sa bahaging iyon ng katawan nito.Ngayon lang may humawak sa parteng iyon ng katawan niya. And, God... it feels... good!Hindi niya namamalayang sumusunod na ang pag-imbay ng balakang niya sa bawat paghagod nito. Tila alipin na siya n
KAPWA pagal ang mga katawang magkayakap na nakahiga sina Ziv at Leighana sa kama.Pakiramdam niya ay hindi na niya maikilos ang katawan sa sobrang pagod. Matapos ang unang mainit na pagtatalik ay nasundan pa iyon ng isang beses sa carpeted na sahig naman ng sala, bago ipinasya ni Ziv na pangkuin siya at dalhin sa kwarto.Tila sinulit nito ang tatlong araw na hindi sila nagkasama. Kung hindi nga lamang siguro siya nagdadalang-tao ay baka hindi pa sila tapos hanggang sa mga oras na iyon.Kung nagulat siya sa pagbabagong nakita niya pagpasok sa unit ng kasintahan ay doble noon ang gulat na naramdaman niya nang pumasok na sila sa silid na dating inookupa niya.Halos ay hindi na niya makilala ang silid na pinasok. Iba na ang ayos at hitsura ng buong silid. Mula kulay niyon hanggang sa mga kagamitang naroon ay napalitan na. Wala na rin ang dating pin board na kinaroroonan ng mga larawan ni Ziv at ng dati nitong asawa. Bagkus ay napalitan na iyon ng napakalaking
ABOT-ABOT ang kaba ni Leighana habang naglalakad sa corridor ng ospital papunta sa opisina ni Ziv. Kadarating lang niya sa DLVD Davao, at doon siya ibinaba sa mismong helepad ng ospital.Ayon sa nakausap niya sa reception area ay nasa opisina raw nito si Ziv at katatapos lang ng isinagawang operasyon. Nagulat pa ang mga ito nang makitang naka-maternity dress siya. Hindi pa nga pala alam ng karamihan sa mga ito ang kalagayan niya.Tanaw niya na ang opisinang kinaroroonan ni Ziv nang marinig niyang may tumawag sa pangalan niya.Paglingon niya ay nalingunan niya si Dr. Laxamana na nakangiting papalapit sa kanya. "Sabi ko na nga ba ikaw, eh." anitong ngiting-ngiti."Dr. Laxamana..." bati niya rito.Unti-unting napalis ang ngiti nito nang bumaba ang tingin sa damit na suot niya. "You're... pregnant?"She smiled at him. "Yeah."Naroon pa rin ang pagkamangha sa mukha nito na marahang tumango. Bumalik din kapagkuwa
NAGISING si Leighana sa mahihinang katok, kasunod ng mahina ring pagtawag sa pangalan niya.She recognized her mother's voice."Bukas po 'yan, Ma." mahina niyang tugon at marahang bumangon sa kinahihigaan at sumandal sa headboard ng kama.Alas siyete. Iyon ang nakita niyang oras nang tumingin siya sa nakasabit na orasan.Nakatulog pala siya.Tatlong araw na mula nang bumalik siya galing Davao. At sa loob ng tatlong araw na iyon, aminin man niya o hindi, umaasa siyang bigla na lamang lilitaw sa pintuan nila si Ziv, kagaya ng sinabi ng Mama nito.Ngunit bigo siya.Sa loob ng tatlong araw, ni ha, ni ho, ay wala siyang narinig mula rito.Diyata at sinukuan na siya nito.Sa loob din ng tatlong araw na iyon ay walang palya ang Mama nito sa pagbisita sa kanya. Noong isang gabi ay kasama pa nito ang Papa ni Ziv. Lagi na ay tinatanong nito kung mabuti ba ang kalagayan niya, o, kung mayroon ba siyang nais na kainin. Nakakatawa lan
DAMN IT!Kanina pa tawag nang tawag si Ziv kay Leighana, pero iisa pa rin ang isinasagot ng operator.The number you have dialled is either unattended, or out of coverage area.Nais niya lang sana itong kumustahin, at alamin na rin kung may nais ba itong ipabili, o kaininPagkatapos ng isinagawa niyang operasyon ay dumeretso muna siya sa condo unit niya upang silipin ang progreso ng pagpapa-renovate niya roon.Hindi niya pa binabanggit dito ang tungkol doon. Nais niya sanang gawin iyong sorpresa sa kasintahan. Isa iyon sa dahilan kung bakit hindi pa sila lumuluwas ng Maynila. Gusto niya munang ipakita iyon sa nobya kapag natapos na.Naisip niyang ipabago ang disenyo ng unit niya. Ipinaayos niya iyon ng sa tingin niya ay naaangkop sa panlasa ng dalaga. Ipinabago at ipina-alis niya ang lahat ng mga bagay na makapagpapa-alala dito ng tungkol kay Bernadeth. Ayaw niyang magkaroon pa ng kahit na anong ala-ala ng dating asawa sa lugar.Isa p
KANINA pa hindi mapakali si Leighana. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ng Mama niya matapos nitong malaman na doon siya sa mansyon ng mga Dela Vega naninirahan, kasama si Ziv. Ngunit base sa biglaang panlalamig ng tinig nito nang magpaalam, she knew, she's in big trouble.Huwag nang idagdag pa, kapag nakita siya nito ng personal.Malapit nang mag-apat na buwan ang tiyan niya, at sa tingin niya ay mas malaki ito kaysa sa pangkaraniwan. Kahit pa ano'ng gawin niya ay malabong maitago niya ito sa paningin ng Mama niya.Paroon at parito siya ng lakad sa loob ng silid habang tensyonadong pinagpipingki ang mga daliri. Hindi niya malaman kung kailangan niya bang tawagan si Ziv upang pauwiin ito at sabay nilang harapin ang Mama niya, o, kausapin niya muna ng sarilinan ang ina at siya muna ang magpaliwanag dito ng kinasuungang sitwasyon.Nasa ganoon siyang pag-iisip nang maulinigan niya ang paghinto ng sasakyan sa labas ng mansyon. Sa pag-aakalang ang ina na an
"BABY, wake up... seven o'clock na. May scheduled operation ka at eight thirty." paos pang sabi ni Leighana habang niyuyugyog ang braso ni Ziv na nakayakap sa kanya mula sa likuran. Ang mukha nito ay nakasubsob sa batok niya."Hmm..." patamad na ungol lang ni Ziv. Gumapang ang kamay nito sa walang saplot niyang dibdib at masuyong minasahe iyon habang lalo pang ibinaon ang mukha sa batok niya, and gave her some delicious wet kisses there."Ziv..." hindi niya napigilang iungol ang pangalan nito nang idikit nito ang pagkalalaki nito sa likuran niya at maramdaman niya ang katigasan noon sa wala ring saplot niyang pang-upo.Kapwa sila nakatulog nang walang saplot nang nagdaang gabi matapos ang tila walang kapaguran nitong pagpapalasap sa kanya ng langit sa mga bisig nito. Halos ay madaling araw na nang tigilan siya nito, kung hindi pa niya ipinaalala ritong mayroon itong naka-schedule na maagang operasyon kinabukasan ay wala pa itong balak na tantanan siya.
"OH MY God, Ziv, i'm---cominnnggg... oh!" she deliriously screamed his name in between his powerful thrust."Yeah, baby, just--come... i'm almost there... i'll follow... uhmp!" he replied and thrust harder. He bend his body and reached her inviting buds and sucked it hard, na lalong nagpatindi ng orgasmong paparating.She arched her body to give him more access and held the back of his head for him to dive harder. "Ohh!" with that, she reachedher zenith.Ilang segundong tila nanigas ang katawan niya. Nanatili lamang iyong naka-angat sa tindi ng orgasmo, habang mahigpit na nakahawak sa likod ng ulo ni Ziv na nananatiling nasa dibdib niya, hindi tumitigil sa pagigil na pagsimsim doon. Umulos ito papasok at sandaling tumigil upang bigyang daan ang kanyang orgasmo. Ang isang braso ay nakapulupot sa naka-arko niyang katawan, habang ang isang kamay ay nakadakot sa kabilang dibdib niya, while still sucking her other nipple.Nang maramdaman nitong bahagyang
"HI, Mom, kumusta?" bungad agad ni Ziv nang sagutin ang tawag ng ina."Oh, i'm glad you still know who I am." napangiti siya at napakagat-labi sa sagot ng Mama niya. Bakas ang pagtatampo sa tinig nito.At alam niya kung bakit.Mula nang malaman niya ang tungkol sa pagbubuntis ni Leighana ay iisang beses pa lamang niya itong natatawagan, tungkol pa iyon sa pagre-request niya na magpadala ng panibagong surgeon upang mapadali ang pagluwas nila ni Leighana sa Manila.Hanggat maaari ay iniiwasan muna niyang maka-usap ang ina. Ayaw niyang magsinungaling dito, kung pagsisinungaling man ngang matatawag ang hindi pa muna nila pagpapa-alam ni Leighana tungkol sa kalagayan nito sa mga magulang nila. Alam niyang kapag nalaman ng kanyang ina ang totoo ay hindi niya ito mapipigilang sabihin iyon sa Mama ni Leighana. At iyon ang iniiwasan niya. Gusto niyang igalang ang kagustuhan ni Leighana na personal nila iyong sabihin sa mga magulang nila.