"OH..." ungol niya nang maramdaman ang labi nito na tila bampirang sumisipsip sa leeg niya habang ang mga kamay nito ay mariing nakakapit sa magkabilang balakang niya, hinahatak siyang papalapit. Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman pagsalubong ng ibabang katawan nito sa kanya bago marahan siyang muling inilayo at muling kinabig papalapit. Bawat paglayo at paglapit ng katawan niya ay sinababayan naman nito ng kasalungat na mosyon habang patuloy lamang ito sa paghalik sa parteng leeg niya.
They are actually making love with their clothes fully on!Kahit unti-unti nang nadadarang ay inipon niya ang lahat ng natitirang katinuan sa isip niya at mabuway itong itinulak. "Z-ziv..."Naramdaman niya ang pagngiti nito sa leeg niya."Kailangan lang pala kitang halikan para tawagin mo ako sa pangalan ko, pinatagal ko pa." tukso nito sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang pagngisi nito sa balat niya."D-dr. dela Vega... please," mas dinagdagan niya ang pwersa ng pagtulak niya rito."So, back to Dr. dela Vega again, my Lexie?" anitong tumigil ng paghalik at bahagyang iniangat ang mukha upang matitigan siya ngunit hindi ito pumayag na magkalayo ang mga katawan nila. "God, I missed you!" halos daing na lamang iyon ng lumabas sa lalamunan nito at muling isinubsob ang mukha sa leeg niya. Sa pagkakataong iyon ay nakayukyok lamang ito sa leeg niya."D-dr. dela V-vega... w-we are at the Director's office. Baka may mga CCTV's sa silid na ito." aniyang sinisikap pa ring lumayo rito.She heard him chuckle. Then, gave her neck a smack."Don't worry baby, close kami ng security sa Surveillance Rooms. Nung nakita ko pa lang ang picture mo sa CV mo, alam ko nang hindi ko mapipigilan ang sarili ko. Pina-off ko ang CCTV bago ka pa man pumasok dito. See that?" ngising-ngisi itong tumingala sa bawat sulok ng kisame sa silid na nakakabitan ng mga camera.Hinayon niya ng tingin ang mga iyon at naka-ngangang ibinalik ang nanlalaki pa ring mga mata rito. Inis na hinampas niya ito sa dibdib. "Ziv! Ano na lang ang iisipin ng mga security kung bakit mo pinapatay ang mga cameras?!" nakangiti pa ring nagkibit lang ito ng balikat."I really love it when you are calling me by that name. Ang sarap pakinggan ng pangalan ko kapag ikaw ang nagsasabi." namumungay ang mga matang sabi nito. "Alam mo ba'ng ikaw lang ang tumatawag sa akin sa pangalang 'yan? It was like an endearment, coming from you." nangrarahuyo pa rin ang mga mata nito.Pinandilatan niya lamang ito ng mga mata. Iniisip niya pa rin ang sasabihin ng mga security sa Surveillance Room."What do we care kung ano ang iisipin nila?" angat ang kilay na sabi nito na tila nabasa ang bumabagabag sa kanya. "I just missed you so much, at alam ko'ng makaka-sagabal ang mga camera na 'yan sa mga gusto ko'ng gawin sa'yo." balewalang sabi nito at akmang muli siya yayakapin ngunit mabilis siyang lumayo rito.Agad na nanalim ang mga mata niya sa sinabi nito. "Hindi ako pumunta rito para makipagsex sa iyo, Dr. dela Vega! Hindi ako pakawalang babae." itinaas niya ang noo sa huling sinabi.He twitched his lips in a mocking smile. "Sa tingin ko, ako ang unang-unang nakaka-alam niyan, Lexie."Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha niya hanggang punong-tainga sa laman ng sinabi nito. Nag-iwas siya ng tingin at akmang tutunguhin ang pintuan. "I don't think it was a good idea for me to work here, Dr. dela Vega. Binabawi ko na ang application ko, wala pa naman ako'ng napipirmahang kontrata, so, wala pa ako'ng obligasyon sa ospital n'yo. Thank you for your time, at pasensya na sa abala. Good d--"Ngunit bago pa man niya matapos ang sinasabi at bago pa man siya makalapit sa pintuan ay mahigpit nang hawak ni Ziv ang braso niya at hinatak siyang palapit dito. Sa lakas ng pwersa ay napasubsob pa siya sa dibdib nito."Ano ba?!" singhal niya rito at inis na hinampas ito sa braso."If you think that you can get away from me that easy, think again, Lexie!" nakangisi ito, ngunit ramdam niya ang panganib sa likod ng boses nito."Hindi mo ako mapipigilan. Katulad ng sinabi ko, wala pa ako'ng pinipirmahang kontrata, kaya malaya pa ako'ng magbago ng isip." galit na sabi niya na pilit na binabawi ang braso rito."Yeah. Maybe, you were right. Hindi nga kita mapipigilan. Alright, you may go." nakangisi pa ring binitiwan nito ang braso niya.Naniningkit at puno ng pagdududa ang mga matang tumingin siya rito. Hindi siya naniniwalang ganun-ganon na lamang itong susuko. Nakita niya ang determinasyon sa mga mata nito kanina.Nag-angat ito ng isang kilay at tumingin sa kanya. "What?" tatawa-tawang tanong nito.Lalo niyang pinaningkit ang mga mata sa pagkakatingin dito bago inirapan ito at nagmamartsang tinalikuran ito patungo sa pinto, akmang pipihitin na niya ang seradura nang magsalita itong muli. "See you later, my Lexie."Inis na muli niya itong nilingon at isa pang irap ang iniwan niya rito bago tuluyan nang binuksan ang pintuan at padabog na isinara iyon.Nakita pa niyang napapitlag ang sekretarya'ng naka-upo sa labas at may pagka-tarantang tumayo at tumingin sa kanya."May problema po ba, Doctora?" pagtataka na ang mababakas sa mukha nito.Pinilit niyang magpakawala ng isang ngiti. "N-nothing. Sorry about that." aniya bago malalaki ang mga hakbang na umalis na sa harapan nito.Habang papauwi ay nag-iisip siya kung papaano sasabihin sa ina na hindi siya natanggap sa in-applyan niya. Sana naman ay tanggapin na lamang nito iyon ng maluwag sa kalooban. Ipinangangako niyang maghahanap na siya ng bagong ospital na papasukan at pagbubutihin na niya sa pagkakataong iyon.HALOS ay alas-onse na nang makarating siya sa kanila. Hindi naman kalayuan ang ospital sa bahay nila, naisipan niya lang na dumaan muna sa mall at bumili ng paborito niyang milk tea, para 'ika niya ay mabawasan, kung hindi man tuluyang mawala ang stress na nararamdaman niya.Nasa pintuan pa lamang siya ay naaamoy niya na ang niluluto ng ina. Agad niyang tinungo ang kusina upang batiin muna ito at mag-mano bago umakyat sa silid niya. Mamaya na niya sasabihin dito ang tungkol sa application niya at baka mawalan ito ng ganang kumain.Nang ilang hakbang na lamang ang layo niya sa kusina ay nangunot ang noo niya. May mga kausap ang Mama niya. Ang isa ay nakilala niyang boses ng kanyang kapatid, habang ang isa naman ay tila pamilyar sa kanya. Dagling kumabog ang dibdib niya nang maisip kung sino ang posibleng may-ari ng boses na iyon."Oh, God! You can't be this cruel!"Habang papalapit siya nang papalapit ay palinaw ng palinaw sa pandinig niya ang boses nito. Kung maaari nga lang ay tumakbo na lamang siyang muli palabas ng bahay nila upang matakasan ito. Ngunit nanaig ang kuryosidad kung bakit ito naroon sa bahay nila."Talaga, kuya Atticus? Aasahan ko 'yan, ha? Kapag internship ko na, tatawagan kita, ha. Ilalagay ko sa choices ang hospital n'yo na possible na mapag-internan ko." narinig niyang sabi ng kapatid niya. Mababakas ang tuwa sa tinig nito."Kuya, talaga?" naka-angat ang kilay na sa isip-isip niya habang papalapit sa mga ito."Sure. Tawagan mo lang ako. And, no need for you to get other hospital option, just tell them to send your credentials to us, then, you are in. " nasa pinto na siya ng kusina kaya't nakita niya nang dumukot ng pitaka ang binata at kumuha roon ng calling card nito at iniabot sa kapatid niya. "Here's my card." nakangiting sabi nito.Abot naman hanggang tainga ang ngiti ng kapatid niya. Bakit ba hindi, eh, kilala ang Dela Vega Doctors, hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa iba't-ibang panig ng Pilipinas. Mayroon din kasing branch ito sa iba't ibang mga probinsya. At hindi madaling makakuha ng internship sa ospital na iyon. Ayon sa mga kaklase niya dati sa MedSchool ay tila butas ng karayom ang dadaanan mo para lamang makapag-intern sa ospital na iyon. Metikuloso umano ang mga ito sa pagpili ng intern. Sinisiguro umano ng mga ito na hindi mababahiran ang kalidad ng serbisyo nila ng mga incompetent na intern. Kaya't talaga namang plus points sa kapatid kung makakapasok ito bilang intern doon."Oh, tama na 'yan, kayong dalawa. Tulungan mo na ako'ng maghain, Xander. Bakit kaya wala pa ang at--" natigil ito ng sasabihin ng makita siyang nakatayo na sa bungad ng kusina. "Oh, nariyan ka na pala, Leighana. Halika at ikaw na nga ang tumulong sa aking maghain. Hindi matapos-tapos ang kwentuhan ng dalawang 'yan mula pa kanina." ani'ng ina niya na naglalatag na ng mga pinggan sa mesa. "Bakit nga pala hindi ka pa sumabay kay Atticus papunta rito? Saan ka ba nanggaling at ngayon ka lang?"Natitigilang sumulyap siya sa kinaroroonan ni Ziv. Prente itong nakatayo at nakahalukipkip at nakatingin sa kanya. Tila hinihintay din ang magiging sagot niya."Ahm... nag--punta pa po ako ng mall. May binili lang po ako. Hindi ko naman po alm na pupunta siya rito."Nakita niyang umangat ang kilay ni Ziv sa sinabi niya. Inismiran niya lang ito."Nautusan siya ng Tita Gigi mo na dalhin iyong mga herbs na ipinangako niya sa akin noong huli kaming nagkita." abala pa rin sa paghahaing sabi ng Mama niya."Ate, grabe excited na ako'ng mag-intern. May sigurado na ako'ng pag-i-internan. At hindi basta-bastang ospital ha. Sa Dela Vega Doctors.. oh, 'di ba, ate? Astig!" buong tuwa at pagmamalaking singit naman ng kapatid niya."Oo na." nakangiting aniya na ginulo ang buhok ng kapatid nang madaanan ito patungo sa pwesto ng ina."Ate! 'Yung buhok ko. Hindi na ako bata, ano ka ba?" pumapalatak pang reklamo nito na muling inayos ang buhok.Nang makalapit sa ina ay nagmano siya rito at humalik sa pisngi bago tinulungan na itong maghain. Nakaramdam siya ng pagka-ilang habang naghahain sapagkat nararamdaman niya ang mga titig ni Ziv na nakasunod sa bawat galaw niya.Nang matapos maghain ay nagsi-upo na sila sa kanya-kanyang pwesto. At dahil ang katabi niyang pwesto ang nilagyan ng ina ng pinggan para sa bisita nila ay doon naupo si Ziv. Inis na lihim niyang ipina-ikot ang mga mata. Walang nagawang tahimik na lamang siyang kumain matapos magdasal."Nagpa-pasalamat nga pala ako, Atticus at tinanggap mo ang anak ko sa ospital ninyo." maya-maya ay sabi ng kanyang ina. Hindi naman siya kumibo sapagkat iniisip niyang ang kapatid niya ang tinutukoy nito."Wala po iyon, Tita. Karangalan ko po." magalang na anito at sinulyapan siya. Palihim niya naman itong inirapan na nginisihan lang nito."Kaya ikaw, Leighana, pagbutihin mo, ha. Baka mamaya pagkatapos ng dalawang linggo mag-resign ka na naman. Nakakahiya sa Tita Gigi mo." himig panenermon nito.Kung hindi niya napigilan ang kanyang sarili ay naibuga niya sa mesa ang tubig na iniinom niya. Gayunpaman, ay nasamid pa rin siya at inihit ng ubo. Pakiramdam niya, pati ang ilong niya ay napasukan ng tubig. Naramdaman niyang hinahagod-hagod ng katabing doktor ang likod niya."Okay ka lang?" dinig ang concern sa boses nito.Kahit nahihirapang huminga dahil sa pagkakasamid ay hindi napigil niyon ang matalim na tingin na ipinukol niya rito."Kasalanan mo 'to." aniya sa isip niya."Ayos ka lang ba, anak?" bakas din ang pag-aalala sa tinig ng ina.Tumango lamang siya sapagkat masakit pa rin ang dibdib niya."Dahan-dahan kasi, ate." sabi naman ng nag-aalala ring kapatid niya."O-okay na 'ko. Nasamid lang ako."Kahit hindi niya lingunin ay naramdaman niyang mataman siyang tiningnan ni Ziv, tila sinisiguro kung talaga ngang ayos lang siya. Nang tila makontento sa nakikita ay tahimik nitong muling ipinagpatuloy ang pagkain."Ahm... Ma, may--sasabihin po sana ako." alanganin niyang panimula sa ina.Mas naramdaman kaysa nakita niya ang mabilis na pagbaling ni Ziv sa kanya. Hinihintay din ang sasabihin niya. Ang kapatid niya naman ay pasulyap-sulyap lang sa kanya habang kumakain."Ano 'yon, anak?" sagot ng Mama niya na ang mata ay nasa kinakain."Hrmp..." kinakabahan na siya. "M-ma, I don't think it's a good idea na sa ospital na pag-aari ng bestfriend mo ako magtrabaho." deretso niyang sabi bago pa man siya panghinaaan ng loob.Doon napukaw ang interes ng Mama niya. Kunot-noong nag-angat ito ng tingin sa kanya."And why is that, Leighana?" kalmadong tanong ng ina. At hindi niya gusto iyon. Alam niyang nagtitimpi lamang ito."Ma, please try to understand. Kung doon ako magtatrabaho magiging tampulan ako ng tsismis. Iisipin ng mga kasamahan ko na kaya lang ako natanggap doon kasi kaibigan ng nanay ko ang may-ari. And I can't work with that kind of environment." buong pagsusumamong sabi niya sa ina. Umaasang maniwala ito at pakinggan ang rason niya.Kalmado pa rin ang anyo na lumipat ang tingin nito kay Ziv na nakatingin pa rin sa kanya."Atticus..." pukaw nito sa atensyon ng katabi niya."Tita..." mabilis namang sagot nito at mabilis pa sa alas kwatrong bumaling sa ina niya."You're the one who interviewed my daughter, is she qualified or not?" deretso sa mga mata ng binata ang tingin na sabi ng kanyang ina.Helpless na napapikit na lamang siya. Tahimik na nakayuko siya sa pinggan niya. Muli ay nilingon siya ni Ziv bago muling bumalik ang tingin sa Mama niya at sumagot."Very much qualified, Tita." pormal na sagot nito.Napahugot siya ng hininga sa sagot nito.Shit! Bakit pakiramdam niya ay napagka-isahan siya?"See?" nag-angat siya ng tingin sa ina."P-pero, Ma--""End of discussion, Leighana!" ana'ng Mama niya at tumayon na. "Ipagpaumahin mo, Atticus hijo, pero tapos na ako'ng kumain. Paki-sabi sa Mommy mo, salamat." iyon lang at tumalikod na ito.Akmang tatayo siya upang sundan ito nang hawakan ni Ziv ang kamay niya sa ilalim ng mesa. Matatalim ang mga matang tumingin siya rito. Ang kapatid niya ay tila nawiwindang na palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa."Let's talk, Leighana." ani Ziv sa malamig na tinig."LET'S talk, Leighana." ani Ziv sa malamig na tinig."W-wala tayong dapat na pag-usapan." malamig din niyang sagot na pilit na binabawi ang kamay niyang mahigpit pa rin nitong hawak.Halos marinig niya ang pagtatagis ng mga bagang nito. "Alam mong meron, Lexie." idiniin nito ang pagbanggit ng pangalan niya sabay lingon sa kapatid niyang naroon pa rin at tila nagtataka sa pinag-uusapan nila."Wait, Lexie? Wow, ate, kailan ka pa naging Lexie?" nakangiti nang singit ng kapatid niya.Inirapan niya lang ang kapatid at muling binalingan si Ziv ng matatalim na tingin. Tila hindi naman ito natigatig na tumayo na'ng hawak pa rin ang kamay niya.Narinig niya ang mahinang pagsipol ng kapatid niya. Nang lingunin niya ito ay sa magkahawak na mga kamay nila ni Ziv nakatuon ang mga mata nito.Naiiling na tumayo na rin siya at nagpa-akay sa binata palabas ng dining area. Hindi niya na pinansin ang nanunuksong mga ngiti ng kapatid."
"HEY..."Wala sa loob na nag-angat ng tingin si Leighana kay Ziv. "Relax, will you?" huminto ito sa paglalakad at hinawakan siya sa braso. Lumipat ang mga kamay nito sa magkabilang balikat niya at pilit siyang iniharap dito. "It's not, as if, dadalhin kita sa opisina ni Mommy at ipakikilala kita bilang girlfriend ko." anitong may pinipigil na ngiti sa mga labi.Sukat sa narinig ay pinalis niya ang mga kamay nito at inirapan ito.Totoong kinakabahan siya. Sa hindi niya mawaring kadahilanan ay hindi niya mapigilan ang pagkabog ng dibdib niya. Alam niyang mabait ang Tita Gigi niya, at hindi nito kokondenahin ang walang abog na pagtanggap agad sa kanya ng anak nito sa ospital na iyon.Aba, eh, ni hindi siya dumaan sa second and final interview, ah. Oh, she did and pass the exams, for filing purposes, according to Ziv. Para daw hindi siya mahanapan ng butas ng mga kasamahan niya sa trabaho.Pero, ewan ba niya. Talagang kinakabahan siya sa pagharap sa Mo
"DAVAO?! Leighana, ang layo n'on! Oh my God, i'll call your Tita Gigi, baka sakaling mapakiusapan ko pa siyang huwag kangi-assign doon." ani ng Mama niya nang sabihin niya rito ang tungkol sa pagkaka-assign niya sa Davao."Ma, 'wag na po, nakakahiya.""Pero anak, ang layo ng Davao. Mag-isa ka lang d'on, hindi ko yata kakayaning mawalay ka sa paningin ko ng ganoon katagal.""Ma, malaki na po ako. Hindi na ako bata. Kaya ko na po. And besides, trabaho naman po ang ipupunta ko r'on. Pipilitin kong maka-uwi t'wing may pagkakataon ako. And, puwede n'yo rin naman po akong dalawin d'on anytime you want." pagpapalubag niya sa kalooban ng ina.Kung sakali ay ito ang unang pagkakataon na mawawalay siya rito. At inaasahan niya nang hindi magiging madali ang pagpayag nito."Pero iba pa rin yung nandito ka. Iyong nasusubaybayan kita. Paano kung pagod ka na sa trabaho? Sino ang magluluto ng kakainin mo? Sino ang mag-aasikaso ng mga damit mo? Paano ku
"GOOD morning, Doctors." nakangiting sabi ni Dra. dela Vega nang pare-pareho na silang naka-upo sa harap nito.Nilinga nito ang tatlong brown envelopes na nakapatong sa lamesa nito at dinampot. Nakasulat sa likod noon ang pangalan nilang tatlo."Your flight will be this coming Saturday. You can have Thursday and Friday off, to preapre your things and also to be with your families." nakangiti pa rin nitong sabi. "Inside, are your tickets, and some papers na kakailanganin n'yo para sa pag-transfer sa inyo sa Dela Vega Doctors, Davao." anito at isa-isang ibinigay sa kanila ang envelope na nakapangalan sa kanila, na tahimik naman nilang tinanggap.Nang maibigay na ng Doktora ang lahat ng mga kakailanganin, pati na rin mga instructions sa paglipat nila sa Davao branch at masigurong na-i-indorse na ng maayos ang kanilang mga pasyente ay pinayagan na sila nitong umuwi."Goodluck, Doctors."malapad ang ngiting huling sinabi nito bago sila lumabas ng opisina nito.
SA MISMONG bar kung saan sila unang nagkita ni Ziv, sila nagpunta. Napalunok siya nang mag-salimbayan sa isip niya ang mga nang huling beses na hindi sinasadyang mapadpad siya sa bar na iyon. Ang lugar kung saan ipinangako niyang hinding-hindi na siya tatapak.Tila plakadong bumabalik sa ala-ala niya ang mga pangyayari... na nagpabago ng tahimik na buhay niya.Clide's DenIlang sandaling nakatitig lamang siya sa malaking signage sa harapan ng bar. Pakiramdam niya ay nanunuyo ang lalamunan niya.Nagulat pa siya nang bumukas ang pintuan sa tabi niya. Nang luminga siya ay nakita niya ang nakalahad na kamay ni Ziv."Hey.. are you okay?""Y-yeah.. sorry."Alanganin niyang inabot ang kamay nito at lumabas ng sasakyan."You're cold." nang mapatingin siya rito ay hindi niya mawari kung pag-aalala nga ba ang nababasa niya sa mga mata nito.Tumikhim muna siya bago makuhang sumagot. "I'm... i'm fine."Alang
"YOU see... Atticus and his friends has this crazy game," tila amuse pa nitong ipinaikot ang mga mata. "When attractive women caught their attention, they'll rate her. Whoever has the highest rate, will win." walang anumang pagkukwento nito.Maang siyang napatanga rito. "A-and the p-prize?" aniya nang makabawi. Kahit tila nahuhulaan na niya ang sagot sa tanong niya.She paused, then smiled at her. Smiling as if, she's some kind of stupid, not to know the obvious. "The winner, of course, will be the one who'll pursue her." umiling-iling pa itong parang sinasabing ang slow niya.That explains what happened earlier. Pinag-kasunduan ng mga ito kung sino ang lalapit sa babae.Nang may biglang pumasok sa isip niya ay mariin siyang napalunok. May pilit na gumigiit sa utak niya, ngunit pilit niya rin namang pinapalis.No.They can't do that to her.He can't do that to her.Ayaw niyang isipin na isa siya sa mga babaeng tila isd
NAGISING si Leighana na mabigat na mabigat na naman ang pakiramdam. Pakiwari niya ay kulang na kulang na naman ang itinulog niya. Halos ay lagpas hating-gabi na nang makatulog siya ng nagdaang gabi.Isang buwan na mula nang mailipat siya ng destino sa Davao branch ng Dela Vega Doctors.Noong mga unang araw niya ay medyo excited pa siya, na sa wakas ay tila nakawala siya sa renda ng ina. Nagagawa niya ang lahat ng naisin niya ng wala ang Mama niya upang manaway at manermon sa kanya. Pakiramdam niya ay nakalaya siya. Pakiramdam niya ay nakatayo na siya sa sarili niyang mga paa.Ngunit panandalian lamang pala iyon. Panandalian lamang ang saya. Habang lumalakad ang mga araw ay nami-miss niya ang ina, pati na rin ang kapatid niya.Nami-miss niya ang panggigising sa kanya ng ina tuwing umaga. Ang paghahanda nito ng almusal niya. Ang mga sermon nito na noon ay nakakakulili sa tainga niya, ay himalang hinahanap-hanap niya. Ang pag-aasikaso nito sa lahat ng mga ka
SHE'S always on my mind,Napaunat ang likod ni Leighana nang marinig pa lamang ang unang linya ng kanta.That's her favorite song.From the time I wake up, 'til I close my eye,She's everywhere I goShe's all I knowAnd though, she so far awayIt just keeps gettin' stronger, everyday...And even now she's goneI'm still holdin' onSo tell me where do I startCause it's breakin' my heartDon't want to let her go...As always, hindi niya maiwasang mapasabay kapag naririnig niya ang kantang iyon.She's not really into music. Mas prefer niya ang tahimik. Mas nakakapag-isip siya kapag tahimik. Madalas nga siyang sabihang KJ ng kapatid niya sapagkat bago pa lamang nag-iinit ang cd sa player ay ipinapapatay niya na rito. Ayaw niya kasi talaga ng maingay.Ironic. Sapagkat sa bar niya nakilala si Ziv.But with this song,
"Z-ZIV... t-this is... w-wrong?! Oh..." halos ay daing niya. Hindi niya napigilan ang pagkawala ng isang ungol nang maramdaman niya ang kamay nito na bahagyang pinisil ang nipple niya, kasabay nang pagpasok ng dila nito sa loob ng tainga niya at bahagyang sipsipin iyon."There's nothing wrong with this, baby." anas nito sa tainga niya."Oh."Nanginig ang buong katawan niya nang maramdaman niya ang kamay nito na humahagod sa kaselanan niya. Gently poking her entrance. Kahit may telang nakapagitan doon ay ramdam niya pa rin ang kilabot na nanunulay sa buong katawan niya."Oh. Z-ziv... baby..." ungol niya at tumaas ang dalawang kamay pakapit sa balikat nito. Ramdam na ramdam niya ang matitigas na laman sa bahaging iyon ng katawan nito.Ngayon lang may humawak sa parteng iyon ng katawan niya. And, God... it feels... good!Hindi niya namamalayang sumusunod na ang pag-imbay ng balakang niya sa bawat paghagod nito. Tila alipin na siya n
KAPWA pagal ang mga katawang magkayakap na nakahiga sina Ziv at Leighana sa kama.Pakiramdam niya ay hindi na niya maikilos ang katawan sa sobrang pagod. Matapos ang unang mainit na pagtatalik ay nasundan pa iyon ng isang beses sa carpeted na sahig naman ng sala, bago ipinasya ni Ziv na pangkuin siya at dalhin sa kwarto.Tila sinulit nito ang tatlong araw na hindi sila nagkasama. Kung hindi nga lamang siguro siya nagdadalang-tao ay baka hindi pa sila tapos hanggang sa mga oras na iyon.Kung nagulat siya sa pagbabagong nakita niya pagpasok sa unit ng kasintahan ay doble noon ang gulat na naramdaman niya nang pumasok na sila sa silid na dating inookupa niya.Halos ay hindi na niya makilala ang silid na pinasok. Iba na ang ayos at hitsura ng buong silid. Mula kulay niyon hanggang sa mga kagamitang naroon ay napalitan na. Wala na rin ang dating pin board na kinaroroonan ng mga larawan ni Ziv at ng dati nitong asawa. Bagkus ay napalitan na iyon ng napakalaking
ABOT-ABOT ang kaba ni Leighana habang naglalakad sa corridor ng ospital papunta sa opisina ni Ziv. Kadarating lang niya sa DLVD Davao, at doon siya ibinaba sa mismong helepad ng ospital.Ayon sa nakausap niya sa reception area ay nasa opisina raw nito si Ziv at katatapos lang ng isinagawang operasyon. Nagulat pa ang mga ito nang makitang naka-maternity dress siya. Hindi pa nga pala alam ng karamihan sa mga ito ang kalagayan niya.Tanaw niya na ang opisinang kinaroroonan ni Ziv nang marinig niyang may tumawag sa pangalan niya.Paglingon niya ay nalingunan niya si Dr. Laxamana na nakangiting papalapit sa kanya. "Sabi ko na nga ba ikaw, eh." anitong ngiting-ngiti."Dr. Laxamana..." bati niya rito.Unti-unting napalis ang ngiti nito nang bumaba ang tingin sa damit na suot niya. "You're... pregnant?"She smiled at him. "Yeah."Naroon pa rin ang pagkamangha sa mukha nito na marahang tumango. Bumalik din kapagkuwa
NAGISING si Leighana sa mahihinang katok, kasunod ng mahina ring pagtawag sa pangalan niya.She recognized her mother's voice."Bukas po 'yan, Ma." mahina niyang tugon at marahang bumangon sa kinahihigaan at sumandal sa headboard ng kama.Alas siyete. Iyon ang nakita niyang oras nang tumingin siya sa nakasabit na orasan.Nakatulog pala siya.Tatlong araw na mula nang bumalik siya galing Davao. At sa loob ng tatlong araw na iyon, aminin man niya o hindi, umaasa siyang bigla na lamang lilitaw sa pintuan nila si Ziv, kagaya ng sinabi ng Mama nito.Ngunit bigo siya.Sa loob ng tatlong araw, ni ha, ni ho, ay wala siyang narinig mula rito.Diyata at sinukuan na siya nito.Sa loob din ng tatlong araw na iyon ay walang palya ang Mama nito sa pagbisita sa kanya. Noong isang gabi ay kasama pa nito ang Papa ni Ziv. Lagi na ay tinatanong nito kung mabuti ba ang kalagayan niya, o, kung mayroon ba siyang nais na kainin. Nakakatawa lan
DAMN IT!Kanina pa tawag nang tawag si Ziv kay Leighana, pero iisa pa rin ang isinasagot ng operator.The number you have dialled is either unattended, or out of coverage area.Nais niya lang sana itong kumustahin, at alamin na rin kung may nais ba itong ipabili, o kaininPagkatapos ng isinagawa niyang operasyon ay dumeretso muna siya sa condo unit niya upang silipin ang progreso ng pagpapa-renovate niya roon.Hindi niya pa binabanggit dito ang tungkol doon. Nais niya sanang gawin iyong sorpresa sa kasintahan. Isa iyon sa dahilan kung bakit hindi pa sila lumuluwas ng Maynila. Gusto niya munang ipakita iyon sa nobya kapag natapos na.Naisip niyang ipabago ang disenyo ng unit niya. Ipinaayos niya iyon ng sa tingin niya ay naaangkop sa panlasa ng dalaga. Ipinabago at ipina-alis niya ang lahat ng mga bagay na makapagpapa-alala dito ng tungkol kay Bernadeth. Ayaw niyang magkaroon pa ng kahit na anong ala-ala ng dating asawa sa lugar.Isa p
KANINA pa hindi mapakali si Leighana. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ng Mama niya matapos nitong malaman na doon siya sa mansyon ng mga Dela Vega naninirahan, kasama si Ziv. Ngunit base sa biglaang panlalamig ng tinig nito nang magpaalam, she knew, she's in big trouble.Huwag nang idagdag pa, kapag nakita siya nito ng personal.Malapit nang mag-apat na buwan ang tiyan niya, at sa tingin niya ay mas malaki ito kaysa sa pangkaraniwan. Kahit pa ano'ng gawin niya ay malabong maitago niya ito sa paningin ng Mama niya.Paroon at parito siya ng lakad sa loob ng silid habang tensyonadong pinagpipingki ang mga daliri. Hindi niya malaman kung kailangan niya bang tawagan si Ziv upang pauwiin ito at sabay nilang harapin ang Mama niya, o, kausapin niya muna ng sarilinan ang ina at siya muna ang magpaliwanag dito ng kinasuungang sitwasyon.Nasa ganoon siyang pag-iisip nang maulinigan niya ang paghinto ng sasakyan sa labas ng mansyon. Sa pag-aakalang ang ina na an
"BABY, wake up... seven o'clock na. May scheduled operation ka at eight thirty." paos pang sabi ni Leighana habang niyuyugyog ang braso ni Ziv na nakayakap sa kanya mula sa likuran. Ang mukha nito ay nakasubsob sa batok niya."Hmm..." patamad na ungol lang ni Ziv. Gumapang ang kamay nito sa walang saplot niyang dibdib at masuyong minasahe iyon habang lalo pang ibinaon ang mukha sa batok niya, and gave her some delicious wet kisses there."Ziv..." hindi niya napigilang iungol ang pangalan nito nang idikit nito ang pagkalalaki nito sa likuran niya at maramdaman niya ang katigasan noon sa wala ring saplot niyang pang-upo.Kapwa sila nakatulog nang walang saplot nang nagdaang gabi matapos ang tila walang kapaguran nitong pagpapalasap sa kanya ng langit sa mga bisig nito. Halos ay madaling araw na nang tigilan siya nito, kung hindi pa niya ipinaalala ritong mayroon itong naka-schedule na maagang operasyon kinabukasan ay wala pa itong balak na tantanan siya.
"OH MY God, Ziv, i'm---cominnnggg... oh!" she deliriously screamed his name in between his powerful thrust."Yeah, baby, just--come... i'm almost there... i'll follow... uhmp!" he replied and thrust harder. He bend his body and reached her inviting buds and sucked it hard, na lalong nagpatindi ng orgasmong paparating.She arched her body to give him more access and held the back of his head for him to dive harder. "Ohh!" with that, she reachedher zenith.Ilang segundong tila nanigas ang katawan niya. Nanatili lamang iyong naka-angat sa tindi ng orgasmo, habang mahigpit na nakahawak sa likod ng ulo ni Ziv na nananatiling nasa dibdib niya, hindi tumitigil sa pagigil na pagsimsim doon. Umulos ito papasok at sandaling tumigil upang bigyang daan ang kanyang orgasmo. Ang isang braso ay nakapulupot sa naka-arko niyang katawan, habang ang isang kamay ay nakadakot sa kabilang dibdib niya, while still sucking her other nipple.Nang maramdaman nitong bahagyang
"HI, Mom, kumusta?" bungad agad ni Ziv nang sagutin ang tawag ng ina."Oh, i'm glad you still know who I am." napangiti siya at napakagat-labi sa sagot ng Mama niya. Bakas ang pagtatampo sa tinig nito.At alam niya kung bakit.Mula nang malaman niya ang tungkol sa pagbubuntis ni Leighana ay iisang beses pa lamang niya itong natatawagan, tungkol pa iyon sa pagre-request niya na magpadala ng panibagong surgeon upang mapadali ang pagluwas nila ni Leighana sa Manila.Hanggat maaari ay iniiwasan muna niyang maka-usap ang ina. Ayaw niyang magsinungaling dito, kung pagsisinungaling man ngang matatawag ang hindi pa muna nila pagpapa-alam ni Leighana tungkol sa kalagayan nito sa mga magulang nila. Alam niyang kapag nalaman ng kanyang ina ang totoo ay hindi niya ito mapipigilang sabihin iyon sa Mama ni Leighana. At iyon ang iniiwasan niya. Gusto niyang igalang ang kagustuhan ni Leighana na personal nila iyong sabihin sa mga magulang nila.