🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠 KINAUMAGAHAN ay tahimik na nilingon ni Naomi ang grupo nila Hunter sa likuran. Maingay ang mga itong nagkukuwentuhan at nagtatawanan kasama ang iilan nilang kaklase. Napabuntong-hininga siya. 'Ang mahal pala no'ng bola na sinira ko. 5,200! Tapos, basta-basta ko lang binutas.' Tinitigan niya ang nakangiting si Hunter. 'Siya dapat ang magalit ng husto. Hindi ako.' 'At kelan ka pa nakonsensiya?' saad ng utak niya. 'Eh kasi naman, aksidente lang naman talaga ang nangyari.' 'Hindi sinasadya? Nakapag-absent ka nga ng dalawang-araw dahil lumubo mukha mo.' Pamimilit pa ng utak niya. 'Oo nga 'no?' 'Wag kang marupok! Di dahil gwapo siya, bibigay ka na!' 'Gwapo?' 'Eyses~ deny ka pa. Lakas nga nang tibok ng puso kapag malapit siya, e!' Naalala niya ang s-ina-ign language ni Hope no'ng isang gabi:&nb
Last Updated : 2024-10-29 Read more