Hinawakan ko ang aking mahabang buhok kasabay ng pag-ihip ng hangin, ngunit kahit na hawak ko na ito may iilan parin na sumangga sa aking mukha. Inayos ko muli ito at mataman na naglakad.Huminga ako ng malalim at bagsak ang aking magkabilang balikat habang tinatahak ko ang daan pauwi sa amin." Oy bakla, bat parang semana santa ang itsura mo?" Salubong sa akin ni Gabrielle Sanchez pagbukas ko ng pinto, isang matalik kong kaibigan magsimula elementarya palamang ako.Inabutan niya ako ng baso na may malamig na tubig, sumimsim muna ako bago ko siya sinagot. "Si Sam?"" Ano ba tinatanong kita. " Anas niya habang papaupo ako sa aming sala at nilapag ang baso sa isang lumang center table." Hindi na daw nila kailangan ng taga hugas ng plato sa restaurant ni Mang Anton dahil may nahanap na daw siyang papalit sa isa. " mahina kong tugon, at nagbuntong hininga muli ako." Gi
Terakhir Diperbarui : 2021-02-05 Baca selengkapnya