Maaga akong nagluto ng hapunan para sa amin. Ngayon na kasi ang unang pasok ko ulit sa bar nina Gab.
" Nay aalis po ba kayo?" Tanong sa akin ni Samuel na nakaupo sa lamesa. Tumingin ako sa kanya na nakasimangot.
Mataman akong ngumiti at nilapitan siya. Hinalikan ko siya sa pisngi at kinulong sa dalawa kong palad ang kanyang mga pisngi.
" Samuel anak diba gusto mo magaral?" Tumango ito ng mabilis. " Kaya kailangan magtrabaho ni Nanay." Ngumuso ito at mas lalo akong naawa sa anak ko.
Hinalikan ko ito sa noo at saka naghapag ng makakain. Tumabi ako sa kanya para sana subuan siya dahil matagal na kaming walang bonding ng anak ko.
" Samuel magaral kang mabuti ha para paglaki mo, kaya mong makisama sa lahat ng tao." Sabi ko habang sinusubuan ang anak ko.
"Gabriella kain na." Sigaw ko kay Gab na nagaayos pa ng damit.
" Ayan na." Sabi niya sabay labas sa kwarto nito.
Kapag katapos naming kumain ay naghanda na kami ni Gab sa pagalis, gaya ng dati iniwan ko nanaman siya kay Aling Tinay siya lang kasi maaasahan ko pagdating kay Samuel. Dati pa man kasi ay malapit na siya sa pamilya namin at dating kaibigan ni Nanay. Malapit din naman siya sa anak ko at tinuring na itong apo, madalas nga ay siya pa ang bumibili ng gatas at damit nito sa twing wala akong pambili.
" Bakla ang layo ng iniisip mo." Ani Gab habang tinatahak namin ang daan patungo sa bar. Nakasakay kami sa lumang kotse ni Gab.
Tumingin ako sa kanya na seryoso sa pagmamaneho. " Naaawa lang ako kay Samuel, iniwan ko nanaman kasi siya."
Bumuntong hininga ito at hinawakan ang braso ko. " Wag kang magalala ano ba, maiintindihan din tayo ng anak mo. Balang araw kapag nakapagtapos siya at lumaking mabait maiintindihan niya lahat ng sakripisyo mo para sa kanya."
Ngumiti ako doon at tumango. Ilang minuto lang ay nasa tapat na kami ng bar. Lumabas ako sa kotse ni Gab, dumaan kami sa likurang garahe nito para hindi na kami pumasok sa main entrance.
Nakasuot ako ng fitted black silky pants and may logo ng bar na white spaghetti strap na kita ang cleavage ko, flat shoes lang ang suot ko para hindi hussle magbigay ng orders. Nagayos din ako at naglagay ng light make up. Sanay na ako sa ganitong damit dahil kung tutuusin ay mas daring panga ang iba kong kasama.
" Auntie Anna." Salubong ko sa Auntie ni Gab na nakasuot ng kumikinang na dress habang may hawak na calculator at ballpen.
Lumaki ang ngiti nito ng makita ako. " Oh my god Sapphira. As always maganda kapa rin. Mas lalo kang gumaganda." Bati nito sa akin at hinalikan ko ito sa pisngi.
" Kayo din po Auntie ang ganda niyo ho." Tumawa ito mg malakas at hinampas ako ng bahagya sa balikat.
" Hay nako Sapphira wag mo nga niloloko si Auntie baka maniwala yan." Biro ni Gab na kakatapos lang magpark ng sasakyan niya.
Tumawa kaming tatlo at napailing nalang ako. Auntie Anna is a beautiful lady lalo na noong bata bata pa siya, pero ngayon mayroon narin siyang wrinkles dahil sa katandaan.
" Kamusta na si Samuel ang tagal mo na siyang hindi pinapasyal sa bahay. "
" Maayos naman ho Auntie, excited nga po sa pasukan. Sige po kapag nagkaroon ng oras si Gab ipapadala kopo siya sa inyo."
Gumaan ang buhay ni Auntie ng sumikat ang bar niya, dito lamang siya kumukuha ng pantustos niya araw araw. Kapag nga nagkukulang kami sa gastusing bahay ay sakanya lang ako nanghihiram ng pera, kaming dalawa ni Gab naman ang nagbabayad.
" Aba bakla ako pa inutusan mo?" Tumawa ako sa reaksyon ni Gab at napailing.
" Oh alam mo na ba na sa VIP bar ka? Doon iyon sa kabila okay? Mas okay ka doon." Ani Auntie habang nagsusulat ng kung ano sa isang maliit na notebook.
" Opo sinabi na ho sa akin ni Gab."
" Oh papano maiwan na kita okay?" Aniya at pumasok na sa opisina niya. Nagkahiwalay na kami ng landas ni Gab dahil siya sa ordinary bar siya magsstay habang ako ay sa VIP bar kung saan pili lang ang mga waitress dito at mga personalidad na pwedeng pumasok.
Mga elite na tao kasi madalas ang mga nagiinom at nagpaparty dito kumpara pa sa mga KTV nila na nasa second floor dito kasi ay kilalang personalidad sa tv, business man or politician ang madalas umiinom. Dito kasi ay may privacy pinagbabawal ang mga paparazzi sa mga sikat na tao dahil maaari silang makulong at nasa rules and regulation iyon.
Sumalubong sa akin ang ingay ng musika. Mukhang kanina pa nagkakasiyahan marami rami narin ang mga tao. Marami naring nagsasayawan sa gitna dahil sa lakas ng tugtog.
" Sapphira. " salubong sa akin ng bartender. Kilala ko na halos ang mga nagtatrabaho dito lalo na si Gino dahil matagal na siya dito. Except lang sa mga waitress dahil nagpapalit lagi sila ng mga ito.
" Gino, kamusta kana." Tanong ko at kumuha ng order pad at ballpen sa tabi niya.
" Hindi ko alam na ngayon kana pala magsisimula." Tumingin ako sa kanya na lumabas ang dimple ng ngumiti ito sa akin. Gino is a good man.
" Nasupresa ka ba?"
Natawa ito sa tanong ko at napailing. May pinupunasan itong mga baso. " Maganda kapa din Sapphira." Biro niya, napailing nalang ako at ngumiti sa kanya.
May nagbuzz na ilaw sa board sa tabi niya kung saan malalaman mong may nagoorder na table.
Tatawagan na niya sana ang isang waitress na kasamahan namin sa crowd ng itinaas ko ang kamay ko sa harapan niya.
" Gino ako na." Sabi ko at ngumiti sa kanya.
" Hindi pa tayo naguusap e." Bigo nitong pahayag.
" Ano ka ba we need to work." Sabi ko at kinawayan siya.
Tinignan ko muli ang board para makita kung saang location ang nagbuzz para malaman ko ang pupuntahan ko dahil may kalakihan ang bar na ito.
Nasa bandang dulo ang table na nagbuzz medyo may kadiliman doon dahil dim ang ilaw ngunit ng makalapit na ako ay naaaninag ko na ang mga taong naroon.
Napahinto ako ng makitang pamilyar ang mga nagiinuman naroon. Lahat sila ay may kasamang babae at mukhang nagkakasiyahan. Hindi ako pwedeng magkamali sila iyon.
Napalunok ako at naglakad ng mabagal. Pero napahinto muli ng tumama ang tingin ko sa isang pamilyar na hubog ng katawan na nakaupo sa dulo habang may babaeng bumubulong sa kanya. Hindi niya pa ako nakikita.
Nakaupo lang siya ng tuwid natatawa sa sinasabi ng babae habang ang kaliwang kamay niya na nakapatong sa side ng sofa at may hawak na beer. Ang isang kanang kamay naman niya ay naglalaro sa maliit na bewang ng babaeng morena. Napakunot ang noo ko ng mamukhaan na isa itong sikat na modelo sa isang sikat na brand ng clothing line pero kung makahawak sa dibdib ni Tross ay parang linta. At ito namang lalaking ito ay wala man sa kanya. Papano na iyong Trinity? Iba nanaman ang babaeng kasama niya ngayon. Babae lang din ba niya iyon at niloko?
Umirap ako sa nakita ko. Gusto ko nalang magbackout pero nakita na ako ng isang kasama nila. Hindi nga ako pwedeng magkamali sila nga iyong sa grooms party.
Nagbuntong hininga ako at lumapit sa kanila.
" Ano po order niyo Sir?" Parang may nagbabara sa lalamunan ko habang sinasabi iyon. Hindi ako makatingin sa kanila dahil feeling ko ay makikilala nila ako.
Naramdaman ko ang mabigat na tingin ni Tross sa akin na nasa kaliwang bahagi ko. Pero nagfocus lang ako sa tatlo niyang kasama na tulad niya ay may haliparot ding kasamang babae na mukhang kilala din sa larangan ng pangmomodelo. Wala lang dito iyong groom. Buti pa iyon ay seryoso sa babae. Habang itong apat na mga ito ay mukhang babaero.
Inalis ng isang nakawhite polo shirt ang kamay niya sa likod ng babae at ibinigay ang buong atensyon niya sa akin. He was amused I wonder kung bakit.
" If I order you to seat with us? Pwede ba?" Malumanay na sabi nito. Nagsigawan ang dalawa niyang kamasang lalaki habang ang babae naman sa upuan nila ay inirapan ako.
" Zack I can't believe it waitress yan." Anas ng katabi niyang babae.
" Sorry Sophie, I was just amazed." Aniya at nginisian ako.
" Bro what is your order? " Tanong ng isa pang lalaki na tumingin sa gawi ni Tross kaya napatingin din ako.
Marahas niya akong tinititigan. Kaya binalik ko nalang ang tingin ko sa harapan ko.
" Sapphira." Napahinto silang lahat ng tawagan ako ng isa sa mga lalaking kasama nila. Tumingin ako dito na nakasuit pa rin at parang kakagaling lang sa opisina. Gulat ang mukha niyang binasa ang nameplate ko sa kaliwang parte ng damit ko.
Kumunot noo akong sinalubong ang tingin niya. " Bakit po?" Mas lalo akong nagtaka ng pareho silang tatlo na lalaki ang nakatingin sa akin.
Tumikhim si Tross kaya napunta lahat ng atensyon namin sa kanya. " Another bucket of beer and strawberry milkshake for girls. " aniya na hindi man lang ako sinulyapan.
Nang mabalik ang ulirat ko ay isinulat ko ang sinabi niya. " May dagdag pa po ba kayo?" Tanong ko sa iba sabay ng paglahad ng kamay ko.
Isinawalang bahala ko iyong reaksyon nila kanina at mukhang alam na nila na ako ang housekeeper ni Tross, maaaring nasabi na niya. At bakit naman niya sasabihin sa kanila? Mukhang hindi naman iyon sobra kaimportante. Pero ang importante ay hindi nila ako naalala. Doon tayo magfocus.
Umiling lang silang tatlo habang mataman akong tinitignan. " Okay Sir." Sabi ko at inulit lang ang order saka ko na sila iniwan, binigay ko sa bartender ang order nila. Hinayaan ko na iba nalang magserve sakanila dahil ayoko rin naman na makasalamuha pa sila.
Sa laki ba naman ng Manila at nakita ko pa siya dito.
Hindi na ako muling gumawi sa lugar nila at ang kinukuha kong orders ay iyong sa kabilang dulo para hindi ko nalang sila makita.
Maganda ang unang gabi ko sa bar tama nga si Gab dahil marami akong nakilalang mga tao na sikat sa industriya ng showbiz. Yung iba ay lasing pa kaya naman.
Madaling araw na ng makauwi kami ni Gab sa bahay. Mahimbing na ang tulog ni Samuel ng puntahan namin siya kina Aling Tinay.
" Kamusta ang gabi mo?" Salubing ni Gab sa akin habang nagkakape ako sa lamesa.
Ngumiti ako at tumango. " Maayos naman. "
" Buti naman ipapasyal ko mamaya sa park si Samuel para naman makapamasyal siya bago magpasukan." Aniya na nagtitimpla ng kape.
" Salamat Gab." Umupo siya sa tabing upuan ko.
Tumingin siya sa sala kung saan seryosong nanonood ang anak ko ng mga disney movie.
" Lumalaki na si Samuel, Sapphira." Aniya sa seryosong tono, kapag ganito pa naman ang tono ng boses niya ay seryoso siya talaga.
Sinulyapan ko din si Samuel na matamang nakaupo sa lumang sofa. Ngumiti ako ng makita ko siya tumawa sa kanyang pinapanood.
" Oo nga." Binalik ko ang tingin ko kay Gab na nakatingin din kay Samuel. " Ang bilis ng panahon Gab."
Ngumiti si Gab na para bang maiiyak na sa mga alaala. " Naalala ko pa noon nung isang taong gulang palang siya. Hindi siya makatulog kapag wala ka. Ngayon hay nako." Aniya na humalakhak at sinabayan ko pa. " Ang kulit kulit na."
" Tito Gab ano po nakakatawa?" Nagulat nalang kami ng nasa tabi na namin si Samuel at nakangiti sa amin.
" Ang cute mo kasi Samuel, manang mana ka sa akin alam mo nung pinaglilihi ka ng Mommy mo ako lagi niyang kinukurot sa pisngi kaya sa akin ka nagmana." Biro ni Gab, tumawa nalang ako sa sinabi niya at napailing.
" Bat sabi nong ibang tao kamukhang kamukha ko daw po si Nanay, edi sa kanya ko po nakuha yung kacutan." Napahinto ako sa pagtawa at tumingin kay Gab na nakasimangot at masama ang tingin sa akin.
" What? Hindi ko siya tinuruan Gab." Natatawa kong pahayag at hinalikan sa pisngi ang anak ko. " Talagang honest lang ang mga tao." Sabi ko pa sabay ng tawa ko.
" Whatever." Aniya at nagkunwaring galit pero tumawa rin kalaunan.
Binitawan ko ang cart na dala ko sala at inilibot ang buong paligid. Hindi tulad noong isang araw kapag pumupunta ako dito ay makalat ngayon ay may kakaunting gulo lamang.
Napabalikwas ako sa tayo ko ng marinig ang pinto sa likuran ko na bumukas. Kumabog ang dibdib ko ng maamoy ang fresh mint na mukhang kakatapos niya lang maligo dahil sa gulo ng buhok niya ay may pumapatak pang tubig nito na dumadaloy sa hubad niyang katawan habang nakatago lang ng tuwalya ang pangibabang parte niya. Napalunok ako at tumingin sa ibang direksyon para hindi niya malaman na inuusisa ko siya.
" Maglilinis na ho ako." Wala sa sariling saad ko at tinalikuran siya para kunin ang mga gamit panlinis ko.
Nanginginig ang kamay ko sa hindi malamang dahilan at mas lalong kumakabog ang dibdib ko ng malamang hindi man siya umalis sa kinatatayuan niya. Ano bang balak niya? Ibalandra ang katawan niya sa harapan ko? Umirap ako at nagumpisang ayusin ang mga sofa.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at pumunta sa kusina.
My god! Napasapo ako sa noo ko at napailing. Wala ba siyang balak magdamit man lang? He is disturbing me for pete's sake.
Hindi ko maiwasang sulyapan siya habang kumukuha ng pitsel sa ref. Humarap siya sa direksyon ko kaya nagtama ang mga mata namin, mabilis akong umiwas at kunwari'y nagwawalis.
Nagulat ako sa lakas ng tunog ng baso niya na nilapag niya sa lamesa. Kaya napatingin akong muli sa gawi niya at nagsisi din dahil seryoso parin siyang nakatingin sa akin.
Nakagat ko ang labi ko sa kahihiyan dahil nahuhuli niya akong tumitingin sa kanya. Ibinigay ko nalang ang buong atensyon ko sa pagaayos ng sala niya.
Naramdaman ko ang pagdaan niya at pumasok muli ito sa kanyang kwarto at saka palang ako nakahinga ng maluwag.
Bakit ba kasi nandito pa siya? Hindi pa ba siya late sa office niya where in fact nasa kabilang building lang naman. Nagkibit balikat ako oo nga pala, siya nga pala may ari nito.
Kinuha ko ang maliit na hagdan at pangspray sa kanyang up down window. Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis ng up down window nito ng lumabas siya sa kanyang kwarto napatingin ako sa kanya at napanganga ng makita kong nakasuot siya ng dark blue polo at slacks. Para siyang adonis na lumabas sa magazine, tapos seryoso pa ang mukha niya sa pagaayos ng kanyang sleeves.
Tinapunan niya ako ng tingin kaya napabalikwas ako sa pagkakatayo sa hagdan ng huli na ng mawala ang balanse ko. Napapikit ako at handa ng salubungin ang matigas na sahig. Pero nanginig ako ng maramdaman ang matigas na mga bisig ang sumalo sa akin. Sumalubong sa akin ang mamahaling pabango nito na para akong nahihilo sa sobrang bango.
" Are you okay?" Iminulat ko ang aking mapupungay na mga mata at napakagat sa labi ko ng makita ang kanyang nagaalalang mukhang nakatingin sa akin.
Ngayon lang ako napalapit sa kanya ng ganito at ang mga mata niyang nangungusap at ang mahahaba niyang pilik mata ay nababagay sa kanya. Ang tangos ng ilong at ang panga niya lalo na ang kanyang manipis na labi.
Napahawak ako sa ulo ko dahil sa nakikita ko. " Nahihilo ako." Wala sa sarili kong pahayag kung tutuusin ay okay naman ako dahil hindi naman ako tumama sa sahig at nasalo naman niya ako sa tamang oras. Pero hindi ko makayanan ang intensidad na nararamdaman ko ngayong magkalapit kami. Parang sasabog na ang dibdib ko dahil sa sobrang lapit ng mukha namin at nagtatama na ang matipuno niyang katawan sa aking katawan.
Walang salita niya akong binuhat at inihiga sa sofa.
" Did you eat your breakfast?" He asked unconciously. Umirap ako.
Moron! Nahihilo ako kasi sobrang lapit mo sa akin.
" Okay naman ako S-Sir." Tumingin siya sa akin at nakita ko ang pagtaas baba ng adam's apple niya. He licked his lower lip and sighed.
" Okay." Yun lang ang narinig ko sa kanya at tumayo ng mabuti. Umiwas siya ng tingin at inayos ang polo niyang nalukot dahil sa pagbubuhat niya sa akin.
Naglakad na siya patungong pinto at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Napaawang ang labi ko ng sinarado na niya ang pinto ng wala man lang sinabi.
What do you want him to react Sapphira? To care for you? Ang tulad niyang mayayaman ay walang pakealam sa mga gaya mo.
Napapikit ako at humiga ng maayos sa sofa. Bakit ba naaapektuhan ako sa mga inaasta niya sa akin. Kung tutuusin ay sanay naman ako na binabalewala. Pero may kumikirot sa dibdib ko kapag nararamdaman ko ang pagbabalewala niya sa akin.
Tinanong naman niya ako kung ayos lang ba ako. Pasalamat pa nga dapat ako kasi tinulungan niya ako. Pero bakit taliwas ang nilalaman ng dibdib ko. Naiinis ako dahil umalis man lang siya ng walang paalam. Pinilit ko nalang alisin iyon sa aking isipan, at hindi ko na namalayan ay nakaidlip na pala ako.
Lumabas si Gabrielle sa kwarto niya habang may kausap sa telepono. Tumingin siya sa akin at ibinaba na ito." Sapphira." Nagaalala niyang tanong." Bakit?" Sagot ko habang binibihisan si Samuel.Tiniim niya ang kanyang mga labi at lumapit sa amin. " May emergency kasi sa bar, kailangan ako ngayon doon kaya.." Tumingin siya kay Samuel pagkatapos ay sa akin. Naintindihan ko na ang gusto niyang sabihin at saka tumango.Nahihiya na nga ako kay Gab dahil siya nalang lagi ang naiiwan para alagaan si Samuel ni minsan hindi siya nagreklamo sa akin." Okay lang Gab, ako na bahala sa kanya." Ngumiti ako at kumuha ng mga damit pang alis ni Samuel." Pasensya ka na ha, biglaan kasi. Hindi ko naman siya pwedeng isama doon." Ngumiti ako at tumango." Ano ba Gab, naiintindihan ko naman. Isasama ko siya sa trabaho ko siguro naman hindi ako papagalitan." Tumango siya at
Hapon na ngunit abala pa rin ang mga nagtatrabaho sa hotel." Anong meron?" Tanong ko kay Mona na nakaupo sa tabi ng lockers habang nilalagay ko doon ang mga gamit ko." Minamadali nilang ayusin ang function hall, dito kasi gaganapin ang proposal ng hotel para sa mga foreign investors." Tumingin ako kay Mona na kinakalikot ang kanyang mobile phone." Kailan daw?" Nagkibit balikat ito at ibinigay ang buong atensyon sa akin." Sa susunod na linggo palang pero aligaga na masyado papano kasi gusto ni Ms. Cassandra perfect ang theme, kaya kahit nakaayos na pinapapalit pa rin niya."" Ahh." Marahan akong tumango at sinara na ang locker ko.Mabilis kong natapos ang paglilinis ng bodega maging narin ang condo ni Tross, buong araw ko yata siyang hindi nakikita malamang ay hindi na umaalis iyon sa opisina niya dahil narin siguro sa event na gaganapin.At hindi ko rin siguro siya kayang harapin sa nangyari kagabi. Tama nga, kai
Maaga akong pumasok kinabukasan. Tulog pa si Tross ng magumpisa akong linisin ang kabuuan ng condo niya.Inipit ko ang mahaba kong buhok dahil sa init na nararamdam dahil sa paglilinis.Nahigit ko ang hininga ng marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto niya kung saan nakatapat ako na kung saan ako nagwawalis. Tumaas ang tingin ko sa inaantok pa nitong mga mata at gulo gulo nitong buhok.Nakasweat pants siya at gray tshirt. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumabi sa side upang makadaan siya. Nang hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya ay tinignan ko siya na seryosong nakatingin sa akin.Napalunok ako ng mabilis dahil sa nararamdamang kaba. Napakagat ako sa labi ko at tumingin sa baba. Nasapo ko ang dibdib ko ng lumapit siya at ikinulong ako sa dingding gamit ang dalawang mga kamay niya." Where did you go last night?" Malamig niyang tanong. Kunot noo ko siyang tinignan at nagtataka sa tanong n
Tuliro ako habang tinitimpla ang gatas ni Samuel, maaga ko siyang ginising dahil pangalawang araw niya ito sa paaralan. Excited naman siya dahil marami na daw siyang mga bagong kaibigan.Paguwi ko kagabi ay gising pa siya at hinihintay ako. Inayos ko na ang mga damit niya na susuotin mamaya. He was taking a bath now, he always kept on reminding me that he is now a big boy. Minsan napapaisip ako kung saan nagmana si Samuel, he's young but he already knows his responsibility.Kapag sinasabi niyang kaya niya, kahit nakikita ko siyang nahihirapan hindi siya humihingi ng tulong. He do his duties on his own, minsan napapangiti ako dahil alam ko na he can do things without me. Pero minsan napapaluha dahil baka dumating yung araw na binata na siya at hindi niya na kailangan ng tulong ko." Layo ng iniisip Te? Saan naba tayo nakarating?" Sumulyap ako kay Gab na ngayon ay papaupo sa tapat ko." Aga mo yata nagising Gab?
Parang tambol ang aking dibdib dahil sa lakas ng tibok nito." You owe me something Sapphira." Aniya na mas lalong nagpakaba sa akin.Kumunot ang noo ko at muling humakbang. " I don't get you." Marahan kong sagot.Muli ay humakbang ito. Napatili ako ng hinigit niya ang aking kaliwang kamay at ikinulong ako sa sink.Mabigat ang mga bawat paghinga niya. Mapupungay ang mga mata nitong tumingin sa akin. Nanlambot ako ng maramdaman ang mainit niyang kamay sa aking likuran.Pumungay ang mga mata ko ng mas lumapit siya sa aking mukha. Idinikit niya ang kanyang katawan sa akin, at napakagat sa aking labi ng maramdaman ang kanya sa aking puson." I didn't sleep well Sapphira." Bulong niya sa akin at inamoy ang aking buhok. Umusbong ang init na aking nararamdaman.Napaliyad ako ng maramdaman ang munting halik niya sa aking tenga. Napakapit ako sa kanyang leeg ng marahas ni
Tulad ng dati, sobrang dami ng tao sa bar. Lalo na ay Friday at weekends kinabukasan. Inilibot ko ang aking mga mata sa buong paligid ng bar kung saan madaming nagkakasiyahan na tao sa gitna kung saan nakaharap ang mga ito sa Dj." Looking for someone?" Malalim na boses ng pamilyar na lalaki ang nahimigan ko sa aking likuran. Humarap ako. With his thick eyebrows and brooding eyes looking at me. He looks tired." Tross.." Tumingin ako sa kanyang likuran dahil baka kasama nanaman niya ang kanyang mga kaibigan ngunit wala akong nakita. O baka naman ang girlfriend niya ang kasama niya. In this dim lights I got a chance to look on his fac
Huminto kami sa tapat ng drug store para makabili ng first aid sa sugat ni Hendrix. Kahit na pinagtitinginan ako ng mga customer dahil sa pamamaga ng aking mga mata ng dahil sa pagiyak ay hindi ko na lang pinansin. Mas kailangan ni Hendrix ang tulong ko.Nagpapasalamat ako na kahit papaano ay nakaalis kami sa hotel kahit na wala ni isang tumulong sa amin dahil pinagbawalan ni Ms. Cassandra.Napangiwi si Hendrix ng dahan dahan kong ginagamot ang sugat niya sa mukha. Nasa loob kami ngayon ng sasakyan niya." Hendrix tumuloy na kaya tayo sa hospital."" Just a little cuts Sapphira, I'm okay." Aniya na ikinainis ko kaya diniinan ko ang bulak sa sugat niya." Ah, masakit." Ngumiwi pa siya at lumayo." Akala ko ba little cuts? Ts."" I'm okay, Okay? Nothing to worry." Nagbuntong hininga ako bilang pagsuko.Napahinto ako sa paggagamot sakanya ng mag ring
Itong mga nagdaang araw ay ginugol ko ang panahon ko sa pagaalaga kay Samuel. Hinahatid at sinusundo ko pa siya sa kaniyang paaralan.Kapag nasa bahay ay ginugugol ko ang oras ko sa paglilinis ng bahay. Nahihiya din ako kay Gab dahil ito lang ang kaya kong maitulong sa ngayon dahil wala pa rin tumatawag sa akin." Bakla akala ko ba umalis si Sir Hendrix?" Takang takang tanong ni Gabrielle sa akin habang nagluluto ako sa kusina ng hapunan namin.Si Samuel ay nasa sala kasama si Gabrielle dahil araw ng linggo ngayon at walang pasok." Oo nasa US na siya." Sagot ko na hindi man lang siya tinapunan ng tingin dahil aligaga ako sa pagtitimpla sa tinolang niluluto ko." Sorry, did I disturb you?" Muntik ko ng mahulog ang hawak kong sandok dahil sa gulat ng marinig ang pamilyar na mababang boses ni Hendrix.Namilog ang mata ko at unti unting tumingin sa kanya. With his fresh look, wearing a casual gray plain shirt and a maong pants. In just a month
Ito ang unang paguwi namin ngayong taon galing Australia." Bro, what's with your phone? Bakit hindi mo mabitawan?" Biro ko kay Kuya at umupo sa malaking sofa.We were having small gathering with my friend since we're just staying here for a short period of time.Tumaas ang tingin nito sa akin at ngumisi." You know what bro, I want you to meet this lil woman that I know." Nakangiting saad nito.Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may inirereto siya sa akin." Like what you said, she's still little." Humalakhak ito sa sagot ko at napailing. He tapped my shoulder." She's funny too!" Anito at umiling muli habang nakangisi." Not really interested." Walang ganang tugon ko.Palagi niya iyong nababanggit sa akin, pero wala naman siyang ipinapakilala.Was he referring to Sapphira? I guess not. Bat naman niya irereto
Malamig ngayon sa Australia at puno na ng nyebe ang buong syudad. " I guess, studying abroad is really bad idea." Ani Kuya Alex na kavideo call ko sa cellphone. I sighed, and sipped on my espresso." Bro you should take a vacation and stay here for a while." Suwestiyon ko, napansin ko na naka suot pa siya ng office attire at matagal na din siyang hindi dumadalaw dito.Ngumisi ito. " I can't do that, I'm seeing someone else."" Really? Who's the unlucky girl?!" I laughed, one of his past time again. I shook my head in disbelief." Who's that Kuya?" Tanong ni Cassandra na
Huling kabanata ng Tross, maraming salamat po sa pagtangkilik. Sunod ay wakas. ♥️Nakatayo ako ngayon sa harap ng malaking ref, masyado akong naglula sa dami ng pagkain dito. Bakit pa siya nagorder kahapon ng food if we can cook? I shook in disbelief.Sumulyap ako sa nakasarang kwarto kung saan ako nanggaling, masarap pa ang tulog niya at nagpasya na akong tumayo dahil baka hindi nanaman kami makapagbreakfast, ako nalang ang magluluto .Napangiti ako sa isipang iyon, I never expect this moment to come. Pagkatapos kong nagluto ay hindi pa din siya lumalabas ng kwarto kaya nagpasya akong maglinis ng living room. Binuksan ko ang tv upang maibsan ang katahimikan." Breaking News! Family Montenegro confirm the death of their son who finally saw his lost body after more than five months of missing..." napahinto ako sa aking ginagawa at parang tuod na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa screen ng tv.
My head was still spinning, my body was so weak. I am so lazy to even open my eyes. I sighed and grabbed my pillows to cover my head. I wanted more sleep. I felt so tired." Ugh!" I groaned when I remembered my dream.I was dreaming of Tross, and we were making out! It felt so real!I stiff when I felt someone grabbing my waist. I might still dreaming, alcohol was really a bad idea. Noted.Nagulat ako ng may mainit na kamay ang humahaplos sa dibdib ko. Napahawak ako sa aking ulo sa biglaang pagangat ng ulo ko para tignan iyon. Ugh!" You're awake baby." Kumabog ang dibdib ko ng marinig ang pamilyar na boses ni Tross.Kailangan ko ng magising dahil hindi na nakakatawa ang panaginip na ito. Napaawang ang labi ko ng bumaba ang kamay nito sa pagkababae ko. Napahinto ako sa kanyang ginawa, nananaginip nga ba ako o talagang totoo ang nangyayare? Bakit pakiramdam ko damang dama ko talaga ang ginagawa niya sa akin, and I am naked!Iminul
Inayos ko ang sarili ko sa salamin kahit na umiiyak ang loob ko. Hinang hina man ang tuhod ko ay naglakad na ako palabas ng comfort room." Oh Sapphira," sa ganitong pagkakataon ay ngayon ko pa talaga siya masasalubong.What is she doing here anyway? I thought they were discussing about their wedding. Parang bumaliktad nanaman ang sikmura ko sa isipang iyon." Trinity..." bulong ko at wala akong panahon makipagusap." This is what I am talking about Sapphira, Jackson was just using you." Tumaas ang kilay nito at ngumisi. " Looked at you now, you look miserable."Umiwas ako ng tingin, I got affected for the news, but it should not be obvious on my face. Isa pa iyon naman talaga ang dapat, I am pushing him away from me." Congratulations for the both of..." tumawa ng pagak si Trinity na parang nagiinsulto kaya kumunot ang noo ko." Oh please don't pretend that you
I wasn't even able to utter a single word while eating our breakfast, even though it's not really my first time eating together with them, but I still felt that I should not be here. Kung hindi lang sana ako pipilitin ni Tito Sander kung tatanggi ako sa bawat aya niya ay wala talaga akong balak na sumabay.I was about to stood up, when Tross went to my back to push back my chair. Nagulat ako doon at narinig ko ang munting ubo ni Madame Brigitte. Sumulyap ako sa kanya na napahinto sa pagkain at nakakunot ang noong nakatingin sa kanyang plato. It was obvious that he was making his move, and darn it! In front of these people.Cassandra was looking at me intently like I made some kind of mistake, Tito Sander seems okay and nothing happened.Sumulyap ako kay Tross na s
" Who told you to wear this shit?!" Mapanganib na tanong nito.Nanginig ako ng hinaplos nito ang panga ko. Iniwas ko ang katawan ko at lumayo sa kanya. Inilibot ko ang paningin ko sa buong bahay niya. Wala paring nagbago sa bahay nito. Nanigas ako ng maalala ang mga nangyare noong unang pagkikita namin ni Madame Brigitte, at hindi ito magandang alaala. Nanikip ang dibdib ko at sumulyap sa kanya na galit na galit. Ngumisi ako. " Don't act as if nothing happened Tross! Ako dapat ang galit sating dalawa!" Naiinis na sigaw ko sa kanya. Napahinto ito at pumungay ang mga mata niya ng abutin niya ang siko ko ngunit nagpumiglas ako. " Ano ba! Nandito ako para kay Samuel." Umiling iling ako. " You used me!
Ito na yata ang matagal ko ng hinihiling, iyon ay sana kahit man lamang sa kanilang huling hantungan ay magkasama silang dalawa." Hello po Mommy and Daddy, birthday ko po ngayon." Nagkatinginan kami ni Gabby na halos maluha luha.May ibinigay kami na flowers kina Ate Ysabelle at nagsindi na rin ng kandila.Ito ang huling hiling ko kay Tito Sander, hindi ko akalain na gagawin niya ito sa madaling panahon." Limang taon na ho ako." Anito at ipinakita pa ang mga limang daliri nito sa harapan nila.Inilagay ko din ang picture na magkasama silang dalawa ni Kuya Alex. Hindi ko makayanan ang bigat at sakit. Limang taon na din, ng mawala ang kanyang magulang. Pero parang kailan lang, ng mahuli ko silang magkasama ni Kuya Alex.Hindi niya maiintindihan ngayon, pero darating ang panahon na mas lalong maiintindihan niya ang mga bagay bagay at ayoko na maramdaman niya na nagiisa siya.
Hinaplos ko ang maglilimang buwan na tyan ni Ate Ysabelle. Ngumiti ito sa akin." Ate hindi niyo pa ba ipapacheck kung ano gender niya? Excited na ako sana babae!" Tili ko at mas lalong tumawa si Ate." Naku malamang kapag babae yan kamukha mo! Sobra yata kung maglihi sa iyo ang Ate mo." Singit ni Mama.Ngumuso si Ate kaya natawa ako. Noon kasing naglilihi si Ate ay halos hindi ako makapasok dahil nagtatampo ito kapag umaalis ako sa tabi niya. Kapag nandyan naman si Kuya Alex ay hindi niya pinapansin, kaya nagseselos sa akin si Kuya." Magsasaing lang ako." Ani Mama at lumabas sa kwarto namin ni Ate.Muli kong hinaplos ang tyan ni Ate. " Ate bakit mo minahal si Kuya Alex?" Wala sa sarili kong tanong. Sumulyap si Ate Ysabelle sa akin at ngumiti. " Anong klaseng tanong yan Sapphira.." Nagkibit bal