Nagbuntong hininga ako habang umuupo sa sofa namin sa sala ng datnan ako ni Gab galing sa kwarto niya.
" Oh kamusta? Bakit parang hindi pa man losyang ka na." Tanong niya sa akin. Umirap ako sa sinabi niya.
" E pano kasi yung nililinis kong condo dun sa ano-"
" ANO?" Tumingin ako kay Gab na magkasalubong ang kilay na hinihintay ang sagot ko.
" Yung sinampal ko nung nakaraan. " mahina kong tugon.
" ANO?"
" Ano ba wag kangang sigaw ng sigaw!" Naasar kong sabi.
" Nakilala ka ba?"
Tanong niya. Umiling ako ng mabilis at saka siya huminga ng malalim.
" E yun naman pala e. Wala naman palang problema."
" Pero kasi tuwing nakikita ko siya para akong-"
" Sandale! Sabihin mo nga sa akin, binastos ka ba?" Tanong niya at umupo sa tabi ko.
" H-hindi."
" E bat mo sinampal?" Napakagat ako sa daliri ko.
" Na-nadala lang ng emosyon. Saka, siya daw may ari noong hotel." Dagdag ko.
Nanlaki ang mata ni Gab at napatakip sa kanyang bibig na para bang malaki ang kasalanang ginawa ko. Binatukan niya ako kaya napatingin ako sa kanya ng masama.
" Ano ba!" Anas ko.
" Bakla hindi mo kilala kung sino siya? Nasa earth kapa Sapphira."
" Huh?"
" My god!" Hinilamos ng kanyang dalawang kamay ang mukha niya. " Si Mr. Tross Jackson Del Rio iyon, sa dami ng pwede mong sampalin bat siya pa?"
Tross Jackson? Pangalan ng babaero.
" Sympre nasaktan ako e!" Naaasar kong tugon, at ano ngayon kung siya ang may ari noong hotel and casino na yun? What's the big deal?
" Hindi mo ba alam?"
" Ang alin? Yayaman ba kami ng anak ko pagnalaman ko?" Napangiwi si Gab at binatukan akong muli. " Nakakarami kana ha!"
" Gaga. Isa yan sa mga parokyano sa bar ni Auntie. Laging mataas ang kita kapag nasa VIP bar namin sila, kumbaga sa diyamante siya iyong pinakaiingatan namin kasi malakas ang impluwensya sa babae pati sa mga businessman."
" And so what?"
" Sinampal mo siya bes? Jusko buti nalang hindi iyon nagreklamo." Aniya na parang sasakit ang ulo. " Ano ba kasi ginawa sayo? Binastos ka? Sa gwapo niyang yun ako na, ako na ang kusang magpapaubaya."
This time ako naman ang nagbatok sa kanya. " Stop it Gab. He deserve that slap, well kung magrereklamo siya ako ang haharap sa kanya. Sinaktan niya ko! Masyado akong naging mababa sa paningin niya. "
" Sapphira..."
" Gab I'm sorry, I just can't help it. Alam ko ininform mo na ako for so many possibilities. I'm prepared, pero ewan ko nung narinig ko yun na siya mismo nagsabi sa harap ko na para akong bayarang babae. Nasaktan ako Gab, sampal sa akin yun." Bumuntong hininga si Gab bilang pagsuko at inakbayan ako.
" I'm sorry. Nagulat lang kasi ako, sabi ko naman kasi sayo bakla diba? Wag kanang sasali sa ganyan."
Umiling ako ng mabilis at tumingin kay Gab. " No, tama naman siya eh. I'm doing that for Sam, I can do everything para sa anak ko. Gab gusto ko sanang magtrabaho ulit sa bar as a waitress."
" Sapphira diba pinagsabihan na kita?"
" Part time lang naman. Every other day naman yung pasok ko sa work hindi sapat yung pera Gab, I want to study, I want to continue may degree at hindi ako makakaipon kulang iyong sasahurin ko sa paghohousekeeper. This time I'm also doing this for me. Please."
" Hindi ko na alam ang gagawin sa iyong babaita ka. Kung oofferan naman kita ng pera alam kong tatanggihan mo. Ano bang gusto mo?"
" Monday, wednesday and friday ako pwede kahit part time lang sana alam mo na para magincome din."
" Sige sige ako na bahala sayo pero yung suot mo ayusin mo wag kang magalala mas maraming bouncer na kami. Saka sanay ka na man diba? Sa VIP kita ilalagay kasi doon mas sumusunod sila sa rules ng bar." Ngumiti ako at tumango.
Madalas kasi sa VIP bar nila ay sikat na artista o mga modelo ang mga nandoon, tapos mas malaki ang tip. Lumawak ang ngiti ko sa pagiisip na iyon.
Maaga akong pumasok sa hotel dahil na rin sa text ng isa sa head na humahawak sa mga housekeeper department na si Ma'am Mich kailangan ko daw pumasok ng maaga dahil may darating na Auditor.
Pagpasok ko sa mga locker namin ay lahat sila ay aligaga.
" Dalian mo ngang magbihis dyan bat kasi nagmake-up kapa!" Anas ng isang kasamahan namin na mukhang kasing tanda ko lamang.
" E pano kasi malay ko bang kasama din si Mr. Jackson, My god!" Sagot naman ng isa na parang mas bata sa isa. Kumislap pa ang mata nito ng sabihin ang pangalan ni Mr. Tross Jackson.
Umirap nalang ako at nilagay ang gamit ko sa locker.
" Uy, bago kapa lang?" Tumingin ako sa babaeng nagsalita kanina.
" Ah, oo. Part time lang kasi."
" Oh? " Tumingin siya sa mga aligagang housekeeper na kasama namin. Silang dalawa lang ang bata sa mga kasama ko halos kasi ang parang retirado na at matagal na dito. " Ako nga pala si Kyla, ito naman si Mona." Turo niya sa isang nagaayos ng kilay.
" Ah hello. Ako nga pala si Sapphira." Ngumiti ako at nakipagkamay. Mas okay na rin na may kakilala ako sa mga kasamahan ko para naman hindi ako kawawa.
" Sapphira? Wow. Ang ganda naman ng pangalan mo." Ani Mona na binaba ang salamin na hawak niya. " E ano hawak mo? Bet ko isa lang hawak mo no kasi part time ka lang eh."
" Ah oo. Iyong last condo dito." Sabi ko at sinara na ang locker ko. Pagtingin ko sa kanilang dalawa ay nanlalaki ang mga mata nilang nakatingin sa akin.
" Oh my!" Sabi ni Kyla na tinakpan pa ang kamay niya na parang hindi makapaniwala.
" Ang swerte mo girl!" Tili naman ni Mona at inalog alog pa ang kamay ko na akala mo ay close na kami.
" E, anong swerte doon?" Paglilinaw ko.
" Yun yung condo ni Mr. Jackson" Tumango ako bilang pagtugon.
" Ang gwapo kaya niya! Alam mo bang madalang ko lang siyang makita dahil madalang lang siyang lumalabas sa office tapos kapag pa umaakyat na siya sa condo niya e sa VIP elevator pa ang ginagamit niya." Ani Mona na nakasimangot.
" Totoo yun madalang mo lang makita." Sabat naman ni Kyla.
" Tama na yang paguusap niyo at kayo'y lumabas na dyan. " Singit ng isang may katandaang kasama namin.
Sinimangutan naman nilang dalawa ang sinabi ng matanda at lumabas na. Halos nakauniporme ang mga iba at ang iba naman ay nakapantalon at puting t-shirt na kamukha ko.
Maging sa HR at mga receptionist ay sobrang excited at aligaga sa pagaayos ng mga gamit nila. Umirap ako at napailing.
Kung kailan alam nilang may Auditor doon palang sila magaayos? Seriously? Para ano para makita ng boss na ginagawa nilang mabuti amg gawain nila? Where in fact pwede naman nila itong ayusin una palang.
" Labas na kayong lahat ayusin niyo ang mga damit niyo." Sigaw ng nakakatandang babae na siyang naginterview sa akin sa HR.
Lahat ng department na nasa baba ay lumabas para tugunan ang pagdating ng auditor. Lumapit ako sa kinatatayuan nila Mona at Kyla na nagaayos ng buhok.
" Sobrang sungit ba iyong Auditor kaya ganito lahat sila magreact?" Wala sa sarili kong tanong kay Kyla na nasa tabi ko.
" Hindi kapag yung auditor lang ang darating hindi kami ganoon nagaayos kaso kasi parang kasama niya iyong kapatid ni Mr. Jackson na si Ms. Cassandra sobrang sungit kasi noon parang si Mr. Jackson."
" Ms. Cassandra? Hindi ko pa siya nakita. " Nagbuntong hininga silang dalawa sa akin at napailing.
" Wag mo nang kilalanin kasi ang pangit din ng ugali noon." Sabi naman ni Mona.
Tumango ako at tinignan lahat ng empleyado na nakatayo simula sa tapat ng pintuan ng hotel. Para kaming body guard at hinihintay ang pagdating ng Hari.
Mas lalo silang naging kabado ng may humintong white van sa tapat ng entrance. Medyo may kalayuan pa kami sa entrance ng hotel pero lahat sila ay tumahimik na.
Yumuko lahat sila maging ang mga iilang manager.
" Sapphira ano ba!" Anas sa akin ni Kyla at pinayuko ako. Kaya hindi ko nakita ang pagbaba nila sa van.
" Ano ba bat tayo yumuyuko?"
" Ts. Bilang paggalang ano ka ba." Anas ni Kyla sa akin at pinaglakihan ako ng mata.
Nangiwi ako dahil nahihirapan ako sa pantalon na suot ko, college pa ko ng binili ito ni Mama para sa akin kaya medyo masikip na. Hindi na rin ako gaano nakakabili ng damit para sa akin, dahil mas priority ko ngayon si Samuel. Napangiti ako ng maalala ko ang anak ko.
May naririnig na akong takong at mga hagikgik ng mga babae na hindi ko alam kung bakit.
Nahihirapan ako sa pagyuko ko kaya tumayo muna ako ng mabuti para sana ayusin ito.
Pagtayo ko ay nagulat ako dahil malapit na pala sa gawi namin ang mga ito. Lima sila. Mayroong isang sopistikadang babae na naka fitted black dress at sumisigaw ng karangyaan ang kanyang mga alahas. Sobrang kinis ng balat nito. Habang sa tabi naman niya ay nandoon ang pamilyar na mukhang nakakunot ang noong nakatingin sa akin at tatlong lalaking nasa likod nila na nakasuit.
Napangiwi ako ng kurutin ako sa kamay ni Kyla.
" Ano ba Sapphira!" Bulong nito na ramdam ko ang pagaalala sa kanyang tinig.
Kumabog ang dibdib ko at inaamin ko na kinakabahan ako ng titigan ako ng maaaring si Ms. Cassandra iyon. Gumuhit ang pagkainis sa kanyang mga mata.
She smirked and shook her head. Matalim niya akong tinignan at huminto siya sa harapan ko. Kaya maging si Mr. Tross ay napahinto din.
" Let's go Cas." Ani Tross na hinawakan pa ang siko ng kanyang kapatid.
" No wait."
Naramdaman ko na ang kaba ni Kyla kaya maging ako ay ang lakas ng kabog ng dibdib. Nagbubulong bulungan na at dahil iyon sa akin. I'm dead. Sana ay bumuka ang sahig at lamunin nalang ako nito sa kahihiyan. Yumuko ako ng bahagya dahil sa kahihiyan.
" Sapphira Frial." May pait sa boses ni Ms. Cassandra ng banggitin niya ang pangalan ko malamang ay nabasa niya ito sa i.d. na suot ko. Nagbuntong hininga siya at humalukipkip. " Bago ka palang dito?" Maging ang pagsasalita niya ay makikita mo ang pagiging professionalism niya.
" O-opo."
" Obviously, hindi mo alam ang proper manner." Anas niya na inis na inis na. Tumingin ako sa maganda niyang mukha kahit na nakakunot ang noo nito.
" I'm sorry po, masikip po kasi ang-" nakagat ako sa labi ko ng mas lalo pang nainis ang kanyang mukha.
" Hah! I'm not asking you anything kaya wag kang sumasagot sagot!"
" Cas stop it." Narinig kong bulong sa kanya ni Tross.
" What do you want me to do Kuya? Naiinis ako e." Ang bilis na ng tibok ng puso ko ng tumingin ako kay Tross na seryosong nakatingin sa akin. Bumuntong hininga pa ito.
Umirap si Ms. Cassandra sa akin. " Ms. Mich?"
" Y-yes po Ma'am?" Tumayo ng tuwid si Ma'am Mich at sobrang putla.
" Siya ang paglinisin mo ng bodega." Tumingin siya sa akin ng masama. " For one week. Walang tutulong sa kanya. That is what rude people deserve for not respecting their boss. " Aniya at ngumisi pa bago tumalikod.
Tumingin sa akin si Tross ng seryoso at naglakad na rin. Nasapo ko ang dibdib ko ng nakaalis na sila. Nakahinga ako ng maluwag, kanina ko pa pala pinipigilan ang aking paghinga.
" Ang kulit mo kasi Sapphira e, ayan tuloy." Naaawang sabi sa akin ni Kyla.
" You can now go back to your work." Sabi ng isang dept manager.
May mga tumitingin sa akin at nagbubulong bulungan, mayron naman na wala naman sa kanila ang nangyari na parang ordinaryong pangyayari lamang.
" Nakita mo ba si Mr. Jackson? Grabe!" Ani ng isang receptionist sa kasama niyang kinikilig tulad niya bago bumalik sa pwesto nila.
" Sapphira." Napatingin ako kay Ma'am Mich na masama ang tingin sa akin. Bumuntong hininga ako at lumapit sa kanya.
" Ano po?" Kinakabahan ako ng bumuntong hininga siya at pumasok sa loob ng department. Tinignan ko muna sina Mona at Kyla na nagaalala sa akin at sumunod na sa loob.
Hindi ko alam kung anong mali sa ginawa ko, tumayo lang naman ako para ayusin ang pantalon ko dahil nahihirapan ako. Ano bang gusto nila? Na mahirapan akong huminga? Para yun lang nagalit na siya? Mayaman nga naman talaga.
" Hindi mo ba kilala iyong kausap mo kanina?" Nanggagalaiting tanong ni Ma'am Mich sa akin pagpasok palang namin sa opisina niya.
Hindi niya ako hinayaang magsalita bagkus ay binagsak niya ang kanyang kamay sa lamesa at tumingin sa akin ng masama. " Siya lang naman si Ms. Cassandra Del Rio." Huminga ng malalim si Ma'am Mich at umupo sa kanyang upuan.
" Masyado iyong maarte sa lahat ng bagay, kahit konting pagkakamali nakikita niya." Ngayon ay mas malumanay na ang kamay boses. Huminga siya ng malalim at umiling.
" Pasensya na po Ma'am.''
" Sapphira, bago ka palang dito. Wag mong hahayaang masira ka sa paningin niya kundi siya mismo ang makakalaban mo. Kahit na anong rason ang sasabihin mo hindi ka niya pakikinggan. Sapphira ganoon ang mayayaman, kailangan mong makisama kasi kailangan mo ng trabaho. Hindi ba?"
" O-opo Ma'am kailangan ko po talaga ito! Pasensya na po Ma'am hindi ko po talaga sinasadya."
" Alam ko, kahit naman sinong makausap ko na napagbubuntungan niya ng galit ay ganoon ang sinasabi. Wag kang mainis sa akin dahil nagagalit ako sayo. Concern lang ako sa kalagayan mo. Kailangan mong masanay dito at sundan ang bawat panuntunin dahil ikaw din ang mahihirapan. Wag kang magalala hindi siya madalas bumisita dito. Pero sa susunod kailangan alam mo ang gagawin mo."
" Opo. Ma'am." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi sa akin ni Ma'am Mich hindi naman pala siya tulad ni Ms. Cassandra na masungit. Siguro sadyang nasanay na siya sa atmospera dito.
Tama siya kailangan kong makisama lalo na sa mga boss ko. Itinuro niya sa akin ang lilinisin kong bodega at napaka laki at dumi nito dahil nandito lahat ng mga ginagamit tuwing may events sa hotel.
Pagkatapos ko nalang daw sa paglilinis sa condo ni Tross ay doon ako pupunta sa bodega. Isang buong linggo din akong papasok, dahil narin sa utos ni Ms. Cassandra. Hindi ko naman kailangan magalala dahil sabi sa akin na Ma'am Mich ay may bayad naman daw ako. Mas maganda pala iyon para naman ay madagdagan ang sahod ko kahit papano. Kaya kakausapin ko si Gab at baka next week nalang muna ako maguumpisa sa racket ko.
Huling araw ko na ito ng paglilinis sa bodega at patapos na rin ako, sanay na ako sa paglilinis kaya kahit ako magisa ay hindi naman ako masyado nahihirapan pero mas mapapadali kung may kasama ako.
Binuksan ko ang condo ni Sir Tross at sumalubong ang amoy ng ginigisang bawang. Parang kahit na kumain ako sa bahay ay nagugutom ako sa amoy nito.
Ilang araw na akong naglilinis dito at madalas siyang wala pero ngayon ay mukhang nandito siya. Naglakad ako patungong sala at mas naamoy ko ang niluluto nitong sinangag.
Napasapo ako sa aking ulo ng makita ang nagkalat na bote ng alak at junkfood sa center table at gulo nito. Kakalinis ko palang nito kahapon at maglilinis nanaman ako ngayon, sa totoo lang sa isang linggo kong paglilinis dito ay palagi nalang ganoon ang dinadatnan ko. Kung hindi ang mga damit niya ay mga kalat naman ng pagkain! Bwiset!
Nananadya ba siya? O sadyang makalat lang talaga tong tao na'to! Umirap ako sa kawalan sa sobrang inis.
Iniwan ko ang dala kong cart ng mga panlinis at pumunta sa kusina.
Napalunok ako ng makita ang walang saplot na si Tross na nakaharap ang malapad nitong likod sa akin. Nakagat ko ang labi ko ng masuri ang kabuuan nito ang magandang hubog na pangangatawan nito, ilang oras kaya ang ginugugol nito sa gym para makuha ang magandang katawan na iyan.
Tumikhim ako para makuha ko ang antensyon niya ngunit hindi man lang niya ako binigyan ng kahit sulyap lang. Napabuga ako ng hininga at napangewang.
" Excuse me po." Malumanay kong sabi ngunit hindi man lang niya ako pinapansin masyado siyang busy sa paglilipat ng pagkain sa plato niya.
" Sir Tross." Tawag ko na may diin sa bawat letra. Napaatras ako ng tumingin siya sa akin ng masama.
Masyado yata akong naging bossy pakinggan. Wrong move.
Humarap siya sa akin at nilapag niya ang plato niya sa table this time ibinigay na niya ang buong atensyon niya.
Nakasuot siya ng kulay red na apron. Napangiti ako dahil nagmumukha siyang bata sa suot niya. Kumunot ang noo nito at inalis ang apron na suot niya at nilapag din sa mesa.
This time I saw his sweaty sexy body, his six pax abs. Napalunok ako at tumingin sa kawalan. Ano ano nalang ang naiisip ko at nagkakasala ako masyado.
" Are you calling me?"
" Ah-" Napahinto ako at inalis sa isip ang pagnanasa sa kanya. Sandale? Pagnanasa? Kailan ko pa siya pagnanasaan pwede ba Sapphira get a hold of yourself.
" Hindi ka ba marunong magtapon ng basura mo sa basurahan? For one week kong naglilinis dito lagi mo nalang ginugulo ang sala." Naiinis kong pahayag. He gave me a devil smirked saka siya umupo sa upuan.
" The last time I checked you are my housekeeper. Who are you to tell me what I should do?" Mayabang niyang tanong at tumaas ang kaliwang kilay nito.
Napakurap ako sa sinabi niya at akmang magsasalita ngunit mas pinili ko nalang kagatin ang labi ko. Oo nga naman sino nga ba naman ako? Nagbuntong hininga ako at iniwan siyang kumakain.
Napapadyak ako sa cart ng marealize ang sinabi niya masyadong nakakahiya iyong sinabi ko. Oo nga pala ay siya ang may-ari nito, and worse hindi lang ang condo maging ang buong hotel and casino na nakapaligid dito.
Inumpisahan ko ng linisan itong muli. Sa anim na araw na nagsunod ay sobrang pagod ko. Kapag umuuwi ako sa bahay ay kumakain nalang ako at natutulog. Hindi ko na masyadong nilalaro si Samuel nagseselos nanga iyon sa akin dahil hindi ko na gaanong binibigyan pansin. Kung tutuusin ay kailangan kong ayusin ang oras ko sa trabaho, sa bahay at sa anak ko.
Umupo ako sa sala ng matapos na akong maglinis. Gutom na gutom na ako. Napatayo ako ng bumukas ang pintuan ng kwarto ni Tross at iniluwa siya nito.
" Are you done? My room is in a mess you need to clean it." Wala sa sariling sabi niya. This time ay nakaayos na siya at mukhang papasok ng opisina. Alas dyes na at para yatang nalate siya ng pasok ngayon.
Tumayo ako at hinarap siya. " Ah- Sir kasi..." hindi pa ako nakapagsasalita ang kumulog na ang tyan ko sa gutom. Napangiwi ako sa kahihiyan.
Napahinto ako ng maglaro ang ngiti nito sa mga labi niya. Narinig ko na siya tumawa noon, pero ngayon ko lang siya nakitang tumawa mas gumagwapo pala siya kapag nakangiti. Lagi nalang kasing magkasalubong ang mga kilay niya.
" I have food in the fridge."
" Ah hindi na po, nagbabaon po ako Sir. " sabi ko at hinawakan ang tyan ko.
Tumaas ang gilid ng kanyang labi at napailing. " It was my first time offering a food, but you rejected me, woman."
Lumukso ang dibdib ko ng marinig sa kanya na ako palang ang una niyang inofferan ng ganoon. Hindi naman sa ayoko nahihiya lang ako dahil naalala ko boss ko din pala siya.
" Sapphira po, Sapphira ang pangalan ko." Sabi ko ng nakangiti at inilahad ang kamay ko sa harap niya.
Natawa ako ng pagak ng hindi man lang siya naglahad ng kamay niya. Tinignan ko ang kamay ko, naghugas naman ako ng kamay pagkatapos kong naglinis ng sala. Binaba ko ito at tumingin sa kanya na nakatingin sa kamay ko. Baka ako palang ang unang niyang inofferan sa mga naging katulong niya sa condo niya. Hindi sa lahat, masyado naman yata akong nagoverthink sa sinabi niya.
" Pasensya na po. " saad ko at umalis sa harapan niya. Kinuha ko ang cart na dala ko at saka umalis na sa condo niya.
Nanikip ang dibdib ko pagpasok ko sa elevator. Biglang nagbago ang timpla ko at nawalan ng ganang kumain habang kanina ay gutom na gutom ako.
Bumalik sa alaala ko iyong babaeng pumunta noon sa condo niya, Trinity? Kung hindi ako nagkakamali.
Naalala ko kung papano niya ito hawakan sa kamay at haplusin ang baba nito. Tumingin ako sa salamin ng elevator. Hinawakan ko ang aking mukha. Maayos naman ang buhok ko medyo pawis nga lang.
Kung bang kasing level ko si Trinity ay makakaya niya bang hawakan ang kamay ko? I felt low for that. Mas lalo kong nakikita na mas imposibleng maging magkaibigan ang mga mayayaman sa mahihirap na gaya ko. Ang layo layo ng antas na tinatayuan ko sa kinatatayuan niya.
Dati pa naman ay nilalayo ko na ang loob ko sa mga mayayaman ayoko na maulit ang dati. Ayoko ng maalala ang mga nangyari, mas lalong sumisikip ang dibdib ko kung papano ako binago ng kahapon. Mas matapang at mas handa sa bawat laban ng buhay.
Dahil natutunan ko kung papano tumayo magisa sa buhay. Tama nga sila, na kailangan mong matutong mag-isa para kung sino mang mayaman na aapi sayo, kaya mong lumaban. Pero sa kalagayan ko ngayon wala pa akong maipagmamalaki dahil hindi pa ako nakakapagtapos.
Pinapangako ko na pagnakapagipon ako magaaral ako para sa sarili ko. I need to grow up and be fruitful in my life. Para rin iyon sa anak ko, gusto kong ipagmalaki niya ako sa mga kaibigan niya.
Sa hindi ko malaman na dahilan ay gusto kong pumantay kay Tross, I want to be a woman na babagay sa pangalan niya.
Napailing nalang ako sa naisip ko dahil alam kong imposible. Kailangan ko nalang isiksik sa isipan ko na hindi yun pwede. Iiwas nalang ako dahil ako din naman napapahiya for being friendly.
You know Sapphira na hindi ka mayaman, at hindi iyon kasalanan.
Maaga akong nagluto ng hapunan para sa amin. Ngayon na kasi ang unang pasok ko ulit sa bar nina Gab." Nay aalis po ba kayo?" Tanong sa akin ni Samuel na nakaupo sa lamesa. Tumingin ako sa kanya na nakasimangot.Mataman akong ngumiti at nilapitan siya. Hinalikan ko siya sa pisngi at kinulong sa dalawa kong palad ang kanyang mga pisngi." Samuel anak diba gusto mo magaral?" Tumango ito ng mabilis. " Kaya kailangan magtrabaho ni Nanay." Ngumuso ito at mas lalo akong naawa sa anak ko.Hinalikan ko ito sa noo at saka naghapag ng makakain. Tumabi ako sa kanya para sana subuan siya dahil matagal na kaming walang bonding ng anak ko." Samuel magaral kang mabuti ha para paglaki mo, kaya mong makisama sa lahat ng tao." Sabi ko habang sinusubuan ang anak ko."Gabriella kain na." Sigaw ko kay Gab na nagaayos pa ng damit." Ayan na." Sabi niya sabay labas sa kwarto
Lumabas si Gabrielle sa kwarto niya habang may kausap sa telepono. Tumingin siya sa akin at ibinaba na ito." Sapphira." Nagaalala niyang tanong." Bakit?" Sagot ko habang binibihisan si Samuel.Tiniim niya ang kanyang mga labi at lumapit sa amin. " May emergency kasi sa bar, kailangan ako ngayon doon kaya.." Tumingin siya kay Samuel pagkatapos ay sa akin. Naintindihan ko na ang gusto niyang sabihin at saka tumango.Nahihiya na nga ako kay Gab dahil siya nalang lagi ang naiiwan para alagaan si Samuel ni minsan hindi siya nagreklamo sa akin." Okay lang Gab, ako na bahala sa kanya." Ngumiti ako at kumuha ng mga damit pang alis ni Samuel." Pasensya ka na ha, biglaan kasi. Hindi ko naman siya pwedeng isama doon." Ngumiti ako at tumango." Ano ba Gab, naiintindihan ko naman. Isasama ko siya sa trabaho ko siguro naman hindi ako papagalitan." Tumango siya at
Hapon na ngunit abala pa rin ang mga nagtatrabaho sa hotel." Anong meron?" Tanong ko kay Mona na nakaupo sa tabi ng lockers habang nilalagay ko doon ang mga gamit ko." Minamadali nilang ayusin ang function hall, dito kasi gaganapin ang proposal ng hotel para sa mga foreign investors." Tumingin ako kay Mona na kinakalikot ang kanyang mobile phone." Kailan daw?" Nagkibit balikat ito at ibinigay ang buong atensyon sa akin." Sa susunod na linggo palang pero aligaga na masyado papano kasi gusto ni Ms. Cassandra perfect ang theme, kaya kahit nakaayos na pinapapalit pa rin niya."" Ahh." Marahan akong tumango at sinara na ang locker ko.Mabilis kong natapos ang paglilinis ng bodega maging narin ang condo ni Tross, buong araw ko yata siyang hindi nakikita malamang ay hindi na umaalis iyon sa opisina niya dahil narin siguro sa event na gaganapin.At hindi ko rin siguro siya kayang harapin sa nangyari kagabi. Tama nga, kai
Maaga akong pumasok kinabukasan. Tulog pa si Tross ng magumpisa akong linisin ang kabuuan ng condo niya.Inipit ko ang mahaba kong buhok dahil sa init na nararamdam dahil sa paglilinis.Nahigit ko ang hininga ng marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto niya kung saan nakatapat ako na kung saan ako nagwawalis. Tumaas ang tingin ko sa inaantok pa nitong mga mata at gulo gulo nitong buhok.Nakasweat pants siya at gray tshirt. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumabi sa side upang makadaan siya. Nang hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya ay tinignan ko siya na seryosong nakatingin sa akin.Napalunok ako ng mabilis dahil sa nararamdamang kaba. Napakagat ako sa labi ko at tumingin sa baba. Nasapo ko ang dibdib ko ng lumapit siya at ikinulong ako sa dingding gamit ang dalawang mga kamay niya." Where did you go last night?" Malamig niyang tanong. Kunot noo ko siyang tinignan at nagtataka sa tanong n
Tuliro ako habang tinitimpla ang gatas ni Samuel, maaga ko siyang ginising dahil pangalawang araw niya ito sa paaralan. Excited naman siya dahil marami na daw siyang mga bagong kaibigan.Paguwi ko kagabi ay gising pa siya at hinihintay ako. Inayos ko na ang mga damit niya na susuotin mamaya. He was taking a bath now, he always kept on reminding me that he is now a big boy. Minsan napapaisip ako kung saan nagmana si Samuel, he's young but he already knows his responsibility.Kapag sinasabi niyang kaya niya, kahit nakikita ko siyang nahihirapan hindi siya humihingi ng tulong. He do his duties on his own, minsan napapangiti ako dahil alam ko na he can do things without me. Pero minsan napapaluha dahil baka dumating yung araw na binata na siya at hindi niya na kailangan ng tulong ko." Layo ng iniisip Te? Saan naba tayo nakarating?" Sumulyap ako kay Gab na ngayon ay papaupo sa tapat ko." Aga mo yata nagising Gab?
Parang tambol ang aking dibdib dahil sa lakas ng tibok nito." You owe me something Sapphira." Aniya na mas lalong nagpakaba sa akin.Kumunot ang noo ko at muling humakbang. " I don't get you." Marahan kong sagot.Muli ay humakbang ito. Napatili ako ng hinigit niya ang aking kaliwang kamay at ikinulong ako sa sink.Mabigat ang mga bawat paghinga niya. Mapupungay ang mga mata nitong tumingin sa akin. Nanlambot ako ng maramdaman ang mainit niyang kamay sa aking likuran.Pumungay ang mga mata ko ng mas lumapit siya sa aking mukha. Idinikit niya ang kanyang katawan sa akin, at napakagat sa aking labi ng maramdaman ang kanya sa aking puson." I didn't sleep well Sapphira." Bulong niya sa akin at inamoy ang aking buhok. Umusbong ang init na aking nararamdaman.Napaliyad ako ng maramdaman ang munting halik niya sa aking tenga. Napakapit ako sa kanyang leeg ng marahas ni
Tulad ng dati, sobrang dami ng tao sa bar. Lalo na ay Friday at weekends kinabukasan. Inilibot ko ang aking mga mata sa buong paligid ng bar kung saan madaming nagkakasiyahan na tao sa gitna kung saan nakaharap ang mga ito sa Dj." Looking for someone?" Malalim na boses ng pamilyar na lalaki ang nahimigan ko sa aking likuran. Humarap ako. With his thick eyebrows and brooding eyes looking at me. He looks tired." Tross.." Tumingin ako sa kanyang likuran dahil baka kasama nanaman niya ang kanyang mga kaibigan ngunit wala akong nakita. O baka naman ang girlfriend niya ang kasama niya. In this dim lights I got a chance to look on his fac
Huminto kami sa tapat ng drug store para makabili ng first aid sa sugat ni Hendrix. Kahit na pinagtitinginan ako ng mga customer dahil sa pamamaga ng aking mga mata ng dahil sa pagiyak ay hindi ko na lang pinansin. Mas kailangan ni Hendrix ang tulong ko.Nagpapasalamat ako na kahit papaano ay nakaalis kami sa hotel kahit na wala ni isang tumulong sa amin dahil pinagbawalan ni Ms. Cassandra.Napangiwi si Hendrix ng dahan dahan kong ginagamot ang sugat niya sa mukha. Nasa loob kami ngayon ng sasakyan niya." Hendrix tumuloy na kaya tayo sa hospital."" Just a little cuts Sapphira, I'm okay." Aniya na ikinainis ko kaya diniinan ko ang bulak sa sugat niya." Ah, masakit." Ngumiwi pa siya at lumayo." Akala ko ba little cuts? Ts."" I'm okay, Okay? Nothing to worry." Nagbuntong hininga ako bilang pagsuko.Napahinto ako sa paggagamot sakanya ng mag ring
Ito ang unang paguwi namin ngayong taon galing Australia." Bro, what's with your phone? Bakit hindi mo mabitawan?" Biro ko kay Kuya at umupo sa malaking sofa.We were having small gathering with my friend since we're just staying here for a short period of time.Tumaas ang tingin nito sa akin at ngumisi." You know what bro, I want you to meet this lil woman that I know." Nakangiting saad nito.Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may inirereto siya sa akin." Like what you said, she's still little." Humalakhak ito sa sagot ko at napailing. He tapped my shoulder." She's funny too!" Anito at umiling muli habang nakangisi." Not really interested." Walang ganang tugon ko.Palagi niya iyong nababanggit sa akin, pero wala naman siyang ipinapakilala.Was he referring to Sapphira? I guess not. Bat naman niya irereto
Malamig ngayon sa Australia at puno na ng nyebe ang buong syudad. " I guess, studying abroad is really bad idea." Ani Kuya Alex na kavideo call ko sa cellphone. I sighed, and sipped on my espresso." Bro you should take a vacation and stay here for a while." Suwestiyon ko, napansin ko na naka suot pa siya ng office attire at matagal na din siyang hindi dumadalaw dito.Ngumisi ito. " I can't do that, I'm seeing someone else."" Really? Who's the unlucky girl?!" I laughed, one of his past time again. I shook my head in disbelief." Who's that Kuya?" Tanong ni Cassandra na
Huling kabanata ng Tross, maraming salamat po sa pagtangkilik. Sunod ay wakas. ♥️Nakatayo ako ngayon sa harap ng malaking ref, masyado akong naglula sa dami ng pagkain dito. Bakit pa siya nagorder kahapon ng food if we can cook? I shook in disbelief.Sumulyap ako sa nakasarang kwarto kung saan ako nanggaling, masarap pa ang tulog niya at nagpasya na akong tumayo dahil baka hindi nanaman kami makapagbreakfast, ako nalang ang magluluto .Napangiti ako sa isipang iyon, I never expect this moment to come. Pagkatapos kong nagluto ay hindi pa din siya lumalabas ng kwarto kaya nagpasya akong maglinis ng living room. Binuksan ko ang tv upang maibsan ang katahimikan." Breaking News! Family Montenegro confirm the death of their son who finally saw his lost body after more than five months of missing..." napahinto ako sa aking ginagawa at parang tuod na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa screen ng tv.
My head was still spinning, my body was so weak. I am so lazy to even open my eyes. I sighed and grabbed my pillows to cover my head. I wanted more sleep. I felt so tired." Ugh!" I groaned when I remembered my dream.I was dreaming of Tross, and we were making out! It felt so real!I stiff when I felt someone grabbing my waist. I might still dreaming, alcohol was really a bad idea. Noted.Nagulat ako ng may mainit na kamay ang humahaplos sa dibdib ko. Napahawak ako sa aking ulo sa biglaang pagangat ng ulo ko para tignan iyon. Ugh!" You're awake baby." Kumabog ang dibdib ko ng marinig ang pamilyar na boses ni Tross.Kailangan ko ng magising dahil hindi na nakakatawa ang panaginip na ito. Napaawang ang labi ko ng bumaba ang kamay nito sa pagkababae ko. Napahinto ako sa kanyang ginawa, nananaginip nga ba ako o talagang totoo ang nangyayare? Bakit pakiramdam ko damang dama ko talaga ang ginagawa niya sa akin, and I am naked!Iminul
Inayos ko ang sarili ko sa salamin kahit na umiiyak ang loob ko. Hinang hina man ang tuhod ko ay naglakad na ako palabas ng comfort room." Oh Sapphira," sa ganitong pagkakataon ay ngayon ko pa talaga siya masasalubong.What is she doing here anyway? I thought they were discussing about their wedding. Parang bumaliktad nanaman ang sikmura ko sa isipang iyon." Trinity..." bulong ko at wala akong panahon makipagusap." This is what I am talking about Sapphira, Jackson was just using you." Tumaas ang kilay nito at ngumisi. " Looked at you now, you look miserable."Umiwas ako ng tingin, I got affected for the news, but it should not be obvious on my face. Isa pa iyon naman talaga ang dapat, I am pushing him away from me." Congratulations for the both of..." tumawa ng pagak si Trinity na parang nagiinsulto kaya kumunot ang noo ko." Oh please don't pretend that you
I wasn't even able to utter a single word while eating our breakfast, even though it's not really my first time eating together with them, but I still felt that I should not be here. Kung hindi lang sana ako pipilitin ni Tito Sander kung tatanggi ako sa bawat aya niya ay wala talaga akong balak na sumabay.I was about to stood up, when Tross went to my back to push back my chair. Nagulat ako doon at narinig ko ang munting ubo ni Madame Brigitte. Sumulyap ako sa kanya na napahinto sa pagkain at nakakunot ang noong nakatingin sa kanyang plato. It was obvious that he was making his move, and darn it! In front of these people.Cassandra was looking at me intently like I made some kind of mistake, Tito Sander seems okay and nothing happened.Sumulyap ako kay Tross na s
" Who told you to wear this shit?!" Mapanganib na tanong nito.Nanginig ako ng hinaplos nito ang panga ko. Iniwas ko ang katawan ko at lumayo sa kanya. Inilibot ko ang paningin ko sa buong bahay niya. Wala paring nagbago sa bahay nito. Nanigas ako ng maalala ang mga nangyare noong unang pagkikita namin ni Madame Brigitte, at hindi ito magandang alaala. Nanikip ang dibdib ko at sumulyap sa kanya na galit na galit. Ngumisi ako. " Don't act as if nothing happened Tross! Ako dapat ang galit sating dalawa!" Naiinis na sigaw ko sa kanya. Napahinto ito at pumungay ang mga mata niya ng abutin niya ang siko ko ngunit nagpumiglas ako. " Ano ba! Nandito ako para kay Samuel." Umiling iling ako. " You used me!
Ito na yata ang matagal ko ng hinihiling, iyon ay sana kahit man lamang sa kanilang huling hantungan ay magkasama silang dalawa." Hello po Mommy and Daddy, birthday ko po ngayon." Nagkatinginan kami ni Gabby na halos maluha luha.May ibinigay kami na flowers kina Ate Ysabelle at nagsindi na rin ng kandila.Ito ang huling hiling ko kay Tito Sander, hindi ko akalain na gagawin niya ito sa madaling panahon." Limang taon na ho ako." Anito at ipinakita pa ang mga limang daliri nito sa harapan nila.Inilagay ko din ang picture na magkasama silang dalawa ni Kuya Alex. Hindi ko makayanan ang bigat at sakit. Limang taon na din, ng mawala ang kanyang magulang. Pero parang kailan lang, ng mahuli ko silang magkasama ni Kuya Alex.Hindi niya maiintindihan ngayon, pero darating ang panahon na mas lalong maiintindihan niya ang mga bagay bagay at ayoko na maramdaman niya na nagiisa siya.
Hinaplos ko ang maglilimang buwan na tyan ni Ate Ysabelle. Ngumiti ito sa akin." Ate hindi niyo pa ba ipapacheck kung ano gender niya? Excited na ako sana babae!" Tili ko at mas lalong tumawa si Ate." Naku malamang kapag babae yan kamukha mo! Sobra yata kung maglihi sa iyo ang Ate mo." Singit ni Mama.Ngumuso si Ate kaya natawa ako. Noon kasing naglilihi si Ate ay halos hindi ako makapasok dahil nagtatampo ito kapag umaalis ako sa tabi niya. Kapag nandyan naman si Kuya Alex ay hindi niya pinapansin, kaya nagseselos sa akin si Kuya." Magsasaing lang ako." Ani Mama at lumabas sa kwarto namin ni Ate.Muli kong hinaplos ang tyan ni Ate. " Ate bakit mo minahal si Kuya Alex?" Wala sa sarili kong tanong. Sumulyap si Ate Ysabelle sa akin at ngumiti. " Anong klaseng tanong yan Sapphira.." Nagkibit bal