Home / Romance / Owned You / Kabanata 1

Share

Kabanata 1

Author: Ms. El
last update Huling Na-update: 2021-02-05 18:38:46

" Ganyan ka ba talaga kababa? A whore bitch that will do everything for money?"

Parang echo na paulit ulit sa isipan ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko at tumama ang kaliwang kamay ko sa kanyang kaliwang pisngi.

Alam ko sobrang lakas nito maging ang palad ko ay ramdam ang lakas ng pagsampal ko sa kanya. Napapikit siya sa ginawa ko. He sexily clenched his jaw, hindi ko alam kung aware ba siya na kahit sinampal ko na siya parang inihele niya ako sa bawat reaksyon niya.

Napakagat ako sa labi ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

Unti unting naginit ang mga sulok ng mga mata ko.

Tumahimik ang lahat maging ang stereo ay pinatay nila. Umilaw sa loob ng kwarto, ng magmulat siya ay umiwas ako ng tingin at tumayo.

Nakatingin lahat sila sa akin na takang taka sa nangyari.

" Miss are you okay?" Tanong sa akin ng matangkad na lalaking nakaloose ang white polo.

Wala sa sarili akong tumango at saka iniwan sila sa kwarto.

" Dude what did you just do?" Tanong ng isa nilang kasama bago ko pa masara ng tuluyan ang pinto.

Nakita ko si Gab na naka upo sa isang kulay maroon na sofa sa sala. He was actually laughing with his phone on his right ear.

Inalis ko ang maskara ko at hindi kona napigilan ang unti unting pagkawala ng luha sa mga mata ko.

Umawang ang labi ni Gab at saka tumayo para hawakan ang magkabilang balikat ko. " A-anong nangyari?" Nagaalala niyang tanong.

" Let's go home. " Tipid kong sagot.

Bago pa siya magtanong muli ay naglakad na ako patungo sa elevator. Sinundan niya ako bago pa magsara ito.

Pagsara ng elevator ay siya naman labas ng iba sa kwarto na nilabasan ko.

" Bakit ka umiiyak?" Hinarap ako ni Gab sa kanya at pinunasan ang aking mga luha.

Hindi ko alam, pero nasaktan ako sa sinabi niya. Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing inaamin ko sa sarili ko na ginagawa ko nga iyon para magkapera.

" Binastos ka ba?" Tanong niyang muli at napatakip sa bibig niya.

Binastos niya nga ba ako? Hindi, hindi ako makapagsalita dahil totoo naman ang sinabi niya. I'm doing that for money, at yun yung masakit. At oo gagawin ko ang lahat para kumita ng pera para kay Samuel. Para sa anak ko.

" H-hindi." Tipid kong sagot at pinahid ang luha sa pisngi ko.

" Sabi ko na kasi sa'yo wag kanang sumama e. Kasalanan ko to." Aniya at kinuha ang telepono sa kanyang bulsa.

Paglabas namin sa elevator ay may kinausap siya sa kanyang telepono habang ako ay deretso sa van namin.

Niyakap ko ang sarili ko ng maramdaman ang malamig na simoy ng hangin na hinahalikan ang akimg balat. Pati ang jacket ko ay nakalimutan ko pa.

" Oh ang aga yata natapos?" Tanong sa akin ni Manong Driver ng pagbuksan niya ako ng van.

Matagal pa akong naghintay sa van ng bumaba na ang apat na mga kasama ko. Ang tatlo sa kanila ay nakasimangot at matalim ang tingin sa akin.

" Ano ba yan! Palpak naman e." Sabi ni Lyka na sinusuot ang Jacket niya.

" Kainis sarap na sarap na ako doon e. " Bwerta naman ni Cheska na padabog na umupo sa van.

" Okay ka lang?" Nagaalalang tanong sa akin ni Mika. Nginitian ko lang siya at sinandal ko ang ulo ko sa window glass ng van. Pagpasok ni Gab ay ang pagalis ng van sa hotel.

Walang tigil ang pagpaparamdam nilang tatlo sa akin habang sina Gab at Mika ay paulit ulit ang tingin sa akin.

Hindi ko na sila pinansin, inaliw ko ang sarili ko sa panonood ng mga malalaking gusaling nadadaanan namin.

Kinumutan ako ni Gab, nahalata yata niyang nilalamig ako. " Salamat." Wala sa sarili kong sagot.

Kaming dalawa ang huling hinatid. Magaalas dyes na ng makarating kami sa bahay ako ang unang bumaba sa sasakyan dahil inabutan pa ng pera ni Gab ang driver.

Karga ko si Samuel ng pumasok ako sa bahay, dinaanan kasi namin siya kina Aling Tinay, hindi pa natutulog dahil hinihintay ako.

Dumaretso agad ako sa kwarto at pinatulog siya. Pumasok si Gab sa kwarto at hindi inaalis ang tingin sa akin.

" Sapphira.." Tawag niya, tumayo ako sa pagkakaupo at tumingin sa kanya.

Lumapit siya sa akin at inabot ang iilang libong mas madami pa sa pinagusapan namin kanina.

Tinignan ko ito. Sumikip ang dibdib ko ng makita ko ang mukha ng lalaki kanina kung pano siya mandiri sa akin. Kinagat ko ang labi ko at tumingin kay Gab.

" Bakit? Ano ba kasi nangyari kanina?" Naiinis niyang tanong.

Napalunok ako, bakit ako nakakaramdam ng ganito? Ilang tao na ba ang nagsabi sa akin ng ganoon sa twing nagwawaitress ako sa restobar nila Gab. Kaya ko naman tiisin lahat ng iyon. Mga paratang ng iba sa twing nagchichismisan sila sa likuran ko para pagusapan kami ng anak ko dahil wala siyang ama.

Lahat ng iyon kinakaya ko, lahat ng iyon pinalagpas ko. Pero bakit siya, na hindi ko man lang kilala ay sobrang laki ng impact sa akin. Para akong sinampal sa katotohanan na matagal ko namang alam na.

Kinuha ko ang malulutong na papel, para sa anak ko ito.

Iyon lang naman ang rason, rason kung bakit kaya kong gawin lahat para sa pera.

" Sabi noong kasama nila sinampal mo daw? Binastos kaba?"

Hindi ako nagsalita naglakad ako sa cabinet at binuksan ito para itago ang pera para sa pambili ko ng mga gamit ni Samuel at uniporme nito.

" Hoy bakla ano ba! Kinakabahan ako sa katahimikan mo, ano ba kasi nangyari? Dinagdagan ang bayad niyo kasi nga sa nangyari."

" Gab.."

" Oh?"

" Siguro kung hindi nawala si Mama, ang ganda siguro ng buhay namin ngayon ni Samuel no. " Kumunot ang noo niya.

Nalulungkot ako sa twing naaalala ko si Mama. Ang dami kong what if's sa buhay. Ngayon mas lalo akong nangungulila sa pagkawala niya.

Niyakap ako ni Gab, idinikit niya ang ulo ko sa dibdib niya.

" Alam mo bakla, nandito naman ako eh. Nangako ako kay Tita na hindi ko kayo iiwan."

" I want to be strong for everything Gab. Lalo na para kay Samuel." He sighed and nodded.

" Matulog ka na, nagdadrama nanaman tayo. Sige na at bukas ay ibibili mo pa ng mga gamit si Samuel, alam ko excited na ang batang yan pumasok sa pasukan."

Maaga palang ay isinama ko na si Samuel sa pagbili ng gamit niya para sa pasukan, nakapagenroll na din siya at nabilhan ko na ng uniporme. Masayang masaya siya dahil excited na siya sa pasukan.

" Nay kapag po ako nakapagtapos gusto ko po maging businessman." Sabi ng anak ko habang nginunguya ang fries na binili namin kanina sa isang fast food.

Maglilimang taon palang si Samuel pero matuwid na siya magsalita at matalino, mabilis kasi siyang matuto sa lahat ng bagay at focus kapag tinuturuan mo. Siguro ito ang isang katangian na minana niya sa kanyang Ama. Napangiti ako at umupo para magkalevel kami.

" Gusto mo maging businessman?"

" Opo nay! Para madami tayong pera." Humalakhak ako sa rason ng anak ko at napailing.

Hapon na ng makauwi kami ng bahay, nagwawalis sa labas si Gab ng pumasok kami sa gate.

" Oh Sam nagenjoy ka yatang mamili ng mga gamit mo?"

" Opo Tito Gab, ang dami pong binili ni Nanay sa akin." ngiti si Gab kay Samuel at nakikain sa fries nito.

" Natagalan yata kayo?" Tanong ni Gab sa akin at kinuha ang ibang pinamili namin.

" Madami kasi nagenroll e, enjoy nga si Sam kasi may nakilala siyang mga kaibigan." Sagot ko at pinatong ang mga pinamili sa lumang sofa namin.

" Ah, Sapphira may isa kasi akong kaibigan yung pinsan niya nagtatrabaho sa isang condominium nahahanap daw sila ng housekeeper na part time lang. Gusto mo ba?"

" Talaga? Saan?"

" Doon sa hotel na pinuntahan natin kagabi. Isa sa mga building doon."

Nanikip nanaman ang dibdib ko nang maalala ang nangyari kagabi.

" Ang sabi kasi nagretired na iyong dating housekeeper sa isang condo doon. Every other day lang naman nililinis iyon, kasi madalas wala iyong may ari."

" Magkano daw?" Humalakhak si Gab saka umiling.

" Sabi na nga ba e, di mo tatanggihan. Eto oh, kinuhanan na kita ng form para sa mga requirements na kailangan." Inilahad niya sa akin ang isang 1/4 na papel na may logo ng hotel at nakasaad ang mga pangkaraniwang requirements para sa housekeeper.

Kailangan din nila ng supervisor, at receptionist. Nalungkot ako dahil sa housekeeper lang pasok ang requirements na mayroon ako. Kailangan kasi nila 4 years graduate.

Huminga ako ng malalim at itinago ito sa bulsa ko.

" Bukas nalang siguro ako paparoon, magaapply din ako sa iba."

Nagiisa ko tinahak ang kahabaan ng Manila, iniwan ko si Sam kay Gab. Kailangan ko na kasi talaga makahanap ng trabaho kahit part time lang, ayaw ko naman umasa doon sa sinabi Gab dahil baka may nakuha ng iba.

Ang dami ko ng napasahan na resume ko, may iilan na nagsasabing tatawag nalang daw ang iba naman hindi na daw sila hiring.

Nagbuntong hininga ako at kinuha ang papel na bigay sa akin ni Gab nakasulat dito ang buong address ng location ng hotel. Pumara ako ng jeep, isang sakay lang ay nakarating na ako.

Ibang itsura nito kapag umaga, mas maganda ito kapag gabi dahil sa iba't ibang ilaw ng mga ito. Pero mas malawak ito sa inaakala ko.

Nagpacheck ako ng gamit sa guard at pinapasok ako sa loob ng magarbong hotel.

Manghang mangha ako sa kagandahan nito, magarbo at moderno ang bawat diseniyo nito, kulay ginto at puti ang tema nito na nagsisigaw ng karangyaan.

" Yes ma'am?" Tanong sa akin ng isang babaemg nakapustura at nakatak-in ang kulay ginto nitong damit sa kanyang itim na slacks.

" Magaapply po ako." Nahihiya kong sambit at tumingin sa damit na suot ko.

Nakasuot ako ng dress na kulay pula hanggang sa taas ng tuhod, ito ang paborito kong dress noong nagaaral ako sa kolehiyo, wala itong disenyo simpli lang pero elegante. Pinasadahan ako ng tingin ng babae at ngumiti.

" Receptionist ba?" Tanong niya, umiling ako ng mabilis.

" Hindi ho, housekeeper." Napangiwi siya sa sinabi ko at nagkibit balikat.

" Dito ang HR maghintay ka nalang may iniinterview pa kasi." aniya ng iginiya ako sa isang silid malayo sa front desk area.

" Sige po salamat." Sabi ko at hindi niya man ako tinignan ng umalis ito.

Pinapasok ako ng isang babaeng naka umiporme tulad din ng babae sa kanya, bagkus ay may katandaan ito.

" Oh, housekeeper pala inaapplyan mo?" Anito ng inilahad ko sa kanya ang aking resume.

" Opo, sana." Mataman niya akong tinignan, sa bawat titig niya ay parang kilala na niya ako matagal na.

" Sapphira Frial.." Sambit niya sa buong pangalan ko. Tumango ako at ngumiti.

" Alam mo urgent hiring talaga kami ngayon, kasi sa makalawang araw na ang dating ng may-ari ng condo, actually hindi lang condo buong hotel and casino na ito." Mataman niyang tinignan ang aking resume at tumango tango habang nagbabasa.

Ang babae ay may katandaan na at gamay na ang bawat gagawin sa tuwing may iinterviewhin. Ngumiti siya sa akin.

" Bukas ng umaga mga alas otso ay dapat nandito kana." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng matanda.

Ngumiti siya. " Alam mo Hija wala pa kasing nagpapass ng resume para sa housekeeper." Sambit niya na ipinatong ang kanyang kamay sa madaming resume na nakapatong sa table niya.

Kumunot ang noo ko at isinawalang bahala iyon. " Ano ho bang susuotin ko?"

" Hindi ka naman regular dito, tutal ay part time lang naman kahit white shirt at pantalon ay sapat na. Kung saan ka kumportable. " aniya at ngumiti muli.

Napangiti ako at tumango. " Sige ho ma'am, salamat po."

" Bukas dumiretso ka dito para ma orient ka sa mga gagawin mo at tamang regulasyon dito sa hotel. Saka narin ang sahod mo. "

" Opo salamat po. Dala mo ba ang mga kailangang requirements?"

" Opo Ma'am."

Pagkatapos kong magpass ng requirements ay ipinauwi na niya ako para daw maaga akong makahapaghanda. Part time lang naman ang kailangan nila kasi isang buong kwarto lang naman ang lilinisin ko, pagkatapos ko daw doon ay maaari na akong umuwi kung wala ng ibang iuutos.

Mabuti na rin iyon para makahanap pa ako ng ibang part time at may oras pa ako kay Samuel.

Kinabukasan ang maaga kong tinahak ang hotel, hindi naman ito gaanong kalayuan sa tinitirahan namin ni Gab. Pagkarating ko palang doon ay kaagad na akong inorient sa mga dapat at hindi dapat gawin. Sa oras ko binibilang ang bawat sahod ko mas mataas ang rate kumpara sa ibang napagtrabauhan ko, yun nga lang part time kaya hindi pa rin sapat ang kikitain ko. Kailangan ko parin maghanap ng iba para may maipon ako.

Balak ko din kasing ipagpatuloy ang kurso ko tama si Gab, mas maraming oppurtunity na mabubuksan para sa akin kapag nakapagtapos ako.

Pagbukas ko ng condo sa pinakatuktuk ng hotel na ito ay napamangha ako sa disensyo nito.

Bumungad sa akin ang malaking sala nito, inilibot ko amg aking mga mata para sana mahanap ang nagmamay ari ng condong ito ngunit kahit isang maliit na larawan ay wala akong makita.

Nagkibit balikat ako at umupo sa malambot nitong sofa, sa sobrang lambot ay ayaw ko ng tumayo dahil gusto ko nalang matulog.

Bumuntong hininga ako sa sobrang tahimik ng paligid. Sino ba naman ang magtatagal sa ganitong lugar? Maganda at malaki nga pero tahimik naman. Nakakaboring.

Nagumpisa na akong maglinis may kakaunti ng alikabok at sabi noong HR ay uuwi na daw bukas ang may ari ng condo kaya kailangan ko ng maglinis.

Nagpalit ako ng spaghetti strap na damit na kulay gray at short at dahil mas komportable akong maglinis ng naka ganito. Tutal ay hindi naman nila makikita.

Inumpisahan ko sa buong sala at sa mga bintana nito. Pagkatapos ay sa dalawang malalaking kwarto nito at banyo sa tabi ng kusina. Hinuli ko na ang kusina.

Hapon na ng matapos kong linisin ang lahat doon ko lang mas naramdaman ang gutom ko. Napangiwi ako at akmang lalabas ng kusina para kuhanin ang mga gamit ko ay nagulat ako sa isang matipunong lalaking nakatingin sa akin.

Kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Namanhid ako sa kinatatayuan ko ng makilala ko kung sino ito, hindi ako maaaring magkamali siya yung...

" Who the hell are you?" Tanong niya sa matigas na ingles. Napakurap ako ng mabilis at ramdam ang kabog ng dibdib.

" Housekeeper ako dito, ikaw sino ka?" Naiinis kong tanong. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang sa mga bagaheng hawak niya.

Nanlaki ang mga mata ko ng marealize kung sino siya.

" I'm the owner of this shit." Sagot niya sa matigas na tono.

Oh Sapphira you and your big mouth! Now I'm dead. Baka bukas wala kana nanaman trabaho nito!

Nanginig ako sa kinatatayuan ko at parang lahat yata ng dugo ko ay pumunta sa mukha ko, sa dami ng tao sa mundo. Bakit ito pang walang kwentang bastos na tao na to?

" Ganyan ka ba talaga kababa? A whore bitch that will do everything for money?"

Napapikit ako ng marinig muli ang boses niya sa utak ko, mukhang hindi siya aware na ako ang babaeng sinabihan niya noon.

Nakahinga ako mg malalim ng mapagtamtog hindi niya ako nakilala dahil sa maskara ko. Now, I'm safe for that thing.

Tumingin ako sa kanya at nakitang marahas na nakatingin sa suot ko.

" What are you wearing?" Napaawang ang labi ko.

" Ah-Ahhh Mister, ka-kasi po mas kumportable po akong maglinis na nakaganito you know." Pageexplain ko na parang hindi naman siya nakikinig dahil dumaretso na siya sa isang kwarto na mas malaki kaysa sa isa.

Maya maya ay lumabas siya at may ibinato sa aking mabangong tshirt.

" I don't tolerate that kind of fashion. Hindi kaba ininform ng HR kung ano dapat ang tamang susuotin. For Godforsaken your not in the bar!" Galit niyang sambit at tinitigan ako ng masama.

Hindi ako nakapgsalita, tinignan ko ang shirt na binato niya sa akin medyo maluwang ito pero para tumahimik nalang siya ay umalis na ako sa harap niya at kinuha ang gamit ko. Dumiretso ako sa comfort room niya sa kusina.

I looked myself at the mirror, I look like a mess. Sobrang pawis ko. Napailing nalang ako at naghilamos.

Ang akala ko ba ay bukas palang ang dating nito bakit nandito na siya? At bakit?at bakit siya pa ang may ari ng condo na to? Bwiset lang.

" Jack what is this? Is it true?" Nasa kusina na ako ng marinig ko ang matinis na boses ng babae at mukhang inis na inis.

" Trinity stop it."

" But you-"

" I said stop!" Galit na saad ni... oh Jack pala pangalan niya.

Sumilip ako para makita ang kausap niya sumalubong sa akin ang malapad na likod nito at ang isang magandang babaeng nakasuot ng mamahaling dress.

" My god Jack! Can you stop flirting around, you're hurting me. " sabi ng babae sa malumanay na tono. Maiiyak na ito.

" Don't worry about that Trinity, I know when to stop." Sagot ni Jack at umupo sa sofa. I don't even feel call him Sir.

" Then kiss me..." nagmamakaawang lumapit iyong Trinity sa kanya at umupo sa sofa kung saan nagtatanggal ng sapatos si Jack.

Ngumisi Jack at tumayo sa tapat ng malaking up down window nito na kita ang buong hotel at casino.

" Not in this place." Saad niya.

Kumunot ang noo ko at mas lalong nagalit sa pinapakita nito. Hindi mapagkakaila babaero din ito. Manggagamit!

How dare him hurting a beautiful woman like her. Nambabae siya habang may girl friend? Obviously head over heels itong babae and she was letting his man flirting with other girls. Napailing ako dahil naaawa ako sa babae.

I pity you. Ang ganda mo pa naman.

" Jack!" Nagmamakaawa ang babaeng lumapit sa kanya at niyakap ito sa likuran niya. " Jack please, wag mo naman akong pahirapan oh."

I rolled my eyes on this drama. Really bat sa ganito pa ako naipit I just want to go home.

" Have sex with me." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko mahina pero sakto lang para marinig ng dalawang tenga ko.

Napatingin sa gawi ko si Jack at mabilis akong nagtago sa pasilyo. Muntik pa akong matumba sa kinatatayuan ko. Ang tanging sagot lang na narinig ko kay Jack ay ang paghalakhak niya ng malakas.

Ewan ko pero ang sarap pakinggan ng tawa niya. He laugh because she asked him to have sex. What a desperate woman. I sighed.

" Trinity your drunk. My driver will be here soon. Ipapahatid kita." Natatawang pahayag nito.

" I'm serious Jack." Kinalas ni Jack ang pagkakayakap nito sa kanya at hinawakan ang baba nito.

" Don't be too serious little girl, umuwi ka na. " Umiiling pa ito habang hinila niya ito palabas ng condo. Kita ko ang namumungay na mata ng babae habang tinititigan ang mukha ni Jack.

Paglabas nilang dalawa sa condo ay saka naman ang labas ko sa kusina.

Nakahinga ako ng maluwag, kanina kopa pala tinitipid ang paghinga ko,  jusko ano ba naman kasi yung narinig ko. Agaran na akong lumabas ng condo nito dadaan nalang ako sa hagdan para hindi ko nalang sila makita.


Kaugnay na kabanata

  • Owned You   Kabanata 2

    Nagbuntong hininga ako habang umuupo sa sofa namin sa sala ng datnan ako ni Gab galing sa kwarto niya." Oh kamusta? Bakit parang hindi pa man losyang ka na." Tanong niya sa akin. Umirap ako sa sinabi niya. " E pano kasi yung nililinis kong condo dun sa ano-" " ANO?" Tumingin ako kay Gab na magkasalubong ang kilay na hinihintay ang sagot ko." Yung sinampal ko nung nakaraan. " mahina kong tugon." ANO?" " Ano ba wag kangang sigaw ng sigaw!" Naasar kong sabi. " Nakilala ka ba?" Tanong niya. Umiling ako ng mabilis at saka siya huminga ng malalim." E yun naman pala e. Wala naman palang problema."" Pero kasi tuwing nakikita ko siya para akong-"" Sandale! Sabihin mo nga sa akin, binastos ka ba?" Tanong niya at umupo sa tabi ko." H-hindi."" E

    Huling Na-update : 2021-02-05
  • Owned You   Kabanata 3

    Maaga akong nagluto ng hapunan para sa amin. Ngayon na kasi ang unang pasok ko ulit sa bar nina Gab." Nay aalis po ba kayo?" Tanong sa akin ni Samuel na nakaupo sa lamesa. Tumingin ako sa kanya na nakasimangot.Mataman akong ngumiti at nilapitan siya. Hinalikan ko siya sa pisngi at kinulong sa dalawa kong palad ang kanyang mga pisngi." Samuel anak diba gusto mo magaral?" Tumango ito ng mabilis. " Kaya kailangan magtrabaho ni Nanay." Ngumuso ito at mas lalo akong naawa sa anak ko.Hinalikan ko ito sa noo at saka naghapag ng makakain. Tumabi ako sa kanya para sana subuan siya dahil matagal na kaming walang bonding ng anak ko." Samuel magaral kang mabuti ha para paglaki mo, kaya mong makisama sa lahat ng tao." Sabi ko habang sinusubuan ang anak ko."Gabriella kain na." Sigaw ko kay Gab na nagaayos pa ng damit." Ayan na." Sabi niya sabay labas sa kwarto

    Huling Na-update : 2021-02-05
  • Owned You   Kabanata 4

    Lumabas si Gabrielle sa kwarto niya habang may kausap sa telepono. Tumingin siya sa akin at ibinaba na ito." Sapphira." Nagaalala niyang tanong." Bakit?" Sagot ko habang binibihisan si Samuel.Tiniim niya ang kanyang mga labi at lumapit sa amin. " May emergency kasi sa bar, kailangan ako ngayon doon kaya.." Tumingin siya kay Samuel pagkatapos ay sa akin. Naintindihan ko na ang gusto niyang sabihin at saka tumango.Nahihiya na nga ako kay Gab dahil siya nalang lagi ang naiiwan para alagaan si Samuel ni minsan hindi siya nagreklamo sa akin." Okay lang Gab, ako na bahala sa kanya." Ngumiti ako at kumuha ng mga damit pang alis ni Samuel." Pasensya ka na ha, biglaan kasi. Hindi ko naman siya pwedeng isama doon." Ngumiti ako at tumango." Ano ba Gab, naiintindihan ko naman. Isasama ko siya sa trabaho ko siguro naman hindi ako papagalitan." Tumango siya at

    Huling Na-update : 2021-02-05
  • Owned You   Kabanata 5

    Hapon na ngunit abala pa rin ang mga nagtatrabaho sa hotel." Anong meron?" Tanong ko kay Mona na nakaupo sa tabi ng lockers habang nilalagay ko doon ang mga gamit ko." Minamadali nilang ayusin ang function hall, dito kasi gaganapin ang proposal ng hotel para sa mga foreign investors." Tumingin ako kay Mona na kinakalikot ang kanyang mobile phone." Kailan daw?" Nagkibit balikat ito at ibinigay ang buong atensyon sa akin." Sa susunod na linggo palang pero aligaga na masyado papano kasi gusto ni Ms. Cassandra perfect ang theme, kaya kahit nakaayos na pinapapalit pa rin niya."" Ahh." Marahan akong tumango at sinara na ang locker ko.Mabilis kong natapos ang paglilinis ng bodega maging narin ang condo ni Tross, buong araw ko yata siyang hindi nakikita malamang ay hindi na umaalis iyon sa opisina niya dahil narin siguro sa event na gaganapin.At hindi ko rin siguro siya kayang harapin sa nangyari kagabi. Tama nga, kai

    Huling Na-update : 2021-02-21
  • Owned You   Kabanata 6

    Maaga akong pumasok kinabukasan. Tulog pa si Tross ng magumpisa akong linisin ang kabuuan ng condo niya.Inipit ko ang mahaba kong buhok dahil sa init na nararamdam dahil sa paglilinis.Nahigit ko ang hininga ng marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto niya kung saan nakatapat ako na kung saan ako nagwawalis. Tumaas ang tingin ko sa inaantok pa nitong mga mata at gulo gulo nitong buhok.Nakasweat pants siya at gray tshirt. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumabi sa side upang makadaan siya. Nang hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya ay tinignan ko siya na seryosong nakatingin sa akin.Napalunok ako ng mabilis dahil sa nararamdamang kaba. Napakagat ako sa labi ko at tumingin sa baba. Nasapo ko ang dibdib ko ng lumapit siya at ikinulong ako sa dingding gamit ang dalawang mga kamay niya." Where did you go last night?" Malamig niyang tanong. Kunot noo ko siyang tinignan at nagtataka sa tanong n

    Huling Na-update : 2021-02-21
  • Owned You   Kabanata 7

    Tuliro ako habang tinitimpla ang gatas ni Samuel, maaga ko siyang ginising dahil pangalawang araw niya ito sa paaralan. Excited naman siya dahil marami na daw siyang mga bagong kaibigan.Paguwi ko kagabi ay gising pa siya at hinihintay ako. Inayos ko na ang mga damit niya na susuotin mamaya. He was taking a bath now, he always kept on reminding me that he is now a big boy. Minsan napapaisip ako kung saan nagmana si Samuel, he's young but he already knows his responsibility.Kapag sinasabi niyang kaya niya, kahit nakikita ko siyang nahihirapan hindi siya humihingi ng tulong. He do his duties on his own, minsan napapangiti ako dahil alam ko na he can do things without me. Pero minsan napapaluha dahil baka dumating yung araw na binata na siya at hindi niya na kailangan ng tulong ko." Layo ng iniisip Te? Saan naba tayo nakarating?" Sumulyap ako kay Gab na ngayon ay papaupo sa tapat ko." Aga mo yata nagising Gab?

    Huling Na-update : 2021-02-21
  • Owned You   Kabanata 8

    Parang tambol ang aking dibdib dahil sa lakas ng tibok nito." You owe me something Sapphira." Aniya na mas lalong nagpakaba sa akin.Kumunot ang noo ko at muling humakbang. " I don't get you." Marahan kong sagot.Muli ay humakbang ito. Napatili ako ng hinigit niya ang aking kaliwang kamay at ikinulong ako sa sink.Mabigat ang mga bawat paghinga niya. Mapupungay ang mga mata nitong tumingin sa akin. Nanlambot ako ng maramdaman ang mainit niyang kamay sa aking likuran.Pumungay ang mga mata ko ng mas lumapit siya sa aking mukha. Idinikit niya ang kanyang katawan sa akin, at napakagat sa aking labi ng maramdaman ang kanya sa aking puson." I didn't sleep well Sapphira." Bulong niya sa akin at inamoy ang aking buhok. Umusbong ang init na aking nararamdaman.Napaliyad ako ng maramdaman ang munting halik niya sa aking tenga. Napakapit ako sa kanyang leeg ng marahas ni

    Huling Na-update : 2021-02-21
  • Owned You   Kabanata 9

    Tulad ng dati, sobrang dami ng tao sa bar. Lalo na ay Friday at weekends kinabukasan. Inilibot ko ang aking mga mata sa buong paligid ng bar kung saan madaming nagkakasiyahan na tao sa gitna kung saan nakaharap ang mga ito sa Dj." Looking for someone?" Malalim na boses ng pamilyar na lalaki ang nahimigan ko sa aking likuran. Humarap ako. With his thick eyebrows and brooding eyes looking at me. He looks tired." Tross.." Tumingin ako sa kanyang likuran dahil baka kasama nanaman niya ang kanyang mga kaibigan ngunit wala akong nakita. O baka naman ang girlfriend niya ang kasama niya. In this dim lights I got a chance to look on his fac

    Huling Na-update : 2021-02-21

Pinakabagong kabanata

  • Owned You   Espesyal na Kabanata

    Ito ang unang paguwi namin ngayong taon galing Australia." Bro, what's with your phone? Bakit hindi mo mabitawan?" Biro ko kay Kuya at umupo sa malaking sofa.We were having small gathering with my friend since we're just staying here for a short period of time.Tumaas ang tingin nito sa akin at ngumisi." You know what bro, I want you to meet this lil woman that I know." Nakangiting saad nito.Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may inirereto siya sa akin." Like what you said, she's still little." Humalakhak ito sa sagot ko at napailing. He tapped my shoulder." She's funny too!" Anito at umiling muli habang nakangisi." Not really interested." Walang ganang tugon ko.Palagi niya iyong nababanggit sa akin, pero wala naman siyang ipinapakilala.Was he referring to Sapphira? I guess not. Bat naman niya irereto

  • Owned You   Wakas

    Malamig ngayon sa Australia at puno na ng nyebe ang buong syudad. " I guess, studying abroad is really bad idea." Ani Kuya Alex na kavideo call ko sa cellphone. I sighed, and sipped on my espresso." Bro you should take a vacation and stay here for a while." Suwestiyon ko, napansin ko na naka suot pa siya ng office attire at matagal na din siyang hindi dumadalaw dito.Ngumisi ito. " I can't do that, I'm seeing someone else."" Really? Who's the unlucky girl?!" I laughed, one of his past time again. I shook my head in disbelief." Who's that Kuya?" Tanong ni Cassandra na

  • Owned You   Kabanata 35

    Huling kabanata ng Tross, maraming salamat po sa pagtangkilik. Sunod ay wakas. ♥️Nakatayo ako ngayon sa harap ng malaking ref, masyado akong naglula sa dami ng pagkain dito. Bakit pa siya nagorder kahapon ng food if we can cook? I shook in disbelief.Sumulyap ako sa nakasarang kwarto kung saan ako nanggaling, masarap pa ang tulog niya at nagpasya na akong tumayo dahil baka hindi nanaman kami makapagbreakfast, ako nalang ang magluluto .Napangiti ako sa isipang iyon, I never expect this moment to come. Pagkatapos kong nagluto ay hindi pa din siya lumalabas ng kwarto kaya nagpasya akong maglinis ng living room. Binuksan ko ang tv upang maibsan ang katahimikan." Breaking News! Family Montenegro confirm the death of their son who finally saw his lost body after more than five months of missing..." napahinto ako sa aking ginagawa at parang tuod na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa screen ng tv.

  • Owned You   Kabanata 34

    My head was still spinning, my body was so weak. I am so lazy to even open my eyes. I sighed and grabbed my pillows to cover my head. I wanted more sleep. I felt so tired." Ugh!" I groaned when I remembered my dream.I was dreaming of Tross, and we were making out! It felt so real!I stiff when I felt someone grabbing my waist. I might still dreaming, alcohol was really a bad idea. Noted.Nagulat ako ng may mainit na kamay ang humahaplos sa dibdib ko. Napahawak ako sa aking ulo sa biglaang pagangat ng ulo ko para tignan iyon. Ugh!" You're awake baby." Kumabog ang dibdib ko ng marinig ang pamilyar na boses ni Tross.Kailangan ko ng magising dahil hindi na nakakatawa ang panaginip na ito. Napaawang ang labi ko ng bumaba ang kamay nito sa pagkababae ko. Napahinto ako sa kanyang ginawa, nananaginip nga ba ako o talagang totoo ang nangyayare? Bakit pakiramdam ko damang dama ko talaga ang ginagawa niya sa akin, and I am naked!Iminul

  • Owned You   Kabanata 33

    Inayos ko ang sarili ko sa salamin kahit na umiiyak ang loob ko. Hinang hina man ang tuhod ko ay naglakad na ako palabas ng comfort room." Oh Sapphira," sa ganitong pagkakataon ay ngayon ko pa talaga siya masasalubong.What is she doing here anyway? I thought they were discussing about their wedding. Parang bumaliktad nanaman ang sikmura ko sa isipang iyon." Trinity..." bulong ko at wala akong panahon makipagusap." This is what I am talking about Sapphira, Jackson was just using you." Tumaas ang kilay nito at ngumisi. " Looked at you now, you look miserable."Umiwas ako ng tingin, I got affected for the news, but it should not be obvious on my face. Isa pa iyon naman talaga ang dapat, I am pushing him away from me." Congratulations for the both of..." tumawa ng pagak si Trinity na parang nagiinsulto kaya kumunot ang noo ko." Oh please don't pretend that you

  • Owned You   Kabanata 32

    I wasn't even able to utter a single word while eating our breakfast, even though it's not really my first time eating together with them, but I still felt that I should not be here. Kung hindi lang sana ako pipilitin ni Tito Sander kung tatanggi ako sa bawat aya niya ay wala talaga akong balak na sumabay.I was about to stood up, when Tross went to my back to push back my chair. Nagulat ako doon at narinig ko ang munting ubo ni Madame Brigitte. Sumulyap ako sa kanya na napahinto sa pagkain at nakakunot ang noong nakatingin sa kanyang plato. It was obvious that he was making his move, and darn it! In front of these people.Cassandra was looking at me intently like I made some kind of mistake, Tito Sander seems okay and nothing happened.Sumulyap ako kay Tross na s

  • Owned You   Kabanata 31

    " Who told you to wear this shit?!" Mapanganib na tanong nito.Nanginig ako ng hinaplos nito ang panga ko. Iniwas ko ang katawan ko at lumayo sa kanya. Inilibot ko ang paningin ko sa buong bahay niya. Wala paring nagbago sa bahay nito. Nanigas ako ng maalala ang mga nangyare noong unang pagkikita namin ni Madame Brigitte, at hindi ito magandang alaala. Nanikip ang dibdib ko at sumulyap sa kanya na galit na galit. Ngumisi ako. " Don't act as if nothing happened Tross! Ako dapat ang galit sating dalawa!" Naiinis na sigaw ko sa kanya. Napahinto ito at pumungay ang mga mata niya ng abutin niya ang siko ko ngunit nagpumiglas ako. " Ano ba! Nandito ako para kay Samuel." Umiling iling ako. " You used me!

  • Owned You   Kabanata 30

    Ito na yata ang matagal ko ng hinihiling, iyon ay sana kahit man lamang sa kanilang huling hantungan ay magkasama silang dalawa." Hello po Mommy and Daddy, birthday ko po ngayon." Nagkatinginan kami ni Gabby na halos maluha luha.May ibinigay kami na flowers kina Ate Ysabelle at nagsindi na rin ng kandila.Ito ang huling hiling ko kay Tito Sander, hindi ko akalain na gagawin niya ito sa madaling panahon." Limang taon na ho ako." Anito at ipinakita pa ang mga limang daliri nito sa harapan nila.Inilagay ko din ang picture na magkasama silang dalawa ni Kuya Alex. Hindi ko makayanan ang bigat at sakit. Limang taon na din, ng mawala ang kanyang magulang. Pero parang kailan lang, ng mahuli ko silang magkasama ni Kuya Alex.Hindi niya maiintindihan ngayon, pero darating ang panahon na mas lalong maiintindihan niya ang mga bagay bagay at ayoko na maramdaman niya na nagiisa siya.

  • Owned You   Kabanata 29

    Hinaplos ko ang maglilimang buwan na tyan ni Ate Ysabelle. Ngumiti ito sa akin." Ate hindi niyo pa ba ipapacheck kung ano gender niya? Excited na ako sana babae!" Tili ko at mas lalong tumawa si Ate." Naku malamang kapag babae yan kamukha mo! Sobra yata kung maglihi sa iyo ang Ate mo." Singit ni Mama.Ngumuso si Ate kaya natawa ako. Noon kasing naglilihi si Ate ay halos hindi ako makapasok dahil nagtatampo ito kapag umaalis ako sa tabi niya. Kapag nandyan naman si Kuya Alex ay hindi niya pinapansin, kaya nagseselos sa akin si Kuya." Magsasaing lang ako." Ani Mama at lumabas sa kwarto namin ni Ate.Muli kong hinaplos ang tyan ni Ate. " Ate bakit mo minahal si Kuya Alex?" Wala sa sarili kong tanong. Sumulyap si Ate Ysabelle sa akin at ngumiti. " Anong klaseng tanong yan Sapphira.." Nagkibit bal

DMCA.com Protection Status