Share

Owned You
Owned You
Author: Ms. El

Simula

Author: Ms. El
last update Last Updated: 2021-02-05 18:37:19

Hinawakan ko ang aking mahabang buhok kasabay ng pag-ihip ng hangin, ngunit kahit na hawak ko na ito may iilan parin na sumangga sa aking mukha. Inayos ko muli ito at mataman na naglakad.

Huminga ako ng malalim at bagsak ang aking magkabilang balikat habang tinatahak ko ang daan pauwi sa amin.

" Oy bakla, bat parang semana santa ang itsura mo?" Salubong sa akin ni Gabrielle Sanchez pagbukas ko ng pinto, isang matalik kong kaibigan magsimula elementarya palamang ako.

Inabutan niya ako ng baso na may malamig na tubig, sumimsim muna ako bago ko siya sinagot. "Si Sam?"

" Ano ba tinatanong kita. " Anas niya habang papaupo ako sa aming sala at nilapag ang baso sa isang lumang center table.

" Hindi na daw nila kailangan ng taga hugas ng plato sa restaurant ni Mang Anton dahil may nahanap na daw siyang papalit sa isa. " mahina kong tugon, at nagbuntong hininga muli ako.

" Girl! Ano kaba? Cheer up nga. Hindi ito end of the world no!" Napangiti ako sa sinabi sa akin ni Gabrielle, oo lalaki siya pero kung manamit ay daig pa ako. Naka short siya na sobrang ikli at naka sleeveless na kulay maroon.

Kinuha niya ang kulay brown na envelope na dala dala ko at saka binuksan ito at nilabas ang aking resume na ipapasa ko sana sa restaurant ni Mang Anton.

" Hay nako girl, alam mo kahit undergraduate ka, walang wala sila sa dami ng experience mo no. Kaya pwde ba daig mo pa ang nagtapos ng top 1 sa UP sa dami ng karanasan mo sa buhay." Dugtong niya pa habang ang mga mata nito ay nasa resume ko.

Oo tama siya, marami na akong experience sa iba't ibang klase ng trabaho, mapa hotel man o restaurant, bookstore o kahit na sa mga mall. Pero hindi ako nagtatagal dahil sakto lang na nabibigyan ako ng certificate of employment, ewan ko ba ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko para ako ay maregular sa trabaho, sa hirap ng buhay mas maganda parin na may regular kang trabaho. I sighed again at that thought.

" Sapphira.." Tawag ni Gab sa akin, alam ko kapag ganoon na ay may seryoso siyang sasabihin kaya naman tumingin ako sa kanya.

" Hindi mo ba ipagpapatuloy ang kurso mo? Sayang kasi isang taon nalang gagraduate kana. " nagaalala niyang tanong. " Saka ano, makakakuha ka pa ng magandang trabaho kapag nakapagtapos ka."

Tama naman si Gab, ang kaso ay hindi ko pa magagawa iyon ngayon. Di tulad ko, si Gab ay nakapagtapos ng Business Ad dahil pinagaral niya ang sarili niya, naging working student siya sa isang restobar malapit sa amin, naging sekretarya siya ng kanyang Auntie tinutulungan niya itong mamahala, kaya hanggang ngayon dito parin siya nagtatrabaho bilang utang na loob.

" Si Sam muna Gab, bago ako." Sagot ko. Yan ang paulit ulit ko na sagot tuwing binubuksan niya topic na to.

Bumuntong hininga siya at napailing. " Ako nga ang gagastos-"

" Gab!" Hindi ko na tinuloy ang sinabi niya at tinitigan siya ng masama.

Gab is a handsome man, noon palang ang dami na ng nagkakagusto sa kanya dahil sa ganda ng kutis niya at mahahaba nitong pilik mata, pero nangmarealize niya na hindi siya lalaki by heart madami ang nalungkot. Mas mahaba pa ang buhok nito ngayon kaysa sa akin at kung magmake up ay daig pa ako.

" Oo na, oo na. " Sagot niya bilang pagsuko.

" Nay!" Napangiti ako ng marinig si Sam na tumatakbo papunta sa akin at niyakap ako.

" Samuel anak, saan ka nanggaling?"

" Doon po kina Aling Tinay, binigyan niya po ako ng candy oh!" sagot niya sa akin at itinaas ang bigay na candy ni Aling Tinay.

Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang mga ito, halos hindi na magkasya sa kanyang maliit na kamay.

Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap, lahat ng hirap na nararamdaman ko ay nawawala sa tuwing niyayakap ko ang anak ko.

" Oy sama niyo naman ako bakla!" Tumatawang lumapit sa amin si Gab sabay yakap sa aming dalawa ni Sam, humagikgik ang anak ko at hinalikan sa pisngi si Gab.

" Hay, ang sweet talaga ng batang to. Syosyotain talaga kita paglaki mo!" Biro ni Gab kaya nahampas ko siya sa balikat niya.

" Gaga ka talaga! Maglilimang taon palang yan Gab ano ba." Natatawa kong sabi.

" Kahit na! Ganda kasi ng lahi no." Bwerta niya pa bago tumayo ng maayos. " Magtanghalian na tayo, sakto dating mo kakaluto ko lang ng tortang talong."

" Talaga po Tito Gab? Yung paborito ko?" Magiliw na tanong ng anak ko. Umirap si Gabrielle at nagmartsa na sa aming kusina.

" Iyang anak mo na yan ha Ira, hindi na natuto. Sabing Tita Gabby e." Umirap muli siya at umiling natawa naman kami pareho ng anak ko.

Pagkatapos namin kumain ay pinaliguan ko na si Samuel para makapaghanda na sa pagtulog.

" Gab.." Tawag ko, paglabas ko ng kwarto namin ng anak ko, pinatulog ko na kasi ito pagkatapos naming maglaro.

" Bakit?" Sagot niya na hindi man lang tumitingin sa akin, itinaas niya lang ang kanyang kaliwang kilay habang nakatingin sa kanyang mobile phone habang naka upo sa sala.

" Pwde ba ulit akong rumaket sa restobar niyo?" This time he put his mobile phone down, at binigay niya sa akin ang buong atensyon niya.

Nakataas ang kilay na para bang hinihintay pa akong magsalita.

Nagkibit balikat ako at umupo sa tabi niya at niyakap siya. Hindi kona alam ang gagawin ko kapag nawala pa si Gab sa buhay namin ng anak ko, he was the only one who stay on my side no matter what happened.

" Alam mo naman magaaral na si Samuel, at ieenroll kona siya sa kinder diba?"

" So?" Tipid niyang sagot at hindi natinag sa paglalambing ko.

" Kailangan ko ng pera, alam mo naman wala pa akong nakikitang trabaho sa ngayon. "

" Ako ang gagastos." Tipid nitong sagot.

Marami ng naitulong sa akin si Gab at ayoko ng makadagdag pa sa gastusin niya, siya na nga halos nagbabayad sa tubig at kuryente namin, minsan pati pa pagkain sa twing gipit ako.

Hindi ko na madalas nabibigay yung share namin ng anak ko, ang madalas naman kasing sumbat niya amin naman daw yung bahay siya nalang ang nakikitira.

Nasa probinsya kasi ang mga kamaganak niya ngunit tulad ko wala na siyang mga magulang, ang mga kapatid naman niya ay may kanya kanya ng mga asawa't mga anak.

Bumusangot lalo ako at niyakap siya ng mahigpit.

" Oy, bakla yang mga tinapay mo sa harapan masyado mong dinidikit sa akin, ano to pinagmamalaki mo na malaki yung sayo?" Nanlaki ang mata ko at inalis ang pagkakayakap sa kanya saka ko siya tinampal sa balikat.

" Ano kaba Gab, nilalambing ka lang eh." Irap ko.

" Ts, actually..." Tumingin siya sa akin at tumingin muli sa mobile phone niya." Katext ko nga si Auntie sabi niya nagkasakit daw iyong pangfinale namin para sa bachelors  party mamayang gabi. "

Kumislap ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi niya at tumingin ako sa kanya. " Talaga?"

" May sinabi ba akong ikaw ipapalit ko?" Nagpout ako sa sagot nito.

" Gab please, I need the money." Nagbuntong hininga siya at saka binaba ang kanyang mobile phone.

" Napapaaway ako kapag pinapasok kita sa racket na'to e. Baka multuhin ako ni Tita Anabelle pag  nalaman niyang hindi ko tinupad ang pangako ko sakanya."

" Para naman kay Samuel ang ginagawa ko e."

" Bakit kasi hindi mo gamitin iyong perang bigay sa kanya ng Daddy niya." Matabang niyang sagot.

" Napagusapan na natin to Gab, ayokopa. Saka nalang kapag napagtapos ko na siya sa pagaaral."

" At ikaw aber? Ano kana ba noon? Losyang na sa kakakayod para kay Samuel. Alam mo Sapphira hindi kita sinisisi na yan ang reason mo. Ang akin lang, wag mo naman kalimutan ang sarili mo."

Natahimik ako sa sinabi niya. Tama naman si Gab, for the past 5 years ginugol ko lahat ng panahon ko para kay Samuel, siya lagi ang inuuna ko. Siya lagi ang iniisip ko ni wala na nga yata akong oras para sa sarili ko. Pero ganoon naman talaga diba, you can do all things para sa mahal natin sa buhay.

" Please Gab, just this one." Sabi ko sabay pakita ko sakanya ng hintuturo ko bilang pangako na last na ito.

Umiling siya at pinikit ang mata na para bang nakukukulitan. " Una noong nagkasakit si Sam nangailangan ka ng panggastos nagpart time ka bilang waitress sa restobar, ano ginawa sayo doon? Diba binastos ka?". Asar na asar niyang tanong. It wasn't actually a question, more on statement that he want me to remember it

all.

Sobrang iksi kasi noon ng suot kong skirt at naka sleeveless na ako naiilang man na kahit halos litaw na hinaharap ko dahil sa nipis ng telang tinatakpan nito ay nilakasan ko parin ang loob ko para sa gamot ni Samuel. Gaya nga ng sinabi niya nabastos ako at doon nakipagtalo siya sa isang kanong customer. Pero nagsorry naman ito kalaunan noong nasa tamang katinuan na ito.

Nagbuntong hininga ako bilang pagsuko sa pamimilit kay Gab. Umismid ito at saka tumingim sa akin.

" Habaan mo nalang ang suot mong damit mamaya, tinatamad ako maghanap ng kapalit ni Kim." Bwerta niya saka inirapan ako, hindi ko mapigilang ngumiti at yakapin siya.

" Bakla last na 'to ha." Dugtong niya at niyakap din ako. " Pagkatapos niyo saka nila ibibigay yung bayad sa inyo, limang libong datung din iyon para sa iyo, kung okay pa performance mo baka bigyan kapa ng tip. Buti nalang maayos kausap ang mga ito dahil alam nila ang rule, no touch. "

Tumango ako. " Pero kapag binastos ka tawag kayo kaagad, kahit naman nagkagulo ay may bayad parin naman kayo." Tumingin  siya sa akin at umalis sa pagkayakap.

Tinignan niya ang katawan ko mula ulo hanggang paa. " Sabagay hindi na kita kailangan iscreening, dahil pasok na pasok yang katawan mo sa requirements. Kaya ka nga nililigawan ni Auntie dahil madami nagrerequest sayo."

" Anong oras ba kami aalis?"

" Mamayang alas otso, kaya tsak gagabihin na tayo sa paguwi. Ako ang susundo sa inyo, nakapark lang naman ang van sa basement ng hotel."

" Sige, kung ganoon pala ay ipapasuyo ko muna si Samuel kay Aling Tinay, dating gawi nalang."

Alas sais i media palang ay pinaghanda na ako ni Gab para sa raket namin mamayang gabi. Lisensyado ang kanilang restobar, sa bar nila ay puro KTV lang naman pero babae na may magandang katawan ang unang requirements nila para pampukaw sa mga customer.

Hindi tulad ng iba, kantahan at sayawan lang sa kanilang resto bar,  ang pagtatable sa mga babae ay hindi iyon kabilang. Sa kabila noon, ang isa sa mga patok na service nila ay ang pagarkila nila sa mga waitress bilang pagbibigay ng aliw sa lalaking ikakasal na, this is for their bachelor's party. Where in you celebrate the last day of the man for being single.

One of their big rule is the No Touch policy, kami lang ang pupwdeng humawak. Ang maganda dito ay nagsusuot kami ng mascara para hindi makilala.

" Sapphira?" Tawag sa labas ng pinto ni Gab.

Pinasadahan kong muli sa salamin ang aking kabuuan, nakasuot ako ng nighties may maliit akong suot na itim na short na nakatago sa pulang nighties ko. Gaya ng sabi ni Gab e medyo mahaba ang suot ko.

Mahaba na kasi hindi litaw buong katawan ko, bagkus sa ibang kasamahan ko ay kulang nalang magtwo piece.

" Oy bakla hindi ka pa ba tapos dyan?" Kumatok siya ng tatlong beses.

" Ayan na. " sagot ko at nagmadaling sinuot ang itim na jacket at kinuha ang bag ko na naglalaman lang ng iilang mga gamit.

Pagbukas ko ng pinto ay naglalakad na palabas ng bahay si Gab, sumunod na ako sa kaniya palabas.

Sa tapat ng gate namin ay may nakaparadang puting van. Binuksan ito ng driver at bumungad sa akin ang apat na babaeng kasama kong magpeperform mamaya.

" Marunong ba yan Ma'am Gabby?" Mataray na tanong ng isang babaeng nakasuot din ng jacket tulad ko.

Umismid ako at sumunod kay Gab na pumasok na sa loob ng Van.

" Beterano na'to sa pagsayaw Lyka, magaling pa gumiling sa'yo to." Pagmamayabang ni Gab sa babae at umirap ito.

Tinititigan nila akong apat mula ulo hangga paa, puno ng kolorete ang kanilang mukha at talagang magaganda sila. Nakasuot lahat sila ng jacket, pero sa loob noon ay kita kong halos wala na silang saplot.

Umandar na ang Van at natahimik kaming lahat. Magkabilaan kasi ang upuan nito kung saan magkaharap ang sasakay.

" Nasan kasi si Kim?" Tanong ng isa sa mga kasama naming babae.

" Binugbog nanaman ng syota niyang kano!" Wala sa sariling sagot ng isa.

" Manahimik na nga kayo!" Saway noong Lyka na nakausap ni Gab kanina.

" Kung ako sa inyo magpaganda nalang kayo, alam niyo bongga pupuntahan natin ngayon." Singit noong isang kanina pa hawak ang kanyang salamin.

" Oo nga! Grabe. Alam mo bang nalaman namin ni Anne na puro bachelor's ang pupuntahan natin ngayon!" Naghiyawan silang apat saka humagikgik.

Napailing nalang ako at tinignan si Gab na busy sa phone niya.

" Puro gwapo ba?"

" Grabe! Hindi lang gwapo." Napairap nalang ako ng marinig kong muli silang naghagikgikan.

" Okay ka lang?" Natatawang tanong ni Gab sa akin.

" Oo naman."

" Mga lokaret talaga mga yan, pero alam mo bes gwapo nga talaga." Dugtong pa niya at humalakhak na para bang iniimagine niya na nasa harapan niya ang mga ito.

Nagbuntong hininga ako at umiling. Wala akong panahon sa mga ganyan ngayon. Ang inaalala ko lamang ay si Sam kung kumain na ba siya o natutulog na.

Noong iniwan ko kasi siya kay Aling Tinay ay naglalaro pa ito ng laruan na bili sa kanya ni Gab.

Pumasok ang van sa isang luxury hotel  na sikat sa mga mayayamang tao. Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid at talagang napakaganda nito.

Ang ilaw sa gabi ay parang mga bituin sa langit. Maaaring hindi lang ito sikat dahil nandito lahat ng luho ng mga mayayaman mayroon itong casino at resort, mayroon ding malalaking hotel na wari koy doon kami papunta.

" Oh my God! Dito sila ngcheck in ng hotel?" Manghang tanong ni Anne yata ang pangalan.

" Mayaman nga kasi." Magiliw na tugon ng katabi nito na tulad ko ay mangha din sa mga nakikita.

" Girls maghanda na kayo at tayo ay malapit na. " Sabi ni Gab.

Pumasok kami sa basement ng hotel at huminto ito doon.

" Isa yata sa kanila ang may ari nito. " Sabi ni Gab sa akin na hindi ko naman tinatanong kahit pa manghang mangha ako sa mga nakikita.

Paghinto ng van ay sabay sabay silang nagkalkal sa mga bag nila para magretouch. Hindi na ako nagretouch dahil tama na ang kaunting polbo at lipstick tutal ay gabi na.

Sumunod nalang ako sa paglabas ni Gab sa van para sa paghanda niya ng malaking cake na gagamitin namin mamaya.

Doon kami kasi papasok at pagplay ng music ay sabay sabay silang lalabas na apat habang ako naman ang pinaka nasa hulihan. Iyon ang inorient sa akin ni Gab bago kami umalis. Madali lang naman iyon pagkatapos ay may pera na ako na gagamitin para sa pagaaral ni Gab.

Niyakap ko ang sarili ko ng sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Kahit nasa basement lang kami ay nararamdaman ko padin ang lamig ng gabi.

Pagkatapos nilang maghanda lahat ay sumakay na kami ng elevator, wala parin silang tigil sa pagreretouch kahit na hindi naman litaw ang kanilang buong mukha dahil sa half face maskara na gagamitin namin.

Tinignan ko ang maskarang susuotin ko, maganda ang disensyo nito kulay ginto ang tema nito at sa dami ng glitters na nakabubud dito ay maganda ang kinalabasan. Habang ang mga kasama ko ay kulay pilak naman ang kanilang maskara.

Nauna ng umakyat sina Gab sa amin dahil sila ang nagset ng malaking cake kasama ang driver.

Pagbukas ng elevator ay sa mismong kwarto na kami. Napamangha ako sa disensyo ng kwartong napili nila, at talagang moderno ang klase ng materyales sa paggawa nila nito. Tinitigan ko ang mga furniture na dinaanan namin. Pinasadahan ko ito ng aking mga daliri.

Maaaring mamahalin din ang renta nito kahit isang gabi lang.

" Ano girl aatras kana ba?" Tanong ni Lyka  sa akin, tumingin ako sa kanya at nakitang papasok na sila sa isang kwarto ng room na ito. Sobrang laki nito at parang isang bahay na.

Hindi ko na siya sinagot at sumunod na sa kanya. Walang ilaw ang kwarto.

" Pasok na kayo lahat sa cake wala pa ang mga bisita natin." Aniya habang inayos ng mabuti ang cake na pagtataguan namin.

Sa laki nito at nagkasya kaming lima.

" Bes, kaya mo ba?" Nagaalalang tanong sa akin ni Gab.

" Oo naman. Madali lang to no." Sinuot ko ang aking maskara at umupo na sa loob ng cake. Ang cue namin sa paglabas ay ang pagtugtog ng kanta.

" Sige, sa labas na pala kami maghihintay." Dugtong niya, tango nalang ang tanging sagot ko, dahil unti unti kong nararamdaman ang kaba, unang beses ko palamang itong gagawin. Madalas kasi ay waitress lamang ako ng restobar nila. Napalunok ako ng marinig ko ang ingay ng mga lalaking mukhang papasok ng pinto.

" Ayan na sila Cheska." bulong ni Anne sa babaeng katabi niya.

" Oo nga, ano ba yan. Excited na ako! Tagal naman ni Gab." Sagot naman nito.

Lahat sila ay nagkukumahog na lumabas na habang ako ay kabadong nakaupo.

" Let's get it on Dude." dahil karton lang ang malaking cake na ito ay dinig namin ang nasa labas, mas lalong naghagikgikan ang mga kasama ko habang tumatawa naman ang nasa loob ng kwartong ito.

Kumabog ang dibdib ko sa sobrang kaba, ito ang unang beses kong sasayaw sa mga lalaki para magbigay ng aliw.

Napapikit ako at huminga ng malalim kailangan kong lakasan ang loob ko, marami na akong napagdaanan at hindi naman lang sa ganito ako susuko. Wala naman din mawawala sa akin dahil sasayaw lang naman ako sa harap ng mga lalaking ito.

" Look Man, this is your last day of being single. Let's celebrate, goodbye pussy na!" Napakagat ako sa labi ng marinig kong muling magtawanan ang mga lalaki.

" Kung gusto niyong magkatip galingan niyong mabuti girls. " Tawa ni Cheska at nagumpisa na ang daring na kanta, hudyat na yon para kami ay magumpisa ng lumabas sa malaking cake.

Inalis ko ang mumunting jacket na nakatakip sa katawan ko, sa bawat paglunok ko ay lalo akong kinakabahan. Nagsimula na nilang buksan ang cake at gumiling. Nagpabuntong hininga ako habang tinititigan silang eksperto sa pagiling. Naghiyawan ang mga lalaking nanonood at may pumapalakpak pa.

Bawat hampas nila ng kanilang bewang ay ang paghampas nila ng kanilang kamay sa hangin, talagang mga propesional na sa pangaakit ng lalaki. Dati noong highschool ako ay kasama ako sa mga sayaw sa school pero hindi ganito.

Tumingin sa akin ang isang kasamahan namin na hindi ko alam ang pangalan.

" Iyong nakakulay na maroon na naka button up ang groom, siya ang lalapitan mo. " Bulong niya sa akin. Napakaganda ng mga mata niya at sobrang kinis ng kutis. " Ako nga pala si Mika, sabi sa akin ni Gab kailangan mo daw nang pera kaya ka nandito. Alam mo kailangan molang galingan sa paggiling dahil pag ang customer nagustuhan ka dadagdagan ang bayad mo."

Ngumiti siya na kahit madilim sa part namin ay nakita ko ang pagkislap ng mata nito. " Pagnaramdaman mo ang paggalaw namin sa cake saka ka lalabas okay? " Aniya at tumango ako bilang tugon dahil hindi ko na kayang magsalita dahil sa kaba.

Gumiling na ulit siya kasabay ng nakakaakit na sayaw at muling umingay ang paligid. Napapikit ako at hinintay sila. Naramdaman ko ang paggalaw ng malaking cake.

" Okay Sapphira your turn." Narinig kong bulong ni Mika sa bandang kanan ko.

Huminga ako ng malalim at pumikit.

Hindi ka naman nila kilala, at saka may maskara naman Sapphira.

Paulit ulit kong bulong. At saka tumayo sa kinatatayuan ko. Nasilaw ako sa ilaw na nakatuktok sa akin. Kaya napapikit ako. Unti unti kong tinaas ang dalawang kamay ko at saka gumiling.

I gave my very best on this, tutal naka maskara naman ako. Pinasadahan ko ang katawan ko sa aking kamay habang gumigiling. Pagdilat ko ay hinanap ng mga mata ko ang groom na sinasabi nila. Napakagat ako sa labi ng lahat ng atensyon nila ay akin.

All there eyes were on me.

Hinanap ko amg groom na sinasabi ni Mika.

Pero bago ko pa mahanap ang groom ay napahinto ang tingin ko sa isang lalaking nakaupo sa sofa na naka black suit. Kumabog ang dibdib ko sa tigtig niya dahil kahit na naka maskara ako ay parang kita niya buong pagkatao ko.

He was so serious, para niyang tinitimbang ang bawat paggiling ko na feeling ko kapag nagkamali ako ay paparusahan niya ako.

He looked at me intently. Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang braso na naka hawak sa isang baso ng alak, sobrang diin siguro ng paghawak niya dito dahil nakaukit sa mga kamay niya ang mga veins niya.

Tumingin muli ako sa mga mata niya at nakatingin parin siya sa akin. Hindi ko makayanan ang intensidad sa titig niya kaya iniwas ko nalang ito.

Katabi niya ang groom na kailangan kong sayawin. Anim silang lahat na lalaki at masasabi kong lahat sila ay may ipagmamalaki.

Naglakad na ang kasama ko para sayawan ang bawat kaibigan ng groom kaya lalong umingay, mukhang nageenjoy ang mga kasama ko habang ako naman ay kabadong kabado.

Unti unti akong bumaba at pinipilit na ifocus ang tingin ko sa groom. He was a handsome man with long curly hair.

Ngumiti siya sa akin ng makalapit na ako sa kanya. " Please, this man need you not me. My soon to be wife will kill me." Aniya na natatawa habang tinuturo ang katabi niya.

Tumayo siya bigla at kinuha ang phone sa bulsa niya. " See, she's calling. " humalakhak siya at saka umalis sa harapan ko para sagutin ang tawag.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko alam ang irereak ko sa nangyari. Am I really going to dance on this intimidating man?

Napalunok ako at tumingin sa mga kasama ko, napakunot ako sa noo ng nagenenjoy silang lahat sa pagsayaw sa mga lalaki kahit na hawak na nila ang mga maselan bahagi nila. Akala ko ba no touch policy? Napailing ako at napatingin sa lalaking nasa harapan ko.

Tumingin siya sa akin habang sumisimsim ng alak. Unti unti akong gumiling sa harapan niya. Seryoso ang titig niya sa akin na parang sinusuri ako.

Lumakas ang talbog ng puso ko, lumapit ako sa kanya at naaninag ang kanyang mukha ang haba ng pilik mata niya at ang ganda ng mata niya. Ang tangos niyang ilong at magandang hugis ng kanyang labi, kulang ang salitang perpekto para  ilarawan ko siya.

Hinagip niya ang bewang ko dahilan ng pag-upo ko sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ang kanya sa mga hita ko.

Ngumisi siya at pinasadahan ng tingin ang aking buong katawan. Kinabahan ako kaya ako ay tumayo pero bago paman ako tuluyang makatayo at hinawakan niya ang aking braso para mapaupo muli.

" What's the problem?" Tanong niya sa matigas na tono.

" Ah-Ahh Sir no touch polic-y po." Nauutal kong sagot. Mas lalo siyang ngumisi kaya kinabahan ako lalo. Tumingin siya sa mga kasama namin kaya napatingin din ako, nalunok ko ang sinabi ko dahil may mga naghahalikan na.

Napakagat ako sa labi at iniwas ang tingin sa kanya. Inalis ko ang hawak niya sa braso ko pero mas lalo niyang diniinan ang paghawak sa akin. Napatingin ako sa kanyang nanangis na bagang.

" You act as if you're not used on touching you ha!" Napahinto ako sa paggalaw at tumingin sa kanya. Galit ang mata nitong nakatingin sa akin.

" S-Sir." Bulong nalang na lumabas sa mga labi ko dahil sa takot, takot na nararamdaman ko sa kanyang mga titig. " Ta-tayo na ho ako."

" No. " He gritted his teeth and caress my cheek down to my neck, it sent shivers down to my spine and I can't even react. Napaawang ang labi ko dahil sa paginit ng buong katawan ko sa ginawa niya. Ang mga daliri niya ay parang pinapaso ang bawat parte ng katawan ko na mahawakan niya.

Namumungay ang mata niyang lumapit sa akin at dahan dahan akong pumikit. Naramdaman ko ang paghinto niya sa kaliwang tenga ko. Para akong tuod na nakaupo sa kanya, mas lalo akong naginit ng maramdaman ko ang kanyang mainit na hininga sa tenga ko, this is the first time I felt this thing.

" Ganyan ka ba talaga kababa? A whore bitch that will do everything for money?"

My lips parted, naginit ang bawat sulok ng mga mata ko I felt embarrassed. For the first time in my life, parang ngayon lang ako nagsisi na ginawa ko ito para kay Samuel.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Cynthia Remandiman Radasa
next chapter po
goodnovel comment avatar
Cynthia Remandiman Radasa
nice story
goodnovel comment avatar
leope libranza
thanks sa libreng pabasa
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Owned You   Kabanata 1

    " Ganyan ka ba talaga kababa? A whore bitch that will do everything for money?"Parang echo na paulit ulit sa isipan ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko at tumama ang kaliwang kamay ko sa kanyang kaliwang pisngi.Alam ko sobrang lakas nito maging ang palad ko ay ramdam ang lakas ng pagsampal ko sa kanya. Napapikit siya sa ginawa ko. He sexily clenched his jaw, hindi ko alam kung aware ba siya na kahit sinampal ko na siya parang inihele niya ako sa bawat reaksyon niya. Napakagat ako sa labi ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.Unti unting naginit ang mga sulok ng mga mata ko. Tumahimik ang lahat maging ang stereo ay pinatay nila. Umilaw sa loob ng kwarto, ng magmulat siya ay umiwas ako ng tingin at tumayo. Nakatingin lahat sila sa akin na takang taka sa nangyari. " Miss are you okay?" Tanong sa akin ng matangkad na lalaking nakaloose ang wh

    Last Updated : 2021-02-05
  • Owned You   Kabanata 2

    Nagbuntong hininga ako habang umuupo sa sofa namin sa sala ng datnan ako ni Gab galing sa kwarto niya." Oh kamusta? Bakit parang hindi pa man losyang ka na." Tanong niya sa akin. Umirap ako sa sinabi niya. " E pano kasi yung nililinis kong condo dun sa ano-" " ANO?" Tumingin ako kay Gab na magkasalubong ang kilay na hinihintay ang sagot ko." Yung sinampal ko nung nakaraan. " mahina kong tugon." ANO?" " Ano ba wag kangang sigaw ng sigaw!" Naasar kong sabi. " Nakilala ka ba?" Tanong niya. Umiling ako ng mabilis at saka siya huminga ng malalim." E yun naman pala e. Wala naman palang problema."" Pero kasi tuwing nakikita ko siya para akong-"" Sandale! Sabihin mo nga sa akin, binastos ka ba?" Tanong niya at umupo sa tabi ko." H-hindi."" E

    Last Updated : 2021-02-05
  • Owned You   Kabanata 3

    Maaga akong nagluto ng hapunan para sa amin. Ngayon na kasi ang unang pasok ko ulit sa bar nina Gab." Nay aalis po ba kayo?" Tanong sa akin ni Samuel na nakaupo sa lamesa. Tumingin ako sa kanya na nakasimangot.Mataman akong ngumiti at nilapitan siya. Hinalikan ko siya sa pisngi at kinulong sa dalawa kong palad ang kanyang mga pisngi." Samuel anak diba gusto mo magaral?" Tumango ito ng mabilis. " Kaya kailangan magtrabaho ni Nanay." Ngumuso ito at mas lalo akong naawa sa anak ko.Hinalikan ko ito sa noo at saka naghapag ng makakain. Tumabi ako sa kanya para sana subuan siya dahil matagal na kaming walang bonding ng anak ko." Samuel magaral kang mabuti ha para paglaki mo, kaya mong makisama sa lahat ng tao." Sabi ko habang sinusubuan ang anak ko."Gabriella kain na." Sigaw ko kay Gab na nagaayos pa ng damit." Ayan na." Sabi niya sabay labas sa kwarto

    Last Updated : 2021-02-05
  • Owned You   Kabanata 4

    Lumabas si Gabrielle sa kwarto niya habang may kausap sa telepono. Tumingin siya sa akin at ibinaba na ito." Sapphira." Nagaalala niyang tanong." Bakit?" Sagot ko habang binibihisan si Samuel.Tiniim niya ang kanyang mga labi at lumapit sa amin. " May emergency kasi sa bar, kailangan ako ngayon doon kaya.." Tumingin siya kay Samuel pagkatapos ay sa akin. Naintindihan ko na ang gusto niyang sabihin at saka tumango.Nahihiya na nga ako kay Gab dahil siya nalang lagi ang naiiwan para alagaan si Samuel ni minsan hindi siya nagreklamo sa akin." Okay lang Gab, ako na bahala sa kanya." Ngumiti ako at kumuha ng mga damit pang alis ni Samuel." Pasensya ka na ha, biglaan kasi. Hindi ko naman siya pwedeng isama doon." Ngumiti ako at tumango." Ano ba Gab, naiintindihan ko naman. Isasama ko siya sa trabaho ko siguro naman hindi ako papagalitan." Tumango siya at

    Last Updated : 2021-02-05
  • Owned You   Kabanata 5

    Hapon na ngunit abala pa rin ang mga nagtatrabaho sa hotel." Anong meron?" Tanong ko kay Mona na nakaupo sa tabi ng lockers habang nilalagay ko doon ang mga gamit ko." Minamadali nilang ayusin ang function hall, dito kasi gaganapin ang proposal ng hotel para sa mga foreign investors." Tumingin ako kay Mona na kinakalikot ang kanyang mobile phone." Kailan daw?" Nagkibit balikat ito at ibinigay ang buong atensyon sa akin." Sa susunod na linggo palang pero aligaga na masyado papano kasi gusto ni Ms. Cassandra perfect ang theme, kaya kahit nakaayos na pinapapalit pa rin niya."" Ahh." Marahan akong tumango at sinara na ang locker ko.Mabilis kong natapos ang paglilinis ng bodega maging narin ang condo ni Tross, buong araw ko yata siyang hindi nakikita malamang ay hindi na umaalis iyon sa opisina niya dahil narin siguro sa event na gaganapin.At hindi ko rin siguro siya kayang harapin sa nangyari kagabi. Tama nga, kai

    Last Updated : 2021-02-21
  • Owned You   Kabanata 6

    Maaga akong pumasok kinabukasan. Tulog pa si Tross ng magumpisa akong linisin ang kabuuan ng condo niya.Inipit ko ang mahaba kong buhok dahil sa init na nararamdam dahil sa paglilinis.Nahigit ko ang hininga ng marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto niya kung saan nakatapat ako na kung saan ako nagwawalis. Tumaas ang tingin ko sa inaantok pa nitong mga mata at gulo gulo nitong buhok.Nakasweat pants siya at gray tshirt. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumabi sa side upang makadaan siya. Nang hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya ay tinignan ko siya na seryosong nakatingin sa akin.Napalunok ako ng mabilis dahil sa nararamdamang kaba. Napakagat ako sa labi ko at tumingin sa baba. Nasapo ko ang dibdib ko ng lumapit siya at ikinulong ako sa dingding gamit ang dalawang mga kamay niya." Where did you go last night?" Malamig niyang tanong. Kunot noo ko siyang tinignan at nagtataka sa tanong n

    Last Updated : 2021-02-21
  • Owned You   Kabanata 7

    Tuliro ako habang tinitimpla ang gatas ni Samuel, maaga ko siyang ginising dahil pangalawang araw niya ito sa paaralan. Excited naman siya dahil marami na daw siyang mga bagong kaibigan.Paguwi ko kagabi ay gising pa siya at hinihintay ako. Inayos ko na ang mga damit niya na susuotin mamaya. He was taking a bath now, he always kept on reminding me that he is now a big boy. Minsan napapaisip ako kung saan nagmana si Samuel, he's young but he already knows his responsibility.Kapag sinasabi niyang kaya niya, kahit nakikita ko siyang nahihirapan hindi siya humihingi ng tulong. He do his duties on his own, minsan napapangiti ako dahil alam ko na he can do things without me. Pero minsan napapaluha dahil baka dumating yung araw na binata na siya at hindi niya na kailangan ng tulong ko." Layo ng iniisip Te? Saan naba tayo nakarating?" Sumulyap ako kay Gab na ngayon ay papaupo sa tapat ko." Aga mo yata nagising Gab?

    Last Updated : 2021-02-21
  • Owned You   Kabanata 8

    Parang tambol ang aking dibdib dahil sa lakas ng tibok nito." You owe me something Sapphira." Aniya na mas lalong nagpakaba sa akin.Kumunot ang noo ko at muling humakbang. " I don't get you." Marahan kong sagot.Muli ay humakbang ito. Napatili ako ng hinigit niya ang aking kaliwang kamay at ikinulong ako sa sink.Mabigat ang mga bawat paghinga niya. Mapupungay ang mga mata nitong tumingin sa akin. Nanlambot ako ng maramdaman ang mainit niyang kamay sa aking likuran.Pumungay ang mga mata ko ng mas lumapit siya sa aking mukha. Idinikit niya ang kanyang katawan sa akin, at napakagat sa aking labi ng maramdaman ang kanya sa aking puson." I didn't sleep well Sapphira." Bulong niya sa akin at inamoy ang aking buhok. Umusbong ang init na aking nararamdaman.Napaliyad ako ng maramdaman ang munting halik niya sa aking tenga. Napakapit ako sa kanyang leeg ng marahas ni

    Last Updated : 2021-02-21

Latest chapter

  • Owned You   Espesyal na Kabanata

    Ito ang unang paguwi namin ngayong taon galing Australia." Bro, what's with your phone? Bakit hindi mo mabitawan?" Biro ko kay Kuya at umupo sa malaking sofa.We were having small gathering with my friend since we're just staying here for a short period of time.Tumaas ang tingin nito sa akin at ngumisi." You know what bro, I want you to meet this lil woman that I know." Nakangiting saad nito.Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may inirereto siya sa akin." Like what you said, she's still little." Humalakhak ito sa sagot ko at napailing. He tapped my shoulder." She's funny too!" Anito at umiling muli habang nakangisi." Not really interested." Walang ganang tugon ko.Palagi niya iyong nababanggit sa akin, pero wala naman siyang ipinapakilala.Was he referring to Sapphira? I guess not. Bat naman niya irereto

  • Owned You   Wakas

    Malamig ngayon sa Australia at puno na ng nyebe ang buong syudad. " I guess, studying abroad is really bad idea." Ani Kuya Alex na kavideo call ko sa cellphone. I sighed, and sipped on my espresso." Bro you should take a vacation and stay here for a while." Suwestiyon ko, napansin ko na naka suot pa siya ng office attire at matagal na din siyang hindi dumadalaw dito.Ngumisi ito. " I can't do that, I'm seeing someone else."" Really? Who's the unlucky girl?!" I laughed, one of his past time again. I shook my head in disbelief." Who's that Kuya?" Tanong ni Cassandra na

  • Owned You   Kabanata 35

    Huling kabanata ng Tross, maraming salamat po sa pagtangkilik. Sunod ay wakas. ♥️Nakatayo ako ngayon sa harap ng malaking ref, masyado akong naglula sa dami ng pagkain dito. Bakit pa siya nagorder kahapon ng food if we can cook? I shook in disbelief.Sumulyap ako sa nakasarang kwarto kung saan ako nanggaling, masarap pa ang tulog niya at nagpasya na akong tumayo dahil baka hindi nanaman kami makapagbreakfast, ako nalang ang magluluto .Napangiti ako sa isipang iyon, I never expect this moment to come. Pagkatapos kong nagluto ay hindi pa din siya lumalabas ng kwarto kaya nagpasya akong maglinis ng living room. Binuksan ko ang tv upang maibsan ang katahimikan." Breaking News! Family Montenegro confirm the death of their son who finally saw his lost body after more than five months of missing..." napahinto ako sa aking ginagawa at parang tuod na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa screen ng tv.

  • Owned You   Kabanata 34

    My head was still spinning, my body was so weak. I am so lazy to even open my eyes. I sighed and grabbed my pillows to cover my head. I wanted more sleep. I felt so tired." Ugh!" I groaned when I remembered my dream.I was dreaming of Tross, and we were making out! It felt so real!I stiff when I felt someone grabbing my waist. I might still dreaming, alcohol was really a bad idea. Noted.Nagulat ako ng may mainit na kamay ang humahaplos sa dibdib ko. Napahawak ako sa aking ulo sa biglaang pagangat ng ulo ko para tignan iyon. Ugh!" You're awake baby." Kumabog ang dibdib ko ng marinig ang pamilyar na boses ni Tross.Kailangan ko ng magising dahil hindi na nakakatawa ang panaginip na ito. Napaawang ang labi ko ng bumaba ang kamay nito sa pagkababae ko. Napahinto ako sa kanyang ginawa, nananaginip nga ba ako o talagang totoo ang nangyayare? Bakit pakiramdam ko damang dama ko talaga ang ginagawa niya sa akin, and I am naked!Iminul

  • Owned You   Kabanata 33

    Inayos ko ang sarili ko sa salamin kahit na umiiyak ang loob ko. Hinang hina man ang tuhod ko ay naglakad na ako palabas ng comfort room." Oh Sapphira," sa ganitong pagkakataon ay ngayon ko pa talaga siya masasalubong.What is she doing here anyway? I thought they were discussing about their wedding. Parang bumaliktad nanaman ang sikmura ko sa isipang iyon." Trinity..." bulong ko at wala akong panahon makipagusap." This is what I am talking about Sapphira, Jackson was just using you." Tumaas ang kilay nito at ngumisi. " Looked at you now, you look miserable."Umiwas ako ng tingin, I got affected for the news, but it should not be obvious on my face. Isa pa iyon naman talaga ang dapat, I am pushing him away from me." Congratulations for the both of..." tumawa ng pagak si Trinity na parang nagiinsulto kaya kumunot ang noo ko." Oh please don't pretend that you

  • Owned You   Kabanata 32

    I wasn't even able to utter a single word while eating our breakfast, even though it's not really my first time eating together with them, but I still felt that I should not be here. Kung hindi lang sana ako pipilitin ni Tito Sander kung tatanggi ako sa bawat aya niya ay wala talaga akong balak na sumabay.I was about to stood up, when Tross went to my back to push back my chair. Nagulat ako doon at narinig ko ang munting ubo ni Madame Brigitte. Sumulyap ako sa kanya na napahinto sa pagkain at nakakunot ang noong nakatingin sa kanyang plato. It was obvious that he was making his move, and darn it! In front of these people.Cassandra was looking at me intently like I made some kind of mistake, Tito Sander seems okay and nothing happened.Sumulyap ako kay Tross na s

  • Owned You   Kabanata 31

    " Who told you to wear this shit?!" Mapanganib na tanong nito.Nanginig ako ng hinaplos nito ang panga ko. Iniwas ko ang katawan ko at lumayo sa kanya. Inilibot ko ang paningin ko sa buong bahay niya. Wala paring nagbago sa bahay nito. Nanigas ako ng maalala ang mga nangyare noong unang pagkikita namin ni Madame Brigitte, at hindi ito magandang alaala. Nanikip ang dibdib ko at sumulyap sa kanya na galit na galit. Ngumisi ako. " Don't act as if nothing happened Tross! Ako dapat ang galit sating dalawa!" Naiinis na sigaw ko sa kanya. Napahinto ito at pumungay ang mga mata niya ng abutin niya ang siko ko ngunit nagpumiglas ako. " Ano ba! Nandito ako para kay Samuel." Umiling iling ako. " You used me!

  • Owned You   Kabanata 30

    Ito na yata ang matagal ko ng hinihiling, iyon ay sana kahit man lamang sa kanilang huling hantungan ay magkasama silang dalawa." Hello po Mommy and Daddy, birthday ko po ngayon." Nagkatinginan kami ni Gabby na halos maluha luha.May ibinigay kami na flowers kina Ate Ysabelle at nagsindi na rin ng kandila.Ito ang huling hiling ko kay Tito Sander, hindi ko akalain na gagawin niya ito sa madaling panahon." Limang taon na ho ako." Anito at ipinakita pa ang mga limang daliri nito sa harapan nila.Inilagay ko din ang picture na magkasama silang dalawa ni Kuya Alex. Hindi ko makayanan ang bigat at sakit. Limang taon na din, ng mawala ang kanyang magulang. Pero parang kailan lang, ng mahuli ko silang magkasama ni Kuya Alex.Hindi niya maiintindihan ngayon, pero darating ang panahon na mas lalong maiintindihan niya ang mga bagay bagay at ayoko na maramdaman niya na nagiisa siya.

  • Owned You   Kabanata 29

    Hinaplos ko ang maglilimang buwan na tyan ni Ate Ysabelle. Ngumiti ito sa akin." Ate hindi niyo pa ba ipapacheck kung ano gender niya? Excited na ako sana babae!" Tili ko at mas lalong tumawa si Ate." Naku malamang kapag babae yan kamukha mo! Sobra yata kung maglihi sa iyo ang Ate mo." Singit ni Mama.Ngumuso si Ate kaya natawa ako. Noon kasing naglilihi si Ate ay halos hindi ako makapasok dahil nagtatampo ito kapag umaalis ako sa tabi niya. Kapag nandyan naman si Kuya Alex ay hindi niya pinapansin, kaya nagseselos sa akin si Kuya." Magsasaing lang ako." Ani Mama at lumabas sa kwarto namin ni Ate.Muli kong hinaplos ang tyan ni Ate. " Ate bakit mo minahal si Kuya Alex?" Wala sa sarili kong tanong. Sumulyap si Ate Ysabelle sa akin at ngumiti. " Anong klaseng tanong yan Sapphira.." Nagkibit bal

DMCA.com Protection Status