Lumipas ang katahimikan sa pagitan nila. Wala ni isa ang nagsalita, kahit mula nang umupo si Xania sa tabi niya. Tanging tunog lang ng mga alon na bumabagsak sa pangpang ang naririnig.Hindi awkward sa una ang katahimkan na namagitan sa kanila, pero ngayong ramdam na ni Vince ang presensya ng katabi niya at hindi siya nagsasalita para man lang basagin ang katahimikan, doon na siya sinimulang makaramdam ng awkwardness sa pagitan nila. Kaya siya na ang nauna."Cactus, naniniwala ka ba sa sirena?" tanong bigla ni Vince na kinabasag ng katahimikan.Nagtaka naman si Xania sa tanong niya. "Sirena? Bakit, nakakita ka? Kaya ka naghihintay dito?""Hindi sa ganun," sagot ni Vince. "May isang gabi kasi na muntikan na akong malunod pero pagkagising ko, andito na ako sa pangpang, nakahiga sa buhangin..."Nagulat si Xania sa sinabi ni Vince."...pwede ba yun na pag wala kang malay sa ilalim ng dagat, ma wa-wash-out ka na lang bigla dito sa pangpang?"
Read more