All Chapters of The Obsession Of A Dominant Billionaire: Chapter 351 - Chapter 360

426 Chapters

23

Hindi siya makatulog. Mag-uumaga na at wala siyang planong balikan muna si Blesy sa Hospital kahit kanina pa nag-uudyok ang kaniyang utak na bumalik sa silid nito. Kanina pa siya paikot-ikot sa malaking silid niya at 'di mapakali. Bakit at paano niya nakalimutan ang babae? May parte ng kaniyang puso na nagsasabi na matagal na silang magkakilala at ito ang nagmamay-ari ng puso niyang matagal ng patay."Puta! Sino ka ba talaga sa buhay ko? Bakit 'di ko maalala ang nakaraan natin kung sakaling may nakaraan tayo?" galit siyang napasalampak ng higa sa malambot na kama. Kahit ang Ono drinks, 'di umepekto sa kaniya.Dinial niya ang numero ni Uno at nababagot na sinagot nito ang kaniyang tawag, "Got something for me?""Putangina! Ginagawa ko pa ang utos mo. Maghintay ka. Isang oras pa lang ang
Read more

24

Marahan tinanggal ni Blesy sa ulo ang kaniyang itim belo. Sinunod niya ang kaniyang suot krus na kwentas at suot na habit. Lumantad ang kaniyang katawan sa malaking salamin sa loob ng silid na iyon. Tapos niya ng ikompisal kay Father Felipe ang lahat, pati ang kaniyang nakaraan na naalala niya. Pero bakit may parte pa rin ng kaniyang pagkatao ang nangangapa ngayon? Hindi niya matanggap. Hindi niya matanggap ang nangyari ngayon naalala niya na ang lahat. Mas masakit pa sa tama ng baril ang kaniyang nararamdaman ngayon. Hinahati ang kaniyang pagkatao.Kaya pala pamilyar sa kaniya ang lalaki nung pinakilala sa kanila ito ni Mother Helen kung saan siya unang nag-noviciate. Una niyang makita si Fender nung nakipag-usap ito sa mga bata at kasama niya si Mother Helen. Nang mga sandaling iyon, sumakit ang kaniyang puso at parang mahahati nang pinakilala sa kanila ang lalaki. Nagdao
Read more

25

Kung inisip ni Blesy na madali lang sa kaniya ang kalimutan si Fender, maling-mali siya. dahil nagsimulang naging magulo ang kaniyang tahimik na mundo. Paulit-ulit na lumitaw sa utak niya ang lahat at, mas malinaw niyang naaalala ang lahat. Hindi basta-basta isang lalaki lang si Fender sa buhay niya."Sister, bakit ang lungkot niyo po?"Napatingin siya sa batang nagngangalang Raiza at masuyong hinaplos ang mahaba nitong buhok. "Mukha ba malungkot si Sister Blesy?"Inosente itong tumango. Marahan naman siyang napabuntunghinga at malambing na ngumiti rito. Hindi niya pwede ipakita sa mga bata na apektado siya."Sister, nagluto ako ng paborito niyong ginataan hito ni Mother Jean."Hindi
Read more

26

Dinala siya ni Fender sa Iceland. Kung si Blesy ang tatanungin, wala siyang kaalam-alam kung paano siya nakalabas at nakarating sa lugar na ito na sa panaginip lang niya gustong mapuntahan. Si Fender ang nag-asikaso ng kaniyang passport at lahat-lahat. Gusto niyang magtanong kung paano nito ginawa ang bagay na iyon ng mabilisan. Ito rin ang gumawa ng excuse letter sa kaniyang teacher na mawawala siya for 1 week dahil may emergency siyang pupuntahan at binayaran nito ang teacher na may hawak sa kaniya."Hindi ako makapaniwala!" naluluhang sambit niya. Nasa Kakslauttanen Arctic Resort sila kumuha ng glass igloos, kung saan malaya nilang nakikita ang kalangitan mula sa loob."Hindi ka makapaniwalang gwapo ako?""Che!" Inirapan niya si Fender nang sumulyap siya rito. Kailan ba kasi ito mat
Read more

27

PAGOD na binagsak ni Blesy ang kaniyang katawan sa malambot na kamang nando'n sa loob ng glass igloos ng resort. Kahit papaano, nakaramdam siya ng ginhawa nang maihiga niya ang kaniyang katawan. Nakapagpalit na siya ng makapal ng pantulog. Pakiramdam niya, naging yelo na ang kaniyang bagang sa labas. Nakakapagod din pala ang magsisigaw at makikipaglaruan ng snow kay Fender sa labas, para silang mga bata na walang kahit anong inaalala."Tired?""Oo," nakuha pa rin niyang ngumiti rito. Hindi siya makapaniwala na engage na sila at niyaya siya nitong magpakasal. Ang lawak ng kaniyang ngiting pinagmasdan ang suot niyang singsing nang itaas niya ang kaniyang kamay. "Pero hindi ako mapapagod sa'yo.""Talaga?" Lumapit ito sa kaniyang gawi at tumabi sa kaniya sa higaan.
Read more

28

Napasinghap si Blesy nang magmulat siya nang mata. Agad niyang nilibot ang kaniyang paningin at mabilis na hinanap ang lalaki. Napahinga siya nang maalalang nasa Baryo ng Felopina siya at nagpapagaling. Dinalaw na naman siya ng panaginip. No, nang nakaraan nila ni Fender. Lahat nang mga nakaraan nila.Agad niyang pinunasan ang mga luhang nagsilaglagan sa kaniyang mata. Hindi niya na dapat balikan ang kanilang nakaraan dalawa. matagal na iyon at bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa na ang Panginoong Ama ang nasa kaniyang puso ngayon na habang-buhay na paglilingkuran?"Okay ka lang ba, Sister Blesy?"Napatingin siya sa kaniyang kasamahan na nagising nang mga sandaling iyon. Inaantok itong nakatingin sa kaniya. "Oo, o-okay lang ako Sister. Lalabas lang ako sandali."
Read more

29

"Bitawan mo nga ako!" mahinang saad niya at pilit niyang tinatanggal ang kaniyang kamay mula sa mahigpit na pagkakahawak nito pero wala yata itong balak bitawan siya. "They're after us." "Ha?" "Once you see him, shoot him down. The organisation wants him dead." Napasinghap siya nang marinig niya ang boses na iyon sa may kalayuan. Napatingin siya kay Fender, kahit madilim sa kanilang pinagtataguan alam ni Blesy na alisto ito. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniya na parang pinoprotektahan siya anumang mangyari. "Let split." Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Fender sa kaniya at ramdam ni Blesy na panganib ang naghihinta
Read more

30

“Alam mo kung bakit ayaw kong sabihin kung ano ang nakaraan natin?”Bigla itong tumigil sa paghakbang.“Dahil ang totoo, ako ang dahilan kung bakit ilan sa nakaraan mo ay 'di mo maalala.”“Stay here Blesy.” Hindi nito pinansin ang kaniyang sinabi.Napilitan siyang tumayo at sinundan ang yabag nito. “Sasabihin ko na lahat. Please, huwag ka lang pumatay ulit. Please...” Huminto siya nang huminto ito. Ilang beses siyang kumurap-kurap, nahihirapan pa rin mag-adjust ang kaniyang mata sa dilim ng kwebang iyon.“Then tell it to me.” Isang kamay ang humawak sa kaniya at giniya siya sa isang tabi. “Simulan mo nang magsalita.&rd
Read more

31

N/A:Huwag malito. Parte ito ng flashback ni Blesy.——————————————————————————————"Lumitaw ka rin sa wakas."Pareho silang natigilan ni Fender nang may lumitaw sa kanilang harapan na tatlong lalaki. Naramdaman niyang kumuyom ang kamao ni Fender at pagngangalaiti ng bagang."Umalis kayo sa daraanan ko at baka 'di ko mapapalagpas 'tong ginawa niyo sa babaeng alam niyong pinoprotektahan ko sa lahat."Napasinghap siya nang marin
Read more

32

"Please Fender, kung may dapat man na humingi ng tawad dito. Ako iyon. ako ang dapat humingi ng sorry dahil kung hindi sa'kin, alam kong 'di ka papasok sa ganitong sitwasyon. Lagi ako ang iniisip mo. Lagi na lang ako ang mas inaalala mo at kahit gusto kong magalit sa'yo at kamuhian ka, hindi ko magawa. Kasi alam ko mismo sa sarili ko na una kitang minahal. Mas una kitang minahal. Kaya kahit ganiyan trabaho ang pinasok mo, tanggap ko. Hindi kita huhusgahan. Nasaktan, oo pero Diyos nga nagpapatawad, ako pa na tao na? May pagkakataon pa para magbago, Fender. Andito ako, tutulungan kitang magbago. Tutulungan kitang makalimutan ang tatlong taon na iyon na minsan ay ginawang impyerno ang buhay mo."Naramdaman niyang yumugyog ang balikat nito at nung magtaas siya ng tingin, niyakap lang siya nito. Mahigpit siya nitong niyakap at walang salitang lumabas sa bibig habang umiiyak itong
Read more
PREV
1
...
3435363738
...
43
DMCA.com Protection Status