All Chapters of The Obsession Of A Dominant Billionaire: Chapter 341 - Chapter 350

426 Chapters

13

Bahagyang nakahinga ng maluwang si Zerus nang malaman niyang sa balikat ang tama ni Blesy. Nagpadala siya ng taong bumisita sa babae at kahit papaano, kumalma ang puso niyang kanina pa kumabog ng malakas. Nasa rooftop siya ng isang building, paharap sa silid ng babae at malayang pinagmasdan itong natutulog mula sa kaniyang binocular na dala.Ang planong tumbahin si Dr. Hayes, isinantabi niya muna. Si Ramona ang una niyang haharapin at alam ni Zerus kung saan ito hahanapin.“The premises are secured. Mahihirapan ka pumasok, Mr. Craige. May facial recognition every room ng pasyente. Dinoble ni Dr. Hayes ang security ng buong building. Bawat hallway, may mga CCTV at hindi lang basta-basta CCTV ang mga ito.”Ngisi lang ang naging sagot niya sa lalaking nag-report sa kaniya ngayon. Nasa kabilang linya ito at nakatulong ang pagiging professional Doctor nito. “Is she totally okay? Siguraduhin mong 'di mapasok ng kapa
last updateLast Updated : 2021-03-23
Read more

14

WARNING!!!»» Kung hindi kaya ang temang sumunod, please, 'wag ng basahin. Erotic-romance ang theme ng mga kwento ko kaya kung hindi keri ang flow, please, skip this story. 'Wag na akong plastikin at i-call out na naman tapos erotic din binabasa. Hindi ko kayo kailangan sa kwento ko. Masaya na akong wala kayong mga hamog. Thank you.———————————————————————————————Muling bumalik si Zerus sa silid ng babae matapos niyang harapin si Ramona. Madaling araw na pero wala siyang nararamdamang antok. Nag-alala siya para rito kahit sabihin malayo sa puso ang natamong tama.Mahimbing na itong nat
last updateLast Updated : 2021-05-04
Read more

15

NAPAISMID si Blesy nang matagalan ang binatilyong kanina pa niya hinihintay. May usapan silang magkikita sila sa ilalim ng tulay dalawa ni Fender pero wala pa rin ito. Lihim siyang napaismid at napairap sa hangin. Ilang bato na ba ang nahahagis niya sa tubig sa paghihintay rito? Hindi niya na yata mabilang. Nagsuot pa siya ng magandang bestida na binili niya sa ukay-ukay kahapon sa halagang bente pesos.“Asan na kaya 'yon? Baka nakalimutan niyang may deyt kami.” napahimutok siya at nagbilang ng isa hanggang isangdaan sa isip. Kapag 'di lumitaw ang binatilyo, aalis na siya ro'n sa ilalim ng tulay at bahala na ito.Marahan siyang napabuntunghinga. Natapos niya ang pagbibilang mula isa hanggang isangdaan pero walang Fender na lumitaw. Malungkot siyang tumayo at pinagpagan ang bagong laba niyang damit. Uuwi na siya
last updateLast Updated : 2021-05-04
Read more

16

“Ikaw kasi Fender, eh. Ayan tuloy!” humihikbing saad ni Blesy nang sipatin niya ang mga pasa ng binatilyo.Tumakas pa siya nang hating-gabi sa bahay ng kaniyang tiyahin at dali-daling pumunta sa ilalim ng tulay kahit delikado. May dala siyang lumang back pack na puro damit niya ang laman, flashlight, kandila, at konting ipon niyang pera. Marami siyang pasang nakuha sa kaniyang tiyahin at pinsan pero hindi niya iyon ininda. Kaya nang masiguro niyang tulog na ang mga ito, kumuha siya ng lakas ng loob na tumakas.“W-wala 'to. 'Wag ka na umiyak, pumapangit ka kasi.”Mas lalo siyang napaiyak sa sinabi nito. Kahit alam niyang nasasaktan ito, pinaparamdam pa rin nito sa kaniya na okay lang ito. “Hindi mo alam kung gaano ako natakot kanina, Fender! Akala ko matata
last updateLast Updated : 2021-05-04
Read more

17

Nagising sila pareho ni Fender nang huminto ang kanilang sinasakyang garbage truck. Mabaho at umaalingasaw ang amoy pero mas mabuti iyon kesa sumama pabalik sa impyernong bahay na kinalakihan niya.Umaga na ayon na rin sa araw na nagsisimulang bumisita tuwing umaga at nagbibigay ng panibagong pag-asa sa bawat tao.“Bumaba na tayo rito.”“Pero Fender, baka nand'yan pa si Tiyang”“Malayo na tayo sa lugar natin, Blesy. Halika na habang may oras pa.”Marahan siyang tumango at sinunod ang gusto ni Fender. Ang tanging dala lang niya ay ang kaniyang back pack na may lamang konting pera at damit. Maingat silamg bumaba at do'n nila napansin na malayo na nga
last updateLast Updated : 2021-05-04
Read more

18

DOMINANT SERIES 7: AMOROUSCHAPTER 18Hindi kinibo ni Blesy si Fender kinabukasan. Tahimik silang kumain ng almusal nilang dalawa na dalawang pares ng pandesal at kapeng tinipid sa asukal. Nakahanda na siya para sa trabaho nila sa araw na iyon."Blesy, kausapin mo naman ako."Hindi siya umimik. Hindi niya ito kikibuin hangga't hindi 'to magsasalita kung saan ito galing kagabi at sino ang mga kasama nito. Nagpatuloy siya sa pagsawsaw ng pandesal sa kapeng nagsimula ng lumamig."Blesy naman, 'di ako sanay na 'di tayo nagpapansinan."Napabuntunghinga siya at nilapag ang tinapay sa plastik na plato. "Hangga't 'di mo sasabihin sa'kin kun
last updateLast Updated : 2021-05-04
Read more

19

 Maaga pa lang sila kinabukasan ni Indang sa simbahan. Dala-dala niya ang rosary na binigay sa kaniya ni Fender at mahigpit na hinawakan iyon. Nagpapasalamat siya sa Diyos dahil 'di pa rin siya pinapabayaan nito sa kabila ng pagsubok na binigay nito sa kaniya. Matapos nilang magsimba ni Indang, deritso silang nagtungo sa palengke. Nilakad lang nila iyon. Sanay naman siya sa mahabang lakaran kaya walang problema 'yon kay Blesy."Malaki ang palengke pero pasaan ba at mahahanap natin 'yang jowa mo na laging nawawala." Hinawakan siya ni Indang sa braso. Ito kasi ang may alam sa mga pasikot-sikot sa lugar. "Dikit ka lang sa'kin, Blesy, ha? Mainit sa mata ng mga tambay rito ang maganda mong mukha."Bahagya niyang hinampas sa braso ang kaibigan. "Baliw ka. Hindi ako maganda."Nagkibit la
last updateLast Updated : 2021-05-04
Read more

20

"F-fender...""Okay lang ako."Napailing-iling s'ya kasabay ng pagbagsakan ng mga luha niya. Napalapit siya rito at mahigpit na napahawak sa kamay ng lalaki habang umiiyak. Hindi ito pwedeng makulong. Hindi ito pwede tumira sa likod ng rehas at malamig na kulungan!"Shhh... 'Wag ka na umiyak. Lumalaki na naman ang butas ng ilong mo kapag umiiyak ka, eh.""Fender naman! Kahit minsan magseryuso ka naman. Paano ako 'di iiyak, ha? Paano? Alam mong ikaw na lang ang natira sa'kin—""At lahat kaya kong gagawin para sa'yo, Blesy. Kaya kong pumatay ng hayop kung ikaw ang pag-uusapan at alam mo 'yan."Napahikbi siya. Damang-dama niya an
last updateLast Updated : 2021-05-04
Read more

21

"H-hindi sa gano'n. Lahat ng 'to para sa'yo rin naman. Alam kong 'di mo ako maiintindihan ngayon pero iisa lang masasabi ko, Blesy, lahat ng ito ginagawa ko para sa'yo.""Talagang 'di ko naiitindihan. Masaya naman tayo rito. Kontento ako sa anong meron tayo ngayon. Ang mahalaga lang naman sa'kin ay makasama ka, Fender. Hindi mo naman kailangan gawin 'to at sabihing ginagawa mo ang lahat ng 'to para sa'kin."Napabuntunghinga ito at hinalikan lang siya sa noo. "Mahal kita. Mahal na mahal lagi mo 'yang tatandaan ha?"Hindi siya sumagot. Basta lang nagsipatakan ang mga luha sa mata niya at walang tigil ang mga 'yon. Alam ni Blesy na aalis si Fender at 'di niya mapipigilan ito. Kilala niya ang lalaki at iba rin ang paniniwala nito pagdating sa kaniya.
last updateLast Updated : 2021-05-04
Read more

22

Tatlong taon ang lumipas. Walang Fender. Walang Fender Hearst na nangakong bumalik sa kaniya. Labin-walong taon na siya ngayon at sa loob ng tatlong taon na wala ang lalaki, ang daming nangyari. Ang traumang nakuha niya mula sa apat na lalaking muntikan bumaboy sa kanila ni Indang ang nagbigay sa kaniya ng takot na makisalamuha sa mga kalalakihan. Pero kahit gano'n, natutunan niyang maging matapang.Ang traumang nakuha niya ang siyang ginawa niyang hakbang para palakasin ang loob. Wala na ang si Fender na laging nagliligtas sa kaniya at masasabi niyang mas matatag siya ngayon. Hindi na siya iyakin tulad ng sinasabi ni Fender. Umiiyak lang siya kapag naiisip at namimiss niya ito pero pagkatapos no'n, ngumingiti siya para sa sarili.Wala na siya sa Dump Site, umalis siya ro'n after nang isang taong paghihintay sa lalaki. Nung ilang buwan
last updateLast Updated : 2021-05-04
Read more
PREV
1
...
3334353637
...
43
DMCA.com Protection Status