Home / Romance / CLUMSY (Tagalog) / Kabanata 11 - Kabanata 20

Lahat ng Kabanata ng CLUMSY (Tagalog): Kabanata 11 - Kabanata 20

48 Kabanata

KABANATA 10

CHAPTER 10KUNOT-NOONG tinitigan ako ni Arken dahil sa naging reaksiyon sa alok niya. Sino ba naman ang hindi magugulat? Bakit kami titira sa iisang bahay kung hindi naman kami mag-asawa? Nandito siya sa buhay ko dahil kay Eli at nakapasok ako sa kanyang buhay dahil nanay ako ng anak niya. Hanggang doon lang kami at hindi na hihigit pa roon."Arken, hindi ganoon kadali ‘yon," pilit kong pinapaintindi kung ano ang nasa isip ko."Bakit? May anak naman tayo. May karapatan tayong magsama dahil nandiyan si Eli. He needs a family, a normal one," suhestiyon niya."Pero hindi tayo mag-asawa na kailangang magsama sa iisang bobong," sa wakas ay nasabi ko na rin ang aking punto."Then let's get married," simpleng sagot niya."What? Hindi pwedeng basta na lang tayong magpakasal at magsama. Of course magtataka sila. Worst ang sariling pamilya pa natin ang hindi papayag. We barely know each other. Ngayon lang tayo nagkaharap kung kailan malaki na an
Magbasa pa

KABANATA 11

CHAPTER 11MABILIS dumaan ang mga araw at family day na nina Eli. Naiilang ako dahil nasa amin ang atensiyon ng lahat. Ngayon lang nila nakitang may iba kaming kasama at lalaki pa, hindi lang basta kung sinong lalaki kung hindi AY si Arken Fernandez. Hitsura pa lang niya’y nakakaagaw na ng atensiyon lalo pa ngayon na nasa bisig niya si Eli."Pwede mo naman siyang ibaba," mahinang bulong ko."No need. Mas gusto kong kinakarga siya." May ngiti sa kanyang labi."Asawa mo pala si Mr. Fernandez?" bulong ng aking katabi, nanay ng kaklase ni Eli.“Hi-hindi," nauutal kong sagot. Hindi ko alam kung paano sasabihin ang set up namin."Madalas ko siyang makita na pumupunta sa inyo. So totoo ngang siya ang tatay ni Eli? Gaya nang usap-usapan ng mga guro dito sa school? Kalat ang balitang ang swerte raw ang eskwelahan natin dahil dito nag-aaral ang anak ni Mr. Fernandez,” sabat ng isa pang nanay."Ano bang nangyari sa inyo? Bakit
Magbasa pa

KABANATA 12

CHAPTER 12INABANGAN ko ang pag-uwi ni Arken dahil marami akong itatanong sa kanya. Ano ang kanyang motibo at bakit kailangang maging bahagi siya ng aming kompanya?Naghahanda na kami nang hapunan nang dumating siya. Dumeritso siya sa kwarto ni Eli at inilagay ang kanyang mga gamit doon. At home na at home kaya hinayaan ko na lang. Kailangan ko ring itanim sa isip kung bakit siya nandito at iyon ay dahil sa anak namin."Papa, I got a perfect score po sa Math kanina," buong pagmamalaking saad ni Eli. Sabay silang bumaba mula sa kwarto at narinig ko ang kanilang usapan nang pababa na ang mga ito. Naka-long sleeves pa rin si Arken at hindi na nag-abalang magbihis."Talaga? Very good. Kanino ka nagmana?" biro niya sa bata habang ginugulo ang buhok nito."Siyempre, sa inyong dalawa ni Mama," proud namang sagot ng bata. “At sabi pa po ng mga teachers sa school, magkamukha rin daw po tayong dalawa dahil pareho po tayong pogi," taas-noong dugtong nit
Magbasa pa

KABANATA 13

CHAPTER 13"AGAD-AGAD?" tanong ko nang makabawi mula sa pagkatula.“Bakit? May problema ba kung ganoon ang gawin natin?"Tumayo ako at tinalikuran siya. Malalim ang hugot ko ng hininga. Parang baradong barado ang dibdib sa maaaring kahihinatnan nito."How about our family? Tanggap ba nila? Payag ba sila? Hindi ba sila magtataka?" sunod-sunod kong tanong."We're adults. Kung anuman ang desisyon natin ay kailangan nilang tanggapin. Wala naman sigurong masama sa gagawin natin. I think this is right. For Eli, for us, and for our family." Tumabi siya sa akin.Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at pinihit para humarap sa kanya. Nakikiusap ang pagod niyang mga mata. Parang sinasabi na huwag nang makipagtalo.Pareho lang din naman kaming nahihirapan, parehong kapakanan ni Eli ang iniisip. Walang problema sa side ko dahil tanggap siya ni Papa pero ako, tanggap kaya ako ng pamilya niya?"Kailan ang balak mong maidaos ang kas
Magbasa pa

KABANATA 14

CHAPTER 14SUNOD-SUNOD na katok ang aking narinig at akala ko ay nananaginip lamang ako. Kinusot ko ang mata at inayos ang nagusot na buhok mula sa pagtulog. Humikab ako at inunat ang braso saka pinasadahan ng tingin ang alarm clock na nasa bedside table. Alas singko pa pala ng umaga at medyo kalat na ang liwanag sa labas"Pam?" boses ni Arken ang narinig ko mula sa kabilang panig ng nakasaradong pintuan."Sandali lang," sabi ko habang bumababa sa kama at hinahagilap ng isang paa ang tsenilas na pang-loob.Nagulat ako dahil pumasok kaagad siya sa aking kwarto nang pagbuksan ko at hawak nito ang cellphone."Pam, last time na pumunta tayo sa opisina ko, anong ginawa niyo roon? Nakipagkwentuhan ka ba kay Noreen?""Oo, pero saglit lang iyon." Pilit inaalala ang nangyari noong nakaraang linggo."Kinuhanan niya kayo ng mga larawan?" Matapang na ang kanyang mukha.Tatanungin ko pa sana siya kung bakit pero naisip ko kaagad kung saan n
Magbasa pa

KABANATA 15

CHAPTER 15KUMAIN kami sa labas kinagabihan at kasama namin si Eli. Ito ay simpleng pagdiriwang sa naganap na kasal namin kaninang umaga. Si Jela naman ay tumawag, susubukan daw niyang humabol dahil may tatapusin pa sa eskwelahan.Hindi ako mapakali habang hinihintay ang order dahil pakiramdam ko’y ang mata ng ibang taong ay tila sa amin nakatingin at nakabantay sa bawat galaw namin. Hindi ko alam kung ako lang ba ang may feeling na ganoon o pati si Arken ay nakahahalata rin. Hindi na siguro ako masasanay sa atensiyong ipinupukol nila sa amin."Is there something wrong?" maya-maya ay nagtanong na siya sa akin. Sumimsim muna siya ng wine at pinasadahan ng dila ang ibabang bahagi ng labi. Lahat yata ng mga kilos niya ay parang pinupukaw ang himaymay ng aking katawan."Wa-wala," nauutal kong sagot na may kasamang pag-iling."Kanina ka pa kasi hindi mapakali. Parang alangan ka sa bawat galaw mo," puna niya sa ikinikilos ko.
Magbasa pa

KABANATA 16

CHAPTER 16NAGISING ako dahil sa malakas na ingay ng cellphone. Tinakpan ko ang tainga at isinubsob pang lalo ang mukha sa unan. Inaantok pa ako at gusto pang matulog. Maaga pa at alam kong maging ang kasama namin sa bahay ay natutulog pa rin hanggang ngayon.Naupo ako sa kama dahil hindi ko na matagalan ang ingay. Nanggagaling ang tunog sa ibaba ng kama, saka ko pa lang naalala na nandito pala si Arken. Dahan-dahan ko siyang sinilip at nakitang nakadapa at nakasubsob ang kanyang mukha sa unan habang kinakapa ng kanang kamay ang cellphone sa may di-kalayuan. Bumalik ako sa paghiga, natatakot na mahuli niyang binabantayan ang kanyang mga kilos."Hello?" sagot niya sa inaantok na boses.Mukhang importante ang tumatawag dahil biglang nagising angkanyang diwa."Good morning, Ate Leanne," bati niya sa seryosong boses. Bago ang pangalang iyon sa aking pandinig kaya lumingon ako sa kanya at nagtama ang aming mga mata."Good morning
Magbasa pa

KABANATA 17

CHAPTER 17Dumaan ang ilang segundo at hindi pa rin ako nakababawi. Naputol lang ang aking malalim na iniisip nang may kumatok sa pintuan."Ma’am, handa na po ang lunch ninyo," magalang na saad ng katulong mula sa labas."Sige, salamat. Susunod na kami," sagot ko sa kanya."Let's go?" Sabay lahad ng kanyang kamay. Tinanggap ko ito at tinulungan niya akong tumayo. Halos maubos ko na ang mga damit sa closet sa kahahanap ng susuotin mamayang gabi para sa pagharap ng pamilya ni Arken."Kahit na anong damit na komportable ka ay puwede mong suotin," naalala ko ang sinabi niya kanina.Kung puwede lang sanang lumabas at bumili ng susuotin para hindi na ako mahirapan ay ginawa ko na. Ang ibang mga damit na naiwan ko rito ay masyadong revealing at hindi ko ‘yon puwedeng suotin. Pinili ko ang simpleng bestida, kulay puti na off shoulder at hanggang tuhod ang haba. Flat doll shoes ang aking ipinares para
Magbasa pa

KABANATA 18

CHAPTER 18 NANGINGINIG ang aking labi dahil sa kabang naramdaman. Iniwas ko ang mga mata at agad ding ibinalik sa kaharap. Uminom siya ng champagne mula sa basong hawak ngunit hindi ako nilulubayan ng kanyang mata. Bawat segundo ay mas lalong bumibigat ang aking paghinga."Bi-biglaan po talaga kaya pasensiya na kung hindi man lang kayo nasabihan," tanging nasambit ko sa pagitan ng nakabibinging kaba."So, why is that?" tanong niya ulit, walang planong palagpasin ang pagkakataong ma-interview ako."A-a-actually, nagpaplano pa po kami tungkol sa kasal pero lumabas po sa publiko ang mga larawan namin kaya naging madalian, ka-kasalanan ko po ang la-lahat," nauutal kong paliwanag. Sasabihin ko na lang ang totoo kung uungkatin pa talaga niya ang mga nagdaaang taon."You want to keep it private? Why?" simple lang ang tanong niya pati ang tono at paraan ng pagkakasabi pero sadyang nakatatakot lang talaga ang kanyang aura."Para na rin
Magbasa pa

KABANATA 19

CHAPTER 19"ANONG napag-usapan ninyo ni dad kanina?" tanong niya habang nagpupunas ng basang buhok. Katatapos pa lamang niyang maligo at pumunta kaagad dito sa kwarto ni Eli kung saan ko pinapatulog ang bata. Nilingon ko si Eli sa aking tabi dahil baka hindi pa mahimbing ang tulog nito at marinig kaming nag-uusap."Wala naman. May iilang tanong lang siya. Kung hindi ba ako nahihirapan, mga ganoong bagay." Nilagyan ko kaagad ng tuldok ang paksang binuksan niya."Matutulog ka na ba? Kaagad?" tanong na naman niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang umiinit ang ulo ko sa kanya."Oo," maikling sagot ko at ramdam kong ayaw ko siyang kausap ngayon."Pam? Are you okay? Bakit parang nag-iba ang mood mo pagkagaling natin sa bahay? Sigurado kang wala kayong masyadong napag-usapan ni Daddy?" pangungulit niya."Wala nga!" napalakas ang boses ko. Sabay kaming lumingon kay Eli pero hindi naman ito nagising. Huminga siya ng malalim bago tumango."S
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status