(Monina POV)Kanina lang parang tinangap ko na talagang mamahalin ko si Cedrick, pero… paano? Napalingon ako nang biglang lumiwanag ang boung silid. Si Rhoa ulit. “Bumaba ka raw, kakain kayong dalawa.” “Okey na ba siya?” Napatango ito. “Kailangan lang niya nang tahimik na paligid Monina, kapag nagkakaganoon siya. At malay mo humingi nang despensa sa inasal niya kanina.” Napatango ako.“Kakausapin ko sana siya na kung maari mapuntahan ko na ngayon ang mga kapatid ko.”“Wrong timing Monina. Kailangan niya magpahinga o mas lalong mababaliw ang boss namin.”“Di naman siya sasama sa akin. Kailangan namin nang oras na kami-kami lang na magkakapatid.”“Naiintindihan kita Monina. Kaya lang, wag na muna natin subukan. Alam natin na di ka niya papayagan. Bukas, mapupuntahan mo din sila.”&
Last Updated : 2021-02-13 Read more