(Cedrick POV)
“How is your wife Mike?”
“Magaling na siya Master Cedrick.”
“Naging abala tayo nitong mga nakaraang araw. Ipriority natin si Haiden, kasunod si Vanessa.”
“As you wish Master Cedrick.”
“You know what Mike, who’s the key for all these bulsh*t’s?” Nakikinig lang ito sa akin. “Your wife.”
Umangat ang paningin nito sa akin. Nagtataka ang mukha kung bakit nasali ang asawa niya bigla. Ngumisi ako sa kanya. Ano nga ba ang kinalaman ng asawa niya sa nangyayari?
“Check your phone for a second.” pangisi kong sabi sa kanya. “Give me the tab.” abot sa akin nang isa kong tauhan na naghihintay lang.
“Galit na ata ang asawa mo sa akin.” Saka ko inilapag sa kanyang harapan ang nakuha ko pa lang na mensahe kanina lang habang pinapalipas ang sakit ng ulo ko.
Larawan na
(Secretary Lee POV)Sinalubong ako nang tauhan na nakaabang.Ibinulong sa akin na inisa-isa na nila ang bodyguards ni Haiden.Bago ako sumama sa kanila, may kinuha ako sa sasakyan na akala ko di ko ito mabubunot sa harapan nang asawa ko.Magpaliwanag siya sa harapan mismo nang baril.Hinahayop niya ako.Pagbabastos ito sa ibinigay kong pangalan sa kanya. Damn! She is my woman! MY WIFE!Wala kaming usapan na magkikita kami ngayong gabi. Ngunit ang alam ng aking ina meron kaming date ngayong gabi. Sa katunayan naghihintay nga ako sa tawag ni Mitchelle at baka nga gumagawa ng supresa sa akin. Ngunit isa parin itong supresa. Supresa na di ko talaga inaasahan.Mabuti na ang alam ng aking ina, magkikita kami ngayon. At least malinis parin siya sa mata ng aking ina. Pero sa akin, sa oras na nakita ko ang larawan na ipinakita sa akin ni Master Cedrick, parang gumuho ang bagay na labis ngang nagtitiwala
(Secretary Lee POV)Inis kong pinaputok ang baril ko sa pangangalaete sa kanya. Ngunit natigilan ako dahil sa nakikita ko ngayon. Ang babaeng nakabalot sa kumot ang siyang susunod na magtatangkang tatakas. Kaya hinablot ko ang balikat niya at pinaharap ko siya sa akin.“Bitiwan mo ako!”Kahit anong hila niya ng kanyang kamay sa akin, hinding-hindi ko ito bibitawan. Nakatitig lang ako sa mga mata niyang alam ko tatakasan niya ang pagpapaliwanag ng bagay na ito sa akin. I know she was scared now. Anong pakiramdam na basta-basta na lang iniwan ka ng gagong yun Mitchelle!Umangat ang mga mata niya sa aking mukha.“Mike!” bulyaw nito.Malaki na ang kuting. Marunong na kumalmot sa amo niyang nag-alaga sa kanya. Ito lang ba ang isusukli mo Mitchelle?Nagkatitigan kaming dalawa. Ngumisi ako sa kanya. Marami akong gustong itanong dito. Ngunit binitiwan ko ng tuluyan ang kamay niya.
(Secretary Lee POV)“Saan banda Mitchelle na di kita masisi? Sa ginawa mong to sa tingin mo ba meron kapatawaran ‘to? Master Cedrick and the rest of my team, wag na wag mo silang idadamay sa ginagawa mo ngayon. They are real person. How about you Mitchelle? You know what, wala ka ding mukha na ilalabas sa publiko ngayon. Alam ko na meron kang baho na kailangan ilabas. Mga ginagawa niyo ni Haiden. I never thought na kasabwat ka din niya. Asawa ko pa talaga. But not anymore. I hate what you did Mitchelle. I hate it.”“Mike.”“Baka balang araw, maisipan ko na bisitahin ka sa kulungan.”Siyang tuluyan ko ditong ikinatalikod.Di ko na nilingon kahit patuloy niya akong tinatawag.I don’t agree with a second chance. Tss. Fuck that sh*t!(Monina POV)“Sigurado ka?”“Trip lang
(Monina POV)“Duty?” Natigilan siya. Saka ngumisi sa akin.Napatitig sa aking mga mata. Seryoso ito na natatawa sa reaction ko.“We are officially in relationship Monina.”“Si-sinagot ba kita?” Inilayo niya ang paningin sa akin. Binitiwan ako na ikinatayo ko naman.“Kailangan pa ba noon? Umamin ka na sa akin na meron kang nararamdaman. Paulit-ulit. Saka di naman katangi-tangi.”“Tini-take-advantage mo ba ako?” na tuluyan ako nitong tinalikuran. Sumunod na lamang ako. Ah. Hindi. Tinalikuran ko rin siya para bumalik sa silid ko…Kaya lang, para itong halimaw na isinigaw ang pangalan ko.“Monina!” Ikinalingon ko naman sa kanya.Medyo nagising ang kaluluwa ko sa ginawa niya. Ganto bang ugali ang ipapakita nang lalaking to sa akin?!Kaya napatitig ako sa mata nito at tinawid ang distansya namin.Saka ko
(Monina POV)Bubuksan ko na ang pinto, at napalingon ulit kay Cedrick dahil nakalock. Paano ako makakalabas? Sinigurado talaga niyang di ako makakalabas.Kaya sumilip ako sa bintana. Mataas na ang araw. Kalmadong nagnining-ning ang tubig dagat sa paningin ko. Maaliwalas ang panahon.Mahapdi nga ang mga mata ko kaya napakusot-kusot.Wala na din ata akong mailuluha. Masakit ang ulo ko at medyo nga nahihilo. Siguro dahil nga sa mga nangyayari. Sino naman ang magiging maayos sa situation ko.Pangako Carolina, mapupuntahan kita ngayong araw.Napatitig ako pabalik kay Cedrick. Anong gagawin ko sa kanya? Sipain nang magising? Tss.Inikot ikot ko ang buhok kahit walang panali. Ayan natali din dahil sa kunting buhok na itinira ko.“Cedrick.” gising ko dito. Taong to, di ako siniseryoso. Siya na mismo ang nagsabi na Jowa ko na siya diba? Pero sana naman di napilitan ang ta
(Secretary Lee POV)“Daddy, asaan si Mama?”Ikinatigil ko sa pag-ayos nang necktie. Ngunit naitali ko naman ng mahigpit.Hinarap si Precious. Naupo para maging kalevel ang paningin naming sa isat-isa.Di ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya.Pinisil ko ang pisngi nito.Ang namimilog nitong mata, kuhang-kuha nito sa kanyang ina.“Want to come with your Mother?”“Eh?” Mapait akong ngumiti dito.She is not my daughter. I know.Isa sa kasinungalingan ni Mitchelle na matagal ko nang alam. Di ko lang sinasabi dahil, kailangan niya nang makakasama dito habang wala ako. Baka malibang siya sa kanyang sariling anak.Ngunit nagkakamali pala ako.Nagkunwari akong naniwala sa DNA test. Ginawa ni Mitchelle ang lahat para makakuha ng pekeng DNA result. Alam ko naman sa una pa lang na makakaya niyang pagtaksilan ako. But I ga
(Monina POV)Pinaghanda ako ni Rhoa nang damit na kulay puti. Tinulungan niya ako magbihis. Itinali ang buhok ko at bahagyang kunting make up lang.Nang bumaba ako sa hagdan, naghihintay na si Cedrick.“Tss. Mga matang makikita ko na naman na iiyak mamaya.”Ngumiti lang ako sa kanya. Wala pa nga, parang maiiyak na naman ako. “Tss.”Hangang nasa sasakyan kami, walang umimik. Nagmamasid lang ako sa labas.Pero sa totoo lang lumalakas ang kabog nang puso ko. Kinakabahan ako. Kapatid ko yun. Masakit sa akin.Kaya wala pa nga tumulo na ang luha ko sa aking pisngi. Natatakot ako.Namalayan ko na lang, hinila ako ni Cedrick. Isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Niyakap ako ng isa niyang kamay mula sa aking likuran. Sinuklay ang daliri niya sa aking buhok at hinalikan ang ulunan nang ulo ko.Wala siyang sinabi. Walang lumalabas sa bibig niya. Hinayaan lang ako nito na paran
(Monina POV)“Alam mo ba ang pinagsasabi mo Monina!” sigaw nito sa akin. Ang puso ko para na naman sumisiksik sa sakit.“Alam ko. Sa nangyari ngayon Cedrick… pareho lang na wala akong kalaban-laban sa inyo ni Matt. Pareho kayong may kakayanan na paglaruan ang damdamin nang mga kagaya namin. At yung kagabi…” umiling ako.“Di ko tinatangap ang alok mo sa akin na makipag relasyon ako sayo.”“Are you crazy?!”“Di ko ipagpapalit ang katotohanan na may ginawa ka na di maganda sa pamilya namin. Sana naman Cedrick, pagkatapos nito… Palayain na lang natin ang isat-isa. Sinabi mo sa akin na mapapatay mo ako kapag niloko kita. Kaya habang di pa nangyayari. Wag nating bigyan nang chansa ang bawat isa. Tahimik nating ililibing ang kapatid ko. Bilang kapalit sa nangyari, hahayaan mo kaming lumaya. Kapag muli ko man nakita si Matt, kakausapin ko siya. Dah