"Hindi mo ba ako nakikilala, Mahal ko?" Mahal ko...Mahal ko.... (Maghihintay ako, Mahal ko...) Nang mag-sink na sa utak ko ang lahat ay bigla nanlaki ang magkabilang mga mata ko. Tila isang milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan. Nanlalamig ang buo kong sistema at tila naging blangko ang aking isipan. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko ngayon si Ginoong Gregor at mas lalong hindi ko inaasahan na sa ganitong pagkakataon ko siyang makikilala. Sa lahat ng pagkakataon, bakit ngayon pa? "Anong...Bakit-- ..." Hindi ko na lamang tinuloy ang aking sasabihin, dahil sa totoo lang ay hindi ko naman talaga alam kung ano ang dapat kong sabihi
Last Updated : 2020-09-05 Read more