Share

Kabanata 5

Author: Maecici
last update Last Updated: 2020-09-01 10:43:49

A DAY IN LAS CASAS

[KABANATA 5]

Hanggang ngayon ay di parin ako nakakapagdesisyon kung ano ang dapat kong gawin. Tatlong araw na ang nakakalipas mula nung nagpadala ng liham si Ginoong Gregor. Di ko parin alam kong anong dapat kong gawin, ni hindi ko nga alam kung anong ibig niyang sabihin sa 'maghihintay' thing na yun.

Bakit naman niya ako hihintayin?

Saka, saan ba?

"Binibini, wala ka ba talagang gagawin?" Pangungulit sa akin ni Kaday. Walang oras na hindi niya tinatanong yan sa akin mula nung nagpadala ng liham ang Ginoo.

"Bakit? Ano ba ang dapat kong gawin?" Tanong ko

Di makapaniwala niya akong tinitigan.

"Puntahan mo na siya. Malamang, tatlong araw na yun pabalik-balik sa tagpuan ninyong dalawa" 

"Wala naman kaming usapan ah?" Saad ko pagkatapos ay tumayo sa pagkakaupo at lumapit sa bintana ng aking silid upang lumanghap ng sariwang hangin.

Mula sa bintana ay nakita kong may dalawang kalesa na papalapit sa aming bahay.

Nang maaninag ko kung sino ang nasa loob ng isang kalesa ay awtomatiko akong napangiti.

"Binibini, nakalimutan mo ba na tuwing nagpapadala ng li----"

"Wag muna natin yang pag-usapan Kaday." Sabi ko sa kanya habang nakangiti ng malapad. Pagkatapos ay dali-dali akong lumapit sa salamin upang tiyakin na maayos lang ang ayos ng aking mukha at damit.

Lumabas ako ng aking silid at dahan-dahan naglakad papunta sa hagdanan. Napatigil ako sa paglalakad nang makalimang hakbang ako sa pababa sa hagdanan.

"Ginoong Gabriel/Luna" sabay naming saad sa isa't isa ng  magtagpo ang aming mga mata.

Sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga mata at labi. Nakita ko rin itong kumakaway sa aking direksyon.

"Kamusta?/Kamusta?" Sabay naming saad nang tuluyan na akong nakababa sa hagdanan at nakalapit sa kinaroroonan niya.

"Ayos lang" 

Natawa kami pareho ng banggutin namin iyon ng sabay.

Pagkatapos ay giniya niya ako papunta sa isang upuan sa aming salas.

Pinagmasdan kong mabuti ang kabuuan niya at ngayon ko lang napansin na kay ganda niya palang binata. Medyo singkit ang kaniyang mga kanyang mata at ito ay may kulay kastanyas na mas pinatitingkad dahil sa mahaba nitong pilik-mata. Matangos ang kaniyang ilong at manipis ang kaniyang mga labi.

Bagay na bagay rin sa kanya ang suot niyang puting polosiyert na pinatungan ng maitim at makapal na jacket gaya ng isinuot ng kaniyang Ama noong kami ay sabay na naghapunan, ang kaibahan lang nito ay wala itong palatandaan ng isang Gobernador-Heneral.

"Ikinagagalak kong makita kang muli Ginoo/Luna"

Sabay ulit kaming napatawa ng mahina nang sabay ulit kaming nagsalita.

"Uhm..Luna?"

Napatingin ako sa kanya at binigyan siya ng isang titig na nagsasabing ituloy mo ang iyong pagsasalita.

"Gusto mo bang lumabas? Gumala?" Tanong niya sa akin

Nais kong pumayag pero baka marami na namang ipadalang bantay si Ama upang magbantay sa aming dalawa. Nung isang araw kasi ay pupunta sana ako sa parke upang makilala ko na ang mga kaibigan ko sa panahon na ito kaso di pa kami nakakarating ay nawalan na ako ng gana dahil sa dami ng mga matang nakamasid sa akin.

"Gusto ko sana, kaso ayaw ko nang maraming bantay. Di kasi sanay na maraming nakatingin sa akin"

"Kung mapapayag ko ba ang iyong Ama na isa o dalawang guwardiya lang ang isama natin, sasama ka ba?" Aniya habang sinasalubong ang mga titig ko

"Binibini...Sigurado ka ba sa gagawin mo? Paniguradong maninibugho si Ginoong Greg----"

Pinutol ko ang pagsasalita ni Kaday sapagkat ako ay naiingayan na sa kanya. Kanina pa siya talak ng talak kung bakit daw ako pumayag na sumama sa Ginoong Gabriel. 

Wala naman akong nakikitang mali dun ah?

"Kaday, maari bang umalis ka muna sa aking silid? "

Napaawang ang kaniyang bibig nang sabihin ko yun. Pagtataka ang huli kong nakita na nakabalot sa kanyang mukha bago niya tuluyang nilisan ang aking silid.

Pagkatapos ay muli kong binalik ang aking paningin sa harap ng salamin. Nakasuot ako ng isang filipiñana ngayon, kung saan ang kulay ng blusa ay puti habang ang palda ay kupas na kulay orange. 

Kumuha rin ako ng bandana na kasing kulay ng aking palda sa aparador at pinatong ito sa magkabila kong balikat. Bago ako umalis sa aking silid ay kinuha ko muna ang pamaypay na inilagay ko kanina sa ibabaw ng mesa na malapit sa aking higaan.

"Mabuti at napapayag mo si Ama na maglibot tayo sa buong Candaba na walang bantay." Panimula ko. 

Kasalukuyan kaming nakasakay sa isang kalesa. Walang kahit isang guwardiya ni Ama ang sumama sa amin. Nakakatuwa.

"Napapayag ko siya sapagkat siya ay may tiwala sa akin na mapoprotektahan kita." Aniya na walang halong pagmamayabang

"Nawa'y lahat! Gabriel lang malakas!" Saad ko at humalaklak sa tawa, may pahawak-hawak pa ako sa tiyan.

"Ha?" Naguguluhan niyang tanong.

"Hakdog"

Muli ay napatawa ako ako ng malakas. Maging ang nagmamaneho ng kalesa ay napatingin sa aking gawi dahil sa lakas ng aking pagtawa.

Hays. Namimiss ko na ang panahon ko. Ang kasalukuyan.

Miss ko narin sila mommy at ate.

Sana ay maayos lang ang kanilang kalagayan.

"Binibini? Paumanhin, ngunit hindi ko naiintidihan ang iyong mga winiwika" 

Hindi maiguhit ang reaksyon ng kaniyang mukha habang naguguluhan parin na nakatingin sa akin. Nakakunot ang kaniyang noo na tila sinusubakang unawain ang mga salitang aking binigkas.

Nilipat ko ang aking paningin sa labas ng kalesa habang sinusubukan ang sariling huminto na sa kakatawa. Mula sa loob ng kalesa ay tanaw na tanaw ko ang mga nagtataasang puno ng niyog at mga magsasakang abala sa pag-akyat sa ibabaw upang kunin ang mga bunga nito.

May mga bata ring nilalaro ang mga lantang dahon ng niyog at ginagawa nila itong sasakyan na ang isang bata nakasakay sa dulong bahagi habang ang isa naman ay ang taga hila nito. Makikita mong masayang masaya sila sa kanilang ginagawa.

"Wow. Kagilagilalas!" 

Wala sa sarili kong banggit nang huminto ang sinasakyan naming kalesa sa harap ng isang simbahan. Palagay ko ay nasa labingtatlong metro ang taas at lapad nito, animnapu naman ang kaniyang haba. Napakagandang tignan rin ang malinis at maayos na pagkagawa ng mga dingding nito na gawa sa bricks. Makikita mo rin talagang lahat ng materyales na kanilang ginamit ay matitibay.

"Nais mo bang sumama sa loob? May kailangan kasi akong kausapin doon. May ipinapadalang mensahe si Ama."

Saad ni Ginoong Gabriel na nasa labas na pala ng kalesa. Ang kaniyang kanang kamay ay nakalahad sa harapan ko na handa ng umalalay sakin kung sakaling ako ay lalabas. 

Ngumiti muna ako at nagpasalamat bago tinanggap ang kaniyang kamay. Pagkatapos ay, sabay kaming pumasok sa loob ng simbahan.

Unang tapak ko pa lang ay napasigaw ako sa sakit. Naramdaman kong nasusunog ang buo kong katawan. Dali-dali namang lumapit papunta sa akin si Ginoong Gabriel at binuhat ako palabas ng simbahan in a bridal sty-----

Biro lang. Ano ako kampon ni Satanas na nasusunog sa Simbahan?

Sa pintuan ng Simbahan ay may nakita akong sulat sa ibabaw na bahagi nito.

Bienvenidos a la Parroquia San Andres Apostol

Ha?Hanudaw?

"Luna, maari bang maiwan muna kita saglit?" Tanong sa akin ni Gabriel

Tumango naman ako bilang tugon at pagkatapos ay nakita kong pumasok siya sa isang pintuan kasama ang isang lalaking nakasuot ng kulay puting damit na ang haba ay aabot sa talampakan.

Umupo ako sa isang upuan, pagkatapos ay inilibot ko ang aking paningin sa buong simbahan at namangha ako sa kay ganda at naglalakihang labing apat na painting ng Station of the Cross na nakapabalibot sa buong simbahan. 

Ilang minuto ang lumipas ay hindi parin nakakabalik si Gabriel kaya inayos ko ang aking pagkakaupo at tumingala sa kisame. Ganun na lamang ang labis-labis kong paghanga ng bumungad sa mga mata ko ang isang napakalaking painting na sumakop sa buong kisame ng simbahan. Mga pakpak na malinis at kabigha-bighaning nakabuka na binibigyang diin na sila ay mga Anghel. Pabilog ang kanilang pagkakaayos at may dalang pana ang bawat isa na tila ba pinoprotektahan ang isa't isa at ang kanilang pinalilibutan na nagliliwanag na kaharian sa kanilang likuran. May malaki ring aranya na nakasabit sa gitnang bahagi ng painting.

"Paumanhin kung natagalan ako"

Sumulyap ako sa aking likuran na siyang pinanggalingan ng boses at nakita ko roon si Ginoong Gabriel na pirming nakatayo at iniiwasang salubungin ang aking mga titig na tila nahihiya.

"Hindi, Ayos lang" nakangiti kong sambit. Pagkatapos ay tumayo ako at lumapit sa kinaroroonan niya.

"Buen día" Nakangiting bungad sa amin ng isang hindi katandaang lalaki pagkarating namin sa isang malawak at napakatahimik na hardin.

[Buen día -Magandang araw po]

"Buenos días a usted también" magalang na sagot ni Gabriel sa lalaki

[Buenos días a usted también -Magandang araw din sa iyo]

Wala akong kaide-ideya kung ano ang pinaguusapan nila.

Tumingala ako. Kulay bughaw at maaliwalas ang buong langit. May iilan ring mga ibon ang masayang lumilipad sa himpapawid. 

Lumakad ako at iniwan si Gabriel na kausap ang lalaking sumalubong sa amin kanina. Pagkatapos ay nilibot ko ang paningin sa buong hardin. Puno ito ng iba't ibang klase ng bulaklak na may nagagandang mga kulay. Nakalatag din sa lahat ng dinadaanan ko ang mga makakapal na berdeng bermuda. Sa di kalayuan ay, sa gitna ng napakadami at nagtataasang mga sunflower ay tanaw na tanaw ko ang isang malapad na kahoy na parang karatula at doon ay nakaukit ang salitang ito.

Jardín de Samillano

Sa hilagang bahagi naman ng hardin ay nandoon ang kabigha-bighaning mga tulips. Ang unang hilera ay mga tulips na kulay pula sumunod naman dito ang kulay dilaw, puti at iba pang nag gagandahang kulay. Nakangiti ko itong nilapitan pagkatapos ay binaybay ang aking kamay sa mga ito.

"Binibini"

Awtomatiko akong napasulyap sa aking likuran nang marinig ang boses ni Gabriel.

"Para sa iyo" Nakangiting aniya sabay bigay sa akin ng isang palumpon ng pulang rosas na nakita kong itinago niya sa kaniyang likuran bago ibinigay sa akin.

Sa isang iglap, naramdaman ko na umaapoy ang aking mga pisngi at paniguradong namumula ito. Nakasisiguro din ako na malapad akong nakangiti ngayon na parang isang tanga. Huminga ako ng malalim at tumingin saglit sa kawalan para pakalmahin ang sarili, pagkatapos ay pigil hininga kong tinanggap ang dala niyang bulaklak at nagpasalamat.

"Bakit ba ang galing mong salita ng Filipino? Unang beses mo pa lang naman pumunta rito?" Biglaang tanong ko sa Ginoo sa kalagitnaan ng paglalakad naming dalawa papalabas ng Hardin.

Tumigil siya sa kaniyang paglalakad at humarap sa akin.

"Sa Espanya pa lang ay pinag-aaralan ko na ang salita ninyo."

Namangha ako sa naging sagot niya. Iilan ang mga taong gaya niya na pursigidong pag-aralan ang wikang Filipino at kilalanin ito.

Nagpatuloy kami sa paglalakad.

Sa di kalayuan ay tanaw na tanaw ko ang kalesang sinakyan namin kanina. Sa labas nito ay naroon ang lalaking nakaputi at may suot na sumbrero. Nang tuluyan na kaming nakalapit dito ay yumuko ito biglang pagbibigay ng galang sa aming dalawa ni Gabriel. Giniya niya kaming dalawa ni Gabriel papunta sa uupuan namin, pagkatapos ay nagpunta siya sa harapan at sinimulang paandarin ang kalesang sinasakyan namin.

Inayos at hinawakan ko ng mahigpit ang dala kong bulaklak na binigay ni Gabriel kanina. Palihim akong napangiti habang inaamoy ang mahalimuyak na bango nito. Nang maalala ang eksena kanina habang binibigay niya ang bulaklak na dala ko ngayon, bigla akong nakaramdam ng mga paruparo na lumilipad sa aking tiyan. Naramdaman kong muli na umiinit ang magkabila kong pisngi. Tinakpan ko ang mukha gamit ang mga pulang rosas dahil hindi ko mapigilan ang sariling ngumiti na parang nasisiraan ng bait. 

"Sigurado ka bang hindi ka na papasok sa loob?" Pag-uulit kong tanong sa Ginoo pagkarating namin sa tapat ng aming bahay.

Tumango ito bilang tugon. Ang sabi niya kasi kanina ay hindi na siya maaring magtagal sapagkat may iuutos pa kanyang Ama sa kaniya.

Hays. Sayang naman. Gusto po naman sulitin ang araw na ito kasama siya.

Bago siya nawala sa aking paningin ay nagpasalamat akong muli sa mga rosas na kaniyang binigay. Nakangiti akong kumaway sa kanya habang papalayo sa akin. Ramdam kong labag sa kaniyang kalooban na umalis ngunit wala siyang mapamimilian.

Nakangiti kong binuksan ang tarangkahan at patalon na lumakad papalapit sa bahay.

Sa kakamadali kong makapasok sa bahay para maikwento kay Kaday ang lahat ng nangyari sa lakad namin ni Gabriel, biglaan akong natapilok sa unang hakbang ko palang mula sa tarangkahan, buti nalang ay may dalawang bisig ang sumalo sa akin na pumigil upang tuluyan akong bumagsak sa lupa.

Ramdam kong hawak hawak pa ng sumalo sa akin ang aking baywang kaya iminulat ko ang aking mga mata na nakapikit sa pag-aakalang matutumba ako.

Sinulyapan ko ang sumalo sa akin at nakita ko na isang itong binata na kasing edad ko lamang. Nang magtagpo ang aming mga mata ay bigla akong nakaramdam ng pananabik at hindi ko alam kung bakit. Kakaiba ang kaniyang mga mata, hindi dahil sa kulay nitong kape kundi dahil sa mga mensahe na nais ipahiwatig ng kaniyang mga mata. Paiba iba ang emosyon na nakikita ko. Sakit, Pagmamahal at Pagkalito ang bumabalot sa kanyang mga magagandang mga mata.

Nang maalaala ang posisyon naming dalawa ay agad kong hinawi ang pagkakahawak niya sa akin at inayos ang aking pagkakatayo. Pagkatapos ay yumuko ako at nagpasalamat.

Kahit nababagabag ako sa kanyang mga titig ay tinalikuran ko ito at pumasok sa loob ng bahay.

Bago ako nagtungo sa aking silid ay dumaan muna ako sa kusina at doon ay kumuha ako ng isang mahabang babasagin na baso at nilagyan ito ng katamtamang dami tubig. Pagkatapos, may ngiti sa labi kong inilagay sa baso ang mga pulang rosas na ibinigay sa akin ng Ginoong Gabriel.

Pagkarating ko sa aking silid ay agad kong inilagay ang dalang basong may bulaklak sa ibabaw ng aking mesa malapit sa higaan.

Pagtapos ay tinawag ko si Kaday ngunit walang kahit anino ni Kaday ang nakita ko sa aking silid. Kaya hinubad ko muna ang aking damit matapos kumuha ng bagong pamalit. 

"Nakita niyo ba si Kaday?" Tanong ko sa ibang kasambahay nang hindi pa rin nagpapakita sa akin si Kaday kahit anong tawag ko na sa pangalan niya.

"Patawad Binibini, ngunit hindi namin siya nakita" nakayukong sagot ng pinakamatanda sa kanila

"Nais niyo bang hanapin namin siya para sa iyo?" Tanong ng isa pang kasamabahay na sinang-ayunan ng iba pang kasamahan niya.

"Hindi na, salamat nalang. Ako nalang maghahanap, dahil ako naman ang may kailangan sa kanya"

Lumabas ako ng bahay at nilibot buong paligid nito ngunit gaya kanina ay wala parin akong nakitang kahit anino ni Kaday.

Kaya kahit napakaraming asungot bantay ang nakapalibot at nakamasid sa akin ay hindi ko ito pinansin at tuloy-tuloy na binuksan ang tarangkahan.

"Kadaaay!" 

"Kaday!"

"Kaday! Nasaan ka ba?"

Batid kong maraming napatingin sa akin dahil sa ingay na nagagawa ko. Ngunit wala akong paki alam. Nasaan ka na ba kasi Kaday? May nagyari kayang masama sa kanya? Hindi. Hindi. Napatampal ako sa sariling noo dahil sa mga negatibong naiisip.

Tumigil ako sa kakasigaw at nilibot nalang ang aking paningin sa paligid, nagbabakasakaling makita ko si Kaday.

Napatigil ako sa paglalakad ng biglang may humila sa akin papunta sa likuran ng isang malapad na punong kahoy.

Muntikan na akong mapasigaw kung hindi ko lang nakita ang humila sa akin.

"Ikaw?" Gulat na tanong ko sa lalaking kaharap. Ang parehong lalaking sumalo sa akin kanina sa pagkakatapilok.

"Sino ka? Bitawan mo ko!" Saad ko nang naramdaman na mahigpit parin niyang hinahawakan ang isang braso ko.

Gulat at nalilito niya akong sinulyapan matapos niya bitawan ang isa kong braso at marinig ang sinabi ko.

"Luna" 

"Sino ka ?" Pag-uulit ko na muli niyang ipinagtaka. Pagkatapos ay humakbang ito papalapit sa akin kaya naman napahakbang rin ako paatras.

"Hindi mo ba ako nakikilala?

Mahal ko?"

Matapos kong marinig ang sinabi niya ay bigla akong napatigil at tila parang isang milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko. Hindi ako makagalaw.

M-mahal ko?

Related chapters

  • A Day In Las Casas ( FILIPINO)   Kabanata 6

    "Hindi mo ba ako nakikilala, Mahal ko?"Mahal ko...Mahal ko....(Maghihintay ako, Mahal ko...)Nang mag-sink na sa utak ko ang lahat ay bigla nanlaki ang magkabilang mga mata ko. Tila isang milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan. Nanlalamig ang buo kong sistema at tila naging blangko ang aking isipan. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko ngayon si Ginoong Gregor at mas lalong hindi ko inaasahan na sa ganitong pagkakataon ko siyang makikilala. Sa lahat ng pagkakataon, bakit ngayon pa?"Anong...Bakit-- ..."Hindi ko na lamang tinuloy ang aking sasabihin, dahil sa totoo lang ay hindi ko naman talaga alam kung ano ang dapat kong sabihi

    Last Updated : 2020-09-05
  • A Day In Las Casas ( FILIPINO)   Kabanata 7

    NAPAIWAS agad ako ng tingin kay Gabriel nang magtagpo ang aming mga mata. Hanggang ngayon ay nanginginig parin ang aking mga paa. Muntikan na talaga. Buti nalang, malayo ang kinaroroonan ni Gabriel sa amin kaya nagawa kong itulak kaagad si Ginoong Gregor at umalis sa lugar na iyon dahil kung hindi ay paniguradong magkakaroon ng malaking gulo lalo't hindi nag-iisa si Gabriel nang hanapin ako, kasama niya ang iilan sa mga tauhan ni Ama na natitiyak kong magsusumbong sa kaniya na kasama ko ang isa sa mga De Leon."Luna! Tapos ka na bang gumamit ng palikuran?" Tanong ni Gabriel matapos makita at nilapitan ako."Paumanhin kung ikaw ay aking naabala. Napag-utusan lamang ako ng iyong Ama sapagkat siya ay naiinip na sa pag-aantay sa iyong pagbalik." Muli niyang saad nang kaniyang napuna na hindi ako umiimik. Nakatitig lamang ako sa kanya."Luna?""Luna?""Luna?" Napakurap ako bigla sa gulat nang

    Last Updated : 2020-10-03
  • A Day In Las Casas ( FILIPINO)   Kabanata 1

    A DAY IN LAS CASAS[ KABANATA 1 ]KASABAY ng pagbuhos ng malakas na ulan ay siya ring pagtulo ng aking mga luha saking mga pisngi.Ugh. I hate it!I wiped away my tears at nilagay sa drawer ang ginuhit kong buwan na siyang dahilan ng aking pagluha.I don't know kung bakit ako nagkakaganito pero isa ang nasisigurado ko. It was almost 1 month since I saw a photograph of a moon in the internet. Sobra akong nagandahan kaya ang ginawa ko ay naghanap ako ng ibang pictures na may moon.While I was searching, I saw a paint of a moon with a girl watching on it. That time para bang bigla tumigil ang oras at napaluha akong tinitignan ito.Since then, nakikita ko nalamang ang sarili ko na ginuguhit ang painting na yun habang umiiyak. Lagpas bente na nga ang mga copies ko nun e

    Last Updated : 2020-08-26
  • A Day In Las Casas ( FILIPINO)   Kabanata 2

    A DAY IN LAS CASAS[KABANATA 2 ]"BINIBINI...BINIBINI..."Nagising ako sa mahimbing kong pagtulog dahil sa ingay ng isang babaeng sinusubukang gisingin ako.Nakapikit kong kinuha ang unan na nasa tabi ko at tinakip ito saking tainga at tumagilid."Ate.. ano bang trip mo? Wala akong pasok ngayon kaya wag mo akong gisingin" inaantok kong saad"Patawad binibini, ngunit kailangan mo nang bumangonalas syete na ng umaga. Mapapagalitan ka na naman ng iyong ama kapag nalaman niyang tanghali ka na namang nagising"Nyenyenyenye.

    Last Updated : 2020-08-27
  • A Day In Las Casas ( FILIPINO)   Kabanata 3

    A DAY IN LAS CASAS[KABANATA 3]Habang tinatahak namin ang napakahabang pasilyo, napansin kong lahat ng dinaraanan namin ay may nakasabit na lumang larawan ng mga lalaki at babae. Marahil ay ito ang mga ninuno ng pamilyang Vergara at pamilyang Hidalgo.Lubang kahanga-hanga ang mga letrang nakaukit sa ilalim nito na hindi ko naman nauunawaan. Ngunit ang lubos na naka-agaw ng aking atensyon ay ang solar system na inukit gamit ang kahoy na nakasabit sa dingding."Kay galing naman ng umukit rito" wala sa sarili kong banggit at hinawakan ito."Oo nga binibini, kay galing mo" nakangiting sagot sakin ni Kaday na nasa likuran ko.Hindi ko inas

    Last Updated : 2020-08-27
  • A Day In Las Casas ( FILIPINO)   Kabanata 4

    A DAY IN LAS CASAS[KABANATA 4]Pagkadating sa aking silid ay agad kong sinalampak ang buo kong katawan sa higaan at tinuon ang aking paningin sa kisame.Kadadating lang namin ni Kaday galing sa silid ni Senyorita Lucia at gaya ng sabi ng matanda ay kamukha nga ito ni mommy.Marahil ay totoo nga ang lahat na kaniyang sinabi na ako at si Luna ay iisa ,na ako ay nagbalik sa aking nakaraang buhay upang baguhin ang masalimuot nitong kasaysayan.Ngunit papaano ko sisimulan ang aking mission?Dapat ko bang kausapin si Don Rafael-- si ama na makipagbati na siya sa mga De Leon?O Dapat kong kitain si Ginoong Gregor at pakiusapan na sabihan ang kaniyang ama na tigilan na ang kung anong tu

    Last Updated : 2020-09-01

Latest chapter

  • A Day In Las Casas ( FILIPINO)   Kabanata 5

    A DAY IN LAS CASAS[KABANATA 5]Hanggang ngayon ay di parin ako nakakapagdesisyon kung ano ang dapat kong gawin. Tatlong araw na ang nakakalipas mula nung nagpadala ng liham si Ginoong Gregor. Di ko parin alam kong anong dapat kong gawin, ni hindi ko nga alam kung anong ibig niyang sabihin sa 'maghihintay' thing na yun.Bakit naman niya ako hihintayin?Saka, saan ba?"Binibini, wala ka ba talagang gagawin?" Pangungulit sa akin ni Kaday. Walang oras na hindi niya tinatanong yan sa akin mula nung nagpadala ng liham ang Ginoo."Bakit? Ano ba ang dapat kong gawin?" Tanong koDi makapaniwala niya akong tinitigan.

  • A Day In Las Casas ( FILIPINO)   Kabanata 4

    A DAY IN LAS CASAS[KABANATA 4]Pagkadating sa aking silid ay agad kong sinalampak ang buo kong katawan sa higaan at tinuon ang aking paningin sa kisame.Kadadating lang namin ni Kaday galing sa silid ni Senyorita Lucia at gaya ng sabi ng matanda ay kamukha nga ito ni mommy.Marahil ay totoo nga ang lahat na kaniyang sinabi na ako at si Luna ay iisa ,na ako ay nagbalik sa aking nakaraang buhay upang baguhin ang masalimuot nitong kasaysayan.Ngunit papaano ko sisimulan ang aking mission?Dapat ko bang kausapin si Don Rafael-- si ama na makipagbati na siya sa mga De Leon?O Dapat kong kitain si Ginoong Gregor at pakiusapan na sabihan ang kaniyang ama na tigilan na ang kung anong tu

  • A Day In Las Casas ( FILIPINO)   Kabanata 3

    A DAY IN LAS CASAS[KABANATA 3]Habang tinatahak namin ang napakahabang pasilyo, napansin kong lahat ng dinaraanan namin ay may nakasabit na lumang larawan ng mga lalaki at babae. Marahil ay ito ang mga ninuno ng pamilyang Vergara at pamilyang Hidalgo.Lubang kahanga-hanga ang mga letrang nakaukit sa ilalim nito na hindi ko naman nauunawaan. Ngunit ang lubos na naka-agaw ng aking atensyon ay ang solar system na inukit gamit ang kahoy na nakasabit sa dingding."Kay galing naman ng umukit rito" wala sa sarili kong banggit at hinawakan ito."Oo nga binibini, kay galing mo" nakangiting sagot sakin ni Kaday na nasa likuran ko.Hindi ko inas

  • A Day In Las Casas ( FILIPINO)   Kabanata 2

    A DAY IN LAS CASAS[KABANATA 2 ]"BINIBINI...BINIBINI..."Nagising ako sa mahimbing kong pagtulog dahil sa ingay ng isang babaeng sinusubukang gisingin ako.Nakapikit kong kinuha ang unan na nasa tabi ko at tinakip ito saking tainga at tumagilid."Ate.. ano bang trip mo? Wala akong pasok ngayon kaya wag mo akong gisingin" inaantok kong saad"Patawad binibini, ngunit kailangan mo nang bumangonalas syete na ng umaga. Mapapagalitan ka na naman ng iyong ama kapag nalaman niyang tanghali ka na namang nagising"Nyenyenyenye.

  • A Day In Las Casas ( FILIPINO)   Kabanata 1

    A DAY IN LAS CASAS[ KABANATA 1 ]KASABAY ng pagbuhos ng malakas na ulan ay siya ring pagtulo ng aking mga luha saking mga pisngi.Ugh. I hate it!I wiped away my tears at nilagay sa drawer ang ginuhit kong buwan na siyang dahilan ng aking pagluha.I don't know kung bakit ako nagkakaganito pero isa ang nasisigurado ko. It was almost 1 month since I saw a photograph of a moon in the internet. Sobra akong nagandahan kaya ang ginawa ko ay naghanap ako ng ibang pictures na may moon.While I was searching, I saw a paint of a moon with a girl watching on it. That time para bang bigla tumigil ang oras at napaluha akong tinitignan ito.Since then, nakikita ko nalamang ang sarili ko na ginuguhit ang painting na yun habang umiiyak. Lagpas bente na nga ang mga copies ko nun e

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status