A DAY IN LAS CASAS
[KABANATA 2 ]
"BINIBINI...BINIBINI..."
Nagising ako sa mahimbing kong pagtulog dahil sa ingay ng isang babaeng sinusubukang gisingin ako.
Nakapikit kong kinuha ang unan na nasa tabi ko at tinakip ito saking tainga at tumagilid.
"Ate.. ano bang trip mo? Wala akong pasok ngayon kaya wag mo akong gisingin" inaantok kong saad
"Patawad binibini, ngunit kailangan mo nang bumangon
alas syete na ng umaga. Mapapagalitan ka na naman ng iyong ama kapag nalaman niyang tanghali ka na namang nagising"
Nyenyenyenye.
Binibini..binibini my face! Tss.
Teka---bakit... parang hindi boses ni ate o kay mommy?
At anong ama? Matagal ng kayang pumanaw si daddy tatlong taon na nga ang nakakalipas
"Binibini" aniya at pilit akong hinaharap sa kanya
Boses niya pa lamang ay natitiyak kong nasa 20's pa ang edad niya.
Ngunit sino siya?
Bakit niya akong tinawag na binibini?
Bigla akong nanigas sa kinahihigaan ko at napuno ng kaba ang buong sistema ko.
"Binibining Luna" matigas na tugon ng babae na tila naubusan ang pasensya sa akin
Luna? Kumabog ng mabilis ang aking puso sa aking narinig.
Las Casas..Yung painting..ang sinabi ng matanda..Greg..
At si L-luna
Agad akong napabalikwas ng bangon nang matanto ang lahat.
Hindi..hindi.
Imposible..hindi maari
Wala sa sarili kong nilibot ang aking paningin sa buong silid kung saan ako naroroon ngayon, at hindi ako makapaniwala sa aking mga nakikita.
Hindi ako maaring magkamali
It-ito yung silid na pinasukan ko sa Casa Candaba. Ang silid kung saan ako nahimatay. Ang kaibahan nga lang ay mas marami itong kagamitan kaysa doon sa Las Casas.
Dali-dali akong lumapit sa bintana at nabalot ulit ng gulat ang buo kong mukha at natuliro sa aking mga nakita.
Wala na rito ang ibang gusali na katabi ng Casa Candaba bagkus ay may nakita akong limang kalesa sa harapan ng casa at mga kabahayan sa di kalayuan.
Muli nilibot ko ang aking paningin sa buong silid at naghanap ng Calendaryo.
May nakita ako malapit sa bintana kaya nagmamadali ko itong nilapitan at nanlaki ang dalawa kong mata ng makita ang taong nakasulat dito.
July 1864
Napaupo ako sa sahig at sinabunutan ang sariling buhok. Di mawala -wala ang kaba sa aking sistema, nanginginig ang buo kong katawan at hindi ako makapag-isip ng maayos.
[Luminga-linga ako sa buong silid.
Sa loob ng isang malaking cabinet na may salamin sa gitnang bahagi nito ay may napansin akong familiar na painting.]
Tama! Yung painting at ang larawan ni Ginoong Greg.
Tumayo ako at lumapit sa isang cabinet na kamukhang-kamukha nung nasa Las Casas, ang pagkakaiba nga lang ay mukha pa itong bago at hindi makaluma.
Ngunit ang ipinagtataka ko ay wala sa loob ng malaking glass na nasa gitna nito ang painting
na nakita ko sa Las Casas.
Binuksan ko ang drawer na nasa ilalim nito gayun din ang pangalawa at pangatlo ngunit, wala akong nakitang painting o maging ang larawan na sinasabi ng matanda na si Ginoong Greg.
Ang tanging tumambad sa akin
ay mga libro, alahas , mga kagamitang pampaganda at
mga sunog na liham.
Napasapo ako sa sariling mga noo at nagbitiw ng isang malalim ng buntong hininga.
"Binibini..ayos ka lang ba? Ano ba ang iyong hinahanap? " tanong ng babaeng gumising sakin kanina kaya napatanto kong hindi pa pala siya umaalis.
Nilingon ko ang gawi niya at nakita kong naglalakad ito papalapit sakin. Bawat hakbang niya papalapit sakin ay siya ring hakbang ko paatras.
"D-diyan ka lang ! Wag kang lumapit, please." Pagsusumamo ko rito.
"Binibini?" Nagtatakang tanong nito
"S-sino ka?!" Sinubukan kong wag mautal ngunit hindi ako nagtatagumpay, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.
"Wag kang lumapit sabi! " saad ko at patuloy na humakbang paatras.
"Wag kang matakot binibini. Ako lamang ito ang iyong lingkod na si Kaday." Pagpapaliwanag niya
"Hindi mo ba ako nakikilala?"
Tumigil ako sa pag atras at sinalubong ang kaniyang mga titig. Kahit papaano ay kumalma ako ng kaunti.
"Ngayon sabihin mo sa akin, ano ba ang iyong hinahanap nang mahanap ko ito para sa iyo?" Tanong niya
Hindi naman siguro masama kung magtitiwala ako sa kanya hindi ba?
"Yung picture! I mean-- yung larawan ng isang lala.. ni Ginoong Greg at yung pain-- "
[Ginuhit iyan ni Ginoong Greg habang nakatingin sa kanyang minamahal na si Luna. Ginuhit niya iyan sa kanilang huling pagkikita.]
Hindi naman siguro ngayon yun diba?
"Y-yun lang pala" sagot ko
Dali-dali siyang lumapit sa akin at tinakpan ang aking bibig na ipinagtaka ko.
"Hinaan mo ang boses mo. Malalagot tayo pareho pag narinig ka ng iyong ama" aniya na siyang ipinataka ko
"Bakit ano bang meron?"
"Binibini..ano bang nangyayari sa iyo? Nakalimutan mo na bang mortal na magka away ang mga Vergara at De Leon?"
Vergara? Ibig sabihin ba ay..
Vergara rin pala ang apelyido ni Luna kagaya ko?
"Mag--ka away?" Nagtatakang tanong ko.
Alam niyo bang sobrang mahal nila ang isa't isa? Na kahit alam nilang parehog kontra ang kanilang mga pamilya blah blah blah
Marahil ay yun nga ang dahilan.
"Binibini.."nagtatakang aniya
"Wag mo ng pansinin ang tanong ko. Naaalala ko na" pagpapalusot ko
Pero bakit sila magka away?
Kailangan kong malaman ang sagot. Kailangan.
Pero paano?
Hindi naman pweding magtanong-tanong ako baka mahalata nilang hindi ako si Luna.
Ngunit papaano ako mag susurvive sa panahong ito kung wala akong mapagsasabihan?
Speaking of Luna....
Does it mean... magkamukha kami?
Dali-dali akong lumapit sa isang malaking salamin na nasa silid ko--silid ni Luna.
Gayon na lamang ako aking pagkamangha ng makita ang aking repleksyon. Walang pinagbago, kung ano ang aking anyo sa kasalukuyan gayun din ang nasa aking harapan.
Wala akong makitang kahit anong bakas na magsasabing hindi ko si Ruby.
Sinuyod ko ang buong paningin sa aking katawan at lubha akong napahanga ng matantong nakasuot ako ng isang Filipiña na kulay puti at kayumanggi. Sa tanang buhay ko ay ngayon lamang ako nakasuot ng ganito. Ang hirap kayang hanapin ang ganitong uri mg Filipiña at kung meron naman ay masyadong mahal. Nakangiti akong umikot sa harap ng salamin habang ang aking paningin ay nasa likuran ng aking damit. Pinagmasdan kong maigi ang disenyo nito at masasabi ko talagang nakapa-classic nito.
As in!
Sobra-sobra akong nalunod sa pagkamangha at napabalik lamang ako sa realidad ng marinig kong magsalita si Kaday.
Kaday nga ba yun?
"Ayos ka lang ba binibini? Naninibago ako sa iyo ngayon" aniya na nagpatigil sa akin at dahan-dahan akong lumingon sa kaniyang gawi.
"A-ayos lamang ako." Nakangiti kong sagot
"Nga pala binibini, yung hinahanap mo ay nasa ilalim lang ng iyong unan. Paano mo ba iyon nakalimutan ? E ikaw mismo nag tago nun upang di makita ng iyong ama"
Daming sinasabi ng babaeng to.
Eh wala naman akong kaalam-alam sa sinasabi niya.
Hays.
"May tanong ako, alam ko magtataka ka pero maari bang ipagsawalang bahala mo nalang yun ?" Saad ko
"An--no iyon binibini? " nag-aalangan niyang tugon
"Ano klaseng tao si Luna? Sino-sino ang pamilya niya? May mga kaibigan ba siya? Maaari bang sabihin mo sa akin ang lahat ng nalalaman mo tungkol sa kanya?"
Hindi naman siguro ipapahamak niya ako hindi ba?
Mukha naman siyang pinagkakatiwalaan ni Luna.
Kasi kung hindi edi sana hindi niya alam kung saan nilagay ni Luna ang litrato ni Ginoong Greg
"Bakit tila nagsasalita kayo na parang ibang tao binibini?"
"Wag ka nang maramig tanong. Pakiusap, sumagot ka nalang"
Narinig kog nag buntog hininga siya at naaalangan magsalita.
"A-ano...Si Luna ay ang nag-iisang anak ni Don Rafael Vergara at Lucia Hidalgo. Ngunit ang kaniyang ina na si Lucia ay nagkaroon ng isang malubhang sakit dalawang taon na ang nakakalipas. Ang pamilyang Vergara ay isa sa mayayamang pamilya ng Pampanga. Mortal na kaaway ng Pamilya ang Pamilyang De Leon at Alonzo na siyang pinaggalingan ng nobyo ni Luna, si Ginoong Gregor. Yun ang dahilan kong bakit palihim lamang silang nagkikita sa manggahan na malapit sa batis." Tumigil siya sa kanyang pagsasalita at sinalubong ang mga titig ko. Pinagtaasan ko siya ng kilay kaya nagpatuloy itong muli.
"Si Luna ay isang mabait na dalaga, sinusunod niya ang lahat ng sinasabi ng kanyang pwera na lamang ang pag-iwas kay Ginoong Greg na kailan man ay hinding-hindi niya gagawin. Masiglang bata si Luna ngunit noong nagkasakit ang kaniyang ina ay nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Madalang nalang namin siyang nakikitang ngumingiti rito sa mansyon. Mabuti nalang at may mga kaibigan siya. Ang kaniyang kaibigan ay sina Merra at Berta , ngunit tuwing may handaan lamang sila nakakapunta rito pagkat hindi pinahihintulutan ng ama ni Luna na palaging pumunta ang kanyang mga kaibigan sapagkat ito ay nanggaling sa isang mababang uri ng angkan. Tuwing hapon kapag walang ginagawa si Luna ay pumunta siya parke upang kitain ang kaniyang mga kaibigan "
Nakakasakal naman ang buhay na meron si Luna. Kapag ako nasa katayuan niya matagal na siguro akong nagrebelde sa pamilya ko, pinaka ayaw ko naman yung may kumokontrol sa lahat ng galaw ko.
"Ngayon binibini.. ako naman ang magtatanong. Bakit mo iyon naitanong?"
"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong hindi ako si Luna?" Seryosong saad ko ngunit ilang saglit lamang ay bigla siyang tumawa.
"Muntikan mo na akong mapaniwala binibini. Ngunit papaanong hindi ikaw si Luna? E buong gabi akong nasa labas ng inyong silid upang ika'y bantayan at ako ang gumising sa iyo ngayong umaga. Nasisiguro ko namang hindi ka lumabas o may pumasok sa iyong silid. At iyang kasuotan mo ngayon--ako mismo ang nagsuot sayo kagabi"
"I-kaw nagbihis sa akin?"
"Mula nung nagkasakit ang iyong ina ay nagsimula na rin akong manilbihan sa iyo upang iyong maging katuwang at dahil doon ako na ang tumutulong sa iyo sa pagsusuot ng iyong damit at sa iba pang mga bagay" Sagot niya kaya automatikong napayakap ako sa sariling katawan.
Ibig sabihin nakita niya ang buo kong katawan? Nakikita niya akong hubo't hubad?
Akala ko ba konserbatibo ang mga tao sa panahon na ito?
Pero infairness! Ang haba ng sagot niya. Oo at hindi lang naman ang kailangan ko.
Lumapit sa akin si Kaday at nilapat niya ang kanyang palad sa aking noo.
"Wala ka namang lagnat ah. Ba't ganyan kayo umakto binibini?" Tanong niya "Teka lang---hindi naman siguro nawala ang iyong alaala nang mahimatay ka kahapon, hindi ba? " at tumawa siya ng mahina
"Nahim---" natigil ako sa pagsasalita ng bumukas ang pintuan at niluwa nito ay isang matangkad na lalaki at naka suot ng makalumang uniporme ng pansundalo. Naka sumbrero ito at may mahabang baril sa kanyang tagiliran.
"Nais ng iyong ama na ika'y kaniyang makita. Pumunta ka sa aklatan ng iyong ama pagkatapos mong mag-ayos sa iyong sarili" may awtoridad niyang saad at yumuko pagkatapos niyang magsalita
May sariling aklatan si Don Rafael? Eh si Luna kaya?
Panigurado meron.. kay laki kaya ng bahay na ito at halatang mayaman ang mga Vergara sa panahon na to.
Mayaman rin naman kami ---dati, kaso nalugi ang negosyo namin mula nung namatay si Daddy.
"Sige. Susunod ako" taas noo kong sagot.
Chada!Hahahaha
Galing ko don ah?
Pagkaalis ng lalaki ay agad lumapit sa akin si Kaday at akmang hinawakan ang aking damit ngunit umatras ako ng ilang hakbang.
"Ako na. Okay? Kaya ko namang maligo at magbihis mag-isa" ani ko
"Pero--
"Hintayin mo na lang ako rito. Maliwanag ba?"
Hindi pa man siya nakakasagot ay pumasok na ako sa palikuran.
Hindi man ito kasing moderno ng palikuran namin sa panahon ko
Ngunit kahit ganun ay sumisigaw ito ng karangyaan.
May bath tub na gawa sa kahoy.
Ngayon lamang ako nakakita ng ganito ni hindi ko nga alam na possible pala. Ang hugis nito ay hindi gaya sa nakikita natin sa telebisyon, ito ay hugis bilog.
Nang lapitan ko ito ay nagulat ako na makitang hindi tubig ang nasa loob nito kundi isang likidong purong puti. Isang preskong gatas ng baka.
"Kaday!" Sigaw ko
"Bakit binibini?" Aniya na natitiyak kong lumapit ito sa pintuan
"Bakit gatas ang nasa loob ng bathtub?"
"Ba-bath-t..ano ho?"
"Bathtub..Ay hindi, ang ibig kong sabihin ay Banyera" pagpapaliwanag ko
"Pampaganda yan ng iyong kutis binibini..Wag mong sabihin pati iyan ay nakalimutan mo?" Aniya
Ibang klase din sila no?
Kung sa kasalukuyan ay ang ginagamit ng mga tao pampaputi ay mga sabon na olay, kojic, dove at iba pa. May iba pa nga nagpapa-inject ng kung ano-ano para lang gumanda ang kanilang kutis samantalang dito ay preskong gatas ang kanilang ginagamit.
Kung sabagay hindi naman ata mamahalin ang gatas ng baka sa panahon nato.
Luminga-linga ako sa paligid at lumapit ako sa lagayan ng mga sabon. Ganun na lamang ang akin pagkamangha nang makita ang kanilang sabon. Kaparehong-kapareho ito sa mga napanood kong Kdrama na historical genre kagaya nung sa "Scarlet Heart" na ginawa ni Hae Soo.
Kumuha ako ng isang piraso at nilapit ito sa aking ilong.
Isang halimuyak ng rosas ang aking naamoy. Masasabi kong walang kapantay ang kanyang bangong taglay.
Kumuha ako ng towel matapos kung isantabi ang kinuhang sabon at nilagay ito malapit sa bathtub. Pagkatapos ay sinimulan kong hubarin ang aking kasuotan.
Dahan-dahan kong sinubsub ang aking paa sa banyera at ilang saglit lamang ay buong katawan ko na ang nakababad.
Habang tinatamasa ko ang sarap sa pakiramdam na naliligo sa gatas ay may mga tanong na pumasok sa aking isipan.
Kung naririto ako sa panahon na ito? Nasaan ang totoong Luna?
Bakit ako napunta rito? Batid kong hindi lang yung painting at litrato ni Ginoong Greg ang dahilan..pakiramdam ko ay may malalim pa itong dahilan.
Hanggang kailan ako mananatili rito?
Paano ako makakabalik sa panahon ko? Sa taong 2020?
Anong nangyari sa akin sa panahon ko?
Nawala kaya ako ? O di kaya
Nandoon si Luna at siya ang pumalit sa katauhan ko?
Ganun diba yun gaya ng sa parallel world? Gaya sa TKEM?
Napagbuntong-hininga na lamang ako pagkat alam kong kahit gaano pa karami ang katanungan ko ni isa nito ay walang masasagot. Ni wala nga akong mapagsabihin sa totoong ako dahil hindi sila maniniwala bagkus ay mapagkakamalan lamang nila akong baliw na naniniwalang nanggaling sa kasalukuyan.
Kinuha ko ang towel na nasa tabi ko at tinakip ito sa hubo't hubad kong katawan. Pagkalabas ko ay nakita kong naihanda na ni Kaday ang susuotin ko. Nagpumilit man siyang tulungan ako sa pagsuot nito pero sa huli ay labag sa loob niyang nilisan ang aking silid.
A DAY IN LAS CASAS[KABANATA 3]Habang tinatahak namin ang napakahabang pasilyo, napansin kong lahat ng dinaraanan namin ay may nakasabit na lumang larawan ng mga lalaki at babae. Marahil ay ito ang mga ninuno ng pamilyang Vergara at pamilyang Hidalgo.Lubang kahanga-hanga ang mga letrang nakaukit sa ilalim nito na hindi ko naman nauunawaan. Ngunit ang lubos na naka-agaw ng aking atensyon ay ang solar system na inukit gamit ang kahoy na nakasabit sa dingding."Kay galing naman ng umukit rito" wala sa sarili kong banggit at hinawakan ito."Oo nga binibini, kay galing mo" nakangiting sagot sakin ni Kaday na nasa likuran ko.Hindi ko inas
A DAY IN LAS CASAS[KABANATA 4]Pagkadating sa aking silid ay agad kong sinalampak ang buo kong katawan sa higaan at tinuon ang aking paningin sa kisame.Kadadating lang namin ni Kaday galing sa silid ni Senyorita Lucia at gaya ng sabi ng matanda ay kamukha nga ito ni mommy.Marahil ay totoo nga ang lahat na kaniyang sinabi na ako at si Luna ay iisa ,na ako ay nagbalik sa aking nakaraang buhay upang baguhin ang masalimuot nitong kasaysayan.Ngunit papaano ko sisimulan ang aking mission?Dapat ko bang kausapin si Don Rafael-- si ama na makipagbati na siya sa mga De Leon?O Dapat kong kitain si Ginoong Gregor at pakiusapan na sabihan ang kaniyang ama na tigilan na ang kung anong tu
A DAY IN LAS CASAS[KABANATA 5]Hanggang ngayon ay di parin ako nakakapagdesisyon kung ano ang dapat kong gawin. Tatlong araw na ang nakakalipas mula nung nagpadala ng liham si Ginoong Gregor. Di ko parin alam kong anong dapat kong gawin, ni hindi ko nga alam kung anong ibig niyang sabihin sa 'maghihintay' thing na yun.Bakit naman niya ako hihintayin?Saka, saan ba?"Binibini, wala ka ba talagang gagawin?" Pangungulit sa akin ni Kaday. Walang oras na hindi niya tinatanong yan sa akin mula nung nagpadala ng liham ang Ginoo."Bakit? Ano ba ang dapat kong gawin?" Tanong koDi makapaniwala niya akong tinitigan.
"Hindi mo ba ako nakikilala, Mahal ko?"Mahal ko...Mahal ko....(Maghihintay ako, Mahal ko...)Nang mag-sink na sa utak ko ang lahat ay bigla nanlaki ang magkabilang mga mata ko. Tila isang milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan. Nanlalamig ang buo kong sistema at tila naging blangko ang aking isipan. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko ngayon si Ginoong Gregor at mas lalong hindi ko inaasahan na sa ganitong pagkakataon ko siyang makikilala. Sa lahat ng pagkakataon, bakit ngayon pa?"Anong...Bakit-- ..."Hindi ko na lamang tinuloy ang aking sasabihin, dahil sa totoo lang ay hindi ko naman talaga alam kung ano ang dapat kong sabihi
NAPAIWAS agad ako ng tingin kay Gabriel nang magtagpo ang aming mga mata. Hanggang ngayon ay nanginginig parin ang aking mga paa. Muntikan na talaga. Buti nalang, malayo ang kinaroroonan ni Gabriel sa amin kaya nagawa kong itulak kaagad si Ginoong Gregor at umalis sa lugar na iyon dahil kung hindi ay paniguradong magkakaroon ng malaking gulo lalo't hindi nag-iisa si Gabriel nang hanapin ako, kasama niya ang iilan sa mga tauhan ni Ama na natitiyak kong magsusumbong sa kaniya na kasama ko ang isa sa mga De Leon."Luna! Tapos ka na bang gumamit ng palikuran?" Tanong ni Gabriel matapos makita at nilapitan ako."Paumanhin kung ikaw ay aking naabala. Napag-utusan lamang ako ng iyong Ama sapagkat siya ay naiinip na sa pag-aantay sa iyong pagbalik." Muli niyang saad nang kaniyang napuna na hindi ako umiimik. Nakatitig lamang ako sa kanya."Luna?""Luna?""Luna?" Napakurap ako bigla sa gulat nang
A DAY IN LAS CASAS[ KABANATA 1 ]KASABAY ng pagbuhos ng malakas na ulan ay siya ring pagtulo ng aking mga luha saking mga pisngi.Ugh. I hate it!I wiped away my tears at nilagay sa drawer ang ginuhit kong buwan na siyang dahilan ng aking pagluha.I don't know kung bakit ako nagkakaganito pero isa ang nasisigurado ko. It was almost 1 month since I saw a photograph of a moon in the internet. Sobra akong nagandahan kaya ang ginawa ko ay naghanap ako ng ibang pictures na may moon.While I was searching, I saw a paint of a moon with a girl watching on it. That time para bang bigla tumigil ang oras at napaluha akong tinitignan ito.Since then, nakikita ko nalamang ang sarili ko na ginuguhit ang painting na yun habang umiiyak. Lagpas bente na nga ang mga copies ko nun e

A DAY IN LAS CASAS[KABANATA 2 ]"BINIBINI...BINIBINI..."Nagising ako sa mahimbing kong pagtulog dahil sa ingay ng isang babaeng sinusubukang gisingin ako.Nakapikit kong kinuha ang unan na nasa tabi ko at tinakip ito saking tainga at tumagilid."Ate.. ano bang trip mo? Wala akong pasok ngayon kaya wag mo akong gisingin" inaantok kong saad"Patawad binibini, ngunit kailangan mo nang bumangonalas syete na ng umaga. Mapapagalitan ka na naman ng iyong ama kapag nalaman niyang tanghali ka na namang nagising"Nyenyenyenye.