A DAY IN LAS CASAS
[KABANATA 4]
Pagkadating sa aking silid ay agad kong sinalampak ang buo kong katawan sa higaan at tinuon ang aking paningin sa kisame.
Kadadating lang namin ni Kaday galing sa silid ni Senyorita Lucia at gaya ng sabi ng matanda ay kamukha nga ito ni mommy.
Marahil ay totoo nga ang lahat na kaniyang sinabi na ako at si Luna ay iisa ,na ako ay nagbalik sa aking nakaraang buhay upang baguhin ang masalimuot nitong kasaysayan.
Ngunit papaano ko sisimulan ang aking mission?
Dapat ko bang kausapin si Don Rafael-- si ama na makipagbati na siya sa mga De Leon?
O Dapat kong kitain si Ginoong Gregor at pakiusapan na sabihan ang kaniyang ama na tigilan na ang kung anong tunggalian ang meron sila ng aking ama?
Ugh. Gamit ang dalawa kong kamay ay napasabunot ako sa sariling buhok.
"Ayos ka lang ba binibini? Sabi ko naman sa iyo na wag na tayong pumunta sa iyong ina ngunit ika'y nagpupumilit parin" Ani ni Kaday
"Hindi naman si Ina ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito Kaday" sagot ko sa kanya at bumangon mula sa pagkakahiga ko sa kama
"Sino ho pala?"
"Wala, wag mo na akong pansinin Kaday. Ayos lamang ako" nakangiting ko sagot rito nang sa gayon ay mapaniwala ko siya at hindi na magtanong pang muli.
Tumayo ako at nag ikot-ikot sa buong silid. Hanggang ngayon ay namamangha parin ako sa aking mga nakikita. Mula sa bubong,patungang at maging sa disenyo ng mga dingding ay sinisigaw nito ang neo-gothic style. Simple lang ngunit kakaiba ang dating. Lumapit ako sa malaking bintana at dumungaw sa labas, habang nakapikit ang aking mga mata ay lasap na lasap ko ang preskong hangin na dumadampi sa aking mga balat at ang huni ng mga ibon na nagsisilibing musika sa aking dalawang tainga. Nang makaramdam ako ng ngalay sa aking mga paa ay bumalik ako sa aking higaan at umupo sa gilid na bahagi nito.
Luminga-linga ako sa paligid at nang namataan ko ang isang kuwaderno sa gilid at ibabaw na bahagi ng aparador ay agad ko itong nilapitan at kinuha. Kulay itim at may disenyong nagliliwanag na buwan sa gitnang bahagi nito. Dahil sa aking kuryusisad ay binuksan ko ang unang pahina at nakita ko ito
Diario de nuestro amor
Diario?...Amor?
Possible kayang Dairy ang ibig sabihin ng Diario? Magkatunog sila pareho kaya hindi nalalayong tama ang aking hula at sa pagkakaalam ko rin, ang ibig sabihin ng Amore ay pag-ibig.
Dairy? Love?
Mukhang batid ko na kung ano ang nilalaman ng ibang pahina ng kuwaderno.
Binuksan ko ng may tuwa ang pangalawang pahina at gaya ng aking inaasahan ay isa ang itong talaarawan tungkol sa pag-iibigan nina Luna at Ginoong Gregor. Ang pag-ibiigan namin sa panahon na ito na hindi ko na matandaan ni maramdaman, maging ang sinasabi nilang pagtatanging nararamdaman ko para sa Ginoo. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga maituring ang aking sarili na ako ay si Luna sapagkat kahit isang bagay o kahit isang alaala sa panahon na ito kung saan namumuhay pa ako bilang Luna ay wala akong matandaan.
Ipinagpatuloy ko ang aking pagbabasa sa nilalaman ng talaarawan at natuklasan ko kung gaano kahirap at naging relasyon namin Ginoong Gregor sa aking nakaraang buhay. Isang pinagbabawal na ugnayan ang mayroon kami, na kailanman ay hinding-hindi pahihintulutan ng aming mga magulang. Hindi gaya ng ibang magkasintahan ay hindi kami malayang pumunta sa mga lugar na nais naming puntuhan.
Kinakailangan pa talaga naming takasan ang aming mga magulang nang sa gayon ay makita namin ang isa't isa kahit palihim lamang.
Nabasa ko rin na talagang napakahigpit ni Don Rafael pagdating kay Luna--sa akin.
Na tuwing umaalis ako ay kailangan kasama ko si Kaday at mga guwardiya na hindi bababa sa sampu. Lahat ng aking kilos ay may mga matang nakatingin. Nakakasakal.
Living without freedom. Kahit hindi sabihin ng matandang babae sa akin, tingin ko ay isa ito sa mga dahilan kung bakit ako nagbalik sa panahon na ito. Nang sa gayon ay mapalaya ko ang aking sarili sa tali na pumipigil sa akin na mamuhay ng normal.
Sa pagsapit ng alas singko ng hapon ay nagpaalam sa akin si Kaday na aalis muna siya upang tumulong sa paghahanda ng aming kakainin sa hapunan na aming pagsasaluhan mamaya, kaya habang ako'y naghihintay sa kaniyang pagbabalik ay nilibang ko muna ang aking sarili sa pagsusulat sa talaarawang hawak-hawak ko, nang sa gayon ay may mapagsabihan ako sa mga bagay na ako lamang ang nakakaalam at nakakaunawa.
"Binibini, nakapag-ayos ka na ba?Ipinapatawag ka na ng iyong ama upang mag hapunan" Ani ni Kaday na kararating lamang mula sa pagtulong sa iba pang kasambahay
"Hindi ko naman kailangan pang mag-ayos Kaday. Kakain lang naman tayo" tugon ko at nanguna sa paglalakad patungo sa hapag-kainan
"Ngunit---narito ang Gobernador-Heneral at ang anak nitong binata"
Pake alam ko?
Hindi ko pinansin ang mga sinabi ni Kaday, ni huminto o lumingon sa kanya ay hindi ko ginawa, nagpatuloy lamang ako sa paglalakad papunta sa hapag kainan.
Pagdating ko sa hapag-kainan ay nakita kong naroon si Ama na nakaupo sa dulong bahagi ng hapag at ito'y diretsong nakatingin sakin, katabi nito ang isang matandang lalaki na palagay ko ay kaedad lamang ni Ama, suot nito ang isang maitim at makapal na dyaket na may limang bituin sa kaliwang bahagi ng kaniyang dibdib. Blanko ang kaniyang mukha ngunit ang kaniyang tindig ay sumisigaw ng awtoridad. Sa harapan nila ay naroon ang walang laman na pabilog na pinggan, kalakip nito ang kutsara at tinidor na maiging tinatakpan ng serbiliyita. Naroon rin sa gitnang bahagi ng hapag ang isang malaking pahabilog na pinggan na purong puti na naglalaman ng katamtamang dami ng kanin na umaalingasaw pa sa init. Napapalibutan ito ng iba't ibang uri ng mangkok na siyang naglalaman rin ng masasarap na ulam gaya ng kare-kare, adobong manok at iba pang ulam na hindi ko alam kung ano ang tawag.
"Narito na pala ang iyong anak, Don Rafael" ani ng matandang katabi ni ama matapos niyang mapansin ang aking presensya
"Mauna po ka Luna" dagdag pa nito
"Luna! Magbigay galang ka sa Gobernador-Heneral" suway ni Ama sa akin nang mapuna niyang hindi ako kumikilos sa aking kinatatayuan
Go-gobernador-Hene----
Nanlaki bigla ang dalawa kong mga mata nang matanto ko kung sino ang aking kaharap ngayon.
Mali atang hindi ko sinersoyo ang mga sinabi ni Kaday kanina.
"Luna?" Maawtoridad na saad ni Ama
Iniwas ko ang aking tingin kay Ama maging sa Gobernador-Heneral, nakayuko at nangininig ang mga paa kong naglalakad papunta sa hapag at umupo sa upuan na katapat ng Gobernador-Heneral.
Hindi.
Hindi dapat ako natatakot sa ganito kaliit na bagay.
Kailangan kong maging matapang pagkat nasisiguro kong marami pa akong pagdadaanang hirap.
Kung kaharap ko lang ang Gobernador-Heneral ay nasisindak na ako, papaano pa ang mission kong pagbatin ang dalawang magka-away na pamilya?
Inayos ko ang aking tindig at tumingin sa kanila
"Magandang gabi ho sa inyo" bati ko sa Gobernador-Heneral at tumango naman ito bilang tugon, pagkatapos nun ay walang nang ni isang nag isang nagsalita sa aming tatlo.
Bakit hindi pa kami nagsisimulang kumain? Tititigan nalang ba namin ang mga pagkain na ito hanggang mapanis? Tanong ko sa aking isipan
Napalingon kaming pareho nang makarinig kami ng isang tinig ng binatang lalaki na siyang pumutol sa katahimikang bumabalot sa hapag-kainan.
"Paumanhin kung pinaghintay ko kayo. May tawag pa kasi akong kailangang sagutin" aniya
"Wala yun iho, maupo kana" nakangiting saad ni Ama na siyang ikinagulat ko. Sa pamamalagi ko sa panahon na ito, ni isang beses ay di ko pa naransang ngitian niya ng ganyan.
Gayon pa man ay sinunod ng binatang lalaki ang utos ni Ama, umupo ito tabi ng Governador-Heneral.
Ilang sandali lang lumipas ay inanusyo na ni Ama na maari na kaming magsimulang kumain matapos magdasal ng binatang lalaki at namayani kaagad ang katahimikan sa buong hapag, tanging ang ingay lamang ng hawak naming kutsara at tinidor ang aking naririnig.
Sa aming apat, ako ang huling kumuha ng kanin sapagkat si Ama ang unang kumuha at sumunod naman ang Gobernador-Heneral at ang binatang lalaki. Kakaunti lang ang kanin na aking nilagay sa aking pinggan gayundin ang mga ulam na aking kinuha. Isang pirasong adobong manok at tig-iisang sandok lang ng iba pang ulam ang aking inilagay.
Gamit ang hawak kong kutsara at tinidor ay takam na takam kong tinikman ko ang adobong manok na aking kinuha. Isang kagat ko pa lang dito kasunod ang kanin ay lasap na lasap ko na ang sarap ng pagkaing aking isinubo lalo't nilagyan ito ng napakaraming paminta na siyang aking paborito sa lahat.
Nang matapos na kaming kumain lahat, may apat na kasambahay ang lumapit sa amin at nilagyan ng katamtamang tubig ang walang laman na babasaging baso sa aming harapan.
"Siya nga pala ang nag-iisang anak kong binata, Luna.
Gabriel ang kaniyang pangalan." Ngiti lamang ang aking sagot nang ipinakilala ng Gobernador-Heneral ang binatang lalaki na kaniyang anak sa akin.
"Porque eres una hermosa jovencita. Ikinagagalak kong ika'y nakilala" magalang na saad ni Ginoong Gabriel
[Porque eres una hermosa jovencita - Kay ganda mo binibini]
"Maging ako rin ay natutuwa" tugon ko kahit na hindi ko naman talaga nauunawan ang unang linya na kaniyang winika
"Oh siya, maiiwan muna namin kayong dalawa. May pag-uusapan lamang kami ni Don Rafael" saad ng Gobernador-Heneral, pagkatapos ay sabay na nilang nilisan ang hapag-kainan at nagpunta sa aralan ni Ama
Paakyat na sana ako hagdanan upang bumalik sa aking silid ng biglang may humawak sa kaliwa kong braso na siyang nagpatigil sa akin sa paglalakad---Si Gabriel.
"Sandali lang!"
"May kailangan ho ba kayo,Ginoo?" Tanong ko sa pinakamagalang na tono
Pareho kaming nakatayo sa harapan ng bahay namin ngayon. Kaharap ang maliwanag na nagniningning na buwan na kailanman ay hindi ako binigo sa gandang taglay nito. Ang kanang kamay ko ay nasa loob na aking bulsa habang ang kaliwang kamay ay nakatunghay lamang. Parehas kaming niyakap ng malamig na simoy ng hangin hanggang sa nagsalita si Ginoong Gabriel na siyang bumasag sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Alam kong kilala mo na ako, ngunit gusto ko paring pormal na magpakilala sa iyo"
Tinitigan ko lang siya at hindi na nag-abala pang magsalita. Malamang, naghihintay sa kanya upang ipagpatuloy ang kaniyang sasabihin.
"Gabriel ang aking pangalan" aniya sabay lahad sa kanyang kanang kamay
"Luna" direkta akong sumagot at tinanggap ang kaniyang kanang kamay na nag-aalok para sa isang pakikipag-kamay
Pagkatapos nito, napansin kong may isang maliit na ngiti na gumuhit sa kanyang mukha at habang pinagmamasdan ko ang kabuuan niya ay nakita ko sa aking mga mata na pilit nitong pinapakalma ang kanyang kamay na nanginginig.
Nababahala ba siya? Kinakabahan?.. o ano?
Ngumiti ako. Sinubukan kong gawin itong mas malaki at tunay hangga't maaari, nang sa gayon ay mapagaan ko man lang kaunti ang mabigat na atmospera sa paligid.
Ngunit kahit na sinubukan naming pareho, nakakaramdam parin kami ng hiya at mailap parin sa bawat isa.
"Que hermosa es la luna" Aniya nang magsimula ulit ang katahimikan sa pagitan namin.
"Que..hermo..ano?" Tanong ko
"Kay ganda ng buwan" aniya at nakangiti paring tinatanaw ang buwan. Sumang-ayon naman ako sa kaniyang sinabi sapagkat ito ay tunay.
"Maari ba akong magtanong?, Bakit ka nga pala nagpunta dito sa Pilipinas, eh nag-aaral ka sa Espanya?" Tanong ko matapos makapag-ipon ng kapal ng mukha.
"Paano mo nalaman iyon?"
"Hula ko lang, ngunit tama ako, hindi ba?" Tanong ko pagkatapos ay marahan na tumawa.
Ngayon, masasabi kong ang pader sa pagitan naming dalawa ay nagsisimula na masira
"so bakit nga?" Tanong ko ulit upang punan ang aking pagkamausisa
"Gusto ko lang makita't makilala ang babaeng palaging ipinagmamalaki sa akin ni Ama tuwing tumatawag siya" seryosong sambit niya habang nakatingin parin sa buwan
"Nakilala mo ba?" Tanong ko
"Oo" saad niya lumingon sakin at sinalubong ang aking mga tingin.
"At kaharap ko siya ngayon"
Nanigas ako. Nangangapa at nauubusan ako ng mga salitang sasabihin. Sinubukan kong magsalita, ngunit walang mga salitang lumalabas sa aking bibig. Kaya, kahit naiilang ay ngumiti sa parin ako sa kanya bilang tugon.
Kinabukasan pagkagising ko ay agad kong kinuha ang talaarawan na iniligay ko sa ilalim ng unan.
Tumayo ako sa pagkakahiga at lumapit sa mesa na katabi ng aking higaan upang kumuha ng panulat.
Sinulat ko ang buong pangyayari kahapon. Nakalimutan ko kasing magsulat kagabi matapos naming mag-usap ni Ginoong Gabriel.
Speaking of..?
Totoo ba talagang ikinukwento ako ng kaniyang Ama sa kaniya?
Totoo bang ako ang dahilan kung bakit siya naparito?
Wala sa sarili akong napangiti.
"Binibini, Mabuti at gising na kayo" awtomatiko kong naisara ang talaarawan na aking hawak at nilagay ito sa drawer ng mesa nang bumukas ang pinto at niluwa nito si Kaday
"Bakit may kailangan ka ba?" Tanong ko rito
Ngunit ang ipinagtataka ko ay isinara nito ang pinto at bigla itong ngumiti ng napakalapad at tumatalon-talon pa sa tuwa kaya napailing lamang ako habang nakatingin sa kanya
"Hulaan mo binibini, kanino ito nanggaling" aniya sabay labas ng isang puting sobre mula sa bulsa niya
"Pamilyar sa akin ang sobre na iyan......" kaswal kong saad
Nang may napagtanto ako, dali-dali kong kinuha kay Kaday ang hawak nitong sobre.
Pagkatapos ay lumapit sa isa sa mga aparador ni Luna at binuksan ang ikatlong drawer nito. Tumambad sa akin ang napakaraming sunog na sobre at nasisiguro kong liham ang laman nito sapagkat may sunog rin na liham sa tabi. Sabi na nga ba, kaya pamilyar ito sa akin.
Umupo ako ako sa gilid ng aking higaan. Pinunit ko ang puting sobreng hawak ko ngunit sinigurado ko namang hindi nadamay ang liham na nasa loob nito. Kung ito ay isang liham nga.
Nang tuluyan ko ng mapunit ang puting sobre , nakita ko ang isang papel na maiging nakatupi. Gaya ng aking inaasahan isa itong liham. Binuksan ko ang papel at namangha ako ng sobra nang makita ang napakagandang sulat-kamay na nakasulat sa liham. Ngunit ang mas nakasorpresa sa akin ay ang pangalan na nasa pinakamababang bahagi nito. Ang palatandaan kung kanino ito nanggaling.
G. DL
Gregor De Leon?
Binasa ko ang nilalaman,
Ngunit lubha akong nagulat sa aking nabasa at nawalan ng kakayahang magsalita. Nalilito at hindi alam kung ano ang dapat na gawin.
Mahal kong Luna,
Nais ko lamang ipaalam sa iyo na
Ako ay nagbalik na at ibig kong makitang muli ang iyong ngiti.
Maghihintay ako
Maghihintay ako, mahal ko.
A DAY IN LAS CASAS[KABANATA 5]Hanggang ngayon ay di parin ako nakakapagdesisyon kung ano ang dapat kong gawin. Tatlong araw na ang nakakalipas mula nung nagpadala ng liham si Ginoong Gregor. Di ko parin alam kong anong dapat kong gawin, ni hindi ko nga alam kung anong ibig niyang sabihin sa 'maghihintay' thing na yun.Bakit naman niya ako hihintayin?Saka, saan ba?"Binibini, wala ka ba talagang gagawin?" Pangungulit sa akin ni Kaday. Walang oras na hindi niya tinatanong yan sa akin mula nung nagpadala ng liham ang Ginoo."Bakit? Ano ba ang dapat kong gawin?" Tanong koDi makapaniwala niya akong tinitigan.
"Hindi mo ba ako nakikilala, Mahal ko?"Mahal ko...Mahal ko....(Maghihintay ako, Mahal ko...)Nang mag-sink na sa utak ko ang lahat ay bigla nanlaki ang magkabilang mga mata ko. Tila isang milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan. Nanlalamig ang buo kong sistema at tila naging blangko ang aking isipan. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko ngayon si Ginoong Gregor at mas lalong hindi ko inaasahan na sa ganitong pagkakataon ko siyang makikilala. Sa lahat ng pagkakataon, bakit ngayon pa?"Anong...Bakit-- ..."Hindi ko na lamang tinuloy ang aking sasabihin, dahil sa totoo lang ay hindi ko naman talaga alam kung ano ang dapat kong sabihi
NAPAIWAS agad ako ng tingin kay Gabriel nang magtagpo ang aming mga mata. Hanggang ngayon ay nanginginig parin ang aking mga paa. Muntikan na talaga. Buti nalang, malayo ang kinaroroonan ni Gabriel sa amin kaya nagawa kong itulak kaagad si Ginoong Gregor at umalis sa lugar na iyon dahil kung hindi ay paniguradong magkakaroon ng malaking gulo lalo't hindi nag-iisa si Gabriel nang hanapin ako, kasama niya ang iilan sa mga tauhan ni Ama na natitiyak kong magsusumbong sa kaniya na kasama ko ang isa sa mga De Leon."Luna! Tapos ka na bang gumamit ng palikuran?" Tanong ni Gabriel matapos makita at nilapitan ako."Paumanhin kung ikaw ay aking naabala. Napag-utusan lamang ako ng iyong Ama sapagkat siya ay naiinip na sa pag-aantay sa iyong pagbalik." Muli niyang saad nang kaniyang napuna na hindi ako umiimik. Nakatitig lamang ako sa kanya."Luna?""Luna?""Luna?" Napakurap ako bigla sa gulat nang
A DAY IN LAS CASAS[ KABANATA 1 ]KASABAY ng pagbuhos ng malakas na ulan ay siya ring pagtulo ng aking mga luha saking mga pisngi.Ugh. I hate it!I wiped away my tears at nilagay sa drawer ang ginuhit kong buwan na siyang dahilan ng aking pagluha.I don't know kung bakit ako nagkakaganito pero isa ang nasisigurado ko. It was almost 1 month since I saw a photograph of a moon in the internet. Sobra akong nagandahan kaya ang ginawa ko ay naghanap ako ng ibang pictures na may moon.While I was searching, I saw a paint of a moon with a girl watching on it. That time para bang bigla tumigil ang oras at napaluha akong tinitignan ito.Since then, nakikita ko nalamang ang sarili ko na ginuguhit ang painting na yun habang umiiyak. Lagpas bente na nga ang mga copies ko nun e
A DAY IN LAS CASAS[KABANATA 2 ]"BINIBINI...BINIBINI..."Nagising ako sa mahimbing kong pagtulog dahil sa ingay ng isang babaeng sinusubukang gisingin ako.Nakapikit kong kinuha ang unan na nasa tabi ko at tinakip ito saking tainga at tumagilid."Ate.. ano bang trip mo? Wala akong pasok ngayon kaya wag mo akong gisingin" inaantok kong saad"Patawad binibini, ngunit kailangan mo nang bumangonalas syete na ng umaga. Mapapagalitan ka na naman ng iyong ama kapag nalaman niyang tanghali ka na namang nagising"Nyenyenyenye.
A DAY IN LAS CASAS[KABANATA 3]Habang tinatahak namin ang napakahabang pasilyo, napansin kong lahat ng dinaraanan namin ay may nakasabit na lumang larawan ng mga lalaki at babae. Marahil ay ito ang mga ninuno ng pamilyang Vergara at pamilyang Hidalgo.Lubang kahanga-hanga ang mga letrang nakaukit sa ilalim nito na hindi ko naman nauunawaan. Ngunit ang lubos na naka-agaw ng aking atensyon ay ang solar system na inukit gamit ang kahoy na nakasabit sa dingding."Kay galing naman ng umukit rito" wala sa sarili kong banggit at hinawakan ito."Oo nga binibini, kay galing mo" nakangiting sagot sakin ni Kaday na nasa likuran ko.Hindi ko inas

A DAY IN LAS CASAS[KABANATA 4]Pagkadating sa aking silid ay agad kong sinalampak ang buo kong katawan sa higaan at tinuon ang aking paningin sa kisame.Kadadating lang namin ni Kaday galing sa silid ni Senyorita Lucia at gaya ng sabi ng matanda ay kamukha nga ito ni mommy.Marahil ay totoo nga ang lahat na kaniyang sinabi na ako at si Luna ay iisa ,na ako ay nagbalik sa aking nakaraang buhay upang baguhin ang masalimuot nitong kasaysayan.Ngunit papaano ko sisimulan ang aking mission?Dapat ko bang kausapin si Don Rafael-- si ama na makipagbati na siya sa mga De Leon?O Dapat kong kitain si Ginoong Gregor at pakiusapan na sabihan ang kaniyang ama na tigilan na ang kung anong tu