"Hindi mo ba ako nakikilala, Mahal ko?"
Mahal ko...Mahal ko....
(Maghihintay ako, Mahal ko...)
Nang mag-sink na sa utak ko ang lahat ay bigla nanlaki ang magkabilang mga mata ko. Tila isang milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan. Nanlalamig ang buo kong sistema at tila naging blangko ang aking isipan. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko ngayon si Ginoong Gregor at mas lalong hindi ko inaasahan na sa ganitong pagkakataon ko siyang makikilala. Sa lahat ng pagkakataon, bakit ngayon pa?
"Anong...Bakit-- ..."
Hindi ko na lamang tinuloy ang aking sasabihin, dahil sa totoo lang ay hindi ko naman talaga alam kung ano ang dapat kong sabihin. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Sumalyap ako sa Ginoo at nakita ko itong pinasadahan ako ng tingin. Puno ng hinanakit ang kaniyang mga mata. Kinabahan agad ako. Hindi ko batid kung bakit, ngunit pakiramdam ko ay may nagawa akong napakalaking kasalanan sa Ginoo, na hindi ko kayang salubungin ang kaniyang mga titig.
Ngunit, may nagawa nga ba ako?
Huminga ako ng malalim saka muling sumulyap sa kanya at sa pagkakataong ito ay nagawa ko ng salubungin ang kaniyang mga titig. Magtatanong sana ako kung bakit siya narito gayong sa pagkakaalam ko ay napakadelikado para sa kanya ang pumarito nang bigla kong nakita si Kaday na nakayuko sa kaniyang likuran.
"Kaday! Naryan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap" nagaalala kong tanong matapos kong makalapit sa kaniyang harapan.
"Bakit ka nandito? Bakit mo kasama si....Ginoong Gregor?"
Hindi ako sigurado sa huling salitang aking binitawan. Nanatiling tahimik at nakayuko si Kaday na ipinagtaka ko ng lubusan kaya ang aking ginawa ay binaling ko aking tingin sa Ginoo na ngayon ay may mga butil na ng luha ang dumadaloy sa kanyang pisngi.
"Ba-bakit ka umiiyak?" Takang tanong ko pagkatapos ay dahan-dahang lumakad papalapit sa kanya. Hindi ako sa sigurado sa ginagawa ko ngunit pakiramdam ko ay tama na lumapit ako sa kanya.
Pasaglit akong napatulala at kumabog ng napakalakas ang aking dibdib nang lumapit ito sakin at bigla akong niyakap.
Binaon niya ang kaniyang mukha sa aking leeg habang tumatangis.
Hindi ko magawang maigalaw ang aking katawan.
"Bakit tila i-iba ang iyong kinikilos? Bakit pakiramdam ko hindi na kita nakikilala?" Tanong niya matapos kumalas sa pagkakayakap sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Nangangapa ako ng mga salitang maaring sasabihin.
Gusto kong sabihin na dahil iyon sa katotohanang hindi ako si Luna na kilala nila, na ako ang Luna na nanggaling sa kasalukuyan. Ngunit papaano ko ipapaliwanag iyon?
"Lubha akong naninibago ako sa iyong mga titig. A-yaw mo ba sa akin? May iniibig ka na bang iba?" Aniya habang hinahaplos ang kaliwa kong pisngi. Ang kaniyang mga luha ay walang tigil na umaagos, lalo na ang luha na mula sa kanyang kaliwang mata.
Anong ibig niyang sabihin?
Huwag mong sabihin na alam niya ang tungkol kay Gab---
Nakita niya kami.
Nakita niya kami sa labas kanina.
Nang matanto ko ang lahat.
Para akong binuhusan ng isang drum na napakalamig na tubig sa aking narinig. Nakokonsenya ako. Nawala sa aking isipan na mayroon nga pala akong kasintahan sa panahon na ito. Hindi ko naisip na may masasaktan pala ako. Nag-aalinlangan kong sinalubong ang kaniyang mga titig at ramdam na ramdam ko ang sakit na kaniyang nadarama. Bawat patak ng kaniyang luha ay para ring pinipiga ang aking puso.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking pisngi at nakayuko ko itong binaba ng dahan-dahan habang nanginginig ang mga kamay kong ginawa iyon. Nang matapos kung bitawan ang kaniyang kamay ay sumulyap ako sa kaniya.
"Luna" sambit niya habang inilapit ang kaniyang sarili sa akin. Ang kaniyang mga mga mata at ilong ay namumula na sa kaiiyak. Wala paring tigil ang pag-agos ng kaniyang mga luha.
"Luna" ulit niya at akmang humawak sa aking balikat. Ngunit biniba niya rin sa huli ang kaniyang kamay nang humakbang ako papalayo sa kanya.
"Patawad Ginoo." Saad ko habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Nang sabihin ko iyon, pansin kong napaangat ng tingin si Kaday sa amin na kanina lamang ay nakayuko ito sa likuran ni Ginoong Gregor. Gulat at nagtataka itong tumitig sa akin, tila hindi matanggap ang aking sinabi. Nanghuhusga ang kaniyang mga titig na siyang hindi ko inasahan ng lubusan na makikita ko mula sa kanya. Sa lahat ng tao, bakit sa kanya pa? Bakit sa kanya pa na inakala kong nag-iisang makakaintindi sa akin?
Nag-init ang mga mata kong nakatitig kay Kaday kaya binalik ko na lamang ang aking tingin sa Ginoo. Humakbang ako paatras pagkatapos ay dahan-dahang tumalikod, ngunit napatigil ako ng may humila sa aking kanang kamay. Si Ginoong Gregor.
"Luna, mag-usap tayo. Huwag mo itong gawin sa akin, Pakiusap." Nagmamakaawa ang kaniyang mga titig. Batid kong hindi niya lubos matanggap na sa ganitong sitwasyon magtatapos ang lahat. Hindi ko rin naman inasahan na ganito ang mangyayari. Hindi ko ginusto ang lahat ng ito. Wala akong ibang mapamimilian.
"Patawarin mo ako" nakayuko kong saad saka hinawi ang kaniyang kamay sa pagkakahawak sa akin pagkatapos ay tuluyan ko ng tinalikuran ang binata.
Patawarin ako ako Ginoo.
Patawarin mo ako kung di ko maibabalik ang pag-ibig na dati ay para lamang sa iyo.
Patawad, hindi ko kailanman ninais na ikaw ay saktan. Ani ko sa aking isipan.
Napabuntong-hininga ako ng malalim. Naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung tama ba na tinalikuran ko siya. Kung tama ba ang lahat ng ginagawa kong ito.
Kung una ko lang sana siyang nakilala kaysa kay Gabriel, marahil ay iba ang magiging takbo ng istorya. Marahil ay hindi ko siya nasasaktan ng ganito ngayon. Hindi naman mali na sundin ko ang sinasabi ng aking puso, hindi ba?
Patakbo kong nilisan ang lugar na iyon at pumasok sa loob ng bahay namin. Pagkapasok ko sa salas ay nakita kong naroon si Ama na nakaupo sa isang mahabang sopa.
Kaagad itong tumayo nang makita akong pumasok.
"Saan ka nangaling? Sa pagkakaalam ko ay kanina pa kayo nakauwi ni Gabriel?" Tanong niya sa isang napakalalim na boses habang nanunuri ang kaniyang mga tingin.
Huminga ako ng malalim saka tumitig kay Ama.
"Sa labas lang ho, nagpapahangin"
"Nagpapahangin? Ako ba ay pinagloloko mo? Kung gayon, ipaliwanag mo nga sa akin kung bakit ikaw ay lumuluha." Aniya na ikinagulat ko. Awtomatiko akong napahawak sa aking pisngi. Luha.
May luha nga.
"Ama, maari bang mamaya na tayong mag-usap muli?"
Hindi pa man siya nakakasagot ay tumalikod na ako at umakyat sa hagdanan. Nagmamadali akong naglakad papunta sa aking silid.
Doon ay unti-unti kong nakita ang aking sarili na tulala at ang aking mga luha ay dahan-dahan na dumadaloy sa aking pisngi. Wala sa sarili akong naglakad patungo sa bintana ng aking silid at sinandal ang sarili sa gilid nito.
Nakakatawa. Makulimlim ang kalangitan. Tila nakikisabay sa mabigat kong pakiramdam. Nagpakawala ako ng isang malalim ng buntong-hininga pagkatapos ay nagtungo sa aking higaan at doon ay nagnilay-nilay.
Nang masulyapan ko ang bulaklak na bigay ni Gabriel na nakapatong sa ibabaw ng aking maliit na mesa ay mapait akong napangiti.
Sana lang.
Nawa'y tama ang aking ginawang pagpapasiya. Nawa'y hindi magbunga ng masama ang ginawang pagtalikod ko sa binatang si Gregor.
Pag sapit ng dapit-hapon bumaba ako sa kusina upang kumuha ng maiinom at doon ay rinig ko sa ibang kasambahay na nagbalik na si Kaday. Tila masama ang loob nito sa akin dahil kahit siya ay nagbalik na sa bahay ay hindi pa ito nagpapakita sa akin. Siguro kailangan ko munang hayaan na humupa ang sama ng kaniyang loob.
KINABUKASAN, nagising akong tahimik ang buong bahay. Tanging ang mahinang patak lamang ng ulan sa labas at yabag ng aking mga paa ang tangi kong naririnig.
Nagtungo ako sa kusina at nakapagtataka lang na walang mga kasambahay akong nakita roon bagkos ay isang may kalakihang basket ang aking nakita sa gitna ng napakahabang lamesa. Nilapitan ko ito at bumungad sa akin ang iba't ibang klase ng putahe na umaalingasaw pa sa init. Halatang masasarap sa amoy pa lang nito. Kumuha ako ng isang pabilog at babasagin na pinggan sa patungan at tig-iisa ring kutsara at tinidor.
"Binibining Luna, mabuti at gising na kayo" Hindi ko natuloy ng pagsubo ko ng kanin ng biglaang may nagsalita sa aking likuran. Binalingan ko ito ng tingin at nakita ko ang mayordomo ni Ama na perming nakatayo. Pansin kong iba ang kanyang kasuotan sa karaniwan kong nakakitang suot niya. Madilim na asul ang kulay ng kaniyang unipormeng suot ngayon.
"Nasaan nga pala ang mga tao sa bahay na ito?" Tanong ko rito
"Nakalimutan niyo na ba binibini? Ipinagdidiriwang ngayon ang Pista ng Candaba, kaya ang lahat ng tao ay nasa Parroquia San Andres Apostol upang dumalo sa misa ng pagsasalamat." Mabahang paliwanang niya na nagbigay sa akin ng malinaw na kasagutan kung bakit mag-isa na lamang ako sa bahay na ito bago pa siya dumating.
"Si Kaday ba? Nakita mo?" Tanong ko matapos maalala ang binibini. Umiling ang mayordomo ni Ama bilang tugon na hindi niya alam kung nasaan si Kaday.
Masama pa ba ang loob ni Kaday sa akin?
Malaking bagay ba talaga sa kanya ang ginawa kong pananakit ng damdamin sa Ginoong Gregor? Malungkot akong napangiti matapos kong tanungin iyon sa aking sarili.
Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking pagkain matapos sabihin sa akin ng mayordomo ni Ama na nakahanda na ang aking mga susuotin papuntang sentro at sa labas na niya ako hihintayin.
PAGDATING ko sa aking silid ay doon ko lamang napansin na nakabukas pala ang aking aparador na kanina paggising ko ay hindi ko napansin. Lumapit ako dito at nakita kong may limang bagong damit ang nakasabit rito. Marahil ay ito ang tinutukoy ng mayordomo ni Ama.
Sabay kong kinuha ang limang naggagandang filipiñana at nilapag ito sa aking higaan. Puti, rosas, dilaw, abo at ginto ang kulay ng mga ito. Pinili kong suotin ang kulay gintong filipiñana matapos kong maligo. Sa kanilang lima kasi ang may kulay gintong filipiña lamang ang mayroong mas simple disenyo na akma sa aking panlasa. Napapalamutian ito ng kumikinang na burda ng mga maliit na paruparo sa manggas at saya.
Nagtungo ako sa harapan ng malaking salamin bitbit ang mga pampaganda ng mukha. Nilagyan ko ng kaunting pulbos ang aking palad pagkatapos ay pinahid at kinalat ito na mabuti sa aking mukha. Naglagay din ako ng kaunting kolorete sa aking mukha at pinapula ang mga labi gamit ang lipstick na mayroon ako sa panahon na ito. Sinuot ko rin sa aking leeg ang isang gintong kuwintas na may palawit na buwan matapos ko itong makita na nakalagay sa isang maliit ng kahon sa ibabaw ng aking mesa. Pagkatapos kong ayusan ang aking sarili ay marahan akong napangiti habang pinagmamasdan ang aking ayos sa harap ng salamin.
TUMILA na ang ulan pagkalabas ko ng bahay. Mula sa labas ng pintuan ng bahay ay tanaw na tanaw ko ang isang yayamaning kalesa na napapalamutian ng makukulay na bulaklak na nasa harapan ng tarangkahan, doon ay nakita kong nakatayo sa tabi nito ang mayordomo ni Ama at ang isang may katandaang lalaki na siyang magmamaneho ng sasakyan naming kalesa. Maingat at dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanila, iniiwasang huwag maputikan ang suot kong damit.
Walang katao-tao ang lahat ng daan na aming dinaanan. Ngunit pansin kong may mga nakasabit na mga makukulay at maliliit na piraso ng tela sa ibabaw ng lahat
ng aming dinaanan. Talagang binibigyang diin na masayang ipinagdidiriwang ng buong baryo ang Pista ng Candaba.
"Maari bang bilisan mo ang iyong pagmamaneho nang makahabol at makadalo pa ang Binibini sa isinasagawang misa ngayon?" Utos ng mayordomo ni Ama na agad naman sinunod ng lalaki.
NAPUNO ng iba't ibang kulay ang buong bulwagan ng simbahan. Lubha akong namangha nang ito ang bumungad sa akin pagkalabas ng kalesa. Kahapon lamang nung kami ay nagtungo ni Gabriel rito ay lubos na akong namangha sa gandang taglay nito ngunit mas dinoble pa ito ngayon.
Hindi. Triple pala. Iginala ko ang aking paningin sa buong paligid at ako ay nalulugod sa aking mga nakikita. Lahat ng tao na aking nakikita ay may mga ngiti sa kanilang labi, lalo na ang mga kabataan na masayang nagtatakbuhan at mga batang tahimik lamang sa isang tabi habang kinakain ang paborito nilang kendy at kakanin.
Pagkapasok ko sa Simbahan ay agad sumalubong sa akin ang isang nakangiting patpating batang babae na may dalang kuwintas na yari sa bulaklak na sampagita. Magalang itong bumati sa akin kaya ito ay aking sinuklian ng isang matamis na ngiti. Pagkatapos ay yumukod ako ng kaunti upang magawa niyang isabit sa aking leeg ng maayos ang dala dala nito.
Bago ko pa man mailibot ang paningin sa buong simbahan ay iginiya na ako ng mayordomo ni Ama papunta sa kinaroroonan nila. May dalang rosaryo ang bawat isa at taimtim na nagdarasal ang lahat. Maging si Ama na nasa aking harapan, Ang Goberbador-Heneral at Gabriel ay nakapikit at nagdadasal. Napakatahimik ng buong paligid.
Makalipas ang ilang sandali ay, nabigla ako ng biglang iminulat ng Gobernador-Heneral ang kaniyang mga mata.
"Luna" Gulat ring saad nito nang makitang nasa harapan ako at pinagmamasdan silang tatlo.
Awtomatiko akong napatalikod at dahan-dahan na naglakad sa gilid.
"Luna?" Napatigil ako nang may dalawang boses ang tumawag sa akin. Boses ni Ama at Gabriel.
"Kanina ka pa ba dumating?" Tanong sa akin ni Ama sa napakalalim na boses.
"Ka-darating ko lang po" saad ko at hilaw na napangiti kay Ama. Nang masulyapan ko ang Gobernador-Heneral na nakatingin sa akin ay agad akong yumuko bilang paggalang sa kanya.
Nakangiting tumitig sa akin si Gabriel kaya naman bigla akong nakaramdam ng hiya sa sarili. Sa tabi niya kasi ako pinaupo ni Ama.
"Ang ganda mo ngayon, Luna" wika niya habang nakangiti na abot hanggang tainga.
Ngayon lang? Ay.
"Nambola ka pa" natatawa kong wika, kahit sa kalooblooban ko ay nagustuhan nito ang kaniyang mga salitang binitawan. Lihim akong napangiti.
Matapos mag rosaryo ang lahat ay isang lalaki nakabestida mg puti ang pumunta sa harapan naming lahat. Banta ko, ito ang Pari ng Parroquia San Andres Apostol. Malugod niyang binati ang lahat ng tao na nasa loob ng Simbahan. Pagkatapos ay sinimulan na niyang binahagi ang Magandang Balita galing sa Panginoon. Lahat kami ay tahimik na nakikinig sa lahat ng winiwika niya. Napakagaling niyang magbahagi ng salita ng Diyos.
Di nag tagal ay tinapos niya ang kaniyang salita sa pamamagitan ng pasasalamat sa lahat ng narito lalong lalo na sa Gobernador-Heneral na dumalo kahit sa likod ng napakarami nitong gawain. Nagpasalamat rin ang Pari sa lahat ng nagbigay handog at tumulong na gawing possible at masanagang maisagawa ang misa ng Pista ng Candaba. Sa lahat ng kaniyang pinasalamatan, dalawang apelyido ang umigting sa aking tainga. Ang Vergara at De Leon.
De Leon. De Leon.
Iginala ko ang aking paningin sa loob ng simbahan. Nagbabakasaling makita ang taong kanina pa hinahanap ng aking mga mata. Hindi ko batid ngunit, nakita ko na lamang ang aking sarili hinahanap ang Ginoong Gregor. Saya ang sumilay sa aking puso ng nakita ko ang aking hinahanap sa di kalayuan. Nakayuko ito sa likod ng isang matandang lalaking kausap ang Pari. Nang tumingin ito sa aking gawi ay agad akong napaiwas ng tingin at tinuon ang aking mga mata kay Gabriel na kanina pa may sinasabi sa akin na hindi ko nagawang pakinggan.
"Luna, Ayos lang ba? Kanina ka pa wala sa iyong sarili." Wika ni Gabriel. Kitang kita sa kaniyang mga mata na talagang ito ay nagaalala pa sa akin.
"Ano nga pala ang iyong sinabi kanina?" Tanong ko sa kanya matapos makonsensya.
"Sa susunod na araw na sana ako pababalikin ng Espanya ni Ama mabuting nalang at napapayag ko siya na manatali pa ng mas matagal rito." Ngiti ang tanging naisukli ko sa kanyang winika.
Kung hindi lang sana pumasok sa aking isipan si Ginoong Gregor, marahil ay nagawa kong magdiwang sa winika ni Gabriel lalo't ibig ko rin namang makasama pa siya at makilala ng lubusan. Huminga ako ng malalim pagkatapos ay sinubukang iwaksi sa isipan ang Ginoong Gregor.
"Luna, Ayos lang ba talaga?" Tanong nito matapos mapuna ang aking pagiging tahimik. Nakaupo kaming dalawang ngayon habang hinihintay ang pagbabalik ng ama naming dalawa.
Ngumiti ako ng napakalapad sa kanya para ibatid na ayos lang talaga ako.
"Maari bang gumamit muna ako ng palikuran?" Tanong ko matapos sabihin ni Ama na lilisanin na namin ang Simbahan.
TULALA at wala sa sarili akong naglakad patungong palikuran matapos pahintulutan ni Ama ang aking nais. Hinarap ko ang aking sarili sa harap ng malaking salamin sa loob banyo.
Ruby! Ayusin mo nga ang iyong sarili! Ang panget panget mo na. Iww
Napatawa ko ng marinig ang boses ni Ate Risha sa aking isipan.
Iyan ang linyang parating sinasaad niya sa akin upang aluin ako. Huminga ako ng malalim at saka may ngiti sa labing lumabas ng palikuran. Tatawagin ko na sana si Gabriel upang ito ay palapitin sa akin nang may biglang humila sa akin at sinampa ang aking likuran sa isang poste ng Simbahan.
"Ginoong...Gregor?" Gulat kong saad
"Luna.." Garagal niyang saad. Ang kaniyang mga mata ay nagsisimula na ring mamula at batid kong ilang sandali lang ang lilipas ay tutulo na ang kaniyang mga luha. Hinawakan niya ang aking kaliwang pisngi habang ang aming mga mata nakatitig sa isa't isa. Nakukuryente ako sa kaniyang mga haplos. Ang lakas ng kabog na aking dibdib at hindi ko magawang igalaw ang aking katawan. Tila naglalakbay sa kung saan ang aking diwa.
"LUNA"
Isang boses. Isang boses ng lalaking tinatawag ang aking pangalan ang nagpabalik sa akin sa katinuan.
"LUNA"
NAPAIWAS agad ako ng tingin kay Gabriel nang magtagpo ang aming mga mata. Hanggang ngayon ay nanginginig parin ang aking mga paa. Muntikan na talaga. Buti nalang, malayo ang kinaroroonan ni Gabriel sa amin kaya nagawa kong itulak kaagad si Ginoong Gregor at umalis sa lugar na iyon dahil kung hindi ay paniguradong magkakaroon ng malaking gulo lalo't hindi nag-iisa si Gabriel nang hanapin ako, kasama niya ang iilan sa mga tauhan ni Ama na natitiyak kong magsusumbong sa kaniya na kasama ko ang isa sa mga De Leon."Luna! Tapos ka na bang gumamit ng palikuran?" Tanong ni Gabriel matapos makita at nilapitan ako."Paumanhin kung ikaw ay aking naabala. Napag-utusan lamang ako ng iyong Ama sapagkat siya ay naiinip na sa pag-aantay sa iyong pagbalik." Muli niyang saad nang kaniyang napuna na hindi ako umiimik. Nakatitig lamang ako sa kanya."Luna?""Luna?""Luna?" Napakurap ako bigla sa gulat nang
A DAY IN LAS CASAS[ KABANATA 1 ]KASABAY ng pagbuhos ng malakas na ulan ay siya ring pagtulo ng aking mga luha saking mga pisngi.Ugh. I hate it!I wiped away my tears at nilagay sa drawer ang ginuhit kong buwan na siyang dahilan ng aking pagluha.I don't know kung bakit ako nagkakaganito pero isa ang nasisigurado ko. It was almost 1 month since I saw a photograph of a moon in the internet. Sobra akong nagandahan kaya ang ginawa ko ay naghanap ako ng ibang pictures na may moon.While I was searching, I saw a paint of a moon with a girl watching on it. That time para bang bigla tumigil ang oras at napaluha akong tinitignan ito.Since then, nakikita ko nalamang ang sarili ko na ginuguhit ang painting na yun habang umiiyak. Lagpas bente na nga ang mga copies ko nun e
A DAY IN LAS CASAS[KABANATA 2 ]"BINIBINI...BINIBINI..."Nagising ako sa mahimbing kong pagtulog dahil sa ingay ng isang babaeng sinusubukang gisingin ako.Nakapikit kong kinuha ang unan na nasa tabi ko at tinakip ito saking tainga at tumagilid."Ate.. ano bang trip mo? Wala akong pasok ngayon kaya wag mo akong gisingin" inaantok kong saad"Patawad binibini, ngunit kailangan mo nang bumangonalas syete na ng umaga. Mapapagalitan ka na naman ng iyong ama kapag nalaman niyang tanghali ka na namang nagising"Nyenyenyenye.
A DAY IN LAS CASAS[KABANATA 3]Habang tinatahak namin ang napakahabang pasilyo, napansin kong lahat ng dinaraanan namin ay may nakasabit na lumang larawan ng mga lalaki at babae. Marahil ay ito ang mga ninuno ng pamilyang Vergara at pamilyang Hidalgo.Lubang kahanga-hanga ang mga letrang nakaukit sa ilalim nito na hindi ko naman nauunawaan. Ngunit ang lubos na naka-agaw ng aking atensyon ay ang solar system na inukit gamit ang kahoy na nakasabit sa dingding."Kay galing naman ng umukit rito" wala sa sarili kong banggit at hinawakan ito."Oo nga binibini, kay galing mo" nakangiting sagot sakin ni Kaday na nasa likuran ko.Hindi ko inas
A DAY IN LAS CASAS[KABANATA 4]Pagkadating sa aking silid ay agad kong sinalampak ang buo kong katawan sa higaan at tinuon ang aking paningin sa kisame.Kadadating lang namin ni Kaday galing sa silid ni Senyorita Lucia at gaya ng sabi ng matanda ay kamukha nga ito ni mommy.Marahil ay totoo nga ang lahat na kaniyang sinabi na ako at si Luna ay iisa ,na ako ay nagbalik sa aking nakaraang buhay upang baguhin ang masalimuot nitong kasaysayan.Ngunit papaano ko sisimulan ang aking mission?Dapat ko bang kausapin si Don Rafael-- si ama na makipagbati na siya sa mga De Leon?O Dapat kong kitain si Ginoong Gregor at pakiusapan na sabihan ang kaniyang ama na tigilan na ang kung anong tu
A DAY IN LAS CASAS[KABANATA 5]Hanggang ngayon ay di parin ako nakakapagdesisyon kung ano ang dapat kong gawin. Tatlong araw na ang nakakalipas mula nung nagpadala ng liham si Ginoong Gregor. Di ko parin alam kong anong dapat kong gawin, ni hindi ko nga alam kung anong ibig niyang sabihin sa 'maghihintay' thing na yun.Bakit naman niya ako hihintayin?Saka, saan ba?"Binibini, wala ka ba talagang gagawin?" Pangungulit sa akin ni Kaday. Walang oras na hindi niya tinatanong yan sa akin mula nung nagpadala ng liham ang Ginoo."Bakit? Ano ba ang dapat kong gawin?" Tanong koDi makapaniwala niya akong tinitigan.

"Hindi mo ba ako nakikilala, Mahal ko?"Mahal ko...Mahal ko....(Maghihintay ako, Mahal ko...)Nang mag-sink na sa utak ko ang lahat ay bigla nanlaki ang magkabilang mga mata ko. Tila isang milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan. Nanlalamig ang buo kong sistema at tila naging blangko ang aking isipan. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko ngayon si Ginoong Gregor at mas lalong hindi ko inaasahan na sa ganitong pagkakataon ko siyang makikilala. Sa lahat ng pagkakataon, bakit ngayon pa?"Anong...Bakit-- ..."Hindi ko na lamang tinuloy ang aking sasabihin, dahil sa totoo lang ay hindi ko naman talaga alam kung ano ang dapat kong sabihi