Share

Kabanata 3

Author: Maecici
last update Huling Na-update: 2020-08-27 08:07:28

A DAY IN LAS CASAS

[KABANATA 3]

Habang tinatahak namin ang napakahabang pasilyo, napansin kong lahat ng dinaraanan namin ay may nakasabit na lumang larawan ng mga lalaki at babae. Marahil ay ito ang mga ninuno ng pamilyang Vergara at pamilyang Hidalgo.

Lubang kahanga-hanga ang mga letrang nakaukit sa ilalim nito na hindi ko naman nauunawaan. Ngunit ang lubos na naka-agaw ng aking atensyon ay ang solar system na inukit gamit ang kahoy na nakasabit sa dingding.

"Kay galing naman ng umukit rito" wala sa sarili kong banggit at hinawakan ito.

"Oo nga binibini, kay galing mo" nakangiting sagot sakin ni Kaday na nasa likuran ko.

Hindi ko inasahan na magaling pala sa ganitong bagay si Luna.

Akala ko ay isa lamang siyang simple, mabait at mahinhin na dalaga.

Kung ako ay sa pagpipinta ay siya naman sa pag-ukit. Gusto ko siyang makilala...pero

Nasaan na nga ba siya?

Nagpatuloy kami sa paglalakad at ng marating na namin ang dulo ng pasilyo ay huminto kami.

Biglang bumukas ang pintuan ng silid sa aming harapan at lumabas rito ang lalaking pumunta kanina sa aking silid.

"Binibini, pumasok na kayo sa loob" aniya at yumuko pagkatapos

Lumakad ako papasok sa pintuan at nang napansin kong hindi sumunod si Kaday ay binalingan ko siya ng tingin.

"Bakit nandiyaan ka lang?"tanong ko

"Paumanhin binibini, ngunit --"

pinutol ng lalaki ang pagsasalita ni Kaday

"Hindi siya maaaring pumasok sa loob" pagpapatuloy nito.

Ay. Sayang naman.

Kumakabog ang aking dibdib habang papasok sa loob.

Wala kasi akong kaide-ideya kung anong klaseng tao ang ama ni Luna. Kung gaano ito ba ka-sungit at ka-strikto.

Ano kayang itsura ng kanyang ama?

Wala kasi akong nakitang larawan sa buong parte ng bahay na napuntahan ko.

Nagpalinga-linga ako sa buong paligid. Kulang ang salitang maganda kung ilalarawan mo ang kabuuan ng aklatan. Lahat ng bookshelf ay puno ng iba't ibang libro. May mga painting rin na nakasabit sa dingding.

Para akong nasa isang public library sa dami ng libro sa paligid.

Sumunod ako sa lalaki kanina, mayordomo ata ni Don Rafael. Tumigil kami sa tapat ng mga kasaysayang libro at may hinawakan siyang kung ano sa ilalim nito at bigla itong bumukas.

"Narito ka na pala anak." Ani ng lalaking napakalalim ang boses.

Sa mga sandaling iyon ay nangangapa ako ng maaring isagot nang makita ko ang pinanggalingan ng malalim na boses.

S-si D-daddy..

Kamukha ni Don Rafael si Daddy?

Kung ganoon ay..maari ring kamukha ni mommy ang ina ni Luna?

Ayaw mag sink sa utak ko ang aking mga nakita.

Di ako makapaniwala. Tatlong taon nang hindi ko nakikita si daddy sapagkat siya ay pumanaw na. At ngayon nasa harapan ko ang kamukhang-kamukha niya? Papaano ako mag rereact?

"Anak ayos ka lang ba?Halika, umupo ka rito" ani ni Don Rafael na nagpabalik sa akin sa realidad.

Wala sa sarili akong umupo sa upuan ng tinuro niya.

"Da---Ama" saad ko at yumuko pagkatapos

"Rinig kong nahimatay ka raw?  " nagtaas ako ng tingin sa kanya "Hindi ba't sinabihan na kita na ingatan mo ang iyong sarili? Nakakalimutan mo na bang ikaw lamang ang nag-iisang tagapagmana ng yaman ng Vergara?Paano kung may nagyaring masama sa iyo? Kanino ko ipapamana lahat ng 'to? " aniya sa iritadong boses

Yumuko lamang ako at humingi ng tawad. Hindi ko rin naman alam kung ano ang aking gagawin at sasabihin.

Ilang saglit lang ay narinig kong nagbuntong-hininga siya.

"Sa susunod doblehan mo ang pag-iingat" aniya sa mahinahong boses

"Masusunod ho ama"

"Makakabalik ka na sa iyong silid o saan mo gustong pumunta basta't isama mo si Kaday at magsama ka ng limang guwardya"

Tumango ako bilang tugon at tumayo sa kinauupuan ko.

Napatigil sa ako sa paglalakad ng may naalala ako.

"Ama, maaari bang makita ko si ina?" Tanong ko na ikinagulat niya

"Hindi ba't ayaw mo siyang paliging nakikita? Kasi naiiyak ka lamang?" Aniya

"Ngunit, nais ko ho siyang makita" may ikokompirma lang ako

"Sige, kung iyan ang iyong nais"

Nasaan ang kaniyang silid? Gusto ko sanang itanong ngunit wag nalang, kay Kaday ko na lamang itatanong mamaya.

"Salamat, Mauna na ho ako Ama"

Pigil hininga kong nilisan ang silid na iyon at nakahinga lamang ako ng maluwag ng madaanan ko si Kaday sa kusina.

"Kaday saan ka pupunta?" Tanong ko rito ng makita abala sa pagkuha ng mga basket

"Pupunta ako sa pamilihan, binibini." Sagot niya

"Maari ba akong sumama?"

"Oo naman, O siya maghanda kana. Maya-maya ay aalis na tayo pagkatapos kong ayusin ito at magpalaam sa iyong ama na sasama ka"

Kumilos kaagad ako. Tinakbo ko ang napakahabang hagdanan papunta sa aking silid at diretsong tumungo malaking salamin at pinagmasdan ang buo kong katawan. Nang makita kong ayos na ang aking damit ay mukha ko na lamang ang aking inayusan.

Kumuha ako ng kaunting pulbo sa drawer at nilagay ito sa aking mukha. May nakita akong lalagyan ng face powder ngunit ang laman nito ay kulay rosas. 

Lipstick ata sa panahon nila kaya naglagay ako ng kaunti sa aking labi.

"Kaday." Ani ko habang nakasakay kami sa kalesa

"Bakit binibini?"

"May hihingin sana akong pabor. Maaari mo ba akong samahan kay ina? Nais ko siyang makita" 

Gaya ni Don Rafael ay nagulat rin siya ng itanong ko iyon.

Ganoon ba kasakit para sa Luna na magkasakit ang kaniyang ina na hindi man lang niya ito kayang makita?Hindi ba niya kayang tiisin ang sakit na kaniyang mararamdaman tuwing nakikitang nahihirapan ang kaniyang ina? Hindi ba dapat mas alagaan niya ito at bigyan ng pansin habang maaari pa nila itong makapiling? Hindi gaya ko, gaya namin ni mommy at ate Risha na kailan man ay hindi na namain makakapipiling ulit si daddy kasi matagal na siyang pumanaw.

Swerte ako dahil may nakikita ako ngayon na kamukhang-kamukha ni daddy kahit di ko nararamdaman ang presensiya ni daddy sa kanya. Sa tingin ko ay masyado silang magkaiba ng ugali. Si Daddy ay lahat ng kaniyang mga salitang binibitawan ay mararamdaman mo ang kaniyang pagka mahinahon at pagmamahal para sa iyo habang si Don Rafael ay parang pasan palagi ang mundo, may bahid ng pagka-irita ang lahat ng kaniyang mga salita.

Kay ganda naman ng kanilang pamilihan, kakaunti lamang mga taong makikita mo, hindi masikip gaya ng mga pamilihan sa taong 2020. Wala ka ring makikitang nanglilimos at mga palaboy sa daan. Masagana ang lahat. Walang nag-aaway, walang nagsisigawan, walang naghahabulan dahil walang nagnanakaw. Lahat ng mga nagtitinda ay may ngiti sa kanilang mga labi.

"Binibini... kilala mo ba ang matandang iyon?" Tanong ni kaday habang may tinuturo sa kung saan

"Saan?" Tanong ko pabalik.

"Ayun"

Hindi na ako nag abalang tignan ng maigi ang matanda nasisigurado ko namang hindi ko kilala yun. Hindi ako taga rito. Haler. Taga taong 2020 ako. Ipaliwanag mo nga sakin papaano ako nagkaroon ng kakilala rito.

"Hindi kaday."

Nagpatuloy na ulit kaming namili ng bibilhin. Lumapit ako lalagyan ng mga prutas at kumuha ng sampung pirasong mansanas at limang piraso na hinog na mangga.

"Ang dami mo namang kinuhang mansanas, binibini. Mauubos mo ba lahat iyan?" Tanong ni Kaday matapos makita ang mga bitbit kong prutas.

"Oo naman. Kahit ubusin ko to nang isang araw, makakaya ko."

Binayaran ni Kaday ang lahat na kinuha ko at mga pinamili niya.

Pagkatapos ay naglakad kami pabalik sa kalesa.

"Binibini, hindi mo ba talaga ang kilala ang matandang yun?" Ani kaday

"Hindi, bakit naman?"

"Mula kanina ay hindi ka parin niya nilulubayan ng tingin eh. Ako'y natatakot na sa kanya." Aniya at nagkunwaring nanginginig sa takot

"Baka naman hindi sa akin nakatingin Kaday. Malay mo sa iyo pala, kilala mo ba?" Saad ko

"Hindi, binibini"

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Di ko lang alam kung ano.

Binalingan ko ng tingin ang matandang sinasabi ni Kaday na kanina pa hindi kami--ako nilulubayan ng tingin.

Lubos akong nagsisisi na ngayon ko lamang binigyan ng pansin ang matanda.

Nang makita ng matanda na nakatitig ako sa kanya ay dali-dali siyang tumalikod at naglakad papalayo. Awtomamtiko kong binigay kay Kaday ang mga dala kong prutas at tumakbo upang sundan ang matanda.

Natitiyak kung siya yun!

"Binibini! Saan ka pupunta?" Sigaw ni Kaday sakin habang pinipilit na humabol sa akin 

"Diyan ka lang! Wag mo na akong sundan. Babalik ako!" Sigaw ko 

Pagliko ng matanda sa isang maliit na eskinita ay hindi ko siya sinundan bagkus ay nag iba ako ng daan.

"Nahuli rin kita" nakangising ani ko at nihawakan siya sa pulso

Di ko alam ko paano ko nalaman/ naisip na ang daan na tinahak ko at daan na pinasukan ng matanda ay iisa lamang ang dulo. Hindi bale na ang mahalaga ay maka-usap ko ag matandang to. Pakiramdam ko kasi ay may alam siya kung sino ako at maaari ring masagot niya ang mga katanungan ko.

"B-bitawan m-o ako!" Ani ng matanda at halatang nasasaktan siya sa pagkakahawak ko

"Bibitawan lamang kita kung mangangako kang di mo ako tatakasan at sasagutin mo ang LAHAT ng katanungan ko" 

Saad ko at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya

"Oo p-pa-pangako" marahas kong binitawan ang kanyang kamay. Sumandal ako sa kahoy na

nasa aking likuran at pinagkrus ang magkabila kong braso

"Kilala mo ako, hindi ba? dahil kung hindi, ay hindi mo ako tatakbuhan na parang daga na inuusig ng pusa." Mahinahong saad ko ngunit napatadyak ako sa lupa nang makuha nitong tumawa ng malakas.

"Sino ba ang hindi makakakilala sa iyo binibini? Anak ka ni Don Rafael, ang isa sa  pinakamayang tao sa Pampanga. Ikaw ang nag-iisang tagapagmana ng Vergara."

Aniya

"Hindi iyan ang tinutukoy ko.

Kilala mo ako, hindi sa katauhan na ito kundi sa totoong ako!!" Sabi ko at napasigaw sa huling linyang sinaad ko.

"Ikaw yung matandang babae na Las Casas hindi ba?Sagutin mo ako!!!!" Dagdag ko pa

"Wala ng saysay kong ako'y magtatago pa." 

Ngumisi siya ng napakalapad kaya nabuhay ang kaba sa aking dibdib 

"Mabuti naman at narito kana......Ruby" aniya

Kahit may kutob akong may alam siya ay di ko parin mapigilang magulat ng banggitin niya ang totoong pangalan ko.

Tinago ko sa aking likuran ang nanginginig kong kamay at taas noong tumingin sa kanya.

"Anong ginawa mo sakin? Paano ako napunta sa mundong ito, sa panahong ito?" Sunod-sunod kong tanong

"Tinulungan lamang kita." Aniya

"Tinulungan? Saan? Ano ba sagutin mo ako ng maayos!" Naiinis kong saad

"Nasaan ang totoong Luna? Pinatay mo ba siya para makapunta ako sa mundo niya?

Para iisang Luna lamang ang makita nila?" Tanong ko

"Hindi ka napunta sa ibang mundo binibini. Nagbalik ka lamang sa iyong nakaraan"

"N-nakara----

"Wala akong pinatay, Ruby.

Ikaw at si Luna ay iisa. Ang buhay na ito ay ang iyong buhay sa nakaraan. Hindi mo ba napapansin ang mga tao sa paligid mo? Si Don Rafael, kamukhang kamukha siya ng iyong ama at ganundin si Senyorita Lucia at iyong ina sa kasalukuyan."

Sa mga sinabi niya ay mas lalo akong nalito. Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi.

Isa lamang ang dapat kong gawin, kailangan kong makita si Senyorita Lucia---ang ina ni Luna,

Ang ina ko sa panahon na ito gaya ng sinasabi ng matanda.

"Kung buhay ko nga ito sa nakaraan. Bakit wala akong kapatid? Bakit ako lamang ang nag-iisang anak ng mga Vergara rito? May kapatid ako sa kasalukuyan!" Giit ko

"Isa lamang ang ibig sabihin niyan binibini, hindi mo totoong kapatid ang tinuturi mong kapatid sa kasalukuyan" sagot niya

"H-how? Baka naman pinagloloko ko lamang ako" hindi makapaniwalang ani ko

"Bakit naman ako magloloko binibini, ano naman ang makukuha ko roon? Tsaka hindi ba't kailangan mo ng kasagutan?"

Napagbuntong-hininga na lamang ako. Tama siya. Kailangan ko ng kasagutan kaya kahit mahirap paniwalaan ay kailangan kong maniwala para maka-survive ako sa panahong ito.

"Sabihin na nating naniniwala na ako, na ako at si Luna ay iisa, na nagbalik ako sa aking nakaraan " pumikit ako saglit at humingang malalim "Pero bakit ako nandito? Bakit ako nagbalik? May kailangan ba akong gawin? Paano ba ako makakabalik sa kasalukuyan?" Sunod-sunod kong tanong.

"Kailangan mong baguhin ang nakaraan at kapag nabago mo na ito ay makakabalik kana sa kasalukuyan."

"Pa-paano?

"Sa nakaraan, namatay si Ginoong Greg dahil sinalo niya ang balang dapat para sa iyo. Naging dahilan iyon ng pagdanak ng dugo sa buong Pampanga."

W-what?

Ginoong Greg? Sinasabi na nga bang siya ang dahilan.

"Paano ko mababago yun? Anong dapat kong gawin?" Tanong ko

"Kailangan mong mapag-bati ang dalawang Pamilya : Ang Vergara at De Leon."

"Paano? E kay Don Rafa--kay ama pa lamang ay kinakabahan na ako kapag kaharap ko siya, yung mga De Leon pa kaya na di ko pa nakikilala at di ko alam kung anong klaseng tao sila." 

Di ako makapaniwala.

Bakit kailangang ako ang magbago? Bakit kailangang ako pa?

Di porket sinalo ni Ginoog Greg ang balang para sa akin ay responsibilidad ko na ang lahat?

"Kailangan mong tatagan ang iyong loob. Kailangan mong maging matapang dahil kung hindi ay makukulong ka sa panahon na ito at hindi na kailanman makakabalik sa kasalukuyan."

"Wala na bang ibang paraan?" Nagmamakaawa kong tanong

"Iyon lamang binibini."

Tulala akong naglakad pabalik sa kinaroroonan nila Kaday at agad pumasok sa loob ng kalesa na di pinapansin ang mga tanong ni Kaday sa akin. 

Kaugnay na kabanata

  • A Day In Las Casas ( FILIPINO)   Kabanata 4

    A DAY IN LAS CASAS[KABANATA 4]Pagkadating sa aking silid ay agad kong sinalampak ang buo kong katawan sa higaan at tinuon ang aking paningin sa kisame.Kadadating lang namin ni Kaday galing sa silid ni Senyorita Lucia at gaya ng sabi ng matanda ay kamukha nga ito ni mommy.Marahil ay totoo nga ang lahat na kaniyang sinabi na ako at si Luna ay iisa ,na ako ay nagbalik sa aking nakaraang buhay upang baguhin ang masalimuot nitong kasaysayan.Ngunit papaano ko sisimulan ang aking mission?Dapat ko bang kausapin si Don Rafael-- si ama na makipagbati na siya sa mga De Leon?O Dapat kong kitain si Ginoong Gregor at pakiusapan na sabihan ang kaniyang ama na tigilan na ang kung anong tu

    Huling Na-update : 2020-09-01
  • A Day In Las Casas ( FILIPINO)   Kabanata 5

    A DAY IN LAS CASAS[KABANATA 5]Hanggang ngayon ay di parin ako nakakapagdesisyon kung ano ang dapat kong gawin. Tatlong araw na ang nakakalipas mula nung nagpadala ng liham si Ginoong Gregor. Di ko parin alam kong anong dapat kong gawin, ni hindi ko nga alam kung anong ibig niyang sabihin sa 'maghihintay' thing na yun.Bakit naman niya ako hihintayin?Saka, saan ba?"Binibini, wala ka ba talagang gagawin?" Pangungulit sa akin ni Kaday. Walang oras na hindi niya tinatanong yan sa akin mula nung nagpadala ng liham ang Ginoo."Bakit? Ano ba ang dapat kong gawin?" Tanong koDi makapaniwala niya akong tinitigan.

    Huling Na-update : 2020-09-01
  • A Day In Las Casas ( FILIPINO)   Kabanata 6

    "Hindi mo ba ako nakikilala, Mahal ko?"Mahal ko...Mahal ko....(Maghihintay ako, Mahal ko...)Nang mag-sink na sa utak ko ang lahat ay bigla nanlaki ang magkabilang mga mata ko. Tila isang milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan. Nanlalamig ang buo kong sistema at tila naging blangko ang aking isipan. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko ngayon si Ginoong Gregor at mas lalong hindi ko inaasahan na sa ganitong pagkakataon ko siyang makikilala. Sa lahat ng pagkakataon, bakit ngayon pa?"Anong...Bakit-- ..."Hindi ko na lamang tinuloy ang aking sasabihin, dahil sa totoo lang ay hindi ko naman talaga alam kung ano ang dapat kong sabihi

    Huling Na-update : 2020-09-05
  • A Day In Las Casas ( FILIPINO)   Kabanata 7

    NAPAIWAS agad ako ng tingin kay Gabriel nang magtagpo ang aming mga mata. Hanggang ngayon ay nanginginig parin ang aking mga paa. Muntikan na talaga. Buti nalang, malayo ang kinaroroonan ni Gabriel sa amin kaya nagawa kong itulak kaagad si Ginoong Gregor at umalis sa lugar na iyon dahil kung hindi ay paniguradong magkakaroon ng malaking gulo lalo't hindi nag-iisa si Gabriel nang hanapin ako, kasama niya ang iilan sa mga tauhan ni Ama na natitiyak kong magsusumbong sa kaniya na kasama ko ang isa sa mga De Leon."Luna! Tapos ka na bang gumamit ng palikuran?" Tanong ni Gabriel matapos makita at nilapitan ako."Paumanhin kung ikaw ay aking naabala. Napag-utusan lamang ako ng iyong Ama sapagkat siya ay naiinip na sa pag-aantay sa iyong pagbalik." Muli niyang saad nang kaniyang napuna na hindi ako umiimik. Nakatitig lamang ako sa kanya."Luna?""Luna?""Luna?" Napakurap ako bigla sa gulat nang

    Huling Na-update : 2020-10-03
  • A Day In Las Casas ( FILIPINO)   Kabanata 1

    A DAY IN LAS CASAS[ KABANATA 1 ]KASABAY ng pagbuhos ng malakas na ulan ay siya ring pagtulo ng aking mga luha saking mga pisngi.Ugh. I hate it!I wiped away my tears at nilagay sa drawer ang ginuhit kong buwan na siyang dahilan ng aking pagluha.I don't know kung bakit ako nagkakaganito pero isa ang nasisigurado ko. It was almost 1 month since I saw a photograph of a moon in the internet. Sobra akong nagandahan kaya ang ginawa ko ay naghanap ako ng ibang pictures na may moon.While I was searching, I saw a paint of a moon with a girl watching on it. That time para bang bigla tumigil ang oras at napaluha akong tinitignan ito.Since then, nakikita ko nalamang ang sarili ko na ginuguhit ang painting na yun habang umiiyak. Lagpas bente na nga ang mga copies ko nun e

    Huling Na-update : 2020-08-26
  • A Day In Las Casas ( FILIPINO)   Kabanata 2

    A DAY IN LAS CASAS[KABANATA 2 ]"BINIBINI...BINIBINI..."Nagising ako sa mahimbing kong pagtulog dahil sa ingay ng isang babaeng sinusubukang gisingin ako.Nakapikit kong kinuha ang unan na nasa tabi ko at tinakip ito saking tainga at tumagilid."Ate.. ano bang trip mo? Wala akong pasok ngayon kaya wag mo akong gisingin" inaantok kong saad"Patawad binibini, ngunit kailangan mo nang bumangonalas syete na ng umaga. Mapapagalitan ka na naman ng iyong ama kapag nalaman niyang tanghali ka na namang nagising"Nyenyenyenye.

    Huling Na-update : 2020-08-27

Pinakabagong kabanata

  • A Day In Las Casas ( FILIPINO)   Kabanata 3

    A DAY IN LAS CASAS[KABANATA 3]Habang tinatahak namin ang napakahabang pasilyo, napansin kong lahat ng dinaraanan namin ay may nakasabit na lumang larawan ng mga lalaki at babae. Marahil ay ito ang mga ninuno ng pamilyang Vergara at pamilyang Hidalgo.Lubang kahanga-hanga ang mga letrang nakaukit sa ilalim nito na hindi ko naman nauunawaan. Ngunit ang lubos na naka-agaw ng aking atensyon ay ang solar system na inukit gamit ang kahoy na nakasabit sa dingding."Kay galing naman ng umukit rito" wala sa sarili kong banggit at hinawakan ito."Oo nga binibini, kay galing mo" nakangiting sagot sakin ni Kaday na nasa likuran ko.Hindi ko inas

  • A Day In Las Casas ( FILIPINO)   Kabanata 2

    A DAY IN LAS CASAS[KABANATA 2 ]"BINIBINI...BINIBINI..."Nagising ako sa mahimbing kong pagtulog dahil sa ingay ng isang babaeng sinusubukang gisingin ako.Nakapikit kong kinuha ang unan na nasa tabi ko at tinakip ito saking tainga at tumagilid."Ate.. ano bang trip mo? Wala akong pasok ngayon kaya wag mo akong gisingin" inaantok kong saad"Patawad binibini, ngunit kailangan mo nang bumangonalas syete na ng umaga. Mapapagalitan ka na naman ng iyong ama kapag nalaman niyang tanghali ka na namang nagising"Nyenyenyenye.

  • A Day In Las Casas ( FILIPINO)   Kabanata 1

    A DAY IN LAS CASAS[ KABANATA 1 ]KASABAY ng pagbuhos ng malakas na ulan ay siya ring pagtulo ng aking mga luha saking mga pisngi.Ugh. I hate it!I wiped away my tears at nilagay sa drawer ang ginuhit kong buwan na siyang dahilan ng aking pagluha.I don't know kung bakit ako nagkakaganito pero isa ang nasisigurado ko. It was almost 1 month since I saw a photograph of a moon in the internet. Sobra akong nagandahan kaya ang ginawa ko ay naghanap ako ng ibang pictures na may moon.While I was searching, I saw a paint of a moon with a girl watching on it. That time para bang bigla tumigil ang oras at napaluha akong tinitignan ito.Since then, nakikita ko nalamang ang sarili ko na ginuguhit ang painting na yun habang umiiyak. Lagpas bente na nga ang mga copies ko nun e

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status