"Cece, nakita mo ba 'yong bagong lipat na lalaki diyan?" tanong ng kaibigan niyang sa Tashia. Hapon na ng maisipan nilang lumabas saglit para bumili ng milktea. Unti-unti ng nagiging kahel ang kalangitan, gusto niya sanang pagmasdan ang papalubog na araw kaso wala namang perfect spot sa lugar nila para pag-puwestuhan. May mga pagkakataon talaga na hindi niya maintindihan si Tashia, minsan sobrang seryoso nito pero minsan madaldal din, tulad ngayon. May hawak-hawak itong matcha flavored milktea, maitim at mahaba ang buhok nito, maputi at may kapayatan. Nasa iisang compound lang sila, madalas niya itong kasamang tumambay sa labas. "Oo," sagot niya bago humigop sa straw ng milktea niyang taro flavored. Ngayon niya lang nakitang nagningning ang mga mata nito, "Talaga? Gwapo ba siya?" Pinagningkitan ng mga mata ni Clover ang kaibigang si Tashia. Hindi na nga niya iniisip ang tungkol sa lalaking iyon kasi lalo lang siyang naco-curi
Read more