Share

Favorite Notification
Favorite Notification
Author: YourMissPatatas

Chapter 1

last update Last Updated: 2020-08-22 23:03:57

Ikadalawang linggo ng bakasyon, nakangiting bumangon si Clover sa kama niya at nag-inat. Handang-handa na siyang harapin ang panibagong araw na binigay sa kaniya ng Panginoon. 

"Good morning, God!" masiglang bati niya habang nakatingin sa itaas. 

Nakasanayan niya ng batiin ang Panginoon tuwing imumulat niya ang kaniyang mga mata. Everytime she wakes up in the morning, hindi nawawala ang kaniyang ngiti sa labi. Dabil binigyan pa siya ng biyaya upang magising muli, at pagkakataong mag-enjoy sa buhay. 

Napatingin siya sa kaniyang kanan, makikita roon ang study table niya kung saan nakalagay ang kaniyang cellphone. Mabilis na kinuha niya ito at nag-open ng Facebook. Hindi niya na muna pinansin ang mga notifications at messages dahil magpo-post pa siya.

"Good morning, Sunshine! Don't forget to spread your lips. SMILE!" 

Nakangiti niyang ibinalik ang cellphone sa study table. Clover decided not to check her messages for the time being, because she knows that most of them are from guys who want to court her. She believes that courting through social media would never seem appropriate in God's eye. Isang malaking HINDI iyon para sa kaniya. Paano mo malalaman kung sincere talaga ang tao sa panliligaw sa 'yo kung pangalan at pictures niya lang ang nakikita mo? Ugh. 

Umiling-iling na inayos niya ang kaniyang kama, pagkatapos ay pumunta na siya sa sulok ng kaniyang kwarto kung saan makikita ang isa pang mesa na naglalaman ng gamit para sa katawan at mukha. Nang kukunin niya na sana ang suklay ng mapahinto siya nang makita ang isang magandang pigura na nakatingin sa kaniya. 

"Alam mo, mas lalo kang gumaganda," wika niya sa harap ng salamin habang hinahaplos ang kaniyang malulusog na pisnge. 

Kinuha niya ang itim na suklay at isinuklay iyon sa brown at medyo kulot na buhok niya na namana niya pa sa kaniyang ina.

Nag-hilamos muna siya bago bumaba para kumain. Kanina niya pa naririnig na nagmamakaawa itong tiyan niya. Kailangan niya na itong pakainin. Nang makababa ay dumiretso agad siya sa kusina at doon niya nakita ang ina niya na ngayon ay nagtitimpla ng orange juice. 

Nakasuot ito ng leggings at isang nike na shirt. Malamang ay nag-jogging na naman ito. Nakagawian na ng ina ang mag-exercise kahit once a week lang. Kailangan daw ng katawan natin iyon, pero tuwing tumitingin siya sa salamin at pinagmamasdan ang hulma ng katawan niya ay naiisip niyang hindi niya na kailangan pang mag-exercise. Sa paningin ng kaniyang magagandang mata ay tama na ang katawan niya para tawaging 'sexy.'

"Good morning, ma!" bati niya sabay beso. 

"Maupo ka na riyan, kakain na tayo," utos nito.  

Silang dalawa lang ng kaniyang ina ang naroon sa bahay. Ang ama niya ay nagta-trabaho bilang isang seaman, kaya once or twice a year lang ito kung umuuwi, depende rin sa kontrata. 

"Siyanga pala, may bagong lipat diyan sa katabing-bahay," imporma ng ina na ngayon ay naglalagay ng kanin sa plato. 

Itinaas niya ang kaniyang paa at ipinatong ito sa inuupuan. Hindi niya rin alam pero sobrang komportable siya sa ganoong posisyon.

"Talaga? Sino raw?" tanong niya.

"Hindi ko alam, makiki-chismis nga ako mamaya sa labas," saad nito.  

Napadako at naningkit ang mga mata nito sa paa niyang nakapatong sa upuan, "Kailan mo pa ba 'yan titigalan, Cece? Kababae mong tao, ganiyan ka umupo!" 

Nagulat siya sa boses nito kaya bigla niyang naibaba ang paa, "Ma, ang sarap kayang kumain kapag gano'n ang posisyon," kontra niya.

"Masarap kumain? Bakit iyang paa mo ba ang kumakain o iyang bunganga mo?" Idinuro siya nito. 

"Oo na!" inis niyang sagot. Ayaw niya ng kontrahin ang ina dahil nasa harap sila ng pagkain ngayon, masama iyon. 

Mahirap talaga kapag day off ng ina, minsan lang sila magsabay kumain, lahat nakikita pa.

Nagta-trabaho ang kaniyang ina sa city hall kaya tuwing linggo lamang sila nagkakasama. Minsan na nga lang mag-day off, madalas niya pa itong makita sa labas na nakikipag-chismisan. Pero hindi niya na kinontra ang ina sa gano'ng bagay, naisip niyang kailangan din minsan nito maglibang.

Nang matapos kumain ay umakyat na siyang muli sa kwarto. 

"It's social media time!" bungad niya pagkapasok ng silid.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinignan isa-isa ang mga nag-message. Nang makita ang mga ito ay hindi nga siya nagkamali, mga lalaki iyon na tiyak na nagbabalak manligaw sa kaniya. 

Christian Tupaz: Good morning, Clover. 

Clover Clynn Delgado: Good morning? Tapos ano? Tatanongin mo ako kung ilang taon na ako, kung saan ako nakatira, kung may boyfriend ba ako? Tapos kapag sinabi kong wala, liligawan mo ako dito sa chat? Ilang minuto palang ang nakalipas tatanongin mo ako kung tayo na ba? Anong klaseng panliligaw 'yon? It's a NO.  

Christian Tupaz: Gusto ko lang naman sana na maging magkaibigan tayo. 

Clover Clynn Delgado: Maging magkaibigan? Tapos after a week sasabihin mong gusto mo na maging magka-ibigan tayo? There's a difference between the two, pero diyan nagsisimula lahat ng sakit na nararanasan ng tao. Also, I have branches of friends. Hindi mo na kailangang dumagdag pa. 

Nasanay na siya na may mga taong ganiyan kaya inunahan niya na. Nag-copy paste nalang siya sa chinat niya sa Christian na 'yon para i-send pa sa ibang nagcha-chat sa kaniya. 

Tinignan niya ang post niya kanina at nakitang nasa 500+ reacts na ito at may 200+ na comments. Minsan nagugulat nalang siya kung bakit sobrang daming reactor niya sa facebook.

Tinignan niya ang profile niya, "Sobrang ganda mo na ba talaga?" tanong niya habang nakikipagtitigan sa picture niya. 

Naagaw ang kaniyang atensiyon sa ingay na magmumula sa labas ng bahay kaya dali-dali siyang nagtungo sa bintana ng kwarto niya at sumilip. Sobrang lapit lang ng kabilang bahay sa kanila, mga ilang hakbang lang kaya hindi nakakapagtaka na noon ay may naririnig siyang mga ungol na nanggagaling sa kwartong nasa tapat lang din ng kaniyang kwarto. Ilang araw din iyon kaya hindi siya makatulog dahil sa curiosity kung ano bang nangyayari sa kwartong iyon. 

Napadako ang tingin niya sa kwarto ng kapit-bahay nila na pinanggagalingan ng mga ungol noon, nakita niya ang isang bulto ng lalaki na nakatalikod sa kaniya. Na-curious tuloy siya sa hitsura nito kaya gumamit siya ng spell niya. 

"Gamit ng kagandahan ko, inuutusan kitang humarap, ngayon na!" Winagay-way niya pa ang kamay niya sa ere na para bang may hawak na magic wand.  

Na-dismaya si Clover dahil kahit side-view man lang ay hindi nagtagumpay ang kapangyarihan ng kagandahan niya. Sinubukan niyang muli pero bigo pa rin siya, hanggang sa tuluyan nang umalis ang binata. 

"Hays nakakainis! Bakit hindi sa kaniya gumana samantala effective naman 'to sa ibang mga lalaki?" inis siyang tumalikod at umalis patungong higaan. Hindi man normal sa paningin ng iba pero nakasanayan na ni Clover gamitin ang spell niya kuno kapag nakakaramdam ng curiosity sa hitsura ng isang lalaki. Nakakapagtakang hindi tumalab ang powers niya sa lalaking 'yon. 

"Siguro kulang lang sa emosyon?" tanong niya sa sarili. 

Muli siyang naupo sa kama, hindi maalis sa isip ni Clover ang likod ng lalaki. Hindi niya tuloy maiwasang makaramdam ng inis sa dahil sa matinding kuryusidad na nararamdaman. Ngunit ang kinaiinisan pa ng dalaga ay ang katotohanang limitado ang powers ng kagandahan niya. At pinatunayan iyon ng lalaking kapit-bahay niya. 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
kurniamamang
This is one of the best story I've read so far, but I can't seem to find any social media of you, so I can't show you how much I love your work
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Favorite Notification   Chapter 2

    "Cece, nakita mo ba 'yong bagong lipat na lalaki diyan?" tanong ng kaibigan niyang sa Tashia. Hapon na ng maisipan nilang lumabas saglit para bumili ng milktea. Unti-unti ng nagiging kahel ang kalangitan, gusto niya sanang pagmasdan ang papalubog na araw kaso wala namang perfect spot sa lugar nila para pag-puwestuhan.May mga pagkakataon talaga na hindi niya maintindihan si Tashia, minsan sobrang seryoso nito pero minsan madaldal din, tulad ngayon. May hawak-hawak itong matcha flavored milktea, maitim at mahaba ang buhok nito, maputi at may kapayatan. Nasa iisang compound lang sila, madalas niya itong kasamang tumambay sa labas. "Oo," sagot niya bago humigop sa straw ng milktea niyang taro flavored.Ngayon niya lang nakitang nagningning ang mga mata nito, "Talaga? Gwapo ba siya?" Pinagningkitan ng mga mata ni Clover ang kaibigang si Tashia. Hindi na nga niya iniisip ang tungkol sa lalaking iyon kasi lalo lang siyang naco-curi

    Last Updated : 2020-08-22
  • Favorite Notification   Chapter 3

    Kung kanina ay nagtatalo ang isip niya niya kung ia-add niya ba ito, ngayon naman ay kung ime-message niya ba. Mukha namang mabait itong tao kaya baka okay lang na i-chat niya. Pipindutin pa sana niya ang messager app ng biglang tumunog ang notification at lumabas ang isang chat head.Percy Wilson: Hi! Clover Clynn Delgado: Hello. Percy Wilson: Akala talaga nila mag-jowa tayo. Clover Clynn Delgado: Oo nga e. Mukhang napaniwala natin sila. Hahaha! Percy Wilson: Ang galing mo kasi e. Clover Clynn Delgado: Oy! Hindi kaya. Hindi ko naman magagawa 'yon kung wala ka. Percy Wilson: Pa-humble, sige na nga. HAHAHA! Clover Clynn Delgado: Bye the way napadaan ako saglit sa wall mo. Nakita ko ang laman nito, ang creepy. Percy Wilson: I'm sorry. Nat

    Last Updated : 2020-08-28
  • Favorite Notification   Chapter 4

    Alas otso nang magising muli si Clover. Laking pasasalamat niya na hindi niya napanaginipan ang STICK-O na sinend sa kaniya ni Percy kanina. Isang oras niya ring inisip ang tungkol sa picture na 'yon. Hinihiling na sana hindi niya na lang iyon nakita.Pagka-open niya ng facebook at may nagulat siya ng makitang may 10 unread messages galing kay Percy. Isa-isa niyang itong binasa at napangiti siya dahil doon.Percy Wilson: Hala nag-out! Percy Wilson: Oyy bata! Nandiyan kapa? Percy Wilson: Hoyy! Percy Wilson: Ito naman, biro nga lang 'yon. Percy Wilson: Bata! Percy Wilson: Sorry na. Percy Wilson: Hindi ako matutulog hangga't hindi ka nag-o-online. Percy Wilson: S

    Last Updated : 2020-09-03
  • Favorite Notification   Chapter 5

    Araw ng Sabado, umaga palang ay nagising na si Clover para maglinis ng kaniyang silid. Nitong mga nakaraang araw ay kama nalang ang naayos niya dahil nawili na siya kaka-peysbok. Nakalimutan niyang ayaw na ayaw pala niya sa makalat na lugar. Sinalpak niya ang airpods sa kaniyang dalawang tenga at nagpatugtug ng, "Bad Guy" ni Billie Eilish. She loves music, so much that she cannot live without it. Ito ang bumubuo ng pagkataoo niya. Whenever she is sad, music is there. Maliban sa Ice cream ay ito rin ang nagiging kasangga niya sa kalungkutan. Sumasayaw at kumakantang nagwawalis siya ng sahig. Hindi siya magaling sumayaw, tama lang. Pero kung kantahan lang din ang labanan, hindi siya magpapatalo. "I'm a bad guy... Tororott tororottt tororott~" Giwang diyan, giwang dito ang ginagawa niya. Nang matapos siya sa kaniyang ginagawa ay naupo muna siya sa upuan na nasa kwarto. Umagang-umaga ay tagatak na ang pawis niya which

    Last Updated : 2020-09-03
  • Favorite Notification   Chapter 6

    Sabado ng hapon, habang kumakain ay biglang may naisipang kalokohan si Clover na tiyak gagawin niya mamaya kay Percy."I-prank ko kaya siya?" Nakangiting tugon niya sa sarili.Dali-dali niyang inubos ang pagkaing nasa harap niya at dinampot ang cellphone na nasa mesa.Nag-open siyang Facebook at saktong online pa si Percy. Clover Clynn Delgado: Woii! Percy Wilson: Yes, baby? Clover Clynn Delado: Baby mo mukha mo! Percy Wilson: Ba't napa-chat ka? Clover Clynn Delgado: May sasabihin sana ako, huwag kang mabibigla. Percy Wilson: What is it? Clover Clynn Delgado: Natatakot ako. Baka kasi i-judge mo ako. Percy Wilson: Ano nga kasi iyon?

    Last Updated : 2020-09-03
  • Favorite Notification   Chapter 7

    Nagising si Clover dahil sa nakakabulabug na tunog galing sa baba. Sobrang inaantok pa siya kaya tinakpan niya ang kaniyang tenga gamit ng puting unan na ginagamit niya. Pero kahit anong gawin niya ay nakakalusot pa rin ang tunog na iyon. Inis na napaupo siya sa kama, "Nagzu-zumba na naman siya panigurado." Nakalimutan niyang araw pala ngayon ng Linggo. Ibig sabihin narito ang mama niya. Hindi talaga siya nakakatulog ng mabuti kapag day-off nito. "Good morning, God!" bati niya habang nakatingin sa taas.Bumaba siya at doon nakita ang ina sa sala na ginagaya ang mga taong sumasayaw sa screen ng TV. "Gising kana pala, anak," masayang wika nito habang gumigiwang-giwang."Nagising lang naman ako dahil sa lakas niyang music niyo. Sana tinaasan niyo pa ang volume, nahiya pa kayo." Umirap siya at nagsimula ng maglakad papuntang kusina."Ikaw naman. Halika rito, sabayan

    Last Updated : 2020-09-03
  • Favorite Notification   Chapter 8

    Pagkatapos maglaba ni Clover ay saglit siyang nagpahinga. Makaraan ng limang minuto ay nag-open na siya ng Facebook. Nakalimutan niyang magpapalit pala sana siya ng profile kahapon. Once a month lang siya kung magpalit ng profile kaya dapat maganda talaga. Pinili niya ang kaniyang picture na naka-brown na cargo pants at isang sleeveless na shirt. Naglagay lang siya ng caption na, 'She's falling, doesn't even know it yet.' Na galing sa lyrics ng Night Changes by One Direction which is her favorite band, bias niya doon si Harry Style. |POSTED|Nasa isang minuto palang ay humakot na agad na ito ng 100 reacts. Dapat nga ay matuwa siya dahil dito ngunit hindi. Biglang nag-poop up ang isang chat head sa screen niya.Percy Wilson: She's falling, doesn't even know it yet? Sino tinutukoy mo diyan? Clover Clynn Delga

    Last Updated : 2020-09-03
  • Favorite Notification   Chapter 9

    Alas syete na ng matapos ni Clover ang kaniyang mga gawain . Tinapos niya na lahat ng sa gano'n ay malaya na siyang makakapag-chat kay Percy. Pagka-open niya ng Facebook ay napangiti siya ng malapad ng makitang may chat na ito.Percy Wilson: Hi baby! Clover Clynn Delgado: Bakit ba gusting-gusto mo akong tawaging baby? Percy Wilson: Nagpa-practice na. Clover Clynn Delgado: Confident ka talaga, ano? As if naman papatulan kita. Percy Wilson: Sure ako diyan. Limited edition lang kaya ako. Clover Clynn Delgado: Wala akong pakialam. Percy Wilson: Siyanga pala. Sabi mo kanina na-miss mo ako. Clover Clynn Delgado: May sinabi ba akong gano'n? Hindi ko matandaan. Percy Wilson: Hindi ba pweding kahit

    Last Updated : 2020-09-03

Latest chapter

  • Favorite Notification   Chapter 27

    Natapos ang tatlong buwan ng bakasyon, sa tatlong buwan na 'yon ay maraming nangyari sa buhay ni Clover. Malungkot man ay nangingibabaw sa kaniya ang saya, dahil sa pangyayaring iyon ay mas naging mas malakas silang lahat. Hindi lang siya ang nakakuha ng leksyon, pati na rin ang ina niya, si Tashia pati na rin si Christian. Simula noong mangyari iyon ay naging maayos na ang ugali niya siya sa social media, hindi lang sa lalaki pero pati na rin sa mga babae. Kung may nga natutunan man siya iyon ay dapat gamitin ng maayos ang social media, hindi dahil sikat ka ay mawawala na ang respeto mo sa kapwa mong gumagamit din nito. Hindi iyong tungkol sa kung gaano ka ka-sikat, pero kung paano mo tratuhin ang kapwa mo kahit sa social media lang 'yan. Maaaring hindi ka man niya makita, pero kapay iyan sinabihan mo ng masasakit na salita, walang pinagka-iba iyan kapag sinabihan mo sa personal. Masasaktan at masasaktan ang taong sinabihan mo. Lahat ng tao ay nas

  • Favorite Notification   Chapter 26

    Isang araw, nagising nalang si Clover na wala na ang sakit sa puso niya. Siguro dahil tinanggap niya na ang lahat-lahat, iniisip niyang lahat ng nangyari sa kaniya ay may rason. Hindi man naging madali sa kaniya ang pagtanggap na hindi totoo ang taong minahal niya, pero sa huli ay nakaya rin naman ng puso niya.Alas syete ng gabi, oras ng pag-uwi ng ina. Gusto niya itong kausapin, gusto niyang maayos na lahat ng sa gano'n ay hindi na sila nag-iiwasan.Kinakabahan siyang umupo sa sofa, hindi niya alam kung paano niya ito kakausapin. Abala siya sa pagiisip ng mga bagay na p'wede niyang sabihin pagkarating nito ng biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang kaniyang ina na may bitbit na isang bag.Dumiretsyo lang ang lakad nito, alam niyang nagpapanggap lang itong hindi siya nakita."Ma? P'wede ba tayong mag-usap?" tanong niya.

  • Favorite Notification   Chapter 25

    Pagkamulat niya ay bumungad agad sa kaniya ang isang puting kisame, takot siya sa hospital kaya agad niyang iginaya ang paningin sa paligid. Nakahinga siya ng malalim ng malamang mali ang iniisip niya.Bigla na namang sumikip ang dibdib niya ng makita si Tashia at ang inang nakatayo sa gilid ng kamang hinihigaan niya."Mabuti naman at gising kana, anak," dali-daling lumapit ang kaniyang ina papunta sa kama."I'm sorry, hindi ko alam na aabot ito sa ganito. Patawarin mo ako, anak," nakita niya itong umiiyak."Hindi ko maintindihan, naguguluhan ako! Bakit pati ikaw? Bakit ma?!" Hinawakan niya ang kaniyang ulo dahil sa tingin niya ay kahit anong oras ay mabibiyak na ito sa sobrang sakit."Hayaan mo akong mag-paliwanag, anak." Umiiyak na sabi ng ina.

  • Favorite Notification   Chapter 24

    Araw ng Linggo, naglilinis silang mag-ina. Natapos na nila ang sala kaya tumungo si Clover sa kaniyang kwarto para doon naman mag-linis. Kinuha niya ang dalawang airpods niya at sinalpak sa kaniyang tenga at pinatugtog ang "Alone, pt II" by Ava Max & Alan Walker.Una niyang niligpit kaniyang kama, saka sinunod ang kaniyang maliit na bookshelf na naroon sa study table niya. May laman ito ng mga pocketbooks na na-kolekta niya. Pakanta-kanta siyang pinapagpagan ang mga libro gamit ang feather duster ng bigla siyang may napansin naisang maliit na square na hindi pamilyar sa kaniya, kunot-noo niya itong kinuha.No'ng tinignan niya itong mabuti ay nakita niya na may bilog ito sa gitna at pinapalibutan pa ng anim na bilog. Chineck niya ito ang gilid ay may nakita siyang lagayan ng TF card at USB."Ano kaya ang bagay na 'to?" kunot-noo siyang bumaba habang hinahawakan ang maliit na baga

  • Favorite Notification   Chapter 23

    Hindi nagtagal ang lagnat kay Clover. Dalawang araw lang ay lumayas na agad ito sa katawan niya. Paano ba naman, tudo alaga si Tashia habang may sakit siya na para bang responsibilidad siya nito.Naupo siya sa sofa at nag-bukas ng Facebook. Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi i-check ang account ni Percy, pero dismayado siya ng makitang naka-deactivate pa rin ito.Busy siya sa pag-scroll ng newsfeed niya ng mag-chat si Tashia.Tashia Lovill: Pasensiya na, hindi ako naging mabuting kaibigan sa 'yo.Clover Clynn Delgado: Nitong mga araw, bakit ang drama mo? Hindi ka naman ganiyan ah?Tashia Lovill: Hindi na ba ako p'weding mag-drama? Ikaw lang may karapatan?Clover Clynn Delgado: Wala naman akong sinabi.Tashia Lovill: Iyon naman pala e.Clover Clynn Delgado: Maraming salamat pala sa pag-aalaga sa 'kin.&n

  • Favorite Notification   Chapter 22

    Habang tumatagal, parang nasasanay na si Clover. Pero iyong sakit, hindi pa rin nagbabago. Nanatili pa rin ito sa puso niya. Masanay man siya, iyong pag-asa hindi pa rin nawawala sa kaniya. Kaya araw-araw niyang china-chat si Percy kahit alam niyang matutulog at magigising siyang walang reply galing dito.Clover Clynn Delgado: Baby, kamusta kana? 8 days ka ng hindi online. Anong balita sa 'yo?Clover Clynn Delgado: Sobrang miss na miss na kita. Huhu!Clover Clynn Delgado: Paramdam ka naman oh.Clover Clynn Dlgado: Pa'no na kita sasagutin niyan kung hindi ka nagpapa-ramdam?|seen 09:52|Clover Clynn Delgado: Totoo ba 'tong nakikita? Online ka?Clover Clynn Delgado: Online ka nga! Uwooo, baby! Sobrang na-miss kita.|Percy is typing|Percy Wilson: Nag-online ako para magpa-alam. I'm leaving this account, goodbye.

  • Favorite Notification   Chapter 21

    Ang dating good-morning chats na galing kay Percy ay wala na. Wala ng natatanggap si Clover, naging inactive na rin ito sa social media. Kung gaano kabilis nabuo 'yong feelings niya para rito ay ganoon rin kabilis nawala 'yong kung ano mang meron sa kanila.Kahit ganoon ay patuloy pa rin ang pag-chat niya rito, nagba-bakasakaling makakatanggap siya muli ng chat mula kay Percy. Pero tila ba habang lumilipas ang araw ay nagiging malabo na 'yon na siyang rason kung bakit lalo lang siyang nasasaktan.Clover Clynn Delgado: Hi baby! Kamusta kana?|Clover is typing...|Clover Clynn Delgado: Sobrang miss na kita.|Clover is typing...|Clover Clynn Delgado: Nasa banyo ka na naman nu? Hahaha!|Clover is typing...|

  • Favorite Notification   Chapter 20

    Alas nuwebe ng gabi ng muling mag-online si Percy. Gustong-gusto niya na itong tanungin. Kailangan niyang malinawan, dahil hangga't hindi niya nalalaman ang dahilan kung bakit nagkaka-ganoon si Percy ay mas lalo lang siyang nasasaktan. Clover Clynn Delgado: Percy? Percy Wilson: Yes? Clover Clynn Delgado: May problema ba tayo? Percy Wilson: Huh? What do you mean? Clover Clynn Delgado: Bakit ganito ka? Percy Wilson: Hindi kita maintindihan. Clover Clynn Delgado: Hindi rin kita maintindihan. |Clover is typing...| Clover Clynn Delgado: Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ka. Hindi ko alam kung bakit nitong mga araw ang ikli ng replies mo. Sa totoo lang, kaya ko namang intindihin 'yon e! Pero 'yo

  • Favorite Notification   Chapter 19

    Tulala si Clover habang nakatingin sa bintana ng kaniyang kwarto. Gustong-gusto niya ng sagutin si Percy pero ayaw niyang isipin nito na easy-to-get siyang babae. "Aish! Sasagutin ko na ba o hindi?" tanong niya sa sarili. "Hindi ka sasagutin niyang bintana," salita ng tao sa likuran niya. Napabalikwas siya ng makita si Tashia na pasimpleng nakaupo sa kama niya. "Gusto mo bang mamatay ako sa takot?!" bulyaw niya. "Kung pwede lang sanang pumatay ng tao gamit ang pananakot, marami na akong napatay, isa ka na do'n," sabi nito habang nakatitig sa kaniyang kuku sa kamay na may kulay pula. "Ba't ba ang harsh mo?" Pumunta siya sa harap nito at nagpamewang."Hindi harsh ang tawag diyan," sagot nito. "Aish! Bakit ka ba nandito?" inis na umupo siya sa tabi nito."Umalis si mama, bored ako," wika nito.

DMCA.com Protection Status