"Cece, nakita mo ba 'yong bagong lipat na lalaki diyan?" tanong ng kaibigan niyang sa Tashia. Hapon na ng maisipan nilang lumabas saglit para bumili ng milktea. Unti-unti ng nagiging kahel ang kalangitan, gusto niya sanang pagmasdan ang papalubog na araw kaso wala namang perfect spot sa lugar nila para pag-puwestuhan.
May mga pagkakataon talaga na hindi niya maintindihan si Tashia, minsan sobrang seryoso nito pero minsan madaldal din, tulad ngayon. May hawak-hawak itong matcha flavored milktea, maitim at mahaba ang buhok nito, maputi at may kapayatan. Nasa iisang compound lang sila, madalas niya itong kasamang tumambay sa labas."Oo," sagot niya bago humigop sa straw ng milktea niyang taro flavored. Ngayon niya lang nakitang nagningning ang mga mata nito, "Talaga? Gwapo ba siya?"Pinagningkitan ng mga mata ni Clover ang kaibigang si Tashia. Hindi na nga niya iniisip ang tungkol sa lalaking iyon kasi lalo lang siyang naco-curious, tapos itong hinayupak na Tashia lang ang magpapaalala sa kaniya. "Hindi ko nakita ang mukha niya, katawan lang," sabi niya at napa-ngiti ng palihim. Halata sa likod ng lalaking iyon ang hubog ng katawan. Partida likod pa lamang ang nakita niya, ano pa kaya kung nakaharap na? Aish! "Pinapantasiya mo na naman ang lalaking 'yon," saway niya sa sarili. Nabalik siya sa ulirap nang alugin siya ni Tashia, "Ano na? Maganda ba ang katawan?" Para itong bata na hindi makapag-hintay na maibigay ang isang lollipop dito. "Hindi! Malaki ang bilbil!" sabi niya at nawala ang excitement na nakapinta sa kaniyang mukha. Bahagya siyang natawa sa nandidiring ekspresyon ni Tashia. Kung alam lang ng dalaga na mas sexy pa ito kaysa sa kaniya, siguradong bukas na bukas ay makikita niya na lamang ito na nasa tapat ng pintuan ng lalaki. "Huwag mo na ngang isipin 'yon," wika niya. "Nakaka-disappoint naman. Makapasok na nga lang." Lukot ang mukha nitong naglakad papasok sa bahay nila. Siya nama'y naiwan sa labas habang tumatawa. "Huwag puro may abs ang biktimahin mo, 'yong may bilbil naman sana for a change," natatawang pahabol niya kay Tashia. Ipinakita lamang ng kaibigan ang middle finger nito habang winawagay-way sa ere na ikina-iling ni Clover.Nakangiti siyang naglakad patunggong bahay nila. 'Di gaanong kalayuan ang bahay ni Tashia sa kanila kaya madali lamang siyang nakauwi. Mamayang alas-syete pa ang dating ng kaniyang ina kaya mag-isa lang siya ngayon sa bahay. Kinuha niya ang airpods at sinalpak sa tenga bago nagpatugtog ng TOTGA ni Katy Perry. As usual, tutok na naman siya sa pag-scroll sa facebook. Kung meron mang tumatak sa kaniya na linya galing sa kanta na 'yon, ito ay ang, "In another life, I would be your girl In anothet life, I will make you stay."Dahil doon ay naisip niya itong i-post sa isang group kung saan kasama niya rito ang mga famous na tao. Never in her life she called herself famous, marami lang talaga ang reactors niya. "In another life, I would be you girl and I will make you stay."Ilang minuto lang ang nakalipas ay marami na agad ang nag-react dito at nag-comment. Nag-scroll siya at nagbasa ng comments, halos lahat naka-relate sa lyrics. Habang tumitingin ng mga comments ay may isang komento ang kumuha ng pansin niya.Percy Wilson: What about now? Bored siya kaya naisipan ni Clover na sakyan ang trip ng lalaki. Clover Lynn Delgado: We can't be together. Ngumiti siya nang makitang nag-reply ito. Minsan lang siyang magloko sa social media kaya masaya siyang sinakyan siya nito. Percy Wilson: But I want you in this life. Pumunta muna siya sa kusina para kumuha ng tubig. Paulit-ulit niyang binasa ang reply nito. Nag-iisip siya sa kung anong magandang i-reply, iyong tipong magi-enjoy sila pareho. Clover Clynn Delgado: But you still have her. Bumalik siya ng sofa habang tumatawa sa naging reply niya. Hindi niya aakalaing makakaramdam siya ng excitement sa posibleng i-reply nito. "Bored din kaya sa buhay 'to?" tanong niya sa sarili.Percy Wilson: I want you, just you. Clover Clynn Delgado: If you want me, why choose to be with her?Percy Wilson: Let's break up."Break up agad? Wala pa ngang tayo, enebe keye?" Natatawang saad niya sa sarili. May mga nakikisali na rin sa kanila but she just ignored it. Clover Clynn Delgado: You want to break up with me? Fine! Let's not make this hard for us anymore.Napapa-isip siya, ito kaya ang hidden talent niya? Ang mag-acting? Ano kaya kung mag-audition siya sa Star Hunt? Percy Wilson: Is that it? You won't stop me from leaving?Clover Clynn Delgado: I hate you. Even if you like someone else, I can't stop myself from wanting you back. Come back to me, Percy. Kahit sa social media lang ay isa siyang patunay na marupok na babae. Chour! Percy Wilson: Approximately, how big is your love for me?Clover Clynn Delgado: Bigger than your balls. Uhm, bigger than the universe rather. Natawa siya sa reply niya, parang gusto niya itong i-edit o i-delete but something is stoping her from doing that. Percy Wilson: Hahaha! Te amo.Alam niya ang ibig sabihin nito ay "I love you, ngunit hindi niya alam ang kung ano ang "I love you, too" dahil wala siyang kaalam-alam sa salitang spanish kaya nag-search siya kay pareng Google. Clover Clynn Delgado: Yo también te quiero.Hindi na ito nag-reply at nag-react nalang ng heart sa comment niya. Ini-stalk niya ito, napangiti siya ng makitang may 6K followers ito. Famous ang lalaki pero hindi ito tulad ng iba, hindi namamansin at kinarer na talaga ng mga pagiging famous. Aaminin niya, nag-gwapuhan siya kay Percy. Hindi na nagtataka si Clover kung bakit gano'n nalang karami ang followers nito.Namangha siya ng makita ang timeline nito na puno ng stories. So writer pala ito? "Hindi. Technician 'yan. Malamang gaga!" sabi ng boses sa isip niya dahilan para mapangiti siya. Binasa niya ang ilan sa mga ito at nalamang magaling pala ito sa pagsusulat ng kuwento. Lahat ng stories na naka-lagay sa timeline nito ay puro mga horror at thriller. Gusto pa naman niya ang mga genre na ito, tuwing manonood siya ng movies ay hindi pwede na hindi siya manood ng ganoon. Palagi niyang kasama si Tashia tuwing manonood ng mga ganoong movies. Pareho kasi nila gusto iyong brutal na pinapatay ang mga characters sa movie. Masaya silang makakita nang hinihiwa na katawan, tinagang ulo at kung ano-ano pa. Nagtatalo ngayon ang isip niya kung i-a-add niya ba ito o hindi. Nahihiya siya na baka isipin nito na seneryoso niya ang naging sagutan nila sa comment box kanina. Ayaw niya namang maisipan siya ng feelingera.Saglit na natahimik siya. Minsan lang siya mag-add ng tao, at sa pagkakataong ito ay ginawa niya. Nag-send siya ng friend request niya kay Percy. Matapos niyang gawin iyon ay napatili siya. Matapos niyang itong i-add ay hindi naman nag-tagal iyon dahil mayamaya ay in-accept na nito ang friend request. Aaminin niyang kinilig siya doon.Kung kanina ay nagtatalo ang isip niya niya kung ia-add niya ba ito, ngayon naman ay kung ime-message niya ba. Mukha namang mabait itong tao kaya baka okay lang na i-chat niya. Pipindutin pa sana niya ang messager app ng biglang tumunog ang notification at lumabas ang isang chat head.Percy Wilson: Hi! Clover Clynn Delgado: Hello. Percy Wilson: Akala talaga nila mag-jowa tayo. Clover Clynn Delgado: Oo nga e. Mukhang napaniwala natin sila. Hahaha! Percy Wilson: Ang galing mo kasi e. Clover Clynn Delgado: Oy! Hindi kaya. Hindi ko naman magagawa 'yon kung wala ka. Percy Wilson: Pa-humble, sige na nga. HAHAHA! Clover Clynn Delgado: Bye the way napadaan ako saglit sa wall mo. Nakita ko ang laman nito, ang creepy. Percy Wilson: I'm sorry. Nat
Alas otso nang magising muli si Clover. Laking pasasalamat niya na hindi niya napanaginipan ang STICK-O na sinend sa kaniya ni Percy kanina. Isang oras niya ring inisip ang tungkol sa picture na 'yon. Hinihiling na sana hindi niya na lang iyon nakita.Pagka-open niya ng facebook at may nagulat siya ng makitang may 10 unread messages galing kay Percy. Isa-isa niyang itong binasa at napangiti siya dahil doon.Percy Wilson: Hala nag-out! Percy Wilson: Oyy bata! Nandiyan kapa? Percy Wilson: Hoyy! Percy Wilson: Ito naman, biro nga lang 'yon. Percy Wilson: Bata! Percy Wilson: Sorry na. Percy Wilson: Hindi ako matutulog hangga't hindi ka nag-o-online. Percy Wilson: S
Araw ng Sabado, umaga palang ay nagising na si Clover para maglinis ng kaniyang silid. Nitong mga nakaraang araw ay kama nalang ang naayos niya dahil nawili na siya kaka-peysbok. Nakalimutan niyang ayaw na ayaw pala niya sa makalat na lugar. Sinalpak niya ang airpods sa kaniyang dalawang tenga at nagpatugtug ng, "Bad Guy" ni Billie Eilish. She loves music, so much that she cannot live without it. Ito ang bumubuo ng pagkataoo niya. Whenever she is sad, music is there. Maliban sa Ice cream ay ito rin ang nagiging kasangga niya sa kalungkutan. Sumasayaw at kumakantang nagwawalis siya ng sahig. Hindi siya magaling sumayaw, tama lang. Pero kung kantahan lang din ang labanan, hindi siya magpapatalo. "I'm a bad guy... Tororott tororottt tororott~" Giwang diyan, giwang dito ang ginagawa niya. Nang matapos siya sa kaniyang ginagawa ay naupo muna siya sa upuan na nasa kwarto. Umagang-umaga ay tagatak na ang pawis niya which
Sabado ng hapon, habang kumakain ay biglang may naisipang kalokohan si Clover na tiyak gagawin niya mamaya kay Percy."I-prank ko kaya siya?" Nakangiting tugon niya sa sarili.Dali-dali niyang inubos ang pagkaing nasa harap niya at dinampot ang cellphone na nasa mesa.Nag-open siyang Facebook at saktong online pa si Percy. Clover Clynn Delgado: Woii! Percy Wilson: Yes, baby? Clover Clynn Delado: Baby mo mukha mo! Percy Wilson: Ba't napa-chat ka? Clover Clynn Delgado: May sasabihin sana ako, huwag kang mabibigla. Percy Wilson: What is it? Clover Clynn Delgado: Natatakot ako. Baka kasi i-judge mo ako. Percy Wilson: Ano nga kasi iyon?
Nagising si Clover dahil sa nakakabulabug na tunog galing sa baba. Sobrang inaantok pa siya kaya tinakpan niya ang kaniyang tenga gamit ng puting unan na ginagamit niya. Pero kahit anong gawin niya ay nakakalusot pa rin ang tunog na iyon. Inis na napaupo siya sa kama, "Nagzu-zumba na naman siya panigurado." Nakalimutan niyang araw pala ngayon ng Linggo. Ibig sabihin narito ang mama niya. Hindi talaga siya nakakatulog ng mabuti kapag day-off nito. "Good morning, God!" bati niya habang nakatingin sa taas.Bumaba siya at doon nakita ang ina sa sala na ginagaya ang mga taong sumasayaw sa screen ng TV. "Gising kana pala, anak," masayang wika nito habang gumigiwang-giwang."Nagising lang naman ako dahil sa lakas niyang music niyo. Sana tinaasan niyo pa ang volume, nahiya pa kayo." Umirap siya at nagsimula ng maglakad papuntang kusina."Ikaw naman. Halika rito, sabayan
Pagkatapos maglaba ni Clover ay saglit siyang nagpahinga. Makaraan ng limang minuto ay nag-open na siya ng Facebook. Nakalimutan niyang magpapalit pala sana siya ng profile kahapon. Once a month lang siya kung magpalit ng profile kaya dapat maganda talaga. Pinili niya ang kaniyang picture na naka-brown na cargo pants at isang sleeveless na shirt. Naglagay lang siya ng caption na, 'She's falling, doesn't even know it yet.' Na galing sa lyrics ng Night Changes by One Direction which is her favorite band, bias niya doon si Harry Style. |POSTED|Nasa isang minuto palang ay humakot na agad na ito ng 100 reacts. Dapat nga ay matuwa siya dahil dito ngunit hindi. Biglang nag-poop up ang isang chat head sa screen niya.Percy Wilson: She's falling, doesn't even know it yet? Sino tinutukoy mo diyan? Clover Clynn Delga
Alas syete na ng matapos ni Clover ang kaniyang mga gawain . Tinapos niya na lahat ng sa gano'n ay malaya na siyang makakapag-chat kay Percy. Pagka-open niya ng Facebook ay napangiti siya ng malapad ng makitang may chat na ito.Percy Wilson: Hi baby! Clover Clynn Delgado: Bakit ba gusting-gusto mo akong tawaging baby? Percy Wilson: Nagpa-practice na. Clover Clynn Delgado: Confident ka talaga, ano? As if naman papatulan kita. Percy Wilson: Sure ako diyan. Limited edition lang kaya ako. Clover Clynn Delgado: Wala akong pakialam. Percy Wilson: Siyanga pala. Sabi mo kanina na-miss mo ako. Clover Clynn Delgado: May sinabi ba akong gano'n? Hindi ko matandaan. Percy Wilson: Hindi ba pweding kahit
Alas syete ng gabi, oras ng paguwi ng ina ni Clover. Nitong nakaraang Linggo ay hindi na sila nakakapag-usap ng matagal dahil naging busy na rin siya kaka-cellphone. Gusto niya kahit ngayon gabi lang ay makapag-usap man lang sila, pakiramdam niya ang layo na nila sa isa't-isa.Halos kinse minutos din siyang naghintay bago dumating ito na may bitbit na isang itim na bag kung saan nakalagay ang mga gamit nitong pang-opisina. Sinalubong niya agad ito ng isang halik sa pisnge. "Magandang gabi, ma," bati niya."Magandang gabi rin, Cece. Kumain ka na ba?" tanong nito habang hinahawakan ang kaniyang leeg. "Hindi pa ma, hinihintay kita." Kinuha niya ang bag sa ina at binigay naman agad nito."Dati-rati naman, nauuna kang kumain diba?" kunot-noong tanong nito."E, wala nga kasi akong gana kapag walang kasama," sagot niya. Ramdam n
Natapos ang tatlong buwan ng bakasyon, sa tatlong buwan na 'yon ay maraming nangyari sa buhay ni Clover. Malungkot man ay nangingibabaw sa kaniya ang saya, dahil sa pangyayaring iyon ay mas naging mas malakas silang lahat. Hindi lang siya ang nakakuha ng leksyon, pati na rin ang ina niya, si Tashia pati na rin si Christian. Simula noong mangyari iyon ay naging maayos na ang ugali niya siya sa social media, hindi lang sa lalaki pero pati na rin sa mga babae. Kung may nga natutunan man siya iyon ay dapat gamitin ng maayos ang social media, hindi dahil sikat ka ay mawawala na ang respeto mo sa kapwa mong gumagamit din nito. Hindi iyong tungkol sa kung gaano ka ka-sikat, pero kung paano mo tratuhin ang kapwa mo kahit sa social media lang 'yan. Maaaring hindi ka man niya makita, pero kapay iyan sinabihan mo ng masasakit na salita, walang pinagka-iba iyan kapag sinabihan mo sa personal. Masasaktan at masasaktan ang taong sinabihan mo. Lahat ng tao ay nas
Isang araw, nagising nalang si Clover na wala na ang sakit sa puso niya. Siguro dahil tinanggap niya na ang lahat-lahat, iniisip niyang lahat ng nangyari sa kaniya ay may rason. Hindi man naging madali sa kaniya ang pagtanggap na hindi totoo ang taong minahal niya, pero sa huli ay nakaya rin naman ng puso niya.Alas syete ng gabi, oras ng pag-uwi ng ina. Gusto niya itong kausapin, gusto niyang maayos na lahat ng sa gano'n ay hindi na sila nag-iiwasan.Kinakabahan siyang umupo sa sofa, hindi niya alam kung paano niya ito kakausapin. Abala siya sa pagiisip ng mga bagay na p'wede niyang sabihin pagkarating nito ng biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang kaniyang ina na may bitbit na isang bag.Dumiretsyo lang ang lakad nito, alam niyang nagpapanggap lang itong hindi siya nakita."Ma? P'wede ba tayong mag-usap?" tanong niya.
Pagkamulat niya ay bumungad agad sa kaniya ang isang puting kisame, takot siya sa hospital kaya agad niyang iginaya ang paningin sa paligid. Nakahinga siya ng malalim ng malamang mali ang iniisip niya.Bigla na namang sumikip ang dibdib niya ng makita si Tashia at ang inang nakatayo sa gilid ng kamang hinihigaan niya."Mabuti naman at gising kana, anak," dali-daling lumapit ang kaniyang ina papunta sa kama."I'm sorry, hindi ko alam na aabot ito sa ganito. Patawarin mo ako, anak," nakita niya itong umiiyak."Hindi ko maintindihan, naguguluhan ako! Bakit pati ikaw? Bakit ma?!" Hinawakan niya ang kaniyang ulo dahil sa tingin niya ay kahit anong oras ay mabibiyak na ito sa sobrang sakit."Hayaan mo akong mag-paliwanag, anak." Umiiyak na sabi ng ina.
Araw ng Linggo, naglilinis silang mag-ina. Natapos na nila ang sala kaya tumungo si Clover sa kaniyang kwarto para doon naman mag-linis. Kinuha niya ang dalawang airpods niya at sinalpak sa kaniyang tenga at pinatugtog ang "Alone, pt II" by Ava Max & Alan Walker.Una niyang niligpit kaniyang kama, saka sinunod ang kaniyang maliit na bookshelf na naroon sa study table niya. May laman ito ng mga pocketbooks na na-kolekta niya. Pakanta-kanta siyang pinapagpagan ang mga libro gamit ang feather duster ng bigla siyang may napansin naisang maliit na square na hindi pamilyar sa kaniya, kunot-noo niya itong kinuha.No'ng tinignan niya itong mabuti ay nakita niya na may bilog ito sa gitna at pinapalibutan pa ng anim na bilog. Chineck niya ito ang gilid ay may nakita siyang lagayan ng TF card at USB."Ano kaya ang bagay na 'to?" kunot-noo siyang bumaba habang hinahawakan ang maliit na baga
Hindi nagtagal ang lagnat kay Clover. Dalawang araw lang ay lumayas na agad ito sa katawan niya. Paano ba naman, tudo alaga si Tashia habang may sakit siya na para bang responsibilidad siya nito.Naupo siya sa sofa at nag-bukas ng Facebook. Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi i-check ang account ni Percy, pero dismayado siya ng makitang naka-deactivate pa rin ito.Busy siya sa pag-scroll ng newsfeed niya ng mag-chat si Tashia.Tashia Lovill: Pasensiya na, hindi ako naging mabuting kaibigan sa 'yo.Clover Clynn Delgado: Nitong mga araw, bakit ang drama mo? Hindi ka naman ganiyan ah?Tashia Lovill: Hindi na ba ako p'weding mag-drama? Ikaw lang may karapatan?Clover Clynn Delgado: Wala naman akong sinabi.Tashia Lovill: Iyon naman pala e.Clover Clynn Delgado: Maraming salamat pala sa pag-aalaga sa 'kin.&n
Habang tumatagal, parang nasasanay na si Clover. Pero iyong sakit, hindi pa rin nagbabago. Nanatili pa rin ito sa puso niya. Masanay man siya, iyong pag-asa hindi pa rin nawawala sa kaniya. Kaya araw-araw niyang china-chat si Percy kahit alam niyang matutulog at magigising siyang walang reply galing dito.Clover Clynn Delgado: Baby, kamusta kana? 8 days ka ng hindi online. Anong balita sa 'yo?Clover Clynn Delgado: Sobrang miss na miss na kita. Huhu!Clover Clynn Delgado: Paramdam ka naman oh.Clover Clynn Dlgado: Pa'no na kita sasagutin niyan kung hindi ka nagpapa-ramdam?|seen 09:52|Clover Clynn Delgado: Totoo ba 'tong nakikita? Online ka?Clover Clynn Delgado: Online ka nga! Uwooo, baby! Sobrang na-miss kita.|Percy is typing|Percy Wilson: Nag-online ako para magpa-alam. I'm leaving this account, goodbye.
Ang dating good-morning chats na galing kay Percy ay wala na. Wala ng natatanggap si Clover, naging inactive na rin ito sa social media. Kung gaano kabilis nabuo 'yong feelings niya para rito ay ganoon rin kabilis nawala 'yong kung ano mang meron sa kanila.Kahit ganoon ay patuloy pa rin ang pag-chat niya rito, nagba-bakasakaling makakatanggap siya muli ng chat mula kay Percy. Pero tila ba habang lumilipas ang araw ay nagiging malabo na 'yon na siyang rason kung bakit lalo lang siyang nasasaktan.Clover Clynn Delgado: Hi baby! Kamusta kana?|Clover is typing...|Clover Clynn Delgado: Sobrang miss na kita.|Clover is typing...|Clover Clynn Delgado: Nasa banyo ka na naman nu? Hahaha!|Clover is typing...|
Alas nuwebe ng gabi ng muling mag-online si Percy. Gustong-gusto niya na itong tanungin. Kailangan niyang malinawan, dahil hangga't hindi niya nalalaman ang dahilan kung bakit nagkaka-ganoon si Percy ay mas lalo lang siyang nasasaktan. Clover Clynn Delgado: Percy? Percy Wilson: Yes? Clover Clynn Delgado: May problema ba tayo? Percy Wilson: Huh? What do you mean? Clover Clynn Delgado: Bakit ganito ka? Percy Wilson: Hindi kita maintindihan. Clover Clynn Delgado: Hindi rin kita maintindihan. |Clover is typing...| Clover Clynn Delgado: Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ka. Hindi ko alam kung bakit nitong mga araw ang ikli ng replies mo. Sa totoo lang, kaya ko namang intindihin 'yon e! Pero 'yo
Tulala si Clover habang nakatingin sa bintana ng kaniyang kwarto. Gustong-gusto niya ng sagutin si Percy pero ayaw niyang isipin nito na easy-to-get siyang babae. "Aish! Sasagutin ko na ba o hindi?" tanong niya sa sarili. "Hindi ka sasagutin niyang bintana," salita ng tao sa likuran niya. Napabalikwas siya ng makita si Tashia na pasimpleng nakaupo sa kama niya. "Gusto mo bang mamatay ako sa takot?!" bulyaw niya. "Kung pwede lang sanang pumatay ng tao gamit ang pananakot, marami na akong napatay, isa ka na do'n," sabi nito habang nakatitig sa kaniyang kuku sa kamay na may kulay pula. "Ba't ba ang harsh mo?" Pumunta siya sa harap nito at nagpamewang."Hindi harsh ang tawag diyan," sagot nito. "Aish! Bakit ka ba nandito?" inis na umupo siya sa tabi nito."Umalis si mama, bored ako," wika nito.