Lahat ng Kabanata ng Aera (The Girl In The Past) | Tagalog: Kabanata 21 - Kabanata 30

52 Kabanata

Kabanata 19

RafaelNauna ng umalis sila Rica at Charm dahil hinahanap na sila sa kanila habang ako naman ay nagpaiwan rito sa unit ni Aljean. Maya-maya lang ay aalis na rin ako. Sinabihan ko sina Rica na wag sasabihin kay Aljean na kasama nila akong gumamot sa kaibigan nila.Oo masama ang mean girls, nambubully sila at kahit sino ay kinakanti nila pero naiintindihan ko yung side nila kung bakit nagagawa nila yun.Lumapit ako sa kama ni Aljean at pinunasan ang noo niya, nilalagnat kasi siya. Ganun daw talaga si Aljean pag naglaslas nilalagnat pagkatapos."Aljean, di ko alam mga pinagdaanan mo at pinagdadaanan mo pero sana bukas okay ka na. Wag kang magpatalo sa mga pagsubok na yun, mabait ka naman nabahidan ka lang ng galit diyan sa puso mo." bulong ko habang pinupunasan ang noo niya.Kilala ko na siya noon pa, kilala kasi sila sa pambubully sa campus. Pero never silan
Magbasa pa

Kabanata 20

Anna LuisaPagkaalis ni Julia, nanatiling umiiyak si Alonika. At panay naman ang alo ko sakanya. At galit na galit siya kay Rafael ngayon.."Mas makakabuti siguro kung di nalang tayo pumunta mamaya." sabi ko sakanya, dahil nag-aalala talaga ko sa maaari niyang gawin mamaya sa kasiyahan na yun.Kaya taka siyang napatingin sakin."Hindi ate, pupunta tayo. Wag mo kong aalalahanin wala akong gagawin kay Rafael." sabi niya sakin. Kaya napatango nalang ako, sana nga wala siyang gawin mamaya.Nasa ganun kaming sitwasyon ng may tumunog ang cellphone ko, senyales na may tumatawag kaya sinagot ko ito.Si Kuya pala pagtingin ko sa screen ng cellphone."Aera, pupunta ba kayo mamaya?" tanong ni Kuya sakin."Oo naman kuya." malungkot na sagot ko habang nakating
Magbasa pa

Kabanata 21

Anna LuisaNanatiling walang imik si Alonika, at tulala lang eto habang kumakain kami ng tanghalian, tanghali na kaya nasa kantina kami lahat. Pansin na pansin naman ang pag-aalala nila Catriona at Yuri sa walang imik na si Alonika.Habang si Ethan ay panay ang sulyap sakin na wari mo'y may gusto talaga sabihin na di niya masabi. Habang si Rafael ay tulala lang na tila may iniisip.Nasa ganun kaming sitwasyon ng may lumapit samin, at ito ay ang tinatawag nilang Mean Girls.Dalawa lang sila, nasaan kaya yung pinuno nila?"Rafael, gusto lang namin magpasalamat sa pagtulong mo samin kahapon." biglang sulpot ni Charm sa tabi ni Rafael kaya napatingin ito sakanila."Hmmm..wala yun. Kamusta na pala siya?" seryosong sabi ni Rafael sakanila."Ayun, okay na naman siya. Sige na alis na kami may klase pa kami
Magbasa pa

Kabanata 22

Anna LuisaNasa sasakyan na kami ni Kuya at papunta na sa venue ng kaarawan ni Aira, eto ang unang beses na makikita ko ang kapatid ni Maxwell. Kaya ramdam na ramdam ko ang aking pananabik na siya ay makita.Samantalang si Alonika ay nanatiling babad sakanyang telepono. At ako naman ay nakadungaw sa bintana. Maya-maya pa'y nakarating na kami sa venue ng kasiyahan.Masaya akong bumaba kasama si Alonika, na inaayos ang kanyang mukha retouch daw tawag sa ginagawa niya.Napakagandang venue ang inaabutan namin, kumikinang ito at pinapalibutan ng liwanag ang iba't ibang sulok ng venue.Pagdating namin doon ay agad na sumalubong samin si Catriona at Yuri kasama si Jannine."Hala ang ganda mo bessy, ikaw ba yan?" namamanghang bungad ni Catriona sakin at niyakap ako.Habang si Yuri ay napatitig lang sakin at si Jannine nam
Magbasa pa

Kabanata 23

Anna Luisate quieroBulong ko sa ere habang tanaw at  pinagmamasdan ko si Ethan na tuwang-tuwa sa paghaharana ni Kuya kay Aira, kaya ibinalik ko ang aking tingin kay Kuya at Aira. Sabi sakin nila Catriona ay may gusto nga raw itong si Aira kay Kuya. Bagay sila, pero mas matanda nga lang si Kuya para sakanya.Sandaling tumahimik ang paligid ng tumapat kay Kuya ang liwanag at nakangiti siyang nakatingin kay Aira."Maxine Aira Sarmiento, happy birthday. Mahal ki--este namin, you were such a wonderful girl and now a lady. Sana nagustuhan mo ang paghaharana ko sayo." sabi ni Kuya, kaya nagsigawan lahat ng narito dahilan para mamula si Aira.Inabutan naman siya ng microphone daw tawag doon. At tsaka nakangiting sumagot kay Kuya."Thank you, Azrael. Sorry kung walang Kuya, ayoko lang tawagin kang Kuya. Tha
Magbasa pa

Kabanata 24

Anna Luisa"Sinong nagpunta sa ibang bansa?" biglang sulpot ni Rafael kaya napalingon kami sakanya at napakalas sa yakap ni Alonika. Kasama niya pala si Steven.Nagkatinginan kami ni Alonika at natahimik. Dahil di namin alam kung ano ang aming isasagot kay Rafael. Nagulat naman ako ng makita ko ang pagkuyom ni Alonika ng kamao niya.Kaya agad kong hinawakan ang kamao niya para pakalmahin siya, alam kong galit siya kay Rafael."Panahon na para malaman niya, Alonika at Aera." biglang sulpot ni Kuya, kaya napalingon sina Rafael at Steven sakanya."A-anong dapat kong malaman?" naguguluhang saad ni Rafael at nagpabalik-balik tingin samin nina Kuya. Sinenyasan ko si Kuya na siya nalang magsabi, dahil di namin kayang magsalita ni Alonika, dahil baka maiyak lang kami."Si Julia, hindi totoong may inaasiko
Magbasa pa

Kabanata 25

Anna LuisaNagulat kami sa biglang pagsulpot nilang lahat, pero agad ding naalis ang tingin nila samin ng biglang ibagsak ni Rafael yung bote na hawak niya.."Pre, anong nangyayari sayo?" tanong ni Steven sakanya at inalalayan ang wala na sa wisyo na si Rafael, ngumisi lang si Rafael at tumawa ng mapait."Wala na siya pre, wala na. Kung kailan hulog na hulog na ako dun pa siya nawala, wala pre kasalanan ko talaga.." mangiyak-ngiyak na saad niya kay Steven. "..ang bobo ko, kasi hinayaan kong mawala siya." mahinang saad niya at tsaka tinumba ang lamesa, dahilan para magbagsakan ang mga bote na nasa lamesa. Buti na nga lang ay wala ng bisita, bale kami nalang nandito kaya walang makakita nito.Nakita ko naman ang paglapit ni Aira kasama si Kuya at Angge na nagtataka sa nangyayari.Nasa lapag si Rafael at panay ang hawi sa mga
Magbasa pa

Kabanata 26

Anna LuisaIlang araw na nakakalipas simula ng manggaling kami sa kaarawan ni Aira, at ayun na ang huling beses na nakausap ni Alonika ang kapatid niya. Sa ngayon ay narito kami sa paaralan, huling linggo na raw ito ng klase dahil sembreak na raw sa susunod na linggo.Heto na ang huling Lunes bago ang sembreak. Kaya todo asikaso kami ng mga requirements dahil sa pagbalik namin ay bagong semester na ulit ng klase, hudyat na sa malaking pagbabago ng mga iskedyul namin."Oy, Ate ano't tulala ka diyan sa bulletin board." biglang sulpot ni Alonika sa tabi ko, kaya gulat akong napalingon sakanya."May iniisip lamang ako, nasaan na sina Yuri?" saad na tanong ko sakanya kaya napakibit balikat nalang siya at may kung anong hinalungkay sa bag niya.Sa loob din ng ilang linggo, patuloy sa panunuyo sakin si Ethan. Talagang ginawa niy
Magbasa pa

Kabanata 27

Anna LuisaMagmula kahapon ay di na ko natahimik sa kaiisip sa nais ipahiwatig ng matanda sakin, Martes ngayon at eto ang pangalawang araw ng pag-aasikaso namin ng mga dapat ipasa sa paaralan.Kasalukuyan akong sinusuklay ang aking buhok habang patuloy na inaalala ang matatalinghaga at mga makahulugang salita mula sa matanda na di ko batid kung sino siya.Kahapong kaganapan.."Iha, malapit na. Ikaw ay maghanda na." makahulugang saad niya sakin, dahilan para magtaasan ang mga balahibo ko dahil sa kakaibang takot na idinulot nun."Ano pong nais niyong iparating? Alin po ang dapat kong paghandaan?" kabado at di alam ang gagawin na tanong ko sakanya."Iha, malapit ng itama ang lahat ng mali. Malapit ng maisulat ang mga di naisulat, at malapit ng mabura ang di dapat nakadikta sa kasaysayan. Ikaw ang magbabago." na
Magbasa pa

Kabanata 28

Anna LuisaKasalukuyan akong nakaupo sa upuan at inaayos ng mabuti ang mga kailangang ipasa ngayong araw, at panay rin ang pagsasaulado ko ng mga sasabihin ko mamaya sa defense. Kagrupo ko sina Yuri at Catriona dito kaya di ako masyadong nahirapan na makipagsabayan sa kanila. Kahit na di ko batid ang ibig sabihin ng defense."Aera, saulado na ba yung sasabihin mo mamaya?" tanong ni Yuri sakin na panay rin ayos ng mga papel niya.Kaya napalingon ako sakanya."Mabilis ko namang nasasaulado ngunit may mga salita akong di maintindihan." sagot ko sakanya."Okay lang yan, tulungan ka nalang namin mamaya." sabi ni Catriona sakin at maya-maya pa ay nagpatuloy na kami sa mga ginagawa namin.Maya-maya pa ay nagdesisyon kaming lumabas ng classroom para kumain ng tanghalian. Dahil baka raw magutom kami mamaya
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status