ATUBILING nasa loob ng kuwarto niya noon si Naikkah. Nakaupo lang siya sa gawing gilid ng kama niya at matamang nag-iisip. Kanina pa siya walang gana kahit umayos ng sarili niya. Sa totoo lang kasi ay wala talaga siyang balak sumama kay Juno. Mabobored lamang siya roon o 'di kaya naman ay maa-out-of-place lang. Ang isa pang dahilan ay ayaw niyang muli na naman silang magkita ni Jino. Sa tuwing magkikita ksi silang dalawa ay hindi niya maintindihan ang sarili. Kung wala ito sa harap niya ay parang ayos lang naman pero kapag kaharap na niya ito, nagbabago ang lahat sa kaniya. Ang dating pagmamahal na akala niya para sa lalaki ay naglaho na ay para na lamang biglang bumalik. Parang apoy na saglit na lumamig nang mabuhusan ng tubig pero nang muling magkita silang muli ay parang bumalik ang dating alab. Nag-aalala siya sa mga lumilipas na araw dahil sa totoo lang ay unti-unti na niyang napapansin ang pag-umbok ng kaniyang tiyan. Tiyak na magtataka si Jino oras na makita siya. Magiging
"GIRLS, please excuse us. We got some family matters." Boses iyon ng Daddy Jake ni Jino na bigla na lamang sumulpot habang ipinakilala siya ng kaniyang Mom sa mga dating katrabaho nito noon sa Hotel Uno. Nagtaka naman si Arianne sa sinabi ng kanyang Dad kaya naman ay hindi nito napigilang magtanong."But why Jake? Is there anyhing did happen to your mother?" Usisa ni Arianne na ang tinutukoy ang ang kaniyang Lola Zen mismo."Nothing, Arianne. We just need to talk. Uhmm... not here please. Maybe in other places where we could just be together, as a family. A thing called private concerns." Wika ni Jake na kalmado lang naman at walang mababakas na signus o problema."Shall we?" Ulit ni Jake sa asawa nito at wala namang nagawa si Arianne kundi ang magpaalam muna saglit."I need to go for now. We will talk again later. See you again." Paalam ni Arianne at kumaway pa sa mga ito. "It is fine, Arianne. Go ahead. Take your time." Tugon naman ni Grace."Jino, Kayla. Tayo na." Yaya ng kaniyan
HINDI pa din natigil sa pagwawala si Juno ng mga sandaling iyon. Balewala sa lalaki kung ilang bagay na ang nasira nito dahil sa pagwawala. Wala naman itong ideya kung ilan ang halaga ng mga gamit na iyon kaya halos wala na sa katinuan ang lalaki. Kung ano ang mahawakan nito at maihampas ay wala na sa isip nito kahit pa sabihing bisita lang sila roon. "Juno!!" Nanggigil na saway ni Don Edmund sa anak pero wala na din iyong saysay. Nilamon na ng galit nito si Juno kaya naman ay hindi na nito inalintana kung ano man ang mangyari at kahihinatnan ng ginawa nito pagkatapos. "Stop it! Damn you, Juno!" Hindi nagawang pigilan ng boses ng ama ang anak. Nagpatuloy lang sa ginagawa nito si Juno na para nang nasisiraan ng bait. Hanggang sa tila nanikip ang dibdib ni Don Edmund. "Sak---" Hindi na naituloy nitong wika dahil unti-unti na itong nabubuwal sa kinatatayuan habang sapo-sapo ang sariling didbib na bahagya pa nitong hinihilot. "Edmund?? What happened to you?" Nagalalang tanong ni
NAUWI sa kaguluhan ang sana ay masayang kaarawan ni Donya Zenaida dahil sa kagagawan ni Juno. Labis na galit naman ang naramdaman nina Jake, Nikko at iba pang miyembro ng pamilya na dumalo sa nasabing pagdiriwang. Hindi naiwasang magkaroon pa ng suntukan dahil hindi na nagawang makinig pa ni Juno sa saway ng kahit na sino. Maging si Don Edmund ay naisugod sa hospital nang wala sa oras. Si Juno naman ay dinala pansamantala sa presento for custody at investigasyon. Hindi basta-bastang pamilya ang ginulo kaya naman hindi rin papayag ang pamilya Domingo na hindi siya magbabayad na kahit na ultimong sentimong danyos lalo na sa mga sinira nito. Hindi man siguradong makukulong si Juno, sinugurado pa din ng pamilya na pananagutin ito sa lahat. Ang paghiya sa mga bisita, ang paglikha ng gulo, ang pagsira ng mga gamit at panghaharas nito sa mga taong may-ari ng party ay ilan sa mga patung-patong na reklamong kahaharapin nito. Samantala, hindi naman pumayag si Naikkah na umuwing lumuwas ng
NARAMDAMAN ni Naikkah ang isang mainit na dampi ng halik sa bandang buhok niya. Maging ang isang tilamsik ng tubig na kung hindi siya magkakamali ay luha ni Jino. Hindi pa siya tulog, nagkukunwari lamang. Malinaw pa nga niyang naririnig ang mga sinasabi ng lalaki. Tinakpan lamang niya ang kaniyang mga tainga at mukha dahil ayaw niyang makita nito ang kaniyang mga luha. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala sa mga nangyari. Ang una ay hindi niya akalaing ampon lamang si Juno ng pamilya Dolmenazav. Ang hindi pa niya maisip ay kung bakit doon pa talaga sa party nabulgar ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Juno. Sa totoo lang kasi ay puwede namang magyari iyon sa ibang panahon? Sumagi sa isipan niya na baka nadulas lamang si Don Edmund sa pagsabi noon dahil sa hindi na ito maawat. Ito namang tungkol sa pagkakatuklas ni Jino sa kalagayan niya ay hindi niya din alam kung paano nito nalaman. Pinaimbestigahan ba siya ng lalaki? Lihim na sinusubaybayan? Ang gulo-gulo ng is
NAGULAT si Jino sa naging reaksiyon ni Naikkah matapos nitong mabasa ang nilalaman ng folder na ibinigay niya rito. Tama ang kaniyang hinala, hindi nga nito papaniwalaan ang lahat. Kung hindi nagawang kumbinsihin ng lagda at testify ng police ang babae, then how could he? "Pawang kasinungalingan lang ang lahat ng iyan!" Tanggi ni Naikkah sa mga rebelasyon at mahigpit na pinunit ang folder. Sinamantala ng babae ang pagkagulat niya kaya nagawa nitong mapunit ang mga papel nang walang kahirap-hirap. "Naikkah!" Tanging nasambit na lamang niya at walang nagawa kundi pagmasdan ang mga nagliliparang pira-piraso ng nasabing police report. Muli siyang nabigla nang bigla itong magpalahaw ng iyak at hesterical na sinasapak ang sariling ulo. "This is not true! It can't be true!Sinisiraan niyo lamang si Juno! pare-pareho lang kayo!" Mabilis niyang dinaluhan ang babae at hinawakan ito sa magkabilang braso upang awatin sa pananakit nito sa sarili. "Naikkah, stop it! You're hurting yourself!"
TAHIMIK na nakasakay lamang si Naikkah sa driver seat katabi si Jino. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa din maabsorb ng utak niya ang mga nalaman. Ayon sa mga datos na nakalahay sa folder na ipinakita ni Jino, may mental disorders si Juno. Ito ay matagal nang tinatago ng lalaki sa kaniya. Lingid sa kaalaman niya na may dahilan pala ang bilang pagbabago ng ugali nito paminsan-minsan. Binalewala na lamang niya iyon dahil para sa kaniya, lahat naman ng tao ay may tinatagong moody swing. Imbes na bigyan niya iyon ng maling kahulugan ay inisip na lamang niyang natural na iyon sa mga lalaki.Hindi nakapagtataka kung bakit naging mabigat para sa kaniya na tanggapin na lang bigla ang mga nalaman. Ang isa pa niyang ipinaglalaban ay naniniwala siyang mahal siya ni Jino at hindi siya nito sasaktan ng ganoon-ganoon na lang.Mas nanaig pa din ang pagmamahal niya sa lalaki. Kaya ang nangyari, gusto pa din niyang makauwi sa mansiyon ng mga Dolmenazav upang kahit paano ay mapaghandaan ang ba
MATAGAL nang nakaalis sina Jino At Naikkah nang bigla namang dumating sa mansiyon De Domingo si Nikko. Nagulat na lamang sina Arianne at Jake nang madatnan nito silang mag-asawa sa sala ng mansiyon kasama ang kanilang mga magulang."Nikko? Come over here, my son. Join us for this merienda!" Masayang tawag ni Zenaida, ang mommy nila. Katabi nito ang asawang si Ronaldo na ngayon ay nasa edad otsentay tres na."O Nikko? Napabalik ka? May nakalimutan ka ba?" Agad na tanong ni Jake sa kapatid. Nagtataka kasi ito kung bakit bumalik ang kapatid gayong nagpaalam na ito kanina na uuwi na kasama ang pamilya nito.Kita sa mukha nito ang pag-alala."I am sorry, Kuya...but I have something more important to tell you right away!" Tugon nito na hindi mapakali. Napansin ni Arianne na may hinahanap ito."Who are you looking for?" Nakakunot-noong tanong naman nito kay Nikko."Where's Jino? May kailangan siyang malaman tungkol sa ina ni Juno at kailangan niyang mag-ingat sa mga ito.""Kanina pa siya na