"TIYANG, ingatan mo pong muli ang patahian ha! Babalik po ako," paalam ni Yumi sa tiyahin.Wala rin siyang nagawa kundi ang pumayag na sumama pabalik sa mansyon kay Vincent. Ewan ba niya kung bakit. Kung bakit ngayo'y hinihila siya pabalik sa mansiyon. Sinabi niyang hindi na muli pang tutuntong doon lalo na kung nandoon ang mag-inang Victoria at Yvonne."Oo, anak, mag-iingat ka roon, ha! Huwag mo kaming isipin dito, kayang-kaya namin ito at hindi namin pababayaan itong bahay."Bago siya tuloyang sumakay sa kotse ng binata, niyakap muna niya si Althea. "Salamat," nangingiti pang bulong niya rito. Ngumiti rin ito sa kanya. Naghintay ang mag-ina na makaalis ang sasakyan bago pumasok sa loob ng bahay. "Mukha namang mabait 'yong sinasabing asawa ni Yumi, hindi ba 'nak?""Yes, Ma at guwapo rin siya. Iyon nga lang may kapayatan ito."Samantala, walang imikan ang dalawa habang nasa biyahe. Nagpapakiramdaman lamang ang dalawa. Ngunit hindi nakatiis si Vincent."Thanks sa pagpayag mong sumama
"PAANO ba 'yan? Matutuloy ang honeymoon natin sa England 'pag natapos na ang problema ko."Matiim na tinitigan ni Yumi ang binata. "Sabihin mong nagbibiro ka lang!" Bahagyang itinaas pa niya ang hawak na papel. "Biro lamang ang nakasulat dito, hindi ba?""Tsk naman! Nagpakahirap akong kuhain ang marriage of certificate natin, kaya dapat ay may premyo ako sa iyo." Itinulis nito ang nguso habang dahan-dahang lumalapit sa kanya. Napahinto rin ito kaagad nang ihampas niya ang hawak na papel dito."Magtigil ka nga!" Pinandilatan din niya ito. "Totoo ang nakasulat dito? Ibig sabihi'y totoo ang ating kasal!"Malalim itong napahinga. "Oo nga at may utang ka sa akin! Siguro mga sampong gabi rin iyon." Binilang pa nito ang mga daliri. Nangonot ang noo niya, hudyat na hindi niya naunawaan ang sinabi nito. "Utang? Anong utang?""Utang na gabi! Hindi ako nakatabi sa 'yo. Hindi nakayakap, hindi nakahalik at alam mo na kung ano 'yong huli." Pilyo pa itong ngumiti sa kanya na sinasamahan din ng pagt
WALANG pagsidlan ang tuwa ni Yumi nang gabing iyon dahil sa naganap na date nila ni Vincent. Pakiramdam niya'y idinuduyan siya sa ulap ng mga anghel. Kinapa niya ang kuwintas na ibinigay ng binata. Alam niyang mamahalin iyon ngunit alam niya, sa puso niya mas mahal pa roon ang kanyang nararamdaman para sa binata. Wala mang nangyaring ligawan sa pagitan nila, hindi man siya hinarana o binigyan ng pagkatatamis ng tsokolate, ramdam naman sa puso niya na ang binata na ang pinaka-romantikong lalaki na nakilala niya. "Oy si Ate, kumikislap ang mga mata.""Ayan ka na naman, Marrie, um-eksena ka na naman agad. Kita mo nang nag-iimagine pa itong si Ate Yumi."Napatingin siya sa dalawang maid na lumalapit, nasa sala siya nang oras na iyon. Si Vincent nama'y umakyat na sa silid nila upang magpahinga. Sinalubong na rin niya ang mga ito ng yakap. "Salamat at muli ko kayong makakasama rito. Happy ako na makita kayong muli.""Kami rin naman, Ate Yumi. At siyempre, masaya kami dahil muli kayong nagk
PAROO'T PARITO si Victoria. Pinag-iisipan kung bakit hindi inatake ang anak-anakan niya ng sakit nito. Vincent has anaphylaxis. Anaphylaxis, also called allergic or anaphylactic shock, is a sudden, severe and life-threatening allergic reaction that involves the whole body. The reaction is marked by constriction of the airways, leading to difficulty breathing. Swelling of the throat may block the airway in severe cases. And if you have an anaphylactic reaction, you need to see a doctor immediately. Nakuha iyon ng binata mula sa maanghang na pagkain like black pepper, nalaman niya iyon nang minsa'y magpaluto siya ng paborito nilang pagkain. Namula nang husto ang buong balat ng binata. Ilang beses pa itong sumuka at ang pinakamalalang nangyari ay nawalan ito ng malay. Simula noon ay ipinagbawal na ng doktor na sumuri rito ang pagkain ng maanghang, kahit pa nga ang maglagay ng kaunting black pepper sa pagkain. Iyon ang naging dahilan nang unti-unting paglason niya sa isipan ng binata. Ngun
"MOM, bakit nga ba sobra yata ang galit mo kay Vincent? May problema ba na hindi ko alam?" Kasalukoyang nasa mall ang mag-ina, inutosan sila ni Vincent na bumili ng mga kakailangan para sa pagpunta nila sa bahay ni Yumi at iyon ay lingid sa kaalaman ng huli. "Nothing, anak. Sadyang mainit lang talaga ang dugo ko sa lalaking iyon," kibit-balikat niyang tugon. "I don't believe you, Mom. Hindi ka magkakaganiyan kung wala kang malalim na pinaghuhugotan."Huminga ng malalim si Victoria, "Marahil ay ito na nga ang tamang oras, Yvonne. Kung bakit galit na galit ako kay Vincent at maging sa ama't-ina nito. Oras na para malaman mo kung ano ang dahilan."Bahagyang nangonot ang noo ni Yvonne. Nang akmang sasabihin na ni Victoria ay siya namang nag-ring ang cellphone na hawak nito. Sumimangot ang ginang nang makita ang pangalan ng kinaiinisang tao ang tumatawag ngunit sinagot din naman nito iyon. Sandali lamang ang kanilang pag-uusap"Pinababalik na tayo ni Vincent. Halika na, mamaya ko na sas
"SINONG bastos, mahal? Hindi ba't ikaw ang kusang nagpakita ng katawan mo sa akin?" Hindi nalaman ni Yumi kung paano nakalapit nang bigla si Vincent. Naramdaman na lamang niya ang masuyong paghaplos ng palad nito sa balikat hanggang braso niya. Nakasubsob kasi sa dalawa niyang tuhod ang kanyang mukha. Bigla siyang pinanindigan ng balahibo sa paraan ng paghaplos nito. Mabilis siyang nag-angat ng mukha kahit pa nga sinisilaban siya ng hiya at ang nangingislap nitong mata ang sumalubong sa kanya."You're my wife naman, hindi ba? Kaya wala ka nang dapat pang ikahiya sa akin. Nakahanda na ako para paligayahin ka, aking mahal." Humaplos sa mukha niya ang mainit nitong palad.Pakiramdam ni Yumi ay hinihigop siya ng titig ng binata lalo na't nanunuot sa bawat himaymay ang ginagawang paghaplos nito sa kanya. Idagdag pa ang mabangong hininga nito na nakakapagtuliro sa isipan niya. Hindi tuloy niya maintindihan kung bakit nagawang umunat ng kanyang katawan. Sinamantala iyon ni Vincent. Sinakop
KAGAT-LABI si Yumi at agad ding nagbaba ng mukha upang itago ang pamumula ng mukha. Nasa silid na sila upang makapagpahinga at kasalukoyang nag-aayos ng sarili si Vincent. Maya't maya pa ay tumabi na ito."D-dito ka matutulog?"Napatitig sa kanya si Vincent, "Why? May masama ba?" masungit na balik tanong nito sa kanya.Napilitang umiling siya kahit pa nga naghuhumiyaw sa pagtanggi ang isipan niya. Hindi pa naman siya sanay matulog nang may katabi. Hindi muna natulog ang binata, sa halip ay umupo ito, naka-unat ang dalawang binti at nakasandal ang likod sa headbord ng kama. Napasinghap siya nang may abutin ito sa drawer ng mesa na nasa gilid niya. Lumapat sa mukha niya ang dibdib nito. Para bang nanunudyo. Naamoy niya ang nakaha-halinanang pabango ng binata. Sandali siyang napapikit upang namnamin iyon ngunit halos magkulay-suka ang mukha niya nang sa kanyang pagmulat ay ang cover ng babasahing libro ni Vincent ang nakita niya. "Ahhh! Vincent..." Naghihiyaw siya sa labis na takot. Si
HALOS lumundag ang puso ni Yumi nang maramdaman ang paghigpit pa lalo ng yakap ng binata. Kinabig pa siya nito at ipinantay ang mukha sa mukha niya. Hindi yata nito akalaing maririnig iyon sa bibig niya, na kahit man siya ay nagulat din. Salbahe kasi ang bunganga niya, kung anu-ano ang lumalabas. "What did you say? Paki-ulit mo nga." Ipinagdikit pa nito ang kanilang mga noo."Ah--" Tumikhim siya upang maalis ang tila bagay na nakabikig sa lalamunan. "Mag--magba-banyo muna ako." Hindi na niya hinintay ang sasabihin pa ng binata. Mabilis siyang umalis sa pagkakayakap nito kahit anong higpit pa at nagdudumaling pumasok ng banyo. Anumang oras ang sasabog na ang kanyang pinipigil. Hindi na niya nagawang isarado man lamang ang pinto ng banyo. Narinig na lang niya ang pagsigaw ng binata. "Yes... Yahooo! She loves me, too."Hindi niya napigilan ang mapangiti. Hindi nga dapat pa niyang itanggi ang nararamdaman para sa asawa. Siya lang din naman ang mahihirapan kung ililihim la niya. Pagkatap
MATIYAGANG nagbabantay si Vincent sa asawa. Wala pa rin itong malay. Hindi naman delikado ang naging lagay nito, sinalinan din agad ito ng dugo pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay. Laking-pasasalamat niya sa taong nagligtas sa kanila. Kundi siguro dumating ang dalawa, tiyak niyang hindi lang iyon ang nangyari sa kanilang mag-asawa. Si Samuel. Matapos nitong gamutin ay dinala na ito sa presinto. Hindi siya pumayag na sa hospital ding iyon ito magpapagaling. Base sa naging usapan nilang dalawa ay naghihiganti ito dahil sa pagkamatay ni Yvonne at pagkakakulong ni Victoria. Sila pa pala ang may ganang maghiganti? Napahinga na lang siya ng malalim. Naagaw ang pansin niya nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang dalawang taong nagligtas sa buhay nila. "Hey, dude! Kumusta? Nagkamalay na ba ang asawa mo?" "Hindi pa," aniya na sinamahan pa ng marahang iling. "Don't worry, she will be alright." "Yeah. Thanks to you, Hector, ganoon din sa iyo, Drew." "Wala iyon," tugon
KASALUKUYANG tinatahak na ng sasakyan ni Vincent ang pabalik sa mansiyon. Napasarap ang kuwentuhan nila ni Tikboy. Lihim siyang napangiti nang maalala ito. Ang lalaking pinagselosan niya nang unang gabi nila ni Yumi bilang mag-asawa. Boyfriend pala ito ni Althea na dating nanliligaw sa asawa niya. Hindi naman niya kasi maitatanggi, may angking ganda ang kanyang asawa. Ang itim nitong mata, mahaba at malantik ang pilik-mata, mapula ang makipot na labi at ang bilugan nitong mukha, kaysarap pagmasdan. Napasulyap siya sa katabing asawa. Kaya pala tahimik ay nakatulog na pala ito. Napagod ito sa walang katapusang kuwentuhan ng magpinsan.Ang tiyang na nito ang pinamahala nito sa naiwang negosyo ng magulang nito, pero, minsan ay bumibisita sila roon. Lumaki na nga iyon. Ipinagpasalamat din ng asawa niya na kahit niloko ito ng mag-ina ay hindi nagawang pabayaan ng ginang ang tahian. Dinagdagan niya iyon ng twenty pieces na sewing machine at nagdagdag na rin ang ginang ng tauhan. Pinababali
"SWEETIE...""Yes?" Nabaling ang paningin ni Yumi sa asawang kalalabas lang sa banyo. Tumutulo pa ang tubig nito sa buhok at tanging puting towel ang balot nito sa pang-ibabang katawan. Napalunok siya ng laway nang makita ang nakaumbok nitong kakambal. Hindi man niya aminin pero pinagnanasaan niya ng palihim ang asawa. "Eyes on me, sweetie. Don't look down there." Pilyo itong ngumiti nang magtaas siya ng paningin.Hiyang-hiya siya sa salitang lumabas sa bibig nito. Syete. Nahuli na naman siya nito. Bakit kasi ang yummy ng asawa niya? Simula nang malaman nito ang katotohanan sa kalusugan nito'y mas naging aware ito sa kinakain. "Luh! Para kang temang. Kasalanan ko ba kung matuon ang paningin ko sa ano mo." Umirap pa siya para mawaglit ang hiyang nadarama niya. Narinig na lang niya ang mahinang tawa ng asawa na lalo niyang ikinahiya. Tumalikod na lang siya at kunwaring inabala ang sarili sa pag-aayos ng kanilang higaan. Saglit pa ay bahagya siyang napapitlag nang maramdaman ang mai
KAHIT papaano ay nakadama ng takot si Vincent nang kalabitin ang gatilyo ng baril ni Victoria. Ngayon lang siya nakadama ng ganoong uri ng takot kaya niyakap na lang niya ang katabing asawa dahil ito ang puntirya ng baril. Sabay na lang silang napapikit. Ang mga pulis nama'y mabilis din ang ginawang pagdampot sa kanya-kanyang baril.Nagtilian ang mga saksi. Naghintay si Vincent pero walang bala ng baril ang dumapo sa kahit anong parte ng katawan niya. Nagmulat siya ng mata at nakita na lang niya ang pagbaha ng dugo sa kinatutuntungan nila. "Y-Yvonne..." Nabitiwan ni Victoria ang hawak na baril. Kitang-kita nito ang pagtama ng bala sa dibdib ng anak. "Yvonne..." patakbong lumapit ito sa anak ngunit naunahan na ito ng mga pulis. Agad itong nahawakan ng isa at ipinosas ang kamay.Mabilis na dinaluhan ni Vincent si Yvonne. Tinapalan ni Yumi ang sugat ng panyong nadukot sa bulsa ngunit bumubulwak pa rin ang dugo. Walang patid iyon na dinaig pa anh gripo ng tubig. Napuno na rin ng dugo ang
NANG dahil naging busy si Victoria nang mga nakalipas na araw ay pansamantalang nakalimutan niya ang gintong kawangis ng mansiyon. Kinabukasan pagkatapos nang dakpin si Yumi ay saka pa lang niya naalala iyon. Pagmulat pa lang ng mata niya'y iyon na agad ang pinagtuunan niya ng pansin. Umakyat siya sa ikatlong palapag, kung saan ay naroon ang kawangis ng mansiyon. Simula nang ipapatay ng ginang si Vincent ay hindi na siya pang muli umakyat doon. Nakalimutan na niya ang tungkol sa gintong mansiyon dahil sa araw-araw na paglabas at pag-akit niya sa mga kaibigan. "What? Nasaan na iyon?" buong pagtatakang tanong niya. Wala na roon ang gintong mansiyon. Maliban doon ay wala nang iba pang nawawala. Inilibot niya ang paningin. Binuksan din niya ang kabinet na nandoon ngunit wala sa alinman doon ang kanyang hinahanap."May pumasok dito?" sambit niya. "Si Yumi! Ang walanghiyang babaeng 'yon! Ahh..." hiyaw niya, sapo ng dalawang palad ang ulo. "Naisahan na naman niya ako!""Bwisit ka talaga, Y
NAGPAALAM sandali si Yumi kay Manang Fe, may importanteng aayusin siya at iyon ay tungkol sa pina-examine niyang gamot na ininom ni Vincent. Wala kasi siyang alam tungkol sa mga ganyan. Humanap siya ng mapagkakatiwalaang tao at doon ipinagawa ang nais. At ayon sa taong inutusan niya'y lumabas na ang resulta. Hindi muna niya ipinaalam sa matanda ang naging desisyon niya. Mahigit tatlong oras siyang wala at sa pagbalik niya'y hawak na niya ang resulta. Naabutan niya na nasa labas ng gate si Ella at Marrie. Bahagya pang umarko ang kilay niya sa narinig na pagtatalo ng dalawa. Nasa likuran na siya ng dalawa at mukhang hindi siya napapansin."Ikaw na nga kasi.""Bakit ako? Mas matagal ka sa akin dito, 'di ba? So, ikaw na.""Wala sa tagal iyan, Marrie. Sige na, pindutin mo na ang doorbell." "Luh! Ikaw na nga. Or mas mabuting hintayin na lang natin dito si Ate Yumi.""Lalamukin tayo rito. Ikaw na. Sabunutan pa ako ni Madam Victoria e."Nahilot niya sa sentido kasabay ang pag-ikot ng mata.
KUYOM ang kamao habang nakatitig sa repleksyon sa salamin si Victoria. Halos umusok ang ilong niya sa matinding galit na nararamdaman. Nagkakandabuhol-buhol na ang pagtahip ng dibdib niya. Buong akala niya'y mananalo na siya sa larong ginawa. Kung hindi nga lang ba dumating sa buhay ni Vincent si Yumi, tagumpay sana ang kanyang plano. "Ahhh... Bvwisit ka!" hiyaw niya kasabay ang pagtilapon sa lahat ng madampot na kasangkapan. Wala siyang itinira, maging ang nananahimik na unan ay pinagbuntungan din ng galit. "Hayop! Hayop ka! Sagad hanggang buto ang galit ko sa inyo!" muling sigaw niya. "Kasalanan mo ito, Bridgette. Hayop ka! Pinapahirapan mo pa rin ako kahit nasa kabilang buhay ka na! Kung hindi dahil sa ginawa mo noon, hindi sana ako maghihirap ng ganito. It's all your fault!" gigil pa niyang sabi.Inilabas niya ang lahat ng galit na nasa dibdib. Sumigaw siya nang sumigaw ngunit hindi yata mawawala ang galit na nararamdaman niya. Isang libo't isang daan din niyang minura ang yumaon
NAKITA ni Yumi na halos lumuwa ang mata ng dalawa sa nabasa. Kapwa yata hindi makapaniwala. Sabay na nabaling ang tingin ng mga ito sa kanya na nakaawang pa ang bibig."Ate," nagtitili si Marrie. "Ang yaman-yaman mo na!""Shhh!" Mabilis niyang tinakpan ang bibig ni Marrie. "Ang bunganga mo. Huwag kang maingay! Walang dapat maka-alam. Hahayaan muna nating namnamin ni Victoria ang tagumpay na inaakala niya. At sa huli, pagbabayarin ko siya. Alam ko naman siya ang may pakana nang pagkamatay ni Vincent." Kahit may lungkot na nadama ang dalawa ay hindi napigilang magningning ang mga mata ng kaharap niya at kasabay ang pagsilay ng ngiti sa kanila-kanilang mga labi. Pagkatapos niyo'y lumabas na sila ng silid. Nagtungo ang dalawa sa tinutuloyang silid upang kuhain ang mga gamit. At habang naghihintay si Yumi sa dalawa ay lumapit si Yvonne."Iyan lang ba ang dadalahin mo?" Tiningnan nito ang nasa paanan niyang bag. "Oo. Bakit?""I thought na gusto mong dalahin ang damit mo? Sige na, kuhain
MAG-ISA si Yumi sa silid nilang mag-asawa, nagmumuni-muni sa mga nangyari. Katatapos lang na ilibing ang bangkay ni Vincent. Ayon kay Victoria ay ayaw nitong patagalin pa ang burol, bagay na sinang-ayunan din niya. Naluluha't nagagalit siya nangyari sa kanyang asawa, pero wala na siyang magagawa pa. Ang dapat na lang niyang gawin ngayon ay patunayan na ang ginang nga ang may pakana ng aksidenteng nangyari. Napakabilis ng pangyayari. Parang kahapon lang ay masaya pa siyang magkasama pero ngayo'y...wala na. At dahil iyon sa isang taong ganid sa pera. Sino pa ba ang gagawa n'on sa asawa niya? Baka nga kung hindi siya nakaalis sa sasakya'y nadamay rin siya. Pero ang ipinagtataka niya at kung si Victoria ang nag-utos na patayin si Vincent, hindi ba't may kayamanan na rin itong natanggap mula sa yumaong ama ng asawa niya? Dahil ba sa gustong makuha ng mag-ina ang lahat ng ari-arian nito? Kunsabagay, alam nga pala ng mag-ina na peke ang kanilang kasal."Asa ka, Victoria! Hindi mo makukuha a