MAAGA pa lamang naghanda na si Yumi ng mga sangkap para sa lulutoin. Dahil paborito ni Vincent ang baka, kaldereta ang naisip niyang lutuin at iyon din ang sinabi ni Victoria. Ayon sa ginang ay matagal na raw siyang hindi nakaka-kain niyon. At gusto nito'y maanghang. Isang oras at kalahati rin siyang nasa kusina, hindi lang isa ang kanyang niluto. Gumawa rin siya ng vegetable salad at soup. Tumulong si Manang Fe, Ella at Marrie sa paghanda. Makahulogang nagkatinginan ang mag-ina matapos makita ang nakahaing pagkain sa kanilang harapan. Si Vincent nama'y sarap na sarap sa pagkain, espesyal ang lutong iyon dahil ang babaing unti-unti na nitong minamahal ang nagluto. Naglagay na ito ng pagkain sa pinggan. "Hep! Sandali! Puwede ho ba na mag-pray muna tayo bago kumain. Magpasalamat sa nasa Taas sa biyayang pagsasaluhan natin ngayon."Muling nagkatinginan ang mag-ina ngunit walang kumontra sa kanila. Sumang-ayon pa nga si Victoria at ito pa ang unang nagdasal. Pagkatapos niyo'y sabay-saba
MABIBIGAT ang paa ni Yumi habang tinatahak ang kahabaan ng daan. Nasa limang oras na yata siyang naglalakad ngunit wala pa rin siyang makitang puwedeng masakyan. Dagnas-pawis na siya at unti-unti na ring nakararamdam ng pagod, gutom at uhaw. Nagpalinga-linga siya, nagbabaka-sakali na may bahay siyang mahihingan ng kahit kaunting tulong. "Naligaw na yata ako ah! Saan nga ba ang daan palabas?" kumakamot niyang tanong sa sarili.Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng sigaw sa daang kanyang pinagmulan. Nilingon at inaninag niya iyon. Nagulat at napangiti siya nang makitang humahangos si Ella at Marrie. "Ate Yumi!" panabay na sabi ng dalawa. Hindi na siya nakapaghintay, sinalubong na niya ang papalapit na dalawa. "Anong ginagawa ninyo rito?"Sunod-sunod ang naging paghinga ng dalawa kasabay ang pagpatong ng mga palad nila sa kani-kanilang mga tuhod. "Ang bilis mo, Ate! Hiningal kami sa iyo," panabay na sabi ng dalawa. "Bakit kasi sinundan pa ninyo ako?""Hindi ka namin sinundan, pinala
"MAYUMI!" sigaw na nagpabalikwas ng bangon kay Yumi. "May sunog! May sunog!" Naihilamos niya ang kanang palad sa sariling mukha, "Diyos ko, puwede ho bang paki-abisuhan ako 'pag sisigaw na si Tiyang Lourdes. Aatakehin ako sa atay eh!" Napahawak pa siya sa tapat ng dibdib dahil sa takot na mahulog iyon. "Mayumi, kailan ka ba bababa riyan? Aba'y tanghali na ah!""Alas-sais pa lang ho, Tiyang, wala pang alas-dose!" aniya habang bumababa sa hagdan. "Aba't namimilosopo ka na ngayon ha!" "Magluluto na po ako ng almusal ninyo, ano pong gusto ninyong kainin?" Nakangiti siyang humarap sa naiinis na ginang. Sinimangutan lamang siya nito, "Bahala ka na!"Tinalikuran na siya ng ginang. Siya nama'y nagtungo na sa kusina upang makapaghanda na ng almusal. Isang buwan na ang lumipas buhat nang umalis siya sa mansyon. Hindi na niya gasinong iniisip pa si Vincent at ayaw na rin niyang isipin pa ang binata dahil tiyak na luluha na naman ang kanyang puso. Pero may mga oras din na hindi niya mapigili
MATAPOS makuha ang mga dokumento ay hindi na muna kinausap ni Yumi ang tiyahin. Paulit-ulit niyang binasa iyon., hanggang sa kinabukasan ay napagpasiyahan niya ang dapat na iparusa sa dalawa. "Tiyang Lourdes, samahan niyo ho ako sa patahian ng aking Papa, ngayon na!" Aligagang sumunod si Lourdes sa kanya. Isang sakay lamang sa dyip ang kinaroroonan ng kanilang patahian at habang tumatakbo ang sasakyan ay samo't sari ang pumapasok sa isipan niya. Paano kung napabayaan na ang pinaghirapang itayo ng magulang niya? At sa tagal na ng panahon nang huli siyang magpunta roo'y nakalimutan na niya ang hitsura niyon. Sampung taon siyang inalila ng mag-ina at kaya pala hindi matapos-tapos mabayaran ang utang niya'y hindi pala iyon totoo. Huminto ang dyip sa tapat ng warehouse. Sa natatandaan niya ay ganoon pa rin ang hitsura nito. Magmula sa kulay niyong kulay blue na paborito niyang kulay. Nandoon pa rin ang pangalan na 'Yumi's Tailoring Shop'. Ipinangalan iyon ng yumaong magulang niya sa
UMAWANG ang bibig ni Yumi sa narinig. Pinakatitigan niyang mabuti ang lalaking kaharap. Maya't maya pa ay malalim siyang napahinga. "Bakit mo naman ako susunduin? Ipapakulong mo na ba ako?" taas kilay niyang tanong dito. "Pupunta tayo sa England, remember?" "Wow!" "Anak, saan iyon?" Mula sa dingding ng kusina ay nakikinig ang mag-inang Lourdes at Althea. Halos humaba na ang mga tainga nito mapakinggan lamang ng maayos ang pinag-uusapan ng dalawa. "Malayong lugar iyon, Ma, at hindi natin kayang pumunta roon."Naningkit naman ang mata ni Yumi. "Hindi ako sasama sa iyo. Mas nanaisin ko pang magpalaboy-laboy sa lansangan kaysa ang bumalik sa mansyon mo!" mariing niyang tugon. "Mansiyon? Wow! Aba'y yayamanin talaga ang bisita ni Yumi," ani Lourdes.Tumayo si Vincent at lumapit sa kaniya. Halos magmakaawa na ang anyo nito. "Please, asawa ko!" "Ano raw? Asawa? "Mukhang mayamang-mayaman nga siya, Ma. May kotse pa nga siya sa labas, iyon ho bang mamahaling sasakyan.""Talaga?"Pabulo
"TIYANG, ingatan mo pong muli ang patahian ha! Babalik po ako," paalam ni Yumi sa tiyahin.Wala rin siyang nagawa kundi ang pumayag na sumama pabalik sa mansyon kay Vincent. Ewan ba niya kung bakit. Kung bakit ngayo'y hinihila siya pabalik sa mansiyon. Sinabi niyang hindi na muli pang tutuntong doon lalo na kung nandoon ang mag-inang Victoria at Yvonne."Oo, anak, mag-iingat ka roon, ha! Huwag mo kaming isipin dito, kayang-kaya namin ito at hindi namin pababayaan itong bahay."Bago siya tuloyang sumakay sa kotse ng binata, niyakap muna niya si Althea. "Salamat," nangingiti pang bulong niya rito. Ngumiti rin ito sa kanya. Naghintay ang mag-ina na makaalis ang sasakyan bago pumasok sa loob ng bahay. "Mukha namang mabait 'yong sinasabing asawa ni Yumi, hindi ba 'nak?""Yes, Ma at guwapo rin siya. Iyon nga lang may kapayatan ito."Samantala, walang imikan ang dalawa habang nasa biyahe. Nagpapakiramdaman lamang ang dalawa. Ngunit hindi nakatiis si Vincent."Thanks sa pagpayag mong sumama
"PAANO ba 'yan? Matutuloy ang honeymoon natin sa England 'pag natapos na ang problema ko."Matiim na tinitigan ni Yumi ang binata. "Sabihin mong nagbibiro ka lang!" Bahagyang itinaas pa niya ang hawak na papel. "Biro lamang ang nakasulat dito, hindi ba?""Tsk naman! Nagpakahirap akong kuhain ang marriage of certificate natin, kaya dapat ay may premyo ako sa iyo." Itinulis nito ang nguso habang dahan-dahang lumalapit sa kanya. Napahinto rin ito kaagad nang ihampas niya ang hawak na papel dito."Magtigil ka nga!" Pinandilatan din niya ito. "Totoo ang nakasulat dito? Ibig sabihi'y totoo ang ating kasal!"Malalim itong napahinga. "Oo nga at may utang ka sa akin! Siguro mga sampong gabi rin iyon." Binilang pa nito ang mga daliri. Nangonot ang noo niya, hudyat na hindi niya naunawaan ang sinabi nito. "Utang? Anong utang?""Utang na gabi! Hindi ako nakatabi sa 'yo. Hindi nakayakap, hindi nakahalik at alam mo na kung ano 'yong huli." Pilyo pa itong ngumiti sa kanya na sinasamahan din ng pagt
WALANG pagsidlan ang tuwa ni Yumi nang gabing iyon dahil sa naganap na date nila ni Vincent. Pakiramdam niya'y idinuduyan siya sa ulap ng mga anghel. Kinapa niya ang kuwintas na ibinigay ng binata. Alam niyang mamahalin iyon ngunit alam niya, sa puso niya mas mahal pa roon ang kanyang nararamdaman para sa binata. Wala mang nangyaring ligawan sa pagitan nila, hindi man siya hinarana o binigyan ng pagkatatamis ng tsokolate, ramdam naman sa puso niya na ang binata na ang pinaka-romantikong lalaki na nakilala niya. "Oy si Ate, kumikislap ang mga mata.""Ayan ka na naman, Marrie, um-eksena ka na naman agad. Kita mo nang nag-iimagine pa itong si Ate Yumi."Napatingin siya sa dalawang maid na lumalapit, nasa sala siya nang oras na iyon. Si Vincent nama'y umakyat na sa silid nila upang magpahinga. Sinalubong na rin niya ang mga ito ng yakap. "Salamat at muli ko kayong makakasama rito. Happy ako na makita kayong muli.""Kami rin naman, Ate Yumi. At siyempre, masaya kami dahil muli kayong nagk