Home / Romance / Your Temporary Person / [ K A B A N A T A II ]

Share

[ K A B A N A T A II ]

last update Huling Na-update: 2020-09-07 14:39:59

Crush

Sabi nila makipaglaro ka nalang sa bagyong kanluran wag lamang sa kidlat na nasa aking harapan. Mild lamang daw ang pinsala ng isang bagyo pero ang kidlat na may kasamang buhawi ng kayabangan ay tiyak nang maiiwan sa ‘State of Calamity’ ang puso mo.

“A-ano yung gagawin mo para palamigin ang ulo ko?” Mababakas sa kaniyang boses ang paghanga dahil sa naitugon ko sa kaniya kanina.

Ano nga ba ang dapat kong gawin upang palamigin ang kaniyang ulo? Baka mamaya ay mapeste na naman niya ako kapag patuloy ang kaniyang mainit na ulo. Sana pala ay hindi ko nalamang siya hinabol para sa isang libo, tutal ay marami naman siyang pera. Siya lang naman ang pinsan ng may-ari ng buong islang kinatatayuan namin.

“Nakakabingi ba talaga ang halik para sa mga mainit na ulo ng isang babaero?” walang ganang tanong ko at umupo na lamang sa single sofa.

“I really don’t know where did you get that idea. A kiss?” napapahanga siyang nagbuga ng hangin.

“Edi wag na lang, makakauwi kana.” Tamad kong saad at agad nang kinuha ang tray.

Ayokong pinepeste ako ng kidlat na may buhawi ng kayabangan. Nakaka-stress at nakakapang-init ng ulo. Habang naglalakad ako papunta sa kusina ay naalala kong tambak nga pala ako ng research ngayon lalo pa at magmimid-term na naman. Graduating na ako kaya busy ang buong Grade 12 unit.

Nang maibalik ko ang mga kinuha ko ay kinapa ko ang cellphone sa aking bulsa. Nakita kong may text sa akin si Mau (Mayu). Napapaikot ang aking mga mata dahil wala ng ibang inisip ang isang ito kundi ang makipyesta sa kabilang bayan.

Mau Cute: Gurl, tara sa Brgy. Shoel, balita ko maraming dayo ngayon *-*

Hindi ba nito iniisip na madami kaming research papers? Napahinga ako ng malalim dahil sa pagkakaalala na kagrupo ko nga pala siya kaya wala ng iniisip. Safe kumbaga. Ikaw ba naman, kagrupo ang kaibigan plus mo pa daw na matalino. Damn.

Vale: I wanted too, gurl. But remember our research papers? Wala pa akong nasisimulan.

Mau Cute: Bakit?

Vale: Andito ang peste.

Mau Cute: Nagpapeste ka na naman siguro? Naku, gurl. Iwas-iwasan mo na yang bagyo na may kidlat na yan. Mai-state of calamity talaga yang puso mo.

Vale: Gaga, hindi ko naman gusto ang peste.

Mau Cute: Sana nga gurl.

Hindi ko na lang pinansin ang huli niyang text at nilagay ulit sa bulsa ng short ko ang cellphone. Napahinga muli ako ng malalim saka lumabas ng kusina. Malaki ang pasasalamat ko dahil wala na ang kidlat na may buhawi ng kayabangan.

Napagpasyahan ko nalamang na magwalis sa sala upang mawala ang mikrobyong dala ng kidlat bago dumiretso sa likuran ng bahay upang maglaba. Inipit ko ang buhok ko ng para talagang naglalabandera. Bahala na, hindi naman siguro ako makikita ng crush kong kapitbahay eh.

Nagsimula na akong maglaba at nakasalpak sa tenga ko ang headphone ko. Napapahead bang pa ako habang nagkukusot ng mga puti. Mas ginaganahan akong maglaba kapag nakahead phone at nakafull volume ang music.

Nasa ganong sitwasyon ako ng mapatingin sa bahay ng crush ko at ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng makit ko siyang nakatingin sa akin nang nakangiti. Napatigil ako sa paghe-headbang at agad na umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking pisngi. Tinanggal ko na rin ang head phone sa aking tenga at napa-ayos ng upo.

“A-ano… uhm..” Walang gustong lumabas sa bibig ko dahil sa sobrang hiya.

Sa sobrang swerte ko ngayong araw ay talaga namang  napapanganga na lamang ako. Bakit ba kasi sa dami ng pwedeng makakita sa akin ay ang crush ko pang iyon. Lupa pakilamon ang Dyosa, jusko po.

“Ang cute mo.” Sabi nito na sinabayan pa niya ng kaniyang ngiti na dahilan ng paglitaw ng mga dimples sa magkabila niyang pisngi.

Naiwan akong literal na nakanganga at nagsimula na ring magharumintado ang aking puso dahil sa sinabi niya. Huminto yata ang paggalaw ng oras sa daigdig na ginagalawan ko. Oh gosh, ang daming pwedeng makakita bakit siya pa? bakit?

‘Bakit ang nag-iisang Sardius Estevan Arellano pa?’

Napapadyak ako ng aking mga paa dahil sa pinaghalong inis, dismaya at hiya sa nakita niyang sinaryo kanina. Nakakairita na nakakakilig, pakiramdam ko hanggang ngayon ay nangangamatis ang buo kong mukha at patuloy ang pagtambol ng aking dibdib.

Nang humupa na ang aking nararamdaman ay muli kong isinuot ang head phone ko at naglaba nang muli. Kahit yata nakahead phone na ako at nakikinig ng kanta ang isipan ko ay nililipad parin sa nangyari kanina. Kaya naman hindi ko na namalayang natapos ko na ang mga labahin ko at nagsimula nang magbanlaw.

Itinabi ko na muna ang aking head phone dahil sa magsasampay na ako. Nakatayo na ako at parang gusto ko na namang lamunin ng lupa dahil sa pares ng mga matang nakatitig sa akin ngayon. Matang hindi ko aakalaing hahangaan ko din pala dahil ang alam ko lamang na maganda ay ang mga mata ng banyaga.

“A-anong ginagawa mo dito?” Nauutal na tanong ko sa lalaking nakatayo sa aking harapan.

Kung kanina ay naghaharumintado ang aking puso dahil sa lalaking may dimples sa magkabilaang pisngi ngayon naman ay kinakapos ako ng hininga dahil sa paraan ng pagtitig ng kidlat na ito.

“Kukunin ko lang sana yung pampalamig ko ng ulo, mas uminit yata kaysa kanina.”

Wala akong naintindihan dahil sa bilis niyang magsalita, ang alam ko nalamang ngayon ay magkadikit na ang aming mga labi. Hindi man gumagalaw ang aming mga labi ay nararamdaman ko ang kuryenteng dumaloy mula sa aking leeg pababa sa aking talampakan. Nanatiling nakadilat ang aking mga mata dahil sa gulat.

Hiniwalay niya na ako sa kaniya na nanlalaki parin ang aking mga mata na tiningnan siya. Hanggang ngayon ay hindi parin nagpoproseso sa aking isipan ang ginawa ng lalaking kidlat na ito. Wala sa sariling hinawakan ko ang aking mga labi.

“Gusto ko ang paraan mo ng pagpapalamig sa mainit kong ulo.”

Dalawang araw, dalawang araw akong namahinga sa pesteng kidlat pero ang ginawa niya.. ang ginawa niya ang tumatak sa akin. Nang makabawi ako at matauhan nang araw na iyon ay talagang nagwala ako. Sinabihan din ako ng baliw nila mama at papa dahil sa pagsigaw ko. Sinong hindi mababaliw?

Napahinga ako ng malalim dahil sa nalalapit na rin naming Defense at namumulubi na kami dahil sa kabilaang print ng mga research at thesis. Being an A.B.M student is not easy but a wonderful experience, lahat naman siguro ng Strands ay hindi madali. Kabilaan din ang magiging defense namin para sa mga plans and proposal of our business and marketings. Hassle pero makakahinga na rin kahit papano dahil patapos na ang first sem.

“Balenggay, baka gusto mo munang magpahinga gurl wala ka pa yatang tulog. Kami na muna magtatype.” Napabaling ako kay Mau dahil ngayon lang ito nagsuhistyon.

Tinitigan ko siya ng maigi, baka mamaya hindi ito ang kaibigan ko. Nalintikan na, baka alien o di kaya ay engkanto. Napabuntong hininga nalamang ako dahil sa napaparanoid na ako dahil sa stress.

“Ako nalang, salamat.” Tugon ko dito

“Baleng, pahinga ka muna. Namumutla ka na oh.” Sabi naman ito ni Keziah

Napangiti nalang ako sa dalawa dahil kahit naman anong gawin kong pakikipagtalo ay mananalo sila. Sa talakan silang dalawa ang bida, gusto ko na ngang ipalakpak ang mga kamay ko nung nakipagdebate sila sa prof. namin.

Inayos ko nalang ang gamit ko at pumunta ng canteen, iniwan ko muna yung dalawa sa library tutal itatype nalang naman yun.

Nasa pila na ako ng biglang umingay ang buong canteen at hindi ko na kailangan pang tanungin kung bakit dahil nasisiguro kong ang mga bagyo brothers ay nariyan na. Hindi ko nalang sila pinansin at nag-order na.

Alam ko sa sarili ko kung kailan sila papansinin o hindi. Kasalukuyan akong naghahanap ng mauupuan ng mahagip ng aking mga mata ang dalawang bagyo na may kasama na namang mga babae. Kaya pala hindi sila pumasok dahil nambabae na naman. Napaikot ang aking mga mata dahil nagtama ang paningin namin ng babaerong kidlat.

“Valerie, dito ka nalang maupo.” Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng makita kong inaalok ako ni David—barkada ni Sardius.

“A-ah, pwede ba?” nahihiya kong tanong

“Oo naman, pabor na pabor—este pwedeng pwede. Ang dyosang kagaya mo ay dapat pinauupo sa tabi ng gwapong ito.” Nakakalokong saad ni Marko habang nakaturo kay Sardius

Natawa ako dahil sa kalokohan ng dalawang kaibigan ng lalaking kinahuhumalingan ko. Naupo na lamang ako sa tabi ni Sardius dahil yun ang sabi ng dalawa sa akin. Naiilang ako dahil sa tuwing susubo ako ay napapadaplis ang aking braso sa kaniyang kaliwang braso. Kung nakikita lamang kami ngayon nila Mau at Keziah ay paniguradong tampulan na naman ako ng pang-aasar ng mga yun.

“Bagay kayo.”

Agad akong nabilaukan ng marinig ko ang sinabi ni David. Naluluha at nang-iinit ang aking mukha, tenga at leeg. Malamang ay namumula ako, hindi man ako ganun kaputi ay alam ko kung kailan ako namumula o hindi. Oh gosh, ano ba kasi ang sinasabi ng mga ito.

“Ayieee. Sinabi ko lang na bagay kayo nasamid kana agad.” Nag-aasar na wika ni David

“Ayayay-ayayay ang pag-ibig pagpumasok sa puso ay maligalig.. Ayayay-ayayay ang pag-ibig pagpumasok sa puso ay maligalig.. Ako si Valerie, Ipinanganak sa Cavite, Pagdating sa inuman ewan ko lang, at sa lalaki si Sardius na agad yan. Ayayay-ayayay ang pag-ibig pagpumasok sa puso ay maligalig..”

Napapakurap ako dahil sa kanta ni Marko. Kahit sintunado siya ay talagang pumipikit pa, todo kung todo ang kanta niya na sinabayan pa ng pag-he-headbang ni David. Suportado ng David ang Marko, para silang minions.

“Supportive friends.” Natatawang saad ko sa kanila.

“Yes, yes, obkurz.” Sabay pa nilang saad.

Nakita ko na man ang pagtampal ng noo ni Sardius dahil sa kalokohan ng dalawa niyang kaibigan. Siguro ay sumasakit na ang kaniyang ulo dahil sa kalokohan ng dalawang ito. Simula yata ng mga nasa sinapupunan palamang sila ay magkakasama na hanggang sa lumipat si Sardius at ang ate niyang si Jizelle ay nakabuntot ang dalawang minions na ito.

“Sardius, okay ka lang?” naiilang na tanong ko dito nang lingunin ko ito.

Ngumiti lamang ito sa akin at tumango bago muling kumain. Napatango na lamang ako dahil wala na akong maisip na ibang topic para lamang pahabain pa ang aming usapan. This chance is rare, I should grab it. I should make my move just to make him notice me, my beauty. Pero nang magtatanong pa sana ako ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko at tumatawag si mama, nang sagutin ko ito ay..

“Valerie ang papa mo…”

Sa apat na salitang iyon ay tila ba huminto na ang oras at mundo ko. Akala ko kapag nakita kong may kasamang iba si Sardius ay masakit na iyon pero mas masakit pala ang apat na salitang ito. Alam ko na ang susunod na sasabihin ni mama at inihanda ko na ang sarili ko sa panghihina ko.

“Ang papa mo isinugod na naman sa ospital. Inatake na naman siya anak.”

Akala ko naihanda ko na ang sarili ko pero hindi parin pala dahil nabitawan ko ang cellphone ko dahilan kung bakit natigil sina David at Marko sa pagtawa at ganun din si Sardius. Nakatingin na silang tatlo sa akin samantalang ako ay nagpipigil na sa pagtulo ng aking mga luha. Pinatay ko na ang tawag dahil hindi ko na kaya pang marinig ang boses ni mama na nagtatapang-tapangan.

“You know what is my fear?” Naguluhan sila sa tanong ko, maging ako ay hindi ko alam kung bakit ko naitanong sa kanila ang bagay na iyon.

“W-what?” Sabay-sabay nilang tanong

“It is the time when the king is going to leave his princess.”

I  managed to hide my trembled voice but I failed. I failed to hide my crack voice and also my tears. I bursted out a sob, a hurtful sob. Dahil alam kong hindi ako makakauwi kahit pa emergency ang dahilan.

Natatakot ako na baka sa pagdating ko wala na ang kauna-unahang hari ng buhay ko. Naramdaman ko ang paghila ni Sardius sa akin palapit sa kaniya. Yakap niya na ako ngayon, nakabaon ang mukha ko sa kaniyang dibdib habang ang mga hikbi ko ay hindi maampat.

“Valerie.” Sabay na sambit ni David at Marko

“I… I wanted to see my king, I really wanted to--”

“Huush. Don’t worry, we’ll go there. Sasamahan ka namin nila David.”

“Wag ka ng umiyak Dyosa, hindi sayo bagay.” Rinig kong saad ni David

“Hindi sayo mawawala ang hari, narito pa kaming mga knight in shining armor mo.” Saad naman ni Marko dahilan ng pagtawa ko ng bahagya.

“Thank you for doing this.” At muli nakita ko na naman ang nakakatunaw na ngiti ng lalaking kinahuhumalingan ko.

Kaugnay na kabanata

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A III ]

    PapaKasalukuyan ako ngayong nasa labas ng Principal’s office dahil hinihintay ko ang tatlong ‘night and shining armor’ ko daw. Ewan ko ba sa tatlong iyon at ginagawa nila ito sa akin. Hindi ko naman talaga sila close o ano man ang sabi lang nila simula sa araw na ito ako na ang Dyosa na poprotektahan nila dahil ang isa da

    Huling Na-update : 2020-09-07
  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A IV ]

    Slave...I know God won’t give me anything I can’t handle but sometimes I just wish that He doesn’t trust me to not get tired of something. I just wanted to lay down and rest, forget what is reality and escape it but the hell with this suck reality. It always dragging me down and slap me a million times just to make me realized that in reality the princess is not just a damsel in distress but a fighter, a fighter that can fight for her own sake. Nothing more, n

    Huling Na-update : 2020-09-07
  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A V ]

    Love is...Who wouldn’t love to be love by someone they love? Who wouldn’t dream to be with the person they dreamin’ for

    Huling Na-update : 2020-09-07
  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A VI ]

    Human AlarmI remember what lolo said to me. Sabi niya kung papipiliin ako kung gago o matino dapat daw piliin ko ang gago, dahil mas masarap daw makitang nagbabago ito dahil sa mahal niya ako kesa daw sa matino na sa una lamang matino. Should I believe it? Hindi ba ako nito sasaktan?

    Huling Na-update : 2020-09-07
  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A VII ]

    Heartbeats...Nakarating kami sa skwelahan ng tahimik at walang mga imik. Nang makalabas ako sa kotse ni West ay nakita ko agad sina Thunder at Sardius na naghihintay sa akin sa bukana ng building namin. I let out a heavy sigh before I continue walking towards them and then stop when i am half meter away from them.

    Huling Na-update : 2020-09-07
  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A VIII ]

    Lito...It was Tuesday and as usual sinundo na naman ako ng apat at kagaya ng kahapon ay kay West kami sumabay. Tahimik ako buong byahe dahil sa nangyari kahapon sa clinic. Nasapo ko ang aking mukha ng maramdaman ko muli ang pag-init ng pisngi ko.

    Huling Na-update : 2020-09-07
  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A IX ]

    Tuddler...My heart still pounding faster than its normal beating. I should go to the hospital and check my heart if I have disease. Kanina pa ito sa paghaharumintado, hindi parin ito naaawat tila gustong lumabas at sumabog. Nakakatakot baka mamatay ako.

    Huling Na-update : 2020-09-14
  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A X ]

    Apple..."Fuck his way, but thanks to him. I can finally pursued, win and own you, Darling."It's like hearing a beautiful and sweet melody at the same time. He can literally made my heart melts. Ginantihan ko ang kaniyang pagyakap sa akin.

    Huling Na-update : 2020-10-20

Pinakabagong kabanata

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XX ]

    Blaah~Ano nga ulit ang sinabi ko? Tamang panahon ba ang sinabi ko? Fate is really something, pinaglalarauan ako sa hindi ko malamang rason. Kanina lamang ay nasa balkonahe siya ng kwarto ni Qaz ngayon naman ay nasa harapan ko na.Nanatili ang mariin niyang titig sa akin at walang nagta

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XIX ]

    Thunder...Kasalukuyan kaming nasa kwarto ni Qaz dahil nagkukwento ito tungkol sa mga panahong wala ako sa kaniya. At three my brothers teach him how to read and write, at four they let him study at nursery and now that he is nearly five years old he can enter grade 1."Hindi ba parang

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XVII ]

    Guerrero...Nakakailang hakbang na ang nagagawa ko ngunit hindi ko parin magawang tumalikod dahil sa huling pagkakataon nais kong ipakita sa sarili kong hindi kailanman magiging akin ang lalaking mahal ko. Habang humahakbang paatras ang mga paa ko siya din namang pagputok ng baril sa di kalayuan.

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XVI ]

    BACK TO ZERO...Pain is not the counterpart of love, not because you fell in love you will never feel the pain or you are no longer feel the pain. Pain will still be there, it's part of the process of love. Either it kills you inside or it wakes up your senses. It's still up to you.Aft

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XV ]

    Glimpse...Pagkatapos naming magdrama kaninang umaga ay napagdesisyunan kong magpa-iwan sa kwarto habang sila ay nasa dalampasigan at naliligo. Napabuga ako ng hangin dahil imbis na mag-enjoy ay narito ako at nakahiga sa kama.When your legs don't wor

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XIV ]

    Sorry won't fixed me...Maaga akong nagising dahil sa ingay na naririnig ko mula sa di kalayuan. Masyadong tahimik ang lugar para hindi mapansin ang mga taong maiingay. Napansin kong tulog na tulog ang mga kasamahan ko sa kwarto. Anong oras naman kaya nagsitulog ang mga to?Dahan-dahan

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XIII ]

    Pain...Nakarating kami sa Casa El Paraiso ng matiwasay, but still I feel the dizziness. Umiikot ang paligid ko at nandidilim na rin ang paningin ko, ipinilig ko ang aking ulo upang mawala ito."Val, are you okay?" tanong ni Marko

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XII ]

    Choose me..."I love you, Valeriana since day 1 of January 2001."Napasinghap ako dahil sa narinig ko mula sa kaniya, that was my birthdate. Hindi talaga pumalya ang lalaking ito na pabilisin ang pintig ng puso ko. Nakagat ko ang aking pa

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XI ]

    "I love you, Valeriana, since day 1 of January 2001."Nagising ako eksaktong alas-kwatro ng hapon at tinatamad akong kumilos o bumangon, hindi ko alam kung dahil ba to sa nabasa ko. Tiningnan ko ang aking cellphone at ganun na lamang ang pagkadismaya ko nang wala akong nareceive na text mula kay Thunder magmula ng umalis ito kanina, usually ay nagtetext na ito lalo na at wala ako sa kaniyang paningin. Napagdisisyunan ko nalamang na bumangon.

DMCA.com Protection Status