Papa
Kasalukuyan ako ngayong nasa labas ng Principal’s office dahil hinihintay ko ang tatlong ‘night and shining armor’ ko daw. Ewan ko ba sa tatlong iyon at ginagawa nila ito sa akin. Hindi ko naman talaga sila close o ano man ang sabi lang nila simula sa araw na ito ako na ang Dyosa na poprotektahan nila dahil ang isa daw nilang Dyosa ay may Hari na.
Patuloy pa rin akong naghihintay at kanina ko pa tinext ang dalawang bruha dahil sabi ko uuwi muna ako at isinugod na man si papa ang reply lang ng dalawa ay susunod daw sila pagkatapos nilang magtype. Wala kaming printer at kailangan na ring ipasa yun mamayang 3:00 p.m. kaya paniguradong puspusan ang pagtatype ng mga yun.
“Halika na.” Nagulat ako ng hawakan niya ang palapulsuhan ko at hilahin nalang basta.
“Ano ba Thunder. Bitiwan mo nga ako.”
Nagpupumiglas ako habang hila-hila niya ako. Hindi ako makakalas dahil sa given ng malakas siya ay nadrain din yata ang lakas ko sa kaalamang nasa ospital si papa.
“Pupunta na tayo sa ospital, Valeriana. Wag ka ng makulit.” Natigilan ako dahil sa sinabi niya.
“I got ate Jc’s permission. Pwede tayong umalis ngayon na.”
“W-wait. Paano sila Sardius?” Natigilan naman siya sa paghila sa akin at basta nalang binitawan ang kamay ko at naiinis na tumingin sa akin.
“Kasama mo na nga kanina sa canteen, kasabay mo pang kumain, nakayakap pa ang gung-gong tapos ngayon? Siya parin?” Ngayon ay mababakas naman sa boses niya ang inis
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi niya. Wala naman akong nakikitang basehan para mainis siya sa nangyari kanina. Inalo lamang ako ni Sardius kaya niya ako niyakap, hindi ko naman alam na type niya rin pala si Sardius. Pero may kasama siya kaninang babae, ano iyon props lang?
“K-kung type mo si Sardius ay o-okay lang sa akin, p-pwede naman tayong mag-share. Ewan ko lang kung t-type ka rin niya.” Nanlaki ang singkit niyang mata dahil sa sinabi ko.
Nagulat ba siya dahil sa sinabi ko? Ayos lang naman sa akin kung type niya rin si Sardius, be the best girl win nalang kaming dalawa. Kaya niya siguro ako pinepeste sa palengke ay alam niyang type ko rin si Sardius. Now I know kung bakit hindi niya ako type.
“W-What the fck?!!” Nag-echo sa hallway ang boses niya dahil sa lakas nito.
“What? You… you don’t like me right? You also say that I am not your type and now, I think I know the reason.” Inosenteng sabi ko sa kaniya.
Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata na namamangha siya dahil sa mga sinasabi ko. May mali ba sa sinabi ko? Titingin siya sa akin na may di kapani-paniwalang ekspresyon sa mata tapos ay iirap sa ere. Makatatlong ulit siguro siyang gumanon bago umiling.
“Kung type ko yung lalaking yun edi sana sa kaniya ako nagpalamig ng ulo.” Walang emosyong sabi niya na nakapagpanganga sa akin.
A-ano daw? Bakit pakiramdam ko naiinis siya sa akin? Bakit hindi ba totoong gusto niya si Sardius? Ayaw nya ngang dumikit ako doon eh, tapos hindi pa niya ako type. Sasagot pa sana ako ng marinig ko ang tawag ng dalawa kong kaibigan.
“Baleng..” muli pa nilang tawag sa akin
“Are you going to the hospital? Can we come?” tanong ni Mau
“We already printed out those papers. Naipasa ko na kina Hyacinth yung mga dapat nating ipasa.” Segunda naman ni Keziah.
“Okay lang kahit ako nalang, you need to be here para may makuhanan ako ng info’s.” tugon ko sa kanilang dalawa.
“You sure? Ayaw naming makipagtalo sayo but please inform us about tito okay?” Halata sa boses ni Mau ang pag-aalala
“Inform us okay?” Pag-uulit pa ni Keziah dahilan ng bahagya kong pagngiti.
“Copy, Commander.”
“Ingatan mo kaibigan namin, umayos ka. Ikaw papakidlatan ko.” Seryosong saad ni Mau
“Ipapasalvage pa kita sa ninong ko na nag-iihaw ng baboy.” Saad din ni Keziah
Mga seryoso ang bruha kaya naman inirapan lamang sila ni Thunder. Oh see? Baklang tunay. Niyakap na ako ng dalawa bago sila umalis. Naiwan muli ako kay Thunder na nakabusangot na naman ang mukha. Mas nadagdagan yata ang badtrip niya dahil sa sinabi ng dalawa kong kaibigan.
“Thunder, paano sila Sardius?”
“Edi dun ka sa kanila sumama. Puro ka Sardius, Sardius, andito naman ang Thunder.” Hindi ko masyadong narinig ang huling salita niya dahil sa ibinulong niya lang ito.
“Ano?!!” asik ko dito.
“Wala, ang sabi ko napakabingi mo. Ang ganda mo na sana.” Nananatili ang inis sa kaniyang boses.
Napatanga ako dahil sa sinagot niya sa akin. Andito parin kami sa gitna ng hallway, hindi parin kami umuusad dahil sa bangayan naming dalawa. Wala yata talagang gustong magpatalo sa amin.
“Hindi ako bingi ah? Sadyang mahina lang talaga yung boses mong kidlat ka.” Inis kong saad sa kaniya. “Pinakukulo mo ang dugo ko, Thunder. Pinakukulo mo.”
Sasagot pa sana siya ng bigla kong maramdaman ang pag-akbay ng kung sino sa akin. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng malanghap ko ang pamilyar na pabango mula sa aking tabi. Napapikit ako dahil sa naramdaman ko ang magaan nitong paghalik sa aking ulo. Oh God, para akong nauupos.
‘Ano ang ginagawa mo sa akin, Sardius Estevan Arellano?’
Nakita ko naman ang pagtiim ng bagang ni Thunder maging ang pagkuyom ng kamao nito. I saw his veins. Nakikita ko rin ang nag-aapoy niyang mga mata dahil sa galit na akala ko ay sa akin siya nakatingin, saka ko lang napagtanto na sa lalaking kasalukuyang nakaakbay sa akin nakapukol ang masama niyang tingin.
Naguguluhan ako sa nangyayari at sa mga nakikita ko. Nagbitiw ng kataga ang kidlat na may dalang buhawi ng kayabangan na dahilan ng paglambot ng aking mga tuhod at nagpagulo sa aking isipan.
“Leave my Girl alone, akala ko ba walang talo-talo?”
They said that Friendship is the most purest forms of relation exist between two or more people here in this world. Having a pure, sincere and understandable friends is a matter of luck but you have one keep them. They also said that friends are like a tunnel of light that guides us throughout the darkness of life.
Ang pinaka-ayaw kong ganap sa buhay bukod sa umalis ang aking hari ay ang makasira ng pagkakaibigan. I have those two girls who always their to support and guide me through ups and down and I can’t afford to hurt them in any ways.
Kasalukuyan akong natutulala sa mga nangyayari. Nakaakbay parin sa akin si Sardius samantalang ang kidlat na may kasamang buhawi ng kayabangan ay nananatiling masama ang tingin sa mga brasong nakadantay sa aking balikat. Wala nang nagtangkang umimik na kahit na sino magmula ng magbitaw ng salita si Thunder.
“Akala ko ay ‘siya’ lang ang pag-aawayan natin. Mukhang pati yata ang isang yan.” Napapa-iling pang turan ni Thunder.
“Sorry for that, dre. I just can’t help but to admire this goddess lady.” Naramdaman ko yata ang dugo kong umakyat sa aking mga pisngi dahil sa sinabi ni Sardius.
I know hindi ito ang oras para kiligin sa sinabi nitong nasa tabi ko, but Damn it. Gusto ko yatang tumambling dahil sa kilig. He gave me compliments that can really melt my heart. Pakiramdam ko tuloy ay napakahaba na ng mga buhok ko. Abot na yata sa pinakadulo ng Selah Island.
“Tsk. Hindi naman sya kagandahan kagaya ng inaakala mo.” Inis na tugon ni Thunder.
Bakit pag ang isang ito na ang nagsasalita ay kumukulo ang aking dugo? Pinakukulo niyang tunay ang aking dugo sa katawan. Kanina lamang ay sabi niya maganda ako tapos ngayon ay hindi kagandahan.
“Then I don’t care, I like her and I don’t give a damn about your opinion.” Kalmadong saad ni Sardius.
‘Tinutunaw niya ako.’
“Psh. Na-chachallenge ka lang sa kaniya. Hindi mo siya gusto.”
“What do you mean?”
“Come on, Sardius. We both know that Valerie is just our flavor of the month, masyado lang siyang mailap kaya akala natin gusto natin siya but the truth is we just enjoying her company.”
Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig sa mga narinig ko mula kay Thunder. Siguro kung wala ako sa sitwasyong kailangan kong pumunta ng hospital ay papatulan ko na siya pero sa ngayon ang tumatakbo sa isipan ko ay…
‘Papa, I need to be out of here. Hindi ko na yata kaya yung mga naririnig ko.’
Wala ako sa posisyon para magbitaw ng opinyon tungkol sa naririnig ko dahil sa totoo lang hindi naman talaga ako ganuon kaclose kina Sardius, sina Mau at Keziah lang iyon kaya hindi ko masasabi kung totoo ang binitawan ni Thunder na mga kataga. Talamak ang mga babae ng Mariano brothers habang sina David at Marko naman ay talamak ang one night stand, si Sardius nalang yata ang matino.
Bakit ko nga ba nagustuhan ang Sardius Estevan Arellano? Dahil sa katalinuhan niya. Matino siya kapag nasa skwelahan, kung baga kaya niyang ilugar ang mga babaeng may gusto sa kaniya hindi tulad ng mga bagyo ay kung saan-saan nalang may mga bitbit na babae.
“Stop pretending that you are really interested with her.”
Lahat ay muling natahimik sa salita ni Thunder. Naramdaman kong nanigas si Sardius at unti-unting inaalis ang kaniyang braso sa aking balikat. Hindi ko makita ang reaksyon nila Marko at David dahil medyo nasa hulihan ko sila samantalang si Thunder ay nagsusumigaw parin ang buhawi ng kaniyang kayabangan.
“Val. Oh, God sorry. Sorry for being late.”
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng isang gwapong singkit na humahangos pa mula sa kaniyang pagtakbo. Mas lalong sumingkit ang kaniyang mata ng ngumiti ito sa akin at binalingan ang lalaking mayabang.
“Ako na maghahatid sa kaniya sa hospital. Settle your issues gentlemen. Hindi magandang idinadamay ang Dyosa sa issue ng mga lahi ni Poseidon.” Naiiling pa nitong saad at naglakad na palapit sa akin kasabay ang paghawak nito sa aking kamay.
“Ako na muna ang Knight in Armor mo, wag na yung shining pang bakla lang yun.” Bulong pa nito sa akin bago ako hinila palayo sa mga taong nagparamdam sa akin ng pagkasakal.
--------------**
Kasalukuyan akong nakasakay sa napakagarang sasakyan ng singkit na gwapo. Malayo-layo rin ang hospital ng islang ito. Hindi ko na magawang magconcentrate dahil sa dami ng iniisip ko. Maayos pa naman ako noong isang araw, nakikipagsagutan lamang ako sa kidlat na iyon tapos ngayon?
“Having them in your life is a big mistake.” Napatingin ako sa lalaking nagda-drive dahil sa binitawan niyang salita.
“What do you mean?”
“A Thunder Storm with matching Hurricane of boastfulness is kinda powerful, it can left your heart in a state of calamity and a stone of love that can wreck you, big time.” After he said it he gave me a weak smile.
Wala akong naintindihan sa sinabi niya, I was dumb to understand it. Wala akong dapat linawin at walang dapat ayusin dahil ang alam ko ay nasa ayos ang lahat. Ang gusto ko ay si Sardius at maglalast yun, naiinis ako sa kidlat na may dalang buhawi ng kayabangan at maglalast yun.
Wala ng nagsalita sa aming dalawa ni Ken hanggang sa makarating kami sa hospital kung saan naroon ang aking papa. Mabilis kong tinakbo ang sinabing room number ni Ken. Hindi ko na siya hinintay dahil alam niyang kanina ko pa gustong malaman ang lagay ng aking ama.
Gaya nga ng sabi ko I am afraid when the times come that my first king will left me, his only princess. I am too dependent to my king, he is my human alarm who wakes me up, my human diary if something bad or happy events in my life, an adviser when it comes to my crush and also my best papa in the whole universe.
Nang natatanaw ko na ang kwarto ni papa ay tila bumagal ang aking mga hakbang, mas bumigat ang mga ito at nahihirapan na rin akong huminga. Nakikita ko ang aking kuya Genesis na nakatungo, si Kuya Ezekiel naman ay nakasandal ang noo sa pader at si Kuya Isaac ay nakatulala sa kung saan.
Gusto kong isipin na walang nangyayaring masama sa loob ng kwarto ni papa. Gusto kong isipin na nasa loob siya at nakikipagtawanan kay mama. Gusto kong isipin na malakas pa si papa at lumalaban pero sino nga ba ang niloloko ko? Sarili ko?
Pa, hindi mo na ba gusto ang prinsesa mo at iiwan mo na ito?
Slave...I know God won’t give me anything I can’t handle but sometimes I just wish that He doesn’t trust me to not get tired of something. I just wanted to lay down and rest, forget what is reality and escape it but the hell with this suck reality. It always dragging me down and slap me a million times just to make me realized that in reality the princess is not just a damsel in distress but a fighter, a fighter that can fight for her own sake. Nothing more, n
Love is...Who wouldn’t love to be love by someone they love? Who wouldn’t dream to be with the person they dreamin’ for
Human AlarmI remember what lolo said to me. Sabi niya kung papipiliin ako kung gago o matino dapat daw piliin ko ang gago, dahil mas masarap daw makitang nagbabago ito dahil sa mahal niya ako kesa daw sa matino na sa una lamang matino. Should I believe it? Hindi ba ako nito sasaktan?
Heartbeats...Nakarating kami sa skwelahan ng tahimik at walang mga imik. Nang makalabas ako sa kotse ni West ay nakita ko agad sina Thunder at Sardius na naghihintay sa akin sa bukana ng building namin. I let out a heavy sigh before I continue walking towards them and then stop when i am half meter away from them.
Lito...It was Tuesday and as usual sinundo na naman ako ng apat at kagaya ng kahapon ay kay West kami sumabay. Tahimik ako buong byahe dahil sa nangyari kahapon sa clinic. Nasapo ko ang aking mukha ng maramdaman ko muli ang pag-init ng pisngi ko.
Tuddler...My heart still pounding faster than its normal beating. I should go to the hospital and check my heart if I have disease. Kanina pa ito sa paghaharumintado, hindi parin ito naaawat tila gustong lumabas at sumabog. Nakakatakot baka mamatay ako.
Apple..."Fuck his way, but thanks to him. I can finally pursued, win and own you, Darling."It's like hearing a beautiful and sweet melody at the same time. He can literally made my heart melts. Ginantihan ko ang kaniyang pagyakap sa akin.
"I love you, Valeriana, since day 1 of January 2001."Nagising ako eksaktong alas-kwatro ng hapon at tinatamad akong kumilos o bumangon, hindi ko alam kung dahil ba to sa nabasa ko. Tiningnan ko ang aking cellphone at ganun na lamang ang pagkadismaya ko nang wala akong nareceive na text mula kay Thunder magmula ng umalis ito kanina, usually ay nagtetext na ito lalo na at wala ako sa kaniyang paningin. Napagdisisyunan ko nalamang na bumangon.
Blaah~Ano nga ulit ang sinabi ko? Tamang panahon ba ang sinabi ko? Fate is really something, pinaglalarauan ako sa hindi ko malamang rason. Kanina lamang ay nasa balkonahe siya ng kwarto ni Qaz ngayon naman ay nasa harapan ko na.Nanatili ang mariin niyang titig sa akin at walang nagta
Thunder...Kasalukuyan kaming nasa kwarto ni Qaz dahil nagkukwento ito tungkol sa mga panahong wala ako sa kaniya. At three my brothers teach him how to read and write, at four they let him study at nursery and now that he is nearly five years old he can enter grade 1."Hindi ba parang
Guerrero...Nakakailang hakbang na ang nagagawa ko ngunit hindi ko parin magawang tumalikod dahil sa huling pagkakataon nais kong ipakita sa sarili kong hindi kailanman magiging akin ang lalaking mahal ko. Habang humahakbang paatras ang mga paa ko siya din namang pagputok ng baril sa di kalayuan.
BACK TO ZERO...Pain is not the counterpart of love, not because you fell in love you will never feel the pain or you are no longer feel the pain. Pain will still be there, it's part of the process of love. Either it kills you inside or it wakes up your senses. It's still up to you.Aft
Glimpse...Pagkatapos naming magdrama kaninang umaga ay napagdesisyunan kong magpa-iwan sa kwarto habang sila ay nasa dalampasigan at naliligo. Napabuga ako ng hangin dahil imbis na mag-enjoy ay narito ako at nakahiga sa kama.When your legs don't wor
Sorry won't fixed me...Maaga akong nagising dahil sa ingay na naririnig ko mula sa di kalayuan. Masyadong tahimik ang lugar para hindi mapansin ang mga taong maiingay. Napansin kong tulog na tulog ang mga kasamahan ko sa kwarto. Anong oras naman kaya nagsitulog ang mga to?Dahan-dahan
Pain...Nakarating kami sa Casa El Paraiso ng matiwasay, but still I feel the dizziness. Umiikot ang paligid ko at nandidilim na rin ang paningin ko, ipinilig ko ang aking ulo upang mawala ito."Val, are you okay?" tanong ni Marko
Choose me..."I love you, Valeriana since day 1 of January 2001."Napasinghap ako dahil sa narinig ko mula sa kaniya, that was my birthdate. Hindi talaga pumalya ang lalaking ito na pabilisin ang pintig ng puso ko. Nakagat ko ang aking pa
"I love you, Valeriana, since day 1 of January 2001."Nagising ako eksaktong alas-kwatro ng hapon at tinatamad akong kumilos o bumangon, hindi ko alam kung dahil ba to sa nabasa ko. Tiningnan ko ang aking cellphone at ganun na lamang ang pagkadismaya ko nang wala akong nareceive na text mula kay Thunder magmula ng umalis ito kanina, usually ay nagtetext na ito lalo na at wala ako sa kaniyang paningin. Napagdisisyunan ko nalamang na bumangon.