Home / Lahat / Your Temporary Person / [ K A B A N A T A VI ]

Share

[ K A B A N A T A VI ]

last update Huling Na-update: 2020-09-07 16:07:05

Human Alarm

I remember what lolo said to me. Sabi niya kung papipiliin ako kung gago o matino dapat daw piliin ko ang gago, dahil mas masarap daw makitang nagbabago ito dahil sa mahal niya ako kesa daw sa matino na sa una lamang matino. Should I believe it? Hindi ba ako nito sasaktan?

“Gagong thunder, may babae na naman.” Rinig kong saad ni Sardius.

“Walang bago.” Walang ganang tugon ko.

Muli kaming natahimik hanggang sa makarating kami sa palengke. Binati ako ng halos lahat ng kapwa ko tindera ng makapasok ako. Magkasama kami sa pweto ni Sardius na madalas namana niyang gawin dahil nakasakasama ko na siya dito sa nakalipas na tatlong linggo.

“Valerya, ang gwapo naman ng bago niyong tindero.” Sabi ni Ate Marya—ang suki ni mama pagdating sa saging.

“Kaya nga ho.” Natatawang tugon ko.

“Hijo, pabili ngang saging mo.” Napatawa ako ng mahina dahil sa naging reaction ni Sardius.

Nanlalaking mata niya akong binalingan at halata sa mukha nito ang pamumutla dahil sa sinabi ni ate Marya. Hindi ko alam kung maaawa ako sa pagmumukha ng tinderong ito. Napailing ako at tinanong kay ate Marya kung ilang kilo, good thing at may gwapo akong kasama. 3 kilo ang binili niya, dati kasi 1 kilo lang lagi ang binibili niya.

Matiwasay naman ang takbo ng oras namin pero minsan dumadagsa ang customer, madalas ay babae at bakla. Tawa lang ako ng tawa dahil sa nagiging reaksyon ni Sardius kapag may bumibili sa kaniya ng saging o di kaya ay rambutan. Hindi na siya nasanay.

“Kain na tayo?” yaya ko dito.

“Anong ulam yan?”

“Sinigang na baboy. Luto ni mama.” Nakangiting saad ko dito

Napangiwi siya dahil sa sinabi ko at nag-aalalang tumingin sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil sa naging reaksyon niya. May gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

“Kuya, Kuya bili ka na po nito. Sampong piso lang.”

Nabaling ang atensyon namin ni Sardius ng may batang babae na nag-alok ng isang balot ng kalamansi. Akala ko kay Sardius siya nag-aalok kaya ganun nalang ang gulat ko ng nakatayo na sa tapat ng pwesto namin ang Mariano Brothers.

“Magkano?” Tanong ni West

“Sampung piso nga po.” Kakamot-kamot sa ulo na sabi ng bata

“Sige isa.” Sabi naman ni Thunder.

Napamaang ako dahil sa kakuriputan ni Thunder, kung gaano siya kalakas mambabae ganun siya kakuripot sa mga ganitong bagay? Napapailing ako maging si Sardius ay napanganga ng literal samantalang si West ay napahampas sa kaniyang noo.

“Bakit ka po kuripot?” Medyo inis na tanong noong bata.

“Sa tamang tao na ako gagastos, bakit tamang tao ka ba?” ako naman ngayon ang literal na napanganga dahil sa naging sagot ni Thunder sa bata.

“Baliw.” Saad noong bata bago umalis.

Napahilot ako sa aking sintido dahil sa kabaliwan ng isa. Pwede namang magsabi na ayaw niyang bumili bakit niya pa sinabihan ng ganuon ang bata?

“Bakit mo ginanun, tol?” Natatangang tanong ni West sa kambal niya.

“Ang mahal nung kalamansi, Kanluran. Yung ganoon dapat limang piso lang yun.” Napangiwi ako dahil sa sinabi ni Thunder tungkol doon sa balot ng kalamansi noong bata.

“Baliw ka b?.... bagyong to. Wala ng mura sa mundong ‘to.”

At binatukan ni West ang kaniyang kambal dahil sa inis niya. Bumaling sa akin si Thunder at seryosong nakatingin sa aking mga mata. Nangungusap ang kaniyang mga mata sa hindi ko malamang dahilan ay muling sumikdo ang tibok ng aking puso.

“Si Valeriana lang ang kaya kong mahalin, kanluran. Siya lang.”

Makikita ang seryosong mukha ni Thunder bago niya kami iniwanan. Si West na nakatanga at si Sardius na masama ang tingin sa kakaalis lamang na si Thunder. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? Noong nakaraang mga buwan lamang ay sabi niya hindi niya ako type, hindi ako maganda, hindi niya ako gusto tapos kanina ay may kasama pang babae.

Naupo nalamang ako at nagsimulang kumain. Hindi ko na inabalang tingnan pa yung dalawang lalaki na ngayon ay mga tangang nakatayo. Habang kumakain ay hindi maalis sa isip ko ang pagmumukha ni Thunder na seryosong seryoso habang nakatingin sa akin.

‘Nababaliw na ang isang iyon.’

“Val. Mauuna na ako.” Nabaling ang atensyon ko kay Kanluran dahil sa paalam niya

“Kain ka muna.” Alok ko dito.

“May pupuntahan pa ako.”

“Saan?” Nakataas kilay na tanong ni Sardius

“Sa bhabe ko.” Sagot ng kanluran at malapad ang ngisi

“Sinong bhabe?” nakakunot noong tanong ko

“Hindi ko alam ang pangalan, tinawag lang akong bhabe kaya nakibhabe din ako.”

Bago ito umalis ay kinindatan niya pa muna ako at nagflying kiss. Napailing ako dahil sa kalokohan ng Kanluran, ako naman ay hindi alam kung saan pa ako kukuha ng pang-unawa para sa kambal na bagyo.

“Aalis na din ako, Val.” Paalam naman ni Sardius.

“Pero hindi ka pa kumakain?”

“Dumating kasi sila Ate Jizelle kasama sina Mommy, they wanted to see me. I’m sorry.” Hinging paumanhin nito na ikinailing ko

“Naah~ okay lang, salamat sa pagsama dito.” At binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

Bago ito umalis ay binigyan muna ako nito ng halik sa noo na ikinairit ng mga babaeng nakakita. Napatawa kami pareho ni Sardius dahil dito. Kinawayan ko na ito palayo at bumalik na sa aking pagkain, hindi pa man din ako tapos ay dumating si mama.

“Manliligaw mo na ba iyon?”

“Opo.” Sagot ko dito at tumawa ng bahagya

“Hindi ko siya gusto.” Seryoso saad ni mama na nakapagpatigil sa akin.

“Hindi siya seryoso sa’yo. Sasaktan ka lang nun.” Dugtong pa ni mama.

Natigilan ako sa pagkain dahil sa mga narinig na kataga kay mama. Napatulala ako sa kaniya dahil hindi ko alam kung saan niya nakuha ang mga salitang iyon, kilalang matino si Sardius sa buong isla kaya paanong nasabi ni mama na sasaktan lamang ako nito. Nakikita ko namang seryoso si Sardius pagdating sa akin.

“Ma naman, matino yung tao.” Sabi ko dito

“Bakit lahat ba ng matino ay talagang matino? Bakit hindi nalang si Thunder?”

“Ma, nuknukan ng pagkababaero ang isang iyon, walang araw na walang babae. Mayabang at iresponsable sa klase.”

“Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Baleng, anak, may mga bagay sa mundo na hindi kailangang ipangalandakan. Subukan mong kilalanin ang taong sinasabihan mo ng iresponsable ng malaman mo ang totoo.” Hinalikan ako ni mama sa pisngi bago bumalik sa kabilang pwesto.

‘Wew. What was that for, ma?’

Naka-uwi na lamang ako ng bahay ay hindi ko parin maintindihan si mama kung bakit niya iyon sinabi kanina. Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon at naligo nalamang at sumalampak na sa kama. Ipinikit ang mga mata at tuluyan nang tinangay ng antok sa kung saan.

“Gusto kita Thunder.” Saad ko habang nakatalikod ito sa akin

Hindi ko alam kung bakit ko ito sinasabi sa kaniya, hindi ko maisip kung bakit kami napunta sa sitwasyong ito basta ang alam ko lang ay gusto ko siya at siguradong sigurado ako dito. Walang pag-aalinlangan.

“Hindi kita gusto, Valeriana at kahit kailan hinding hindi kita magugustuhan.”

Pakiramdam ko tumigil ang pag-inog ng aking mundo. Pakiramdam ko ayaw ng magfunction ng aking katawan at hindi na makapag-isip ng maayos ang aking utak. Ang alam ko lang ay ang milyon-milyong punyal na tila nakatarak sa aking puso at unti-unti nitong pinipira-piraso ang aking puso.

“Thunder…”

‘You’re insecure

Don’t know what for

You’re turning heads when

You walk through the door.’

“Thunder, please…”

‘Don’t need make-up

To cover up

Being the way that

You are is enough’

Tuluyan na akong napabangon dahil sa ringtone ng aking cellphone. Isang panaginip. Panaginip na hindi maganda, sa dami ng pwede kong mapanaginipan ang lalaking iyon pa? kinuha ko na ang aking cellphone at sinagot ang tawag.

“Goooooood mooooooorning, Beautiful lady.” Napapikit ako dahil sa bungad nito sa akin, nang tingnan ko kung sino ang tumawag—Bagyong Kanluran na naman.

“Good morning.” Plain kong bati

“Pinatawagan ka ni Thunder as usual para magising ka na, it’s 5:30 hurry up take your shower, breakfast and we will fetch you again as usual at exactly 6:45. Good morning again, beautiful.” And with that he hang up the phone call.

Tiningnan ko ang orasan at 5:25 pa lang hindi na ako nagtaka pa na dvance ang orasan nila sa bahay. Jusko po naman. Bumangon na ako at ginawa ang morning routine ko. One week nalang pala ang pasok at may holloween party sa Friday.

“Good morning, people.” Masayang bati ko pagkababa.

“Ang aga natin ah?” natatawang tanong ni Kuya Genesis

“Si Thunder ba naman ang alarm clock.” Singit naman ni mama na kakalabas lang ng kusina.

“Oh? Ang hambog na yun? Ibang klase.” Namamanghang saad ni Kuya Genesis

“Ma, si Kanluran ang tumawag hindi si Thunder.” Saad ko at umupo sa aking pwesto.

Nagkibit balikat lamang si mama at inilapag na ang paborito kong carbonara at gatas. Nang sumubo ako ng carbonara ay natigilan ako. Kumunot ang aking noo at napatingin kay mama.

“Ma, sino nagluto nito?”

I know this taste. Iisang taong lang ang kayang gumawa ng ganitong klase ng Carbonara. Muli pa akong sumubo para kumpirmahin kung tama ba ang aking nalasahan kanina. Tama nga, si papa lang ang kayang gumawa ng ganitong klase ng carbonara.

“Si Thunder ang nagluto niyan kanina, maaga siyang dumaan dito sa bahay. 4:00 palamang ay andito na ang batang iyon. Hindi ka pa ba nasasanay?” Literal akong napanganga dahil sa sagot ni mama.

Napatingin ako kay kuya na kagaya ko ay nakanganga din ang bibig. Nakakatuwang isipin na marunong pala ang isang hambog na iyon na magluto akala ko ay mga babae lamang ang kaya niyang lutuin.

“Isara ninyo ang mga bibig ninyo. Psh. Palibhasa ay kilala niyo lamang siya sa mga di kaaya-ayang ugali. Mahigit dalawang linggo niya na ring ginagawa iyan, hindi pa ba talaga kayo nasasanay?” naiiling na turan ni mama at kumain na rin.

Natahimik ako dahil sa sinabi ni mama. For the passed two weeks hindi ko iniisip na si Thunder ang gumagawa ng mga bagay na iyon dahil ang nasa isip ko parin ay si papa.

Natapos kaming kumaing tatlo at nag-ayos na rin ako para pumasok. It’s already 6:30 at sa pagkakaalala ko ay 6:45 daw ako susunduin ng mga bagyo. Teka? Excited ba ako? Hindi na naman ito bago. Napailing ako dahil sa aking nararamdaman na hindi tama.

Lumipas ang 15 minutes at tinawag ako ni mama dahil andito na daw ang aking sundo. Pagkalabas ko ng bahay ay natigilan ako dahil sa hindi lang isa ang nasa harapan ng aming bahay kundi apat—apat na naggagandahang lalaki.

“Ang haba ng buhok mo, pero isa lang ang gusto ko para sa iyo.” Nakangiting saad ni mama bago ako halikan sa pisngi at iniwan sa mga sundo ko ‘daw’

Napabaling ako ng tingin sa apat na nasa harapan ko. Si Ken at Sardius na nakangiti sa akin samantalang ang kambal na bagyo ay nakasimangot. Napakamot ako ng aking noo dahil sa apat na ito.

‘Saan nila ako balak pasakayin?’

Napatutop ako ng aking labi dahil sa kabaliwang ginagawa nila sa akin, umagang umaga palang. Mabuti nalang pala at tinext ko ang dalawang bruha, papunta na sila dito.

“Ang haba ng buhok ng ating Balenggay, apat ang sunod.” Natatawang saad ni Mau bago ito nakipagbeso sa akin.

“Mukha yatang hahatiin niyo sa apat na piraso ang aming kaibigan.” Saad naman ni Keziah na ikinatawa ni Mau, nakipagbeso din ito sa akin.

Inilingan ko lamang ang dalawang baliw. Muli kong pinagmasdan ang apat at hindi ko parin makuha kung bakit ang dami nilang nagsundo. Acceptable na kung andito si Sardius dahil manliligaw ko siya at yung kambal ay matagal tagal na rin nilang ginagawa ito pero si Ken ay hindi ko alam kung bakit andito.

“Bakit ang dami niyo?” tanong ko

“Para ihatid ka ng maayos.” Sagot nilang apat at chorus pa talaga.

“Ayyy. Taray chorus.” Saad ni Mau at tumawa sila ni Keziah

I massage the bridge of my nose because of the frustration givin’ by this four hot species. Isabay pa ang dalawang baliw kong kaibigan na imbis tulungan ako ay natutuwa pa sa sitwasyon ko.

“Ken bakit ba andito ka?” tanong ni Thunder

“Hindi naman talaga ako magsusundo kay Valerie kaso naisip ko dapat ko siyang ilayo sa inyo.” Walang ganang saad ni Ken

“At bakit naman?” Tanong naman ni Sardius

“Mga gago kayo pati ang isang dyosang ito ay dinadamay niyo.” Muling saad ni Ken at naghihikab pa.

Nagkatinginan kaming tatlong babae dahil sa sinabi ni Ken. Nakita ko naman ang bumalatay na pag-aalala sa mga mata nila. I don’t really get what is going on. Bigla siyang sumusulpot kapag nagkakabanggaan ng landas si Thunder at Sardius. Hinawakan ni Keziah at Mau ang magkabilang braso ko at hinila ako.

“Kay Kanluran na lang kami sasabay tutal wala naman yang gusto kay Bale.” Saad ni Mau

“At isa pa hindi niya magiging type ang kaibigan namin. Mga kinulang sa telang babae ang gusto nito.” Dagdag pa ni Keziah.

Nilagpasan na namin ang iba at si West ay nakasunod lang sa amin. Sinasabihan ako nila Mau na maayos lang daw ang lahat, it’s just a small issue that Sardius and Thunder has. Pakiramdam ko may alam ang dalawang ito pero hindi nila sinasabi sa akin.

Nakapasok na kami sa kotse ni West, nasa shot gun seat ako samantalang yung dalawa ay nasa likod. Tahimik ang byahe papuntang skwelahan walang nagsasalita. Maganda na rin yun para makapag-isip ko. Ano nga ba ang dapat isipin ko? Yun ba yung issue nila Thunder? Yung nararamdaman ko? Yung magulong ipinapakita ni Thunder o kung bakit laging nagbabanggaan ang dalawang iyon?

Why does my feelings out of my control?

Kaugnay na kabanata

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A VII ]

    Heartbeats...Nakarating kami sa skwelahan ng tahimik at walang mga imik. Nang makalabas ako sa kotse ni West ay nakita ko agad sina Thunder at Sardius na naghihintay sa akin sa bukana ng building namin. I let out a heavy sigh before I continue walking towards them and then stop when i am half meter away from them.

    Huling Na-update : 2020-09-07
  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A VIII ]

    Lito...It was Tuesday and as usual sinundo na naman ako ng apat at kagaya ng kahapon ay kay West kami sumabay. Tahimik ako buong byahe dahil sa nangyari kahapon sa clinic. Nasapo ko ang aking mukha ng maramdaman ko muli ang pag-init ng pisngi ko.

    Huling Na-update : 2020-09-07
  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A IX ]

    Tuddler...My heart still pounding faster than its normal beating. I should go to the hospital and check my heart if I have disease. Kanina pa ito sa paghaharumintado, hindi parin ito naaawat tila gustong lumabas at sumabog. Nakakatakot baka mamatay ako.

    Huling Na-update : 2020-09-14
  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A X ]

    Apple..."Fuck his way, but thanks to him. I can finally pursued, win and own you, Darling."It's like hearing a beautiful and sweet melody at the same time. He can literally made my heart melts. Ginantihan ko ang kaniyang pagyakap sa akin.

    Huling Na-update : 2020-10-20
  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XI ]

    "I love you, Valeriana, since day 1 of January 2001."Nagising ako eksaktong alas-kwatro ng hapon at tinatamad akong kumilos o bumangon, hindi ko alam kung dahil ba to sa nabasa ko. Tiningnan ko ang aking cellphone at ganun na lamang ang pagkadismaya ko nang wala akong nareceive na text mula kay Thunder magmula ng umalis ito kanina, usually ay nagtetext na ito lalo na at wala ako sa kaniyang paningin. Napagdisisyunan ko nalamang na bumangon.

    Huling Na-update : 2020-10-20
  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XII ]

    Choose me..."I love you, Valeriana since day 1 of January 2001."Napasinghap ako dahil sa narinig ko mula sa kaniya, that was my birthdate. Hindi talaga pumalya ang lalaking ito na pabilisin ang pintig ng puso ko. Nakagat ko ang aking pa

    Huling Na-update : 2020-10-20
  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XIII ]

    Pain...Nakarating kami sa Casa El Paraiso ng matiwasay, but still I feel the dizziness. Umiikot ang paligid ko at nandidilim na rin ang paningin ko, ipinilig ko ang aking ulo upang mawala ito."Val, are you okay?" tanong ni Marko

    Huling Na-update : 2020-10-27
  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XIV ]

    Sorry won't fixed me...Maaga akong nagising dahil sa ingay na naririnig ko mula sa di kalayuan. Masyadong tahimik ang lugar para hindi mapansin ang mga taong maiingay. Napansin kong tulog na tulog ang mga kasamahan ko sa kwarto. Anong oras naman kaya nagsitulog ang mga to?Dahan-dahan

    Huling Na-update : 2020-10-27

Pinakabagong kabanata

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XX ]

    Blaah~Ano nga ulit ang sinabi ko? Tamang panahon ba ang sinabi ko? Fate is really something, pinaglalarauan ako sa hindi ko malamang rason. Kanina lamang ay nasa balkonahe siya ng kwarto ni Qaz ngayon naman ay nasa harapan ko na.Nanatili ang mariin niyang titig sa akin at walang nagta

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XIX ]

    Thunder...Kasalukuyan kaming nasa kwarto ni Qaz dahil nagkukwento ito tungkol sa mga panahong wala ako sa kaniya. At three my brothers teach him how to read and write, at four they let him study at nursery and now that he is nearly five years old he can enter grade 1."Hindi ba parang

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XVII ]

    Guerrero...Nakakailang hakbang na ang nagagawa ko ngunit hindi ko parin magawang tumalikod dahil sa huling pagkakataon nais kong ipakita sa sarili kong hindi kailanman magiging akin ang lalaking mahal ko. Habang humahakbang paatras ang mga paa ko siya din namang pagputok ng baril sa di kalayuan.

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XVI ]

    BACK TO ZERO...Pain is not the counterpart of love, not because you fell in love you will never feel the pain or you are no longer feel the pain. Pain will still be there, it's part of the process of love. Either it kills you inside or it wakes up your senses. It's still up to you.Aft

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XV ]

    Glimpse...Pagkatapos naming magdrama kaninang umaga ay napagdesisyunan kong magpa-iwan sa kwarto habang sila ay nasa dalampasigan at naliligo. Napabuga ako ng hangin dahil imbis na mag-enjoy ay narito ako at nakahiga sa kama.When your legs don't wor

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XIV ]

    Sorry won't fixed me...Maaga akong nagising dahil sa ingay na naririnig ko mula sa di kalayuan. Masyadong tahimik ang lugar para hindi mapansin ang mga taong maiingay. Napansin kong tulog na tulog ang mga kasamahan ko sa kwarto. Anong oras naman kaya nagsitulog ang mga to?Dahan-dahan

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XIII ]

    Pain...Nakarating kami sa Casa El Paraiso ng matiwasay, but still I feel the dizziness. Umiikot ang paligid ko at nandidilim na rin ang paningin ko, ipinilig ko ang aking ulo upang mawala ito."Val, are you okay?" tanong ni Marko

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XII ]

    Choose me..."I love you, Valeriana since day 1 of January 2001."Napasinghap ako dahil sa narinig ko mula sa kaniya, that was my birthdate. Hindi talaga pumalya ang lalaking ito na pabilisin ang pintig ng puso ko. Nakagat ko ang aking pa

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XI ]

    "I love you, Valeriana, since day 1 of January 2001."Nagising ako eksaktong alas-kwatro ng hapon at tinatamad akong kumilos o bumangon, hindi ko alam kung dahil ba to sa nabasa ko. Tiningnan ko ang aking cellphone at ganun na lamang ang pagkadismaya ko nang wala akong nareceive na text mula kay Thunder magmula ng umalis ito kanina, usually ay nagtetext na ito lalo na at wala ako sa kaniyang paningin. Napagdisisyunan ko nalamang na bumangon.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status