Home / Lahat / Your Temporary Person / [ K A B A N A T A X ]

Share

[ K A B A N A T A X ]

last update Huling Na-update: 2020-10-20 14:56:36

Apple...


"Fuck his way, but thanks to him. I can finally pursued, win and own you, Darling."

It's like hearing a beautiful and sweet melody at the same time. He can literally made my heart melts. Ginantihan ko ang kaniyang pagyakap sa akin. 

"Valeriana?" tawag nito sa akin

"Hmmm?"

"Alam mo bang mas prone sa matatamis ang mga toddlers?"

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya dahilan upang mapahiwalay ako sa kaniya. Tinitigan ko siya upang makita ang kaniyang reaksyon at ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang sobrang seryoso na naman niya.

"E-EH? Really, I don't know about their cravings, eh."

"Fuck. I am not toddler anymore but damn it, I am craving to your sweetness, darling."

Napatakip ako ng aking mukha upang maitago ang aking pamumula. I am now bitting my lower lips to prevent from smiling. Hell, he's too cute when he says it. His eyes are too adorable and fuck his lips too.

"A-Are you okay, darling?"

'Oh, come on with that Darling word of yours, Thunder.'

"Y-Yeah." Saad ko at nanatiling nakatakip ang aking mga kamay sa aking mukha.

"Are you blushing, Valeriana?"

Mas namula ako dahil sa tanong niya. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay na nakatakip sa aking mukha upang tanggalin ito.

"Lemme see your face, Valeriana." Saad nito.

Mas idiniin ko pa ang pagkakatakip ng mga kamay ko sa aking mukha dahilan upang maramdaman kong napagitnaan na ang aking mga binti ng kaniyang mga tuhod dahil sa kaniyang pagkakaluhod.

Patuloy niya paring sinusubukang tanggalin ang mga kamay ko sa aking mukha. Umiiling na ako upang maiiwas ko sa kaniya ang aking nakatakip na mukha pero desidido talaga siyang makita akong mamula.

"Valeng gisi----"

"Ano ba Wintella may papasok pa oh."

Napatanggal ako sa pagkakatakip ng aking mukha dahil sa narinig na boses. Mas namula pa yata ako dahil sa reaksyon ng dalawang baklang nakanganga na ngayon. Tiningnan ko ang posisyon namin ni Thunder.

"Get off, Thunder." Saad ko at itinulak pa siya dahil nakatulala parin ito sa dalawang bakla. Bumaba naman ito at bumalik sa kaniyang pwesto kanina.

"It's not what you think." Babala ko sa kanila.

Nakabawi na silang dalawa sa pagkakagulat at pumasok sa loob ng kwarto. Ang mga tingin nila ay may panunukso dahil sa naabutang pwesto namin ni Thunder.

"What Vale?" nanunuksong tanong ni Wintella

"Magaling ka na ba, Baleng?" tanong ni Minoa na may nanunuksong tingin.

Inirapan ko lamang silang dalawa. Imbes na salubungin ako ng yakap ay pang-aasar pa yata ang bungad. Matagal-tagal din silang nawala dahil sa program ng school. Kasalukuyang nagbabalat ng mansanas si Thunder sa lababo.

"Imbes na yakap at pasalubong ang bungad niyo talagang pang-aasar nuh?" inis kong saad sa dalawa na ikinatawa nila

"Easy, namumula ka na naman iih." Saad pa ni Wintella na ikinatawa nilang dalawa.

"Bakit ba andito kayong dalawa ha?"

"Of course dinadalaw ka magandang dilag." Tugon ni Minoa at ngumisi ng malapad. 

Hindi na lamang ako umimik sa dalawa at hinintay na lamang na matapos magbalat ng mansanas si Thunder. Naririnig ko pa ang bulungan ng dalawang bakla.

"Malaki ang ti—bakla." Bulong ni Minoa

"Talaga? Baka ti—lang hindi ang utak, ekis yun bakla." Tugon naman ni Wintella.

"Bakla balita ko matalino yan."

"Baka matalino sa babae shunga."

"Ayy. Ewan ko sayo Wintella, malaki nga ang ti—at utak niyan."

Pinukulan ko ng masamang tingin ang dalawang naka-upo sa dalawang upuan sa gilid ng kama ko dahil sa mga bulungan nila. Hindi pa talaga nagbabago ang dalawang ito at puro kalaswaan nalang lagi ang pinag-uusapan.

"Ano na namang kabalastugan yun mga bakla?" tanong ko

"Sa eskwelahan kasi na napuntahan namin bukod sa gwapo at matalino ay malalaki din ang mga ti—you know." Nakangisi saad ni Minoa na ikina-iling ko.

"S-Seriously?"

"At meron pa, willing silang magpahawak bakla." Kinikilig pang tugon ni Wintella.

Napahawak ako sa aking pisngi at pinisil ito habang humuhugot ng malalim na buntong hininga. Imbis sigurong gumaling ako ay mas magkakasakit pa ako sa mga dalaw ko.Natahimik na silang dalawa nang lumapit na sa amin si Thudner nang may ngisi sa labi. Inalok niya ng mansanas ang dalawa na magiliw namang tinanggap nila.

"Ang sweet naman ng mansanas." Saad ni Minoa na sinang-ayunan ni Wintella.

Inilingan ko nalamang sila. Kukuha na sana ako ng mansanas para kainin nang pigilan ni Thunder ang kamay ko at dinala ito sa kaniyang labi upang dampian ng magaan na halik. Muli kong naramdaman ang pag-init ng aking mga pisngi.

"Tang'na ayoko na dito." Rinig kong saad ni Minoa

"Mamaya bubuyog na ang bisita mo, Bale." Saad naman ni Wintella na ikinatawa ni Thunder.

Napaiwas ako ng tingin kay Thunder at binawi na rin ang kamay kong hawak parin niya. Nakita ko ang ngiting tagumpay ng kidlat na sinamahan pa ng pagkagat ng kaniyang ibabang labi.

Pinapahupa ko ang pamumula ng aking mukha hanggang sa itapat ng kidlat ang mansanas sa aking bibig. Isinesenyas niyang kainin ko ito.

"Kaya kong kumain ng mag-isa Thunder."

"Bawal kang mabinat." Tugon nito na ikinatahimik ko.

Kailan pa nakakabinat ang pagkain? Napahawak ako sa aking tenga dahil sa sinabi niya. Ngayon ko lamang nalaman na nakakabinat ang pagsubo ng pagkain.

"Nakakabinat ba ang pagkain, Minoa?" rinig kong tanong ni Wintella

"Sa perspective ng lalaking ito ay, oo." Tugon ni Minoa.

"Kailangan na natin nang Thunder sa buhay." 

"Saan pa kaya meron?"

"Wala nang ganito sa mundo nag-iisa lang to at especially made for Valerie only." Napatingin kaming tatlo kay Thunder dahil sa sinabi niya.

Napalunok ako dahil sa seryosong mukha niya. Bakit may nakikita akong mga bituing kumikinang sa paligid niya? Alam kong gwapo ang lalaking nasa harap ko pero bakit parang mas dumoble pa ang pagkagwapo niya sa paningin ko?

Hindi ko namalayang napatulala na pala ako sa kaniya kung hindi pa ako kinalabit ni Minoa ay hindi pa ako mag-iiwas ng tingin sa kaniya. Hindi nakaligtas sa akin ang pagngisi niya.

"Gwapong gwapo ka na ba sa akin, Valeriana?" Biglang umasim ang mukha ko dahil sa tanong niya. Hindi parin pala nawawala sa kaniya ang pagiging mahangin niya. Umiling ako at inirapan siya.

"Wag masyadong confident mas gwapo parin sayo si Sardius." saad ko at muling tumingin sa kaniya.

Nakita ko ang pag-igting ng panga niya at muling pagdilim nito. Mas lalo pa yatang sumama ang timpla ng kaniyang mukha ng sumang-ayon ang dalawang bakla.

"Yaz, mas gwapo nga si Sardius kesa sayo." Saad ni Minoa

"Matalino at palangiti." Dugtong pa ni Wintella.

Masama ang tinging binalingan ni Thunder ang dalawa na ikinatahimik nito.

"Hinihingi ko ipinyon niyo?" Mataray na tanong ni Thunder sa dalawa.

Palihim akong napatawa dahil sa inaasta niya. Masamang masama ang awra niya na animo'y pinagsukluban ng mundo at galaxy. Bumaling muli ito sa akin nang may pagsusumamong mga mata at ayan na naman ang pag-pout ng kaniyang labi.

"Mas gwapo ba talaga siya kesa sakin?" nakangusong tanong nito.

Napasinghap ang dalawang bakla sa gilid nang makita ang bagong galawan ni Thunder. Napakagat labi na lamang ako upang pigilan ang pag-ngiti sa hitsura niya ngayon.

"Akalain mong nagpapa-cute din pala ang Thunder." Natatawang saad ni Minoa

"Shut up, babalatan na talaga kita. Kanina ka pa sa akin namumuro." Pagbabanta nito kay Minoa na tinugunan lamang ng pag-irap.

Hinawakan ko ang kaniyang magkabilang pisngi at ngumiti ng matamis. Hindi ko na muna inalala ang dalawang bakla na ngayon ay nagbubulungan na naman. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi dahilan upang mas pina-cute pa niya ang pagkaka-pout na ikinangiti ko.

"Totoong mas gwapo si Sardius kesa sayo..." saad ko.

Nagmake face ito at akmang tatanggalin ang mga kamay kong nakahawak sa kaniyang magkabilang pisngi nang mabitin sa ere ang kaniyang mga kamay dahil sa idinugtong kong mga salita.

"But is it matter? Your existence and all says that your enough and worth to treasure, Thunder." 

After that scene, I finally home. Katamtaman lamang ang init sa balat ng haring araw, sariwang hangin at mga ibong umaawit sa sanga ng puno. Kasalukuyan akong nakaupo sa teresa ng aking kwarto habang pinapanuod ang mga ibong umaawit. Kakalabas ko lamang ng ospital kaninang umaga at pinayagan ako ni mama na pumunta sa holloween party mamayang gabi.

Mahaba habang sagutan din ang nangyari sa pagitan namin ni Thunder bago ko ito napapayag na umattend ako at hanggang ngayon ay hindi ko parin nakakausap ang magkapatid na intsik. May kasalanan sila sa akin.

"Kapatid..." Napalingon ako dahil sa pagtawag sa akin ni Kuya Genesis.

"Bakit na naman po, kuya?" walang ganang tanong ko.

Natawa na lamang ito at lumapit sa teresa kung nasaan ako. Kumuha ito ng isa pang upuan upang umupo sa aking harapan. Tinitigan ako nito na ikinakunot ko ng noo.

"Mas gumaganda ka lalo sa paningin ko kapatid. Ito na ba ang epekto ng Thundersperin?" Namula naman ako dahil sa tanong niya pero siyempre ay hindi ko ito pinahalata kaya naman napatingin akong muli sa mga ibon upang maiwasan ang kaniyang mga tingin.

"Hindi naman ganoon ang epekto niya sa akin." Simpleng tugon ko na sinabayan ko ng pagtikhim.

"Talaga lang ah?" may panunukso sa boses nito.

Tiningnan ko ito ng nakataas ang isang kilay. Tumawa lamang ito dahil sa hitsura ko at ginulo ng bahagya ang buhok ko.

"Be happy, baby. I don't want to see you suffer again." Sinserong saad nito.

Napangiti ako dahil sa sinabi ni kuya at tumango. Binigyan niya na ako ng magaang halik sa noo at umalis na. Muli kong dinama ang sariwang hangin na sinabayan pa ng mga ibong kumakanta sa sanga ng puno.

Inabot ko ang tsaang tinimpla ko kanina lang at sumimsim mula dito. Hindi ko pa man din nalulunok ay naibuga ko na ito dahil sa panggugulat ng impakto sa aking likuran.

"PAPATAYIN MO BA AKONG, KIDLAT KA HA?"

Inilabas ko na yata ang buong boses ko para lang malaman niyang hindi siya nakakatuwa. Naramdaman ko ang pagtambol ng aking dibdib dahil sa gulat. Napapikit ako upang huminga ng malalim upang maibsan ang malakas na kabog ng aking dibdib. Napahawak pa ako dito dahil sa sobrang lakas ay hindi na ako makahinga.

"T-Tang'na Thunder, p-papatayin mo yata ako." Nahihirapang saad ko

Umupo ito sa aking harapan at ang isang kamay nito ay hinahaplos na ang aking pisngi habang isa naman ay may hawak ng isang baso na may tubig.

"I'm sorry, you're too serious kasi." Sinserong saad nito.

Ininom ko ang tubig na binigay niya. Napansin kong hindi na malamig ang tubig kaya naman kinunutan ko siya ng noo. Natapos akong uminom ay ganun parin ang pwesto niya ang mga kamay ay nasa hand rest na ng upuan.

"Kanina ka pa ba?" nakataas na kilay kong tanong.

"Yeah. Narinig ko ngang hindi ganun kalakas ang epekto ko sayo." Saad nito at bumusangot ang mukha.

"Totoo namang hindi malakas ang epekto mo sa akin eh." Saad ko sa seryosong boses.

Napakagat labi na lamang ako ng mas bumusangot pa ang mukha niya at nag-pout. Inirapan pa niya muna ako bago naupo sa kaninang upuan ni Kuya Genesis.

"Hindi kita napansin kanina."

"Kasi nga hindi ganun kalakas ang epekto ko sayo." Matabang niyang saad.

"Kasabay mo bang pumasok si kuya?" tanong ko at binalewala ang sinabi niya.

"Hindi."

"Eh bakit parang galit ka?"

"Hindi naman ako galit."

"Sure ka?"

"Oo."

"Hindi ka galit?"

"Hindi nga."

"Sure ka talaga?"

"Oo nga."

"Weeeeh?"

Nakita ko ang mariin niyang pagpikit at pagbuntong hininga. Palihim akong natawa. Gustong-gusto ko talaga kapag napipikon na talaga siya sa akin. Dumilat ito at seryosong nakatingin diretso sa aking mga mata. Tumayo ito at pumwesto sa aking harapan na unti-unting yumuyuko.

"Pagsinabi kong hindi ako galit."

Palapit ng palapit ang kaniyang mukha sa akin habang sinasabi ang mga katagang ito. Naging malikot na ang aking mga mata upang hindi magtama ang aming paningin. Kinakapos na rin ako ng paghinga dahil sa lapit niya.

"Hindi ako galit."

Naramdaman ko na ang kaniyang hininga sa aking pisngi na mas nagpatambol ng aking dibdib. Umaakyat na rin yata ang aking mga dugo sa aking mga pisngi, unti-unti na itong umiinit.

"Pero dahil sa ginawa mo pina-init mo ang ulo ko." Seryoso ang tono ng boses nito na dahilan upang matingnan ko na siya.

"M-Mainit na naman ba ang u-ulo mo sa akin?" nauutal na tanong ko na ikinatango niya lang ng tatlong beses. "Aling ulo ba ang mainit, itaas o ibaba?"

Nawalan ng panimbang si Thunder dahilan upang magpagewang gewang ito makuha lamang muli ang panimbang. Inosente ko naman siyang tiningnan dahil sa pamumula ng kaniyang mukha.

"Bakit may sinabi ba akong masama?" tanong ko pa.

Napabuga ito ng hangin at bakas sa kaniyang mukha na hindi siya makapaniwala sa itinanong ko. Pangalawang beses ko na siyang nakitang ganito, ang una ay yung sinabi ko ang pampalamig ng ulo niya.

"Binabaliw mo talaga ako sayo, babae." Namamanghang saad nito na ginulo pa ang kaniyang buhok.

Nakatayo na lamang siya sa aking harapan at patuloy ang ekspresyon sa kniyang mukha. Tinawanan ko siya dahilan upang mapataas siya ng isang kilay. Patuloy ako sa pagtawa nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Papatayin niya na sana ito ng makita niya kung sino ang tumatawag ay agad niyang sinagot. Nag-excuse siya sa akin at pumasok sa loob ng kwarto ko.

Napangiwi naman ako at kinuha ang cellphone ko. Nagi-scroll lamang ako sa news speed ng facebook ko. Hindi ko namalayang limang minuto nang may kausap si Thunder na ipinagtaka ko.

"Ganunba ka-importante ang tawag na yun?" bulong ko.

Ibababa ko na sana ang cellphone ko nang may magnotif sa akin. It was Keziah, Mau, Wintella and Minoa. Napataas ako ng kilay dahil sa sunod-sunod nilang notif sa akin. Nang i-open ko ito ay ganun nalang ang gulat ko. Minention nila akong apat sa iisang post lamang.

Agad kong tiningnan ang post na iyon at agad akong natigilan dahil dito. It was a link for an article and the title of the article caught my attention. I was about to click it when I heard Thunder's voice behind my back and I face him.

"Valeriana I need to go." Halata sa boses nito na nagmamadali siya.

"Something happened?" nag-aalalang tanong ko. Umiling ito.

"Wala naman. I really have to go, I'll fetch you later." 

Tumango nalamang ako dito. Akala ko ay aalis na ito ngunit mabilis nitong hinalikan ang aking labi at kumindat pa bago nilisan ang aking kwarto. Tulala parin ako dahil sa ginawa niya.

Napailing na lamang ako at tumutok muli sa aking cellphone. I finally click the link and I read some part about the article. I smiled bitterly because I realize that maybe he's just playing with me sinceday one.

I off my phone and slept. Mamaya ko nalang iisipin ang mga nabasa at nararamdaman ko. Itutulog ko muna ito baka sakaling paggising ko wala na, mawala na lang na parang bula. 

Kaugnay na kabanata

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XI ]

    "I love you, Valeriana, since day 1 of January 2001."Nagising ako eksaktong alas-kwatro ng hapon at tinatamad akong kumilos o bumangon, hindi ko alam kung dahil ba to sa nabasa ko. Tiningnan ko ang aking cellphone at ganun na lamang ang pagkadismaya ko nang wala akong nareceive na text mula kay Thunder magmula ng umalis ito kanina, usually ay nagtetext na ito lalo na at wala ako sa kaniyang paningin. Napagdisisyunan ko nalamang na bumangon.

    Huling Na-update : 2020-10-20
  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XII ]

    Choose me..."I love you, Valeriana since day 1 of January 2001."Napasinghap ako dahil sa narinig ko mula sa kaniya, that was my birthdate. Hindi talaga pumalya ang lalaking ito na pabilisin ang pintig ng puso ko. Nakagat ko ang aking pa

    Huling Na-update : 2020-10-20
  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XIII ]

    Pain...Nakarating kami sa Casa El Paraiso ng matiwasay, but still I feel the dizziness. Umiikot ang paligid ko at nandidilim na rin ang paningin ko, ipinilig ko ang aking ulo upang mawala ito."Val, are you okay?" tanong ni Marko

    Huling Na-update : 2020-10-27
  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XIV ]

    Sorry won't fixed me...Maaga akong nagising dahil sa ingay na naririnig ko mula sa di kalayuan. Masyadong tahimik ang lugar para hindi mapansin ang mga taong maiingay. Napansin kong tulog na tulog ang mga kasamahan ko sa kwarto. Anong oras naman kaya nagsitulog ang mga to?Dahan-dahan

    Huling Na-update : 2020-10-27
  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XV ]

    Glimpse...Pagkatapos naming magdrama kaninang umaga ay napagdesisyunan kong magpa-iwan sa kwarto habang sila ay nasa dalampasigan at naliligo. Napabuga ako ng hangin dahil imbis na mag-enjoy ay narito ako at nakahiga sa kama.When your legs don't wor

    Huling Na-update : 2020-10-27
  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XVI ]

    BACK TO ZERO...Pain is not the counterpart of love, not because you fell in love you will never feel the pain or you are no longer feel the pain. Pain will still be there, it's part of the process of love. Either it kills you inside or it wakes up your senses. It's still up to you.Aft

    Huling Na-update : 2020-10-28
  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XVII ]

    Guerrero...Nakakailang hakbang na ang nagagawa ko ngunit hindi ko parin magawang tumalikod dahil sa huling pagkakataon nais kong ipakita sa sarili kong hindi kailanman magiging akin ang lalaking mahal ko. Habang humahakbang paatras ang mga paa ko siya din namang pagputok ng baril sa di kalayuan.

    Huling Na-update : 2020-10-28
  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XIX ]

    Thunder...Kasalukuyan kaming nasa kwarto ni Qaz dahil nagkukwento ito tungkol sa mga panahong wala ako sa kaniya. At three my brothers teach him how to read and write, at four they let him study at nursery and now that he is nearly five years old he can enter grade 1."Hindi ba parang

    Huling Na-update : 2020-10-30

Pinakabagong kabanata

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XX ]

    Blaah~Ano nga ulit ang sinabi ko? Tamang panahon ba ang sinabi ko? Fate is really something, pinaglalarauan ako sa hindi ko malamang rason. Kanina lamang ay nasa balkonahe siya ng kwarto ni Qaz ngayon naman ay nasa harapan ko na.Nanatili ang mariin niyang titig sa akin at walang nagta

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XIX ]

    Thunder...Kasalukuyan kaming nasa kwarto ni Qaz dahil nagkukwento ito tungkol sa mga panahong wala ako sa kaniya. At three my brothers teach him how to read and write, at four they let him study at nursery and now that he is nearly five years old he can enter grade 1."Hindi ba parang

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XVII ]

    Guerrero...Nakakailang hakbang na ang nagagawa ko ngunit hindi ko parin magawang tumalikod dahil sa huling pagkakataon nais kong ipakita sa sarili kong hindi kailanman magiging akin ang lalaking mahal ko. Habang humahakbang paatras ang mga paa ko siya din namang pagputok ng baril sa di kalayuan.

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XVI ]

    BACK TO ZERO...Pain is not the counterpart of love, not because you fell in love you will never feel the pain or you are no longer feel the pain. Pain will still be there, it's part of the process of love. Either it kills you inside or it wakes up your senses. It's still up to you.Aft

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XV ]

    Glimpse...Pagkatapos naming magdrama kaninang umaga ay napagdesisyunan kong magpa-iwan sa kwarto habang sila ay nasa dalampasigan at naliligo. Napabuga ako ng hangin dahil imbis na mag-enjoy ay narito ako at nakahiga sa kama.When your legs don't wor

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XIV ]

    Sorry won't fixed me...Maaga akong nagising dahil sa ingay na naririnig ko mula sa di kalayuan. Masyadong tahimik ang lugar para hindi mapansin ang mga taong maiingay. Napansin kong tulog na tulog ang mga kasamahan ko sa kwarto. Anong oras naman kaya nagsitulog ang mga to?Dahan-dahan

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XIII ]

    Pain...Nakarating kami sa Casa El Paraiso ng matiwasay, but still I feel the dizziness. Umiikot ang paligid ko at nandidilim na rin ang paningin ko, ipinilig ko ang aking ulo upang mawala ito."Val, are you okay?" tanong ni Marko

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XII ]

    Choose me..."I love you, Valeriana since day 1 of January 2001."Napasinghap ako dahil sa narinig ko mula sa kaniya, that was my birthdate. Hindi talaga pumalya ang lalaking ito na pabilisin ang pintig ng puso ko. Nakagat ko ang aking pa

  • Your Temporary Person   [ K A B A N A T A XI ]

    "I love you, Valeriana, since day 1 of January 2001."Nagising ako eksaktong alas-kwatro ng hapon at tinatamad akong kumilos o bumangon, hindi ko alam kung dahil ba to sa nabasa ko. Tiningnan ko ang aking cellphone at ganun na lamang ang pagkadismaya ko nang wala akong nareceive na text mula kay Thunder magmula ng umalis ito kanina, usually ay nagtetext na ito lalo na at wala ako sa kaniyang paningin. Napagdisisyunan ko nalamang na bumangon.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status