A kiss, what?
“Kapag babaero ang nagmahal, tatamis pati ang suka.”
Napatampal ako sa aking noo dahil sa narinig kong salita sinabayan pa ito ng pagtaas ng aking balahibo. Kasalukuyan akong nagbabantay ng paninda ni Mama dito sa palengke, tutal naman ay sabado walang pasok. Isang masamang hangin na naman ang umihip at narito na naman ang bagyong kanluran. Kung sinu-sino nalang ang binabanatan nang nakakarindi at nakakasukang mga salita.
“Enebe..” Napairap naman ako dahil sa kalandian ng babae sa kaharap naming pwesto.
Wala na yata akong ibang naririnig sa loob ng palengkeng ito kundi ang mga kalandian nila. Sa lahat na yata ng sulok ng palengkeng ito ay nakipaglandian na ang bagyong kanluran. Napakalanding nilalang.
Inirapan ko pa sila ng isang beses at saka na iniwas ang tingin sa kanila. Sakto namang may bumili na sa pwesto namin at naagaw na ang atensyon ko. Ngingiti na sana ako kung ang bumibili ay talagang suki namin kaso hindi. Isa na namang Bagyo, sa pagkakataong ito ay kidlat na ang narito.
“Ano na naman ang kailangan mo, Thunder?” walang ganang tanong ko dito.
“Gusto kong bumili ng mga ubas mo, Valerie.” Sagot niya dahilan upang mapapikit ako.
Gustong magwala ng sistema ko dahil sa sinabi ng kidlat na ito, bakit ba pakiramdam ko ay iba ang pakahulugan ng ubas na kaniyang binanggit? Parehong pareho sila ng kapatid niyang antipatikong bagyo. Padaskol akong kumuha ng ubas at tinimbang ito.
“Ilang kilo?”
“Kahit ilan basta ikaw.”
Napabuga ako ng hangin dahil sa sagot niya. Kung ang bagyong kanluran ay lumalandi sa kahit saang pwesto nitong palengke pwes ibahin niyo ang kidlat na narito dahil sa akin lang parati namemerwisyo.
“Mamimeste na naman ang kidlat na ito.” Bulong ko
Halos yata lahat ng ubas na nakikita ko sa aking harapan ay itinimbang ko na upang umalis lamang ang kidlat na ito. Kaya naman nang 25 kilos na ang naitimbang ko ay padaskol ko itong ibinigay sa kaniya, muntik pa siyang mabuwal dahil sa bigat ng ubas.
“Damn. Ilang kilo ito?” Hindi makapaniwalang tanong ng kidlat.
“25 Kilos sir. 5000 lahat.” Simpleng saad ko habang hawak ko pa ang calculator at inosenteng tumingin sa kaniya. Napakurap lang ito ng tatlong beses.
“Palagi mo akong binibigyan ng 25 kilos. Ayaw mo talaga akong bumalik dito?” napaiwas naman ako ng tingin dahil sa tono ng boses niya.
Palagi nalang siyang nagtotono na tila ba inapi ko siya sa tuwing ibinibigay ko ang ubas na hinihingi niya. Kung narito si mama ay paniguradong may hampas na naman ako dahil sa sinusungitan ko daw ang paborito niyang customer.
“Palagi mo kasi yang order kay mama, binigay ko lang.”
“Okay.”
Napatingin agad ako sa kaniya dahil sa mabilis niyang sagot. Inabot niya naman sa akin ang anim na libong piso na ikinagulat ko. Nagsimula na itong maglakad nang hindi na nag-abala pang tumingin sa akin.
Ano na namang drama yan?
“Teka Kidlat..” hindi ito lumingon
“Hoy!!” wala parin
“Thunder!!!”
Naaagaw ko na yata ang atensyon ng mga tao dito sa palengke ay hindi parin lumilingon ang gagong kidlat.
“Thunder!!!!!”
Ngayon naman ay mukhang maiiwan ko pa ang pwesto namin dahil maghahabol ako sa kidlat na mukhang nagtatampo sa akin. Pag
nalaman ito ni mama malilintikan akoWalang internet sa isang linggo, prutas na gulay.
Habang patuloy ako sa paghabol at pagtawag sa kaniya ay nagdadasal na ko na sana hindi niya makasalubong si mama. Panigurado ako sa mga oras na ito ay naglalakad na iyon pabalik sa aming puwesto. Ano ba naman? Anong itatawag ko para tumingin ito? ‘Gwapo?’, ‘Bakulaw?’, ‘Jerk?’ Damn, wala akong maisip na matino. Malapit na siya sa labasan ng palengke at nakikita ko na ang bulto ni mama at kuya. Oh Gosh, mapapahamak pa yata ako sa oras na ito. Pag nakita iyan ni mama na ganiyan ang itsura ay malilintikan talaga ako. Wala na akong napagpilian kundi ang….
“Araaaaay!!!”
Sinadya kong matapilok sa mismong mesa na may mga isda. Tumapon sa akin ang mga isda at sa kaswertihan ko napakalansa ko na.
“Sorry kuya, sorry.” Hinging patawad ko sa may-ari ng isda na napahamak pa dahil sa akin. Nakita ko naman na nagmamadaling lumapit sa akin ang kidlat at nag-aalala ang mga mata.
“Oh Damn, Valeriana. Anong nangyari?” tanong niya sa akin habang tinutulungan akong tumayo mula sa kinasasalampakan ko. Napadaing ako dahil biglang sumakit ang balakang ko. Napasama yata ang bagsak.
“Valerya Hija, sa susunod ay mag-iingat ka.” Rinig ko pang payo ni kuya Isko—ang may-ari ng isda
“Pasensya na po.” Nakayukong paumanhin ko.
“Di bale, alam ko namang hindi mo sinasadya.”
“Ako na po ang magbabayad.” Napalaki naman ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi ni Thunder.
Para akong pinutulan ng dila dahil sa narinig kong sinabi niya. Shit naman, ayokong magkautang sa lalaking ito. Aangal pa sana ako ng marinig ko na ang boses ni mama.
“Valerie? Jusko anong nangyari sa iyo?”
“Natapilok po yata siya, tita.” Napalingon ako kay Thunder dahil sa tawag niya kay mama.
“Tita?” bulong ko
“Ang tanga talaga.” Narinig kong bulong ni kuya Ezekiel na narinig ko naman.
“Anong sabi mo?” susugudin ko pa sana siya nang may humigit na sa bewang ko.
“Ako na po ang maghahatid kay Valeriana, tita. Manong ito po yung bayad. Mauna na po kami.”
Muli pa sana akong aangal dahil ayokong kasama ang kidlat na ito ay natigilan ako sa ginawa niyang pagbulong sa akin. Bulong na alam kong kapag sinuway ko malilintikan talaga ako kay mama.
“Kapag hindi ka sumama isusumbong kita kay tita. Sasabihin kong sinusungitan mo na naman ako.” At may kasama pa itong pagkagat sa aking tenga na ikina pula ko.
‘Oh God, naisahan ako. Ano ba kasing katangahan ang nagawa mo Valerie?’ piping tanong ko habang minumura ang aking sarili.
Kasalukuyan na kaming naglalakad palapit sa bahay dahil malas ng kidlat hindi pwede ang sasakyan sa lugar namin. Malakas kasi ang loob magdala ng kotse alam namang hindi pwede sa lugar namin. Napapaikot ang aking mata dahil sa kaniya, walang hiya. Papasok na sana kami sa gate nang makasalubong namin si Ken, ang lalaking bagong lipat sa barangay namin.
“Oh, Thunder bagong babae?” kaswal na tanong nito sa lalaking nasa tabi ko.
Napatingin naman ako sa mukha nito at tama nga ang hinala ko, nakangisi ang gago na ikinataas yata ng dugo ko sa ulo.
“Nah. Not my type. It’s my friend, Valerie. Val it’s—“
“Ken. Gwapong chinito na matino. Yes, I know him. No need the formality.” Matabang na saad ko bago ko sila iwan.
Umiinit ang ulo ko sa hambog na kidlat na iyon, wala na ngang dugo pinapa high blood pa niya ako. Hindi lang pala bagyo at kidlat ang dala ng gago pati rin yata buhawi ay dala na ng kaniyang sistema. Kaibigan ako? Not his type? Ako? Ako pa na binansagang dyosa ng palengke hindi niya type? Gagong yun. Inilock ko na ang pintuan at dumiretso na sa aking kwarto para kumuha ng damit at maliligo na ako.
Hindi ganoon kalaki ang bahay namin. Hindi rin siya sosyal kagaya ng iba. May isang c.r sa 1st floor at apat ang kwarto sa 2nd floor pagdating naman sa 3rd floor ay nag-iisang kwarto ko at may sarili itong c.r. bakit nga ba? Nag-iisang babae ako dahil ang mga kuya ko ay mga barumbadong tunay. Tropa nila ang Mariano Brothers so means mga babaerong tunay.
Natapos na akong maligo at nagmamadaling bumaba dahil naririnig ko ang katok na tila sisira sa aming pintuan. Kahit nasa 3rd floor na ako ay naririnig ko ang nagwawalang hiyang kumakatok sa pintuan namin. Nang tuluyan na akong makababa ay padabog akong lumapit sa pintuan at padaskol ko rin itong binuksan.
Alam ko madami na akong nakikitang lalaking messy hair, namumula ang mukha, umiigting ang panga at talagang hot pero bakit ang isang ito na nasa harapan ko ay para bang bago sa paningin ko? Bakit parang binibigyan niya ako ng bagong depinasyon ng Sizzling Hot? Taena, nagagayuma na yata ako. Iniiwas ko ang aking paningin sa kaniya.
“Sisirain mo ba ang pintuan namin?” I really tried my best not to stummer infront of this hot jerk.
“Kaya kong ipagawa ang pintuan niyo, ikaw ba kaya mong pahupain ang init ng ulo ko?” seryoso siya. Mahihimigan ito sa kaniyang boses.
“A-ano namang kinalaman ko sa i-init ng ulo m-mo?” Nauutal na tanong ko dito na ikinamura ko sa aking sarili.
Napatutop ako sa aking mga labi dahil sa mariin niyang pagkakatitig dito. Naramdaman ko rin ang unti-unting paglambot ng aking mga tuhod na hindi naman dapat. Hindi ko dapat katakutan ang lalaking nasa aking harapan. Wala naman akong ginawa sa kaniya na labag sa kaniyang karapatan. At ang alam ko ay ako itong mainit ang ulo kanina, nabaliktad yata.
“Kaya mo bang palamigin ang ulo ko?” Muli niyang tanong
Ano ba ang nasa isip ng lalaking ito? Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? Nananatili kaming magkaharap sa pintuan. Hindi ko siya magawang papasukin dahil siya na nga ang may sabi mainit ang kaniyang ulo. Ano bang dapat na gawin kapag mainit ang ulo ng babaero? Dapat ko ba siyang painumin ng juice na maraming yelo?
‘Halik ang magpapalamig sa ulo ng babaerong lalaki.’
Napapitlag ako dahil sa hindi ko malaman kung saan nanggaling ang sagot na iyon. Saan nakuha ng aking isip ang ideyang iyon? Hindi nga siguro nararapat na makasama ko ang kidlat na ito dahil sa kakaunting oras ay nalalason niya na ang aking isipan.
“Bakit hindi ka makasagot?” nananatili ang pagiging seryoso ng kidlat na aking kaharap.
Dapat ko na ba siyang katakutan? Ano nga ba ang katatakutan ko sa lalaking ito? Masyado lamang siyang bilib sa kaniyang sarili kaya ganyan siya. Bakit pa nga ba ako nagpahatid sa kaniya?
“Valeriana, kinakausap kita.” Napatitig ako sa mga mata ng lalaking kidlat.
“Pumasok ka muna, mag-iisip ako ng paraan para palamigin ang ulo mo.” Malumanay na sagot ko sa kaniya.
Tinalikuran ko na siya at dumiretso na ako sa aming kusina. Tiningnan ko ang ref. kung anong meron. Binggo! Ang Soju ng magaling kong kuya. Kailan nga ba ako magkakaroon ng katahimikan sa bahay na ito? Siguro kapag nagsipag-asawa na ang mga babaero kong kuya.
Inilagay ko sa isang tray ang soju, ice bucket, pulutan at baso. Pinuntahan ko na siya sa sala at muntik na akong mawalan ng balanse ng makita kong topless na ang kidlat. Prente itong naka-upo sa sofa at nakataas pa ang mga paa sa center table. Gusto ko ng batuhin ng kung ano ang lalaking ito. Nakakawala ng hangin ang ginagawa niya.
Padabog kong inilagay ang tray na dala ko sa kaniyang harapan. Nakita ko na naman ang panibagong galaw mula sa lalaking ito. Bakit ba ang mga karaniwang kilos na nakikita ko ay tila bago pag siya na ang gumagawa. Taenang salamangka ang meron sa lalaking ito, dapat na akong magpatawas kay mang pepe sa kabilang bayan.
“What’s that?” Magkasalubong ang kilay niya ng itanong ang mga nasa tray.
“Inom muna ako ng dalawang shot bago ko palamigin yang ulo mo.” Plain kong tugon
“At ano naman ang gagawin mo para palamigin ang ulo ko?” ngayon naman ay nakataas ang isa niyang kilay.
Kung sa pagalingan yata ng pag-iiba ng formation ng kilay ay panigurado akong ang kidlat na may kasamang buhawi na ang mananalo. Bukod sa gwapo ‘daw’ ang lalaking ito ay magaling talaga siya sa pagpapalit ng ayos ng kaniyang kilay.
“Halik para lumamig ang ulo ng babaerong lalaki.”
CrushSabi nila makipaglaro ka nalang sa bagyong kanluran wag lamang sa kidlat na nasa aking harapan. Mild lamang daw ang pinsala ng isang bagyo pero ang kidlat na may kasamang buhawi ng kayabangan ay tiyak nang maiiwan sa ‘State of Calamity’ ang puso mo.
PapaKasalukuyan ako ngayong nasa labas ng Principal’s office dahil hinihintay ko ang tatlong ‘night and shining armor’ ko daw. Ewan ko ba sa tatlong iyon at ginagawa nila ito sa akin. Hindi ko naman talaga sila close o ano man ang sabi lang nila simula sa araw na ito ako na ang Dyosa na poprotektahan nila dahil ang isa da
Slave...I know God won’t give me anything I can’t handle but sometimes I just wish that He doesn’t trust me to not get tired of something. I just wanted to lay down and rest, forget what is reality and escape it but the hell with this suck reality. It always dragging me down and slap me a million times just to make me realized that in reality the princess is not just a damsel in distress but a fighter, a fighter that can fight for her own sake. Nothing more, n
Love is...Who wouldn’t love to be love by someone they love? Who wouldn’t dream to be with the person they dreamin’ for
Human AlarmI remember what lolo said to me. Sabi niya kung papipiliin ako kung gago o matino dapat daw piliin ko ang gago, dahil mas masarap daw makitang nagbabago ito dahil sa mahal niya ako kesa daw sa matino na sa una lamang matino. Should I believe it? Hindi ba ako nito sasaktan?
Heartbeats...Nakarating kami sa skwelahan ng tahimik at walang mga imik. Nang makalabas ako sa kotse ni West ay nakita ko agad sina Thunder at Sardius na naghihintay sa akin sa bukana ng building namin. I let out a heavy sigh before I continue walking towards them and then stop when i am half meter away from them.
Lito...It was Tuesday and as usual sinundo na naman ako ng apat at kagaya ng kahapon ay kay West kami sumabay. Tahimik ako buong byahe dahil sa nangyari kahapon sa clinic. Nasapo ko ang aking mukha ng maramdaman ko muli ang pag-init ng pisngi ko.
Tuddler...My heart still pounding faster than its normal beating. I should go to the hospital and check my heart if I have disease. Kanina pa ito sa paghaharumintado, hindi parin ito naaawat tila gustong lumabas at sumabog. Nakakatakot baka mamatay ako.
Blaah~Ano nga ulit ang sinabi ko? Tamang panahon ba ang sinabi ko? Fate is really something, pinaglalarauan ako sa hindi ko malamang rason. Kanina lamang ay nasa balkonahe siya ng kwarto ni Qaz ngayon naman ay nasa harapan ko na.Nanatili ang mariin niyang titig sa akin at walang nagta
Thunder...Kasalukuyan kaming nasa kwarto ni Qaz dahil nagkukwento ito tungkol sa mga panahong wala ako sa kaniya. At three my brothers teach him how to read and write, at four they let him study at nursery and now that he is nearly five years old he can enter grade 1."Hindi ba parang
Guerrero...Nakakailang hakbang na ang nagagawa ko ngunit hindi ko parin magawang tumalikod dahil sa huling pagkakataon nais kong ipakita sa sarili kong hindi kailanman magiging akin ang lalaking mahal ko. Habang humahakbang paatras ang mga paa ko siya din namang pagputok ng baril sa di kalayuan.
BACK TO ZERO...Pain is not the counterpart of love, not because you fell in love you will never feel the pain or you are no longer feel the pain. Pain will still be there, it's part of the process of love. Either it kills you inside or it wakes up your senses. It's still up to you.Aft
Glimpse...Pagkatapos naming magdrama kaninang umaga ay napagdesisyunan kong magpa-iwan sa kwarto habang sila ay nasa dalampasigan at naliligo. Napabuga ako ng hangin dahil imbis na mag-enjoy ay narito ako at nakahiga sa kama.When your legs don't wor
Sorry won't fixed me...Maaga akong nagising dahil sa ingay na naririnig ko mula sa di kalayuan. Masyadong tahimik ang lugar para hindi mapansin ang mga taong maiingay. Napansin kong tulog na tulog ang mga kasamahan ko sa kwarto. Anong oras naman kaya nagsitulog ang mga to?Dahan-dahan
Pain...Nakarating kami sa Casa El Paraiso ng matiwasay, but still I feel the dizziness. Umiikot ang paligid ko at nandidilim na rin ang paningin ko, ipinilig ko ang aking ulo upang mawala ito."Val, are you okay?" tanong ni Marko
Choose me..."I love you, Valeriana since day 1 of January 2001."Napasinghap ako dahil sa narinig ko mula sa kaniya, that was my birthdate. Hindi talaga pumalya ang lalaking ito na pabilisin ang pintig ng puso ko. Nakagat ko ang aking pa
"I love you, Valeriana, since day 1 of January 2001."Nagising ako eksaktong alas-kwatro ng hapon at tinatamad akong kumilos o bumangon, hindi ko alam kung dahil ba to sa nabasa ko. Tiningnan ko ang aking cellphone at ganun na lamang ang pagkadismaya ko nang wala akong nareceive na text mula kay Thunder magmula ng umalis ito kanina, usually ay nagtetext na ito lalo na at wala ako sa kaniyang paningin. Napagdisisyunan ko nalamang na bumangon.