Share

Chapter 2

Author: Maria Angela Gonzales
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

ALAS-KUWATRO na nang magising si Billy dahil ilang araw niyang pinagpuyatan ang final editing ng vlog niya. Siyempre, kailangan muna niyang masiguro na sobra siyang masisiyahan bago niya papanoorin iyon sa kanyang viewers at muli’y nanggilalas sila. Biruin mo ba naman ikatlong araw ang pagkaka-upload pero naka-1 million views na siya.

Sa magandang kapalaran niya sa kanyang youtube channel ay nagkaroon siya ng maraming oportunidad. Hindi lang ang makilala, kundi ang kumita ng malaki. Gayunman. Hindi siya nakatutok sa mga salaping ipinapasok niya kundi ang mga values na nagagawa niyang ituro sa kanyang viewers. Unang-una na siyempre rito ang pagmamahal at paggalang niya. Hindi lang paggalang sa mga magulang at kapamilya kundi sa lahat ng nilalang -- tao, hayop at kapaligiran. 

Papunta na siya sa kanilang komedor nang maulinigan niya ang boses ng kanyang ina. “Ilan ba ang bisita mo?”

Gilalas na gilalas ang kanyang ina nang sumagot. “2 lang ang bisita mo pero ang handa mo ay parang sa 20 katao.May nakasalang pang baked mac.”

Nang bumungad siya sa komedor ay nauunawaan niya ang ipinagsisintir ng kanyang ina. Katunayan, siya rin ay nagulat dahil daig pa ang may pa-fiesta sa kanila. Sampung putahe ang nakahain.

“Importanteng tao ang mga bisita ko…” Natigil sa pagsasalita ang kanyang Tito Ruben nang mabalingan siya. “Magandang umaga, aking pamangkin,” excited nitong sabi. 

“Hapon na.” pagtatama ng kanyang kanyang ina. Pagkunwa’y tumungo na ito sa kusina. 

Mapangiti siya. Kahit naman madalas magreklamo at tumalak ang kanyang ina ay hindi rin nito natitiis ang sinuman sa kanilang kapamilya nito. At dahil nga specialty ng kanyang ina ang pagluluto, ito ang punung abala sa dineklarang okasyon ng kanyang tiyuhin para sa mga bisita nito. 

“Sinong bisita mo, Uncle? Don’t tell me dumating na ang man of you dreams.”

“She ang isa sa darating. Siya ang bisita ko,” pagtatama nito. Hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa mga labi nito. 

Masyado niyang kilala ang tiyuhin kaya agad siyang siyang kinabahan sa excitement na naaaninag niya sa boses nito. Gayunaman ay umalpas pa rin sa bibig niya ang isang katanungan. “Eh, ang he?”

Tumitig sa kanya ang kanyang Uncle Ruben. “Bisita mo.”

Napabuntunghininga siya. Sa tingin kasi niya ay masyadong sineryoso ng kanyang tiyuhin ang paghahanap ng boyfriend niya kaya ngayon ay gusto siyang ipa-blind date sa mga kakilala nito. Naku, ha. Hindi naman siya ganoong kadesperado. At kailangan niya iyong ipaintindi sa kanyang tiyuhin.         

“Count me out, Uncle!”

“Ayaw mong ipakilala kita sa pinsan at boss ng classmate ko dati?” naniniguradong tanong nito. 

Kumunot ang noo niya. Kung magtanong kasi ito ngayon ay parang may pananakot. Kilalang-kilala niya ang tono nito na para bang siya pa ang dapat na manghinayang. “Im not in the mood --”

“Sayang naman pala ang pagpunta dito ni Kidlat.”

Ewan niya kung bakit ng banggitin nito ang pangalang iyon ay awtomatiko ring pumasok sa isipan niya ang councilor na crush na crush niya. “Sinong Kidlat?” wala pa rin sa loob na tanong niya matapos maitaboy sa isipan ang isang posibilidad. 

“Rosales. Kidlat Rosales.”

“Weh…?” sa isip niya kasi ay ginu-goodtime lang siya ng tiyuhin. 

“Believe it or not, parating na siya rito at kung hindi ka pa mag-aayos, baka ma-turn off siya sa hitsura mo.”

Nang masiguro nga niya sa hitsura ng tiyuhin na di ito nagbibiro, ang lakas-lakas ng pagtiling pinawalan niya kasabay noon ay ang naging pag-uusap nila ng kanyang Uncle Ruben nang isang gabi... 

“NANLILIGAW ba sa’yo si Zander De Villa?” tanong ng kanyang Uncle Ruben. Ito kasi ang nakasagot sa tawag ng matinee idol. 

Maraming babae, artista man o hindi, ay patay na patay sa aktor. Ito kasi ang itinuturing na Richard Gomez sa makabagong panahon -- tall, dark and very much handsome. Ngunit, hindi siya tulad ng mga babaeng iyon. Ang katangian kasi nito ay kabaligtaran ng tipo niya. Alright, gusto niya ng tall and handsome pero ayaw niya ng dark. Ang gusto niya ay brownish ang kulay.  

Bukod sa pisikal na anyo ni Zander De Villa na hindi rin niya gusto ang karakter nito na masyadong sigurista. Tila hindi nito matatanggap kung mabibigo kaya sa halip na magpadala na ng flowers at chocolate tumatawag muna. Wari’y tinatantiya kung may pag-asa ito o wala.     

“Kung manliligaw siya dapat nagpupunta siya rito at nagpapakilala sa pamilya natin kaso tatawag lang siya at mambobola. Siyempre, walang dating sa akin ang mga pambobola niya.”

“Tama ‘yan, pamangkin, huwag kang magpabola kay Zander De Villa na gusto yatang tikman ang lahat ng babae sa showbiz.”

“Hindi niya ako mabobola dahil hindi siya ang type ko,” mariin niyang sabi. Ang gusto niyang lalaki ay iyong may sariling paninindigan. Iyong hindi lang nagtatapos sa panlabas na anyo ang kaguwapuhan kundi talagang may mabuting puso para sa kanyang nasasakupan.”

Maang na napatingin sa kanya ang tiyuhin. “At sino ang type mo?”

“Si Kidlat Rosales,” mariing sabi niyang sagot nang bigla siyang natigilan. 

“Perfect,” sigaw ng kanyang tiyuhin na labis niyang ipinagtaka. 

 “SO, naniniwala ka na?” tanong ng kanyang Uncle Ruben. 

Marahang-marahan ang pagtangong ginawa ni Billy. Paano ba naman kasi niya di paniniwalaan ang tiyuhin kung mula sa kinatatayuan niya ay kita niya ang lalaking pinapangarap. Kahit naman isa siyang celebrity ay hinding-hindi niya tatangkain na gumawa ng first move para makilala ito at mapalapit. Tiyak na sasakalin siya ng kanyang mga magulang. Nuknukan pa naman ang pagiging konserbatibo ng mga ito pagdating sa mga lalaking kanyang nagugustuhan at nagkakagusto sa kanya. 

“Ang guwapo niya, Uncle.” wika niya sabay buntunghininga. Parang gusto niyang mangarap na sila’y nagsasayaw sa napakalaking bulwagan. Siya ang prinsesa, si Kidlat Rosales ang prinsepe. At nakatakda siyang magkaroon ng happy ending.

Muli siyang napabuntunghininga habang nakatitig dito. Mala-Isko Moreno ang kaguwapuhan nito. Maamo ang mukha na medyo bilugan, mala-almond shape ang mga mata na binagayan ng makapal na kilay at mahahabang pilik, matangos ang ilong at manipis ang mapulang mga labi. 

Na para bang kaysarap halikan, dugtong niya sa isip kaya naman hindi niya napigil ang mapasinghap nang humagod naman ang mga mata niya sa katawan nito. Katamtaman man ang laki ng katawan nito pero tiyak niyang kapag humilig siya sa dibdib nito ay magiging komportable siya. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa anim na talampakan din ito. 

“Mas guwapo pa kay Zander De Villa?” nanunuksong tanong ng kanyang Uncle Ruben. 

“Syempre naman. Siya ang pinakaguwapo para sa akin,” nakangiti niyang sabi, nangangarap. Sa kanyang isipan kasi’y parang nakikita niyang nakatayo ito sa harap ng altar habang hinihintay siya. 

Oh my God! Tili ng puso niya nang mag-angat ng tingin si Kidlat Rosales. Tumingala ito sa kanyang kinaroroonan kaya naman ang puso niya ay sobrang kinilig. Pakiramdam niya ay may balahibo ng kalapati na kumikiliti sa kanyang puso. Ibig niya tuloy mapahagikgik sa kilig. 

Nang marahan itong kumaway sa kanya ay parang gusto niyang magtititili. Ang lakas-lakas kasi ng kabog ng kanyang puso kaya naman pakiramdam niya’y nabibingi na siya. Kaya naman hindi niya nagawang gantihan man lang ang pagbating iyon ng konsehal. Parang nakalimot siya sa kanyang ethics at parang hindi niya iyon mapaniwalaan. 

“Ano bang gagawin ko?” nahihirapang tanong niya sa sarili.

“Bumaba na tayo,” natatawang sabi ng kanyang Uncle Ruben. “Kung nalaman ko lang agad na crush mo si konsehal, matagal mo na siyang na-meet."

”So, kasalanan ko?”

“Ewan ko ba naman kasi sa’yo kung bakit ipinaglihim mo ‘yan.”

“Akala ko naman kasi ay walang pag-asa na mag-meet.”

“Akala...akala… maraming namamatay sa maling akala. Halika na, bumaba na tayo.”

“Okay na ba ang suot ko?” nag-aalangan pa niyang tanong. 

Ang lapad ng ngiti ng kanyang Uncle Ruben. “Para namang hindi ako makapaniwala na ang pamangkin kong celebrity ay nawawalan ng tiwala sa kanyang pag-aayos. Napakaganda mo, iha.” wika nito saka hinagod ng tingin ang kabuuan ng pamangkin. 

Ang mukha nito’y mala-anghel, maamo kasi iyon at maliit. Parang wala pa sa isang dangkal. Ang mga mata nito’y mistulang diyamante na kumikislap ngayon kaya bumagay dito ang manipis na kilay, matangos na ilong at mapupulang mga labi. At kahit 5’4 lang ang height nito’y bumagay naman sa katawan nitong may vital statistic na 36-24-36. 

“Mabango naman ba ako?”

Kunwa’y lumanghap ito sa hangin. “Amoy sampaguita.”

“Let’s go.”

“Kinakabahan pa ako.”

“Bakit?”

“Baka mahimatay pa ako sa kapogian niya kapag nag-face to face kami.”

“Sige, itutulak pa kita sa bisig niya.”

Sa sinabi ng tiyuhin, napahagikgik siya sabay sabing, “Promise?”

Kaugnay na kabanata

  • Your Fake Love   Chapter 3 

    SHUCKS, gustong ibulalas ni Billy pero hindi niya magawa. Wala siyang lakas para gawin iyon. Nang magdaop ang palad nila ni Kidlat Rosales, para na ring tumigil ang pag-ikot ng kanilang mundo. Gayunman, hindi niya magawang alisin ang tingin sa mga mata nito. Para na iyong naka-paste sa isa’t isa.“Magtititigan na lang ba kayo riyan?” untag ng kanyang Uncle Ruben.Bigla ring bumalikwas nang bangon ang kanyang kamalayan. Kahit tuloy hindi siya nakaharap sa salamin, alam niyang pulang-pula ang kanyang mukha. At lalong namula ang kanyang pisngi nang ma-realize niyang hindi pa rin niya nabibitwan ang kamay ni Kidlat Rosales.“Let’s eat.” ani ng kanyang ama at nagpatiuna na ito sa komedor.Masarap ang mga pagkaing nakahanda pero pakiramdam ni Billy ay wala siyang kagana-gana gayung ang totoo ay matakaw siya. Kahit sa mga party kapag dumadalo siya ay para siyang walang bukas kung kumain. Wala siyang pak

  • Your Fake Love   Chapter 4 

    IRITADUNG-iritado na si Billy kay Zander na miatulanv doberman na nakabuntot sa kanya pero hindi niya magawang singhalan ito. Marami kasing press na nakabuntot sa kanila, at tiyak niyang isang maling galaw lang niya ay magba-viral siya.Kung ang ibang artista, gumagawa ng 'kalokohan' para makilala, siya'y gugustuhing malaos kaysa gumawa ng mali. Ang gusto niyang i-promote ay ang kagandahang asal. Sa palagay nga niya'y iyon ang dahilan kaya tinatangkilik ng husto ang kanyang vlogs.At sa susunod, ang pakikipagrelasyon. Sa kaisipan tuloy na iyon, hindi niya napigilan ang mapangiti. Ang agad kasing pumasok sa kanyang isipan ay si Kidlat Romero."Kakaiba yata ang ngiti mo ngayon, Billy," wika ng isang reporter kaya napahinto rin siya sa paglakad. Kahit kasi kasalubong na niya ito'y

  • Your Fake Love   Chapter 1 

    “I’m Billy Monteza, saying, see you next time. Sana love story ko naman ang ang ipi-feature ko sa susunod,” wika ni Belinda sabay hagikgik matapos niyang i-vlog ang wedding ng kanyang bestfriend na si Anika Sarmiento, na ngayon ay Nolasco na.Of course hindi naman siya seryoso ng sabihin niya ang mga katagang sana love story ko naman ang ang ipi-feature ko sa susunod, dahil 23 years old pa lang naman siya at hindi pa ganoong kadesperado para muling magka-lovelife. Isa pa, tumaas na ang standard niya sa pagpili ng susunod na mamahalin.Kung ang una niyang boyfriend na ipinaglaban pa niya ng husto sa kanyang mga magulang ay masasabing guwapo, matangkad at macho lang, ibig niyang ang susunod niyang magiging kasintahan ay hindi lang may magandang hitsura at tikas kundi may mga

Pinakabagong kabanata

  • Your Fake Love   Chapter 2

    ALAS-KUWATRO na nang magising si Billy dahil ilang araw niyang pinagpuyatan ang final editing ng vlog niya. Siyempre, kailangan muna niyang masiguro na sobra siyang masisiyahan bago niya papanoorin iyon sa kanyang viewers at muli’y nanggilalas sila. Biruin mo ba naman ikatlong araw ang pagkaka-upload pero naka-1 million views na siya.Sa magandang kapalaran niya sa kanyang youtube channel ay nagkaroon siya ng maraming oportunidad. Hindi lang ang makilala, kundi ang kumita ng malaki. Gayunman. Hindi siya nakatutok sa mga salaping ipinapasok niya kundi ang mga values na nagagawa niyang ituro sa kanyang viewers. Unang-una na siyempre rito ang pagmamahal at paggalang niya. Hindi lang paggalang sa mga magulang at kapamilya kundi sa lahat ng nilalang -- tao, hayop at kapaligiran.Papunta na siya sa kanilang komedor nang maulinigan niya ang boses ng kanyang ina. “Ilan ba ang bisita mo?”Gilalas na gilalas ang kanyang ina nang sumagot. “2 l

  • Your Fake Love   Chapter 1 

    “I’m Billy Monteza, saying, see you next time. Sana love story ko naman ang ang ipi-feature ko sa susunod,” wika ni Belinda sabay hagikgik matapos niyang i-vlog ang wedding ng kanyang bestfriend na si Anika Sarmiento, na ngayon ay Nolasco na.Of course hindi naman siya seryoso ng sabihin niya ang mga katagang sana love story ko naman ang ang ipi-feature ko sa susunod, dahil 23 years old pa lang naman siya at hindi pa ganoong kadesperado para muling magka-lovelife. Isa pa, tumaas na ang standard niya sa pagpili ng susunod na mamahalin.Kung ang una niyang boyfriend na ipinaglaban pa niya ng husto sa kanyang mga magulang ay masasabing guwapo, matangkad at macho lang, ibig niyang ang susunod niyang magiging kasintahan ay hindi lang may magandang hitsura at tikas kundi may mga

DMCA.com Protection Status