Home / Romance / Your Fake Love / Chapter 3 

Share

Chapter 3 

last update Last Updated: 2022-04-02 12:27:22

SHUCKS, gustong ibulalas ni Billy pero hindi niya magawa. Wala siyang lakas para gawin iyon. Nang magdaop ang palad nila ni Kidlat Rosales, para na ring tumigil ang pag-ikot ng kanilang mundo. Gayunman, hindi niya magawang alisin ang tingin sa mga mata nito. Para na iyong naka-paste sa isa’t isa. 

“Magtititigan na lang ba kayo riyan?” untag ng kanyang Uncle Ruben. 

Bigla ring bumalikwas nang bangon ang kanyang kamalayan. Kahit tuloy hindi siya nakaharap sa salamin, alam niyang pulang-pula ang kanyang mukha. At lalong namula ang kanyang pisngi nang ma-realize niyang hindi pa rin niya nabibitwan ang kamay ni Kidlat Rosales. 

“Let’s eat.” ani ng kanyang ama at nagpatiuna na ito sa komedor. 

Masarap ang mga pagkaing nakahanda pero pakiramdam ni Billy ay wala siyang kagana-gana gayung ang totoo ay matakaw siya. Kahit sa mga party kapag dumadalo siya ay para siyang walang bukas kung kumain. Wala siyang pakialam kung may taong ma-turn off sa kanya. Basta siya ay nagpapakatotoo lang. 

Tulad ng ginagawa niya sa kanyang mga vlogs. 

Ngunit ngayon, kahit na gustung-gusto niyang kainin lahat ng nakahandang pagkain sa mesa lalo na ang lasagna, relyenong bangus at porksteak ngunit hindi niya magawang umabot nang umabot. Paano ba naman kasi, magkatapat pa sila ni Kidlat sa mahabang mesa na iyon. 

Ayaw niyang magmukhang matakaw dito dahil ayaw niya itong ma-turn off sa kanya. 

“On diet ka?” nanunuksong tanong ng kanyang Uncle Ruben. 

Bahagyang ngiti ang ibinigay niya rito. “Baka kasi tumaba ako.”

“Kahit naman tumaba ka, maganda ka pa rin.”Nakangiting sabi ni Kidlat. 

Agad lumipad ang tingin niya rito. Shucks, parang gustong matunaw ng puso niya sa sinabi nito. Titig na titig kasi ito sa kanyang mga mata ng sabihin ang mga katagang iyon. At siyempre, pinaniwalaan iyon. Hindi nga ba ang sabi, eyes are the window of the soul?

“Bola,” hindi niya napigilang sabihin pero ang lapad lapad naman ng kanyang ngiti. Dahil gusto niyang maniwala sa sinasabi nito kaya hindi na siya magtataka kung pati ang mga mata niya ay nakatawa. Nang lingunin niya ang mga magulang ay parang hindi sila pansin ng mga ito. Paano, mataman itong nakikinig kay Lian na parang hindi napapagod magkuwento. 

Matamang nakatingin sa kanya si Kidlat ng sabihin nitong, "Hindi bola ang pagsasabi ng katotohanan."

“Ang haba ng hair mo,” wika ng kanyang tiyuhin na parang kilig na kilig. Kahit tuloy hindi niya ito lingunin, alam niyang may mapanuksong ngiting naglalaro sa labi nito. 

Matapos kumain ay nasa balcony na sila ni Kidlat. Doon sila itinaboy ng kanyang Uncle Ruben. Apat sila roon kasama ang kanyang tiyahin at si Lian kasi biglang nagpaalam ang mga ito kaya’t solo na nila ni Kidlat ang balkonahe. Iyon nga lang walang nagsasalita sa kanila. Parang kontento na sila sa pag-inom ng kape habang nakatitig sa isa’t isa.

“Hindi kaya mapanis na ang laway natin?” tanong ni Kidlat. Sinisikap niyang alisin ang nerbiyos na kanyang nararamdaman.Hindi dapat. Nakakahiya. Isa siyang konsehal at naglalayon na maging mayor balang araw pero nawawalan ng sasabihin sa harap ng isang babae. 

“Hindi naman talaga ako ganito,” nakuhang sabihin ni Billy.”I mean hindi ako tahimik. Ayokong hindi nagsasalita. Madaldal ako, eh. Lahat nga, sinasabi ko pero...ganoon.”

Shucks, hindi na niya alam ang kanyang sasabihin. Napatingin na lang siya sa langit. Kalat na ang dilim at marami na rin siyang nakikitang mga bituin. Kung mayroon siyang makikitang shooting star, hihilingin niyang mahalin din siya ng lalaking ito. 

Mahalin din? Napapantastikuhang tanong niya sa sarili.

Ngayon pa lang niya ito nakita tapos sasabihin niyang mahal na niya ito, luka-luka ba siya? Well, kung hindi pag-ibig ang dahilan kaya sobrang lakas ang kabog ng dibdib niya ngayon, ano pa? Siyempre, matinding crush. Hindi lang sa hitsura nito kundi sa achievement nito sa buhay.  

“Pareho lang tayo ng nararamdaman.”

Bigla ng lumipad ang tingin niya rito. Kung kanina ay ayaw niya ito halos tingnan, ngayon ay kailangan niyang salubungin ang tingin nito. Ibig niyang tiyakin na tama ang kanyang pagkakaintindi. 

“N-nagkakahiyaan”

“Yah.”

“Ngayon lang naman kasi tayo nagkakilala.”

“Daig pa natin ang teenagers.” humahagikgik niyang sabi. Napahinto lang siya sa kanyang paghagikgik dahil napansin niyang titig na titig sa kanya si Kidlat. Bigla tuloy siyang napalunok.

“So, crush mo rin ako?” tanong nito.

“Rin?” gulat niyang ulit. 

Ang lapad ng ngiti nito sa kanya. “Nagku-commercial ka pa lang crush na kita.”

“Oh,” bulalas niya. Hindi man ito ang kauna-unahang lalaki na nagsabi na crush siya pero tanging kay Kidlat lang siya naapektuhan ng husto. Pakiramdam niya ay nakakain siya ng isang dakot na siling labuyo kaya ang init-init ngayon ng kanyang pakiramdam.  

“‘Yan lang ba ang masasabi mo?”

“The feeling is mutual.” walang takot niyang sabi. Sinalubong pa niya ang tingin nito para mabasa bitong hindi siya nagbibiro. Hindi na naman nauuso si Maria Clara sa panahong ito para kimkimin a niya ang kanyang damdamin. Mas maigi ng magpakatotoo. 

“Meaning…?”

“I like you too,” walang alinlangang sabi ni Billy. “Pero, hindi ibig sabihin noon ay tayo na ha. Baka sakalin ako ng parents ko. Kabilang pa rin ako sa conservative family kaya nga lang ayoko namang pigilan ang damdamin ko saka wala namang masama sa crush…”

“Liligawan kita,” mariing sabi ni Kidlat saka hinagilap ang kanyang kamay. 

Binawi niya agad ang kamay nang marinig niya ang yabag ng kanyang ama na kabisadung-kabisado niya. “Baka matutukan ka ng shot gun kapag nakita niyang nakahawak ka sa kamay ko,” nakangiti niyang sabi rito. Naisip niyang baka napahiya ito sa kanyang ginawa kaya agad siyang nagpaliwanag. 

Ang tamis ng ngiting pinawalan nito pagkaraan. “Kung ikaw naman ang pipikot sa akin, okay na okay lang.”

Alam na alam naman niyang nagbibiro lang ito pero dama niyang biglang pag-iinit ng kanyang pakiramdam. Sa isipan niya kasi ay parang na-imagine na nga niyang ikinakasal sila. Bigla tuloy siyang napangiti sa kaisipang ito ang perpektong lalaki para sa kanya. 

BAGO umalis, pormal na nagpaalam si Kidlat sa kanyang mga magulang na manliligaw sa kanya. Ang lakas tuloy ng kanyang pagsinghap nang marinig niya ang sinabi nito sa kanyang mga magulang. “Patutunayan ko pong malinis ang intensyon ko.”

“Bakit naman di ka pa sa altar yayain?” kunwa’y disappointed na sabi ni Uncle Ruben pero kilig na kilig naman. Sa tingin nga niya ay mahihimatay pa ito ng magpaalam si Kidlat sa kanyang mga magulang na manliligaw. 

Dahil pare-pareho silang hindi nakakain ng maayos dahil sa mga bisita, natagpuan nila ang sarili na nagdi-dinner na naman. Hindi na nila pinainit pa ang pagkain dahil parang nag-iiba ang lasa noon kapag ininit. 

“Hindi pa nga natin ganoon kakilala ang Kidlat Rosales na ‘yan,” wika ng kanyang Mommy. 

“Mabait siya, Ate.’

“Pwes, patunayan niyang wala siyang intensyong masama,” wika naman ng kanyang ama. Mapanganib pa ang pagbigkas nito ng bawat kataga na para bang isang presidente kung magsalita. Kunsabagay Rodrigo ang pangalan nito kaya nakikita niya si Digong. 

Siya naman ay tumatangu-tango lang habang nakikinig sa mga ito. Talaga kasing parang hindi nasayaran ng pagkain ang sikmura niya kanina. Ang hirap naman kasi talagang kumain kung ang lalaking nasa harapan mo ay crush na crush mo talaga. Nangangamba siya na ma-turn off ito sa kanya kaya naman kinailangan talaga niyang magpa-girl. Ngunit, dahil wala na sa harapan niya si Kidlat Rosales, kailangan na niyang magpakatotoo para pagbigyan naman ang kumakalam niyang tiyan. 

“Kain ka ng kain diyan baka tumaba ka.”

Binalingan niya ang tiyuhin. “Malakas ang panunaw ko. ”

Dahil nga sa marami siyang nakain, hindi siya agad natulog.Ayaw niya siyempreng bangungutin siya. Kaya nagpunta na lang siya sa balkonahe na nasa kanyang silid at tumingin sa kalangitan. Hindi niya naiwasang humiling sa mga bituin na sana si Kidlat Rosales na ang lalaking inilaan ng tadhana para sa kanya. Dahil damang-dama ng puso niya na dito siya magiging masaya. 

Ang mga mata niya ay bumaba sa kanyang cell phone nang mag-ring iyon. Hindi man naka-rehistro ang number ay agad niyang sinagot. Umaasa kasi siyang si Kidlat iyon dahil hiningi naman nito ang contact number niya bago sila maghiwalay. Kaya hindi niya hinahayaang mahiwalay sa kanya ang kanyang cellphone.

“Hello,” malambing niyang bungad. Umaasa siyang si Kidlat ang makakausap ngunit mararahas na paghinga at paghingal lang ang pinawalan nito kaya nanlaki ng husto ang kanyang mga mata. Hindi siya inosente para hindi niya mahulaan na phone sex ang habol nito kaya bago niya pindutin ang end button ay nagawa pa niya itong sabihan ng, “Kadiri ka!”

Muling nag-ring ang kanyang cellphone. Tulad kanina ay hindi nakarehistro iyon sa kanyang cellphone kaya naisip niyang ang bastos na caller na naman iyon. “Hoy maniac ka --”

“Billy?”

Nanlaki ang mgamata niya ng mabosesan ito. “Kidlat?”

“Yes.”

“I’m sorry. Akala ko ikaw ang bastos na caller.”

“May bumastos sa’yo?” anitong magkahalo ang galit at pag-aalala.

“Para kasi siyang nakikipag...” hindi niya nagawang ituloy ang sasabihin dahil hindi na niya mabigkas ang phone sex. Gayunman, hindi niya magawang balewalain ang kilig na nararamdaman sa reaksyon nito. “Oh, forget it. Nakarating ka na ba sa inyo?”

“I-blocked mo ang caller na iyon para hindi ka guluhin at i-save mo ang number ko.”

Sa tono ng pananalita nito ay hindi niya napigilan ang ma-amuse. From anger to sweetness. At parang may malaking kamay na masuyong humaplos sa kanyang puso dahil damang-dama niya ang pag-aalala nito. 

“Opo, Councilor.”

“Para naman ang tanda ko na kung maka-opo ka.Pwede bang yes. Sweety pie.”

Napahagikgik siya sa tinuran nito. 

“I miss you.”

“Politiko ka talaga,Ang galing mong mambola,” ngunit kilig na kilig naman siya kahit iyon ang paniniwala niya. 

Marahas na buntunghininga ang pinawalan nito. “Hindi kita binobola at ‘yan ang patutunayan ko sa’yo.”

 “Masyado ka namang seryoso, nagbibiro lang ako.”

“Ako hindi nagbibiro, seryoso akong ligawan ka.”

Hindi na siya tumugon. Napangiti na lang siya. Baka kasi mahalata nitong gusto na niya itong sagutin. 

“It's getting late.”

“11 PM pa lang.”

“At hindi ka pa matutulog?”

“May insomia ako eh.” wika niya. Totoo naman iyon. At kahit siguro wala, hindi niya aaksayahin ang pagkakataon na tulad nito. Kaya nagkuwentuhan sila ng nagkuwentuhan hanggang sa nakatulog siya. 

BELINDA!”

    Biglang napabalikwas nang bangon si Billy nang marinig niya ang boses ng kanyang ina. Napa-aray lang siya ng lumagapak siya sa semento. Doon lang din niya napagtanto na sa bench siya nakatulog kaya pag-ikot niya para bumangon ay nag-landing siya sa lapag. Buong akala niya kasi ay nakahiga siya sa kanyang queen size bed. 

Noon lang niya naalala na hindi nga pala siya nakabalik sa higaan dahil sa pakikipagtelebabad kay Kidlat. Mas romantic kasi para sa kanya na habang nakikipag-usap sa telepono ay nakatingin siya sa langit at mga bituin. Ibig kasi niyang malaman ng mga ito na seryoso siyang hilingin na maging kanya si Kidlat habambuhay. 

“Anong ginagawa mo riyan?” gilalas na tanong ng kanyang ina.

 Agad naman siya nitong dinaluhan para matulungan.

 “Huwag mong sabihin na diyan ka nakatulog habang nakikipag-chat,” wika nito sabay tingin sa kanyang cellphone pagkaraan ay hinawakan pa nito iyon para makatiyak. “Ilang oras mo ginamit ang cellphone mo at napakainit.”

“4 hours?”

“Hindi ko na kailangang hulaan kung sino ang kausap mo. Nasa landline ang manliligaw mo. Hindi ka na raw niya ma-contact sa cellphone mo.” Naiiling pa nitong sabi. 

“Thanks Mom”

“Angatin mo na lang ang extension.” Nakapag-hello na siya sa kabilang linya nang muling magsalita ang kanyang ina. “Huwag mo kalimutang may interview ka ngayong hapon.”

Awts, bulalas niya nang maalala ang tinutukoy nitong alabas. Ang Showbiz Bulgaran na host ay si Tito Arnellie. 

“BAGAY sila.”

“What?” inis na inis na bulalas ni Kidlat bago nilingon si Lian na tumayo rin sa harap ng tv. 

“Sila na yata ang bagong loveteam.”

Napamura si Kidlat. Kahit kailan ay hindi siya nakaramdam ng insecurity sa kapwa niya lalaki dahil alam na alam naman niya ang mga katangian na mayroon siya. Malayo rin ang narating niya sa kanyang buhay hindi lang siya nagtapos ng Political Science sa UP, nag-Magna Cum Laude pa siya at Top 3 sa kanyang Bar exam.

“Hindi naman sila mag-on.”

“How sure are you?”

“Kung magkarelasyon sila, di na papayag si Billy na ligawan ko siya.”

“Totoo nga bang gusto mo siya?” Nananantiyang tanong ni Lian.

Yes, gusto niyang sabihin dito ngunit hindi niya magawa. Siguro ayaw din niyang matukso siya ng husto nito. Kung maaari nga ay ayaw niyang lumabas muna iyon hanggang hindi pa siya pormal na nakakaakyat ng ligaw dito. Napangiti lang siya sa kaisipang ng nagdaang gabi ay kakwentuhan niya ito sa cellphone hanggang sa mag-lowbat iyon. 

At nang magising siya at telephone agad ang kanyang hinagilap para tawagan ito. Nais niyang marinig man lang ang boses nito. Kung maaari nga lang niya itong makita araw-araw ay ginawa na sana niya pero napakalayo ng Batangas sa Makati. Okay lang sana kung wala siyang ibang responsibilidad na kailangan niyang unahin. Ngunit, siyempre, ibig niya ring ipadama rito na espesyal ito sa kanya. 

“Kunsabagay nga, ngayon lang naman kita nakitang nagkainterees sa babae ay hindi naman kita masisisi kung si Billy Monteza ang babae na iyon. Napakaganda niya at sobrang sikat. Tamang-tama sa posisyon mo at sa tina-target mong position. Why don’t you ask her to marry you?”

“Kanina lang ay sinasabi mo sa aking bagay sila ni Zander De Villa,” aniyang nakaramdam ng inis habang nakatitig ngayon sa tv, naka-close up ang camera sa aktor kaya nang bahagyang inilayo ang zoom ng camera ay nakita niya kung paano itong makatingin kay Billy na para bang punung-puno ng pag-ibig ang mga mata nito. 

“Totoo naman, maganda si Billy at guwapo si Zander, pero siyempre, dahil pinsan at boss kita, sasabihin kong mas guwapo ka at sa tingin ko naman ay may feelings din si Billy sa’yo kaya huwag mo na pawalan ang tsansa na magluluklok din sa’yo sa tagumpay. Dali-dalian mo na ang panliligaw tapos ay pakasalan mo na siya. . Baka dahil sa tulong niya ay maging Senador ka pa.”

“Why not?” mariin niyang sabi. Sa isip niya ay parang nakikita na niyang naglalakad si Billy na nakasuot ng puting-puting trahe de boda. 

“Anong ibig mong sabihin diyan?”

“Makakatulong siya ng malaki sa kandidaturya ko.” wika niya pero alam naman niyang hindi iyon ang pangunahing dahilan nasabi niya roon kundi ang katotohanan na pakakasalan niya ang dalaga. Ayaw din naman kasi niyang matukso ng husto hangga’t hindi pa niya nakakamit ang matamis na ‘oo’ ni Billy Monteza. 

Related chapters

  • Your Fake Love   Chapter 4 

    IRITADUNG-iritado na si Billy kay Zander na miatulanv doberman na nakabuntot sa kanya pero hindi niya magawang singhalan ito. Marami kasing press na nakabuntot sa kanila, at tiyak niyang isang maling galaw lang niya ay magba-viral siya.Kung ang ibang artista, gumagawa ng 'kalokohan' para makilala, siya'y gugustuhing malaos kaysa gumawa ng mali. Ang gusto niyang i-promote ay ang kagandahang asal. Sa palagay nga niya'y iyon ang dahilan kaya tinatangkilik ng husto ang kanyang vlogs.At sa susunod, ang pakikipagrelasyon. Sa kaisipan tuloy na iyon, hindi niya napigilan ang mapangiti. Ang agad kasing pumasok sa kanyang isipan ay si Kidlat Romero."Kakaiba yata ang ngiti mo ngayon, Billy," wika ng isang reporter kaya napahinto rin siya sa paglakad. Kahit kasi kasalubong na niya ito'y

    Last Updated : 2022-04-17
  • Your Fake Love   Chapter 1 

    “I’m Billy Monteza, saying, see you next time. Sana love story ko naman ang ang ipi-feature ko sa susunod,” wika ni Belinda sabay hagikgik matapos niyang i-vlog ang wedding ng kanyang bestfriend na si Anika Sarmiento, na ngayon ay Nolasco na.Of course hindi naman siya seryoso ng sabihin niya ang mga katagang sana love story ko naman ang ang ipi-feature ko sa susunod, dahil 23 years old pa lang naman siya at hindi pa ganoong kadesperado para muling magka-lovelife. Isa pa, tumaas na ang standard niya sa pagpili ng susunod na mamahalin.Kung ang una niyang boyfriend na ipinaglaban pa niya ng husto sa kanyang mga magulang ay masasabing guwapo, matangkad at macho lang, ibig niyang ang susunod niyang magiging kasintahan ay hindi lang may magandang hitsura at tikas kundi may mga

    Last Updated : 2022-04-02
  • Your Fake Love   Chapter 2

    ALAS-KUWATRO na nang magising si Billy dahil ilang araw niyang pinagpuyatan ang final editing ng vlog niya. Siyempre, kailangan muna niyang masiguro na sobra siyang masisiyahan bago niya papanoorin iyon sa kanyang viewers at muli’y nanggilalas sila. Biruin mo ba naman ikatlong araw ang pagkaka-upload pero naka-1 million views na siya.Sa magandang kapalaran niya sa kanyang youtube channel ay nagkaroon siya ng maraming oportunidad. Hindi lang ang makilala, kundi ang kumita ng malaki. Gayunman. Hindi siya nakatutok sa mga salaping ipinapasok niya kundi ang mga values na nagagawa niyang ituro sa kanyang viewers. Unang-una na siyempre rito ang pagmamahal at paggalang niya. Hindi lang paggalang sa mga magulang at kapamilya kundi sa lahat ng nilalang -- tao, hayop at kapaligiran.Papunta na siya sa kanilang komedor nang maulinigan niya ang boses ng kanyang ina. “Ilan ba ang bisita mo?”Gilalas na gilalas ang kanyang ina nang sumagot. “2 l

    Last Updated : 2022-04-02

Latest chapter

  • Your Fake Love   Chapter 4 

    IRITADUNG-iritado na si Billy kay Zander na miatulanv doberman na nakabuntot sa kanya pero hindi niya magawang singhalan ito. Marami kasing press na nakabuntot sa kanila, at tiyak niyang isang maling galaw lang niya ay magba-viral siya.Kung ang ibang artista, gumagawa ng 'kalokohan' para makilala, siya'y gugustuhing malaos kaysa gumawa ng mali. Ang gusto niyang i-promote ay ang kagandahang asal. Sa palagay nga niya'y iyon ang dahilan kaya tinatangkilik ng husto ang kanyang vlogs.At sa susunod, ang pakikipagrelasyon. Sa kaisipan tuloy na iyon, hindi niya napigilan ang mapangiti. Ang agad kasing pumasok sa kanyang isipan ay si Kidlat Romero."Kakaiba yata ang ngiti mo ngayon, Billy," wika ng isang reporter kaya napahinto rin siya sa paglakad. Kahit kasi kasalubong na niya ito'y

  • Your Fake Love   Chapter 3 

    SHUCKS, gustong ibulalas ni Billy pero hindi niya magawa. Wala siyang lakas para gawin iyon. Nang magdaop ang palad nila ni Kidlat Rosales, para na ring tumigil ang pag-ikot ng kanilang mundo. Gayunman, hindi niya magawang alisin ang tingin sa mga mata nito. Para na iyong naka-paste sa isa’t isa.“Magtititigan na lang ba kayo riyan?” untag ng kanyang Uncle Ruben.Bigla ring bumalikwas nang bangon ang kanyang kamalayan. Kahit tuloy hindi siya nakaharap sa salamin, alam niyang pulang-pula ang kanyang mukha. At lalong namula ang kanyang pisngi nang ma-realize niyang hindi pa rin niya nabibitwan ang kamay ni Kidlat Rosales.“Let’s eat.” ani ng kanyang ama at nagpatiuna na ito sa komedor.Masarap ang mga pagkaing nakahanda pero pakiramdam ni Billy ay wala siyang kagana-gana gayung ang totoo ay matakaw siya. Kahit sa mga party kapag dumadalo siya ay para siyang walang bukas kung kumain. Wala siyang pak

  • Your Fake Love   Chapter 2

    ALAS-KUWATRO na nang magising si Billy dahil ilang araw niyang pinagpuyatan ang final editing ng vlog niya. Siyempre, kailangan muna niyang masiguro na sobra siyang masisiyahan bago niya papanoorin iyon sa kanyang viewers at muli’y nanggilalas sila. Biruin mo ba naman ikatlong araw ang pagkaka-upload pero naka-1 million views na siya.Sa magandang kapalaran niya sa kanyang youtube channel ay nagkaroon siya ng maraming oportunidad. Hindi lang ang makilala, kundi ang kumita ng malaki. Gayunman. Hindi siya nakatutok sa mga salaping ipinapasok niya kundi ang mga values na nagagawa niyang ituro sa kanyang viewers. Unang-una na siyempre rito ang pagmamahal at paggalang niya. Hindi lang paggalang sa mga magulang at kapamilya kundi sa lahat ng nilalang -- tao, hayop at kapaligiran.Papunta na siya sa kanilang komedor nang maulinigan niya ang boses ng kanyang ina. “Ilan ba ang bisita mo?”Gilalas na gilalas ang kanyang ina nang sumagot. “2 l

  • Your Fake Love   Chapter 1 

    “I’m Billy Monteza, saying, see you next time. Sana love story ko naman ang ang ipi-feature ko sa susunod,” wika ni Belinda sabay hagikgik matapos niyang i-vlog ang wedding ng kanyang bestfriend na si Anika Sarmiento, na ngayon ay Nolasco na.Of course hindi naman siya seryoso ng sabihin niya ang mga katagang sana love story ko naman ang ang ipi-feature ko sa susunod, dahil 23 years old pa lang naman siya at hindi pa ganoong kadesperado para muling magka-lovelife. Isa pa, tumaas na ang standard niya sa pagpili ng susunod na mamahalin.Kung ang una niyang boyfriend na ipinaglaban pa niya ng husto sa kanyang mga magulang ay masasabing guwapo, matangkad at macho lang, ibig niyang ang susunod niyang magiging kasintahan ay hindi lang may magandang hitsura at tikas kundi may mga

DMCA.com Protection Status