Home / Romance / Your Fake Love / Chapter 1 

Share

Your Fake Love
Your Fake Love
Author: Maria Angela Gonzales

Chapter 1 

Author: Maria Angela Gonzales
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

“I’m Billy Monteza, saying, see you next time. Sana love story ko naman ang ang ipi-feature ko sa susunod,” wika ni Belinda sabay hagikgik matapos niyang i-vlog ang wedding ng kanyang bestfriend na si Anika Sarmiento, na ngayon ay Nolasco na. 

Of course hindi naman siya seryoso ng sabihin niya ang mga katagang  sana love story ko naman ang ang ipi-feature ko sa susunod, dahil 23 years old pa lang naman siya at hindi pa ganoong kadesperado para muling magka-lovelife. Isa pa, tumaas na ang standard niya sa pagpili ng susunod na mamahalin. 

Kung ang una niyang boyfriend na ipinaglaban pa niya ng husto sa kanyang mga magulang ay masasabing guwapo, matangkad at macho lang, ibig niyang ang susunod niyang magiging kasintahan ay hindi lang may magandang hitsura at tikas kundi  may mga magagandang katangian din na dapat ipagmalaki tulad ng  matalino, mabait, sweet at responsable.

Higit sa lahat,  hindi siya gagamitin lang tulad ng kanyang ex. 

“Ay naku, ‘yan din talaga ang wish ko, ang makilala mo na ang Prince Charming mo,” Nakangiting sabi ng kanyang Uncle Ruben. Ang nag-iisa at bunsong kapatid ng kanyang Mommy,  sabay palakpak matapos siguraduhing hindi na naka-record ang kanilang usapan. Sa edad nitong 44 ay wala na itong balak mag-asawa dahil hindi naman babae ang type nito. Kaya naman, ibinuhos na lang nito sa kanilang mag-anak ang atensyon at pagmamahal nito. “Para naman makita ko na ang ningning sa mga mata mo.”

Naikot niya ang kanyang eyeballs. “Okay naman ako sa buhay ko Uncle. Hindi ko na kailangan ng sakit ng ulo.You see, unti-unti ko na nga ring tinatalikuran ang showbizness.” As if naman sikat kang artista. Sarkastiko niyang sabi sa sarili. Nagkataon lang na nanalo siya sa pa-contest ng channel 33 na Kenkoy Queen kaya siya napasama sa mga sitcom at nai-extra sa ilang commercial. 

Ngunit ng magkaroon siya ng kanyang youtube channel, hindi na niya kinailangan pa ng anumang ad agency para kunin siyang modelo. Ang mga misyong may-ari na ng produkto ang kumu-contact sa kanya para i-advertise ang mga ito sa kanyang vlog. Kumikita na siya, nasisiyahan pa siya sa kanyang ginagawa. 

“Tell me, ginagawa mo ba talaga ‘yan dahil na-realize mo na wala ka talagang magiging buhay sa showbizness o dahil na-brokenhearted ka talaga kay Anton?”

Mataman siya nitong tinitigan. 

Nag-seesaw ang kilay niya.Kapag ganoon kasi ito’y parang inaarok nito ang kanyang damdamin. 

“Huwag mong sabihing hanggang ngayon ay mahal mo pa ang ex mong salawahan?” gigil nitong sabi. Awtomatiko talagang nag-iinit ang ulo ng kanyang tiyuhin kapag si Anton ang topic.

“May asawa na si Anton.”

“Buti nga sa kanya!”

Napuwersa kasi magpakasal si Anton sa isang starlet na nagmula sa maimpluwensiyang pamilya at nangyari iyon habang magkarelasyon sila. Nasaktan siya sa paghihiwalay nilang iyon di dahil  sa mahal na mahal niya ito kundi napatunayan  ng kanyang mga magulang at uncle na di ito mapagkakatiwalaan. Na ginamit lang siyang stepping stone para makapasok siya sa showbizness.

Hindi siya sikat na artista para magawa niyang paniwalaan ang sapantaha ng kanyang pamilya. Isa pa, schoolmate niya si Anton at naging kaklase sa ilang subject, pareho silang nagtapos ng AB Masscommunication. Ang kaibahan nga lang siya’y nasa block section samantalang free section ito dahil working student.

Guwapo ito kaya naman ng ligawan siya nito ay agad niya itong sinagot. Ewan nga lang niya kung dahil attracted siya rito o dahil gusto niyang maranasan na magkaroon ng kasintahan o pupuwedeng gusto niyang may mapag-usapan tungkol sa kanya ang mga showbiz reporter para maging madali sa kanya ang pagsikat. Gayunman,hindi niya masasabing ginamit lang niya ito dahil mayroon din naman siyang feelings dito.

Nineteen years old siya nang pasukin niya ang showbizness hindi dahil sa gusto niyang magkapera tulad ng dahilan ng iba kundi dahil ang puso niya ay nasa kanyang pagpapatawa. Ibig niyang may humahanga sa kanyang talento at naisip niyang pag-aartista lang ang solusyon. Desidido siya sa mundong pinasok kaya walang nagawa ang kanyang pamilya kundi suportahan siya. 

Ang Mommy niya ang kanyang manager. Ang Uncle Ruben niya ang kanyang all around alalay. At ang Daddy niya ang kanyang financer dahil isa itong businessman.  Mayroon silang garment factory kaya masasabi niyang may maganda silang buhay. Ang bahay nga nila ay nasa isang malaking subdivision sa Makati. 

“At kung wala siyang asawa?”         Napangiwi siya sa boses ng kanyang Uncle na parang kulog na dumagundong sa kanyang pandinig. Talagang kapag napag-uusapan nila  nila ang ex-boyfriend niya ay awtomatiko itong naha-highblood. Mahal na mahal kasi siya nito kaya ayaw siyang nakikitang nasasaktan. “Malamang, break na rin kami.”

Noon ngumiti ang kanyang tiyuhin. “You don’t deserve him.”

Tumango siya. 

“Pero. hindi mo rin deserve ang magpaka-sad dahil lang na-brokenhearted ka sa walang kuwentang lalaki. Anyway. 2 years na naman kaya tuparin mo ang sinabi mo sa mga followers mo na lovestory mo naman ang ipi-feature mo sa susunod.”

“Uncle, nasabi ko lang naman ‘yon dahil sa like at subscription,” wika niya. Ewan nga ba niya kung bakit ang mga katagang iyon pa ang naisip niyang sabihin bilang pamamaalam sa pagtatapos ng vlog niya. Ngunit sa kanyang isipan ay may guwapong mukha na nag-flash. 

“Ay, ay, ay, hindi ko mapapaniwalaan ang dahilan mong ‘yan, Belinda. 10 million na ang subscribers mo at sa bawat araw ay padagdag pa nang padagdag. Idagdag ang consider ka ng top influencer para sa taong ito dahil sa mga vlogs mo kaya hindi ‘yang sinasabi mong dahilan ang rason kaya nagawa mong ibulalas ang mga sinabi mo.”

“At ano naman ang dahilan ko, Uncle?” bagot niyang tanong. Alam niya kasing hindi siya mananalo dito saka alam niyang tama ang sinabi nito. Sa katunayan nga, mas sumikat pa siya bilang vlogger kaysa comedy actress. At iyon ang dahilan kung bakit siya napasama sa pelikula ng sikat na aktor na si Zander De Villa. Sa pagkakataong iyon ay hindi siya extra kundi bestfriend ng bidang babae at dahil marami nga ang natutuwa sa kanya ay maraming umaasam na siya at maging leading lady na rin..

“That deep in you heart, gusto mo na magkaasawa.”

“Uncle, twenty three pa lang ako tapos pag-aasawa na ang sinasabi mo. Saka, boyfriend nga wala ako, paano ko magkaka-asawa?” napapantastikuhan niyang tanong. 

Paano kung si Kidlat Rosales ang mapapangasawa mo? Nanunudyong tanong niya sa sarili. Minsan lang niya nakita ang konsehal sa tv dahil na interview ito sa pagtulong na ginawa nito sanhi nang pagsabog ng Taal Volcano ngunit sang reaksyon naman ng puso niya ay parang leon na nagwawala.

“Ang tamang lalaki ay hindi hinahanap kundi kusang dumarating.”

Oh no! Sabi ni Billy sa kanyang isip saka tumingala sa itaas ng kanilang handanan kung saan naroroon ang kanyang ina -- si Mommy Erlinda na mistulang may antenna kung ‘pag-aasawa niya’ ang pag-uusapan. Ito kasi ang panay sabing gustung-gusto na nitong magkaapo at dahil siya lang ang kaisa-isang anak nito’y sa kanya lang ito maaaring umungot. Gayunman, ang gusto nitong manugang ay ang perpektong lalaki para sa kanya -- guwapo para masigurong maipagpapatuloy  ang kanilang magandang lahi, mayaman para matiyak na mayroon siyang magandang buhay, mabait para di siya masaktan, responsable para tiyaking ito ang magtatrabaho, mula sa mabuting pamilya para di sila maging kahiya-hiya at may takot sa Diyos para hindi siya hiwalayan. 

Sa kategorya ng kanyang ina, ewan niya kung makapag-aasawa pa siya o tatanda na lang siyang dalaga. Gayunman, naiintindihan naman niya ito.   Ang nais lang nito ay ang the best para sa kanya. At pakiramdam niya papasa sa standard nito ang lalaking hindi pa man niya nakikita ng personal pero nagpapabilis na ng pintig ng kanyang puso. 

WALA ka bang gagawin?”

Kumunot ang noo ng dalawampu’t siyam na taong gulang na Councilor ng Batangas na si Kidlat Romero sa sinabing iyon ng sekretaryang Lian Pastor, na para bang wala siyang ginagawang trabaho sa apat na sulok ng kanilang opisina gayung kanina pa niya pinag-aaralan ang ilang papeles na nasa kanyang harapan. Para tuloy gusto niyang magsisi na kumuha ng sekretarya na kamag-anak. Magkapatid kasi ang nanay niya at ama nito kaya magpinsan sila. Gayunman, walang sinumang nakakaalam sa City Hall. 

“Tamad ba ako sa tingin mo?” marahan ngunit mapanganib niyang tanong dito. Para kasi sa kanya, ang salita ng babae ay isang napakalaking insulto lalo na’t alam na alam niyang marami siyang nagagawa sa kanilang bayan at sa kanilang mga kababayan kung tunay na pagseserbisyo ang pag-uusapan.

“Oh no, no, no. Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin,” wika ni Lian bago iniharap sa kanya ang swivel chair na inuupuan nito. Nasa kuwarenta na ito, may asawa at dalawang anak pero mukha pa ring dalaga dahil seksi ito at magaling magdala ng damit. “Ang tinutukoy ko ay ang pagpapabango  mo sa tao. Ilang buwan na lamang ay magsisimula na ang eleksyon.”

“Dapat bang magpakabilad ako sa init ng araw tapos ay magsabi ng kung anu-anong pangakong hindi naman nagagawang tuparin?” aniyang hindi napigilan ang maging sarkastiko. Talagang nag-iinit ang ulo niya kapag nakikita ang gawi ng ilang mga local officials na kalimitang gumagawa ng kabutihan kapag   malapit na ang eleksyon. 

“No. Hindi mo kailangang gawin iyon. Masisira ang kutis mo. Sayang ang mala-Yorme mong kagwapuhan,” anitong tinutukoy si Mayor Isko Moreno. 

Nagsalubong lalo ang kanyang kilay. Kahit naman nagmula siya sa maykayang pamilya, hindi siya kailanman naging vain lalo na kung may nangangailangan ng tulong. Kaya naman gusto na niyang ma-highblood sa mga sinasabi ng kanyang kaharap na tila walang pakialam sa kanyang posisyon. Ang tanging rason niya kaya siya kumuha ng Political Science at Law ay upang makatulong sa taumbayan, partikular na sa mga mahihirap. At iyon ang rason kaya nag-aambisyon din siyang tumaas ang kanyang pwesto. 

“Ang kaguwapuhan at pagiging mala-Superman mo sa bayan na ito ay sapat na para iboto ka ng mga tao.”

Marahas na paghinga ang kanyang pinawalan habang nakatitig sa sekretarya. Hanggang sa kasalukuyan kasi ay hindi niya matiyak kung kung ano ba ang gusto nitong tumbukin. 

“Pinupuri mo ba ako o nililibak?” hindi makapaniwalang tanong niya. 

“Ang gusto ko lang sabihin, kung councilor lang ang tatakbuhin mo ay okay lang ang serbisyong ginagawa mo. Gumagawa ng batas para sa kanyang nasasakupan, sinusuring mabuti ang kung anu-anong permit bago i-approve bago magpakawala ng budget para sa kung anu-anong proyekto  at kusang loob ka ring tumutulong kapag may kalamidad, pero, hindi ba may plano ka ring tumakbong mayor after your last term bilang councilor?”

Natawa siya sa sinabi nito. “Napakatagal pa nu’n.”

“Mas maigi na ‘yung handa kaysa naman maungusan ka lang ng mga taong hindi naman karapat-dapat maluklok sa posisyon. O, hindi nga ba, marami riyang nag-aartista muna bago sumabak sa pulitika?”

“Nananalo ba sila lahat? Hindi naman. Matatalino na ang mga tao ngayon. Hinding-hindi na sila mauuto.”

“Hindi sila utu-uto pero malambot ang kanilang puso. Parang ice cream na natutunaw kapag nakita nilang mala-Superman ang isang kandidato. Hindi lang iyong nakakatulong kundi may pusong tumitibok para sa isang babae.”

“So, anong dapat kong gawin?” amuse niyang tanong dito. Humigit kumulang ay alam na niya kung saan pupunta ang kanilang usapan. Para tuloy gusto na lang niyang magtawa. 

“Mag-girlfriend ka.”

“Makakabili ba niyan sa mall? How much?” natatawa niyang tanong dito. Ang pagkairita niya kanina ay tuluyan ng napalis. Hindi lang naman kasi ito ang nagtulak sa kanyang magkaroon ng karelasyon. Pati na ang sarili niyang pamilya. Apat silang magkakapatid, siya ang panganay at nag-iisang lalaki pero siya ang walang maipanhik na karelasyon. Ang sumunod sa kanya ay may asawa na, ang ikatlo ay may kasintahang negosyante at ang kanilang bunso ay sangkaterba ang manliligaw. Kaya naman nagpa-panic na ang ama niya na baka maputol sa kanya ang apelyidong Lejano. 

“At hindi lang dapat kung sinu-sinong babae. Dapat iyong makakatulong sa career mo. Tulad ni Billy Monteza.”

“Sino?” mangha niyang tanong. 

Malalim na buntunghininga ang pinawalan nito na para bang hindi makayang paniwalaan na hindi niya kilala ang babaeng sinasabi nito. “Isa siyang comedy actress na hindi naman naging ganoon kasikat pero ng mag-youtube siya ay biglang nag-boom ang kanyang career.”

“So, paano siya makakatulong sa akin?” tanong niyang wala namang intensyong manggamit pero gusto niyang malaman ang tumatakbo sa isipan ng babae.

“Kaibiganin mo siya at siguradong magi-guest ka sa kanyang youtube channel. Presto, buong Pilipinas ay makikilala ka.”

Related chapters

  • Your Fake Love   Chapter 2

    ALAS-KUWATRO na nang magising si Billy dahil ilang araw niyang pinagpuyatan ang final editing ng vlog niya. Siyempre, kailangan muna niyang masiguro na sobra siyang masisiyahan bago niya papanoorin iyon sa kanyang viewers at muli’y nanggilalas sila. Biruin mo ba naman ikatlong araw ang pagkaka-upload pero naka-1 million views na siya.Sa magandang kapalaran niya sa kanyang youtube channel ay nagkaroon siya ng maraming oportunidad. Hindi lang ang makilala, kundi ang kumita ng malaki. Gayunman. Hindi siya nakatutok sa mga salaping ipinapasok niya kundi ang mga values na nagagawa niyang ituro sa kanyang viewers. Unang-una na siyempre rito ang pagmamahal at paggalang niya. Hindi lang paggalang sa mga magulang at kapamilya kundi sa lahat ng nilalang -- tao, hayop at kapaligiran.Papunta na siya sa kanilang komedor nang maulinigan niya ang boses ng kanyang ina. “Ilan ba ang bisita mo?”Gilalas na gilalas ang kanyang ina nang sumagot. “2 l

  • Your Fake Love   Chapter 3 

    SHUCKS, gustong ibulalas ni Billy pero hindi niya magawa. Wala siyang lakas para gawin iyon. Nang magdaop ang palad nila ni Kidlat Rosales, para na ring tumigil ang pag-ikot ng kanilang mundo. Gayunman, hindi niya magawang alisin ang tingin sa mga mata nito. Para na iyong naka-paste sa isa’t isa.“Magtititigan na lang ba kayo riyan?” untag ng kanyang Uncle Ruben.Bigla ring bumalikwas nang bangon ang kanyang kamalayan. Kahit tuloy hindi siya nakaharap sa salamin, alam niyang pulang-pula ang kanyang mukha. At lalong namula ang kanyang pisngi nang ma-realize niyang hindi pa rin niya nabibitwan ang kamay ni Kidlat Rosales.“Let’s eat.” ani ng kanyang ama at nagpatiuna na ito sa komedor.Masarap ang mga pagkaing nakahanda pero pakiramdam ni Billy ay wala siyang kagana-gana gayung ang totoo ay matakaw siya. Kahit sa mga party kapag dumadalo siya ay para siyang walang bukas kung kumain. Wala siyang pak

  • Your Fake Love   Chapter 4 

    IRITADUNG-iritado na si Billy kay Zander na miatulanv doberman na nakabuntot sa kanya pero hindi niya magawang singhalan ito. Marami kasing press na nakabuntot sa kanila, at tiyak niyang isang maling galaw lang niya ay magba-viral siya.Kung ang ibang artista, gumagawa ng 'kalokohan' para makilala, siya'y gugustuhing malaos kaysa gumawa ng mali. Ang gusto niyang i-promote ay ang kagandahang asal. Sa palagay nga niya'y iyon ang dahilan kaya tinatangkilik ng husto ang kanyang vlogs.At sa susunod, ang pakikipagrelasyon. Sa kaisipan tuloy na iyon, hindi niya napigilan ang mapangiti. Ang agad kasing pumasok sa kanyang isipan ay si Kidlat Romero."Kakaiba yata ang ngiti mo ngayon, Billy," wika ng isang reporter kaya napahinto rin siya sa paglakad. Kahit kasi kasalubong na niya ito'y

Latest chapter

  • Your Fake Love   Chapter 4 

    IRITADUNG-iritado na si Billy kay Zander na miatulanv doberman na nakabuntot sa kanya pero hindi niya magawang singhalan ito. Marami kasing press na nakabuntot sa kanila, at tiyak niyang isang maling galaw lang niya ay magba-viral siya.Kung ang ibang artista, gumagawa ng 'kalokohan' para makilala, siya'y gugustuhing malaos kaysa gumawa ng mali. Ang gusto niyang i-promote ay ang kagandahang asal. Sa palagay nga niya'y iyon ang dahilan kaya tinatangkilik ng husto ang kanyang vlogs.At sa susunod, ang pakikipagrelasyon. Sa kaisipan tuloy na iyon, hindi niya napigilan ang mapangiti. Ang agad kasing pumasok sa kanyang isipan ay si Kidlat Romero."Kakaiba yata ang ngiti mo ngayon, Billy," wika ng isang reporter kaya napahinto rin siya sa paglakad. Kahit kasi kasalubong na niya ito'y

  • Your Fake Love   Chapter 3 

    SHUCKS, gustong ibulalas ni Billy pero hindi niya magawa. Wala siyang lakas para gawin iyon. Nang magdaop ang palad nila ni Kidlat Rosales, para na ring tumigil ang pag-ikot ng kanilang mundo. Gayunman, hindi niya magawang alisin ang tingin sa mga mata nito. Para na iyong naka-paste sa isa’t isa.“Magtititigan na lang ba kayo riyan?” untag ng kanyang Uncle Ruben.Bigla ring bumalikwas nang bangon ang kanyang kamalayan. Kahit tuloy hindi siya nakaharap sa salamin, alam niyang pulang-pula ang kanyang mukha. At lalong namula ang kanyang pisngi nang ma-realize niyang hindi pa rin niya nabibitwan ang kamay ni Kidlat Rosales.“Let’s eat.” ani ng kanyang ama at nagpatiuna na ito sa komedor.Masarap ang mga pagkaing nakahanda pero pakiramdam ni Billy ay wala siyang kagana-gana gayung ang totoo ay matakaw siya. Kahit sa mga party kapag dumadalo siya ay para siyang walang bukas kung kumain. Wala siyang pak

  • Your Fake Love   Chapter 2

    ALAS-KUWATRO na nang magising si Billy dahil ilang araw niyang pinagpuyatan ang final editing ng vlog niya. Siyempre, kailangan muna niyang masiguro na sobra siyang masisiyahan bago niya papanoorin iyon sa kanyang viewers at muli’y nanggilalas sila. Biruin mo ba naman ikatlong araw ang pagkaka-upload pero naka-1 million views na siya.Sa magandang kapalaran niya sa kanyang youtube channel ay nagkaroon siya ng maraming oportunidad. Hindi lang ang makilala, kundi ang kumita ng malaki. Gayunman. Hindi siya nakatutok sa mga salaping ipinapasok niya kundi ang mga values na nagagawa niyang ituro sa kanyang viewers. Unang-una na siyempre rito ang pagmamahal at paggalang niya. Hindi lang paggalang sa mga magulang at kapamilya kundi sa lahat ng nilalang -- tao, hayop at kapaligiran.Papunta na siya sa kanilang komedor nang maulinigan niya ang boses ng kanyang ina. “Ilan ba ang bisita mo?”Gilalas na gilalas ang kanyang ina nang sumagot. “2 l

  • Your Fake Love   Chapter 1 

    “I’m Billy Monteza, saying, see you next time. Sana love story ko naman ang ang ipi-feature ko sa susunod,” wika ni Belinda sabay hagikgik matapos niyang i-vlog ang wedding ng kanyang bestfriend na si Anika Sarmiento, na ngayon ay Nolasco na.Of course hindi naman siya seryoso ng sabihin niya ang mga katagang sana love story ko naman ang ang ipi-feature ko sa susunod, dahil 23 years old pa lang naman siya at hindi pa ganoong kadesperado para muling magka-lovelife. Isa pa, tumaas na ang standard niya sa pagpili ng susunod na mamahalin.Kung ang una niyang boyfriend na ipinaglaban pa niya ng husto sa kanyang mga magulang ay masasabing guwapo, matangkad at macho lang, ibig niyang ang susunod niyang magiging kasintahan ay hindi lang may magandang hitsura at tikas kundi may mga

DMCA.com Protection Status