MASUYONG tinapik ni Arthur ang pisngi niya. “Masungit si kuya at kung minsan ay masakit magsalita. Kaya nga marami ang nagsasabi na wala siyang puso because he doesn't care about the feelings of others. Don’t worry. Tumatahol lang siyang parang aso pero hindi naman nangangagat.” “May girlfriend na ba ang kuya mo?” naiintriga niyang tanong. “Girlfriend?” ulit nito sa sinabi niya at pinong ngumiti. “May mga fling siya pero hindi niya matatawag na girlfriend. As I told you, walang mahalaga sa kanya kundi ang negosyo niya. Magparami ng pera at makilala sa business industry.” “Sa ugali ng kapatid mo, may posibilidad na hindi siya magkaroon ng sariling pamilya,” maasim ang mukhang sabi niya. “Naku, kailangan mo pumunta araw-araw sa simbahan at ipagdasal na magka-girlfriend na ang kuya mo. Baka sakaling magkaroon siya ng puso.” Humalakhak si Arthur. “Natutuwa ako sa ‘yo, alam mo ba ‘yon? Kasi, mas matapang ka pa sa ‘kin. Dahil ako ang kinakabahan at nilalamig ngayon.
“Thank you for inviting us, Mr. Del Prado or should I call you. . . Kuya?” Itinago ni Raquel ang galit at sakit na nararamdaman sa mga oras na ‘yon. Subalit hindi pa rin bumabalik ang normal na tibok ng kanyang puso. Pagkatapos hagkan ng lalaki ang palad niya ay pinisil pa muna 'yon bago bitiwan. Tumaas ang sulok ng labi nito at tinitigan siya sa mga mata. Bakit sa ganitong sitwasyon pa sila muling nagkita? At sabihing hindi pa siya handa. Tiyak masasaktan si Arthur dahil naisahan na naman ito ng kapatid. Napakapit siya sa isang braso ni Arthur. Gusto niyang yayain na ito pauwi. Hindi niya matatagalan pa ang pagtitipong ‘yon kasama ang kapatid nito. Subalit walang ipinakikitang masama sa kanya si Zeus kaya wala siyang maisip na maaaring gamiting rason. “You called me Mr. Del Prado? I didn't know you were so formal with your fiancé's brother.” Hindi niya masabi kung nakangiti ba ito sa kanya o nakangisi. “Please call me, Zeus. Feeling ko, lalo akong tumata
ANG inaasahan ni Raquel, maiinsulto si Zeus sa sinabi niya. Sa halip ay humalakhak ito. “Nice sense of humor, Raquel,” bulong nito sa kanya. And then, pinagala nito sa kabuuan niya ang mga mata na parang sinasabing kabisado nito ang bawat detalye ng katawan niya. “Not everyone is worthy of a red dress. You're provoking me with that red dress of yours, can't wait to take it off.” Hindi niya na kailangan humarap pa sa salamin para malaman na namula siya sa sinabi nito. Pinanatili niya ang paningin sa guwapong mukha nito. “Bagay sana sa ‘yo ang suot mong tuxedo kung hindi ka lang sana bas–” “I look better without my clothes on,” mabilis nitong sabi sa tinig na nang-aakit. Umangat ang gilid ng labi nito at makahulugang tinitigan siya sa mga mata. Parang tubig na dumaloy sa kamalayan niya ang hubad nitong katawan. Mabilis niyang inilayo ang katawan dito na parang napaso. “Ibalik mo na ako kay Arthur. Tiyak na kanina niya pa ako hinihintay.” “The perfect fiancé
MASAKIT na ang mga paa ni Raquel at malamang nagpapaltos na sa suot niyang four-inch pumps habang panay ang lakad sa paligid ng hotel. Si Arthur, mula nang ipaubaya siya sa mga kamay ng kuya nito ay hindi na siya naalala. Para sa kanila ang party na dinadaos ngayon sa hotel. They should be together. He was supposed to be her dance partner after dinner, but she never saw Arthur again after she saw him with another girl in the pool area. “Naliligaw ka ba, miss?” tanong sa kanya ng isang lalaking nakasabay niya sa pagpasok ng elevator. Ibinuka niya ang bibig pero walang namutawing salita. Napasandal siya sa elevator. She's drunk. She wants to sleep. Before they left the hacienda, Arthur gave her a card. That will be her hotel suite. “Hey, what’s going on?” a deep male voice said, then held her arms. Narinig niyang nag-usap ang dalawang lalaki. “Did you know her?” “She’s my fiancé.” “Arthur?” sambit niya. Nag-angat siya ng mukha at pinakatit
PAGKATAPOS magbihis ay dinampot ni Raquel ang kanyang sandals. Hindi na siya nag-abalang isuot ‘yon. “Pwede bang mag-usap muna tayo?” Hinawakan siya sa kamay ni Zeus upang pigilan siyang lumabas ng hotel suite. “Wala na tayong dapat pag-usapan,” singhal niya sabay palis sa kamay nito. “Malinaw na sa ‘kin na isa kang manloloko!” “Give me a chance to explain.” Galit na hinarap niya ito. “Explain?” sarkastikong sabi niya. “Itong nangyari sa atin ngayon, kaya mo bang ipaliwanag kay Arthur?” Hindi ito nakaimik. Tila napapasong binitiwan siya nito. “See?” sa pagpapatuloy niya. “Wala kang maisagot ‘di ba?” Nabaling ang tingin niya sa kama. Agad niyang napansin ang isang bagay na kumikinang. Ang isang pares ng hikaw niya. Tinalikuran niya ito upang damputin iyon. “Pag-usapan natin ang tungkol sa ating dalawa, Raquel.” “There was never an us!” Padabog na binuksan niya ang pinto at lumabas ng suite nito. Habang naglalakad ay isinuot niy
PAGKATAPOS dalawin sa ospital ang kapatid ay dumiretso sa Baguio si Raquel. Ayon kay Arthur ay nasa bahay nito ang wedding gown na isusuot niya ‘pag sumapit na ang takdang araw ng kanilang kasal. Tanghali siya dumating sa kanyang destinasyon. “Ma’am, nakahanda na po ang hapag,” pabatid sa kanya ng isang kasambahay. Kanina pa siya nakaupo sa sofa at tinititigan lang ang kahon kung saan nakalagay ang kanyang wedding gown. Alam niyang maganda ang disenyo niyon kahit hindi usisain. “Mauna na kayong kumain,” wika niyang walang emosyon. “Eh, ma’am. . .” Napakamot sa batok nito ang kasambahay. Tumayo siya at dinampot ang kahon. Dadalhin niya iyon sa guest room. “Bakit?” “Galing ho kayo sa biyahe, tiyak na gutom kayo. Gusto niyo bang dalhan ko kayo ng makakain sa iyong silid?” “Huwag mo na akong intindihin,” aniya. “Busog pa naman ako, e. Papanaog na lang ako mamaya para kumain. Sige, papanhik muna ako sa aking silid.” “Tawagan n’yo na lamang ako s
LUHAAN ang mga matang nakipagtitigan si Raquel kay Zeus. Tumaas ang sulok ng labi niya. “Alam kong inaasahan mong aatras ako sa magiging kasal namin ng kapatid mo. Ang totoo, wala kang pakialam kung ano man ang maging desisyon ko.” Tinalikuran niya ito. “H-hindi ko na alam ang gagawin ko.” “Malinaw na sagot mula sa iyong bibig ang nais kong marinig, Raquel!” narinig niyang pasigaw nitong sabi habang naglalakad siya palayo. “Ayokong magpakasal ka sa kanya.” Tumigil siya sa paglalakad at galit na hinarap ito. Nais pa ring ipagpatuloy ni Zeus ang plano na ‘wag matuloy ang kasal nila ni Arthur. Iyon lang ang iniisip niyang dahilan kung kaya ginugulo siya nito. “Kami lang ni Arthur ang pwedeng magdesisyon.” “Huwag kang magpakasal sa kanya!” Dumagundong ang boses nito na tila tigreng galit. “I’ll do you a favor. I'll give you a chance to tell Arthur the truth. O kahit dagdagan mo pa ang istorya. Paint me black, I don’t care. Tiyakin mo lang na tuluyan mo akong
NAMATAAN agad ni Zeus ang dalaga, who looked so good in her casual clothes. Si Raquel lang yata ang tanging babae na mukhang rarampa kahit na ordinaryong denim jeans at black knitted sweater lang ang suot. Napabuntong-hininga siya; muli na naman siyang nagiging aware sa presence nito. Napakalapad ng ngiti niya nang makita na papalapit ito. Tila lumukso naman ang puso niya nang ngumiti ito. Kahit ang ngiting iyon ay hindi naman para sa kanya, kundi para sa isang nurse na nakasalubong nito. Naroon kasi siya sa labas ng private room ng kapatid upang bigyan ito ng privacy habang kausap ang personal assistance nito. Speaking of them; pagsilip niya sa loob ng silid ay masayang nagtatawanan ang dalawa. Para bang hindi galing sa aksidente ang mga ito. “She’s coming,” simpleng babala niya sa kapatid. “Who?” “Your fiancé.” Mangani-nganing batukan niya ang kapatid. “Hindi na ako magtatagal,” narinig niyang paalam ng babae kay Arthur habang inaabot ang orange f