Share

Kabanata 19

YAKAP ni Raquel ang sarili habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan mula sa balkonahe. Ayaw siyang dalawin ng antok. Maraming gumugulo sa kanyang isipan. Paulit-ulit na pinapaalala niya sa sarili na tama lang ang desisyon niyang piliin si Arthur kaysa si Drake.

Tunay ngang siya ay umiibig na sa estranghero. Kaya nga nakadama siya ng kawalan. Tuluyan nang mawawala si Drake sa buhay niya. Hindi na niya ito makikita. Dahil… dahil naisip niyang umalis na ng San Ruiz.

Kung hahayaan lang sana niya ang sarili na maging hibang kahit sa isang gabi lang. Kung mapapasakanya lang sana si Drake kahit sa isang sandali.

Raquel, narinig niyang bulong ng hangin sa pangalan niya.

Ipinikit niya ang mga mata at hinayaang humaplos ang boses ni Drake kasabay ng malamig na dapyo ng hangin. Imahinasyon lang niyang tinatawag nito ang pangalan niya. Na yayakapin siya nito upang pawiin ang lamig na nararamdaman.

“Aren’t you cold?” tanong muli ng isang tinig. Subalit sa pagkakat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status