HINDI alintana ni Raquel ang sikat ng araw. Enjoy na enjoy siya sa pagha-harvest ng mga gulay ng napakalawak na vegetable plantation. Maituturing na maganda nga namang investment ang pagpapatayo ng farm sa isang probinsya. Kahit na kaakibat man nito ang hirap at mahabang proseso, magiging maganda pa rin ang bunga nito. Tulad na lamang ng kasabihang ‘kapag may tiyaga, may nilaga’. Kaya naman pala pursigido si Arthur na gawing flower farm ang malawak nitong lupain sa Baguio. Hindi pa nga lang nito masimulan dahil ginigipit ito ng kapatid na si Zeus Del Prado. At tanging pagpapakasal lang nito sa kanya ang naisip na solusyon upang makuha ang malaking halaga ng pera na ipinamana rito ng namayapang ina. Nabaling ang tingin niya sa dalawang tauhan ng plantation. Kasama ng dalawang lalaki ang kani-kanilang katipan. Kahit abala sa mga ginagawa ay naisisingit naman ng mga ito ang paglalambingan. Naiinggit siya. Kung babalik marahil si Drake ay magiging masaya siya. Gabi
KANINA pa paikot-ikot si Raquel sa loob ng kwarto pero hindi mahanap ang kanyang sketchpad. Nabaling ang tingin niya sa pinto nang makarinig ng katok. “Pasok,” sabi niya. Dumapa siya sa sahig upang silipin ang ilalim ng kama. “Raquel, kanina pa kita hinihintay sa sala. Ano ba–” Hindi natapos ang sasabihin ni Arthur nang makita ang ayos ng dalaga. “Hey, may hinahanap ka ba?” “Oo,” sagot ni Raquel sabay tayo. “Hindi ko makita ang sketchpad ko.” “Marami namang mabibiling sketchpad sa Manila. Pagdating natin doon ay ibibili kita nang marami.” “Hindi lang ‘yon basta sketchpad.” Nasapo niya ang sariling noo at disappointed na umupo sa gilid ng kama. “Sa sketchpad na iyon ang final na iginuhit kong dream house namin ng kapatid ko.” “Oh, I’m sorry,” mukhang sincere naman sa sinabi nito ang lalaki. “Pwede ka naman gumuhit ulit. Pagkatapos ng ating kasal titira na kayong magkapatid sa bahay ko sa Baguio. Handa akong tulungan ka na matupad ang dream house n’yo
DENIM shorts at white T-shirt na tinernuhan ng boots ang isinuot ni Raquel. Nang pumanaog siya ay nakita niyang abala si Aling Tonyang sa pagdidilig ng halaman sa hardin. Dumiretso siya sa kuwadra at nadatnan niya roon si Mang Lando. “Magandang umaga ho,” magalang na bati niya rito. Ngumiti ito at gumanti ng bati sa kanya. “Nabanggit sa ‘kin ng aking asawa na gusto mo raw mamasyal sa bundok kaya hinanda ko na ang gagamitin mong kabayo.” Binuksan nito ang stall at hinila palabas si Hagibis, ang matikas na black stallion. Hinimas-himas niya ang ulo ng kabayo. “Hello, Hagibis.” Inalalayan siya ni Mang Lando sa pagsampa kay Hagibis. Hinagupit niya ang kabayo. Umangat mula sa lupa ang mga paa nito at saka biglang kumaripas ng takbo. Para siyang ibong lumilipad habang humahampas sa kanyang mukha ang hangin. She felt so alive. Para bang solo niya ang mundo. Humantong siya sa sapa. Napapalibutan iyon ng mga naglalakihang puno ng akasya. Sa paligid ay mariri
MASUYONG tinapik ni Arthur ang pisngi niya. “Masungit si kuya at kung minsan ay masakit magsalita. Kaya nga marami ang nagsasabi na wala siyang puso because he doesn't care about the feelings of others. Don’t worry. Tumatahol lang siyang parang aso pero hindi naman nangangagat.” “May girlfriend na ba ang kuya mo?” naiintriga niyang tanong. “Girlfriend?” ulit nito sa sinabi niya at pinong ngumiti. “May mga fling siya pero hindi niya matatawag na girlfriend. As I told you, walang mahalaga sa kanya kundi ang negosyo niya. Magparami ng pera at makilala sa business industry.” “Sa ugali ng kapatid mo, may posibilidad na hindi siya magkaroon ng sariling pamilya,” maasim ang mukhang sabi niya. “Naku, kailangan mo pumunta araw-araw sa simbahan at ipagdasal na magka-girlfriend na ang kuya mo. Baka sakaling magkaroon siya ng puso.” Humalakhak si Arthur. “Natutuwa ako sa ‘yo, alam mo ba ‘yon? Kasi, mas matapang ka pa sa ‘kin. Dahil ako ang kinakabahan at nilalamig ngayon.
“Thank you for inviting us, Mr. Del Prado or should I call you. . . Kuya?” Itinago ni Raquel ang galit at sakit na nararamdaman sa mga oras na ‘yon. Subalit hindi pa rin bumabalik ang normal na tibok ng kanyang puso. Pagkatapos hagkan ng lalaki ang palad niya ay pinisil pa muna 'yon bago bitiwan. Tumaas ang sulok ng labi nito at tinitigan siya sa mga mata. Bakit sa ganitong sitwasyon pa sila muling nagkita? At sabihing hindi pa siya handa. Tiyak masasaktan si Arthur dahil naisahan na naman ito ng kapatid. Napakapit siya sa isang braso ni Arthur. Gusto niyang yayain na ito pauwi. Hindi niya matatagalan pa ang pagtitipong ‘yon kasama ang kapatid nito. Subalit walang ipinakikitang masama sa kanya si Zeus kaya wala siyang maisip na maaaring gamiting rason. “You called me Mr. Del Prado? I didn't know you were so formal with your fiancé's brother.” Hindi niya masabi kung nakangiti ba ito sa kanya o nakangisi. “Please call me, Zeus. Feeling ko, lalo akong tumata
ANG inaasahan ni Raquel, maiinsulto si Zeus sa sinabi niya. Sa halip ay humalakhak ito. “Nice sense of humor, Raquel,” bulong nito sa kanya. And then, pinagala nito sa kabuuan niya ang mga mata na parang sinasabing kabisado nito ang bawat detalye ng katawan niya. “Not everyone is worthy of a red dress. You're provoking me with that red dress of yours, can't wait to take it off.” Hindi niya na kailangan humarap pa sa salamin para malaman na namula siya sa sinabi nito. Pinanatili niya ang paningin sa guwapong mukha nito. “Bagay sana sa ‘yo ang suot mong tuxedo kung hindi ka lang sana bas–” “I look better without my clothes on,” mabilis nitong sabi sa tinig na nang-aakit. Umangat ang gilid ng labi nito at makahulugang tinitigan siya sa mga mata. Parang tubig na dumaloy sa kamalayan niya ang hubad nitong katawan. Mabilis niyang inilayo ang katawan dito na parang napaso. “Ibalik mo na ako kay Arthur. Tiyak na kanina niya pa ako hinihintay.” “The perfect fiancé
MASAKIT na ang mga paa ni Raquel at malamang nagpapaltos na sa suot niyang four-inch pumps habang panay ang lakad sa paligid ng hotel. Si Arthur, mula nang ipaubaya siya sa mga kamay ng kuya nito ay hindi na siya naalala. Para sa kanila ang party na dinadaos ngayon sa hotel. They should be together. He was supposed to be her dance partner after dinner, but she never saw Arthur again after she saw him with another girl in the pool area. “Naliligaw ka ba, miss?” tanong sa kanya ng isang lalaking nakasabay niya sa pagpasok ng elevator. Ibinuka niya ang bibig pero walang namutawing salita. Napasandal siya sa elevator. She's drunk. She wants to sleep. Before they left the hacienda, Arthur gave her a card. That will be her hotel suite. “Hey, what’s going on?” a deep male voice said, then held her arms. Narinig niyang nag-usap ang dalawang lalaki. “Did you know her?” “She’s my fiancé.” “Arthur?” sambit niya. Nag-angat siya ng mukha at pinakatit
PAGKATAPOS magbihis ay dinampot ni Raquel ang kanyang sandals. Hindi na siya nag-abalang isuot ‘yon. “Pwede bang mag-usap muna tayo?” Hinawakan siya sa kamay ni Zeus upang pigilan siyang lumabas ng hotel suite. “Wala na tayong dapat pag-usapan,” singhal niya sabay palis sa kamay nito. “Malinaw na sa ‘kin na isa kang manloloko!” “Give me a chance to explain.” Galit na hinarap niya ito. “Explain?” sarkastikong sabi niya. “Itong nangyari sa atin ngayon, kaya mo bang ipaliwanag kay Arthur?” Hindi ito nakaimik. Tila napapasong binitiwan siya nito. “See?” sa pagpapatuloy niya. “Wala kang maisagot ‘di ba?” Nabaling ang tingin niya sa kama. Agad niyang napansin ang isang bagay na kumikinang. Ang isang pares ng hikaw niya. Tinalikuran niya ito upang damputin iyon. “Pag-usapan natin ang tungkol sa ating dalawa, Raquel.” “There was never an us!” Padabog na binuksan niya ang pinto at lumabas ng suite nito. Habang naglalakad ay isinuot niy