Sa totoo lang, gusto niyang mag-wala.Nang banggitin ni Calista ang plano niyang akitin ang ahas na ibunyag ang pinagtataguan nito kagabi, hindi siya sumang-ayon.Gayunpaman, tila ang babaeng ito ay hindi man lang kumunsulta sa kanya para sa payo; nakapagdesisyon na siya. Ipinaalam lamang niya sa kanya para sa karagdagang seguridad.Sinabi niya na isasaalang-alang niya ito, ngunit hindi rin siya handang maghintay ng ganoon katagal. Sa kasamaang palad, nagkaroon siya ng apurahang pagpupulong noong hapong iyon at kailangang umalis ng ilang oras.Hindi niya kailanman naisip na ito ay sapat na oras para sa mga bagay na pumunta sa katimugan sa kritikal na sandaling ito.Gayunpaman, nang makitang mahinang nakasandal si Calista doon, namumula at lumuluha ang mga mata habang nakatitig sa kanya, hindi niya napigilan ang sarili na sumbatan siya.Napaawang ang labi ni Lucian. Napalunok siya, nag-aatubili na pinipigilan ang kanyang galit.Malamig siyang nagsimula, "Ganyan ka na ba katigas a
Kung ito ay anumang bagay, maaaring si Lucian mismo ang nag-imbestiga nito. Hindi na kailangan ang opinyon ni Paul. Gayunpaman, ito ay isang bagay na wala siyang paraan upang malaman sa kanyang sarili.Ito ay tungkol sa panloob na pag-iisip ni Calista, isang bagay na siya lamang ang maaaring magbunyag. Kaya, bukod kay Yara, si Paul lang siguro ang nakakaalam.Ang una ay ang kanyang babaeng kaibigan at ang huli ay ang kanyang matalik na kaibigang lalaki, pati na rin ang kanilang tagapamagitan. Habang nag-aalangan, sinamantala ni Paul ang pagkakataon at kinaladkad si Lucian palabas ng silid.Pagkasara pa lang ng pinto ay bumaba ang kamay niya, at lumingon siya sa katabi niyang kwarto. Hindi galit si Lucian. Lahat ng iyon ay pasok sa kanyang inaasahan.Nagtaas siya ng kilay at sinabing, "Hindi ba tayo mag-iinuman?"Hindi na lumingon si Paul."Ganito na lang tayo. Ano pa ang silbi ng inumin? Baka may lakas ng loob kang tulungan ang sarili mo, pero hindi ko kayang bilhan ka ng kahit a
Agad na napapikit si David at hindi na pinansin ang pagkakaiba ng katayuan habang binibigay niya ang hawak niya kay Lucian nang hindi nagdadalawang isip."Naku, Mr. Northwood, may pumasok sa mga mata ko. Sobrang sakit. Pwede mo bang tignan ko ano ‘yan at kung kapanii-pakinabang ito sa ‘yo? Ikaw na ang humawak nito."Sa sandaling ito, hiniling niya na siya ay bulag. Bakit ang malas niya? Bakit kailangan niyang tanggapin ang padala at buksan ito sa harap ni Mr. Northwood?Sa loob ng envelope ay isang litrato. Ang background ng larawan ay malamang na isang nightclub at ang palamuti nito ay hindi bababa sa higit sa sampung taon na ang nakakaraan.Napaka-aliwalas at hindi kaakit-akit ng litrato na ang sinumang makakita nito ay mabubulag. Ito ay isang lugar kung saan nagtitipon ang nakakadiring mayayaman.Ngunit ang lahat ng ito ay hindi mahalaga, ang pinakamahalaga ay ang tao sa larawan ay si Madam Calista!Kakaunti ang suot at nasa yakap ng ibang lalaki. Kahit na ang kanyang damit ay
Simple lang gawin ang hapunan. Mainit ang panahon nitong nakaraang dalawang araw at medyo napagod si Calista sa pagkain lagi sa labas sa Aphton . Kaya naman, nagpasya siyang mag-vegetarian ngayon.Binanlawan at hiniwa niya ang mga gulay bago niluto at ihain. Pagkatapos ay naglagay siya ng sauce sa ibabaw. Wala pang labinlimang minuto ay handa na ang hapunan.Nakita siya ni Lucian na naglalakad palabas na may dalang dalawang plato ng nilagang gulay para sa hapunan. Mukhang hilaw pa ang mga gulay.Kumunot ang noo niya at sinabing, "Token of appreciation ba ito para sa akin o animal feed?"Binawi ni Calista ang plato na binibigay nito sa kanya at sinabing, "Sorry sobrang simple nito para sayo. Kaya tinanong ko kung kailan ka magiging free. Magpapareserba ako ng hapunan para sa atin sa isang ten-star restaurant bilang token of appreciation."Hininaan ni Lucian ang kanyang boses at, hindi makapaniwala, medyo nasaktan siya."Hindi ko naman sinabing ayaw ko. Tsaka five-star restaurants
Bahagyang ngumiti si Calista. Ang kanyang mga mata ay may lumiwanag ng may kapilyuhan, ngunit siya ay may mapanuksong ngiti."Sa tingin mo ba nagkataon lang ‘yon?" Binitiwan siya ni Lucian at itinaas ang kamay para isuksok ang mga hibla ng buhok sa likod ng kanyang tainga, at sinabing, "Hindi, hindi ito nagkataon. Maraming pangit na gawain sa industriyang ito, ngunit hindi ako kailanman nasangkot sa anumang bagay. Kaya't huwag mo na ako tanungin kung may alam ako sa susunod" "Isang beses lang ako nadamay, at iyon ay yung kasama ka. Kaya naman, ako ang kusang lumapit sa iyo." Si Lucian ay bihirang makipag-usap ng ganito. Ang kanyang pagtatangka sa pambobola ay nagiging prangka at madamdamin, tulad ng mga liham na isinulat ni Hector noong mga araw na sila’y nag-aaral pa. Ang mga iyon ay parang mga tula.Kaya naman, hindi siya sigurado kung ipinagtatapat ni Lucian ang kanyang pagmamahal o sinasagot ang kanyang tanong. Habang si Calista ay nagiisip-isip, si Lucian naman at nagpalit
Nakita na ni Calista ang estado ni Zachary bago pa man natakpan ni Lucian ang kanyang mga mata. Ang kanyang mga kamay ay nasa ibabaw ng kanyang ulo, at siya ay nabaluktot na parang isang bola. Naghalo ang dugo at ihi niya sa buong lupa. Ito ay isang maruming tanawin upang makita. Sa tuwing nakikita niya si Zachary, mas lalo itong miserable at naghihikahos. Hindi na maalala ni Calista ang mapagmataas na hitsura niya noon bilang pinuno ng isang pamilya. Hinila ni Calista pababa ang kamay ni Lucian na nasa mata niya at sinabing, "Tara na." Hinawakan ni Lucian ang kanyang kamay, pinag-dikit ang kanilang mga daliri. Nang humigpit ang hawak niya ay may naramdaman siyang malagkit sa kanyang mga daliri. Napagtanto niyang baka may dugo siya sa kamay ni Zachary. Itinaas niya ang kanilang mga kamay at napansin ang isang pulang guhit ng dugo sa maputing kamay.May ilang dugo din ang tumalsik sa mukha niya. Kumunot ang noo niya, at may nag-abot agad ng tuwalya sakanya."Mr. Northwood, l
Nilinis ni Calista ang sugat at sinabing, "Hmm, naiintindihan ko. Salamat.""Nagawa nilang burahin ang lahat ng bakas ng kanilang mga sarili mula sa eksena nang mabilis at kumuha ng ibang tauhan para sisihin. Wala nang higit sa sampung organisasyon sa Apthon ang kayang gawin ito. Nagpadala ako ng mga tao upang bantayan sila, ngunit maaaring tumagal ng ilang taon ito."Hindi siya lumaki sa Apthon . Hindi magiging madali ang pagtuklas ng mga pundasyong itinatag doon sa loob ng maraming taon.Kung tutuusin, magiging walang saysay ang kanilang mga pagsisikap kung ang utak sa likod ng mga eksena ay madaling matuklasan.Sa kasong ito, kumilos sila nang maingat at nagkaroon ng maraming backup na plano. Natatakot si Lucian na baka alertuhan niya ang mga ito kung hawakan niya ang mga bagay nang walang ingat.Ito ay magiging mas mahirap na hulihin sa hinaharap. Kailangan niyang tumapak nang maingat, na mangangailangan ng kaunting pagsisikap.Hinala niya kahit ang mga larawan ni Calista ay
Habang pauwi ay ramdam pa rin ni Calista ang mabigat na tingin ni Lucian sa kanyang likuran. Si Yara ay naka-upo sa tabi ng mesa, nagbabalat ng ilang hipon ng naka gloves. Ang karne ay maayos na nakaayos sa isang tabi. Napalingon siya nang bumukas ang pinto at nakita niyang nagtanggal ng sapatos si Calista. "Bakit ka ba nagmamadali? May sumusunod ba sayo?" Napatingin si Calista sa mesa. Walang ibang nahawakan maliban sa karne ng barbeque, na lumamig na. "Bakit hindi ka pa kumakain?" "Hinihintay kita," sagot ni Yara, tinanggal ang gloves niya para lagyan siya ng isang baso ng wine. "Hindi mo naman sinabing hindi ka na babalik. Hindi ko kayang ubusin ang lahat ng pagkain na ito ng mag-isa. Nagbabalat ako ng hipon habang naghihintay sa iyo. Kung hindi ka pa babalik pagkatapos kong matapos ‘to, mauuna na akong kumain." Medyo nauhaw si Calista at uminom ng wine."Ito ba ang iyong ideya ng isang diet?" Hindi nakasagot ng maayos si Yara sa komento at nagsimulang ilabas ang ka
Nagpadala siya sa kanya ng mga liham sa loob ng isang buwan ngunit walang tugon. Noong panahong iyon, hindi siya gusto ni Paul, kaya't makatuwiran na itinapon niya ang kanyang mga sulat. Agad na natigilan si Lucian. Gayunpaman, kaswal na tanong lamang ni Calista. Hindi niya inaasahan ang isang tugon at hindi niya namalayan na nanigas si Lucian. Hindi niya alam na pinag-iisipan niya kung sasabihin sa kanya ang totoo. Bagama't maaaring maging katanggap-tanggap ang ilang paraan na ginagamit upang ituloy ang mga babae, niloko na niya ito tungkol sa insidente sa relo.Makakahanap pa siya ng mga dahilan noon. Pero pagdating sa love letters, ibang usapan. Bago niya ito maisip, inabot ni Calista at iniligpit ang credit cards, itinulak ang mga ito patungo kay Lucian."Sige, ingatan mo sila." Nakaupo sila sa tabi ng bintana sa unang palapag, at masyadong kitang-kita ang mga credit cards. Nakikita ni Calista ang ilang dumadaan na sumulyap sa kanilang pwesto.Ayaw niyang mawalan ng mala
"Kailan ako … "Nakalimutan na ni Calista ang ganoong maliit na insidente.Bigla niyang naalala at nagpaliwanag, " Noon ay tinutulungan ko ang isang direktor na maghanap ng artista para sa kanyang bagong drama. Agad ko siyang binlock pagkatapos kong ibigay sa direktor ang contact niya." Lumiwanag ang mga mata ni Lucian, ngunit tumahimik siya at walang tigil na tumugon."Hmm." Ang kanyang sumunod na sinabi ay nakapukaw ng atensyon ni Lucian, "Naka-blind date mo si Ms. Turner noon." Mukhang naguguluhan si Lucian, "Ms. Turner? Sino iyon?" Pinanlakihan siya ng mata ni Calista."Nakipag-date ka sa kanya at hindi mo na matandaan ang pangalan niya. Nadamay pa niya ang negosyo ng kanyang ama dahil sa iyo." Nang marinig ito, naalala ni Lucian ang pangyayari.Kumunot ang noo niya at nagtanong, "Yung hindi sinasadyang mapaso ang kamay mo ng kumukulong tubig?" Puno pa rin ng galit ang tono nito kahit na matagal na, at nakalimutan na niya ang hitsura nito. ... Nagpareserba si D
Sabi ni Calista, "May isang beses ka lang para magsalita, kaya pagbutihin mo. Marami rin akong natuklasan sa mga taon na ito. Huwag mo ng subukan mag sinungaling pa. Isipin mo ang ginawa ni Nikolette ngayon. Baka kailanganin ko kumuha ng doktor para tingnan ang mga natamo ko. Pagkatapos non, tsaka ka lang pwede bumalik sa iyong anak na babae." Ipinakita pa nito sa kanya ang isang larawang kuha ng mga nanonood sa restaurant, na kinukunan nang hilahin ni Nikolette ang kanyang buhok.Sa larawan, lumitaw si Calista na mahina, nakakaawa, at walang magawa. Ito ay maliwanag na siya ay tinatakot. Hindi nakaimik si Zachary. Naisip ni Zachary na si Nikolette ay hindi nag-iisip na ibigay sa kanya ang ebidensya ng ganon kadali, ngunit naramdaman din niya na dapat ay mas pahirapan niya si Calista, tinitingnan ang kanyang mapagmataas na kilos. "May lumapit sa akin noon, humihingi ng tulong sa nanay mo sa pagpapanumbalik ng isang painting. Akala ko wala lang, kaya pumayag ako." Nilaktawan ni
Mabilis na sinagot ni Calista ang telepono na bahagyang nagpawi ng galit sa puso ni Lucian. "Nagpareserve ako sa isang restaurant. Mag dinner tayong dalawa ngayong gabi. Asan ka? Susunduin kita." Kung narinig ito ni David, iikutin niya lang ang kanyang mga mata. Si Lucian ang nagpumilit na hindi niya pallaambutin ang kanyang puso. Akala niya ay tumigas na puso ng kanyang amo, ngunit hindi iyon totoo. Ang malumanay na tono ni Lucian ay wala sa lahat ng kumpiyansa niya noong kausap niya si David kanina. “Sige, ibigay mo sakin ang address ng restaurant, at magta-taxi ako papunta doon,” tuwang tugon ni Calista. Nakahinga si Lucian, at may ngiti sa labi. Alam niyang, sa pagitan niya at ng matanda, mas pinili siya ni Calista. Marahil ay dahil sa kawalan niya ng karanasan sa pakikipag-date kaya nagkaroon ng pagkakataon ang isang may karanasang nakatatandang lalaki. Walang ideya si Calista tungkol sa kaguluhan sa kanyang puso ngayon. Nakaupo siya sa harap ng kulungan, nag-sketch.
Kakapasok lang ni Calista sa pinto ng pumasok si Liam. Sinalubong niya ito ng bahagyang pagtagilid ng ulo bago mabilis na nilapitan si Hugo."Napagmasdan ko ito, Mr. Jacquez. Kamakailan ay kumunsulta si Nikolette sa isang abogado. Tinitingnan niya kung ang pera na ginastos sa isang bata ay maaaring bawiin o hindi pagkatapos na mapatunayang hindi sila bahagi ng pamilya. Inamin niya na kaya niyang hinila ang buhok ni Ms.Calista ay dahil inutusan siya ni Zachary. Ayaw ni Zachary na makulong. Ayaw niyang susundan siya ng mga loan shark kapag nakalaya na rin siya. Kaya, naisip niya na pilitin si Ms. Calista na tulungan siya sa ganitong paraan."Nagiging awkward na ito. Gayunpaman, mabilis na inamin ni Calista ang kanyang mga pagkakamali. Lumingon siya at nag-alok ng isang pilit ngunit humihingi ng tawad na ngiti."I'm sorry. Mukhang mali ang pagkakakilala ko sainyo ni Vivian. Gabi na rin. Maghahanda ako ng regalo sa ibang pagkakataon bilang paghingi ng tawad.""Maliit na hindi hindi pag
Napansin ni David ang nakakatakot na ekspresyon sa mukha ni Lucian nang lumabas siya ng police station. Parang may namumuong gulo.Sa katunayan, nang ilibot ni Lucian ang lugar ngunit walang nakitang palatandaan ni Calista, mas lalong nagdilim ang kanyang ekspresyon."Nasaan si Calista?""Nakatanggap ng tawag si Madam Calista at..." Itinuro ni David ang direksyon kung saan siya umalis. "Pumara siya ng taxi at umalis.""Bakit hindi mo siya pinigilan?" tanong ni Lucian na nagngangalit ang mga ngipin."Pinigilan ko. Pero, hindi siya nagpatinag." Sinubukan ni David na ipaliwanag ang sarili. "Susundan ko sana siya pero sinabi ni Madam Calista na kung susubukan ko, babalikin lang niya ako sayo. Nagbanta pa siya na paalisin ako para mag manual labor.""Sino ang tumawag sa kanya?" Tanong ni Lucian pero hindi niya inaasahan na malalaman ni David ang sagot.Mukhang naiipit ang assistant. Pinagsalubong niya ang kanyang mga kilay. Kahit hindi siya nagsasalita, sumisigaw ang buong pagkatao n
Sinamaan sila ni Nikolette ng mapang-asar na titig."Kayo ang may balak. Pareho kayo ni Calista. Mapanlinlang ka..."Agad na pinasok ni Yara ang tuwalya na ginamit niya sa pagpunas ng kanyang mga kamay sa bibig ni Nikolette .Nagpupunas siya ng kamay bago siya lumabas. Sa sobrang pagmamadali niya, hindi niya sinasadyang nailabas niya ito.Ilang sandali pa, iniisip niya kung saan niya maaaring ilagay ang tuwalya. Ngayon, nakita niyang medyo madali pala ito dalhin.Napatitig siya kay Calista na nakaluhod sa sahig na para bang may hinahanap."Anong ginagawa mo? Anong hinahanap mo dyan sa tapat ng cr?""Naghahanap ako ng buhok," sagot ni Calista.Nagkaroon ng biglaang naisip si Calista. Ngunit hindi siya lubos na sigurado kung tama ang kanyang hula.Si Vivian ay nagpunta sa Everglade Manor noong upang manipulahin siya at si Hugo na sumailalim sa isang paternity test.Base sa reaksyon niya, siya ay tunay na umaasa na anak siya ng Jacquez family.Dahil sa kanyang ugali, tiyak na h
Hindi naman gaanong maaabala si Calista kung hindi niya ito pinansin. Ngunit napagtanto niya na wala siyang nakitang anumang mga pagbabago sa kabila ng kanyang mahabang pagsisiyasat.Si Julia ay tila naglaho sa hangin pagkatapos ng kanilang minamadaling pagkikita pabalik sa Apthon . Maging ang pribadong detective na binayaran niya sa mataas na halaga ay hindi niya natunton kung nasaan siya.Pinasadahan ni Calista ng daliri ang buhok niya sa inis."Natanong mo na ba si Zachary tungkol dito?" tanong ni Yara."Oo. Pero, nag maang-maangan siya na parang wala siyang alam.""Wala kang ebidensya. Pero sa diary ng nanay mo, hindi maikakaila ang pagkakasangkot niya. Kung makonsensya siya, makakahanap ka ng butas sakanya."Ipinatong ni Calista ang kanyang baba sa kanyang kamay at mahinang sinabi, "Si Zachary ay nasa detensyon at naghihintay ng paglilitis. Walang sinuman maliban sa kanyang abogado ang pinapayagang makipagkita sa kanya.""Puntahan mo si Lucian. Sabi mo bawal makipagkita sa
Hindi na kailangang i-rehash ang mga nalalaman na nila. Kaya naman umiling si Calista."Mga bagay na may kinalaman sa trabaho. Tara na."Hinaplos niya ang kanyang tiyan. Sasabihin pa lang niya na nagugutom siya pero pinigilan niya ang sarili bago umalis ang mga salita sa kanya.Sa halip ay sinabi niya, "Hindi pa tayo naghahapunan."Para sa isang tulad ni Lucian, na ang isip ay napuno ng mga maling kaisipan, ang pariralang "Nagugutom ako" ay may nagpapahiwatig na kahulugan.Si Elizabeth ay kumikilos nang palihim kaya't isinantabi niya si Calista para lamang makausap ito. Wala itong kinalaman sa trabaho.Pero si Calista ay tila hindi interesadong magbahagi. Sa kabila ng sama ng loob ni Lucian, hindi siya nagpilit ng mga sagot. Boyfriend pa rin siya sa trial run. Wala siyang karapatang makialam sa mga gawain nito."Tara na. Ano ang gusto mong kainin?"Wala siyang pakialam sa pagkain. Nakatuon lang siya sa kamay ni Calista na nakalaylay sa gilid niya. Hindi niya maiwasang hawakan a