Nababalikan ko nalang iyon kapag nasosobrahan ako sa naiinom ko pero mananatili nalang sa alaala ko ang lahat. Bumalik ako sa buhay ng isang Drake Achyls bago ko makilala si Lumiere. "Hi Sir" bati sa akin ng sekretarya ko. Asual ibibigay nanaman niya sa akin ang mga schedules ko. "Yes, Helen.." masungit kong sabi. Lumapit siya sa akin at binigay ang hawak na papel. "Ahhm.. eto po Sir" Hindi naman ako nagugulat dahil ikatlo na siya sa magreresign ngayong taon. Aminado naman akong mahirap akong makasama dahil masungit ako at agresibo. Sana ang ihire ng Human Resources para dito ay lalaki. Pinirmahan ko nalang para hindi narin sila mahirapan dahil ako ang dahilan ng pagalis nila. Alam kong lalo akong naging mas worst simula ng araw na iyon. Damage akong tao pero how can I able to heal? Hindi ko alam. Umalis sa harapan ko si Helen at iniwan ang schedules ko sa mga susunod na araw. Well, bukas mayroon na naman silang ipapakilalang bago. Matapos kong marundown ang mga reports ay nagtu
2years agoI was about to leave everything behind at alam kong iyon naman ang nararapat kong gawin. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha bago ko pirmahan ang mga dokumento sa harap ko. Kahit ilang beses kong iprevent dito parin pala hahantong ang lahat. Bakit ang daming struggle ng union na ito at sa dami ng makakapareha ko ay si Lumiere pa? Hinaplos ko ang kanyang pisngi at hinalikan. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko dahil sapat na ang kaawaan ko ang sarili ko at huwag ng maging kaawaawa sa harap niya. Hinawakan ko ang kamay niya ng sobrang higpit. Wala paring sign na nais niyang gumising. Natawa ako dahil alam kong ako ang dahilan ng mahaba niyang pagtulog."Lumiere, I'm sorry. Alam ko galit na galit ka sa akin kaya mas pinili mong ipikit ang mga mata mo para lang hindi ako makita pero I'm very sure that you're listening. Like you'd always wanted I will signed this divorce agreement para naman once na gumising kana maisasaayos na natin ang lahat at makakapagstart ka na ng bagong buha
Nagpunta ako sa exhibit kung saan naroon si Lumiere. Katulad parin siya ng dati napakasimple at malungkot parin dahil sa mga nangyari. I believe she was still stuck on that Tragedy same as me. 2nd death anniversary ni Luke at pangalawang taon na niya itong ginagawa to remember our son. Bumalik siya sa pagpipinta dahil ito lang ang maaari niyang gawin para makayanan ang mga nangyari. Malaya ko siyang napagmamasdan mula sa malayo dahil ayoko narin pabigatin ang kanyang kalooban na sa tuwing makikita niya ako ay parang nanariwa ang sakit. Ang gaganda parin ng mga paintings niya lalo pa ngayon na halos pictures ni Luke ang nasa exhibit. May pinadadala akong tao para subukang bilhin ang mga obra niya pero twice na rin akong nadeny dahil may mga paintings na binebenta at yung mga paintings ni Luke ay hindi. Lahat ng kinikita niya ay napupunta sa charity lalo na sa orphanage na halos gugulin niya ang panahon sa pagaalalaga ng mga bata. Lumiere become distant lalo nasa parents ko dahil wa
Iniwas ko ulit ang paningin ko dahil hindi siya si Lumiere at kahit kailan walang makakapalit sa kanya. Pero bumalik ang sakit na kanina ko pa iniinda. Paano kung bumalik na siya kay Orphen? Mas masaya siya at puro good memories lang hindi ba? Hanggang kailan ba ako aasa? Baka akala ko malungkot siya pero ang totoo ay nalinlang lang ako ng mga mata niya. Nabalik na ako sa babaeng ito. "Sir, okay lang ka? Bigla ka nalang natulala?" "Of course! Umuwi kana at sana marealize mong mas worth kung mas mamahalin mo ang sarili mo?" nagadvice na naman ako sa taong naroon din ako sa kinalalagyan. "Hindi na ako babalik sa kanya. Saka narealize ko na iyan ng bigla niya akong iniwan sa ere. Yung ang pakiramdam ko ay walang kwenta ang mga taon na pinagsamahan namin" sabi niya. Alam kong bata palang siya pero parang mas mature pa siya sa akin. "Umuwi kana.." sabi ko sa kanya dahil hating-gabi na. "Okay kana ba? Baka kailangan mong magpacheck-up?" pagpupumilit niya. "I'm okay. Saka maaga tayo buk
Ilang beses niyang pinasadahan ng tingin ang misteyosong email ng isa niyang kliyente na never na nagpakilala. Pero halos dalawang taon na itong nagbabakasakali sa mga painting ni Luke. Nawala ang kanyang pagiisip ng makita si Orphen sa pinto ng kanyang workshop. Napabuntong-hininga na lamang siya ng makita ang dala nitong bouquet ng bulaklak. Wala itong balak na sumuko dahil halos every weekend ay dumadalaw sa syudad para makita siya. Mabait talaga ito noon pa. Dito siya umiiyak sa tuwing naalala niya si Luke. Humakbang papalapit si Orphen at ang mga batang tinuturuan ni Lumiere ay gumawa ng ingay. Ingay na parang nangaasar kaya bago paman makapasok ng tuluyan ay hinila na niya si Oprhen papalabas ng silid na iyon. Tuwing weekends ay boluntaryo si Lumiere na nagtuturo sa Eskwelahan kaniyang pinanggalingan. Hinubad ni Lumiere ang kanyang apron at tiniklop. "Sana naman po minessage nalang ako para di kana umakyat sa room ko. Nadidistract ang mga estudyante ko," sabi ni Lumiere sa p
Dalawang taon ng wala si Luke pero sariwa parin sa akin ang nangyari. Ang pagkawala niya at pagbabago ng aming buhay ni Drake. Gusto kong sisihin ang aking sarili dahil itinago ko pa kay Drake ang tungkol sa anak namin. Binawi si Luke ng bigla at para lamang akong binabangungot.----“Oh Lummy, huwag mong sabihing iniisip mo parin ang sinabi ng inbestigador about sa nabinbing kaso ni Luke. Hanggang ngayon wala parin nakukuhang ibidensya para muling buksan ang kaso,” salaysay ni Khia.Dala-dala niya ang ilang piraso ng waffle na ginawa niya para kay Lumiere. Kung dati-rati ay excited itong kainin ngayon ay taimtim niya pang tinitigan at parang walang kagana-gana sa nakahaing paboritong pagkain.“Hindi ko alam ang dapat gawin..” naiusal ko sa kanya.“Lummy, makakuha ‘din tayo ng pagkakataon para mabuksan ang kaso at managot ang dapat managot sa pagkamatay ng mahal kong pamangkin,”Nawala ang sigla niya kaya sa mga paintings niya binubuhos ang lahat. Nagkulong siya sa loob ng kanyang ga
Simula ng magkita sila ni Lumiere ay hindi na mapakali si Drake. Lagi siyang natutula at wala sa sarili kahit ang ilang mga meetings ay kanya ng nakakaligtaan kaya si Kyrie ay palaging ipinapapaalala sa kanya. Kaya isang beses ay hindi na napigilan ni Kyrie na mag-usisa sa nangyayari sa kanyang boss.“Ahem..Ahhm Sir Drake? May problema po ba kayo?” mapangahas niyang tanong.Napalingon sa kanya si Drake at nagulat pa siya ng ngumiti ito. Iba kasi ang pagkakakilala ng mga empleyado kay Drake. Iba ang laman ng kuwento tungkol sa kanya madalas ay isa siyang masungit at malupit na boss. Kaya ang iba ay agad-agad na nagreresign at ang iba naman ay bigla nalang nag-aawol. Pero simula ng dumating siya ay hindi na ito naging masungit at ngayon naman ay halatang wala ito sa sarili.‘Nagaalala ako sa kanya, kaya tatanggapin ko kung ano ang sagot niya. Kahit pa sungitan niya ako,’ bulong ni Kyrie sa sarili niya.“Ahmm.. Ms. Kyrie wala naman akong problema.. Actually, masaya lang ako at hindi ko m
ILANG sandali pa ay nagkamalay narin si Lumiere pabiling-biling ito na parang nanaginip. Ilang beses niyang tinatawag ang pangalan ng anak. Kaya tumayo si Drake mula sa pagkakaupo at lumapit sa babae. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ni Lumiere.“L-Lumiere! L-Lumiere!” marahan niyang tawag dito at tumigil ito sa pananaginip. Ilang saglit pa ay idinilat n ani Lumiere ang kanyang mga mata kasabay ‘non ang pabitaw ni Drake sa kamay niya.“Na-Nasaan ako?” una nitong tanong.“Nasa Ospital, mahabang kuwento pero nawalan ka ng malay sa tapat ng police station and someone brought you here..A bit weird dahil ako parin ba ang nasa emergency contacts mo?” pagbibiro ni Drake.Actually imposible dahil matagal ng nagpalit ng telepono si Lumiere at habang na sa poder siya ni Drake ay never siyang nakahawak ng telepono. Kaya bago pa magbago ang atmospera ng lugar ay nagpaalam na si Drake. Ayaw na niyang matanong pa at magmukhang obsessed freak sa harap ng minsan niyang naging asawa at ina ng