Sorry sa super late na upload..
Ilang beses niyang pinasadahan ng tingin ang misteyosong email ng isa niyang kliyente na never na nagpakilala. Pero halos dalawang taon na itong nagbabakasakali sa mga painting ni Luke. Nawala ang kanyang pagiisip ng makita si Orphen sa pinto ng kanyang workshop. Napabuntong-hininga na lamang siya ng makita ang dala nitong bouquet ng bulaklak. Wala itong balak na sumuko dahil halos every weekend ay dumadalaw sa syudad para makita siya. Mabait talaga ito noon pa. Dito siya umiiyak sa tuwing naalala niya si Luke. Humakbang papalapit si Orphen at ang mga batang tinuturuan ni Lumiere ay gumawa ng ingay. Ingay na parang nangaasar kaya bago paman makapasok ng tuluyan ay hinila na niya si Oprhen papalabas ng silid na iyon. Tuwing weekends ay boluntaryo si Lumiere na nagtuturo sa Eskwelahan kaniyang pinanggalingan. Hinubad ni Lumiere ang kanyang apron at tiniklop. "Sana naman po minessage nalang ako para di kana umakyat sa room ko. Nadidistract ang mga estudyante ko," sabi ni Lumiere sa p
Dalawang taon ng wala si Luke pero sariwa parin sa akin ang nangyari. Ang pagkawala niya at pagbabago ng aming buhay ni Drake. Gusto kong sisihin ang aking sarili dahil itinago ko pa kay Drake ang tungkol sa anak namin. Binawi si Luke ng bigla at para lamang akong binabangungot.----“Oh Lummy, huwag mong sabihing iniisip mo parin ang sinabi ng inbestigador about sa nabinbing kaso ni Luke. Hanggang ngayon wala parin nakukuhang ibidensya para muling buksan ang kaso,” salaysay ni Khia.Dala-dala niya ang ilang piraso ng waffle na ginawa niya para kay Lumiere. Kung dati-rati ay excited itong kainin ngayon ay taimtim niya pang tinitigan at parang walang kagana-gana sa nakahaing paboritong pagkain.“Hindi ko alam ang dapat gawin..” naiusal ko sa kanya.“Lummy, makakuha ‘din tayo ng pagkakataon para mabuksan ang kaso at managot ang dapat managot sa pagkamatay ng mahal kong pamangkin,”Nawala ang sigla niya kaya sa mga paintings niya binubuhos ang lahat. Nagkulong siya sa loob ng kanyang ga
Simula ng magkita sila ni Lumiere ay hindi na mapakali si Drake. Lagi siyang natutula at wala sa sarili kahit ang ilang mga meetings ay kanya ng nakakaligtaan kaya si Kyrie ay palaging ipinapapaalala sa kanya. Kaya isang beses ay hindi na napigilan ni Kyrie na mag-usisa sa nangyayari sa kanyang boss.“Ahem..Ahhm Sir Drake? May problema po ba kayo?” mapangahas niyang tanong.Napalingon sa kanya si Drake at nagulat pa siya ng ngumiti ito. Iba kasi ang pagkakakilala ng mga empleyado kay Drake. Iba ang laman ng kuwento tungkol sa kanya madalas ay isa siyang masungit at malupit na boss. Kaya ang iba ay agad-agad na nagreresign at ang iba naman ay bigla nalang nag-aawol. Pero simula ng dumating siya ay hindi na ito naging masungit at ngayon naman ay halatang wala ito sa sarili.‘Nagaalala ako sa kanya, kaya tatanggapin ko kung ano ang sagot niya. Kahit pa sungitan niya ako,’ bulong ni Kyrie sa sarili niya.“Ahmm.. Ms. Kyrie wala naman akong problema.. Actually, masaya lang ako at hindi ko m
ILANG sandali pa ay nagkamalay narin si Lumiere pabiling-biling ito na parang nanaginip. Ilang beses niyang tinatawag ang pangalan ng anak. Kaya tumayo si Drake mula sa pagkakaupo at lumapit sa babae. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ni Lumiere.“L-Lumiere! L-Lumiere!” marahan niyang tawag dito at tumigil ito sa pananaginip. Ilang saglit pa ay idinilat n ani Lumiere ang kanyang mga mata kasabay ‘non ang pabitaw ni Drake sa kamay niya.“Na-Nasaan ako?” una nitong tanong.“Nasa Ospital, mahabang kuwento pero nawalan ka ng malay sa tapat ng police station and someone brought you here..A bit weird dahil ako parin ba ang nasa emergency contacts mo?” pagbibiro ni Drake.Actually imposible dahil matagal ng nagpalit ng telepono si Lumiere at habang na sa poder siya ni Drake ay never siyang nakahawak ng telepono. Kaya bago pa magbago ang atmospera ng lugar ay nagpaalam na si Drake. Ayaw na niyang matanong pa at magmukhang obsessed freak sa harap ng minsan niyang naging asawa at ina ng
Drake POVHINDI makatulong ng gabing iyon, halos hindi ko narin nagawang tigilan ang alak. She was still miserable woman that I knew… hindi manlang siya nagbago kahit na kapiraso man lang. Mas lalo siyang naging bold lalo na sa mga thoughts niya. Hindi ko alam kung mabuti bang iniwan ko nalang siya roon at hinayaan siyang kainin ng mga iniisip niya. Pinagpatuloy kong simsimin ang alak dahil wala akong magawa sa mga iniisip niya. Hindi na ako magtataka kung isang araw malaman kong wala na siya. Wala na ang Lumiere na nagpaunawa sa aking makulay ang buhay tulad ng mga ginagamit niyang pintura.Ilang beses na nagriring ang telepono ko pero hindi ko na lang pinansin dahil alam kong si Kyrie lamang ito. Itinuloy ko ang paginom ng mapatingin ako sa bintana. Malakas na naman pala ang ulan. Lagi nalang pangit ang panahon kapag naalala ko si Lumiere.Natagpuan ko nalang ang aking sariling hawak ang aking telepono at hinahanap ang numero ni Lumiere na sinave ko kanina ng mabuksan ko ang kanyang
“This is the last, Drake,” bulong niya sa kanyang sarili. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay halos mapakanta pa siya sa loob ng kanyang kotse habang pinupuntahan si Lumiere sa eskwelahan kung saan volunteer art teacher ito. Ito rin kasi ang eskwelahan kung saan sila nagkasama ni Lumiere. Isa siyang basketball player noon. Una niyang binisita ang gym. Napaupo siya sa upuan at isinandal niya ang kanyang likod sabay inalala ang nakaraan. Noon nabalik sa kanyang alaala ang isang dalagang nakabob-cut at may makakapal na eyeglasses. Madalas itong binu-bully ng mga babaeng nasa fans club niya pero ni hindi niya magawang lapitan ang dalaga dahil sa takot na lalo lamang itong ma-bully. Si Lumiere ang dalagang iyon. Napailing na lamang siya at ikinahihiya niya ang sariling siya ang lalaking iyon. Noon pa ay binalewala na niya ang babaeng hindi niya inaasahang kababaliwan niya rin.‘Ang nakaraan ay nakaraan na,’ sabi niya sa kanyang sarili. Tumayo siya at hinanap ang Art Gallery kung saan nagtu
NADATNAN niya si Khia na naka-arm-folded at nakasimangot sa kaniya. Nilagpasan niya lamang ito habang dire-diretso sa kusina.“Let’s eat. May dala akong pasta. Iinitin ko lang sa microwave saglit,” sabi niya.Lumapit at umupo naman si Khia ngunit hindi parin ito nagsasalita.Agad niya itong napansin kaya matapos kuhanin ang pagkain sa microwave ay hinarap niya si Khia. Hindi ganito ang kaibigan sa tuwing uuwi siya. Madalas ay yakap siya nito papasok sa loob ng bahay.“May problema ba?” tanong niya. At inirapan lang siya ni Khia. Alam na niyang siya ang problema nito.“Hindi ako manghuhula. Kung may problema ka tell it to my face. Hindi ako marunong bumasa ng mukha at wala sa noo mo ang dahilan,” may konting biro ‘ron pero hindi ito tumalab. Namungay narin ang mata niya pero wala parin hanggang sa magulat nalang siya sa sinabi nito.“Nakita kita kanina, with him?” sabi ni Khia. Napatango ito. Pumunta pala ito sa school ngunit ng makita na magkasama si Lumiere at Drake ay hindi na niya
Drake POV I’m still attracted to her! Alam kong unti-unti akong kinakain ng aking sistema at paniniwalang gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing pumapasok siya sa isip ko. I want to see her today! Kaya ako pumunta dito. Niloloko ko lang ang sarili ko pati na ang mga taong nakapaligid sa amin ni Lumiere. Naging anino niya ako sa loob ng dalawang taon. Sa bawat exhibits at achievements niya nasa likod lang niya ako at katulad niya ay nagsisikap na makasabay sa mabilis na pagbabago ng mundo. Hindi ko maintindihan pero lalo akong naging mas malapit sa kaniya ngayon kahit in reality milya-milya ang layo namin sa isat-isa dahil sa nararamdaman niya para sa akin. “L-Lumiere,” sabi ko sa kaniya ng makita ko siyang natatakot dahil sa malakas na kulog at kidlat. Kasabay ‘non ay namatay ang ilaw kaya binuksan ko ang flashlight ng phone ko. Hindi siya nakapagsalita ngunit nararamdaman ko ang takot niya. Ilang saglit pa ay bumalik na ang ilaw. Parehas kaming nakahinga ng maluwag. Hindi siya takot