Share

Chapter 41

Author: Lexie Onibas
last update Last Updated: 2023-09-30 22:44:20
Nagising akong mabigat ang buong katawan ko ngunit wala na si Drake sa aking tabi. Matapos kong mabalikan ang nangyari kagabi ay mabilis akong tumayo para hanapin ang contaceptive pills ko. Wala akong balak na masundan si Luke. Ang nangyari kagabi ay dahil lamang sa pasasalamat at saya na pinakita niyang pagmamahal sa aking anak. Naligo ako at bumaba para kumain.

Sinalubong ako ng katulong para ibigay ang isang bouquet ng rosas.

"Maam, pinadala po ni Sir Drake para sa inyo. Maaga po siyang nakaalis kanina" pero hindi ko na kinuha iyon bagkos ay inutos kong ilagay na lamang niya sa isang vase. Kaiba ang panahon ngayong araw dahil umuulan kahapon naman ay napakaaraw. Ganon din ba ang pakiramdam ko hindi maganda at para akong magkakasakit. Mabigat ang pakiramdam ko o dahil lamang sa nangyari kagabi dahil hindi ko alam kung ilang beses niya akong inangkin.

Wala naman ako nais gawin ngayon kundi ang basahin ang iba'-ibang libro na naroon. Nagtagal ako roon at isang tawag ang nagpamanhid
Lexie Onibas

-Sorry guys it has to be this way... walang bibitiw sa mga susunod na eksena..sabay-sabay nating sabunutan ang kumuha kay Luke..ooopps a spoiler!

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marissa Due
more update pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • You and Me Again? (Tagalog)   Chapter 42

    Ng araw na iyon hindi niya makayang makakain o kahit uminom manlang dahil sa pangambang naiisip para kay Luke. Gayundin ang mag-ina na laging nakamasid kay Lumiere. Maaari din kasi itong biglang umalis at lumala lang ang lahat. Nayuko lamang ito at tila ang lalim ng iniisip. Lumapit si Coreen kay Lumiere at dinala siya sa may beranda. Samantalang nakabantay si Drake sa mga telepono. "Hindi ba magandang malaman na ni Drake kung ano si Luke sa buhay niya. It will help para hindi ganoon ka bigat ang dinadala mo" "Para saan pa pong malaman niya. Lalo lang po ako mahihirapan. Kailangan na nating makita si Luke dahil para akong nauubusan ng lakas sa tuwing naiisip ang anak ko" sunod-sunod na pag-agos ng luha ni Lumiere habang kausap ang kanyang biyenan. "Oh Lumiere, kasalanan ko ito" Niyakap niya si Lumiere na parang nanghihina sa mga nangyari. "Hindi ko na kakayanin pa kung mawala si Luke sa akin. May sumpa ba ako? bakit lahat ng mahal ko sa buhay ganito sa akin" "H'wag mong isipin iy

    Last Updated : 2023-10-02
  • You and Me Again? (Tagalog)   Chapter 43

    Hindi na niya natiis na hindi lapitan ang dalawa dahil halos tatlong oras na silang magkausap sa may beranda. Napansin niyang hindi na inaalis ni Orphen ang kanyang mga kamay sa likod ni Lumiere. Ilang beses niyang balak baliwalain ang kanyang nakikita ngunit lalo lang uminit ang kanyang ulo simula ng malamnan ng alak ang kanyang sistema."Wala ba kayong ibang gagawin kundi magyakapan nalang diyan? Come with me Lumiere" ngunit hindi sumunod si Lumiere at parang umasal pa itong hindi niya nakikita si Drake. Kaya hinablot niya ang kamay nito at hinatak pa papunta sa kanya. Kaya tinignan siya nito ng masama."Ano ba? Nasasaktan ako?""Talagang masasaktan ka kapag dika sumunod sa akin!" galit na ang tono nito ngunit hindi sumunod si Lumiere bagkos pilit siyang kumawala sa pagkakahawak ni Drake."Nawawala ang anak ko! At hindi ko alam kung makikita ko pa siya! Hindi ako makapag-isip kapag kasama kita lalo akong parang dinudurog at hindi ako okay sa tuwing nariyan ka sa tabi ko Drake. Pleas

    Last Updated : 2023-10-02
  • You and Me Again? (Tagalog)   Chapter 44

    Ng oras na iyon nakuha na ni Lumiere ang kailangan ni Drake malaman. Nagngingit ito sa galit dahil sa ginawa ni Lumiere. Tumayo at lumuhod siya sa harap ni Drake umiiyak. Inabot niya ang laylayan ng pants nito. "Pa-Patawarin mo ako, Drake?!" sabi niya "Ganyan ba kalala ang galit mo sa akin para paniwalain ako sa isang kasinungalingan? Ipinagkait mo sa akin ang anak ko? K-kaya pala ganoon ang pakiramdam ko para kay Luke. Ka-Kaya pala sobra akong nadudurog sa loob ng hindi ko lubusang naiintindihan dahil anak ko siya!" Lumevel si Drake kay Lumiere. "Patawarin mo ako, Drake!" pagsamo niya ngunit iisang emosyon lang ang nakikita ni Lumiere sa mga mata ni Drake. Galit at nakakatakot ito. Hinablot niya ang braso ni Lumiere. "Nakaganti kana sa akin. Siguro ngayon masaya kana. Ka-kapag nahanap ko si Luke sisiguraduhin kong ilalayo ko siya sa iyo" "H'wag mo sa aking gawin ito. Natatakot lang akong malaman mo at ipagpilitan mo na magsama tayo" "Lumiere! I hate you as much you hate me. Kah

    Last Updated : 2023-10-02
  • You and Me Again? (Tagalog)   Chapter 45

    Lumipas ang isang buwan matapos ang paglisan ni Luke ay kinailangan ni Drake at Lumiere na bumalik sa kanilang sariling mga buhay. Ngunit si Drake ay tuluyang nagbago ng araw na iyon. Lagi na itong nasa opisina at hindi na nakikipag-usap pa kay Lumiere o kahit kanino pa. Lagi itong nagpapaka-lango sa alak at nagbabasag ng kanilang gamit. Walang araw na hindi lumipas na hindi siya umiiyak kapag nasasagi sa kanyang isipan ang nagyari sa kanyang anak. Kaiba sa isipan ni Lumiere na noo'y nais niyang palalimin ang imbestigasyon sa pagkawala ni Luke kahit walang makuhang lead sa kumuha ng araw na iyon. Lagi niyang kausap ang isang pulis na may hawak sa imbestigasyon. Lingid ito sa kaalaman ni Drake dahil simula ng mawala si Luke ay hindi na ito nagpakita pa ng interes na maging maayos sila. Matapos niyang makapaglinis ng katawan ay lumabas siya ng shower room para makapagpalit na ng pantulog. Kailangan niya pang maaga kinabukasan para sa pakikipagmeet para imbetigasyon. Ngunit halos malagl

    Last Updated : 2023-10-10
  • You and Me Again? (Tagalog)   Chapter 46

    Muli niya ulit narinig ang boses ni Drake na umaalingawngaw sa loob ng bahay. Galit ito at pangalan niya ang tanging isinisigaw nito kaya ang isang katulong ay nagmamadali siyang pinigilan bago paman siya makarating sa pintuan. "Maam, pinagbabawal po ni Sir Drake na lumabas kayo? Ngayon nga po ay tinatawag na niya kayo" "Bakit naman niya ako pagbabawalan?" hanggang-ngayon ay naninibago parin si Lumiere sa mga ginagawa ni Drake. "Eh, Maam siya nalang po ang tanungin ninyo" agad naman niyang sinundan ng tingin ang katulong na tumingala at niyukod ang mata ulit. Nagtama ang kanilang mga paningin ngunit iniwas niya rin ulit dahil sa pagkailang. Nakapamayang ang isa nitong kamay habang ang isa ay may hawak na baso na ang hula niya ay alak. Balak niyang magsagawa ng follow-up sa prisinto kaya nais na lumabas. Ngunit masama na naman ang tingin ni Drake sa kanya kaya imposible siyang makalabas. Umakyat siya at dumeretso sa kanilang kwarto. Ilang saglit pa ay sumunod narin si Drake roon. "D

    Last Updated : 2023-10-20
  • You and Me Again? (Tagalog)   Chapter 47

    Nakapikit siya at dinadama ang hangin habang nakahiga sa damuhan. Hindi niya alintana ang lamig ng paligid dahil ngayon palang niya nararanasang maging malaya at mapanatag. Kasunod niyan ay isang tinig ang kanyang narinig na pilit sa kanya ay kumakausap. Nanatili siya sa ganoong posisyon hanggang ang mga tinig ay hindi na basta tinig lamang kundi maramdaman ang malambot na kamay nitong humahaplos sa kanyang pisngi."Ma-Mama" muli nitong sambit at minulat niya ang kanyang mga mata. Napangiti siya dahil ang napakainosenteng mukha ng kanyang anak ang bumungad sa kanya. Wala itong kahit anong sugat dahil sa aksidente bagkos mala anghel na ang itsura nito sa pagliliwanag. Nakasuot ito ng isang puting damit."Masaya kana ba talaga dito? Hindi mo na ba hinahanap si Mama?""Hindi na po. Diba I'm a big boy now.. Saka sabi ng tinig na lagi kong naririnig dito raw ako nakatira kasama ang mga ibang bata na narito""Anak.." umupo siya sa tabi ng anak at hinaplos ang buhok nito."Oo nga big boy kan

    Last Updated : 2023-10-22
  • You and Me Again? (Tagalog)   Chapter 48

    Nababalikan ko nalang iyon kapag nasosobrahan ako sa naiinom ko pero mananatili nalang sa alaala ko ang lahat. Bumalik ako sa buhay ng isang Drake Achyls bago ko makilala si Lumiere. "Hi Sir" bati sa akin ng sekretarya ko. Asual ibibigay nanaman niya sa akin ang mga schedules ko. "Yes, Helen.." masungit kong sabi. Lumapit siya sa akin at binigay ang hawak na papel. "Ahhm.. eto po Sir" Hindi naman ako nagugulat dahil ikatlo na siya sa magreresign ngayong taon. Aminado naman akong mahirap akong makasama dahil masungit ako at agresibo. Sana ang ihire ng Human Resources para dito ay lalaki. Pinirmahan ko nalang para hindi narin sila mahirapan dahil ako ang dahilan ng pagalis nila. Alam kong lalo akong naging mas worst simula ng araw na iyon. Damage akong tao pero how can I able to heal? Hindi ko alam. Umalis sa harapan ko si Helen at iniwan ang schedules ko sa mga susunod na araw. Well, bukas mayroon na naman silang ipapakilalang bago. Matapos kong marundown ang mga reports ay nagtu

    Last Updated : 2023-11-02
  • You and Me Again? (Tagalog)   Chapter 49

    2years agoI was about to leave everything behind at alam kong iyon naman ang nararapat kong gawin. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha bago ko pirmahan ang mga dokumento sa harap ko. Kahit ilang beses kong iprevent dito parin pala hahantong ang lahat. Bakit ang daming struggle ng union na ito at sa dami ng makakapareha ko ay si Lumiere pa? Hinaplos ko ang kanyang pisngi at hinalikan. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko dahil sapat na ang kaawaan ko ang sarili ko at huwag ng maging kaawaawa sa harap niya. Hinawakan ko ang kamay niya ng sobrang higpit. Wala paring sign na nais niyang gumising. Natawa ako dahil alam kong ako ang dahilan ng mahaba niyang pagtulog."Lumiere, I'm sorry. Alam ko galit na galit ka sa akin kaya mas pinili mong ipikit ang mga mata mo para lang hindi ako makita pero I'm very sure that you're listening. Like you'd always wanted I will signed this divorce agreement para naman once na gumising kana maisasaayos na natin ang lahat at makakapagstart ka na ng bagong buha

    Last Updated : 2023-11-03

Latest chapter

  • You and Me Again? (Tagalog)   Author Notes

    Hi Milabs,A year din ang inabot ng story na ito at labis-labis akong nagpapasalamat sa pagbabasa ninyo sa aking munting akda. Medyo matagal din ang pag-update ko pasensya na po kayo. Pangalawa itong story na sinimulan ko dito sa Goodnovel. Bilang isang baguhang manunulat sana po ay nagustuhan ninyo ang story nila Lumiere at Drake na nagstart sa isang Arranged Marriage at mala-roller coaster na taguan ng totoong nararamdaman. Sana po ay suportahan din po ninyo ang iba ko pang story dito kay GN. Utang na loob ko po ito sa inyo na laging naka-antabay sa updates ko. May ilang chapters pa po tayo bago tuluyang isara ang kuwento nila Drake at Lumiere. Gusto ko lang mag-pasalamat sa inyo. Hanggang sa huli!Maraming Salamat po sa inyo!Lexie,

  • You and Me Again? (Tagalog)   Chapter 73

    LUMIERE POV“Drake, mukhang manganganak na ako?” ani ko kay Drake na nasa kusina at may kung anong niluluto. Pinatay niya ang kalan at pinukol ako ng mapag-alalang tingin.Dali-dali niya akong nilapitan at bakas’ron ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Hindi ko pa nakita ang ganitong itsura ni Drake. At sa ganitong eksena hindi ko narin magawang maipinta ang mukha ko. “May masakit ba sa iyo? Tell me where? or just tell me you’re atleast okay!” taranta niyang sabi. Hinubad niya ang kaniyang suot na apron at binalibag nalang kung saan. Saka ako hinawakan. “I’m in labor, Drake! Yes, I’m gonna be okay basta dalhin mo ako sa hospital ngayon ‘din!” mahinahon kong sabi pero mukhang lalo ko lamang siyang pinakaba at pinag-alala.Dahan-dahan kaming lumakad palabas ng bahay at hindi niya malaman kung bubuhatin na ba niya ako or hindi? Kaya bahagya kong pinisil ang kamay niya. At pinakatitigan ko ang mga mata niya.“I’m gonna be okay! Just drive!” “O-Oo.” Kahit sobrang sakit na ng tiyan ko ay n

  • You and Me Again? (Tagalog)   Chapter 72

    Nagising si Lumiere dahil sa sinag ng araw na tumagos mula sa bintana. Naramdaman niya ang maiinit na hininga na dumadampi sa kaniyang mukha. Si Drake. Natulog sila ng magkatabi dahil nag-aalala ito at hindi din kasi mapigil ang kaniyang pag-iyak. Kumislot siya pero nanatili siyang nakakulong sa mga bisig nito. Pinagmasdan niya ang guwapong mukha nito at naalala niya ang unang beses na makita niya ito noon sa Campus. Magkaiba sila ng mundo noon at hindi sa hinagap ay mapapansin siya nito. Mabigat parin ang kaniyang talukap at nagsisimula na namang mangilid ang kaniyang luha. Kahit mahina ang kaniyang hikbi ay nagising si Drake. Pinunasan nito ang unang luha na umagos at kinintalan siya ng halik sa noo, sa ilong at marahang dampi sa kaniyang labi.“L-Lumiere, mag-start ulit tayo,” panunuyo ni Drake.“H-Hindi ko alam kung paano tayo magsisimula’t kung paano ko iha-handle ang sarili ko. I was still recovering,” nangangatal na sagot ni Lumiere.“Andito ako sa tabi mo. Bubuo ulit tayo ng pa

  • You and Me Again? (Tagalog)   Chapter 71

    HINAWAKAN ni Drake ang mga kamay ni Lumiere at minasahe ng kaunti. Gayundin ang saya ng mga titig nila sa isat-isa.“How are you?” tanong ni Drake habang hindi binibitawan ang kaniyang mga palad.“Ahmm. I’m okay.” may pamumula sa mga pisngi ni Lumiere habang ngumingiti kay Drake.“You know what? It feels like a dream to me, Lumiere.” “Sa akin naman para akong tumutulay na naka-blindfold. Wala parin akong matandaan,” ani ni Lumiere.“Don’t worry, I’ll help you out,” sabi ni Drake at biglang naging seryoso ang mukha nito. “Thank You! Magkuwento ka about sa atin,” sabi ni Lumiere.“A-Actually, hindi naging maganda ang nangyari sa atin nitong mga nakaraang taon. But, I realize last night na kailangan mong malaman ang lahat. Promise me na hinding-hindi ka magagalit sa akin.”Bigla namang dumating si Coreen at pinukol niya ng matalim na tingin si Drake para huwag bumanggit ng kahit anong masamang memories kay Lumiere.“N-Nako halika na kayo sa dining para makapag-umagahan tayo.” muli niy

  • You and Me Again? (Tagalog)   Chapter 70

    NATAGPUAN ni Coreen ang anak na sapo-sapo ang mukha habang hinihintay na lumabas ang doktor na sumusuri kay Lumiere. Masyado ng maraming dugo ang nawala kay Lumiere, halos patay na siya ng matagpuan ni Drake.Lumapit si Coreen at umupo. “Son?” tawag ni Coreen. Bahagyang inangat ni Drake ang mukha. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala at namumula ang mga mata.“Makakayanan ito ni Lumiere. Babalik siya sa atin.”“I know, Mom. Kayang-kaya niya ito,” Ngunit hindi niya napigilan ang hindi humagulgol ng iyak sa harap ng ina. Ito lamang ang nakakakita ng weak side ni Drake. Niyakap ni Coreen ang anak.“Be strong para sa kaniya anak. Magiging masaya na si Luke dahil nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay niya.”“Mom, sa tuwing nasa poder ko si Lumiere ay lagi nalang siyang napapahamak. Maybe I need to accept this. Pinilit kong bumalik siya pero bakit ganoon lagi siyang nalalagay sa panganib.”“Hahayaan mo nalang ba siya ngayon? Susundin mo na ba ang Dad mo?” pinunasan niya ang luha ni

  • You and Me Again? (Tagalog)   Chapter 69

    NAGSIMULA siyang mabalot nang takot para sa kaniyang buhay. Hindi na niya mapigil ang pagbuhos nang kaniyang luha ng oras ding iyon kasabay ang dumadagundong na kaba. Napansin siya ulit nang lalaki kaya’t muli siyang pinasadahan ng tingin at nilapitan.“Oh, Miss bakit ka umiiyak?” muling pa sanang magsasalita ang lalaki ngunit narinig nilang pareha ang pagdating nang isang kotse.Tinalikuran siya ng lalaki at tinungo kung sino ang nasa labas. Maya-maya pa ay nakarinig siya nang tunog nang nakatakong. Marahil ay ganito din ang naramdaman ng anak niya bago ito mawala.“Oooh my sweet cousin…” bungad nito. Naiangat niya ang ulo at pinagmasdan si Layla. Napaka-elegante parin nito sa pulang tight dress na suot nito.“L-Layla! Maguusap lang naman tayo hindi ba? P-Pakawalan mo ako!” pagmamakaawa niya.“Sa tingin mo ay pakakawalan kita para ano? M-Maging masaya na kayo ni Drake? Wala akong ibang balak na gawin ngayon kundi ang tapusin ang kawawa mong buhay.” Kinuha niya ang baril mula sa kaniy

  • You and Me Again? (Tagalog)   Chapter 68

    NANG imulat niya ang kaniyang mga mata ay ilang segundo pang napako sa kisame ang mga ito kasabay ang pagbuga ng hangin dahil parang isang magandang panaginip ang nangyari sa kaniya ng nakaraang gabi. Ilang beses siyang napapikit at napatingin sa kaniyang katabi. Mahimbing paring natutulog si Lumiere. Tulad parin ng dati, para parin itong isang anghel sa kaniyang paningin. Pinagmasdan niya ito at bahagyang kinapa ang pisngi nito. Ilang beses itong kumislot ngunit hindi parin ito nagising. Napangiti siya sa kaniyang sarili sa naiisip siguradong pagod na pagod ito sa nagdaang gabi. Nang magising kasi ito ng madaling araw ay muli niya pa itong inangkin. Hindi niya kasi ito hinayaang makabuwelo. Napuno ng ungol nito ang kaniyang kuwarto at dahil na lamang sa pagod kaya parehas silang nakatulog.Hinalikan niya ang pisngi nito patungo sa ilong at sa labi nito. Bahagyang napaungol ito dahil sa sensasyong nararamdaman nang madampian ng haplos niya ang hita nito. Naimulat ni Lumiere ang kaniya

  • You and Me Again? (Tagalog)   Chapter 67

    TRIGGER WARNING! Some scenes are not suitable for young and sensitive readers. READ at YOUR risk!Ang mga sumusunod na pangyayari ay may karupukan.LUMIERE POVNanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang kaniyang labi kaya agad akong lumayo. Ayokong magkaroon ng kaugnayan ulit sa kaniya. Ngunit hinigit niya ako kaya muling dumampi ang aking labi sa kaniya. Tinulak ko siya dahil hindi ito tama.“I need to go, D-Drake! This isn’t right!” tumayo ako.Alam kong mas magiging kumplikado ang lahat kapag pinagpatuloy ko pa ang pananatili ko sa lugar na ito. Kalmado na siya. Mukha namang maayos na siya. Pero muli niyang hinawakan ang kamay ko at hinila para makaupo ulit.“Look, I’m sorry,” he lowered his head.Ilang minuto kaming nabalot ng katahimikan. Ayokong magsalita at ganon din siguro siya. Hindi naging maganda ang pagsasama namin at parang ang kasal namin ay naging tanikala para sa amin.“I assumed you had already left. I was in Brimways drinking and thinking how my life could be if ou

  • You and Me Again? (Tagalog)   Chapter 66

    Lumiere POV Sa halos 10 taon ngayon lang ako magkakalakas ng loob na pumasok sa lugar na ito. ‘Drake’ siya na naman ang naaalala ko. Gusto kong maging masaya at kalimutan na siya para sa ikatatahimik ng mga sarili namin. We need to move on. Kinuha ko ang cocktail na inorder namin ni Khia at sumabay sa nakakabinging ingay ng Bar. Sumayaw kami at nag-enjoy kami. Kinulong ko ang sarili ko sa mga alaala ni Luke. And I let the time slip away. Kinuha ni Khia ang aking kamay at hinila sa dance floor. Hindi ba masyado na kaming matanda para makipagsayaw sa mga tao ‘ron? Nah for Khia I can do anything. Nagsayaw kami hanggang lumabas ang lahat ng pawis ko. Gusto kong ayusin ang buhay ko at kahit papaano ay mag-enjoy. Ayoko ng umiyak at magkulong sa Gallery. Bukas na bukas ay aalis na ako at hahanapin ko ang sarili ko para maging masaya. Ngunit nagulat nalang ako ng may humapit sa aking baywang. Parehas kaming naliligo sa pawis at natagpuan ko ang sarili kong nasa bisig ng isang estranghero. Nas

DMCA.com Protection Status