DUMUNGAW mula sa bintana si Epiphania nang marinig niya ang ingay ng truck at ng mga tao sa labas. Pagtingin niya ro’n ay nakita niya ang mga lalaking naka kulay asul ang uniporme na may kani-kanyang dala ng malalaking box ng karton. Di lang iyon, may mga lalaki rin na nakasuot ng black business attire at nakakabit sa mga tenga nito ang intercom earpiece. “Anong mayro’n sa labas? May bagong lipat ba?” nagtatakang tanong ni Epiphania. Nagkibit-balikat na lang siya at bumalik sa kaniyang nilulutong agahan nila ni Gianni. Matapos niyang ihain ang pagkain sa mesa ay saka naman dumating si Gianni mula sa kwarto nito. “Good morning, Lola. Wala pa rin ba si mommy?” tanong niya rito habang kinusukot ang mata niya. Huminga nang malalim si Epiphania. “Pauwi na siguro ang mommy mo ngayon. O sige na, Gianni, kumain ka na,” paglahad niya sa pagkain sa mesa. Ilang sandali pa ay biglang may kumatok sa pinto. “Saglit lang, hijo. May tao sa labas,” paalam niya kay Gianni. Pagbukas ni Ep
ISANG itim na limousine car at tatlong itim na kotse ang pumarada sa harap ng airport. Unang bumaba ang pitong mga bodyguards suot ang intercom earpiece nila saka pinagbuksan si Clarence na nasa loob ng limousine car. Pagkababa ni Clarence ay saka niya sinuot ang itim niyang sunglasses. Nauna siyang naglakad sa loob. Nasa likod niya si Mike at nasa likod naman nito ang mga bodyguards. Akala ng mga tao na may artistang pumasok sa airport dahil sa dami ng gwardya ni Clarence. Dahil do’n ay lumapit ang mga tao upang usisain si Clarence. Nagtilian naman ang mga kababaihan nang tinanggal na ni Clarence ang suot niyang salamin. Nakita lang naman nila ang napakagwapong nilalang sa airport. “Oh my ghad! Artista ba siya?!” gulat na tanong ng babae saka tinaas ang cell phone para kunan ng litrato. Ilang sandali pa ay pinigilan siya ng gwardya ni Clarence. “Bawal po iyan, Miss. Paki-delete na lang po sa cell phone niyo,” seryosong sabi ng bodyguard. Dahil sa takot ay agad na dinelete ng
SUNOD-SUNOD na pumatak ang tubig sa sahig nang pumasok sina Clarence at Mari sa loob ng mansyon dahil sa basa nilang mga damit. Magkahawak-kamay nang palihim na nagtungo ang dalawa sa isa pang daan papunta sa ikalawang palapag. Patingkayad pang hinahakbang ang hagdan hanggang sa marating nila ang pinto ng kwarto ni Clarence. “Sige na pumasok ka na sa loob at baka may makakita sa atin,” sabi ni Mari nang bitawan niya ang kamay ni Clarence. Nginig na nginig ang katawan ni Mari dahil sa lamig. Gusto na niyang maligo para makapagbihis na kaagad. Tumango si Clarence. “Right. Baka sipunin pa tayo katulad dati,” pabirong sabi ni Clarence habang siya ay nakangiti. Narinig nila ang hakbang ng paang papalapit sa direksyon nila. Gulat na nagkatinginan ang dalawa at bigla silang kinabahan. Dahil do’n ay agad na binuksan ni Clarence ang pinto ng kwarto niya, hinawakan ang kamay ni Mari at pagkapasok niya’y hinila ang asawa sa loob. Nang maisara na ni Clarence iyon ay napasandal si Mari sa pi
Inauguration and merger day NAGSIMULANG kumislap ang kamera ng press nang bumaba mula sa limousine sina Mari at Clarence. Suot ni Mari ang kulay violet and black na dress samantalang formal business suit na kulay puti naman ang suot ni Clarence. Nakangiting iniangat ni Mari ang ulo niya habang kinukunan sila ni Clarence ng litrato. Proud siyang magiging isang CEO na siya ng Harrington. Tumabi naman si Clarence sa kanya at nakapulupot ang braso nito sa beywang ni Mari. Hindi maiwasan ng mga tao ang mapatingin sa dalawa nang magsimulang lumakad ito sa red carpet. Sila ang naging sentro ng atensyon habang papunta sila sa grand entrance ng venue. Maging si Kate ay hindi napigilang manood ng may halong inggit sa gilid. Naikuyom niya ang kamay niya habang pinagmamasdan ang dalawa. Na sa bawat segundong lumilipas na makita niyang masayang ang mga ito ay mas lalo siyang nasasaktan. Pagdating nila sa stage ay humarap na sila sa mga tao. Hinawi ni Mari ang kanyang damit nang makaramda
PATULOY na bumabagabag sa isip ni Mari ang natuklasan niyang litrato mula sa libro ng lola Epiphania niya. Nakaayos na si Mari para pumasok sa Harrington building. Paglabas niya sa mansyon ay napatinto siya sa garden nang makita niya si Epiphania na nagdidilig ng mga halaman sa garden. Hindi kasi mapakali ang matanda na manatili at relax lang sa kwarto, nasanay kasi itong may ginagawa.Lumingon si Epiphania kay Mari at napataas ito ng kilay. Pinatay niya ang hawak niyang garden hose saka nilapitan ang apo. Napansin niya kasing kanina pa ito nakatuon sa kanya.“Aalis ka na ba? Si Clarence ba’t di mo kasama?” ngiting tanong ng matanda. Proud siyang makita si Mari na papasok na ito bilang CEO ng Harrington Group.Tumango si Mari. “Opo, La, hinihintay ko na lang ang driver ko. Nauna na kasing pumasok si Clarence sa kompanya niya. Magkaiba kami ng direksyon at ayoko namang ma-late kami pareho.”Hinawakan ng matanda ang magkabilang balikat ni Mari. “Sobrang proud ako sa’yo dahil nakuha mo n
LUMAPAD ang ngiti ni Clarence nang dumating na ang aquarium na pinakuha niya mula sa Baguio. Na-miss niyang pagmasdan ang mga goldfish na binili niya noon. Sigurado siyang matutuwa si Mari kapag makita ito.“Sir, nandito na po si Ma’am Mari,” sabi ni Mike pagdating ng asawa ni Clarence.“Mahal,” ngiting sabi ni Mari saka umalis na si Mike upang bigyan ng pribado ang dalawa.Pagkatapos ni Mari sa Harrington building ay dumiretso siya sa kompanya ni Clarence. Iyon kasi ang usapan nila bago sila umuwi ng mansyon upang mag-prepare para sa thanksgiving party.“Mahal ko,” masayang bigkas ni Clarence saka mahigpit niyang niyakap ito. “Ilang oras lang na hindi kita nakita ay para bang isang taon kitang na-mi-miss,” dagdag pa niya.Kinilig naman si Mari sa narinig niya saka siya humiwalay dito.“Baliw ka ba? E, kanina pa lang tayo nagkita sa bahay.”“Baliw na baliw ako sa’yo,” agad na tugon ni Clarence.Napansin ni Mari ang malaking aquarium ni Clarence sa opisina. Bigla niya na lang naalala n
“COME out now, Kate, hinihintay na tayo ng mga guests,” wika ni Silvana matapos niyang katukin ang pinto ng kwarto ng anak. Suot na ni Kate ang long dress niyang kulay asul. Napilitan lang siyang suotin iyon dahil sa kagustuhan ni Robert na um-attend siya.Napaupo siya sa kanyang kama na tila bang kinakabahan siya sa sasabihin ng mga tao kung magpapakita siya sa thanksgiving party mamaya. Nahihiya siyang harapin ang mga ito dahil ayaw niyang maramdaman ang pagkatalo niya. Umiling si Kate. “No! Hindi ako lalabas!” malakas na sigaw niyang pagtanggi sa mommy niya. “Please leave me alone, Mom!” dagdag pa niya. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ni Kate. Wala siyang pakialam kung masira ang make up niya. Gusto niya lang ilabas ang sama ng loob dahil sa ginawa ni Mari. Para sa kanya ay inagaw nito si Clarence. Napayuko si Silvana. Malungkot siya sa pinagdadaanan ng anak niya. Umabot na rin sa punto na nagka-gastritis na si Kate dahil sa stress, at wala sa oras ang pagkain nito. Masak
NAPALINGON ang lahat pagdating ni Timothy kasama ang anak nitong si Diana. Nanigas naman sa kinatatayuan si Robert nang magtama ang tingin nila sa isa’t isa. Akala niya kasi hindi na matutuloy ang pagdating nito dahil tapos na ang opening speech ni Mari. Lumapit si Timothy kay Robert habang nakangisi siya rito. “It’s been quite a while, Robert Harrington.” Hindi naging komportable si Robert. Isa rin siya sa dahilan sa nangyari sa asawa nitong si Rosemary. Hindi niya pinigilan si Silvana dahil gusto niyang bumagsak ang Sinclair, at hindi naman siya nabigo. Pero iba na ang ihip ng panahon ngayon. “Timothy… I-I didn’t expect to see you. I mean, Mari’s opening speech is over. Akala ko hindi ka na matutuloy.” Malamig na ngiti ang ibinigay ni Timothy kay Robert. "And why wouldn't you expect to see me, Robert? Did you think your victory over Sinclair Group would keep me hidden away forever?" Napalunok ng mariin si Robert. Napahawak siya nang mahigpit sa hawak niyang wine glass. Sinubu
"MAY nasagap akong balita," sabi ni Mike nang pumasok siya sa kuwarto ni Gianni saka binuksan ang TV.Walang emosyon na tumingin si Mari sa screen. Inaasahan na niya ito. Kanina pa siya tinatawagan ng isang journalist para kunin ang kanyang reaksyon.Nagpakawala siya ng buntong-hininga at tinignan si Mike. "Ano pang bago?"Matalim ang tingin ni Mike habang nakatuon ang atensyon sa balita. "Ngayon ay naglabas na rin ng statement si Robert sa page niya," pinakita ni Mike sa tab niya ang statement na iyon. "Balita ko, pinapalayas na raw niya si Silvana sa mansyon. Hindi pa siya nagsasampa ng kaso pero... mukhang hindi na rin malabo."Mari smirked. "He’s just saving his own skin. Gusto niyang linisin ang pangalan niya bago siya tuluyang madamay.""Pero Mari, ito na yung pagkakataon mo," wika ni Clarence.Tumaas ang kilay ni Mari. "Ano'ng ibig mong sabihin?"Ngumiti si Clarence bago nagsalita. "Ito na ang pagkakataon mo para bumalik bilang CEO ng Harrington Group."Napatingin si Mari sa an
TAHIMIK na nag-iimpake si Silvana pero sa bawat galaw niya ay ramdam niya ang bigat sa kalooban. Pinapalayas na siya ng asawa niyang si Robert dahil sa ginawa niyang panloloko dito tungkol sa DNA test ni Mari. Isa-isa niyang ipinasok sa maleta ang mga family pictures nila. Napaluha na lang siya habang tinitingnan ang masasayang alaala na ngayon ay unti-unti nang mawawala ito.Nang matapos siyang mag-impake ay biglang tumunog ang cellphone niya. Nanlaki ang mata niya nang makita ang notification mula sa bangko—isang milyong piso ang ipinadala ni Robert sa account niya. Ilang saglit pa, may isa pang notification. Nang tingnan niya ay napansin niyang blinock na ni Robert ang lahat ng credit cards niya.Napakuyom ang kamay ni Silvana. Hindi sapat ang isang milyon para magsimula siya. Asawa pa rin siya ni Robert, at may karapatan siya sa lahat ng meron ito, maliban na lang kung pipirma siya sa annulment papers.Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Robert at may hawak itong folder. Walang
TAHIMIK na nakaupo sina Mari at Clarence sa law office ni Jacob."Pasensya ka na, Jacob kung naabala ka namin," sabi ni Clarence. Huminga nang malalim si Jacob at pinadulas sa mesa ang annulment papers sa mag-asawa."Tutol ako sa ginagawa niyo, Clarence. Wala akong tiwala kay Kate pero naiintindihan ko naman si Mari," paliwanag ni Jacob.Hawak na ng dalawa ang mga papeles ng annulment. Pareho nilang tinitigan ang dokumento. Dahil do'n ay mas lalong bumigat ang dibdib ni Mari. Walang alinlangan na unang pumirma si Clarence. Pagkatapos ay iniabot niya ang ballpen kay Mari. Nanginginig ang kamay ni Mari habang pumipirma ito. Pagkatapos niyang lagdaan ay huminga siya nang malalim. May kung anong luha na gumilid sa mata niya."Clarence, I'm sorry. I... I don't know what to do. Hindi ko ginusto ito pero kailangan mabuhay ang anak natin," naiiyak na sabi ni Mari.“Huwag kang mag-alala, hindi ako magpapakasal sa kanya,” matatag na sabi ni Clarence.Kumunot ang noo ni Mari, tila bang nagugul
Nanliit ang mata ni Kate, sinusubukang alamin kung ano ang dahilan ng pagpunta ni Mari sa kulungan. Iniisip niya na baka nandito ito para pagtawanan siya o ipamukha ang pagkakamali niya.“Are you here to mock me, Mari? Makakalabas ako rito. So please—”Hindi natapos ni Kate ang sasabihin niya nang mapansin niyang tumulo ang luha ni Mari. Biglang natigilan si Kate. Pinagmamasdan niya ang mugtong mata ni Mari, na tila bang pagod na itong umiyak. Hindi niya inasahan na makikita niya itong mahina, na parang may dinadalang mabigat na problema.“Mari…” mahinang bigkas ni Kate habang nakatingin dito. Para siyang napako sa kinatatayuan niya, hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Inayos ni Kate ang sarili niya, she stood herself na para bang gusto niyang kalabanin si Mari. Lahat ng dinanas niyang hirap sa kulungan ay kailangan pagbayaran ng kapatid niya.Magsasalita pa sana niya nang biglang hinawakan ni Mari ang kamay ni Kate. Sa gulat, napaatras si Kate, pero hindi niya napigilan ang sari
Napangiti si Kate nang makita ang presensya ng mommy niya. Nasa loob sila ng kuwarto na may harang na glass sa pagitan nila. Dito ginagawa ng mga taong gustong bisitahin ang mga preso."Makakalabas na ba ako, Mom?" excited na tanong niya. Napansin ni Kate ang biglaang pagbabago sa mukha ni Silvana. Tila lumungkot ang mata nito, at ang kanyang mga labi ay parang nag-aalangan bago magsalita."Kate..." malumanay na sabi ni Silvana, "hindi ka na makakalabas nang basta-basta dito."Marahang tumawa si Kate habang nangigilid ang mga luha sa mata. "That's not true, Mom," aniya habang umiiling siya. "I know dad will come here to get me out," dagdag pa niya."At hindi na mangyayari iyon, Kate. Pinapalayas na ako ng daddy mo."Napatindig sa gulat si Kate. "What?!" galit na tanong niya. Gulong-gulo ang isip niya. Paano nagawa ni Robert iyon sa sarili nitong asawa? At bakit hahayaan ang anak niyang mabulok sa kulongan?"I don't understand you, Mom. What do you mean na pinalayas ka ni dad? Nag-aw
"MARI, wait for me!"Hingal na hingal si Ricca habang hinahabol niya ang pinsan. Nang huminto si Mari at lumingon ay natigilan siya. Umiiyak na pala ito."Mari..." mahinang tawag niya.Agad na pinahid ni Mari ang luha sa mga mata niya, pero bakas pa rin sa mukha niya ang sakit.Lumapit si Ricca at hinawakan ang balikat nito. "Huwag mo masyadong dibdibin ang nalaman mo, Mari."Bumuntong-hininga si Mari at tumingin sa malayo. Pinipigilan niya ang sariling di humikbi, pero hindi na niya kaya. Nagsimula na ulit tumulo ang luha niya."Pagod na ako, Ricca," mahinang sabi niya. "Pagod na akong gawin ang lahat para maayos ang pamilya ko. Lahat sinunod ko naman, yung tradisyon na iyon ginawa ko dahil mahal ko si dad. Kahit alam kong sobra na. Akala ko kasi, kapag ginawa ko iyon, baka matutunan niya akong mahalin bilang anak niya."Nagulat si Ricca sa narinig niya, pero nanatili siyang tahimik."No'ng nalaman kong hindi ako anak ni dad? Masakit. At tinanggap ko iyon. Pero alam mo ang mas masaki
MALAKAS na hiyaw ang ginawa ni Kate habang nasa loob siya ng kulungan. Nag-echo mula sa selda niya hanggang sa opisina ni Severano ang pagwawala nito. Huminga na lang siya nang malalim Mahigpit ang pagkakahawak ni Kate sa rehas. “Let me out! Let me out!” sigaw niya na halos mapaos sa lakas ng boses.Isang mataba at kulot na buhok na babae ang lumapit kay Kate at kinalabit siya nito. Pagkalingon ni Kate ay napatingala siya dahil mas matangkad pa ito sa kanya. Seryosong tiningnan siya ng babae, dahil do’n ay napalunok siya. Kahit nakakatakot ang hitsura nito ay minarapat niyang maging matatag sa harap nito. “What do you want?” lakas loob na tanong niya sa babae na tila bang hinahamon niya ito.Nagtawanan ang mga babae sa loob ng selda kasama ang matabang babae. “Ang lakas naman ng loob mo, ano? Sa seldang ito, ako lang ang masusunod. Kaya tigil-tigilan mo ‘yang pagwawala mo, baka pagkamalan kang baliw at mapunta ka sa mental hospital,” salaysay ng babae saka nagtawanan ang lahat.Big
NAKAUPO ngayon si Mike habang naghihintay na ibigay ni Yssa sa kanya ang resulta ng DNA test. Lumipas ang halos sampung minuto ay napatayo siya na makita ang presensya nito na naglalakad patungo sa kanya.“Pasensya na po kung medyo natagalan. Ito na po ang DNA test result nila,” wika ni Yssa nang iunat ang envelope kay Mike. “Thank you, Yssa,” pasalamat niya rito saka agad siyang umalis.Pagpasok ni Mike sa loob ng kotse ay agad niyang binuksan ang envelope. Nanlaki ang mata niya sa nakita niyang resulta. Dumukot ng cell phone si Mike sa bulsa at tinawagan si Clarence.“Sir, I already got the result. Papunta na ako sa opisina niyo.” Binaba ni Mike ang tawag at nagsimulang magmaneho papuntang Sinclair Company.Nasa entrance siya nang makita niya si Ricca sa unahan hanggang sa pareho silang pumasok sa elevator. Dahil dalawa lang sila sa loob ay agad na napansin ni Ricca ang presensya ni Mike. “You saw me earlier, right? No greetings at all?”Nanatiling nakatingin si Mike sa
HAWAK ni Mari ang tablet niya nang maupo siya sa sala. Pinapanuod niya mula rito ang video na nakuha ng dalawang hidden camera; ang sa opisina niya at sa apartment ni Bitsy. Naikuyom ni Mari ang kaniyang kamay kasabay ng pag gilid ng luha niya nang makita kung paanong sinaksak ng tauhan ni Kate ang walang kalaban-labang Bitsy. Napalunok siya upang pigilan ang h’wag humikbi.Halos tatlong araw na walang maayos na tulog sina Clarence at Mari dahil sinamahan nila ang technician habang inaayos ang laptop at ma-restore ang video. “Stop it, Mari,” sabi ni Clarence. Kinuha niya ang tablet kay Mari at nilagay ito sa center table saka siya tumabi rito.“I don’t get the point, Clarence. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kasama si Kate. Na bakit kailangan pa niyang mangdamay ng ibang tao?” mangiyak-ngiyak na wika ni Mari. “H’wag mo na isipin iyon, Mari. Basta alam na nating masamang tao si Kate.” Napabuntong-hininga si Clarence at sa mukha niya ay may halong pag-aalala ay pagkadismaya