PATULOY na bumabagabag sa isip ni Mari ang natuklasan niyang litrato mula sa libro ng lola Epiphania niya. Nakaayos na si Mari para pumasok sa Harrington building. Paglabas niya sa mansyon ay napatinto siya sa garden nang makita niya si Epiphania na nagdidilig ng mga halaman sa garden. Hindi kasi mapakali ang matanda na manatili at relax lang sa kwarto, nasanay kasi itong may ginagawa.Lumingon si Epiphania kay Mari at napataas ito ng kilay. Pinatay niya ang hawak niyang garden hose saka nilapitan ang apo. Napansin niya kasing kanina pa ito nakatuon sa kanya.“Aalis ka na ba? Si Clarence ba’t di mo kasama?” ngiting tanong ng matanda. Proud siyang makita si Mari na papasok na ito bilang CEO ng Harrington Group.Tumango si Mari. “Opo, La, hinihintay ko na lang ang driver ko. Nauna na kasing pumasok si Clarence sa kompanya niya. Magkaiba kami ng direksyon at ayoko namang ma-late kami pareho.”Hinawakan ng matanda ang magkabilang balikat ni Mari. “Sobrang proud ako sa’yo dahil nakuha mo n
LUMAPAD ang ngiti ni Clarence nang dumating na ang aquarium na pinakuha niya mula sa Baguio. Na-miss niyang pagmasdan ang mga goldfish na binili niya noon. Sigurado siyang matutuwa si Mari kapag makita ito.“Sir, nandito na po si Ma’am Mari,” sabi ni Mike pagdating ng asawa ni Clarence.“Mahal,” ngiting sabi ni Mari saka umalis na si Mike upang bigyan ng pribado ang dalawa.Pagkatapos ni Mari sa Harrington building ay dumiretso siya sa kompanya ni Clarence. Iyon kasi ang usapan nila bago sila umuwi ng mansyon upang mag-prepare para sa thanksgiving party.“Mahal ko,” masayang bigkas ni Clarence saka mahigpit niyang niyakap ito. “Ilang oras lang na hindi kita nakita ay para bang isang taon kitang na-mi-miss,” dagdag pa niya.Kinilig naman si Mari sa narinig niya saka siya humiwalay dito.“Baliw ka ba? E, kanina pa lang tayo nagkita sa bahay.”“Baliw na baliw ako sa’yo,” agad na tugon ni Clarence.Napansin ni Mari ang malaking aquarium ni Clarence sa opisina. Bigla niya na lang naalala n
“COME out now, Kate, hinihintay na tayo ng mga guests,” wika ni Silvana matapos niyang katukin ang pinto ng kwarto ng anak. Suot na ni Kate ang long dress niyang kulay asul. Napilitan lang siyang suotin iyon dahil sa kagustuhan ni Robert na um-attend siya.Napaupo siya sa kanyang kama na tila bang kinakabahan siya sa sasabihin ng mga tao kung magpapakita siya sa thanksgiving party mamaya. Nahihiya siyang harapin ang mga ito dahil ayaw niyang maramdaman ang pagkatalo niya. Umiling si Kate. “No! Hindi ako lalabas!” malakas na sigaw niyang pagtanggi sa mommy niya. “Please leave me alone, Mom!” dagdag pa niya. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ni Kate. Wala siyang pakialam kung masira ang make up niya. Gusto niya lang ilabas ang sama ng loob dahil sa ginawa ni Mari. Para sa kanya ay inagaw nito si Clarence. Napayuko si Silvana. Malungkot siya sa pinagdadaanan ng anak niya. Umabot na rin sa punto na nagka-gastritis na si Kate dahil sa stress, at wala sa oras ang pagkain nito. Masak
NAPALINGON ang lahat pagdating ni Timothy kasama ang anak nitong si Diana. Nanigas naman sa kinatatayuan si Robert nang magtama ang tingin nila sa isa’t isa. Akala niya kasi hindi na matutuloy ang pagdating nito dahil tapos na ang opening speech ni Mari. Lumapit si Timothy kay Robert habang nakangisi siya rito. “It’s been quite a while, Robert Harrington.” Hindi naging komportable si Robert. Isa rin siya sa dahilan sa nangyari sa asawa nitong si Rosemary. Hindi niya pinigilan si Silvana dahil gusto niyang bumagsak ang Sinclair, at hindi naman siya nabigo. Pero iba na ang ihip ng panahon ngayon. “Timothy… I-I didn’t expect to see you. I mean, Mari’s opening speech is over. Akala ko hindi ka na matutuloy.” Malamig na ngiti ang ibinigay ni Timothy kay Robert. "And why wouldn't you expect to see me, Robert? Did you think your victory over Sinclair Group would keep me hidden away forever?" Napalunok ng mariin si Robert. Napahawak siya nang mahigpit sa hawak niyang wine glass. Sinubu
NATIGILAN si Clarence sa biglaang pagdating ni Ricca. Habang naglalakad ang dalaga ay nakangiti itong pinagmamasdan si Clarence saka siya umupo sa harap nito. “Anong ginagawa mo rito, Ricca?” naguguluhang tanong ni Clarence. “Hmm. Nandito ako para kamustahin ang ex-boyfriend ko,” tugon ng babae. Nang mapansin niya na hindi makasagot si Clarence ay bigla siyang tumawa. “Can you please get out of my office? Can’t you see I’m working, Ricca? ” inis na sabi ni Clarence. Nanlaki ang mata ni Ricca na halos malaglag na ang panga niya sa sinabi ni Clarence. Tumindig siya at natawa. “What? Am I just a stranger to you? May pinagsamahan naman tayo, Clarence. Look. I have important business here in the Philippines and I personally want to talk to you to offer something.” Sumalubong ang dalawang kilay ni Clarence. “Offer? Saan?” “E ano pa nga ba? To promote your company. To be a model.” Umiling si Clarence. “No need for that, Ricca.” “Oh come on, Clarence. Gusto mo libre na lang ‘yong offe
“I HAVE an answer to that problem, Ate.” Pagkababa ni Vina sa cell phone niya ay biglang lumapit si Kate sa kanya. Kate was smiling while looking at her sister. Napataas ng kilay si Vina. “Why are you looking at me like that?” tanong niya. Nagkibit balikat si Kate. “Nothing. Masaya lang ako,” tugon ni Kate tungkol sa mga nalaman niya, sa pagiging tunay niyang Harrington. Napabuga ng hangin si Vina dahil hindi ito makapaniwala. “Really? Sa lahat ng nangyari, masaya ka?” Ngumiwi si Kate nang tumango siya. “Hmm. Partly, yes. You know what? I think I should pay a visit to Mari sa Harrington company. Hindi ba’t pupunta ka ngayon? Sabay na tayo?” kunwaring excited na sabi ni Kate. Hindi makapaniwala si Vina sa kinikilos ni Kate. Napaka-unusual na bigla na lang makikipag-close ito sa kanya. “Kung guguluhin mo lang si Mari ro’n, h’wag na, Kate. Just stay here in our mansion, wala kang lugar do’n,” utas ni Vina saka siya umalis sa harap ni Kate. Naikuyom ni Kate ang kamay niya saka
ISANG mala-bundok na mga papeles ang bumugad kay Mari pag-upo niya sa mesa ng opisina niya. Napatingin siya sa suot niyang relo, lampas alas dose na pala ng tanghali. Hindi na siya nakakain ng lunch para matapos lang ang session niya ngayong araw.She had been working tirelessly since yesterday. Pero alam niyang kailangan niyang magsumikap pa lalo na’t bagong halal siya bilang CEO ng kompanya. Nasa tapat niya si Molly, her trusted trainer. Molly leaned forward to point out the different strategies and techniques pagdating sa kompanya. “Okay, Mari,” bigkas ni Molly. “Let’s go over the financial reports again. Kailangan natin i-identify ang mga areas kung saan kailangan natin mag-cut ng costs without sacrificing quality.” Tumango si Mari habang pinasadahan ng mga mata niya ang pahinang hawak niya. She felt really determined. She didn't want her new big responsibilities to make her feel down. "Molly, do you think renegotiating our contracts with suppliers could help?" tanong ni Mari.
PABALIK-BALIK si Gabby sa tapat ng opisina ni Mari dala ang binili niyang lunch box na dapat sana kanina pa niya inabot ito no’ng lunch time pa. Nahihiya siyang pumasok kanina dahil alam niyang busy ito sa session kay Molly. Kanina pag-alis ni Molly ay tinanong niya ito kung nakakain ba sila ng lunch kanina. No’ng sinabing hindi pa ay mas lalo siyang nag-alala. Huminga nang malalim si Gabby saka niya binuksan ang pinto ng opisina ni Mari. Nanlaki ang mata ni Mari sa biglaang pagpasok ng pinsan niya sa loob. “Gabby?” gulat na bigkas niya habang sinusundan niya ng tingin ito papunta sa kanya. “Here.” Inilapag ni Gabby ang dala niyang pagkain sa mesa. “I know you skipped your lunch, Mari. H’wag mo naman pabayaan ang sarili mo.” Napakamot ng ulo si Gabby habang iniiwasan niya ng tingin si Mari. Natawa si Mari sa ginawa ng pinsan. “Maraming salamat, ah? Kasi kahit nandito na ako… inaalala mo pa rin ako,” ngiting pasalamat ni Mari tungkol sa sinabi niyang kahit nasa tuktok na siya ng
HAWAK ni Mari ang tablet niya nang maupo siya sa sala. Pinapanuod niya mula rito ang video na nakuha ng dalawang hidden camera; ang sa opisina niya at sa apartment ni Bitsy. Naikuyom ni Mari ang kaniyang kamay kasabay ng pag gilid ng luha niya nang makita kung paanong sinaksak ng tauhan ni Kate ang walang kalaban-labang Bitsy. Napalunok siya upang pigilan ang h’wag humikbi.Halos tatlong araw na walang maayos na tulog sina Clarence at Mari dahil sinamahan nila ang technician habang inaayos ang laptop at ma-restore ang video. “Stop it, Mari,” sabi ni Clarence. Kinuha niya ang tablet kay Mari at nilagay ito sa center table saka siya tumabi rito.“I don’t get the point, Clarence. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kasama si Kate. Na bakit kailangan pa niyang mangdamay ng ibang tao?” mangiyak-ngiyak na wika ni Mari. “H’wag mo na isipin iyon, Mari. Basta alam na nating masamang tao si Kate.” Napabuntong-hininga si Clarence at sa mukha niya ay may halong pag-aalala ay pagkadismaya
HULING araw na ni Bitsy nang bumisita si Mari sa chapel. Mabuti na lang ay nakahabol siya pagkatapos ng limang araw na pagpapahinga niya sa ospital. Umuwi na rin ang mga kaibigan niya sa Baguio. Hindi na niya sinama pa ang mga kaibigan at pamilya niya sa lamay dahil gusto niyang mapag-isa.Pagpasok ni Mari sa loob ay dinig niya hikbi ng pamilya sa pagkawala ng sekretarya niya. Sa bawat paghakbang niya patungo sa kabaong ni Bitsy ay unti-unti niyang nararamdaman ang matinding bigat at panghihinayang. “I’m sorry, Bitsy.” Iyon lamang ang lumabas sa bibig niya at saka tumulo ang kanyang luha. Pagkatapos niyang tingnan ang labi ng sekretarya ay lumapit siya sa ina nito upang makiramay. “I am sorry for your loss, M’am Merideth. Nakikiramay ako,” malungkot niyang sabi sa ina ni Bitsy. Hahawakan niya sana ang balikat nito nang bigla siyang tinulak palayo. “Ikaw! Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang anak ko!” sigaw ng nanay ni Bitsy na may halong pagbibintang. Nagdulot ng malak
HABANG busy ang mga tauhan ni Inspector Cruz sa paghahanap ng mga hidden camera sa loob ng apartment ay naroon si Bogart, nagpapanggap ito biglang isang parte ng team. Isang bulalas ang bumasag sa katahimikan nang matagumpay na itinaas ng isang pulis ang isang maliit na camera na nakita niya mula sa tv. “May nahanap akong hidden camera!” anunsyo niya. Napatingin ang lahat sa pulis na iyon at saka lumapit si Bogart dala ang ziplock na ang laman ay mga nakolektang hidden cameras ng apartment. Binuksan niya ang ziplock at ipinasok ng pulis camera.Malalim na ang gabi at pagod na pagod na ang mga pulis dahil umabot ng alas dos ng madaling araw ang imbestigasyon.Sa wakas ay nagsalita na si Inspector Cruz upang tapusin na ang operasyon. “Alright, let’s wrap up!” sabi niya.Bumaling ang tingin ni Inspector Cruz kay Bogart na nakatayo pa rin habang hawak ang ziplock. Nakaramdam siya ng lamig at napalunok. Nanlilisik ang mga mata ng inspektor na may halong panghihinala. May kung anong likid
TAHIMIK na nakahiga si Mari sa kama nang pumasok bigla si Clarence sa kwarto niya. Napansin ni Mari ang pagod at paghahabol hininga nito. Kunot ang noong pinagmasdan niya ang asawa. “Anong nangyayari sa’yo?” tanong niya. Huminga nang malalim si Clarence. “Bitsy is dead. Someone killed her!” nginig ang boses niyang sinabi iyon. Napasinghap si Mari. Pumasok sa loob ang mga kasama niya nang marinig iyon. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa balita.Pagod at pinagpapawisan si Clarence dahil sa kamamadali niyang bumalik sa ospital. Umupo siya sa tabi ni Mari upang magpahinga.“And how about the video?” tanong ni Mari.“Inspector Cruz is trying to locate Bitsy's corporate laptop. They might call any moment. They're still investigating,” tugon niya.Napatingin sa malayo si Mari at biglang gumilid ang luha niya. Hindi niya inakalang madadamay ang secretary niya rito. Malaking responsibilidad din ito sa kanya at kasabay no’n ay nakokonsensya siya.“This is all my fault,” ani Mari sa sarili.
One hour ago… Madilim ang kalye habang naglalakad si Bitsy pabalik sa apartment niya. Wala na kasi siyang oras magluto kaya sa convenience store na lang siya bumili ng dinner. Habang naglalakad sa pasilyo patungong apartment ay may nakita siyang anino at yapak na tantya niyang isang lalaki na parang sinusundan siya. Nagmadali siyang lumakad hanggang sa nakabalik siya. Pagdating niya sa loob ay agad siyang dumiretso sa kusina. Nahagip ng kanyang mata ang mahinang liwanag mula sa nakabukas na corporate laptop ng Harrington sa ibabaw ng lamesa. Hindi pa kasi niya nai-su-surrender ito dahil may mga importanteng files pa siyang kailangan kunin upang matulungan niya ang boss niyang si Mari. Umupo siya sa lamesa at sinuri ang laptop niya. May mga nakatagong footage ang laptop niya galing sa hidden camera at kailangan niya i-upload ito sa email at maipadala kay Mari. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa progress bar sa screen. “Sixty five percent pa lang?” reklamo niya rito haban
KUNOT ang noo at palakad-lakad si Kate sa gilid ng pool habang hawak niya ang red wine glass. Patuloy na ginugulo ang isip niya nang dahil sa sinabi ni Mari tungkol sa hidden camera sa opisina nito. Napahinto siya sa ginagawa niya nang magsitindig ang mga balahibong ma-realize na baka iyon ang magpapabagsak sa kanya. “What’s the problem, Kate?” tanong ni Silvana na kanina pa nakaupo sa foldable lounge chair habang pinagmamasdan ang anak. Nang pagod na ang mga paa ni Kate ay umupo siya katabi ng mommy niya. “I have a big problem, Mom. May hidden camera sa opisina ni Mari at kailangan ko iyon mabura,” nababahalang sabi ni Kate. Ngumisi lang si Silvana. Kinuha niya ang kanyang kape sa side table saka niya sinimsim iyon. Napatingin si Kate sa mommy niya habang inaabangan ang sunod nitong sasabihin. “Malaki ang posibilidad na ang secretary ni Mari ang may hawak no’n. Nabalitaan kong naaksidente si Mari at sinugod sa ospital.” Nanlaki ang mata ni Kate. Natuwa siya nang marinig iyon.
NASA mansyon na si Clarence at halos mag-iisang oras na siyang naghihintay ngunit wala pa ang asawa niya. Panay lakad niya sa sala at patuloy ang pag-usisa niya sa labas nagbabakasakaling nakaparada na ang sasakyan ni Mari. Nakailang tawag na siya sa kanyang cell phone pero hindi siya nito sinasagot. Napansin ni Epiphania ang bawat galaw ni Clarence. Pati siya ay nababahala na rin dahil wala na siyang balita kay Mari. “Wala pa rin ba ang apo ko?” tanong niya nang lapitan niya ito. Umiling si Clarence. “Hindi po siya sumasagot.” Nginig ang kamay ni Clarence. At sa bawat segundong lumilipas ay mas lalo siyang kinakabahan. Binalik niya ang kanyang isip kanina nang pumasok siya sa opisina. Dala-dala ni Mike ang tablet niya habang nagmamadaling pumasok ito sa opisina ni Clarence. Kunot ang noo niyang binigay iyon sa boss. “Sir, trending ngayon si Mari sa social media,” wika ni Mike nang ipakita ang article. Hinawakan ni Clarence ang tablet at napahinto siya nang bumungad sa k
MATAGUMPAY na ngiti ang ginawa ni Kate. Masaya siyang makitang nababalisa na si Mari. “See? Ang DNA na mismo ang nasabi na hindi ka parte ng pamilyang ito, Mari,” sabi ni Kate na may halong pangungutyang boses. "You've caused enough trouble, Mari. Leave this house and never come back," utos ni Silvana rito. Ilang segundo ang nakalipas ay kumunot ang noo ni Silvana. Hindi pa rin kasi umaalis ito. “Ano? Hindi ka pa aalis sa mansyon?” Nilakasan ni Silvana ang boses niya. “Guard!” Agad na pumasok sa sala ang gwardya nila. “Yes po, Ma’am?” “Kaladkarin niyo nga palabas itong kutong lupa. Siguraduhin niyo lang na hindi na siya makakaapak pa sa mansyong ito!” inis na sabi ni Silvana. Agad na hinawakan ng gwardya ang braso ni Mari. “Bitawan mo ako! Kaya kong maglakad palabas ng mansyon!” pagpumiglas na sabi ni Mari kaya agad naman siyang binitawan ng gwardya. Bago umalis si Mari ay lumingon muna siya sa kanila. "Someday, you'll regret treating me like this. And I'll make sure of it.
NGINIG ang kamay at halos mabitawan ni Mari ang cell phone niya at napaupo siya muli sa kanyang kama. Hindi siya makapaniwala sa balitang si Kate pala ang tunay na Harrington at hindi siya. Nag-trending pa sa social media ang nangyari sa kanila ni Estefan. Umiling si Mari. “That’s not true. Ako ang totoong Harrington, hindi si Kate,” aniya habang nakatingin siya sa malayo.Naguguluhan siya. Paano nalaman ni Estefan ang tungkol kay Mr. X? May kinalaman ba si Kate rito? Ilang sandali pa ay muling bumalik si Epiphania sa kwarto. “Mari,” malungkot na sabi ng matanda saka hinagkan ang apo. “Narinig ko ang balita sa TV tungkol sa nangyari. Alam kong na-frame up ka. Alam kong hindi totoo ang sinasabi nila. Hindi totoong hindi ikaw ang Harrington. Mabait si Sharon, hindi niya magagawa ang lokohin ang pamilya niya lalo na si Robert.” Tulalang bumagsak ang mga luha ni Mari habang yakap siya ni Epiphania. May takot na bumabalot sa isipan niya. Nag-aalala siya sa kung ano ang iisipin ng mga