PAGLABAS ni Ricca sa main entrance ng condo building na inuupahan niya ay napahinto siya nang makita ang isang matangkad na lalaki na nakasandal sa itim na kotse. It was Mike again?! At ngayon ay driver niya ito papunta sa meeting place niya with Clarence at Mari. Napabuga ng hangin si Ricca nang pagbuksan siya ng pinto nito sa front seat. She rolled her eyes at pumasok siya sa back seat. Hindi siya komportable makatabi ito sa unahan. Lalo pa’t maalala niya ang una nilang tagpo sa Harrington company. Napahugot nang malalim na hininga si Mike sa ginawa ni Ricca. Dahan-dahan niyang nilabas ang hangin kasabay ng pagsara niya ng pinto. Tahimik siyang pumasok sa driver’s seat at saka pinaandar ang sasakyan. Tila hindi makabasag ng pinggan sa sobrang tahimik ng dalawa. Ayaw naman magsalita si Mike at baka barahin lang siya ni Ricca. Nagpatugtog na lang siya ng music sa loob. Now playing: You Belong With Me by Taylor Swift. Maya-maya pa ay biglang tumawa si Ricca nang mapansin ni
“MAG PINSAN tayo?!” sabay-sabay na bigkas ng tatlo. Napahigit ng paghinga si Ricca at kagyat na tinakpan ang bibig. "Oh my gosh! I can't believe this twist is real," utas pa ni Ricca habang pinapaypay ang sarili at saka siya uminom ng tubig. Katulad ni Ricca ay kumuha si Mari ng isang basong tubig saka nilagok iyon. “Me neither,” tugon niya pagkatapos pinahid ng tissue ang mga labi niya. Samantala, malalim naman ang iniisip ni Vina. “So, anak ka ng kapatid ni mom?” tanong ni Vina kay Ricca. "No, actually, I'm directly related to my grandfather Don Edward Dalton—the brother of Don Emilio. Anak ni grandpa ang mommy ko na si Joanna Dalton–-Suazon. So, technically, we're second cousins," paliwanag ni Ricca. Hanggang ngayon ay inaalam pa rin ng magkapatid ang family tree ng Dalton. "Do you have any idea about our lineage? I'm really confused about our family," tanong muli ni Mari. Inaalala ni Ricca lahat ng kasaysayan ng pamilyang Dalton. After that, she leaned forward. “You
EARLIER PANAY lakad ni Kate sa kwarto niya habang iniisip kung ano ang gagawin niyang plano para maghiwalay sina Clarence at Mari. Hindi na rin kasi niya maaasahan si Gabby para tulungan siya. Napahinto si Kate saka nilabas niya ang kanyang cell phone. Kailangan niya ngayon tawagin si Bitsy—ang secretary ni Mari. “Hello, Bitsy? Nasa’n si Mari ngayon?” “Uhm, may nilakad po siya, Ma’am Kate, eh. At saka diretso na siya uwi mamaya. Bakit po pala? Kung may sasabihin po kayo, baka bukas ko pa ma-re-relay sa kanya unless importante.” “No need. Gusto ko lang naman makausap si Mari sa personal. Maybe next time bibisita ako sa office niya. Thank you, Bitsy,” pagsisinungaling ni Kate. Pagkababa ng cell phone ay napangisi si Kate. “Kung wala si Mari, ibig sabihin, malaya akong makakapasok sa office niya?” tanong niya sa sarili. Nagbabakasakali si Kate na baka may makuha siyang bagay na magpapahina kay Mari. Nagmadali siyang bumalik ng Harrington building. Pagdating niya sa opis
MARI led the way to the conference room samantalang sumusunod naman sa likod niya ang secretary niyang si Bitsy. Excited na ibahagi ni Mari sa meeting ang tungkol sa collaboration niya kay Mr. X. “Good morning, everyone,” Mari began as she took her place at the head of the table. Inayos naman ni Bitsy ang mga papel at file sa harap niya. “Thank you all for being here today. I’m thrilled to announce some exciting news regarding our project.” Sabik na lumingon ang mga tao kay Mari. Inaabangan ng mga ito ang sunod na sasabihin ng boss nila. “We’ve recently established a collaboration with Mr. X,” patuloy na sabi ni Mari na may halong sigla ang boses. As many of you know, Mr. X is a renowned and wealthy entrepreneur with a global presence." Nanlaki ang mata ng mga kasamahan ni Mari at nagbulong-bulungan ito. Kinikilala nila ang kahalagaan ng partnership na iyon. “Kahapon, Mr. X reached out to me via email," nakangiting sabi ni Mari. "He expressed his interest in investing in Harring
Kanina sa boarding house ni Estefan…KARARATING lang ni Bella sa boarding house ni Estefan para surpresahin ito. Nakakunot ang noo niya nang makitang nakaayos ito. “Saan ka pupunta?” tanong ni Bella. “May raket ako. At teka nga, paano ka nakapasok sa boarding house ng mga lalaki?” tanong ni Estefan habang inaayos ang maroon blouse na matagal nang nakatago sa kabinet niya. “Matagal kitang hinanap, Estefan. Ginawa ko ang lahat para makapasok ako, nakiusap ako sa landlady niyo. Raket? Kay Kate ba galing iyan?” Napahinto si Estefan nang marining ang pangalan ni Kate. Nanliit ang mata niya at nilapitan si Bella. “Anong alam mo, Bella? Tell me!”“I called Kate to ask for help. Kunwari nasa hospital si mama kaya kailangan ko ng pera, hindi ko naman alam na kakagatin niya ang pagpapanggap ko. Pero kapalit ay binigay ko ang number mo. Ako ang dahilan kung bakit may ugnayan kayong dalawa ngayon.” “I am doing this para makuha ko ang matagal ko nang inaasam na trabaho at posisyon. Kaya h’w
“ALAM mo, Estefan, ang hina ng kokote mo! Kung hindi ko nakita ang hidden camera na naka-install sa teddy bear na iyon, baka nakita na ang mukha mo sa video! Hindi ba’t sinabi ko na sa’yo na delikado si Kate? Paano kung madamay ka, ha?” inis na sabi ni Bella kay Estefan. Nakaupo sa couch si Estefan. Nasa bahay siya ni Bella at hawak-hawak niya ang ice bag na nakadikit sa pisngi niya. “Alam ko naman iyon, Bella. Kaya nga dapat nakatalikod ako sa stuffed toy na iyon. Pero bakit ka ba pumasok?! Sinundan mo ba ako?” “Malamang! Alam ko naman kasi na may balak kayo ni Kate kaya sumunod na ako. At saka… hindi ako natutuwa sa ginawa mo kanina kay Mari! Nagseselos ako!” Nagsalubong ang mga kilay ni Estefan. “Ano bang pakialam mo? Hindi na ako babalik sa’yo, Bella!” Huminga nang malalim si Bella saka umupo sa tabi ni Estefan. Hinawakan niya ang kabilang kamay nito saka siya nagsalita. “Gusto mong lumayo ako sa’yo?” malambing na tanong ni Bella na may halong sarkastikong boses. “Tinata
NGINIG ang kamay at halos mabitawan ni Mari ang cell phone niya at napaupo siya muli sa kanyang kama. Hindi siya makapaniwala sa balitang si Kate pala ang tunay na Harrington at hindi siya. Nag-trending pa sa social media ang nangyari sa kanila ni Estefan. Umiling si Mari. “That’s not true. Ako ang totoong Harrington, hindi si Kate,” aniya habang nakatingin siya sa malayo.Naguguluhan siya. Paano nalaman ni Estefan ang tungkol kay Mr. X? May kinalaman ba si Kate rito? Ilang sandali pa ay muling bumalik si Epiphania sa kwarto. “Mari,” malungkot na sabi ng matanda saka hinagkan ang apo. “Narinig ko ang balita sa TV tungkol sa nangyari. Alam kong na-frame up ka. Alam kong hindi totoo ang sinasabi nila. Hindi totoong hindi ikaw ang Harrington. Mabait si Sharon, hindi niya magagawa ang lokohin ang pamilya niya lalo na si Robert.” Tulalang bumagsak ang mga luha ni Mari habang yakap siya ni Epiphania. May takot na bumabalot sa isipan niya. Nag-aalala siya sa kung ano ang iisipin ng mga
MATAGUMPAY na ngiti ang ginawa ni Kate. Masaya siyang makitang nababalisa na si Mari. “See? Ang DNA na mismo ang nasabi na hindi ka parte ng pamilyang ito, Mari,” sabi ni Kate na may halong pangungutyang boses. "You've caused enough trouble, Mari. Leave this house and never come back," utos ni Silvana rito. Ilang segundo ang nakalipas ay kumunot ang noo ni Silvana. Hindi pa rin kasi umaalis ito. “Ano? Hindi ka pa aalis sa mansyon?” Nilakasan ni Silvana ang boses niya. “Guard!” Agad na pumasok sa sala ang gwardya nila. “Yes po, Ma’am?” “Kaladkarin niyo nga palabas itong kutong lupa. Siguraduhin niyo lang na hindi na siya makakaapak pa sa mansyong ito!” inis na sabi ni Silvana. Agad na hinawakan ng gwardya ang braso ni Mari. “Bitawan mo ako! Kaya kong maglakad palabas ng mansyon!” pagpumiglas na sabi ni Mari kaya agad naman siyang binitawan ng gwardya. Bago umalis si Mari ay lumingon muna siya sa kanila. "Someday, you'll regret treating me like this. And I'll make sure of it.