“ALAM mo, Estefan, ang hina ng kokote mo! Kung hindi ko nakita ang hidden camera na naka-install sa teddy bear na iyon, baka nakita na ang mukha mo sa video! Hindi ba’t sinabi ko na sa’yo na delikado si Kate? Paano kung madamay ka, ha?” inis na sabi ni Bella kay Estefan. Nakaupo sa couch si Estefan. Nasa bahay siya ni Bella at hawak-hawak niya ang ice bag na nakadikit sa pisngi niya. “Alam ko naman iyon, Bella. Kaya nga dapat nakatalikod ako sa stuffed toy na iyon. Pero bakit ka ba pumasok?! Sinundan mo ba ako?” “Malamang! Alam ko naman kasi na may balak kayo ni Kate kaya sumunod na ako. At saka… hindi ako natutuwa sa ginawa mo kanina kay Mari! Nagseselos ako!” Nagsalubong ang mga kilay ni Estefan. “Ano bang pakialam mo? Hindi na ako babalik sa’yo, Bella!” Huminga nang malalim si Bella saka umupo sa tabi ni Estefan. Hinawakan niya ang kabilang kamay nito saka siya nagsalita. “Gusto mong lumayo ako sa’yo?” malambing na tanong ni Bella na may halong sarkastikong boses. “
NGINIG ang kamay at halos mabitawan ni Mari ang cell phone niya at napaupo siya muli sa kanyang kama. Hindi siya makapaniwala sa balitang si Kate pala ang tunay na Harrington at hindi siya. Nag-trending pa sa social media ang nangyari sa kanila ni Estefan. Umiling si Mari. “That’s not true. Ako ang totoong Harrington, hindi si Kate,” aniya habang nakatingin siya sa malayo.Naguguluhan siya. Paano nalaman ni Estefan ang tungkol kay Mr. X? May kinalaman ba si Kate rito? Ilang sandali pa ay muling bumalik si Epiphania sa kwarto. “Mari,” malungkot na sabi ng matanda saka hinagkan ang apo. “Narinig ko ang balita sa TV tungkol sa nangyari. Alam kong na-frame up ka. Alam kong hindi totoo ang sinasabi nila. Hindi totoong hindi ikaw ang Harrington. Mabait si Sharon, hindi niya magagawa ang lokohin ang pamilya niya lalo na si Robert.” Tulalang bumagsak ang mga luha ni Mari habang yakap siya ni Epiphania. May takot na bumabalot sa isipan niya. Nag-aalala siya sa kung ano ang iisipin ng mga
MATAGUMPAY na ngiti ang ginawa ni Kate. Masaya siyang makitang nababalisa na si Mari. “See? Ang DNA na mismo ang nasabi na hindi ka parte ng pamilyang ito, Mari,” sabi ni Kate na may halong pangungutyang boses. "You've caused enough trouble, Mari. Leave this house and never come back," utos ni Silvana rito. Ilang segundo ang nakalipas ay kumunot ang noo ni Silvana. Hindi pa rin kasi umaalis ito. “Ano? Hindi ka pa aalis sa mansyon?” Nilakasan ni Silvana ang boses niya. “Guard!” Agad na pumasok sa sala ang gwardya nila. “Yes po, Ma’am?” “Kaladkarin niyo nga palabas itong kutong lupa. Siguraduhin niyo lang na hindi na siya makakaapak pa sa mansyong ito!” inis na sabi ni Silvana. Agad na hinawakan ng gwardya ang braso ni Mari. “Bitawan mo ako! Kaya kong maglakad palabas ng mansyon!” pagpumiglas na sabi ni Mari kaya agad naman siyang binitawan ng gwardya. Bago umalis si Mari ay lumingon muna siya sa kanila. "Someday, you'll regret treating me like this. And I'll make sure of it.
NASA mansyon na si Clarence at halos mag-iisang oras na siyang naghihintay ngunit wala pa ang asawa niya. Panay lakad niya sa sala at patuloy ang pag-usisa niya sa labas nagbabakasakaling nakaparada na ang sasakyan ni Mari. Nakailang tawag na siya sa kanyang cell phone pero hindi siya nito sinasagot. Napansin ni Epiphania ang bawat galaw ni Clarence. Pati siya ay nababahala na rin dahil wala na siyang balita kay Mari. “Wala pa rin ba ang apo ko?” tanong niya nang lapitan niya ito. Umiling si Clarence. “Hindi po siya sumasagot.” Nginig ang kamay ni Clarence. At sa bawat segundong lumilipas ay mas lalo siyang kinakabahan. Binalik niya ang kanyang isip kanina nang pumasok siya sa opisina. Dala-dala ni Mike ang tablet niya habang nagmamadaling pumasok ito sa opisina ni Clarence. Kunot ang noo niyang binigay iyon sa boss. “Sir, trending ngayon si Mari sa social media,” wika ni Mike nang ipakita ang article. Hinawakan ni Clarence ang tablet at napahinto siya nang bumungad sa k
KUNOT ang noo at palakad-lakad si Kate sa gilid ng pool habang hawak niya ang red wine glass. Patuloy na ginugulo ang isip niya nang dahil sa sinabi ni Mari tungkol sa hidden camera sa opisina nito. Napahinto siya sa ginagawa niya nang magsitindig ang mga balahibong ma-realize na baka iyon ang magpapabagsak sa kanya. “What’s the problem, Kate?” tanong ni Silvana na kanina pa nakaupo sa foldable lounge chair habang pinagmamasdan ang anak. Nang pagod na ang mga paa ni Kate ay umupo siya katabi ng mommy niya. “I have a big problem, Mom. May hidden camera sa opisina ni Mari at kailangan ko iyon mabura,” nababahalang sabi ni Kate. Ngumisi lang si Silvana. Kinuha niya ang kanyang kape sa side table saka niya sinimsim iyon. Napatingin si Kate sa mommy niya habang inaabangan ang sunod nitong sasabihin. “Malaki ang posibilidad na ang secretary ni Mari ang may hawak no’n. Nabalitaan kong naaksidente si Mari at sinugod sa ospital.” Nanlaki ang mata ni Kate. Natuwa siya nang marinig iyon.
One hour ago… Madilim ang kalye habang naglalakad si Bitsy pabalik sa apartment niya. Wala na kasi siyang oras magluto kaya sa convenience store na lang siya bumili ng dinner. Habang naglalakad sa pasilyo patungong apartment ay may nakita siyang anino at yapak na tantya niyang isang lalaki na parang sinusundan siya. Nagmadali siyang lumakad hanggang sa nakabalik siya. Pagdating niya sa loob ay agad siyang dumiretso sa kusina. Nahagip ng kanyang mata ang mahinang liwanag mula sa nakabukas na corporate laptop ng Harrington sa ibabaw ng lamesa. Hindi pa kasi niya nai-su-surrender ito dahil may mga importanteng files pa siyang kailangan kunin upang matulungan niya ang boss niyang si Mari. Umupo siya sa lamesa at sinuri ang laptop niya. May mga nakatagong footage ang laptop niya galing sa hidden camera at kailangan niya i-upload ito sa email at maipadala kay Mari. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa progress bar sa screen. “Sixty five percent pa lang?” reklamo niya rito haban
TAHIMIK na nakahiga si Mari sa kama nang pumasok bigla si Clarence sa kwarto niya. Napansin ni Mari ang pagod at paghahabol hininga nito. Kunot ang noong pinagmasdan niya ang asawa. “Anong nangyayari sa’yo?” tanong niya. Huminga nang malalim si Clarence. “Bitsy is dead. Someone killed her!” nginig ang boses niyang sinabi iyon. Napasinghap si Mari. Pumasok sa loob ang mga kasama niya nang marinig iyon. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa balita.Pagod at pinagpapawisan si Clarence dahil sa kamamadali niyang bumalik sa ospital. Umupo siya sa tabi ni Mari upang magpahinga.“And how about the video?” tanong ni Mari.“Inspector Cruz is trying to locate Bitsy's corporate laptop. They might call any moment. They're still investigating,” tugon niya.Napatingin sa malayo si Mari at biglang gumilid ang luha niya. Hindi niya inakalang madadamay ang secretary niya rito. Malaking responsibilidad din ito sa kanya at kasabay no’n ay nakokonsensya siya.“This is all my fault,” ani Mari sa sarili.
HABANG busy ang mga tauhan ni Inspector Cruz sa paghahanap ng mga hidden camera sa loob ng apartment ay naroon si Bogart, nagpapanggap ito biglang isang parte ng team. Isang bulalas ang bumasag sa katahimikan nang matagumpay na itinaas ng isang pulis ang isang maliit na camera na nakita niya mula sa tv. “May nahanap akong hidden camera!” anunsyo niya. Napatingin ang lahat sa pulis na iyon at saka lumapit si Bogart dala ang ziplock na ang laman ay mga nakolektang hidden cameras ng apartment. Binuksan niya ang ziplock at ipinasok ng pulis camera.Malalim na ang gabi at pagod na pagod na ang mga pulis dahil umabot ng alas dos ng madaling araw ang imbestigasyon.Sa wakas ay nagsalita na si Inspector Cruz upang tapusin na ang operasyon. “Alright, let’s wrap up!” sabi niya.Bumaling ang tingin ni Inspector Cruz kay Bogart na nakatayo pa rin habang hawak ang ziplock. Nakaramdam siya ng lamig at napalunok. Nanlilisik ang mga mata ng inspektor na may halong panghihinala. May kung anong likid
Nanliit ang mata ni Kate, sinusubukang alamin kung ano ang dahilan ng pagpunta ni Mari sa kulungan. Iniisip niya na baka nandito ito para pagtawanan siya o ipamukha ang pagkakamali niya.“Are you here to mock me, Mari? Makakalabas ako rito. So please—”Hindi natapos ni Kate ang sasabihin niya nang mapansin niyang tumulo ang luha ni Mari. Biglang natigilan si Kate. Pinagmamasdan niya ang mugtong mata ni Mari, na tila bang pagod na itong umiyak. Hindi niya inasahan na makikita niya itong mahina, na parang may dinadalang mabigat na problema.“Mari…” mahinang bigkas ni Kate habang nakatingin dito. Para siyang napako sa kinatatayuan niya, hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Inayos ni Kate ang sarili niya, she stood herself na para bang gusto niyang kalabanin si Mari. Lahat ng dinanas niyang hirap sa kulungan ay kailangan pagbayaran ng kapatid niya.Magsasalita pa sana niya nang biglang hinawakan ni Mari ang kamay ni Kate. Sa gulat, napaatras si Kate, pero hindi niya napigilan ang sari
Napangiti si Kate nang makita ang presensya ng mommy niya. Nasa loob sila ng kuwarto na may harang na glass sa pagitan nila. Dito ginagawa ng mga taong gustong bisitahin ang mga preso."Makakalabas na ba ako, Mom?" excited na tanong niya. Napansin ni Kate ang biglaang pagbabago sa mukha ni Silvana. Tila lumungkot ang mata nito, at ang kanyang mga labi ay parang nag-aalangan bago magsalita."Kate..." malumanay na sabi ni Silvana, "hindi ka na makakalabas nang basta-basta dito."Marahang tumawa si Kate habang nangigilid ang mga luha sa mata. "That's not true, Mom," aniya habang umiiling siya. "I know dad will come here to get me out," dagdag pa niya."At hindi na mangyayari iyon, Kate. Pinapalayas na ako ng daddy mo."Napatindig sa gulat si Kate. "What?!" galit na tanong niya. Gulong-gulo ang isip niya. Paano nagawa ni Robert iyon sa sarili nitong asawa? At bakit hahayaan ang anak niyang mabulok sa kulongan?"I don't understand you, Mom. What do you mean na pinalayas ka ni dad? Nag-aw
"MARI, wait for me!"Hingal na hingal si Ricca habang hinahabol niya ang pinsan. Nang huminto si Mari at lumingon ay natigilan siya. Umiiyak na pala ito."Mari..." mahinang tawag niya.Agad na pinahid ni Mari ang luha sa mga mata niya, pero bakas pa rin sa mukha niya ang sakit.Lumapit si Ricca at hinawakan ang balikat nito. "Huwag mo masyadong dibdibin ang nalaman mo, Mari."Bumuntong-hininga si Mari at tumingin sa malayo. Pinipigilan niya ang sariling di humikbi, pero hindi na niya kaya. Nagsimula na ulit tumulo ang luha niya."Pagod na ako, Ricca," mahinang sabi niya. "Pagod na akong gawin ang lahat para maayos ang pamilya ko. Lahat sinunod ko naman, yung tradisyon na iyon ginawa ko dahil mahal ko si dad. Kahit alam kong sobra na. Akala ko kasi, kapag ginawa ko iyon, baka matutunan niya akong mahalin bilang anak niya."Nagulat si Ricca sa narinig niya, pero nanatili siyang tahimik."No'ng nalaman kong hindi ako anak ni dad? Masakit. At tinanggap ko iyon. Pero alam mo ang mas masaki
MALAKAS na hiyaw ang ginawa ni Kate habang nasa loob siya ng kulungan. Nag-echo mula sa selda niya hanggang sa opisina ni Severano ang pagwawala nito. Huminga na lang siya nang malalim Mahigpit ang pagkakahawak ni Kate sa rehas. “Let me out! Let me out!” sigaw niya na halos mapaos sa lakas ng boses.Isang mataba at kulot na buhok na babae ang lumapit kay Kate at kinalabit siya nito. Pagkalingon ni Kate ay napatingala siya dahil mas matangkad pa ito sa kanya. Seryosong tiningnan siya ng babae, dahil do’n ay napalunok siya. Kahit nakakatakot ang hitsura nito ay minarapat niyang maging matatag sa harap nito. “What do you want?” lakas loob na tanong niya sa babae na tila bang hinahamon niya ito.Nagtawanan ang mga babae sa loob ng selda kasama ang matabang babae. “Ang lakas naman ng loob mo, ano? Sa seldang ito, ako lang ang masusunod. Kaya tigil-tigilan mo ‘yang pagwawala mo, baka pagkamalan kang baliw at mapunta ka sa mental hospital,” salaysay ng babae saka nagtawanan ang lahat.Big
NAKAUPO ngayon si Mike habang naghihintay na ibigay ni Yssa sa kanya ang resulta ng DNA test. Lumipas ang halos sampung minuto ay napatayo siya na makita ang presensya nito na naglalakad patungo sa kanya.“Pasensya na po kung medyo natagalan. Ito na po ang DNA test result nila,” wika ni Yssa nang iunat ang envelope kay Mike. “Thank you, Yssa,” pasalamat niya rito saka agad siyang umalis.Pagpasok ni Mike sa loob ng kotse ay agad niyang binuksan ang envelope. Nanlaki ang mata niya sa nakita niyang resulta. Dumukot ng cell phone si Mike sa bulsa at tinawagan si Clarence.“Sir, I already got the result. Papunta na ako sa opisina niyo.” Binaba ni Mike ang tawag at nagsimulang magmaneho papuntang Sinclair Company.Nasa entrance siya nang makita niya si Ricca sa unahan hanggang sa pareho silang pumasok sa elevator. Dahil dalawa lang sila sa loob ay agad na napansin ni Ricca ang presensya ni Mike. “You saw me earlier, right? No greetings at all?”Nanatiling nakatingin si Mike sa
HAWAK ni Mari ang tablet niya nang maupo siya sa sala. Pinapanuod niya mula rito ang video na nakuha ng dalawang hidden camera; ang sa opisina niya at sa apartment ni Bitsy. Naikuyom ni Mari ang kaniyang kamay kasabay ng pag gilid ng luha niya nang makita kung paanong sinaksak ng tauhan ni Kate ang walang kalaban-labang Bitsy. Napalunok siya upang pigilan ang h’wag humikbi.Halos tatlong araw na walang maayos na tulog sina Clarence at Mari dahil sinamahan nila ang technician habang inaayos ang laptop at ma-restore ang video. “Stop it, Mari,” sabi ni Clarence. Kinuha niya ang tablet kay Mari at nilagay ito sa center table saka siya tumabi rito.“I don’t get the point, Clarence. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kasama si Kate. Na bakit kailangan pa niyang mangdamay ng ibang tao?” mangiyak-ngiyak na wika ni Mari. “H’wag mo na isipin iyon, Mari. Basta alam na nating masamang tao si Kate.” Napabuntong-hininga si Clarence at sa mukha niya ay may halong pag-aalala ay pagkadismaya
HULING araw na ni Bitsy nang bumisita si Mari sa chapel. Mabuti na lang ay nakahabol siya pagkatapos ng limang araw na pagpapahinga niya sa ospital. Umuwi na rin ang mga kaibigan niya sa Baguio. Hindi na niya sinama pa ang mga kaibigan at pamilya niya sa lamay dahil gusto niyang mapag-isa.Pagpasok ni Mari sa loob ay dinig niya hikbi ng pamilya sa pagkawala ng sekretarya niya. Sa bawat paghakbang niya patungo sa kabaong ni Bitsy ay unti-unti niyang nararamdaman ang matinding bigat at panghihinayang. “I’m sorry, Bitsy.” Iyon lamang ang lumabas sa bibig niya at saka tumulo ang kanyang luha. Pagkatapos niyang tingnan ang labi ng sekretarya ay lumapit siya sa ina nito upang makiramay. “I am sorry for your loss, M’am Merideth. Nakikiramay ako,” malungkot niyang sabi sa ina ni Bitsy. Hahawakan niya sana ang balikat nito nang bigla siyang tinulak palayo. “Ikaw! Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang anak ko!” sigaw ng nanay ni Bitsy na may halong pagbibintang. Nagdulot ng malak
HABANG busy ang mga tauhan ni Inspector Cruz sa paghahanap ng mga hidden camera sa loob ng apartment ay naroon si Bogart, nagpapanggap ito biglang isang parte ng team. Isang bulalas ang bumasag sa katahimikan nang matagumpay na itinaas ng isang pulis ang isang maliit na camera na nakita niya mula sa tv. “May nahanap akong hidden camera!” anunsyo niya. Napatingin ang lahat sa pulis na iyon at saka lumapit si Bogart dala ang ziplock na ang laman ay mga nakolektang hidden cameras ng apartment. Binuksan niya ang ziplock at ipinasok ng pulis camera.Malalim na ang gabi at pagod na pagod na ang mga pulis dahil umabot ng alas dos ng madaling araw ang imbestigasyon.Sa wakas ay nagsalita na si Inspector Cruz upang tapusin na ang operasyon. “Alright, let’s wrap up!” sabi niya.Bumaling ang tingin ni Inspector Cruz kay Bogart na nakatayo pa rin habang hawak ang ziplock. Nakaramdam siya ng lamig at napalunok. Nanlilisik ang mga mata ng inspektor na may halong panghihinala. May kung anong likid
TAHIMIK na nakahiga si Mari sa kama nang pumasok bigla si Clarence sa kwarto niya. Napansin ni Mari ang pagod at paghahabol hininga nito. Kunot ang noong pinagmasdan niya ang asawa. “Anong nangyayari sa’yo?” tanong niya. Huminga nang malalim si Clarence. “Bitsy is dead. Someone killed her!” nginig ang boses niyang sinabi iyon. Napasinghap si Mari. Pumasok sa loob ang mga kasama niya nang marinig iyon. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa balita.Pagod at pinagpapawisan si Clarence dahil sa kamamadali niyang bumalik sa ospital. Umupo siya sa tabi ni Mari upang magpahinga.“And how about the video?” tanong ni Mari.“Inspector Cruz is trying to locate Bitsy's corporate laptop. They might call any moment. They're still investigating,” tugon niya.Napatingin sa malayo si Mari at biglang gumilid ang luha niya. Hindi niya inakalang madadamay ang secretary niya rito. Malaking responsibilidad din ito sa kanya at kasabay no’n ay nakokonsensya siya.“This is all my fault,” ani Mari sa sarili.