NAGISING si Mari na may basang tuwalya sa noo niya. Tila bang tinakasan na siya ng lakas nang subukan niyang iangat ang kanyang kamay para tanggalin ang tuwalya. Nanginginig din ang buo niyang katawan sa lamig. At mahapdi rin ang mata niya. “Inaapoy ka ng lagnat kanina, Mari. Hay naku, nagpaulan ka kasi kagabi. Kapag kaya mo nang bumangon, may lugaw sa lamesa, kainin mo ah?” nag-aalalang tanong ng Epiphania saka lumabas ito ng kwarto. Bigla na lamang niyang naalala ang nangyari sa kanila ni Clarence. Napabuga siya nang hangin at natawa. Binasbasan lang naman sila ng langit, hindi niya inaasahan na magkakasakit siya pagkatapos nito. Si Clarence, kumusta kaya? Kahit masakit ang ulo ni Mari ay sinubukan niyang bumangon at kunin ang cell phone niya. Napanguso siya nang mabigong wala ni isang tawag mula kay Clarence. Huminga siya nang malalim nang ibalik sa drawer ito. Nakaramdam ng pagkulo ng tyan si Mari, nagugutom na siya. Natungo siya sa lamesa at kumain ng lugaw saka uminom ng
NAPASIGAW si Mari sa gulat at lumayo rito. Pagtingin niya sa sahig ay nakita niya ang damit ni Clarence. Dahil do’n ay napausisa siya sa sarili. Nakahinga siya nang maluwag na makitang may saplot pa siya. Napabalikwas si Mari nang humikab si Clarence habang dinidilat ang mata nito. Nagtama ang paningin nila. Napahinto si Clarence. At nang mapansin niya na wala na siyang saplot ay bumaba siya at kinuha ang damit sa sahig. Dagling sinuot niya iyon. “I’m sorry. Pinagpawisan ako kagabi,” lakas loob na sabi ni Clarence. He’s trying to stay calm in front of Mari. “A-Ayos lang, Clarence. Are you feeling better now?” tanong ni Mari na may halo pa ring kaba. Imbis na sumagot si Clarence ay tinitigan niya lang si Mari. Maya-maya pa ay nilapitan niya ito. “Are you still not comfortable with me?” Napataas ng kilay si Mari. “What?” "Because I've noticed you seem nervous when you're around me. I want you to feel at ease with me." Nilibot ni Clarence ang kamay niya sa bewang ni Mari. He gentl
SAGLIT na napahinto ang mga empleyado ng hotel ang pagdating nina Clarence at Mari habang naglalakad sa lobby. Nalaglag ang panga nina Lina at Olivia nang makita muli ang kaibigan nila, napalitan naman iyon ng kilig na mapansin na hawak ni Clarence ang kamay ni Mari. Naisip nila na baka may magandang nangyari pagkatapos ng dinner nila noon. Pilit na tinatago ni Mari ang ngiti niya nang tapunan siya ng mapang-asar na ngiti ng mga kaibigan niya. Mas lalo tuloy siya kinikilig at kinakabahan. “G-Good morning, Sir Clarence!” maligayang pagbati ni Manager Patricia. “Good morning, Patricia,” tugon na sabi ni Clarence. Napawi ang ngiti ni Patricia nang muli niyang makita si Mari. “M-Mari? A-Anong ginagawa mo rito?” Natigilan siya nang makitang hawak ng boss niya ang kamay ni Mari. “S-Sir…” tulalang nakatingin si Patricia sa kamay ng mga ito.Tumikhim si Clarence. Tinaas niya ang boses niya para marinig ng mga taong nakapaligid sa kanya. “I would like to announce something.”Dahil do’n ay
KUYOM ang kamay ni Clarence habang naglalakad sila ni Mari papasok sa emergency room. Lumipad sila kanina mula Baguio hanggang Manila gamit ang private helicopter para puntahan lang si Kate.They stopped as soon as they entered the room. It was chaotic. Nagtatakbuhan na ang mga nurse dala ang isang kama saka dahan-dahang nilipat ang walang malay na Kate rito. Nang mai-transfer na ito ay nakita ni Clarence ang sugatan na pupulsuhin ni Kate. At saka agad na sinugod ito sa operating room. He knew that Kate planned this whole thing para makita muli siya nito. Umigting ang panga niya habang pinagmamasdan ang kaganapan patungong operating room. “Clarence…” Tila nabuhayan ang loob ni Silvanna nang makita niya muli si Clarence. Lumapit siya at mangiyak-ngiyak na hinawakan niya ang braso nito. May kung anong malamig na bagay ang naramdaman ni Clarence sa braso niya. Napayuko siya rito at nanlaki ang matang makita ang duguan na kamay ni Silvanna. Sa tingin niya ay dugo iyon ni Kate. “M-My
DAHAN-DAHANG iminulat ni Kate ang kanyang mga mata habang nakahiga sa kama. The room was blurry at first, but her vision cleared nang makita niya ang pamilyar na paligid ng ospital. Napatingin siya sa kamay niya at nakita niya rito ang nakabalot na bandage sa sugatang pulsuhan. Tila nakaramdam siya ng bigat sa katawan at pagkahilo nang akmang babangon siya. Pagtingin niya sa tabi niya ay nakita niya ang isang tumutunog na makina, ang heartbeat monitor. Narinig niya ang malambing na boses na nagmula sa pinto, "Kate, gising ka na pala!” Tanaw ni Kate ang pagdating ng ina niyang si Silvanna. Bakas sa mukha nito ang ginahawa at tuwang makitang gising na ang anak. May dala itong mga prutas at pagkain kaya inilapag muna ito sa mesa saka nilapitan si Kate. “I’m so glad that you are awake now. Hindi mo alam kung gaano ako nag-aalala sa’yo.” Ilang sandali pa ay pumasok naman si Robert. Palagay ni Kate ay galing ito sa trabaho dahil sa suot nitong business suit. “Dad…” sambit niya rito.
DUMUNGAW mula sa bintana si Epiphania nang marinig niya ang ingay ng truck at ng mga tao sa labas. Pagtingin niya ro’n ay nakita niya ang mga lalaking naka kulay asul ang uniporme na may kani-kanyang dala ng malalaking box ng karton. Di lang iyon, may mga lalaki rin na nakasuot ng black business attire at nakakabit sa mga tenga nito ang intercom earpiece. “Anong mayro’n sa labas? May bagong lipat ba?” nagtatakang tanong ni Epiphania. Nagkibit-balikat na lang siya at bumalik sa kaniyang nilulutong agahan nila ni Gianni. Matapos niyang ihain ang pagkain sa mesa ay saka naman dumating si Gianni mula sa kwarto nito. “Good morning, Lola. Wala pa rin ba si mommy?” tanong niya rito habang kinusukot ang mata niya. Huminga nang malalim si Epiphania. “Pauwi na siguro ang mommy mo ngayon. O sige na, Gianni, kumain ka na,” paglahad niya sa pagkain sa mesa. Ilang sandali pa ay biglang may kumatok sa pinto. “Saglit lang, hijo. May tao sa labas,” paalam niya kay Gianni. Pagbukas ni Ep
ISANG itim na limousine car at tatlong itim na kotse ang pumarada sa harap ng airport. Unang bumaba ang pitong mga bodyguards suot ang intercom earpiece nila saka pinagbuksan si Clarence na nasa loob ng limousine car. Pagkababa ni Clarence ay saka niya sinuot ang itim niyang sunglasses. Nauna siyang naglakad sa loob. Nasa likod niya si Mike at nasa likod naman nito ang mga bodyguards. Akala ng mga tao na may artistang pumasok sa airport dahil sa dami ng gwardya ni Clarence. Dahil do’n ay lumapit ang mga tao upang usisain si Clarence. Nagtilian naman ang mga kababaihan nang tinanggal na ni Clarence ang suot niyang salamin. Nakita lang naman nila ang napakagwapong nilalang sa airport. “Oh my ghad! Artista ba siya?!” gulat na tanong ng babae saka tinaas ang cell phone para kunan ng litrato. Ilang sandali pa ay pinigilan siya ng gwardya ni Clarence. “Bawal po iyan, Miss. Paki-delete na lang po sa cell phone niyo,” seryosong sabi ng bodyguard. Dahil sa takot ay agad na dinelete ng
SUNOD-SUNOD na pumatak ang tubig sa sahig nang pumasok sina Clarence at Mari sa loob ng mansyon dahil sa basa nilang mga damit. Magkahawak-kamay nang palihim na nagtungo ang dalawa sa isa pang daan papunta sa ikalawang palapag. Patingkayad pang hinahakbang ang hagdan hanggang sa marating nila ang pinto ng kwarto ni Clarence. “Sige na pumasok ka na sa loob at baka may makakita sa atin,” sabi ni Mari nang bitawan niya ang kamay ni Clarence. Nginig na nginig ang katawan ni Mari dahil sa lamig. Gusto na niyang maligo para makapagbihis na kaagad. Tumango si Clarence. “Right. Baka sipunin pa tayo katulad dati,” pabirong sabi ni Clarence habang siya ay nakangiti. Narinig nila ang hakbang ng paang papalapit sa direksyon nila. Gulat na nagkatinginan ang dalawa at bigla silang kinabahan. Dahil do’n ay agad na binuksan ni Clarence ang pinto ng kwarto niya, hinawakan ang kamay ni Mari at pagkapasok niya’y hinila ang asawa sa loob. Nang maisara na ni Clarence iyon ay napasandal si Mari sa pi
HAWAK ni Mari ang tablet niya nang maupo siya sa sala. Pinapanuod niya mula rito ang video na nakuha ng dalawang hidden camera; ang sa opisina niya at sa apartment ni Bitsy. Naikuyom ni Mari ang kaniyang kamay kasabay ng pag gilid ng luha niya nang makita kung paanong sinaksak ng tauhan ni Kate ang walang kalaban-labang Bitsy. Napalunok siya upang pigilan ang h’wag humikbi.Halos tatlong araw na walang maayos na tulog sina Clarence at Mari dahil sinamahan nila ang technician habang inaayos ang laptop at ma-restore ang video. “Stop it, Mari,” sabi ni Clarence. Kinuha niya ang tablet kay Mari at nilagay ito sa center table saka siya tumabi rito.“I don’t get the point, Clarence. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kasama si Kate. Na bakit kailangan pa niyang mangdamay ng ibang tao?” mangiyak-ngiyak na wika ni Mari. “H’wag mo na isipin iyon, Mari. Basta alam na nating masamang tao si Kate.” Napabuntong-hininga si Clarence at sa mukha niya ay may halong pag-aalala ay pagkadismaya
HULING araw na ni Bitsy nang bumisita si Mari sa chapel. Mabuti na lang ay nakahabol siya pagkatapos ng limang araw na pagpapahinga niya sa ospital. Umuwi na rin ang mga kaibigan niya sa Baguio. Hindi na niya sinama pa ang mga kaibigan at pamilya niya sa lamay dahil gusto niyang mapag-isa.Pagpasok ni Mari sa loob ay dinig niya hikbi ng pamilya sa pagkawala ng sekretarya niya. Sa bawat paghakbang niya patungo sa kabaong ni Bitsy ay unti-unti niyang nararamdaman ang matinding bigat at panghihinayang. “I’m sorry, Bitsy.” Iyon lamang ang lumabas sa bibig niya at saka tumulo ang kanyang luha. Pagkatapos niyang tingnan ang labi ng sekretarya ay lumapit siya sa ina nito upang makiramay. “I am sorry for your loss, M’am Merideth. Nakikiramay ako,” malungkot niyang sabi sa ina ni Bitsy. Hahawakan niya sana ang balikat nito nang bigla siyang tinulak palayo. “Ikaw! Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang anak ko!” sigaw ng nanay ni Bitsy na may halong pagbibintang. Nagdulot ng malak
HABANG busy ang mga tauhan ni Inspector Cruz sa paghahanap ng mga hidden camera sa loob ng apartment ay naroon si Bogart, nagpapanggap ito biglang isang parte ng team. Isang bulalas ang bumasag sa katahimikan nang matagumpay na itinaas ng isang pulis ang isang maliit na camera na nakita niya mula sa tv. “May nahanap akong hidden camera!” anunsyo niya. Napatingin ang lahat sa pulis na iyon at saka lumapit si Bogart dala ang ziplock na ang laman ay mga nakolektang hidden cameras ng apartment. Binuksan niya ang ziplock at ipinasok ng pulis camera.Malalim na ang gabi at pagod na pagod na ang mga pulis dahil umabot ng alas dos ng madaling araw ang imbestigasyon.Sa wakas ay nagsalita na si Inspector Cruz upang tapusin na ang operasyon. “Alright, let’s wrap up!” sabi niya.Bumaling ang tingin ni Inspector Cruz kay Bogart na nakatayo pa rin habang hawak ang ziplock. Nakaramdam siya ng lamig at napalunok. Nanlilisik ang mga mata ng inspektor na may halong panghihinala. May kung anong likid
TAHIMIK na nakahiga si Mari sa kama nang pumasok bigla si Clarence sa kwarto niya. Napansin ni Mari ang pagod at paghahabol hininga nito. Kunot ang noong pinagmasdan niya ang asawa. “Anong nangyayari sa’yo?” tanong niya. Huminga nang malalim si Clarence. “Bitsy is dead. Someone killed her!” nginig ang boses niyang sinabi iyon. Napasinghap si Mari. Pumasok sa loob ang mga kasama niya nang marinig iyon. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa balita.Pagod at pinagpapawisan si Clarence dahil sa kamamadali niyang bumalik sa ospital. Umupo siya sa tabi ni Mari upang magpahinga.“And how about the video?” tanong ni Mari.“Inspector Cruz is trying to locate Bitsy's corporate laptop. They might call any moment. They're still investigating,” tugon niya.Napatingin sa malayo si Mari at biglang gumilid ang luha niya. Hindi niya inakalang madadamay ang secretary niya rito. Malaking responsibilidad din ito sa kanya at kasabay no’n ay nakokonsensya siya.“This is all my fault,” ani Mari sa sarili.
One hour ago… Madilim ang kalye habang naglalakad si Bitsy pabalik sa apartment niya. Wala na kasi siyang oras magluto kaya sa convenience store na lang siya bumili ng dinner. Habang naglalakad sa pasilyo patungong apartment ay may nakita siyang anino at yapak na tantya niyang isang lalaki na parang sinusundan siya. Nagmadali siyang lumakad hanggang sa nakabalik siya. Pagdating niya sa loob ay agad siyang dumiretso sa kusina. Nahagip ng kanyang mata ang mahinang liwanag mula sa nakabukas na corporate laptop ng Harrington sa ibabaw ng lamesa. Hindi pa kasi niya nai-su-surrender ito dahil may mga importanteng files pa siyang kailangan kunin upang matulungan niya ang boss niyang si Mari. Umupo siya sa lamesa at sinuri ang laptop niya. May mga nakatagong footage ang laptop niya galing sa hidden camera at kailangan niya i-upload ito sa email at maipadala kay Mari. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa progress bar sa screen. “Sixty five percent pa lang?” reklamo niya rito haban
KUNOT ang noo at palakad-lakad si Kate sa gilid ng pool habang hawak niya ang red wine glass. Patuloy na ginugulo ang isip niya nang dahil sa sinabi ni Mari tungkol sa hidden camera sa opisina nito. Napahinto siya sa ginagawa niya nang magsitindig ang mga balahibong ma-realize na baka iyon ang magpapabagsak sa kanya. “What’s the problem, Kate?” tanong ni Silvana na kanina pa nakaupo sa foldable lounge chair habang pinagmamasdan ang anak. Nang pagod na ang mga paa ni Kate ay umupo siya katabi ng mommy niya. “I have a big problem, Mom. May hidden camera sa opisina ni Mari at kailangan ko iyon mabura,” nababahalang sabi ni Kate. Ngumisi lang si Silvana. Kinuha niya ang kanyang kape sa side table saka niya sinimsim iyon. Napatingin si Kate sa mommy niya habang inaabangan ang sunod nitong sasabihin. “Malaki ang posibilidad na ang secretary ni Mari ang may hawak no’n. Nabalitaan kong naaksidente si Mari at sinugod sa ospital.” Nanlaki ang mata ni Kate. Natuwa siya nang marinig iyon.
NASA mansyon na si Clarence at halos mag-iisang oras na siyang naghihintay ngunit wala pa ang asawa niya. Panay lakad niya sa sala at patuloy ang pag-usisa niya sa labas nagbabakasakaling nakaparada na ang sasakyan ni Mari. Nakailang tawag na siya sa kanyang cell phone pero hindi siya nito sinasagot. Napansin ni Epiphania ang bawat galaw ni Clarence. Pati siya ay nababahala na rin dahil wala na siyang balita kay Mari. “Wala pa rin ba ang apo ko?” tanong niya nang lapitan niya ito. Umiling si Clarence. “Hindi po siya sumasagot.” Nginig ang kamay ni Clarence. At sa bawat segundong lumilipas ay mas lalo siyang kinakabahan. Binalik niya ang kanyang isip kanina nang pumasok siya sa opisina. Dala-dala ni Mike ang tablet niya habang nagmamadaling pumasok ito sa opisina ni Clarence. Kunot ang noo niyang binigay iyon sa boss. “Sir, trending ngayon si Mari sa social media,” wika ni Mike nang ipakita ang article. Hinawakan ni Clarence ang tablet at napahinto siya nang bumungad sa k
MATAGUMPAY na ngiti ang ginawa ni Kate. Masaya siyang makitang nababalisa na si Mari. “See? Ang DNA na mismo ang nasabi na hindi ka parte ng pamilyang ito, Mari,” sabi ni Kate na may halong pangungutyang boses. "You've caused enough trouble, Mari. Leave this house and never come back," utos ni Silvana rito. Ilang segundo ang nakalipas ay kumunot ang noo ni Silvana. Hindi pa rin kasi umaalis ito. “Ano? Hindi ka pa aalis sa mansyon?” Nilakasan ni Silvana ang boses niya. “Guard!” Agad na pumasok sa sala ang gwardya nila. “Yes po, Ma’am?” “Kaladkarin niyo nga palabas itong kutong lupa. Siguraduhin niyo lang na hindi na siya makakaapak pa sa mansyong ito!” inis na sabi ni Silvana. Agad na hinawakan ng gwardya ang braso ni Mari. “Bitawan mo ako! Kaya kong maglakad palabas ng mansyon!” pagpumiglas na sabi ni Mari kaya agad naman siyang binitawan ng gwardya. Bago umalis si Mari ay lumingon muna siya sa kanila. "Someday, you'll regret treating me like this. And I'll make sure of it.
NGINIG ang kamay at halos mabitawan ni Mari ang cell phone niya at napaupo siya muli sa kanyang kama. Hindi siya makapaniwala sa balitang si Kate pala ang tunay na Harrington at hindi siya. Nag-trending pa sa social media ang nangyari sa kanila ni Estefan. Umiling si Mari. “That’s not true. Ako ang totoong Harrington, hindi si Kate,” aniya habang nakatingin siya sa malayo.Naguguluhan siya. Paano nalaman ni Estefan ang tungkol kay Mr. X? May kinalaman ba si Kate rito? Ilang sandali pa ay muling bumalik si Epiphania sa kwarto. “Mari,” malungkot na sabi ng matanda saka hinagkan ang apo. “Narinig ko ang balita sa TV tungkol sa nangyari. Alam kong na-frame up ka. Alam kong hindi totoo ang sinasabi nila. Hindi totoong hindi ikaw ang Harrington. Mabait si Sharon, hindi niya magagawa ang lokohin ang pamilya niya lalo na si Robert.” Tulalang bumagsak ang mga luha ni Mari habang yakap siya ni Epiphania. May takot na bumabalot sa isipan niya. Nag-aalala siya sa kung ano ang iisipin ng mga