Share

You Are My Savior
You Are My Savior
Author: AtengKadiwa

Ang Pagtakas

Author: AtengKadiwa
last update Last Updated: 2022-05-24 14:42:49

Rhianna'sPOV

Heto ako ngayon nakaupo sa kama. Hinihintay ang pagpatak ng malaking kamay ng orasan sa 12. Balak kong tumakas ngayong hating-gabi. Gusto kong takasan ang aking amain na isang Drug Lord. 

Ikinulong kami sa isang lugar na hindi basta-basta matatagpuan. Ayaw ko mang iwan ang aking ina at kapatid pero kailangan. Kailangang ko silang mailigtas sa kamay ni Don Ysmael. Tsaka ko nalang iisipin kung paano siya mahuhuli, ang mahalaga mailigtas ko muna ang aking Ina at kapatid.

Nang mamatay ang aking Ama labing-walong taong gulang pa lamang ako ay nag-asawa muli ang aking ina at ang nagtagpuan niya ay si Don Ysmael, na hindi alam ng aking ina ang totoong pagkatao nito. Nang malaman ng aking ina ang pagkatao ni Don Ysmael ay ikinulong kami sa takot na baka magaumbong kami sa mga awtoridad.

Kaya wala akong nagawa ng ikulong kami sa isang katamtamang laking bahay na malayo sa kabihasnan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kapag tumakas ako. Kung makakatakas nga ba ako o baka mahuli din ako ng mga tagapagbantay sa gagawin kong pagtakas.

Itinali ko na ang pinagdugtong-dugtong ko na tela sa kama na siyang gagamitin ko sa pagbaba sa bintana. Sa bandang iyon ng bintana ay hindi ako makikita ng mga tagapagbantay ng mansyon dahil tago iyon.

Malapit na maghating-gabi. Pinuntahan ko ang silid ng aking ina at bunsong kapatid na si Ylona. Binuksan ko ang pinto sapagkat hindi iyon naka-lock. Pumasok ako sa loob ng hindi nila namamalayan. 

Pinagmasdan ko sila, dahil ito na ang huling pagkakataon na masisilayan ko ang kanilang mukha. Dahil hindi ko alam kung kailan ko ulit sila makikita. Labag man sa kalooban ko ang gagawin ko dahil maiiwan ko sila. Ito lang ang tanging paraan para mailigtas ko sila. Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Naglandas iyon sa aking pisngi, agad ko iyong pinahid gamit ang likod ng palad ko. 

Lumabas na ako ng kanilang kwarto at dahan-dahan isinara ulit ang pinto. Nagtungo ako sa aking kwarto at saktong alas dose na ng gabi. Sana gumana ang mga plano ko ngayon, dahil ito lang ang tanging paraan para mailigtas ko ang aking ina at kapatid. Walang mangyayari kung magkukulong ako dito sa bahay na ito.

Kinuha ko ang ang pinagbuhol-buhol na tela at iniladlad iyon sa bintana. Hindi ko mapigilang mapalunok. Paano kung mahuli ako? Anong gagawin sakin ni Don Ysmael? Bahala na. Basta ang mahalaga sinubukan ko. Siguro naman hindi nila mapapansin ang aking pagtakas dahil kadalasan sa ganitong oras tulog ang mga tagapagbantay.

Lumapit ako sa bintana at dahan-dahan nagpadausdos pababa gamit ang tela na iniladlad ko. Nang dumantay ang mga paa ko sa lupa ay hindi ko mapigilan na mapabuntong-hininga. Kinakabahan ako at natatakot sa mga sandaling iyon.

Nilakad ko ang kakahuyan. Dahil ang bahay ay napapalibutan ng mga matatayog na punong-kahoy. Ibig sabihin ang bahay ay nasa gitna ng kagubatan. 

Nang mapansin kong walang sumusunod sakin agad akong tumakbo. Tumakbo ako sa kakahuyan na hindi alam kung ano ang dulo niyon. Sana sa dulo nito ay may makita akong kalsada at baka sakali may magligtas sakin. Sana. 

Tumakbo ako ng tumakbo. Kahit nasusugutan na ako dahil sa mga halaman na nasasagi ko. Wala sakin yun ang mahalaga makatakas ako. Hindi ko alam kung ilang minuto akong tumakbo. Hanggang sa nagpasya muna akong magpahinga. Nakaramdam ako ng uhaw sa ginawa kong pagtakbo. Umupo muna ako sa isang matayog na punong-kahoy at isinandal ko ang aking katawan doon.

Ilang sandaling pagpapahinga at nagpasya akong tumayo at ituloy ang pagtakbo. Takbo lang ng takbo ang ginawa ko. Mahapdi ang mga sugat na sanhi ng halaman na nasasagi ko. Pero balewala sakin iyon. Hanggang sa may makita akong labasan sa kakahuyan. Subalit nanghihina na ang aking katawan. 

Nang marating ko iyon. Bigla-bigla ko nalang naramdaman ang pagod, uhaw at pagkahilo. May nakita akong ilaw ng isang sasakyan na papalapit sa kinaroroonan ko. Ikinaway ko ang aking mga kamay para malaman niya ang aking presensya. Nang makalapit iyon ay agad iyon huminto sa kinaroroonan ko. 

Lumabas ang sakay niyon at nabungaran ko ang isang lalaki na sa tantya ko nasa anim na talampakan ang taas. Maganda ang pangangatawan. At may mapupungay na mata. Napukaw ang aking pagsipat sa kanya ng magsalita siya.

"Miss anong nangyari sayo?" tanong niya sakin.

Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa. Naasiwa ako sa ginawa niya kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Sumakay ka na, ipapagamot kita sa co-iagent ko." wika niya.

Nag-aalangan pa ako kung sasakay ba ako o hindi. Sa panahon ngayon hindi natin malalaman kung mapagkakatiwalaan ba ang isang tao. Dahil kahit matagal mo ng kakilala, trinatraydor ka pa. Naramdaman siguro niya na nag-aalangan ako.

May kinuha siya sa bulsa ng pantalon. Pitaka, may kinuha siya doon at tsaka ibinigay yun sakin. Isang ID. Kinuha ko iyon at mula sa liwanag na nagmumula sa buwan, nabasa ko ang pangalan niya.

"Leonardo Estralta Jr." bigkas ko sa pangalan niya. May Agent na nakasulat sa ibaba ng pangalan niya.

"Oo, pasensya ka na, isinunod kasi ang pangalan ko sa ama ko kaya ganiyan ang pangalan ko." aniya.

"Wala naman masama sa pangalan mo." wika ko. 

"Sumakay ka na." aniya at sumakay na sa unahan ng kotse.

Agad akong sumakay sa likuran ng sasakyan niya. Nagmukha tuloy siyang driver ko. Agad niyang pinaandar ang sasakyan. Isa siyang Agent kaya mapagkakatiwalaan siya. Pwede niya ako matulungan. Makakatulong sa akin para mailigtas ko ang aking ina at kapatid.

Pero paano kung hindi pala siya Agent? Paano kung nagpapanggap lang siya? Wala na akong choice. Kung gagawan niya ako ng masama. Wala na akong magagawa doon. Marahil hanggang dito nalang talaga ako. May kinuha siya sa bag niya. Iniabot niya sakin ang alcohol at bulak. 

"Lagyan mo ang mga sugat mo ng alcohol para kahit paano mawala ang pagdurugo." wika niya.

Doon ko lang napansin ang aking mga sugat na may bahagyang pagdurugo. Kinuha ko ang iniaabot niyang alcohol at bulak. Nilagyan ko ng alcohol ang bulak at tsaka idinampi iyon sa mga sugat ko. Napaungol ako sa sakit. Nilingon ako ng lalaki.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya sakin.

"Oo ayos lang ako. Masakit lang dahil nadampihan ng alcohol ang mga sugat ko. May tubig ka ba dyan? Medyo nauuhaw kasi ako." wika ko.

Sobrang nauuhaw na ako dahil sa tagal ng pagtakbo ko. May kinuha siya sa bag niya, isang tumbler na may lamang tubig. Boy Scout? Laging handa? Iniabot niya sakin iyon. Kinuha ko iyon.

"Salamat." tugon ko. Sa ginawa niya siguro naman pwede ko na siyang pagkatiwalaan. Paano kung ginagawa niya lang yun para makuha ang loob ko? Hays. Tsaka ko nalang iisipin yan kapag narating na namin ang destinasyon namin.

"Sa itsura mo, nanggaling ka sa matagal na pagtakbo sa kagubatan. Bakit ka nandoon?" tanong niya sa sakin.

"Saan ba tayo pupunta?" hindi ko sinagot ang tanong niya. Kailangan ko muna malaman kung saan kami pupunta.

"Sa mga kasamahan ko. May meeting kami ngayon. Urgent meeting." sagot niya sakin. Minabuti kong sagutin ang tanong niya kanina.

"Tumakas ako sa amain ko, ikinulong niya ako kasama ng aking ina at kapatid sa isang bahay sa gitna ng kagubatan." sagot ko.

Naalala ko na naman ang aking ina at kapatid. Ano kaya magiging reaksyon ng mga ito kapag nalaman na wala na ako sa bahay? Minabuti kong huwag nang sabihin ang disisyon ko dahil ayaw kong mapahamak sila.

"Handa kitang tulungan. Palagay ko naman nagsasabi ka ng totoo." aniya.

Wala akong panahon para manloko. Gusto kong idagdag. Subalit, minabuti ko nalang na tumahimik. Sa katunayan, may utang na loob ako sa kanya. Hindi ito ang panahon para magalit ako dahil kailangan ko siya para mailigtas ang aking ina at kapatid. 

"Malapit na tayo sa Head Quarters." wika niya.

Natanaw ko di kalayuan ang isang kontretong bahay. Simpleng bahay lang iyon na hindi mo aakalain na Head Quarters pala. Pumasok kami sa gate na nakaawang. May mga ilang sasakyan na rin na nandoon, marahil sasakyan ng mga kasamahan niya. Pagkapasok ng sasakyan niya sa loob ay ipinark niya iyon di kalayuan. Agad akong umibis ng sasakyan. May lumapit samin na lalaki na may maputing kutis at magandang pangangatawan. Tumingin ang lalaki sa akin.

"Agent Leonardo Estralta Jr. Baka pwede mo naman akong ipakilala sa kasama mong babae?" wika ng lalaki kay Leo ng makalabas siya ng sasakyan. Hindi niya sinagot ang tanong ng lalaki bagkus lumapit sakin si Leonardo at kinuha ang kamay ko.

"Nasaan si Alexandra, Harold? Sugatan ang kasama ko at kailangan niyang magamot." tanong niya sa kasama niya na Harold pala ang pangalan.

Doon ako sinipat ng mabuti ni Harold. Marahil hindi niya napansin kanina na may mga sugat ako dahil may kadiliman ang lugar kung saan nag-park ng kotse si Leonardo. Naglakad kami patungo sa loob ng Head Quarters habang nakasunod si Harold.

"Napano yan pre?" tanong ni Harold.

"Mamaya ko na sasabihin Harold." sagot naman ni Leonardo.

Nang makapasok kami sa loob. Nabungaran ko ang isang lalaki at dalawang babae na nakaupo sa mahabang sofa. Huminto kami sa tapat ng mga ito. 

"Alexandra, maaari mo ba siyang gamutin saglit?" tanong ni Leonardo sa isang babae na may pagka-kulot ang buhok. Tumayo ang babae at sinipat ako. Nakatingin din samin ang iba.

"Napano ba siya Leo?" tanong ni Alexandra.

"Mamaya ko na sasabihin ang lahat ng nangyari. Sa ngayon kailangan siyang magamot." sagot ni Leonardo sa kanya. Tumango naman si Alexandra.

"Halika Miss." Iginiya ako ni Alexandra sa isang pinto at binuksan iyon. 

Tumambad sakin ang dalawang kama na magkatabi at isang cabinet na nasa kanan ko. Iginiya niya ako sa kama at nagtungo naman siya sa cabinet. May kinuha siya roon.

Related chapters

  • You Are My Savior   Ang Pagtulong

    Lumapit siya sa sakin at sinimulang gamutin ang mga sugat ko. Napa-aray ako sa pagdampi niyon sa aking balat. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit na dulot ng mga sugat ko. Hindi ko naramdaman yun kanina dahil ang atensyon ko ay nakatuon sa gagawing pagtakas idagdag pa ang presensya ni Leonardo. Iwinaksi ko agad sa aking isipan ang bagay na yun, kailangan kong pagtuunan ng pansin ang gagawing pagligtas sa aking ina at kapatid. Pagkatapos, ay nilagyan niya ng band aid ang mga malalaking sugat. Tiningnan ko si Alexandra. Maganda ito at maliit ang mukha. Tumingin siya sakin at ngumiti."Ayan, okay na. Gusto mo bang sumama sa loob? Hindi naman pwedeng iwan kita dito ng mag-isa." wika niya sabay ligpit ng mga gamit."Ayos lang ba? Hindi ba ako makakaabala?" tanong ko.Bago pa man siya makasagot, biglang may kumatok sa pintuan at binuksan iyon. Tumambad samin ang lalaking nakaupo kanina sa sofa. Mahaba ang buhok na naka-ponytail."Alexandra, tara na. Magsisimula na tayo. Nandyan na si Agent

    Last Updated : 2022-05-24
  • You Are My Savior   Sa Iisang Bubong

    "Hindi pwede, dapat may kakayahan sa paghawak ng baril ang dapat maging myembro namin. At sumasailalim pa sa mga masusing pagsasanay." kontra sakin ni Leonardo.Ano ngayon kung hindi ako marunong humawak ng armas o ng baril? Natututunan naman yun diba? Minabuti ko nalang na manahimik baka mapunta pa sa pagtatalo kapag iginiit ko ang gusto ko.Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Minabuti ko nalang na ipako ang paningin ko sa labas ng bintana. Madilim pa ang paligid, tanging paghampas ng hangin sa mga punong-kahoy ang naririnig ko. Hindi ko na rin matandaan kung saan niya ako natagpuan kanina. Ipinasya kong ipikit nalang ang aking mga mata para makatulog.Isang pagyugyog sa aking balikat ang gumising sakin. Nagmulat ako ng mga mata. Nasilayan ko si Leonardo na siyang palang may kagagawan kung bakit ako nagising."Nandito na tayo, sa aking bahay." aniya at tsaka inilayo ang mukha sa akin. Bumaba siya ng kotse at naglakad papunta sa bahay. Minabuti ko narin na lumabas ng kotse

    Last Updated : 2022-05-24
  • You Are My Savior   Transaksyon Ng Droga

    "Pasensya na, akala ko kasi wala siyang boyfriend e. Aalis na kami." wika niya at umalis na sa kanyang harapan. Nilingon ko si Leonardo na nakahalukipkip ngayon."Hindi mo dapat ginawa yun sa kanya, napahiya tuloy yung tao. Nakikipagkilala lang naman siya." wika ko. Oo nga, anong masama kung makipagkilala siya sa isang lalaki. Tumingin siya sakin mula sa pagtanaw sa lalaki."Sa kagaya mong tumakas, dapat maging maingat ka sa mga kinakausap at pinapakisamahan mo. Hindi ka dapat nagtitiwala basta-basta." seryuso niyang sagot.Natigilan ako. Tama siya. Bakit hindi ko naisip yun? Hindi nga dapat ako nakikipag-usap kung kani-kanino. Kinuha nito sa kamay ko ang basket na naglalaman ng mga pinamili ko."Bayaran na natin ito. Para makaalis na tayo. Pupunta pa ako sa Head Quarters. May pagsasanay kaming gagawin." wika niya at naglakad na papunta sa Counter. Sinundan ko siya patungo roon."Pwede ba akong sumama?" tanong ko sa kanya.Nilingon niya ako at tsaka ibinalik ulit ang tingin sa unahan.

    Last Updated : 2022-05-24
  • You Are My Savior   Kagandahang Loob

    Lumabas na sina Alexandra at Harold sa karinderya kasama ang dalawa. Tiningnan ko ang paligid ng karinderya. Mukhang shock pa ang mga tao sa nangyari. "Tara na. May pag-uusapan tayo." wika ni Leo sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at tinungo na namin ang labasan ng karinderya. Lumingon ako para tingnan si Brandon na nasa likuran namin. Nakita kong nakatingin siya sa kamay ko na hawak ni Leo. **Narating na namin ni Leo ang sasakyan. Agad niyang binuksan ang passenger's seat. Sumakay ako doon. Himala, gentleman? Umikot siya sa driver's seat. Pinaandar na niya ang kotse at sinundan namin ang kotse na lulan sila Harold at Alexandra. Tumingin ako sa likuran. Nakasunod samin si Brandon. "Bakit mo ginawa yun?" tanong sakin ni Leo. Alam niya na ang ibig sabihin niya. Yung ginawa kong pagsipa sa kamay ng lalaking naka-shade. "Para iligtas ka. Eh mukhang sasaksakin ka na e." sagot ko. "Hindi mo na dapat ginawa yun, kaya ko ang sarili ko." depensa niya. "Ano ba ang mali sa ginawa ko? Kay

    Last Updated : 2022-06-01
  • You Are My Savior   Parte Ng Samahan

    Leonardo'sPOV Hindi ko alam kung bakit nasabi ko ang mga bagay na yun kay Rhianna. Umupo ako sa upuan sa salas at nahilamos ko ang aking kamay sa mukha. Hindi ko maiwasan humanga sa kanya dahil sa angkin niyang kagandahan. Maputi, makinis ang balat, bilugang mga mata, at bilugang mukha. Unang kita ko palang sa kanya ay nakaramdam na ako ng atrasyon sa kanya. Lalo na kanina noong nasa Gigi's Carenderia kami habang itinutok ko sa lalaking naka-shade na napag-alaman kong Carlo Sañiego ang pangalan. Bigla nalang siyang tumayo at sinipa niya ang kamay ni Carlo Sañiego. Sobra akong nag-alala na hindi ko mawari. Sa katunayan, magaling siya. Idinadaan ko nalang sa pagsusungit ang atraksyong nararamdaman ko sa kanya. Naalala ko tuloy noong nasa Head Quarters kami at madatnan ko siyang masayang nakikipag-usap kay Brandon. Hindi ko maiwasan makaramdam ng selos, na hindi ko dapat nararamdaman sa kaniya. Iwinaglit ko sa aking isipan ang aking mga iniisip at nagpasyang kunin ang mga damit ko sa

    Last Updated : 2022-06-01
  • You Are My Savior   Ang Pagsasanay

    Rhianna'sPOV"Rhianna, gusto ko maging parte ka ng aming samahan." wika ni Leo sa kanya habang nakatalikod ako at nakaharap sa niluluto ko.Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Gusto niya na akong isama sa grupo nila? Agad akong lumingon sa kanya. Nagtama ang aming mga mata. Bigla akong nakaramdam ng pagkaasiwa."Seryuso ka ba? Diba sabi mo kailangan magaling humawak ng armas o baril ang magiging myembro niyo?" wika ko. Natatandaan ko na yun ang sinabi niya sakin noong hiniling ko na maging parte ako ng samahan nila."Nagresign si Dianne dahil gusto na nito magfocus sa mga anak. Kaya nagpapahanap si Agent Jerald ng papalit sa kanya. Natututunan naman ang mga yun." wika nito at nginitian ako. Naninibago ako sa kanya. Nagiging palangiti na siya."Salamat Leo." wika ko at tsaka ibinalik ang pansin sa niluluto. Mukhang maganda ata epekto ng pancake na niluto ko."Basta dadaan ka sa masusing pagsasanay. Bilang Agent, katambal niyon ang panganib sa buhay mo. Kaya

    Last Updated : 2022-06-01
  • You Are My Savior   San Sebado

    "Sino ang nagbigay sayo ng Droga?" tanong ni Leo kay Carlo Sañiego na ngayon ay nakaupo habang nakaharap sa amin. Nasa tabi nito ang payat na lalaki na mukhang takot na takot. Narito kami sa silid kung saan may maliit na selda sa gilid kung saan natulog ang dalawa kagabi. May mesang sakto ang laki na nakaharap kay Carlo Sañiego. Nasa gilid nito si Leo at nakatayo. Sina Brandon, Faith at Alexandra ay nakaupo sa upuan na nasa mesa nakaharap kay Carlo Sañiego. Ako nandito sa isang tabi at nakikinig sa usapan nila."Bakit ko sasabihin? Hindi ko gusto mapahamak ang mag-iina ko." wika nito. Tumayo si Brandon at lumapit dito."Kung makikipagkaisa ka samin. Sabihin mo kung nasaan ang mag-iina mo at ililigtas namin sila. Titiyakin namin na magiging ligtas siya sa aming pangangalaga" wika ni Brandon."Si Don Ysmael, siya ang pinaka-pinuno. Inuutusan lang ako. Narinig ko sa usapan ng mga nag-utos sakin. Kapag di daw ako sumunod at nagsumbong ako, mapapahamak ang mga anak ko pati ang asawa ko.

    Last Updated : 2022-06-01
  • You Are My Savior   Ang Pag-eensayo

    Pagkatapos naming maidala si Mrs Sañiego sa isang lugar na ligtas kung saan mga Agent lang ang nakakaalam. Agad kaming bumalik sa Head Quarters para sa pagsasanay. Alas tres na ng hapon ng makarating kami. Pagkababa ko ng sasakyan ay agad kaming nagtungo ni Leo sa likod ng Head Quarters kung saan saan ginaganap ang pagsasanay. May nakasabit sa gitna na isang papel na may nakaguhit na tao. Hindi pa nagsisimula ang pagsasanay."Halika upo tayo doon kina Faith." yaya sakin ni Alexandra at kinuha ang kamay ko patungo sa gilid kung saan nakaupo si Faith. Iniwan ko si Leo na kausap si Harold. Umupo kami sa bakanteng silya na nasa tabi ni Faith. Lumingon sakin si Faith. Ngumiti siya sakin."Ikaw yung dinala ni Leo na sugatan diba?" tanong niya sakin."Opo, Agent. Ako nga po." wika ko sa kanya."Masyadong pormal. Just call me Faith. What's your name?" Inilahad nito ang kamay sakin at tinanggap ko iyon."Rhianna, Rhianna Evangelista." wika ko."Sandali, naiihi ako. Punta lang ako sa CR." paa

    Last Updated : 2022-06-01

Latest chapter

  • You Are My Savior   Kompletong Pamilya (Special Chapter 2)

    "AKO NA dyan baby. Patulugin mo nalang ang mga bata." wika ko kay Rhianna."Okay baby." aniya tsaka binigyan ako nang mabilis na halik sa labi. Nang matapos akong maghugas nang pinggan. Lumabas ako nang kusina at umakyat nang hagdan patungo sa ikalawang palapag. Sumilip ako sa bahagyang nakabukas na pintuan nang kwarto nang aking mga anak. Kinukumutan ni Rhianna sina Leonna at Rheonard."Goodnight Mami." wika ni Leonna. "Night Mi." wika naman ni Rheonard."Goodnight." ani Rhianna at kinintalan nang halik sa noo ang kanilang panganay at bunso. Pumikit na ang mga ito para matulog. Lumingon sa kinaroroonan ko si Rhianna. Pumasok ako at niyakap siya sa bewang at kinintalan nang halik ang balikat niya."Ang sarap nilang pagmasdan baby." wika ko sa kaniya."Oo nga eh. Tara na sa kwarto para makapagpahinga na tayo." wika ni Rhianna. Agad akong kumalas mula sa pagkakayakap sa kaniya at inakbayan siya. Sabay kaming naglakad patungo sa aming silid. Nang makahiga na kami. Umunan si Rhianna sa

  • You Are My Savior   A Family (Special Chapter 1)

    7 Years Later."Nina!" tawag ko sa tagapag-alaga nang aking apat na taong gulang na si Rheonard. Nandito ako sa kwarto at inaayos ko ang aking sarili. Susunduin ko si Leonna sa paaralan. Masaya ako dahil sa lumipas na pitong taon na aming pagsasama. Naging matatag kami. At nagkaroon kami ni Leonardo nang dalawang anak. Isang buong pamilya."Yes Ate?" tanong sakin ni Nina nang makapasok siya sa kwarto. Lumingon ako sa kaniya. "Wow Ate! Ang ganda mo naman. Tiyak na mabibighani mo na naman si Kuya Leonardo niyan." wika niya na may panunukso sa tinig. Natawa ako sa sinabi niya. Malapit lang si Nina sa bahay. Kaya kapag nandito na si Leonardo, umuuwi na rin siya. Hindi naman palgi nasa opisina si Leonardo, minsan nandito sa bahay para magbantay at mag-alaga kay Rheonard."Palagi naman eh. Bantayan mo si Rheonard. Huwag ka na magluto. Ako na ang magluluto pagkauwi namin." wika ko sa kaniya. "Okay Ate. Mag-iingat ka." wika niya. Ngumiti ako sa kaniya at tumango."Ofcourse. Mauna na ako Nin

  • You Are My Savior   Mrs. Rhianna Estralta

    Hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na ako ngsyon kay Leonardo Estralta Jr. Habang nakatitig ako sa salamin at inaayusan ng make-up artist na si Kara, hindi ko maiwasang mapabumuntong-hininga. Kinakabahan ako na naeexcite. Ganito siguro ang pakiramdam kapag ikakasal ka. "Kanina ka pa po bumubuntong-hininga Ma'am. Feel nervous?" tanong sakin ni Kara na siyang make-up artist ko. Nagsalubong ang aming mata sa salamin."Kinakabahan kasi ako na naeexcite." wika ko. Ngumiti siya sakin."Ganiyan po talaga Ma'am. Kahit din po ako noong ikasal ako. Ganiyan din po ang nararamdaman ko sa nararamdaman niyo." wika niya. Ngumiti ako sa kaniya bilang tugon. Nagpatuloy na ito sa ginagawa sa aking buhok. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Hindi ko akalain na ako ang nasa harapan nang salamin. Hindi sa nagbubuhat ng bangko. Pero parang hindi ako ang nasa salamin, napakaganda ko nang mga sandaling iyon. Marahil nasa simbahan na si Leonardo para hintayin ako. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ilang

  • You Are My Savior   Estralta Family

    "KINAKABAHAN ako." wika ko kay Leo tsaka siya sinulyapan. Papunta kami ngayon sa mansiyon ng pamilya Estralta. Ito ang unang pagkakataon na makikita ko ang magulang ni Leo. Hindi ko mapigilang isipin kung mababait ba sila? Makakasundo ko ba sila? Hinawakan ni Leo ang kamay ko na nasa hita ko at pinisil iyon. Yung isang kamay niya ay nakahawak sa manibela. Tinapunan niya ako nang tingin at muling ibinalik sa daan."Mababait ang mga magulang ko Baby. Huwag kang kabahan tiyak na makakasundo mo sila." wika niya. Bumuntong-hininga ako para mawala ang kabang kanina ko pa nararamdaman. Dahil sa sinabi niya kahit papaano nawala ang agam-agam sa aking katawan."Naniniwala ako Baby. Hindi ko lang maiwasang kabahan. Matatanggap kaya nila ako? Simpleng babae lang ako Leo. Wala akong maipagmamalaki." wika ko. Di ko napigilan malungkot sa sinabi ko. Paano kung tumutol sila sa relasyon naming dalawa? Paano kung tutol ang mga ito sa napagpasyahan naming pagkakasal? Biglang inihinto ni Leo ang sasak

  • You Are My Savior   Propose

    Leo'sPOVHindi ko maiwasang mapangiti habang binabagtas ko ang daan patungong Head Quarters. Ano kaya iniisip ngayon ni Rhianna? Tiyak na magugulat siya sa sorpresang inihanda ko para sa kaniya. Ni minsan hindi namin napag-usapan ang kasal. Lalo at hindi ko pa siya kasintahan. Kailangan pa bang maging kasintahan ko siya para alukin ng kasal? Napailing-iling ako. Hindi naman na yun importante dahil kahit wala kaming naging relasyon, ipinaramdam naman namin ang pagmamahal namin sa isa't-isa. Sapat na dahilan iyon para alukan ko siya ng kasal.Nang marating ko ang Head Quarters. Umibis ako sa kotse at naglakad patungo sa loob. Nadatnan ko sina Harold, Alexandra, at Faith na abala sa pag-aayos. Lumingon sila sa gawi ko."Kamusta?" tanong ko.Abala si Harold sa paglalagay ng WILL YOU MARRY ME sa isang tela na nakasabit sa wall. Si Faith naman ay abala sa paglalagay ng carpet sa sahig. Si Alexandra naman ay inaayos ang bulaklak sa vase. "Ito ayos lang naman. Basta siguraduhin mo lang na ma

  • You Are My Savior   Ang Surpresa

    Rhianna's POVIsang linggo na ang lumipas subalit walang Leonardo Estralta Jr. na dumating sa Gadione. Hindi ko maiwasang malungkot habang tinitingnan ang malawak na bukirin sa likod ng aming bahay. Sabi ni Mama, tawagan ko na daw. Pero nahihiya ako, ayaw kong isturbohin siya kung anuman ang ginagawa niya ngayon. Napabuntong-hininga ako at naglakad pabalik sa bahay. Pagdating ko sa bahay nagulat ako sa aking nadatnan. Lumingon sakin si Mama na abala sa pag-aasikaso sa aming bisita na nakaupo sa sofa sa salas."Anak, nandito ka na pala. Kararating lang ni Leo. Eh, gusto ka sana niyang puntahan sa likod-bahay. Sabi ko naman hintayin ka nalang niya na makabalik." wika ni Mama. Tiningnan ko si Leo. Nakatitig siya sakin at binigyan ako nang matamis na ngiti. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit sakin. Tumalikod ako mula sa kaniya at akmang lalabas muli ng bahay nang hawakan niya ang kamay ko at iharap ako sa kaniya. Hindi ko siya tiningnan. Naiinis ako dahil nakaya niya akong tiisin

  • You Are My Savior   Pagreretiro

    Leo'sPOV Magsasalita pa sana ako subalit mahimbing nang natutulog si Rhianna. Pinakatitigan ko siya. Hindi ko maiwasan mapangiti. Being with Rhianna is such a blessing. Sa wakas tapos na ang misyon namin. Binibiro ko lang si Rhianna nang sabihin ko na hindi ako aalis sa pagiging Aagent. Gusto ko lang malaman ang reaksyon niya. Kung magagalit ba siya? Pero nagkamali ako. Sinuportahan niya pa rin ako. Isang katangian nang babae na kailanman ay di ko naramdaman sa mga babaeng dumaan sa buhay ko. Biglang nagmulat ng mga mata si Rhianna tsaka ako tiningnan. "Bakit gising ka pa?" tanong niya sakin. Hinaplos ko ang buhok niya. Gamit ang aking daliri ay sinuklay ko iyon. "Gusto kitang bantayan." wika ko tsaka siya kinintalan ng halik sa noo. Napasimangot siya. Natawa ako sa inasal niya tsaka pinanggigilan ang ilong niya. "Matulog ka na Leo, don't worry paggising mo nandito pa rin ako sa tabi mo." wika niya. Napangiti ako sa sinabi niya. Ako din, hindi ko hahayaan na mawala ka pa sakin. "

  • You Are My Savior   Kalayaan

    Nang marating namin ang pangalawang palapag ng bahay. Sinimulan namin buksan ang bawat pinto na madaanan namin. Sa unang dalawang pinto na binuksan namin ay wala kaming nakitang tao. Nandito kami sa pangatlong pinto, pangalawa sa huling pintuan. Si Brandon ang humawak nang doorknob. Nakatutok ang hawak naming baril sa pintuan para handa kami sa anumang mangyayari. Nang mabuksan ni Brandon ang pinto. Sumambulat sa aming harapan ang tatlong kalalakihan na may hawak na baril at nakatutok sa amin. Samantalang nasa likod nila si Ysmael at prenteng nakaupo at may ngisi sa mga labi. Hindi ko maiwasang magngitngit sa galit. "Rhianna. Nandito pala ang pinakamamahal kong step-daughter. Hindi ko akalain na pagkatapos kitang pakainin at patirahin sa malaking bahay. Ganito pa ang igaganti mo?!" wika niya habang matalim na nakatingin sakin. Hindi ako natakot sa matalim na pagkakatingin sakin. "Oo pinakain mo kami. Pero ginawa mo kaming preso! At hindi ko kailanman ipagpapasalamat ang ginawa mo sa

  • You Are My Savior   Ang Pagtutuos

    Rhianna'sPOV Ipinarada ni Brandon ang kotse nito di kalayuan sa pinagtataguang mansiyon ni Don Ysmael. Bumaba na ako nang kotse. Nang makababa ako, bumaba na rin sina Brandon, Faith at Leo. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa mansiyon. Nang nasa gilid na kami ng gate ng mansiyon ay nagsalita si Brandon. "Sa harap kami ni Faith. Sa likod kayo. Magtagpo tayo sa gitna." wika ni Brandon. "Sige. Mag-iingat kayo." wika ni Leo. Tinanguan lang ni Brandon si Leo. "Kayo din. Mag-iingat kayo." wika ni Faith. "Salamat Faith." wika ko at ngumiti sa kaniya. Ngumiti din pabalik sakin si Faith. "Tara na!" wika ni Brandon tsaka hinawakan ni Brandon ang kamay ni Faith. Nakita kong napadako doon ang tingin ni Faith. Bakit? Ngayon lang ba siya nahawakan ni Brandon? "Halika na Rhianna. Mauna ka." wika ni Leo. Agad akong lumingon kay Leo at nauna nang naglakad. Nang marating namin ang dulong bahagi ng gate. "Aakyat ako?" tanong ko. "Oo, umakyat ka na dali. Tutulungan kita makaakyat." wika ni

DMCA.com Protection Status